Art for Heartaches (Poems)

Av TheCatWhoDoesntMeow

266K 6.3K 201

When we feel too much, we rhyme. | Poems in Filipino and English. Collection. Mer

Tulaan
Our Love is not...
Lingon
Sayang
Buti may Donut
Pagkatapos
YOU
Slow Mornings
Sand
I love you finally
Do you know it?
Silver
The Hunger
A man and a sack
Stars
A day of the tarnishing mind
Our Skies
Monochromatic
Bisikleta
Clock
Snow-cold
Love is vague
Quiet Love
And, I love you
Hide me in a dream world
Sickness
Long heartbroken
Insincere
We are Superficials
Vulnerable
Complex
Incomparable
SUN
UNREQUITED
RAIN
ULAN
Cold World
July 21st
21st of July
In a Second
The Thief
Senseless
We are Stories
In a Poem
I loved the lost time
Before You
Salita
Dear World
Quietly
For Him
Sa Panulat...
It happened
Sariling Tadhana
R.I.P Pilipinas
Skeletons
Pikit
Panginoon ng Pag-ibig
Makata
May Sala
Tiwala
Ang mga Uwak
Nasaan?
Kung Paano ako naging Puta
Visible
At our weakest
Nostalgic
The Lost Time
Before You
Do not love me easy
Know Me
Walk By, Stranger
Verse I
Verse II
Lacking
Photographs
Makabayan Poem | Untitled
Pauwi
Verse III
Kung mabibilang ang sandali
Bukas, Maaari
Araw at Buwan
Hintay Pa
Liham, Pilipinas
Isang Gabi
Ang Babaeng Dumaan
As One (Anniv poem)
They Pass
I Will Still Love You
Malaya Ka, Pilipinas
Write a Verse
Bago Ka Umalis
Pahiram
Gusto Kitang Umiyak
Kung Mahal Kita
Mahal Kita
Isang Araw Pa
Kailan Hindi Sapat Na Mahal Kita?
Isandaang Salita Maliban Sa "Mahal Kita"
100th Verses

Hindi Titigil Ang Panulat

987 15 0
Av TheCatWhoDoesntMeow

***

Hindi titigil ang pagsulat
hangga't
may mga salitang
ibig kumawala
mula sa hawla
ng emosyon,
ng pasakit,
ng paniniil,
ng panghuhusga,
ng pananahimik,
ng pananalangin,
ng pag-ibig.

Hangga't
may mga salitang
magdadalamhati
kung ito ay mahihimlay
sa lalim ng gabi
(kaya't hindi na lamang ito
magpapatulog
at kakatok nang kakatok
sa pinto ng panaginip
upang maititik
sa gitna ng antok).

Hangga't
may mga salitang
nag-iingay
sa kabila ng pagkakapinid
ng mga labi
at pagkakatali ng mga kamay
sa trabahong otso-katorse oras
(kaya't itatakas
na lamang ang pagtitik
sa tanghalian
o iluluwa sa gitna ng trapik
sa hatinggabi
mairaos lamang).

Hangga't may salitang
iluluwal ang panitik
sa tuwing magigipit
sa bulag na husgado,
sa bibig na sarado,
sa pusong naabuso,
sa luhang tumutulo
susulat, uusad,
ga-kuhol, ga-pagong man
makikipaghabulan
sa pagtakbo ng oras
maisalarawan lang
ang bawat panggigipit,
ang pagkabulag ng husgado,
ang pagbusal sa bibig,
ang pagdurog sa pag-ibig,
ang panangis at hapis,
(kaya't matutuyo na lamang
ang tinta,
magninipis ang papel,
mangangapal ang kalyo sa daliri,
at magkakaubusan ng salita).

Hindi titigil ang pagsulat
hangga't ang mga tulad kong
umiibig sa panitik
ay humihinga,
nagdurusa,
nagpapakasakit,
nagpaparaya,
nangangarap,
nananalamin,
nangungumpisal
at nakikipag-ulayaw sa salita. 

#Jun082016

Fortsett å les

You'll Also Like

24.3K 627 126
Balikan ang mga nagdaang sakit. Ang bawat kirot na hatid ng mga salitang kasing talim ng espada kung bumaon sa puso't isipan.
2.6K 69 24
dedication for those who seeks academic & career validation.
689K 3.4K 117
1 #CeCelib #JFstories #Beeyotch