As I Lay Dying [SOON TO BE PU...

By JustCallMeUno

189K 3.3K 471

Ginamit lang siya ni Katherine para may taga-gawa ng mga projects niya at mga assignments sa school dahil ala... More

As I Lay Dying
COPYRIGHT © 2012 by JustCallMeUno
A Late Walk
As I Lay Dying: Prologue
Chapter 1: Five Years Later
Chapter 2: Familiar Guest
Chapter 3: Invitation
Chapter 4: The Lost Brother
Chapter 5: A Night to Remember
Chapter 6: I'm Sorry, I'm Dying
Chapter 8: A Redemption for Love
Chapter 9: Despicable Romance
Chapter 10: Remember my name, It's Trinity, Bitch!
Chapter 11: Please
Chapter 12: The Battered Wife
Chapter 13: My Damn Heart
Chapter 14: Breaking It Gently
Chapter 15: In A Day
Chapter 16: Blame and Regret
Chapter 17: Out of My League
Chapter 18: Before the Vow
Chapter 19: Dawn of Eternity
Chapter 20: Happy Moments, Lonely Thoughts
Chapter 21: My Final Sunrise
The Final Chapter: At the End of this Fairytale
EXTRA: ORDINARY HEARTS
DREAMS DO REALLY COME TRUE

Chapter 7: Nathan

6.6K 157 24
By JustCallMeUno

 Pina-cremate na lang ang katawan ni Julia ni Cecil. Iyon daw kasi ang request ng bata kaya naman iyon na lang ang ginawa niya. Pagkatapos din ng ilang araw na pagluluksa ay kailangan nang bumalik ni Katherine at Red sa kani-kanilang mga trabaho. Kailangan nilang mag-move on. Hindi sila dapat ma-trap sa isang pangyayaring madalas naman mangyari sa lahat lalo na propesyon na meron sila.

            TAHIMIK lang na nagliligpit si Katherine ng kanyang mga gamit na dadalhin sa reunion nila sa Batangas. Lumapit si Jeboy sa ina na bakas pa rin ang matinding kalungkutan.

            "Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa'min ng tita Charily mo?" Tanong ni Katherine habang tinabihan sa gilid ng kama ang anak.

            Bumuntong-hininga lang si Jeboy. "Ayos lang po ako mama. Nami-miss ko lang po si Julia," nakayukong sabi niya.

            "Nasa mabuting mga kamay na si Julia, anak. Alam mo gusto rin syempre ni Julia na sumaya ka ulit gaya ng dati kaya pilitin mo, kasi kahit ano namang gawin natin hindi na siya babalik sa'tin." Hinaplos ni Katherine ang buhok ng anak pagkuwa'y niyakap ito.

            "Pipilitin ko po mama," iyak ni Jeboy.

            Ilang oras pa ay dumating na si Red at si Charily sa apartment ni Katherine. Bumusina muna ang binata saka bumaba sa kanyang sasakyan. Sinalubong niya si Katherine kasama si Charily. Siya na ang nagbuhat ng mga bagahe ng mga babae at isinakay sa likod ng kotse.

            "Salamat." Wika ni Katherine na pormal ang mukha.  Pagkatapos humalik ni Katherine sa kanyang anak ay sumakay na rin siya sa sasakyan.

            "So excited na marsi!" Malanding wika naman ni Charily. "Ikaw Jose ingatan mo 'yan inaanak natin! Alam mo namang ginto 'yan!" Masungit pa ni bilin niya sa asawa. Si Jose kasi ang maiiwan para magbabantay kay Jeboy.

            "Oo naman, mag-ingat kayo." Sagot ni Jose atsaka humalik na kay Charily.

                "Bye Jeboy!" Paalam ni Red sa bata saka na sila tuluyang umalis. Hindi na masyadong mag-aalala si Katherine dahil si Jose naman ang magbabantay sa anak ng isang buong linggo. Isang linggo kasi ang itatagal ng reunion nila. Hindi niya alam kung ma-e-excite ba siya o kakabahan dahil makakaharap na niya muli si Nathan pagkatapos ng mahabang panahon.

            "Grabe ano na nga kayang itsura ni Nathan ngayon 'no? I bet pangit pa din siya!" Hagakgak ni Cha sa likuran ng sasakyan. "Imposible din namang maging kamukha niya si Nate sa gwapo ni Nate na 'yon? Pero magkamukha nga sila 'di ba? Baka nga hanggang talampakan lang niya si Nathan," saka muling nagtawa ito.

            "Tumigil ka na nga diyan babae! Umiiral na naman 'yang pagkamaldita mo." Pagtatanggol naman ni Katherine.

            "Sige na nga! Makatulog na nga lang! Tutal medyo mahaba-haba ang biyahe," ismid ni Cha saka pumwesto na ng higa.

            Hindi naman maiwasang magtanong ni Red tungkol sa nakaraan ni Katherine at Nathan. Masyado na kasi siyang nai-intriga kung anong naging meron sila ni Nathan dati.

            "Bakit ba galit na galit ka kay Nathan?" Tanong ni Red habang nakatingin pa rin sa daan.

            "B-bakit mo naman natanong?"

            "Wala lang. Masyado lang talaga akong na-iintriga sa story niyong dalawa ni Nathan. Para kasing narinig ko na dati sa isa kong kaibigan. He was in-love with this girl but the girl keeps on rejecting him so in the end he ask the girl for one last time if there's any chance to love him back, but the girl said no. So the boy left. The end." Sa totoo lang ang kwentong iyon ay kwento ni Nate sa kanya. Parang nakakahalata na kasi si Red sa nagiging sitwasyon ni Katherine at Nate kaya hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Na baka nga si Nathan si Nate na kaibigan niya at hindi lang ito nagsasabi sa kanya.

            Hindi makasagot si Katherine. Ayaw na niyang kumibo pa dahil parang lalo siyang nagsisisi sa mga ginawa niya kay Nathan noong mga nasa high school pa lang sila.

            "P-pwede bang 'wag muna natin pag-usapan si Nathan?" Payukong wika ni Katherine habang umayos ng upo sa driver's seat.

            "Sige," atsaka na lang itinuon ni Red ang mga sa daan.

            ILANG sandali pa pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating na sila sa resort kung saan gaganapin ang reunion nila. Pagbaba nila Katherine at Cha sa sasakyan ay agad silang sinalubong ng mga dating kaibigan. Ang mga iba naman ay mas naging abala sa pagtingin kay Red na ubod kasi ng lakas ng sex appeal at gwapo naman talaga.

            "Grabe ang gwapo niya!" Kinikilig na sabi nung isang babaeng nakaumpok sa iba.

            "Oo nga! Ang swerte naman ni Katherine at mukhang ang yaman ng napangasawa niya!" Dagdag naman ng isa.

            Natatawa naman sina Katherine at Red dahil sa bulungan na iyon pero naririnig naman nila. Naglakad na sila patungo sa cabin kung saan sila titira ng isang linggo. May dalawang cabin na naka-reserved sa kanila. Isa para kay Katherine at Charily at ang isa ay para kay Red at sa isang special na bisita ng batch nila.

            "Ang gwapo ng asawa mo 'te!" Tapik ng isa kay Katherine ng mapadaan sa harap nila.

            Simpleng tumawa lang si Katherine at sinabing "Boss ko 'yan," atsaka na siya nagpatuloy.

            "Mga tsismosang mga 'yon! Type siguro si Doc Red!" Natatawang sabi naman ni Cha. "Ang gwapo kasi e!"

            "Sabi mo e," hagakgak ni Red.

            "Katherine and Charily!" Tuwang sabi ni Mrs. Gonzales na isa sa mga nag-arrange ng reunion na ito. "Glad you made it! Lalo kang gumanda Katherine!" Komento ni Mrs. Gonzales. "Kayong dalawa, I mean," tawa nito bigla. "At sino itong gwapong ito? Asawa mo Katherine?" Tanong ng guro.

            "HINDI PO!" Sabay na sagot nila ni Red tapos sabay din silang napatawa.

            "Ah," patango-tangong sabi na lang ni Mrs. Gonzales. Tapos ay natigilan siya ng may isa pang padating na isang bisita na lulan ng isang pulang kotse na mukhang bagong-bago. "Nandiyan na ata siya Katherine," mahinang bulong ng guro.

            "Sino po?" Takang tanong ng dalaga. Sabay-sabay na lang silang napatingin sa lalaking pababa ng kotse.

            Oh... my.... GOD!! Malakas na sigaw ng utak ni Katherine at parang nawawalan siya ng hangin sa katawan habang pinagmamasdan ang lalaking papalapit sa kanila. Ikaw?

            Pinagkakaguluhan ng mga babae ang bagong dating na lalaki. Lahat hindi makapaniwala sa nakikita nila.

                Si NATHAN!

            "Si Nathan na ba 'yan? Ang gwapo niya! Ang laki ng pinagbago niya."

            "Naku! Sayang may asawa na si Katherine pero kung wala pa 'yun, sigurado papatulan na niya si Nathan ngayon!"

            "HUNK NA HUNK! GRABE! Sana maka one night-stand ko siya!" Bulong naman ng isang malanding batch mate nila.

            "Sigurado aatakihin si Katherine kapag nakita niya si Nathan ngayon!"

            NANGANGATOG ang mga binti ni Katherine. Hindi rin maipinta ang reaksyon ni Red at Charily habang papalapit ang isang taong kilalang-kilala nila.

                Si Nate.

            "Nate? What's the meaning of this?" Hindi pa rin makapaniwalang Red.

            "Ikaw? I-ikaw 'yung mukhang ita noon na super payatot at super lampa at halos patayin na nila Stephen?" Wika naman ni Charily na super nganga talaga at gulat na gulat sa mga pangyayari.

            "N-N-Nathan?" Sa wakas ay nasabi ni Katherine. Inalis ni Nathan ang black sunglasses niya saka matiim na tinitigan si Katherine lalo na sa mga labi nito.

                "Welcome Nathan. Salamat naman at dumating ka. Akala namin tuluyan mo na kaming nakalimutan." Saka siya saglit na niyakap ng dating guro.

            "Sorry pare. I had to and I never expect na magkikita pa rin kami." Agad na sabi niya kay Red na naka-kunot na ang mga kilay.

            "Sorry sa mga nasabi ko N-Nathan." Bawi naman ni Charily tapos ay hinila na niya si Katherine sa loob ng cabin nila dahil tila nakulong sa freezer ang dalaga sa sobrang lamig ng kanyang mga kamay.

            Pagdating sa loob ng cabin ay natutulala pa rin si Katherine. Hindi makapaniwala.

            Siya? Siya si Nathan? Si Nate at Nathan iisa? Bakit ba hindi ako agad naniwala? Shit!

            "Ayos ka lang?" Tanong ni Charily.

            "Mukha ba 'kong ayos? Sinong magiging ayos sa mga nangyayari ngayon? Bakit inilihim niya ang totoo? Bakit?"

            "Alam ko at naguguluhan na din ako. Hindi kaya siya bumalik para gumanti?"

            "Malay ko!" Masungit na tugon ni Katherine sa kaibigan at naiintindihan naman ni Cha kung bakit.

            "Ibig sabihin 'yung kaibigan ni Red na si Nate ay si Nathan?" Kunot-noong pagtataka ni Charily. "Grabe, kahit si Doc Red pala hindi niya alam ang totoo. Akalain mo 'yun? Nagsinungaling na si Nathan in the first place noong nagkita-kita tayo sa medical mission!"

            "Pwede ba Charily? Enough! Sumasakit ang ulo ko!"

            "O siya sige maiwan na muna kita, gutom na 'ko eh. Kakain lang ako sa labas kasama ng dalawang lalaki mo." Pahagakgak na sabi pa niya na tonong malanding-malandi.

            "Tse!" Ismid ni Katherine saka bumuntong-hininga.

            Hindi na rin nakatiis si Katherine sa gutom niya. Hapon na at hindi pa rin siya nagtatanghalian. Ayaw niyang lumabas sa cabin niya dahil baka magkita sila ni Nate este Nathan at hindi niya alam papaano niya ito haharapin.

            Bago pa 'ko pumunta dito alam ko na, na darating siya. Pero hindi ko talaga inaasahang siya si Nathan! Hindi ko na tuloy alam papaano hihingi ng tawad sa kanya! Atsaka kaya pala hinalikan niya ako noong gabing iyon! Kaya pala. Teka, ibig sabihin mahal pa rin niya ako kaya hinalikan niya ako! Tama! Kaya dapat akong humingi ng tawad kay Nathan! Pagkatapos ay magiging maayos na ang lahat at magiging masaya kaming dalawa! Alam ko at nararamdaman ko, nasa puso niya pa rin ako. Mahal pa rin niya ako kaya niya ako hinalikan noong gabing iyon! At hanggang ngayon ay hinihintay pa rin niya ako!

Unti-unti sumilay ang ngiti sa mukha ng dalaga at nagkakaroon siya ng isang magandang pag-asa para sa isang dating pag-ibig na niluma na ng panahon pero andiyan pa din. Hihingi na siya ng tawad sa lalaking pinakamamahal niya.

            At isa pa, kailangan na niya talagang lumabas dahil walang kasama si Red. Dahan-dahang niyang binuksan ang pinto ng cabin niya at laking gulat niya nang makitang nakaupo sa may gilid nito si Red at hinihintay siya.

            "Salamat naman at lumabas ka na!" Tayo ni Red saka pinagpag ang kanyang puwitan.

            "Kanina ka pa ba naghihintay diyan? Bakit kasi hindi ka na lang kumatok?"

            "Hindi, okay lang. Alam ko kasi nabigla ka sa nangyari kanina maging ako man ay nagulat na si Nate ay si Nathan pala ay iisa. Yung lalaking—alam mo na. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang pinaglihiman ako ng best friend ko." Malungkot na sabi ni Red na mababakasan ng tampo ang tinig.

            "May sarili sigurong dahilan si Nathan kaya hindi niya sinabi. Pero kung ano pa man iyon ay sasabihin din niya sa'yo sa tamang oras. Tara na, nagugutom na 'ko." Ngiti ni Katherine.

            "Ako nga din e. Hindi pa 'ko kumakain kasi hinihintay kita." Ngiti din ni Red saka sabay na silang nagpunta sa restaurant sa loob ng resort kung saan libre ang lahat.


            KANINA pa nakatayo si Nathan sa may puno at hinihintay ang paglabas ni Katherine. At malas lang dahil naroon si Red at nakabantay kaya hindi na siya lumapit.

                Katherine. Malamig na sabi niya.

            KINAGABIHAN ay nagtipon-tipon ang lahat sa may bonfire sa tabing-dagat at doon sila nag-inuman ng mga mamahaling beer.

            Naiirita si Katherine sa tuwing makikita niya si Nathan na may mga katabing babae na parang mga ahas kung makapulupot sa kanya. Kaya bawat ismid niya ay hindi niya namamalayan na napaparami na pala siya ng beer na naiinom.

            "Mukhang gigil na gigil ka ah!" Puna ni Red na nasa tabi niya.

            "H-hindi naman." Atsaka niya inisnab si Nathan nang magtama ang mga mata nila.

            "Alam mo kung hindi lang na-ikuwento sa'kin ni Charily ang history niyo ni Nathan, iisipin kong siya ang first love mo. I mean, tatay ni Jeboy."

            Nagulat si Katherine sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Red. Nagiging seryoso na kasi ito sa nakalipas na oras. At alam niya kung bakit dahil nakakaramdam ito ng selos. Hindi dahil sa hindi niya ito pinapansin dahil iyon sa pakiramdam ni Red na wala siyang chance sa puso ng dalaga.

            "Wag mong isipin 'yon. Walang nangyari sa'min ni Nathan." Paglilinaw ni Katherine. "At iisa pa," natigilan siya sandali. Magsisinungaling ba 'ko?  "...h-hindi si Nathan ang f-first love ko," saka siya muling lumagok ng beer.

            "Okay. Sabi mo e," Atsaka na rin lumagok ng beer si Red.

            "A-atsaka i-isa pa virgin pa 'ko!" Groggy na rin si Katherine kaya wala na sa isip niyang nasabi niya iyon na labi naman ikinagulat ni Red.

            "Virgin?" Napaisip siya bigla, "..then if virgin ka pa sinong nanay ni Jeboy?" Tila nagising bigla si Katherine at nawala ang lasing.

            "Virgin?" Kunwaring nag-iisip siya. Pero ang totoo nag-iisip talaga siya ng magandang palusot. "Virgin, virgin ang favortie kong softdrinks!" Tapos ay tumawa siya ng malakas. "Tama virgin!" Saka siya muling tumingin sa gawi ni Nathan.

                Adik 'tong lalaking 'to! Super busy sa mga babae niya por que super gwapo na niya at super laki ng katawan! E dati ko lang naman siyang tagasunod at tagasamba ng kagandahan ko! Lumalabas na naman ang pagka-maldita ni Katherine.

            "Okay," patango-tangong Red.

            Napansin ni Nathan ang matalim ang titig na iyon ni Katherine sa kanya. Kaya kinindatan niya ito at nginitian ng pasimple. Agad na umiwas si Katherine.

Nag-ring ang cellphone ni Red at daddy niya ang tumatawag.

            "Excuse lang sandali Katherine, si Dad."

            "Sige," atsaka tumayo si Red at kinausap ang ama.

            Hindi na nag-abala pa si Katherine na muling tumingin sa gawi ni Nathan at baka hindi siya makapag-pigil at pagha-hampas-hampasin na niya ang mga malalandi nilang mga batch mates na kulang na lang ay lapain na si Nathan. Iyong tipo bang itali na lang sa kama at pagsawaan nila sa buong magdamag. Kaya imbes na mainis si Katherine ay tinungga niya ang bote ng beer at isinunod ang isa pagkatapos ng isa. Hanggang sa malasing na siya ng tuluyan pero kaya pa naman niya ang sarili.

            Napaigtad pa siya habang nakikiramdam sa malamig na hangin ng dagat nang may kumuha ng kamay niya at hilain siya. Napasunod na lang siya at tumayo saka sumama.

            "S-saan ba tayo pupunta Nathan?" Tanong niya.

            "Mag-uusap tayo!"

Pinag-titinginan lang sila ng ibang mga kasama. Si Red naman ay naiwan sa mga babaeng ubod ng landi at ayaw siyang tantanan kaya hindi niya agad nabalikan si Katherine. Nagtungo sila sa may madilim na bahagi ng dagat sa may batuhan kung saan buwan lang nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran.

            "B-bitawan mo nga ako!" Saad ni Katherine. Nang bitiwan siya ni Nathan ay agad niyang sinunggaban si Nathan at hinalikan ito.

            Agad na itinulak siya ni Nathan at pinunasan ang mga labi nito. Namuo ang pagtataka sa isip ni Katherine.

            "Hindi ba k-kaya mo ko dinala dito sa madilim dahil gusto mo ko? Di ba?" Mangiyak-ngiyak na giit ni Katherine.

            "Gusto? Huh!" Atsaka napasinghal si Nathan. "Dati 'yun Katherine, hindi na ngayon. At hindi na ako papayag na gawin mo sa'kin ulit ang ginawa mo dati. May asawa ka na nga at anak, at kung sino-sino pang mga lalaki ang kinakalantari mo! Idinamay mo pa si Red. Napaka-baboy mo talagang babae ka!" Galit na galit na sigaw ni Nathan.

            "Baboy? Ako? Ang kapal mo Nathan! Hindi ko nilalandi si Red! At lalong wala akong asawa! Kaya wala kang karapatan para husgahan kung sino ako." Umiwas si Katherine sa mga matalim na tingin ni Nathan. Tumalikod siya at pilit na pinunasan niya ang mga luhaang mga mata. "Bakit mo ba ako dinala dito?" Pagkuwa'y tanong niya.

            "I want you to say sorry sa lahat ng ginawa mo sa'kin noon. Sa lahat ng pang-aapi, pag-papahiya, pananakit, panggagamit, at sa lahat-lahat na! Nagkamali ako ng minahal noon Katherine. You don't deserve my love!"

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa nakikinig sa Red at nagtatago lang siya sa malaking bato. Madilim kaya hindi siya napansin ng dalawa.

            Katahimikan.

            "Sa loob ng limang taon Nathan hinintay ko ang pagkakataon na ito para humingi ng tawad. At ngayon nandito na ito—" humarap si Katherine sa binata. "Gusto kong sabihin sa'yo na 'I'M SORRY' for everything. Sorry din kung hindi kita minahal pabalik gaya ng gust—"

            "Stop it! I don't want to hear any of your craps anymore. It is enough for me to hear the word 'SORRY' from you." Saka na nag-umpisang tumalikod si Nathan at naglakad papalayo. Bahagyang natigilan si Katherine.

            I love you Nathan. Gusto ko ring sabihin 'yon but I guess it doesn't need necessary anymore dahil hindi mo na 'ko mahal. Dito na siguro matatapos ang love story nating dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 119 91
This is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
18.5K 160 7
Odele is a very compassionate sister. She is willing to do anything for her family, including chasing after the vocalist of the band Cold Pisces, who...
5.6K 379 58
Will you chase someone who's never been yours? Specifically that someone is your crush who happens to be your best friend's boyfriend. The title say...