She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 20

242K 7.3K 549
By VixenneAnne



Sabay kaming pumasok ni Jave kinaumagahan. Pagpasok palang ng kotse nagtitinginan na ang mga estudyante sa amin. Namumungay ang mga mata nila kay Jave, samantalang sa akin ay matalim ang tingin. Ganito siguro talaga sa school na ito, kapag masama ang ugali mo 'in' ka. School ng mga kontrabida sa telenobela ang napasukan ko, baka ang basic learning sa school na ito ay kung paano magmaldita. Haay, mukhang mahihirapan akong makibagay.

Dito palang sa mamahaling damit na pinadala sa akin ni Ms. Ysabel naiilang na ako eh. Pero kailangan kong isuot dahil ayoko namang pati sa panananamit ay out of place ako.

Nagdahan-dahan ang kotse ni Jave nang marating namin ang parking. Iling-iling akong napatawa nang makita ko ang malaking sign board sa parking: DEMON REX. May nakareserba siyang parking sa school na ito. Kahit siksikan ang ibang kotse, yung space niya kasya ang tatlong kotse. Bwesit, naalala ko na naman ang makabagbag damdamin niyang acting na inaapi siya sa school na ito. Ako naman mukhang tanga hindi magkanda ugaga sa kaka-alaga sa kanya sa bahay, akala ko hirap na hirap talaga siya. Bwesit na Paniking ito. Pagtingin ko sa kanya sa driver's seat, ang angas pa ng pagmumukha niya, laging nakatungo ang noo parang naghahamon ng away. Nang hubarin naman niya ang suot na sunglasses, pakiramdam ko naghahasik siya ng gayuma sa hangin, lahat ng nasa paligid nakatanga sa kanya.

Nauna siyang bumaba sakin.

"Alam mo kung anong room ka?" tanong niya sa akin.

"Oo."

"Good. Ihahatid pa ba kita?"

Umiling ako. Gusto ko ng tahimik na buhay, kapag dikit siya ng dikit sa kin dito sa school, dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari: aawayin ako ng mga estudyante, o lalayuan.

"Punta na ako sa klase ko. Bye Jave!"

Nagmadali akong lumayo bago pa niya ipilit na ihatid ako.

Nakakamangha ang classroom ng Westside, ito na yata ang pinakamagarang classroom na nakita ko sa buong buhay ko. Imbes notebooks, laptops ang nakikita kong nakapatong sa bawat table. I can only see 20 students in this huge classroom. Naghanap ako ng mapwepwestuhan.

"Sofia!" napalingon ako sa gawi ng tumawag sa akin. Sa may bandang dulo siya nakaupo, malapit sa bintana. Si Kayla. Naexcite ako! Buti naman may kakilala ako kahit isa, hindi ako magmumukhang api sa klase ko, lalo pa't sa una palang, pansin ko nang nakasimangot sa akin ang lahat, siya lang ang hindi. Hindi ko pinansin ang iba, ok na s'akin ang may kaibigan kahit isa.

"We're classmates!!" mahinang tili ni Kayla. Nakitili din ako sa kanya.

"Wala pa ba tayong teacher?" tanong ko.

"He's out. He just left us some seatworks. You can open your laptop. Your name and your student number is the default log in."

"Ok." excited kong inopen ang laptop, bumungad sa akin ang website ng Westside kung saan nakalagay lahat ng academic at extra curricular activities ng buong University. Nakakatuwa, may kanya-kanyang section ang bawat org.

"Anong org ang sasalihan mo Sofia?"

"Ha?" maang na tanong ko. "Kailangan ba?"

"Yeah. Mandatory, kahit ilan pwede mong salihan pero hindi pwedeng wala. Ang mga org na yan ay across all levels and departments.."

"Talaga? Hmm, kilala mo sina Ark at Jiro? Anong org nila?" pagbanggit ko sa pangalan ng dalawa, nagtinginan sa amin ang mga estudyante.

"Ssshhh.."

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko pwedeng banggitin ang pangalan ng mga kaibigan ko. Naintindihan ko siya nang lumapit sa amin ang isa sa mga classmate namin. Matangkad itong babae, maganda ang mukha at maganda din manamit. "Did I hear you say Ark and Jiro's name?"

Tiningnan ko siya sa mata. Nakita kong dalawa pang babae ang tumayo at lumapit sa amin. What's the big deal? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang pagka-OA ng mga estudyante dito sa mga pangalang Ark, Jiro, Zirk, at lalong-lalo na ang pangalang Jave Santillan.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko.

"You dare mention their names when you're just a mere freshman? Lakas ng loob!"

"Absent ka yata kahapon, Agatha." singit ng isa pang estudyanteng maganda rin at mamahalin ang porma mula ulo hanggang paa. "Hindi mo ba siya kilala? She's the famous bad boy's princess, natural pwede niyang banggitin ang pangalan ng mga close friends niya.."

Shock ang nakita ko sa mukha ni Agatha.

"Hello, Sofia, my name is Elle." Nakipagkamay pa sa akin ang bagong dating na babae. Kahit ramdam ko ang kaplastikan niya, go lang. Kaysa naman magkaroon pa ng gulo.

"Pwede kang maupo sa tabi namin sa first row kung gusto mo.." sabi nitong parang karangalan ang tumabi sa grupo nila sa first row.

"Thank you Elle, pero ok na ako dito."

Tumango ito, halatang nalukot ang mukha. Sorry, hindi ako sanay makipagplastikan. Humagikhik si Kayla nang iwanan kami ng dalawa.

"Buti hindi ka pumayag."

"Ayoko sa first row." sagot ko sa kanya. "Ang totoo, ayoko sa kanila, amoy na amoy ko ang kaplastikan Kayla..." bulong ko sa tainga niya.

"Tama. Gusto ka lang nilang gamitin para mapalapit sila sa mga rexes. Marami pang mga ganyang estudyanteng darating, mag-iingat ka sa kanila, karamihan sa mga estudyante dito traydor.."

Napailing nalang ako. Binalik ko ang atensyon sa laptop, maghahanap ako ng org na pwedeng salihan. Hanggang sa nakita ko ang mukha ni Jiro sa Advance Science and Technology section, siya yata ang head doon, nalungkot ako kasi hindi ako masyadong matalino sa Science. Gusto ko pa man ding makasama si Jiro. Si Ark nalang, saan kaya siya dito?

Nakita ko siya sa kabilang section ng website. Rock and Music Club kung saan isa siya sa mga sikat na vocalists ng school. Sabagay, magaling kumanta si Ark nararapat lamang siya sa club na yun. Natutuwa ako dahil ang gwapo niya sa mga pictures niya habang kumakanta. Lakas maka KPop ni Ark ah.

Hmmm. Pangatlo kong nakita si Zirk Alcantara. Isa sa mga rexes ng school, dominate niya buong sports section, halos mukha niya lahat ang nakabalandra doon, hindi ko rin naman sila masisisi. Zirk was such a charmer in hardcourt, napanood ko na siyang maglaro.

Napabuntong hininga ako. Lahat ng mga kakilala ko may club na, at ang masama hindi ako pwede sa club nila. Teka, wala yata si Paniki, ano kayang sinalihan nun? Bullying Club siguro, specialty niya yun eh.

"Ikaw Kayla, anong org mo?"

"Sumali ako sa drama and dance club. Gusto mo doon ka na rin, masaya doon, medyo may mga maldita ka nga lang na makakasama pero kasama mo naman ako, at least dalawa tayo."

Tumango tango ako. Haay. Drama? Dance? Hindi ko nga alam kung may talent ba akong ganun, ang alam ko kasi parehong kaliwa ang paa ko. Pero kung hihiwalay naman ako kay Kayla,saan naman ako sasali? Siguro pansamantala habang wala pa akong maisip na salihan, sasama na muna ako kay Kayla.

"Sige, sama nalang ako sayo." sagot ko kay Kayla.

"Talaga?? Sige, may audition mamayang 4pm sa theater pumunta tayo!"

Shocks. May audition? Namroblema tuloy ako, parang gusto kong bawiin pero nakakahiya naman kay Kayla mukhang excited na siya ng sobra.





Buong maghapon kaming hindi nagkita ni Jave, hindi niya man lang ako binisita sa classroom ko, nakakainis talaga ang Paniking iyon. Kasama ko na si Kayla ngayon sa malaking theater house ng Westside. Nakapila ang mga gustong sumali sa club. Pang labin apat si Kayla, pang labin lima naman ako. Habang nauupos ang linya mas lalong tumataas ang kaba ko. Ang lahat ng mga nauna sa amin ay magagaling.

May limang panel of judges. Tatlong professor at dalawang senior students, nakakakaba dahil sila ang magdedecide kung anong klaseng presentation ang gagawin sa malaking entablado. Kung konti lang ang tao, ok lang sana, pero marami-rami ang audience, kapag pumalpak ako mapapahiya ako ng sobra.

Gusto ko na talagang magback out.

Lahat ng sumalang sa stage nakapasa, walang itulak kabigin sa mga talent nila. Bukod pa doon ang gaganda nila talo pa nila ang ilan sa mga local artist ng Pilipinas. Nang tawagin na ang pangalan ni Kayla, nangatog ang tuhod ko, ang dibdib ko parang sasabog na. Hindi ko na kaya, magbaback out nalang talaga ako, magpapaliwanag nalang siguro ako kay Kayla, maiintindihan naman niya siguro.

Pero nang hahakbang na ako paalis ng pila, nagkagulo ang mga studyante, nagtakbuhan papunta sa pinto para salubungin ang celebrity rex nila, si Zirk at ang barkada nito. Anong ginagawa niya sa drama and dance club audition??

Mas lalo akong hindi napakali nang lapitan niya ako. "I didn' know you're into drama and dance pala?"

"Trial lang naman ito, sinamahan ko lang talaga si Kayla. Alam ko hindi ako makakapasa. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Nagdala ka pa ng mga fans mo, mas marami pa tuloy ang tao."

Tinawanan niya lang ang pagsusungit ko. "Nabalitaan kong sasali ka kaya sasali na rin ako."

"May club ka na."

"Bakit, sinong may sabing hindi pwedeng dalawa club ko?"

Umikot ang mata ko. "Bahala ka."

"Ms. Sofia Althea Perez"

Narinig kong tawag ng isang Professor. Kabado akong umakyat ng stage, anong gagawin ko? Halos hindi na ako makahinga sa kaba, tapos biglang isa pang batch ng mga studyante ang dumating, naantala ang performance ko dahil muling nagkagulo.

Kaya naman pala, dalawa pang mayayabang sa school ang dumating. Sina Ark at Jiro. Naupo ang dalawa sa front seat. Nakatawa sa akin si Jiro, samantalang nakakindat naman si Ark. Nang tumingin ako sa kabilang dako naroon naman si Zirk na nakangisi sa akin.

Mga leche 'tong mga 'to naghakot talaga ng maraming tao.

Nang makuha ko ang papel na nagsasaad ng performance na gagawin ko, may naalala ako. Wala bang balak si Jave na puntahan ako? Hindi ba niya nabalitaan kina Ark at Jiro na may audition ako ngayon? Haayy, nakakaasar talaga siya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 76 13
"Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap." -Razer Love can't be stopped, no matter how difficult the test that com...
18.2K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
631K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
44.7K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24