Cali's Queen (Completed) EDIT...

By Veldet_Ayesha

1.7M 41.5K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... More

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-9
CQ-10
CQ-11
CQ-12
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-16
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-22
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-41
CQ-42
CQ-43
CQ-44
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
CQ-61
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-33

19.4K 411 11
By Veldet_Ayesha






His Queen 33

------------------------------------------

"So why don't we talk about your Father?"

Humigpit ang hawak ko sa aking tinidor, baka kasi magkaroon ng sariling isip ang kamay ko maibato ko bigla ito sa talipandas na Tatay ni Hidalgo. Grabe! magkaamaganak ang dila niya at ang dila ni Morgianna. No wonder, magkasundo sila. Hindi ba niya napapansin o sadyang hindi niya pinapansin na ayokong pag-usapan ang Tatay ko? Hindi ba niya alam na isang kagandahang asal, ang hindi na pagbanggit pa sa pangalan sa ng isang tao sa kausap mo, kung sinabi niyang aayaw niya itong pag-usapan?

Paggalang ba 'Tay' hoy! Peste!

"Dad, she already told us that she doesn't want to talk about her Father. Hindi ba natin pwedeng igalang iyon?" Napansin na yata ni Cali, na lumalabas na ang sungay ko at may apoy ng lumalabas sa butas ng ilong ko.

"Sorry, Son. I'm just asking. Though, anyways...How about your Mother, Azula? What's her job? Is she into business?"

"She's a Real Estate Agent, Sir." tipid parin akong sumagot kahit pa gusto na talaga siyang barahin. Nahagip pa ng paningin ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Sige lang, may araw kadin 'po' sa akin.

"Try this Azula." Ate Catt, put a spoon of chowder on my plate. Hindi ko kasi talaga tinikman iyon. "That's Cali's fave dish. Ayaw lang magpaka PG ngayon, nahihiya siguro sa iyo." and she winked at me. Napansin ko na agad na nililihis niya ang usapan. Kanina ko padin kasi napapansin na halos civil lang ang pakikipag-usap niya sa Tatay niyang nuknukan ng ganda ng asal.

"Maka PG ka, pandak ah?"

"At maka pandak ka ha? Baka mas matangkad ako sa iyo?" Nginisihan niya si Cali at pabiro paang dinuro ng kutsara. "PG ka naman talaga. Wag ka ng pabebe Cali Enrique, ilabas mo na ang tunay mong anyo."

"That's enough." Bumaling sa akin ang Mommy niya at nginitian ako. "So you're the Student Council President. That's quite impressive, madalas kitang marinig na pag-usapan ng mga kaibigan ni Cali. They respected you so much. Akalain mong ang anak ni Trent na si Trek ay kakatakutan din pala. Lalo na iyan.'' nginuso niya si Hidalgo.

"Ikaw ba naman lagyan ng apple sa ulo at gawing shooting target, hindi ka ba matatakot." nag effort pa siyang bumulong. Aning talaga.

"I heard what happened to Eiji's girlfriend. Sana nasa maayos siyang sitwasyon at mahanap na agad siya nina Eisen. " TUmango ang Lola niya. "Hindi ba umuwi ng Pilipinas ang Daddy niya.

"No he's here." ayan na naman iyong Tatay ni Cali. Actually, last two months pa nandito si Francis. And I'm very sure, pinahahanap na agad niya ang Unica Hija niya."

Natigil ako sa pagkain. What a coincidence. Magkapangalan pa pala ang Tatay ko at ang Tatay niya. Pinagkaiba lang, halatang mahal si Korin ng Daddy niya, pinahanap agad eh. Unlike me, na hindi man lang nagawang sulyapan noong mga panahong layasan niya kami. Tsss...



----------------------------------

Natapos kaming kumain na hindi na nagtanong pa ulit ang Mabait na Tatay ni Cali, tungkol sa mabait ko ding ama. Nakatayo kami sa terrace ng kwarto niya habang nakatingin sa pool sa ibaba, kung saan nagwawala ang Ate niya sa pagkanta. Kasama ang business partner kuno nito na kadarating lang.

"Napakabait pala talaga ng Tatay mo no?" hindi ko napigilang bulalas ng makitang naglalakad na ito papunta sa lalaking bisita ng Ate niya. Humagalpak lang ng tawa si Cali at niyakap ako mula sa likod.

"Don't mind him. Ikakasal padin naman tayo, kahit tumutol siya no."

"Wow huh? Sakal agad? At sinong nagsabing magpapasakal ako sayo?" Bahagya ko siyang nilingon kaya naman kita ko ang pagsimangot niya. HInigpitan niya ang pagkakayakap sa bewang ko at sumubsob sa leeg ko.

"Syempre saka na yung kasal, gagawa muna tayo ng baby." sabay tawa ng malakas.

"Gago ka talaga! Akala ko nawala na iyang kamanyakan mo, tinatago mo lang pala!" Kapag talaga usapang ganito, alive na alive siya. Hyper pa.

"Oh? Bakit masaya naman gumawa ng Baby ah? Tapos kana sa phase nung masakit sa una, saka masarap kaya gumawa ng Baby."

"Cali!" Pumihit na talaga ako at tinampal siya sa bibig niya. Tawa lang siya ng tawa habang nakayakap padin. Sumubsob ulit siya sa leeg ko, sa parteng nasasayaran ng buhok ko. since inilugay na naman niya ang buhok ko. "Ang bango talaga ng buhok mo, gustong gusto ko talaga ang amoy nito."

"Edi mag Dove ka."

"Oo sure mamaya, mag da-dive ako sa iyo." Humalakhak na naman siya, akma ko siyang kukurutin sa tagiliran ng bumitaw na rin siya ng kusa. "Teka pala." Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at iniwan ako. Pagbalik niya may bitbit na siyang gitara at isa pang upuan. Nilagay niya iyon sa tabi ng upuang tumba-tumba na naroon, bago ako hinila at pinaupo.

"Mag-gigitara ka?"

"Hindi Mahal na Reyna, magpa-piano ako." sinimangutan niya ako.

Napatitig ako sa gitara niyang kulay itim, at para akong tanga na napangiti ng makitang may sticker na nakadikit sa bandang ibaba non. Hindi ko na tuloy siya nagantihan sa pambabara niya.

Queen Azula...

Talagang literal na Queen ang ginamit niyang spelling sa pangalan ko.

"Walang tatawa ah. Ang tagal kong nagpractice kala mo ba." Doon palang ay natawa na ako. Lalo tuloy siyang sumimangot. "Kasasabi ko lang walang tatawa! Ayoko na nga!" Akma syang tatayo ng pigilan ko siya.

"Hindi na promise. Sasabayan pa kita kumanta." Bumalik siya sa pagkakaupo at inayos ang porma ng gitara sa kandungan niya. Hindi ako tatawa kahit mahirap pigilan.

It's her hair and her eyes today

That just simply take me away,

And the feeling that I'm falling

further inlove, makes me shiver

But in a good way.

Aba. Improving ah? May timbre na ang boses niya, hindi na tunog lata. Pinatong ko ang mga paa ko sa upuan at niyakap iyon. Halos umabot sa tuhod ko ang T-shirt niya, kaya naman nagawa kong isuot doon ang mga binti ko. Nakakaloka lang, talagang bumili pa siya ng new set ng undies. Handa talaga ang loko.

"Sabayan mo ako, sabi mo sasabay ka eh." huminto siya sa pagkanta, ngunit patuloy sa pag-strum. "Chorus ah."

Tumango ako at ipinatong ang mukha sa aking tuhod.

All the times I have sat and stared,

As she thoughtfully thumbs through her hair

As she purses her lips, bats her eyes

As she plays with me sittin' there, slacked jaw

And nothing to say

Tumayo si Cali habang nag-iistrum padin, bahagya siyang yumuko at tinitigan ako. Good Lord. Hindi ko alam na mahuhulog ako ng ganito kalalim sa kanya. "Coz I love her with all that I am, and my voice shakes along with my hands. Coz she's all that i see and she's all that I need. And I'm out of my league once again..."Todo ngiti siyang kumanta habang napapailing na inirapan ko siya. Napakarami niya talagang alam na kakornihan.

Kakornihang palaging nagpapawala sa normal na tibok ng puso ko. I smiled at him. "I love you." And then I just felt his lips on mine.

---------------------------------------

Hinatak ko ang kumot at ibinalot sa katawan ko. Now, Cali is sleeping peacefully. Nakadapa siya at bahagyang nakaawang ang bibig habang nakasubsob ang kalahati ng mukha sa kanyang unan. Hindi ko mapigilang hawiin ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit maraming nahuhumaling sa kanya. Lalo na si Morgianna. Gwapo talaga siya, tapos mayaman pa. Sweet din naman talaga, hindi ko nga lang alam kung sa akin lang ba o sa lahat ng babaeng naging ka-On niya.

Bahagya siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata.

"Aren't you sleepy yet? Hindi ka ba napagod?" Ngumiti ako at dumausdos ako ng higa, siya naman ay sumiksik sa kili-kili ko. Nagpatuloy ako sa paghaplos sa buhok niya. "You should sleep now, Queen. Sabay pa tayo papasok bukas."

"Later." I smiled at him. "Go ahead, go back to your sleep."

Ilang minuto lang payapa na ulit siyang naghihilik. Tumunog ang cellphone niyang nasa beside table at umilaw iyon. Wala sana akong balak na tingnan iyon kung hindi lamang ilang beses na umilaw at tumunog na naman. Pinindot ko ang unlocked button to check if it has a password, ng mamatay ito bago pa ko pa makita ang nagtext. ngunit wala naman. Bumungad agad sa akin ang mukha kong nagsisilbing wallpaper niya. HIndi ko tuloy mapigilang mapailing at mapangiti. Number lang ang nakarehistro sa screen.

Kusang gumalaw ang daliri ko at ni-tap iyong screen ng phone.

From: 09*********

Cal, can we talk tomorrow? Pupunta parin ako bukas kahit na hindi mo ako imbitahan...

I really miss you, I saw you at the School earlier.

Malapit na nga pala ang Birthday mo, I promised...Magugustuhan mo ang gift ko para sa iyo.

Ni-check ko iyong ibang messages. Halos galing sa iisang numero. Tumaas ang kilay ko sa pinaka huling text.

You know why I can't let you go and still pursuing you? Because I know, that In the end. We will still be together...

Sino naman ang Higad na it--Higad? Morgianna? I was about to hit reply ng matigilan ako. I'm not a clingy girlfriend. I'm not like them. I trust, En. Binalik ko ang phone sa mesa at umayos ng higa. Pero ano kayang meron bukas at may binanggit na 'imbita' iyong malanding Higad na iyon. Kahit pigilan ko ang inis ay hindi ko magawa, eh kung pahirapan ko kaya siya sa University? Tutal, It's almost a month mula ng may pahirapan ak---Aishhh....No Azula, you will going to be just like those whores, if you stoop that low. Pinikit ko ang mga mata at pilit na nagpa-antok.

And minutes later, hinatak narin ako papunta sa mundo ng mga panaginip.

Sa panaginip kung saan, binabalatan ko daw ng buhay si Morgianna. Isa-isa ko daw binubunot ang mga kuko sa paa niya, at binubudburan ng asin ang duguang katawan niya. Choz lang.

Sa saglit pa lang ako nakakatulog dinalaw na agad ako ng isang panaginip. Nakatayo daw ako sa isang bangin, sa baba nito ay may rumaragasang ilog, habang si Cali naman ay nasa isa pang bangin nakatayo at nakaharap sa akin. Sinubukan ko daw talunin ang ilog mula sa kinatatayuan ko para makapunta sa kinatatayuan ni Cali, and luckily. I succeeded. Muntik pa daw akong anurin ng tubig. Ngunit ng hustong aakyatin ko na daw si Cali ay wala na siya doon. Tumaas daw ang tubig at natangay na ako. And I was about to lose my breath, ng magising na ako.

"Fvcking nightmare." I hissed and tightly shut my eyes. Anong ibig sabihin ng panaginip ko? NIlingon ko si Cali na nakanganga na. At napatanong ako sa sarili ko. Paano kung dumating ang araw na iwan niya nga ako?

Anong gagawin ko?

Continue Reading

You'll Also Like

248K 5.4K 67
I like you, Sir! Sonia knows that liking a man who doesn't like her is like a big tragedy. But instead of getting furious and feeling inadequate, as...
33.2K 1.1K 53
ALAMINOS LAGUNA SERIES #1 Ranz, a rich man who lives in Sta. Rosa but chose to study in Alaminos to pursue Law for his future not until he met Kather...
20.1K 678 55
Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswe...
2.1M 47.2K 43
LOVE ANTIDOTE SERIES 1: Arthur Alarcon, the Feirce Neurosurgeon. Si Esmeralda ay anak ng isa sa pinakamayamang pamilya at haciendero sa kanilang luga...