Run, While You Still Can

By BlackLily

12M 229K 21.3K

More

Run While You Still Can
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14.
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 15

266K 4.4K 275
By BlackLily

15

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya habang siya naman, kampante na nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang bawat kilos ko at pinakikinggan ang bawat talak ko. I didn’t see a trace of remorse or guilt in his face. Mukhang ngang tuwang tuwa pa siya sa mga nangyayari.

“Ano na lang ang sasabihin ni Marianne at ng mga kaibigan niya? Ang iisipin nila?” Pakiramdam ko nag iigting ang mga ugat ko sa leeg sa mga pinagsasabi ko.

“Sasabihin nila na ang macho ko at iisipin nila na ang swerte mo dahil ako ang fiance mo.” Buong pagmamalaking sinabi niya. May nalalaman pa siyang pataas taas ng kilay samantalang ako mahahighblood na ata sa kanya. And again, gusto ko na namang sisihin si Emerson sa mga nangyari. Dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi kukulo ang dugo ko dito kay Jayson.

“Hindi eh! Iisipin nila na hindi mo ako masyadong mahal at isang kaladkarin kang lalaki at pwedeng pwede ka nilang agawin sa akin. At hindi pa nga tayo kasal, niloloko mo na ako.” Punong puno ng emosyon ang pagkakasabi ko. Kulang na lang ingudngod ko sa kanya ang mga sinasabi ko para lang maintindihan niya ang sitwasyon. Mukha kasing di pa nagsi-sink in sa isip niya na nagpapanggap kami bilang magkasintahan na malapit ng ikasal.

“May plano ka talagang pakasalan ako? Ikaw Roselyn ha, pinipikot mo na ako. Akala ko ba nagpapapanggap lang tayo?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit ba ang hirap niyang paliwanagan?

Bumuntong hininga ako para kalmahin ang sarili ko at inisip ko na may utang na loob ako sa kanya kasi pumayag siya na gamitin ko siya. Hindi dapat kumukulo ang dugo ko ng ganito.

“Okay. Uulitin ko Jayson. We are pretending to be lovers at hindi na tayo aabot sa kasal, so rest assured na hindi kita pipikutin. Ang pakiusap ko sayo,  you act accordingly as my lover. Hindi yung nakikipaglandian ka every chance you get. You should act faithfula nd very much in love with me. Maaasahan ba kita na magagawa mo yun?” Malumanay ang pagkakasabi ko na parang nagpapaliwanag ako sa isang pasyente. Pero ang totoo, gusto ko na siyang sigawan at sabunutan at ng malagas ang lahat ng kulot niyang buhok.

“Oo naman. No sweat. Easy job. Pero dapat maging convincing din tayo sa kanila na nagmamahalan tayo. Kasi kung hindi sila macoconvince, sa sobrang pogi ko, malamang na aakitin nila ako. At ayaw kong maging bastos sa mga babae.” Buong confident ang pagkakasabi niya nun. Pinilit kong ngumiti at pinigil ang kamay ko na mukhang may sariling isip na gustong mambatok.

“Of course we will act accordingly.” Sabi ko na lang para matapos na ang usapan. May pakiramdam kasi akong kapag pinagpatuloy ko pa ang usapan namin, mauubusan ako ng dugo.

Nung kinagabihan na, Marianne invited us para sa isang bonfire. Ewan ko ba kung makapal lang talaga ang mukha nung pinsan ko para umarte na parang walang nangyari kanina sa sand bar. Pero alam ko na ang imbitasyon ay para lang talaga kay Jayson. Pero dahil nga ako ang naturingang fiancee kaya dapat sumama ako. Alangan namang na hayaan ko na lang na maglandian silang dalawa?

Pagdating namin, nagsisimula na silang mag inuman. Uupo sana si Jayson sa tabi ni Marianne kasi yun ang may bakanting space pero naging maagap ako at hinila siya palayo dito at ako ang naupo sa tabi ni Marianne. He just grinned and gave me a meaningful look.  Inismiran ko nga.

At habang nagkakatuwaan sila at nag iinuman, naisip ko, bakit nga ba andito ako at tinitiis ang kalandian ng pinsan ko?Bakit nga ba pumayag akong pumunta dito, kahit alam kong di ako nag eenjoy?  Hindi naman ako insecure sa kanya at mas lalong di ako uto uto.

Then I answered my own question. Dahil gusto kong ipamukha kay Marianne na hindi lahat ng lalaki ay pwede niyang tuksuhin at agawin. Kaya inis na inis ako kay Jayson nung nakipaglandian siya kay Marianne. Hindi dahil sa nagseselos ako kundi dahil sa ayaw ko nang maulit ang nangyari bago pa dumating si Emerson sa buhay ko. Yes. Inagaw niya sa akin ang boyfriend ko since college. Apat na taon kami nung lalaking yun. Pero itong si Marianne, walang pakundangan. Nilalandi niya ang ex-bf ko  in front of me. At hindi ako makareklamo kasi ayaw kong mapagsabihang insecure at walang tiwala sa sariling boyfriend.  At yun ang pagkakamali ko. Dapat pala dati pa lang sinabi ko na kung gaano kalandi itong si Marianne. Hindi na pala ako dapat nagpigil pa. Ang nangyari tuloy, yung apat na taon na iniukol ko sa lalaking yun ay nawala lahat dahil nakita ko na lang silang naghahalikan sa parking ng mall. At hindi lang basta halikan, Kulang na lang kainin nila ang mukha ng isa’t isa. Kaya ayun, I break up with they guy. Naging sila ni Marianne and after a month, they broke up too. Wala na akogn pakialam kung ano ang naging issue nila ng ex ko. Ang gusto ko lang ay mapatunayan kay Marianne na nakamove on na ako at hindi ganun ka lethal ang kalandian niya. Kaya kung kailangang itali ko itong si Jayson sa akin, gagawin ko.

“Seriously? You stalked him when you were still in high school Hannah?” Napatingin ako kay Marianne na nasa gilid ko. Then I looked at Jayson  na nakangiti. Apparently, kinukwento na pala niya kung paano kami nagkakilala.

“Yes I did. He is a heartrobe way back in high school. Kaliwa’t kanan ang gf niyan. Everyone had a crush on him and definitely, I am not immune to his charms pero siya mukhang hindi ako napapansin kaya I resorted into stalking him.” Nakatingin ako kay Jayson habang sinasabi ko yun at nakita ko siyang ngumiti.

“I never thought that you have the guts of doing that Hannah. I mean, hindi ko kayang mang stalk ng guy just for the sake of being noticed.That was just…cheap.” Tapos tumawa siya ng pagak. Umismid ako.

“Compared to stealing one’s boyfriend? Stalking is still considered tame.” Napanganga naman si Marianne dahil sa sinabi ko. Ohhh.. maybe, hindi niya inakalang sasabihin ko sa harap ng mga kaibigan niya ang mga bagay na iyon. Hindi ata niya napansin na hindi na ako katulad  ng dati na hinahayaan lang siya. 

At obvious na obvious na nagulat siya sa sinabi ko kaya iniba niya ang usapan. Tapos nagkayayaan na mag night swimming. Yung iba naiwan sa bonfire, yung iba, naligo na sa dagat. Niyaya ako ni jayson na maligo pero dahil hindi ako prepared nagpaalam muna ako na magbibihis.  Pagkabihis ko, bumaba na agad ako at baka kung ano na ang ginagawa ni Marianne sa kay Jayson. Pero bago ako pumunta ng dagat dumaan muna ako sa shower.

“Is it true that you stole your cousin’s boyfriend Marianne?” Napatigil ako sa pagpasok sa shower room nung marinig ko ang boses ng mga kaibigan ni Marianne.

“Well, it was not my fault. It is her fault.” Mayabang na sabi nito. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. At ako pa ang may kasalanan? Ang kapal ng  mukha ha!

“You are a bitch! And you invited her here with her fiance. What are you planning to do?” Narinig ko ang hagikgik ni Marianne.

“You know why her ex bf left her? Because she is so cold, boring  and uninteresting. And I believe that she never changed. I mean, look at her and her fiance.  They don’t hold hands, they are not sweet. Parang silang strangers. And I bet, just like her ex bf, kunting landi lang bibigay din yang fiance ni Hannah.” Nag usok ang ilong ko sa mga narinig ko. So talaga namang may plano talaga ang malanding ito.  Huminga ako ng malalim at tumalikod na sa shower at dumiretso sa dagat.

Hinubad ko ang sando at shorts ko at agad na hinanap si Jayson na naliligo kasama ang ibang guys. Agad akong lumangoy palapit sa kanila at tumabi kay Jayson. Pagkalapit ko sa kanya agad akong kumapit sa braso niya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya at tumingin sa akin with question in his eyes.   Ngumiti ako ng matamis at bumulong sa tenga niya.

“We have to be convincing.”

“Alright. Yun lang pala eh.” Sabi nito sabay hapit ng bewang ko palapit sa kanya. Nanayo ang balahibo ko hindi dahil a lamig ng tubig kundi dahil sa parang kuryente na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa buong katawan ko. Pakiramdam ko nga nanginig pa ako. Pero binaliwala ko ang lahat kasi nga may gusto akong patunayan.

And indeed he acted his role very well. Para ngang ayaw na niya akong bitawan. Kung hindi nakalagay ang kamay niya sa bewang ko, nakapulupot naman siya sa akin. And everytime our body touched, parang gustong kung tumakbo palayo. I can sense danger signs everywhere. Gusto kong mag time out pero paano ko gagawin yun kung ako mismo ang may pakana sa larong ito? And to think na wala pa kaming 20 minutes sa tubig.

Then I saw Marianne watching us. Nawala ang lahat ng agam agam ko. Humarap ako kay Jayson.

“Kiss me.” Tapos tumingala ako sa kanya. Hindi ko na inisip na mahiya. Makapal na kung makapal. Isipin na ni Jayson kung ano ang dapat niyang isipin.

Then I saw hesitation in his eyes.

“Ang tagal naman.” Nakita ko siyang ngumiti tapos umiling.

“Ang atat mo Doc.” Sabi pa niya bago niya ako hinapit sa bewang  palapit sa kanya. Ni hindi kami nagtitigan katulad ng mga ginagawa ng mga lovers bago maghalikan. I didn’t even bother to close my eyes. What for? This is just for the show and we are not lovers.

Ang akala ko talaga ang halik na mangyayari sa amin ay isang normal na halik lang. Yung maglalapat lang ang labi namin. After all nga, this is just for the show. Pero nakalimutan kong si jayson ang hahalik sa akin. Nakalimutan ko na playboy siya at siguro libong babae na ang nahalikan niya.  Kaya laking gulat ko na instead na ilapat lang niya ang sa labi ko ang labi niya like I was expecting, he gently bite may lower lip.

“Ay shit!” Hindi ko napigilang sabihin. Tumawa siya ng mahina before he claimed my lips again. And it was not a smack katulad ng naiisip ko. And I was not expecting my reaction either. Lalong nanlaki ang mga mata ko at nakatingin sa nakapikit na mga mata ni Jayson. Hanggang sa hindi ko na napigilan at kusang napapikit na din ang mga mata ko. Pati ang mga braso ko napakapit na din sa batok niya.

Holy shit! Sigaw ng isip ko habang nag eenjoy ang katawan ko sa halik ni Jayson. And of course I was kissing him back. Yun ang hindi kayang I process ng isip ko dahil paanong ganun na lang kadali akong nadala sa halik niya. And I am enjoying it for God’s sake.

Hindi ko din siya pwedeng itulak kasi una, I asked for it. Pangalawa, gusto ko ang ginagawa niya. I can’t help but like it, I can’t help but respond to it and I can’t even help myself as I moaned lalo na nung hinapit niya ako lalo and our tongues meet. Para akong nagdedeliryo, biglang naging blangko ang utak ko.

“Get a room guys.” Narinig kong may sumigaw malapit sa amin kasabay ng tawanan. At dahil doon tumigil si Jayson sa paghalik sa akin. Nabitin ako. Gusto kong sigawan ng pakyu ang mga istorbo.  Pero dapat nga magpasalamat ako sa kanila because they broke the spell. Para nga akong sinaniban kanina. Sinaniban ng pagkapervert.

Nakayakap pa din si Jayson sa akin at kahit na nahihiya ako sa sarili ko hindi ko pinahalata. Hindi din ako umalis sa tabi niya. Bumalik sa isip ko na kaya ako nagpahalik ay para ipakita sa pinsan ko na mali siya sa inaakala niya. Tama! Yun talaga ang dahilan ng halik na yun at nagpadala ako to be more convincing. Yun lang yun.

Pero habang tumatagal nahihirapan akong kumbinsihin ang sarili ko na yun talaga ang dahilan ng maalab na halik na yun. Hanggang sa umahon kami, hindi pa rin ako makumbinse that there is nothing to that kiss. That it was just for a show. Habang nagsashower ako at nakapagbihis na ako yun pa din ang iniisip ko. 

Paglabas ko sa bathroom nakita kong nakatayo si Jayson sa gitna ng room at may hawak na beer. Nauna na siyang nagbanlaw sa akin kasi aabutin daw siya ng siyam siyam kung ako ang mauuna. And indeed, mabilis nga siyang magbanlaw. Pero hindi pa rin nakaligtas sa akin na hindi talaga siya gentleman. Sino ba namang gentleman ang hahayaang malamigan ang isang babae dahil sa gusto nitong makipag unahan sa banyo?  Kahit na hindi naman ako nilamig kasi nakabalot ako ng tuwalya.

Nung tiningnan niya ako, I felt awkward pero hindi ko pinahalata. Hindi dapat ako kinakabahan. Ngumiti ako sa kanya.

“Salamat kanina.   Siguro naman convincing naman ang naging acting natin di ba? The way we kissed, sino ang mag iisip na arte lang ang lahat?” Sabi ko sa kanya na para bang hindi ako apektado sa nangyari. Na para bang hindi nabulabog ang buong pagkatao ko sa nangyari sa beach.

Hindi siya nag react sa sinabi ko. Uminom siya ng beer tapos tumingin sa akin at tumaas ang kilay niya.  

“I am not convinced.” Sabi niya.  Nangunot ang noo ko. Anong hindi convinced? Hindi pa siya convinced sa lagay na yun? Kulang na lang higupin niya ang kaluluwa ko sa klase ng halik na binigay niya sa akin tapos hindi pa siya convinced?

“Huh?” Yun lang ang nagawa kong sabihin sa sinabi niya.

“I am not convinced na arte lang ang halik. Na hindi ka nadala, na hindi ka nasarapan.” Nag init ang pisngi ko at napatingin ako sa kanya. Seryoso pa din siya at pinaglalaruan ang lata ng beer na hawak niya.

“And what do you mean?“

“You like it when I kissed you. You responded. You moaned and you can’t get enough. Hindi yun isang arte.” Pinagdiinan pa niya ang isang bagay na nirurule out ko. At may nagdidiwang na isang bahagi ng pagkatao ko. Damn!

“Of course not. It was just an act.” At yun ang pilit kong tinatatak sa isip ko. Pero mukhang hindi lang ang isip ko ang ayaw tanggapin ang bagay na yun dahil obviously, ayaw din tanggapin ng kaharap ko na arte lang ang lahat.  

“Then convince me. Kissed me again and  prove to me that it was just an act.” He challenge at punong puno ng kalokohan ang mga mata niya kahit na pilit niyang pinapaseryoso ang mukha at boses niya.  Nanlaki ang mga mata ko upon realizing something. Pinagloloko ako ng lalaking ito.

At dahil dun nainis ako bigla. Ako pa ang pagttripan niya!

“Gago!”  Tapos binato ko sa kanya ang hawak hawak kong basang bikini top  na isasampay ko sana sa terrace. He caught it, binulatlat and grinned.

A/N:

Pwede ba akong mag plug? Walang bayad?  

Kung gusto niyo pong malaman ang mga anik anik tungkol sa mga stories ko. At mga walang kabuluhang post ko, I follow niyo ako sa facebook. 

https://www.facebook.com/pages/Blacklilys-Stories/320594144639511

DI ko na ilalagay ang twittter accoutn ko dito. Katamad eh.

Continue Reading

You'll Also Like

252K 2.9K 73
It is another story of a man who loves to play girls. *2013*
4.8M 99.1K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
189K 3.6K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
9.8M 384K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...