Apostle Thirteen: The Return...

بواسطة altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... المزيد

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 07: THE PARTY
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 09: LYRA

192K 3.1K 1.1K
بواسطة altheadelarama

Chapter Nine: LYRA

AKAGI POV

“Hoy gising! Hoy! Bumangon ka nga dyan…. Akala mo naman kung sino tong pagod at kung matulog wagas, wala ka namang ginawa kung hindi ang mag-utos. Madami ka pang pipirmahan… Hoy! Gumising ka nga”

“Akagi…”

Dahan-dahan syang humarap at saka tumingin sa akin.

“What?”

Tiningnan ko sya habang nakatitig sa akin ng masama. Sana’y na ako sa mga titig nyan at hanggang ngayon naman, buhay pa ako.

“Die!”

Aray… ang sakit. Napahawak ako sa mukha ko na binato lang naman nya ng picture frame… buti na lang, hindi patusok ang ginawa nyang pagbato kung hindi, baka isinugod na ako sa hospital nito.

Pinagmasdan ko si Lyra na nag-inikot pa sa kama nya habang balot na balot ng kumot, para syang lumpiang shanghai…

Akala ko pa naman makakalibre na ako sa trabaho ngayong bumalik na sya, mukhang madadagdagan pa pala.

“Sumusubra ka na ha…. Bumangon ka dyan…” at saka ko hinila yung kumot paalis sa kanya.

“Aray ko!”

Bwisit, ang brutal talaga ng babaeng ito… binato na nga ako ng picture frame ngayon naman sinipa pa pati ang mukha ko. Pero hindi ako susuko, never say die!

“Istorbo…” sya habang naniningkit ang mata nya.

“Demonyo…” ako habang pinipisil-pisil ang ilong ko.

“Umagang-umaga naglalambingan kayo…” si Christine na pumasok na din sa kwarto ni Lyra.

“Pupunta akong Wimbledon… tawagan nyo na lang ako kung may kailangan kayo…”

Wimbledon? Ano naman kaya ang gagawin nya doon eh hindi naman sya estudyante ng W.U?

“Wait…”

Sabay kaming napalingon kay Lyra na nakangiti habang nakahiga parin sa kama, demonyo na, napakalaking batugan pa… ni hindi man lang makatayo sa kama…

“I’ll come with you…”

Sasama sya sa W.U.? Teka, hindi pwede… paano na yung mga trabaho nya, yung pipirmahan nya?

“Hindi---”

“Akagi, lock the door when we leave…” Shit heto na nga ba ang sinasabi ko eh…

CHRISTINE POV

“Putang ina mo Lyra! Mamatay ka na!!!! Wag mo akong idamay sa mga kagaguhan mo!!!”

Hindi ko alam kung nakailang dasal na ako dito para lang iligtas ang buhay ko sa babaeng ito.

“Hahaha… come on bes, relax… kasama mo ako”

Patawa-tawa pa ang isang ito eh kaya nga ako kinakabahan dahil sya ang kasama ko.

Hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari sa party, alam ko may dahilan sya kung bakit nya nagawa yun pero kahit na anong isipin ko, nasasaktan parin ako at pupunta ako ng W.U. para makausap si Caleb pero itong si Lyra… mukhang hindi na ako paaabutin ng buhay sa Wimbledon…

“Huwwahhhh!!! Umiwas ka…”

“Hahahha…”

Mamamatay yata ako sa atake sa puso sa isang ito na walang ibang ginawa kundi ang tawanan ako.

Namumuro na ang isang ito sa akin eh… sasama nga daw kasi sya kaya pinaghintay lang naman nya ako ng dalawang oras bago kami umalis sa bahay kanina and syempre, knowing Lyra na adik sa mga sasakyan at pagdradrive… hindi nya hahayaan na ako ang magmaneho sa aming dalawa…

Ok naman sana eh… maliban sa dalawa…

Una… she’s driving like a mentally retarded girl na halos pumutok na ang speedometer sa bilis nya magpatakbo sa highway at pangalawa… hindi one way ang pagdradrive nya…

Sinasalubong nya ang mga sasakyan sa kabilang lane… shet!

Actually, kanina pa kami hinahabol ng mga pulis pero dahil nga sa bilis ng babaeng ito magdrive, naiwanan na namin sila.

“Kaya pa?!” nakasmirk na tumingin sa akin si Lyra.

Sa lahat ng tanong, iyan ang pinakamagdan kong narinig sa araw na ito. Napalingon ako sa paligid, hindi ko napansin na nasa Wimbledon na pala kami…

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at saka tumingin kay Lyra, baka mamaya bigla nitong patakbuhin ang sasakyan ng hindi pa ako nakakababa eh. Nang mapansin kong okay na, binuksan ko ang pinto at dahan-dahan lumabas.

“Dito ka lang…?”

Nakaupo parin kasi sya sa driverseat habang hawak-hawak yung cellphone nya…

As if naman may katext ito, naglalaro lang yan…

“Ang init-init kaya saka tinatamad ako…”

Abnormal din talaga ang isang ito, kung ganun bakit pa sya sumama dito? Ewan ko sayo… bahala ka na nga dyan.

Isinara ko ng malakas ang pinto saka naglakad papalayo…

KYLE’S POV

May mali dito... alam kong may mali at hindi nya yun sinasabi sa akin. Bwiset! Feeling ko pinaglalaruan nya lang ako katulad ng mga baraha nya.

I was there and I saw how Bloody Maria unveiling herself pero bakit ganito? Parang may hindi tama… para bang may isang detail akong hindi alam sa mga nangyayari.

Napalingon ako ng mapansin ang pagtunog ng cp ko, napatitig ako sa wallpaper… there are things na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko parin, kung ginawa ko sana noon pa ang dapat, hindi na sana mawawala pa sa akin si Amber.

Nagring ulit ang cellphone ko and this time, sinagot na ang caller, it was him…

“Did you enjoy the party?”

“Tell me what’s going on?” dahil sa totoo lang nalilito ako.

There’s Bloody Maria, the Helena Gang and the Apostles and this girl na nagpapagulo lalo ng conclusion ko….

Lyra Salcedo

It would be easy kung wala sya, kung hindi sya dumating pero hindi eh… naandoon sya at gumawa sya ng isang malaking eksena sa harap ng lahat.

Sino ba sya at bakit ganun na lang kalaki ang epekto nya sa lahat?

“It’s for you to find out….”

Tsk, I knew it… hindi sya basta-basta magsasalita sa mga nalalaman nya about sa mga Apostles pero sa ngayon, isa lang ang pinakapakay ko at iyun ay hulihin si Klio Nerraw.

Once na magawa ko na yun, magiging madali na lang para sa akin na hulihin pa ang ibang Apostles.

“Take it easy, Z. Bago palang naguumpisa ang laro… if you want to beat an Apostle, you must learn how to play with them dahil kung hindi, ikaw ang paglalaruan nila…”

Alam ko ang bagay na yun pero hindi ko parin maiwasan ang sarili ko na hindi mapaisip lalo na sa babaeng iyon.

“and you’re doing the same thing to me…”

“hahaha… patience is a virtue dude, pero kung hindi ka na talaga makapaghintay, turn on your TV and see an unexpected gift…”

TV? Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na binuksan ang flatscreen TV ko sa may sala at saka nagpalipat-lipat ng channel kung saan possible na Makita ko ang tinutukoy nya and…

“Finally…”

CALEB POV

Tiningnan ko ang mga papers sa kamay ko. Mga record ko ito sa Wimbledon, kinuha ko na din bago ako makipagkita kay Christine. Nakakamiss din pala ang buhay estudyante…

Napatigil ako ng mapansin ang isang babae na nakatayo sa harapan ko, pamilyar ang itsura nya maliban lang sa maikli na nyang buhok…

“Hi…”

“Fatima…”

Napairap naman sya sa tinawag ko, oo nga pala… walang tumatawag sa kanya ng pangalan na yun pero nakakagulat din na nakita ko sya ngayon dito.

Masyadong na occupied ni Lyra ang utak ko at ang mga nangyari sa party kaya hindi ko na napansin ang ilang mga bagay bagay.

“Hindi ko alam kung talagang hobby mo lang ang pang-aasar o kung aksidente lang, jerk…”

“Bagay sayo ang buhok mo…”

“Wag mo ngang ibahin ang topic Aragon!”

Napatawa naman ako sa bigla nyang pagsigaw sa akin. Kahit kailan, defensive talaga ang isang ito at oo aaminin ko, ngayon natutuwa na akong asarin sya…

“Fatima…”

“It’s Azaleia…”

Oo na, Azaleia na… napangiti naman ako sa kanya habang namumula parin ang mukha nya sa hiya. Napansin ko ang isang envelop na hawak nya… kung ganon, pumunta rin pala sya dito para kuhanin ang mga papers nya.

"Who's that Caleb?"

Bigla akong natigilan ng marinig ang boses na yun sa likuran ko. Kung noon, nararamdaman ko ang presensya nya, ngayon… hindi na.

"Isang taon lang akong nawala, nakahanap ka na agad ng ibang mong mahal" dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Lyra na nakangiti sa aming dalawa ni Azaleia.

"Lyra"

Alam ko na may posiblidad na magkita kami ngayon dito sa W.U. after ng ginawa nya sa party, ito ang pangalawa sa naisip ko na pupuntahan nya at ang una ay ang Undeground City.

Nalaman ko kasi recently that someone is trying to revive it katulad noon at isang tao lang ang alam kong gagawin yon.

Lumakad si Lyra papalapit sa amin at saka tumigil sa gitna naming dalawa ni Azaleia. Napansin ko pa ang pagtitig nito sa kanya na para bang pinapamukha nya dito kung sino sya talaga.

"Excuse me lang, baka gusto mong tumabi... ang ayoko kasi sa lahat eh yung may kahati…"

Warfreak talaga ang babaeng ito at talagang sya pa ang naguumpisa ng gulo. Medyo naguluhan yata si Azaleia sa sinabi ni Lyra kaya palipat-lipat sya ng tingin sa aming dalawa.

"What about Jireh? Ano to, pinaglaruan mo lang sya?"

Of course not… inaasar ka lang ni Lyra at dahil hindi nga alam ni Azaleia ang totoong ugali ng isang ito, sigurado ako malaking gulo ito.

"Jireh is my boyfriend and Caleb is my lover"

Heto na nga ba ang sinasabi ko… Napakuyom ng kamao si Azaleia habang napataas naman ang sulok ng labi ni Lyra.

Mas nakakatakot talaga ang mga babae kumpara sa kahit na anong bagay…

"Two timer…"

Biglang itinaas ni Azaleia ang kamay nya para sampalin si Lyra and that is a wrong move. Agad akong lumapit para sana pigilan ito pero nauhan na ako ni Lyra… nahawakan na nya ang kamay nito at saka bahagya itong itinulak papalayo.

"Talunan…" at lumapat ang isang malakas na sampal sa pisngi nito.

"Desperada" at sinampal pa nya ulit ito sa kabila, nakatingin na ang mga estudyante sa amin at nagsimula ng magbulong-bulungan.

“Lyra, enough…”

“Hindi pa ako tapos…” at lumapit ulit sya kay Azaleia na pulang-pula na ang mukha… "Ilusyunada" at sinampal nya ulit ito.

“FYI, mag-asawang sampal yan na may kasamang anak…” saka tumalikod si Lyra, lumapit naman ako kay Azaleia para alalayan ito.

Sa mga ganitong bagay, wala talaga akong magawa kay Lyra.

"You've change" madiin na saad nito habang hawak-hawak ang mapula nyang pisngi.

"I'm not, this is who really I am na hindi mo alam" saka napataas ang sulok ng labi na habang nakatitig dito "Ngayong alam mo na, alamin mo din ang lugar mo, baka hindi ako makapagtimpi, ihatid agad kita sa impiyerno..."

LYRA POV

Bwiset… ang ganda-ganda ng araw ko dahil naka 300 ako sa flappy bird tapos sisirain lang ng linta na yun?

I was playing that game ng umalis si Christine and knowing na naandito din si Caleb, possible na sya ang pinunta nya dito. Nagulat din ako sa mabilis na improvement ng W.U. it’s only a year pero halos narestore na nila agad ang mga nasira noon.

Bakit ba hindi nasama yung Azaleia na yun sa mga namatay eh?

Bwiset… bwiset… bakit ba kasi magkasama sila ni Caleb at tawa pa ng tawa ang malanding yun, sila ni Christine ang magkasama dapat hindi yung Azaleia na yun.

“Would you stop doing that?”

As expected susundan nya ako, ganun naman sya lagi eh. Aawayin nya ako, iinisin pero sa huli sya parin ang lalapit sa akin at susuyuin ako.

“You know me Caleb, I wouldn’t be called Bloody Maria kung mabait ako…”

Naiinis ako sa linta na yun kaya binigyan ko sya ng sampal na may kasamang anak, mababaw na kung mababaw ang dahilan, basta naiinis ako sa kanya.

“Are you jealous?”

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Caleb at ang malanding to, talagang ang lawak ng ngiti. Yun talaga ang iniisip nya ha, I’m jealous? Fuck.

“What?! Assuming ka din noh…” saka ako tumalikod sa kanya at nagtuloy ng lakad papunta sa parking area.

Naramdaman ko parin ang pagsunod nya sa akin at ang mahina nyang pagtawa. Sa totoo lang, mukha syang tangang stalker sa ginagawa nya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko pero mabilis din nya itong isinara…

“Kilala kita, gusto mo lahat ng atensyon nasa iyo… gusto mo kung ano ang sayo, sayo lang…”

“You said… kung ano ang akin, akin lang… Pagmamay-ari kita Caleb kaya sa akin ka lang, naiintindihan mo?” at saka pilit na binuksan ang pintuan.

“Naiintindihan ko…”

Bahagya naman syang lumayo at seryosong tumingin sa akin, matalino sya ang problema lang, nakokontrol sya ng damdamin at emosyon nya.

“Good…” at saka ako pumasok sa pintuan at isinara ito.

“Naiintindihan ko na nagseselos ka nga…”

“I’m not…”

Ang kulit ng isang ito, I rolled my eyes and start the engine habang sya ay nakadungaw sa may bintana ng sasakyan ko.

“Kung assuming ako, in denial ka…”

“Ang taas ng confidence mo ah, sige push mo yan, total libre lang naman mangarap basta walang sisihan kapag nasaktan ka…” at saka ko hinawakan ang kambyo at mabilis na pinaandar anng sasakyan ko papalayo.

PRIME POV

“So Christine Kwon is Bloody Maria?”

Yun ang iniisip ng lahat, after ng party nay un wala ng ibang bukang bibig ang bawat isa sa amin kundi si Christine even King, wala syang siansabi o kinukwento sa nangyari sa kanila ni Lyra ng gabing iyon.

It’s like a fairytale story na natapos din ng midnight…

“I doubt it…”

Umayos ako ng pagkakaupo at saka tumingin sa kanilang lahat… of course they are waiting for my explanation na hanggang ngayon, alam ko na hindi parin nila papaniwalaan.

“Prime…”

“You suspect Caleb for being Leo at kung si Christine nga si Bloody Maria, that’s settle all. Magkaibigan si Leo at Virgo at magkaibigan din si Caleb at Christine…” si Dylan and that goes for Lyra too.

“Then anong ginagawa ni Lyra doon?”

Lahat sila natahimik sa sinabi ko habang si King ay tahimik lang na nakaupo sa couch nya at blangkong nakatitig sa screen ng TV.

Mas lalo tuloy akong kinakabahan sa nangyari sa kanila ni Lyra…

“Kaibigan ni Caleb si Lyra…” Skye.

Totoo na mahirap paniwalaan ang ilang mga bagay lalo na pagdating sa katauhan ng mga Apostles.

“Don’t make me laugh, importante si Lyra kay Caleb sa tingin mo ba, papupuntahin nya si Lyra sa isang lugar kung saan mapapahamak sya? That party was for all the gangsters and Apostles… and Aries even know her”

That explain everything pero kulang pa din… isang evidence lang ang kailangan ko at masasagot lahat ng tanong na ito.

Isa lang…

“Genesis… I love you…”

“Oppa!!!”

“Kyaaa….”

Bwisit, panira ng atmosphere ang interview na ito.  Kung hindi ako nagkakamali, sya yung kinakabaliwan ni Kristine na Kpop Superstar na magcoconcert dito.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming baliw na baliw sa mga koreano na yan?

Tumayo ako para kuhanin yung remote ng TV kay King, mukha din naman kasing hindi sya nanunuod o interesado dito… mas mabuti pa na patayin ko na yungg TV.

“Any message to your fans?”

Hawak ko na yung remote at nakatutok na ito sa TV ng mapatitig ako dun sa Genesis na iniinterview nila ngayon…

“Message? Uhmmm…”

Saglit na napaisip yung Genesis at ngumiti sa harap ng camera, bakit ba hinihintay ko pa ang sasabihin nito? I am about to click the red button ng bigla syang magsalita…

“Welcome ad infernum”

With that, I lose the grip of my hand at unti-unting bumagsak ang remote sa kamay ko.

Welcome ad infernum… an APOSTLE?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

507K 16.1K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...
285K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...
10.2M 199K 67
Death, Blood and War are the 3 things na kakatakutan mo but for the 13 Notorious gangsters ng Underground City, it feels like their food for the soul...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished: Ju...