Fyglia's Enchantment

By AyhenPey

15.3K 767 151

Fairies in the midst of 21st century?! Mukhang joke pero meron talaga! Rated: SPG More

Chapter 1: Diwata
Chapter 2: Cosplayer
Chapter 3: Shampoo
Chapter 4: Cake
Chapter 5: Model
Chapter 6: Hinihipuan
Chapter 7: Kalahating Lalaki, Kalahating Babae
Chapter 8: Street Foods
Chapter 9: Green Eyes
Chapter 10: Don't push me away
Chapter 11: Wanted
Chapter 12: Puno ng Mangga
Chapter 13: Abandoned
Chapter 14: Fyglia Mortel
Chapter 15: Stay
Chapter 16: Love Triangle
Chapter 17: I can work
Chapter 18: Stranded
Chapter 19: Ang saraaaap
Chapter 20: Nilalandi
Chapter 21: Really jealous
Chapter 22: Bumalik siya
Chapter 23: Faylinn
Chapter 24: Mission
Chapter 25: Halimaw
Chapter 26: Rosas
Chapter 27- Boyfriend
Chapter 28 : Kiss
Chapter 29 : Mama
Chapter 30 : SOP
Chapter 31 : Hindi kita iiwan
Chapter 32: Bistado
Chapter 33: Atik Laham
Chapter 34: Halimaw Encounter
Chapter 35: Alis
Chapter 36 : Inang Reyna
Chapter 37: Torture
Chapter 38: Lagusan
Chapter 39: Sugod
Epilogue

Chapter 40: Islewing

46 5 1
By AyhenPey


Chapter 40

Kumalat na ang pulang usok na kayang patayin ang makakalanghap nito. Unti-unting nagsibagsakan ang mga kawal pero meron din hindi dahil alam nila kung ano ito. Nawala ang atensyon ko sa pagsalag ng patalim ng natamaan si Caloy sa braso.

"Caloy!"

"Ayos lang ako!" 

"Fyglia, focus!" sigaw ni Krissy na nagpabalik sa aking dating ginagawa. Umingay ang paligid ng may pumasok sa kabilang pintuan laking tuwa ko na ang mga pumasok ay ang mga kasama namin kanina. Nakipag laban sila sa natitirang kawal. Mahika sa mahika. 

"Hanapin niyo ang Inang Reyna!" sigaw nung duwende na namumuno kanina. Nagtinginan kami ni Krissy bago lumipad. Hawak ko na si Caloy nung may malakas na pwersa na bumalot sa loob ng malaking pasilyo na ito.

Parang mga tanga na nagsitigil ang mga naglalaban kanina at dali-daling yumuko sa Inang Reyna na pumasok sa lugar na ito. Mga hangal! Akala ko ba maghihinganti tayo?! At bakit nagsisitunguhan kayo?! 

Napakuyom ako. Walang kawal si Inang Reyna. Wala siyang taga protekta sa kanya. Bigla kong naalala na nakahawak pala sa palapulsuhan ko si Caloy. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

"Kamusta na kayo? Hindi kayo nagsabing bibisita kayo. Sana nag pahanda ako ng pagkain." pangingiti ang Inang Reyna habang sinasabi iyon. Napaka-elegante ng pananamit niya. Kumikinang ang mga dyamanteng nakapalibot sa katawan niya. Lalong lalo na ang korona na sa ulunan niya. 

"Motherfucker!" hindi nakapag pigil si Caloy at mabilis siyang sumugod dito. Hindi ko siya napigilan. Basta ang takbo niya kay Inang Reyna habang tinataas niya ang itak. Bago pa siya makalapit ay pinaangat siya ni Inang Reyna sa ere. 

"Caloy!!!" sigaw namin ni Krissy.

"Lapastangan!" hinagis niya ito kasabay ang pagpigtal ng kwintas sa leeg niya. 

"Hindi natin siya kauri!" komento nung isa naming kasama. Na napatayo sa pagluhod.

"Taga-lupa. Anong ginagawa ng isang tao dito?" komento nung duwende. 

"Siya ang lapastangan na nag sira sa bantayan! Mga ka-uri niya ang gumawa noon!" sigaw ni Inang Reyna. Biglang nag iba ang tingin ng mga kasama namin kanina kay Caloy. Takot ang namutawi sa dibdib ko. Please...huwag. 

"Tama! Tao ang sumira sa Bantayan! Ano pa ang ginagawa natin? Patayin!" bago pa nila mahagisan ng kung ano anong mahika o patalim si Caloy ay tumakbo ako palapit sa kanya. Sa inis ko ay nilabas ko ang buong kapangyarihan ko para ipaghiganti siya. Pati para gantihan ang mga hangal na diwata na ito na walang nalalaman at bigla-bigla na lang naniniwala sa Inang Reyna.

"Mga pota kayo!" napatigil sila sa sinigaw ko. Hindi naintindihan. "Mga hangal! Wala kayong alam sa tunay na pangyayari! Ang Inang Reyna ang masama dito! Oo nga't tao ang sumira sa Bantayan pero may kapangyarihan siya na protektahan ito. Pero hindi niya ginawa! Pinadala niya kami sa mundo ng tao para hanapin ang salarin at parusahan ito. Ang kapalit ay paglaya ng mga mahal natin sa buhay! Pero bago pa lang kami ipadala sa mundo ng tao ay patay na sila! Manloloko ang Inang Reyna na yan!"

"Magaling!" nadako ang tingin namin sa pumasok na higante. Napakabaho niya. Dagdag pa ang usok na dala ng tabako na nasa bibig niya.


"-tama ka Aspenglade, patay na ang mga taga bantay na tauhan ko pagkatapos sirain ng mga taga lupa ang Bantayan. Mga hangal at walang kwenta kasi sila! Hindi nila kayang protektahan ang tungkulin nila. Kaya ang nararapat sa kanila patayin!"

"Anong sabi mo? Tauhan mo? Kailan pa naging sayo ang Bantayan?" tanong ni Krissy.

"Oh. Ang diwatang natikman na ng lahat!" walang atubiling lumipad siya sa isang pader pagkatapos noon. Sabay pala namin ni Krissy itong hinagis sa pader dahilan ng pagbiyak ng konting parte sa pasilyong ito.

Biglang nadako ang mata ko kay Caloy na nakatingin sa akin. Nakaturo ang kamay niya sa isang lugar. Nakita ko na ang tinuturo niya ay si Inang Reyna. Nakita ko na may minamanipula siya sa kamay niya. Bago ko pa ito mapigilan ay nag si bagsakan na ang mga kasamahan namin!

"Akin na ang Bantayan simula ng maluklok sa pwesto si Inang Reyna. Masaya nga kami na kinaingin ito ng mga tao. Matagal na naming hinihiling iyon. Tamang tama pa mga walang kwenta ang mga taga bantay. Pagkakaingin nila ay kinuha namin ang mga ginto sa ilalim ng lupang ito." Ginto? Para sa ginto? Pinatay ang Ama ko at ibang mga kasamahan niya? Sa dahilang hindi nila nabantayan ng maayos iyon? Manloloko!!!  Bumangon ang higante katsaka lumakad. Aapakan niya si Caloy! Mga walang hiya!

Tumakbo ako doon para ilayo si Caloy. Hindi pa ako nakakalapit kay Caloy ay may pwersang humigit sa akin sa likuran. Nanlaban ako sa paghigit sa akin. Pakawalan niyo ako! Hindi ako papayag na hindi ako makakapag higanti para sa mga mahal ko sa buhay!

Si Krissy na ang nakipag laban sa higante habang si Caloy sinusubukang lumakad palayo. 

Bigla ko na lang naramdaman na nasa likuran ko si Inang Reyna. Hinawakan niya ang baba ko. At unti-unti humaba ang kuko niya sa daliri. 

"Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sayo Fygliana. Dahil sayo nakarating ako sa mundo ng tao. Ang saya palang magpahirap sa kanila no?" demonyo!

"Damn you!" sigaw ko. Ang lakas niya! Tinusok niya sa pisngi ko ang kuko niyang mahaba. Habang nakaangat ako. 

"Alam mo ang tanga mo. Nung pinadala ko kayo sa lupa ay dahil wala lang akong magawa. Pinadala ko kayo para mabawasan ang mga diwatang hihingi sa akin ng tulong mula sa mga mahal nila sa buhay na yumao."

"Yun lang?!" palapit na si Krissy sa amin at naging abo na ang higante na kalaban nya kanina. Si Caloy ay hindi ko makita!

Nakaramdam ako ng pamamanhid pagkatapos akong tusukin ni Inang Reyna. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Katulad noon. Nakalutang ako sa ere hanggang sa nakita kong nagising ang mga kasama namin kanina. Mukha silang mga bangkay na nabuhay at sabay sabay na bumuo ng bilog.

Gamit ng mahika nila ay bumuo sila ng malaking batya na malaki na kayang maglaman ng limang katao kung ipapasok doon. Mga tanga kayo! Papatayin niyo rin ang sarili niyo!

Hindi alam ni Krissy ang gagawin. 

Lumapit siya doon at nilabanan ang mahika ngunit hindi kaya ang isa ang mahika ng isang daan.

Ako ay langtang gulay na bigla na lang lumipad papunta sa ibabaw ng batya. Nakita ko itong nagkatubig bigla. 

"Fyglia!!!!" sigaw ni Krissy pero wala pa rin akong magawa. 

Katapusan ko na ba? Ito na ba? Paglunod lang ba ang kamatayan ko? Nakakainis! Hindi pa ako nakakapag higanti!

Nakita ko na nakipaglaban si Krissy kay Inang Reyna. Sa tuwing dumadaplis ang mahika ni Inang Reyna sa mahika ni Krissy ay dugo ang lumalabas sa katawan niya.

"Inuutusan ko kayong mga nasasakupan ko. Patayin niyo na ang Fygliana Aspenglade na yan gamit ang paglunod sa kanya sa tubi--" sinubukan kong mapangiti kahit namamanhid ang katawan ko nung bumagsak si Inang Reyna ng tamaan siya ng mahika ni Krissy.

"Subukan mong lumapit sa akin! Ihuhulog ko ang kaibigan mo sa tubig!" 

Hindi ako makasigaw. Kahit ang bibig ko ay minahika niya. Go Krissy! Lumapit ka sa kanya. Patayin mo na sya! Kahit ako ang kapalit! Napahinto si Krissy at napatingin sa akin. Tanging pagluha lang ang nagawa ko. Gustong gusto kong sumigaw. Patayin mo na yan! 

Kamatayan ng Reynang iyan ang hustisya ng lahat ng namatay dito! 

Natuwa ako ng lumapit si Krissy at bumuo ulit ng pulang usok katulad kanina. Isang langhap lang ni Inang Reyna niyan ay hihinto ang tibok ng puso niya. 

Isang hakbang palang ni Krissy ay biglang nahulog ang katawan ko sa malamig na tubig. 

Tulad kanina ay wala akong magawa. Paghinga lang at pag galaw ng mata ko lang ang nagagawa ko. Hindi na kaya ng katawan ko na magpigil ng hininga hanggang sa unti unti bibigay na ang katawan ko. 

Sa isang iglap ay may brasong naghigit sa akin pataas. Pagkalapag ko sa sahig ay ang pag ubo ko. Ang sakit sa dibdib habang umuubo ako.


"Fyglia, ayos ka lang?" biglang hinawakan ni Caloy ang mukha ko. Pagtingin ko sa mga kasama namin kanina ay nagtatakbuhan ito kung saan-saan. 

"Si Inang Reyna?"

"Tumakas siya. Si Krissy ang alalahanin mo." paglingon ko ay napatakbo ako kay Krissy na nakahiga sa sahig, Duguan ito at bumubula ang bibig.

"KRISSY!!!!" hirap siyang pisilin ang kamay kong nakahawak sa kanya. Gustong gusto na rin ng mata niyang pumikit.

"Wag Krissy.. Lalaban pa tayo. Konting tiis ka lang. Papagalingin kita." umiling siya pagkasabi ko noon. Dali dali kong kinuha sa likuran ko ang bote ng nectar. Ininom ko ito. At hinawak ko ang kamay ko sa katawan ni Krissy. Binuhos ko ang kapangyarihan ko na pagalingin ang karamdaman na meron siya. Lason. 

Nilason siya. Isang halaman na nabubuhay kapag panahon ng tag lamig ang lason na nakapasok sa katawan niya. Pinadaan ko ito sa lalamunan hanggang sa lumabas sa bibig niya. Pinunasan ko agad ang bibig niya pagkatapos.

"Caloy..." nasa likuran ko na pala. "-mahina si Krissy ngayon. Bantayan mo siya. Sasama ako sa mga kasama natin kanina. Haharapin ko si Inang Reyna."

"Sige. Babantayan ko siya. Mag-iingat ka." tumango ako sa kanya. Tsaka siya pinatakan ng halik sa labi. Hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos ng gulong ito. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ipaghihiganti ko ang Ama ko, si Krissy, si Caloy, ang pamilya niya, mga kasamahan ni Ama na nawalan ng hustisya sa pagkamatay nila at mga kasamahan namin na niloloko ni Inang Reyna.

Lumipad ako kung saan saan. Nararamdaman ko pa rin ang presensya ng Inang Reyna. Nasa paligid lang siya. 

Busy ang iba namin kasama makipag laban sa alagad ng palasyong ito. Tulad kanina malalaman mo na alagad ito ni Inang Reyna kung mukha itong bangkay na muling nabuhay. 

Nakita ko ang chandelier na babagsak sa duwende na kasama namin. Mabilis ko siyang tinulak palayo. Sa kasamang palad ay tinamaan ako ng patalim sa balikat dahil sa kalaban niya.

"Fyglia!" lumapit sa akin ang duwende. Nakita kong susugod ang kalaban niya kaya pinalipad ko ito sa pader na sinigurado kong mababasag ng katawan niya.

"Ayos lang ako." iniwan ko na sya at lumipad muli. Nag tungo ako sa pinaka tuktok ng kastilyong ito. Ngunit hindi ko mabuksan ang mga pintuan. Punong puno ito ng itim na mahika! Ito ang uri ng mahika na ginamit ko nung pinarusahan ko si Karina este pinarusahan ni Inang Reyna. 

Hindi ko alam paano babasagin ang kapangyarihan na ito. 

Pero paano nakapasok si Caloy sa bahay noon kung binalot ko ito sa mahika? 

Bumalik ako kung saan ko sila iniwan. Kinabahan ako ng makitang wala na sila doon. Tanging dugo lang ni Krissy sa pinaghigaan niya ang bakas na nakita ko. 

Hala saan sila nagpunta?

Wala akong kapangyarihan para umamoy kung nasaan ang hinahanap ko. Pero kaya kong makarinig ng tinig kahit mahina pa ito. Nag konsentrasyon ako. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng tinig na naririnig ko. Kadalasan ay tinig ito mula sa pakikipag laban. 

Mag salita ka Caloy! 

Para sa ganoon mahanap kita.

May biglang humigit sa braso ko. Napasigaw ako nung makilala ko ito.

"Julio!" ang anyo niya ngayon ay ang tunay niyang anyo. Magugulat ang makakakita sa kanya. Mahabang tenga, mahabang nguso na may ngipin na mahahaba na dikit-dikit basta nakakadiri ang itsura niya. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Naparito po ako dahil bago umalis si Krissy ay binilin niya sa akin na pagkatapos ng isang gabi pag balik niyo dito sa Faylinn ay ang gabi na pupunta rin ako dito."

"Paano ka nakapasok? Tagapangalaga ka! Pati paano mo nabuksan ang lagusan?" may nilabas siya na kwintas at pinakita sa akin.

"Bigay po sa akin ito ni Krissy. Anong maitutulong ko po sa inyo?" tanong niya

"Hinahanap ko sila Caloy. Nagtungo ako sa itaas ng kastilyong ito. Panigurado ako nagtatago doon ang Inang Reyna hindi ako makapasok dahil nakasarado ang lugar na iyon ng mahika niya." 

"Nakita ko ang anak ni Karina kasama si Krissy. Dinadaluhan ng mga duwende si Krissy na bendahan ang mga sugat niya."

"Puntahan natin sila!" nag tungo kami sa lugar kung saan nakita ni Julio sila Krissy. Pagkakita ni Krissy kay Julio ay niyakap niya agad ito. Okay, magaling na siya.

"Nakarating ka!"

"Krissy nasa itaas ang Inang Reyna, mag tungo na tayo doon!" nag tanguan sila pati si Caloy hanggang sa nagtakbuhan na kami paakyat. Napaatras ang mga kasamahan namin noong pinilit nila itong buksan. Ang resulta humagis sila palayo sa lakas ng mahika ng lugar na iyon.

"Tumabi kayo" laking gulat ko ng hinawakan ni Julio ang pintuan. Naglabas ito ng maliwanag na kulay habang hawak ni Julio ang pintuan. Kung paano niya mabubuksan yan ay hindi ko na alam. Pero biglang pumasok sa isip ko na siya ba ang tumulong noon kay Caloy kaya nakapasok si Caloy nung pinapahirapan ni Inang Reyna si Karina? 

Sa isang glap ay bumukas ng dahan dahan ang pintuan. 

Napaatras si Julio ng sinugod ito ng isang tikbalang. 

"Lumaban kayo ng patas. Walang kakayahan ang alagad ko na iyan sa mahika. Mag pisikilan kayo. Kung patas kayo." 

"Ako ang lalaban." 

"Caloy!!" pigil ko ng mag presinta siya. Napaismid pa ito bago sumugod sa anyong kabayo na iyon. Halos mapasigaw ako sa tuwing nasisipa si Caloy. Pero natutuwa ako sa tuwing natataman ni Caloy ang tikbalang ng kanyang itak.

"Tulungan niyo siya!" sigaw ni Krissy na dinaluhan ng mga duwende. 

Nangitngit si Inang Reyna sa nakita. Kitang kita sa katawan niya ang panghihina. Namumutla na ito habang nakaupo sa opisina niya. Nadako ang tingin sa buong lugar. Isa itong silid-aklatan at kapansin pansin ang mga kabinet na may mga roman numeral sa bawat bukasan. 

"Tapusin na natin ito Fyglia." bago ko pa mailabas ang mahika para ipatama sa Inang Reyna na nanghihina na. 

"Huwag nyo akong patayin." napatungo siya pagkasabi noon. Napatawa si Krissy pagkarinig noon.

"Duwag ka pala! Ang kapal ng mukha mong gumawa ng kasamaan tapos takot ka naman pala sa kamatayan!" 

"Ako ang papatay sa sarili ko. Yun na lang ang mahihiling ko."

"Aba humiling ka pa!" singhal ni Krissy. 

"Ngunit lulubayan niyo itong lugar na ito. Papatayin ko ang sarili ko kapalit ang korona, ang kaharian, ang buong Faylinn! Pero itong lugar na ito. Huwag na huwag niyong gagalawin." 

"At bakit namin gagawin yun?" 

Napalundag si Inang Reyna ng hinagis sa kanya ang tikbalang niyang patay na. Napatayo siya at lumuhod sa harapan namin. Tinanggal din niya ang korona niya at nilapag sa sahig. 

"Ito na lang ang magagawa ko sa mga ninuno ko." sagot niya. 

"Anong gagawin natin Fyglia?" 

Binulong ko ito sa kanya, "-sige hayaan natin siyang patayin ang sarili niya. Hindi ko kakayanin ang poot ni Bathala kung papatay tayo." 

"Mga kasama! Dalhin niyo ang Inang Reyna sa may ilog. Palakarin niyo siya. Kailangan tumawid siya mula sa palasyo patungo sa tahanan natin."


Nagbulong bulungan ang mga kasama namin. Bago ginawa ang utos ni Krissy. Naghanda kami ng pag sugod ng tumayo si Inang Reyna at nilabas ang pakpak nito sa likuran. 

Sa isang iglap ay humagis kami ng ginalaw niya ang pakpak niya. 

"Mga hangal talaga kayo!" 

Nagsarado ang pintuan na pinasukan namin at binalot niya ulit sa mahika ang lugar na ito. 

"Walang lalabas dito na buhay." sabi niya. Biglang nag ugat ang paa ko sa sahig. Pagtingin ko sa mga kasama ko ay ganoon din sila. Lumabas ang ugat sa sahig na gumapang mula sa paa namin patungo sa katawan namin.

Ito ang ginawa rin niya kay Karina!

"Magsisisi ka sa kabilang buhay Elvina!" sigaw ni Krissy. Elvina? Yun ang pangalan niya? Ngiting ngiti si Inang Reyna habang naglalakad upang pulutin ang korona na tinanggal niya kanina sa ulunan niya. 

Pero sa isang iglap nag brown ang paligid. Huminto ang lahat. Huminto ang pag galaw ng ugat sa katawan namin at nakatungo si Inang Reyna na pupulutin pa lang ang korona. Napatingin ako kay Julio dahil alam ko siya ang may kakayanan na gawin ito. 

Pinaalis niya ang ugat sa katawan niya at lumapit sa Inang Reyna. Kinuha ang korona katsaka piniringan ito sa mata ng panyo na kinuha niya kung saan. Hinigit niya ang braso nito at hiniwaan gamit ang kuko niya. Biglang bumalik sa lahat ang paligid. Nagkakulay na ulit at bigla na lang napaupo ang Inang Reyna dahil sa panghihina.

Nawala ang ugat sa katawan namin. Nagpanic ako. Dapat kumilos na agad kami baka makatakas siya!

"Dalhin sa ilog ang Reyna!" sigaw ko. Binuhat ito ng mga kasama namin. Naiwan kami sa silid nila Caloy, Julio, ako at si Krissy.

Hawak pa rin ni Julio ang korona. Tumingin siya sa aming dalawa. 

"Kanino ko po ito bibigay?" 

"Kay Fyglia"

"Kay Krissy." 

Nagtinginan kami ni Krissy at parehas pa kami na masama ang tingin sa isa't-isa.

"Sa'yo dapat yan para kang commander-in-chief sa giyerang ito Krissy. Ikaw ang nagpabagsak sa reyna sa totoo lang kung hindi mo dinala si Julio dito."

"Ikaw ang nag figure out sa masamang budhi ng Inang Reyna sa mga kasama natin. Sa'yo nararapat ang korona dahil sayo nagmula ang katotohanan." sagot ni Krissy. Hindi ko matatanggap ang korona. Hindi ko kayang pamunuan ang Faylinn.

"Kaysa mag-away kayo diyan puntahan muna natin ang Inang Reyna niyo sa ilog. Baka makatakas. At hayaan niyo ang mga kasama niyo ang pumili ng susunod na Inang Reyna. Pero kung ako tatanungin mas gusto ko na ikaw Krissy ang maging Inang Reyna. Kasi pag naging Reyna ka, Reyna ka ng mga nandidito. Si Fyglia gusto ko siya lang ang Reyna ko. Ayaw ko ng may kaagaw." 

Napangiti ako bigla nung napansin kong nakaingin si Caloy ay tinakip ko sa bibig ko ang kamay ko.

Lumapit sa akin si Caloy at hinagkan ako.

"Mamaya na yan! Tara na muna sa ilog!" yaya ni Krissy. Lumipad kami patungo doon. Buhat ko si Caloy habang buhat ni Krissy si Julio. 

Nagdidiwang ang mga diwata na pinapanood ang Inang Reyna na naglalakad patungo sa ilog na nakapiring. 

Pare-parehas kami, tubig ang kahinaan namin. Hindi kami marunong lumangoy. At pag nabasa ang pakpak namin ay nanghihina kami. 

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko si Inang Reyna na nasa dulo na. Isang hakbang ay mahuhulog na siya sa ilog na mabilis ang agos patungo sa karagatan. 

Panay ang cheer ng mga diwatang nanunuod. 

Sa isang iglap ay nahulog ito at mabilis inanod ng tubig. Nagtalunan ang mga kasama namin. Bumuo pa si Krissy ng fireworks na kinamangha ng mga kasamahan namin. 

Habang nagsasaya ang lahat ay napaisip ako sa susunod na gagawin. May kasama akong tao. Sasama ba ako pagbalik niya? O mananatili na lang dito? 

Nakatayo lang kaming apat sa harap ng mga diwatang nagdidiwang.

Napatingin sila bigla sa amin ng tinuro kami nung isang puno. 

Hawak ni Julio ang korona. 

"Mga kababayan, sino ang nararapat na sumunod na bagong tagapamuno ng ating mahal na Faylinn?" 

"Kay Islewing!"

"Tama! Siya ang nagplano ng pagsugod  kasama si pinuno. Nararapat sa kanya ang korona dahil may kakayanan siyang mamuno ng nasasakupan!"

"Kay Islewing!" 

Nangiti ako na panay kay Krissy ang boto nila. Bago isuot ni Julio kay Krissy sa ulunan nito ang korona ay napatanong ako sa kanya.

"Ikaw Julio, gusto mo ba siyang maging Reyna?"

"Opo. Kahit noon pa naman normal na diwata pa lang po siya. Reyna ko na siya." 

Napatili ako bago niya sinuot ng korona kay Krissy. 

My friend is now a Queen.

I should respect her.

"Magbigay pugay sa bagong Inang Reyna ng Faylinn!" 

"Mabuhay Inang Reyna! Mabuhay!" lumuhod kami bilang pag galang habang sinisigaw ang Mabuhay Inang Reyna.

"Maraming salamat mga diwata. Sa ngayon ay bumalik na muna kayo sa tahanan niyo. Aayusin ko muna ang kastilyo. Kung ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin."

Tumango ang mga diwata bago umalis. Naiwan kaming apat at pagkaalis nila ay niyakap ko si Krissy.

"Congrats!!!" natawa siya sa sigaw ko.

"Ahm, Julio at Ciel pwedeng iwan niyo muna kami? Kakausapin ko lang si Fyglia." tumango ang dalawang lalaki katsaka kami iniwan. 

"Ano na ang balak mo? Fyglia? Dahil sa totoo lang hindi ko kayang mag-isang maging Reyna. Kailangan kita. Babalik ka ba sa mundo ng mga tao? Si Caloy, hindi siya pwede dito. Kahit ako ang Inang Reyna hindi ko kayang labagin ang utos sa buong Faylinn na ang lugar na ito ay para lang sa mga diwata."

"Babalik ako sa mundo ng mga tao. Aayusin ko ang mga naiwan mo. Hihingi ako ng kapatawaran sa mga napinsala ko para sa katuparan ng mission ko. At gusto ko bigyan mo ako ng kaparusahan sa paglabag sa utos ng Faylinn na huwag manakit ng taga lupa." tumango siya habang hawak ang kamay ko.

"Paano si Caloy?" 

Ngumiti ako sa kanya habang tinatanaw si Caloy at Julio na naglalakad sa malaking bakuran ng palasyo.

"Hindi naman ako mawawala sa kanya." 


A/N: Epilogue is next...




Continue Reading

You'll Also Like

99.2K 3.5K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
308K 23.1K 37
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...