Megumi Entirely

Por UnderdogHero

3.7K 36 9

Isang comedy-romance story na naka-sentro sa mga pinaggagagawa ko, si Main Character, upang makuha at mailigt... Más

Prologue ~
Chapter 1: Nice Guys Finish Last
Chapter 2: Pastel de Ángel
Chapter 3: The Trigger
Chapter 4: Stepping Stones
Chapter 5: Isang Malaking Sorry
Chapter 6: The Tipping Point
Chapter 7: Sobre't Ballpen
Chapter 9: Wear and Tear
Chapter 10: Once Upon An Apartment
Chapter 11: Sphallolalia
Chapter 12: Imagine
Chapter 13: Present Tense
Chapter 14: Entirely

Chapter 8: Crossroads

122 1 0
Por UnderdogHero

"Ang weird 'no Gumi? Na... halos labindalawang taon tayo nagkahiwalay sunod bigla tayong magkikita?"

"Oo nga Koko eh. Siguro nga destiny nga 'to eh."

"Gumi. Alam kong mahirap na gawin ang hihilingin ko sa'yo pero sana'y maunawaan mo't maipangako 'to sa'kin..." (sabay hawak sa kamay)

"Oh, ano ba yan Koko?" (habang pakonti-konting namumula ang kanyan pisngi)

"Ipangako mo na babalik ka ha?"

"Pangako, Koko. Pangako..." (sabay halik. Boom. Kilig)

Kaso, there's a slight miscue sa lahat ng pangyayaring yan. Panaginip lang yan. At siguro'y mauuwi nalang din sa pangarap yan kung lahat ng gagawin ko ngayong araw na ito'y magiging isang matinding failure. Or as I'd like to call it, epic fail. I mean, let's face it. Makalimutan ko lang yung sobre, plan ruined. Magkamali lang ako ng route na sasakyan, pritong palaka na ako. Actually bigla lang akong magkaroon ng diarrhea whilst nasa either parking area, waiting area or storage area lang ng airport ay siguradong bababa na yung chance kong makita't mahabol si Gumi. Mas lalo na sigurong bababa yung chance ko kung male-late ako sa flight, wait, oh my-- anong oras nga pala yung flight niya!? 

So yun pala yung parang kulang sa text niya! Kaya pala kahit na siguradong sigurado na akong mahahabol ko siya at abot Jupiter na yung confidence-level 'kong maipapakita ko sa kanya 'tong sobre na hawak ko eh parang may maliit na mali pa rin. Hindi niya binigay yung oras ng playt niya. Grabe, utang na loob naman! Pero syempre, no need to panic ako at that exact moment (kahit sa totoo lang sumasabog na yung utak ko). At ang masama dun, bago ko pa maisip ang dapat kong gawin para ma-ensure na magkikita ni Gumi, 'di ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng taxi papunta sa airport. Eh, ang muling masama dun, tigang ako. Tatlo airport dito sa city. 'Di ko pa nga alam kung siguradong dito siya sa city na kinakatayuan ko siya kukuha ng airplane papuntang US eh. I mean, hibang na ba ako? O sadyang nagmamahal lang? (Hibang ka tanga.)

Habang nandun ako seryosong napakabaho na taxi na sinasakyan ko, naisipan kong buksan ang bag na dala ko. Inayos ko lang yung mga dala kong gamit na sobrang napakarami. Payong, wallet, notebook, isa pang notebooklip gloss, lipstick (walang foundation), pencil case, isang 'di ko alam kung san ko napulot na panyo, yung pinakaimportanteng sobre at limang paketa ng Sweet Corn aka SwitkornHindi marami at higit sa lahat, parang hindi panlalake. (I'll explain kung bakit medyo pambabae yung bag ko. But I'll get to that soon.) Alala ko kasi, naghahabol ako eh. Hindi magcacamping pero anyway, at least may payong akong dala... kasi nararamdaman ko nang dumidilim na yung kalangitan. Like super dilim. Pero hindi naman siguro yung black na iniisip n'yo! (Peace!)

Anyway, after an hour, dumating na ako sa pinakapossibleng airport na puntahan niya. Eto na kasi yung pinaka pang middle class and since medyo middle-middle class si Gumi, kahit na siguro may Ferrari yung dad n'ya, well naisip kong dito sila mag-papartake ng flight onwards to the United States. Just to be sure pa nga, dinoble-check ko pa yung mga flights na papuntang US and hindi na ako nagulat. Marami siyaIba't ibang pwesto pa nga ranging from Delaware to Idaho to Arizona to Michingan to Vermont and so on! Eh pano ko malalaman kung anong flight siya diyan and kung siguradong eto nga yung airport niya? Manghuhula ako? Panalo!

"Receiving Incoming Transmission. *Ring* Receiving--"

Isang home number? Seryoso? Kala ko talaga wala nang gumagamit ng landline ngayon except siguro dun sa mga call center agents, sa mga banks, sa aking inay at syempre sa mga hipster na talagang kinamumuhan ang saya na dala ng internet. Sucks to be them. Pero mas sucky siguro maging nasa sitwasyon ko. Matagal na kasi akong hindi sumasagot ng mga landlines calls. Ever since kasi nag-prank si Gumi sa akin nung 4 kami na siya daw ang Binhi ng Kadiliman, yung dun sa Zenki? Eh talagang na-trauma na ako pero syempre, I have to answer this one.

"Ahh, hello?"

"Koko? Si Lea 'to. May nadala ka bang--"

"Leaaaa... Oh, Lea na kapatid ni Gumi! Bakit nasa bahay pa 'to?"

"Err, panyo nung magkasama kayo? Hinayupak ka, 'di mo alam last name namin?"

"Eh, basta ba kilala ko kayo ng buo eh kailangan ko pa bang malaman yun?"

"Hindi ko talaga alam kung nantritrip ka o gusto mo na matanggalan ng--"

"Akala ko ba flight n'yo ngayon? Alam mo bang mukha na akong mushroom na nakatanim sa gilid dito sa--"

"Sagutin mo muna yung tanong ko!"

"Wala. Wait, on second thought, meron--"

"Kailangan ko yan. Pumunta ka sa..."

And so at that exact moment, na-realize ko na talagang pinapanigan talaga ako ng destiny. Lahat magiging okay na. I mean, ang weird, yung napulot kong panyo, nakuha ko pala noong huling meeting naming tatlo. What a surprise. Ang mas surprise pa ay ang muli naming pagkikita ni Gumi, siguro sa isang huling beses na, pero mas okay sana kung hindi pa huli yun diba? Mabibigay ko na rin pala 'tong letter na pinaghirapan ko kagabi. Thank you lang talaga God, destiny, o kung sino mang nagpapaandar ng mundo. Salamat. 

"I'll be there."

"Thanks Koko. You're the best."

Da best talaga. I mean, I beat all the odds! And, kahit na hindi pa dumadating sina Gumi dito at 'di ko pa nasasabi ang aking mga huling paalam at hindi ko pa nabibigay etong sobreng nasa kamay ko eh parang nararamdaman ko na talaga ang tagumpay. Sarap ng feeling! Top of the world! Top 1 sa klase! Kakatapos lang mag-concert sa banyo! Ganun yung mga feeling ko... Pero as usual, may sisira ng lahat ng 'to. And as usual, hindi ko nanaman inaasahan. Bigla pa tuloy akong naging bato. Pero siguro ganyan talaga ang destiny, madalas akala mo perfect at tumpak na pero most of the time, you have to deal with it. And I did, and I hope Gumi understands the moment I see her... which, quite frankly, ay ngayon na pala.

"Koko! Dito!" *with matching wave pa si Lea*

"Uh, hi. Heto na yung panyo mo--"

Biglang nilapit ni Lea ni yung bibig n'ya. Hindi 'to yung iniisip n'yo. Nilapit niya sa tenga ko, to be exact at binulong niya:

"Sige na, alam ko namang gusto mo si ate. Gora na 'te." *tapos biglang nang-usog. Hindi masakit*

"Hi, Gumi..."

God, ang ganda niya. Baka biglang dumugo pa yung ilong ko dito at magmukha pa akong mangyakis. Hindi naman talaga. Grabe lang kasi 'tong jet black hair ni Gumi, sunod yung ngiti n'ya pa na talagang parang araw. Hindi dahil puno ng tartar kundi dahil talagang nakakasilaw talaga sa ganda. Iba ka talaga, Gumi. Iba ka talaga.

"Hi Koko! Salamat at nakarating ka. Salamat na rin pala sa pagbalik ng panyo ng bonak kong kapatid. Sensya na rin pala at--"

"It's okay. May ibibigay din naman ako sa'yo eh."

"Oh seryoso? Ay, iyan ba yung pitik na napanalunan mo nung bata tayo?"

"Alam mo, nakalimutan ko na yun eh. Kaso dahil pinaalala mo--"

"Ay, sige. Ano ba talaga yun?"

At inilabas ko na ang mahiwagan mensahe. *With matching Doraemon sounds*

"Eto oh. Kaso, promise me something."

"Na never kong bubuk--"

"Yes. 'Wag mong bubuksan yan until makaabot kang US."

"Oh sige. Pinky promise natin para talagang 'di ko talaga basahin."

And that was it. Pagkatapos ko mag-pinky promise at pitikin si Gumi pagkatapos kong magsabi ng goodbye ko sa family niya eh muli ko nanaman nakita yung sarili kong tinititigan siya habang siya'y  papaalis. Crossroads nanaman ang peg namin? Sabagay, sanay nanaman ako. Pero, as usual, naniniwala nanaman akong magkikita kami muli. Kaso, unlike last timeseryoso akong sa susunod, hindi ko na talaga siya papakawalan muli. 

Seguir leyendo

También te gustarán

50.6K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
33.9K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
396K 26.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...