CQ-32

22.5K 511 26
                                    




His Queen 32



--------------------------------



Halos kalahating araw akong nakatutok sa pag-aayos ng Ball. Naipadala ko na ang mga sagot kalahati ng Request Form na natapos ko. Nakakapunyeta talaga ang mga request, akala mo Birthday Party ang magaganap. Saan ka nakakita ng College Ball, tapos may face painting, may bubble machine pa? Nakakaloka lang talaga.

Ng sumakit na ang batok at likod ko ay sumandal na ako sa upuan at hinubad ang aking salamin. Pinilot ko ang mga mata ko at hinilot ang aking sintido. Maybe I should really go to the mall, para makahanap ng maipangreregalo ko kay Cali. Kahit naman kasi Manyak siya, manyak na talaga siya. Hindi ko na mababago pa.

Pero anong ibibigay ko?

Should I give him a dozen of Porn Mags? Malibog kasi siya diba? Tapos hantaran pa kaya yung mga FHM magazines niyang nakapatong sa table niya sa kwarto niya. Kaso, baka isipin naman niya ganun nadin ako, mahilig kagaya niya. Tapos isipin niya pa na baka pinagnanasaan ko siya, kasi ngayon ko lang naalala halos isang buwan narin pala mula nung huli naming 'ano'. Wag kayong ano dyan. baka isipin niya natitigang na ako sa kanya. Duhh! As if naman!

Erase na yung Porn Mags. Erase!

Ano kaya yung watch? Kaso masyado namang common, saka baka sabihin ni Hidalgo napaka effortless ko naman pumili ng regalo, saka afford niyang bumili ng watch. Baka mas mahal pa nga sa mabibili ko. Letche! Sumasakit lalo ulo ko! Hindi naman pwedeng bracelet, dahil nabigyan ko na siya nun. Dinilat ko ang mga mata ko at nangalumbaba sa aking mesa. Napatingin ako sa singsing na binigay niya. Alam ko couple ring ito eh. Kaya hindi narin pwede.

Erase na ulit yang dalawang yan.

Teka, naghihikaw ba siya? Parang hindi ko kasi napapansin, ang alam ko ayaw din niyang mag kwintas. Hindi daw Macho tingnan, tsaka nagmumukha daw kasi siyang seaman. Lalo na daw kapag yung ginto at makapal iyong necklace, siraulo. Tapos kapag Silver naman daw para daw siyang Fvck Boy. Gago talaga. Mas gugustuhin pa daw niyang mag suot ng dogtag, at magmukhang rapp--

Shit!I knew it! Napapitik ako sa ere. Hinablot ko ang bag ko at agad na tumayo, dire-diretso akong lumabas ng Office. May isang oras pa ako, bago magsimula ang subject ko. Malapit lang naman ang Giant Mall dito. Pagkalabas ko ay nasalubong ko pa sina Danna na paakyat na ng hagdan at pabalik sa office.

"Pres. magbreak kana? Sakto makikita mo iyong mga pogi na nasa Dean's Office." Humagikgik pa silang dalawa. Tss...

"Mga poging walang substance ang katawan at utak." pinaikot ko ang mga mata at nilampasan na sila. Lumihis ako ng daan ng magtanong naman si Mirae kung saan ako pupunta. "Sa Mall, wag na magtanong kung bakit, mahatak ko ang dila."

"Si Pres. talaga, ingat po."

Ikinumpas ko na lamang ang kamay ko bilang sagot at lumiko na palabas ng Building. Inayos ko ang salami--nasaan ang salamin ko sa mata? Kinapa ako ang aking kwelyo, ngunit wala din iyon doon. Now, where the fvck it is? Huminto ako sa paglalakad ang start checking my bag. Still, wala talaga. Damn. Mukhang naiwan ko pa yata sa Office. Agad akong pumihit pabalik ngunit bumangga lang ako sa kung anong masakit sa noo. Tigas letche. Sakit sa ilong! Disadvantage talaga ng matatangos ang ilong eh!

Cali's Queen (Completed) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon