As I Lay Dying [SOON TO BE PU...

By JustCallMeUno

189K 3.3K 471

Ginamit lang siya ni Katherine para may taga-gawa ng mga projects niya at mga assignments sa school dahil ala... More

As I Lay Dying
COPYRIGHT © 2012 by JustCallMeUno
A Late Walk
As I Lay Dying: Prologue
Chapter 2: Familiar Guest
Chapter 3: Invitation
Chapter 4: The Lost Brother
Chapter 5: A Night to Remember
Chapter 6: I'm Sorry, I'm Dying
Chapter 7: Nathan
Chapter 8: A Redemption for Love
Chapter 9: Despicable Romance
Chapter 10: Remember my name, It's Trinity, Bitch!
Chapter 11: Please
Chapter 12: The Battered Wife
Chapter 13: My Damn Heart
Chapter 14: Breaking It Gently
Chapter 15: In A Day
Chapter 16: Blame and Regret
Chapter 17: Out of My League
Chapter 18: Before the Vow
Chapter 19: Dawn of Eternity
Chapter 20: Happy Moments, Lonely Thoughts
Chapter 21: My Final Sunrise
The Final Chapter: At the End of this Fairytale
EXTRA: ORDINARY HEARTS
DREAMS DO REALLY COME TRUE

Chapter 1: Five Years Later

8K 182 14
By JustCallMeUno

"Okay ka lang friend?" tanong ni Charily kay Katherine na malalim ang iniisip. Breaktime nila. Magkasama pa rin sila hanggang ngayon dahil nursing din ang kinuhang course ni Charily.

Nilingon ni Kath ang kaibigan.

 "Five years na rin pala ang nakalipas 'no? Ang bilis ng panahon parang kahapon lang ang mga high school days natin," ani ng dalaga atsaka bumalik sa pagtitig sa kawalan.

"Oo nga friend 'no? Five years na ang nakalipas pero single ka pa din! Ano na nga bang pangalan ng huli mong boyfriend? Si Stephen na manyakis ba 'yon?" Biglang nagtawa si Charily sa naalala niya. "Anong sabi niya sa'yo no'n, na patunayan mo ang pagmamahal mo sa kanya? Haha, ibigay mo daw virginity mo sa kanya!" sabay hagalpak pa ng tawa ni Charily.

"Tumahimik ka nga diyan! Nakaraan na 'yon! Past is past ika nga nila!"

"Kamusta naman pala ang inaanak ko?" Naibang tanong ni Charily habang tumayo sila sa kinauupuan dahil pabalik na sila ng trabaho.

 "Ayun, okay naman si Jeboy. Mabuti na lang at bakasyon at naiiwan ko siya kena aling Choleng at nababantayan naman siya ng husto," sagot ni Katherine.

"Sino nga kayang totoong mga magulang ni Jeboy 'no? Hindi na naawa nang iwanan nila sa tapat ng pintuan ng bahay niyo." Tukoy ni Charily sa batang inampon ni Katherine limang taon na ang nakakalipas.

"Oo nga eh. Pero ayos lang kasi hulog naman siya ng langit. At alam niyang ampon siya, okay lang sa kanya dahil ako naman daw ang ina niya," atsaka ngumiti ang dalaga at totong masaya sa pagiging single mom kahit hindi niya tunay na anak si Jeboy.

"Yun lang! May anak ka nga pero wala ka pa ring special someone!" kutsya ni Charily palibhasa ay may special someone na.

"Meron na!"

"Talaga?" Bigla tuloy naintriga si Charily dahil hindi pa ito nakukwento sa kanya ng kaibigan.

"Hinihintay ko lang siyang dumating! Kasi alam ko ni-reserved na siya sa'kin ni Lord!" taas-noo naman niyang sagot.

"Asus! Siguro 'yun na 'yung bagong doctor dito sa hospital 'te! Grabe ang gwapo! Balita ko single pa 'yon at fresh from America! Anak 'yun ng presidente ng hospital na 'to."

"Ikaw talaga, basta gwapo e, may asawa ka na!" paalala nito sa kanya na medyo natatawa na din.

"Live-in partner lang! OA ka naman maka-react diyan. Atsaka kahit pa tumingin ako sa mga gwapo ay nag-iisa pa rin si Jose 'no!"

"Paanong 'di okay? E, under de saya!" Atsaka nagtawa ng malakas si Katherine. Biglang pa siyang napatakip sa bunganga dahil na-realize niyang nasa canteen pala sila. "Ikaw kasi eh!" Paninisi pa niya sa kaibigan na nakangisi.

"Hala! Ako pa sinisi ng gaga! O siya, tara na at kailangan pa nating mag-rounds sa mga makukulit na bata sa nursery." Atsaka na sila tumayo at bumalik sa trabaho nila.

 Nagtakbuhan ang mga bata kay Katherine habang papasok sila ng nursery room ng hospital kung saan naka-confine ang mga batang may malulubhang sakit, gaya ng cancer at iba pa na tanging kamatayan na lang ang solusyon para mapahinga ang pagod nilang katawan na sadyang hiram lamang mula sa Panginoon.

"Ate Kath, ako pahinge!" sigawan nila habang nag-uunahan pa sila sa mga candies at lollipops na dala niya. Kaya rin siya lalong minahal ng mga bata dahil sa mgaprutas at ibat'-ibang candies na dala niya sa tuwing magra-rounds sila dito.

"Eto para sa'yo," atsaka niya inabot ang mga candy isa-isa sa mga bata. Nang mabigyan na niya lahat ay linapitan na niya ang batang babae na naka-ismid at masama ang tingin sa kanila, si Julia. Sa lahat ng mga bata sa nursery room ay siya lang ang hindi niya makasundo. Kasi walang malay si Julia kung bakit ba talaga siya naririto sa hospital at hindi rin maaring sabihin sa kanya ni Katherine ang tunay niyang kalagayan dahil na rin sa kahilingan ng mga magulang nito.

Anim na taon pa lang siya kaya hindi pumayag ang mga ito na sabihin sa kanya ng mga doctor na nasa last stage na ng leukemia at hinihintay na lang ang kamatayan niya. "At para sa pinaka-paborito kong alaga," saka iniabot ni Katherine ang isang pulang-pula na mansanas.

"Aanhin ko naman 'yan! Marami kaya ako 'di mo ba nakikita!?" Supladang sabi ni Julia tapos inisnab siya.

Ngumiti lang si Katherine.

"Syempre iba 'to sa mga dala ng mama mo. Kasi ang mansanas na ito ay ang mas lalong magpapalakas sa'yo. Alam mo ba sabi nung pinagbilhan ko nito, isa ito sa mga tanim ni Cinderella sa kaharian nila."

"Liar! Bakit ba kasi ayaw niyo akong pauwiin!? I'm dying na rin naman na 'di ba?!?"

"Hindi totoo 'yan Julia."

"Liar! I hate you! Liar ka! At isa pa, hindi totoo si Cinderella! There is no such thing like Cinderella!" Atsaka bumaba sa kanyang kama si Julia at tumakbo sa kabilang kwarto na nagsisilbing playground ng mga batang pasyente.Nanlumo naman sa awa si Katherine para kay Julia.

"Balita ko 'yun lang batang 'yun ang 'di mo kasundo dito." Wika ng baritonong boses sa may likuran niya. Napaigtad siya dahil sa boses kaya agad niya itong hinarap.

Tila huminto ang mundo sa maikling panahon.

 Ang gwapo naman niya! Siya ba ang bagong doctor na sinasabi ni Charily? Siguro nga, oo, kasi ngayon ko lang siya nakita dito. Siguro mga tewnty-seven o kaya ay twenty-eight na siya. Panghuhula pa niya sa edad ng doctor.

"Ah!?" Atsaka niya tiningnan si Julia. "O-oo," utal-utal niyang sagot.

"By the way I'm Dr. Red, ako 'yung bagong doktor na na-assign muna pansamatanla ditto," iginala ni Red ang mga mata niya sa mga kalunos-lunos na mga bata. "Ang babata pa nila pero agad na rin silang mawawala," hindi maiwasang sabihin ng bagong attending na doktor.

"Oo nga po. Ako po pala si Katherine, temporary lang din ako dito," pagpapakilala niya sa sarili.

"So ikaw pala ang angel na sinasabi nung mga batang naka-kwentuhan ko kanina. No wonder kung tawagin ka nilang anghel dahil maganda ka nga naman at mukha ka talagang anghel."

Anghel daw? Ipinanganak lang talaga akong maganda! Ano ba yan! Bigla naman akong nahiya!

"Hindi naman doc! Ikaw naman masyado naman po kayo!" pagak na ngiti ng dalaga habang namumula ang mga pisngi.

"So let's start working?"Tanong ni Doctor Red.

Tumango lang habang nakangiti pa rin si Katherine at sumunod sa doctor.

"TALAGA!? Nakaharap mo na si Doctor Red?!" nanlalaki pa ang mga mata ni Charily habang itinutulak ang cart na puno ng mga gamot.

"Okay naman, gwapo siya gaya ng sinabi mo." Pormal na sabi ni Katherine na 'di mababakasan ng anumang reaksyon.

"Ganyan naman pagkasabi mo? Parang hindi ka na-gwapuhan sa kanya a. Hindi mo type!?" Usisa ni Charily habang nagpapatuloy sila sa paglalakad.

"Oo na at gwapo nga siya, attractive, mabango, matangkad, medyo tan ang kulay ng balat at napakalinis tingnan, in short—gwapo nga pero 'di ko type kasi—" napatigil bigla si Katherine. Dumaan sa harap nila si Red at galing ito sa likod nila at nakatingin ito sa kanya na may mala-simpatikong ngiti.

                Narinig ba niya ang pinagsasabi-sabi ko? Kaya ba nagpauna siya sa'min kasi naririnig niya ako? Oh my! Patay ako nito!

"Teka hindi ba si Dr. Red 'yun?" tanong pa ni Charily habang sinisipat kung si Red nga ang dumaan. Sabay kinurot sa tagiliran ni Kath ang kaibigan.

"Aray naman!" angi ni Charily.

"Adik ka kasi! Narinig ata tayo!" mahinang wika ni Kath.

"Adik! Ikaw lang, hindi ako!" sabay tawa ni Charily at lumiko na sa isang kwarto.

Hindi alam ni Katherine papaano gagalaw ngayong nasa paligid lang si Red. Nasa iisang kwarto lang sila at tila napakasikip ng silid na ito para sa kanya dahil sa nangyari kanina.

"Ako ba pinag-uusapan niyo kanina?" tanong ni Red at hindi inaalis ang tingin sa sinusulat niya. 

"PO!?" Nanlaki ang mga mata ni Katherine at napalingon sa doctor na napapangiti habang nagsusulat. "H-hindi ah! Hindi! Y-yung boyfriend niya 'yun! T-tama! 'Yung boyfriend niya. Atsaka bakit ka naman namin pag-uusapan?" utal-utal na sabi niya na halatang nagdadahilan o sa mas medaling salita ay nagsisinungaling.

"Alam ko naman kasing gwapo ako; matangkad, mabango, medyo tan ang balat at malakas ang sex appeal at alam ko naman sa buong hospital pinag-uusapan na 'ko." Sa wakas ay nagtama na rin ang kanilang mga mata.

"May pagkamayabang naman," biro ni Kath pero saka tumawa ng pagak.

Tumayo si Red at lumapit sa table ni Katherine. Tiningnan niya ang dalaga hanggang sa ma-conscious ito. Palapit nang palapit ang kanilang mukha sa isa't-isa at amoy na amoy ni Katherine ang mamahaling pabango nito.

"Para kang timang  doc," sa wakas ay may salitang lumabas na rin sa bibig niya. Natigilan si Red at mas lumalim pa ang pagtitig niya kay Kath mas lalong naging seryoso at tila umaarok sa kaluluwa ng dalaga.

                Makatitig naman 'to para akong matutunaw! Alam ko naman na maganda ako!  Atsaka natawa pa si Katherine sa isipin niyang iyon. 

                "Mas lalo kang gumaganda kapag tumatawa ka." Dumistansiya si Red at nagtuwid ng tayo.

"Salamat." 

"Mag-o-overtime ka ba? Six na ah, di ba oras na ng uwi mo?" 

"Oo pero kasi tinatapos ko pa 'tong charts para bukas." 

"Edi bukas mo na lang tapusin. Umuwi ka na at baka nagugutom na ang anak mo," ani ni Red na ikinagulat naman si Katherine.

"A-alam mo na?"

"Oo. Na-kwento sa'kin ni Charily kaninang nasa Trauma room ako," paliwanag pa niya.

"Ah. Oo, a-anak ko," atsaka tumawa na lang siya. "O sige, tutal naman sinabi mong pwede na bukas, edi bukas ko na tatapusin," ngiti niya. Mabilis niyang niligpit ang mga gamit niya at nagpaalam na siya.

"Una na 'ko doc," aniya nang nasa pinto. 

Tumayo muli si Red pagkatapos niyang isara ang laptop niya at ipinasok ito sa bag. Kinuha niya ang coat niya at susi ng sasakyan niya sa may table at sumabay papalabas kay Katherine.

 "Uuwi na rin kayo doc?" tanong ng dalaga.

"Oo." Matipid na sagot ni Red.

Komportable sila sa isa't-isa at hindi nila alam kung bakit. Kung kailangan lang bang magkasundo sila o sadyang magaan lang ang loob nila sa isa't-isa na para bang matagal na silang magkakilala.

Peste naman! Alas-syete pa lang ah! Bakit wala ng jeep? Kainis naman! Bwusit!  Pagmamaktol ni Katherine dahil wala na siyang masaktan. Maya-maya ay may isang itim na sasakyan na huminto sa harapan niya at iniluwa niyon si Red na bumaba mula sa driver's seat.

"Tara na, Ako na lang maghahatid sa'yo! Mukhang matatagalan pa bago dumaan ang mga jeep atsaka gumagabi na," alok ni Red sa kanya nang makalapit.

"Adik! Wag na! May dadaan pa naman na jeep Doc!" nakangiting sagot ni Katherine.

            Teka, sobrang landi ko na ba at ngiti ako ng ngiti kay Red? Baka isipin niya easy to get ako dahil palagi ko siyang nginingitian.

"Sumabay ka na para naman mas lalo tayong maging close," kahit hindi pa man siya pumapayag ay binuksan na ni Red ang pinto ng passenger seat.

                "If you insist. Tutal sabi mo gwapo ka naman," hagakgak ni Katherine at sumakay na rin siya. "Thank you," ani niya ng masara na ni Red ang pintuan niya.

"So dito pala ang apartment mo?" tanong ni Red nang huminto sila sa isang maluwang na street pero hindi naman iskwater ang kapaligiran dahilkahit papaano ay dubdivision naman ito.

"Oo. Salamat nga pala sa paghatid Doc Red."

"Doc? Don't call me doc anymore, okay? I'm so sick na tinatawag nila akong Doc sa hospital. Nakakalimutan ko na tuloy pangalan ko. Just call me Red. Okay?"

"Red? Hindi ba awkward?" 

"Hindi naman, kapag ikaw ang tumatawag sa pangalan ko para pa ngang mas masarap pakinggan," biro pa ni Red.

"Thanks again." Wika ni Kath at bumaba na siya. Pinagmasdan niya ang kotse ni Red habang papalayo ito mula sa kanya bago siya pumasok sa gate niya na may magandang ngiti at tila kinumpleto pa ang kanyang gabi.

"What? Si Doc Red pa ang naghatid sa'yo???" Exaggerated na reaksyon ni Charily nang dumating siya at na-ikwento nga ni Katherine sa kanya. Naisipan kasi ni Charily na dumaan muna sa mag-ina para bisitahin niya si Jeboy. 

"Oo, ang bait naman pala niya kahit may kaunting pagkayabang," bungisngis ng dalaga. 

"Asus! Kilig ka naman!" kanstyaw ni Charily.

"Hindi ah!" Atsaka nagpatuloy sa paghahapag ng kainan si Katherine at lihim na napangiti. "Dito ka na kumain, sabayan mo na kami ni Jeboy."

"Kakain na po tayo mama?" tanong ng limang taon na bata habang palapit sa dalawa. 

"Oo. Nagluto ako ng paborito mong ulam," masiglang wika ni Katherine at iginiya sa pag-upo ang anak. 

"Si papa ba iyon ma? 'Yung naghatid sa'yo?"

"Hah?" takang katherine. 

"Yung naghatid po sa inyo kanina, si Papa na po ba 'yon?"

Tumingin lang si Katherine sa kaibigan. Matagal na kasing nagtatanong si Jeboy sa mga tunay niyang mga magulang. Ipinangako kasi ni Katherine na hahanapin niya ang mga ito at dahil gipit nga sa pera at oras ay hindi pa rin niya nauumpisahan ang paghahanap.

"H-hindi pa Jeboy. Maybe sooner or later mahahanap ko na rin sila. Basta promise, hahanapin ko sila para sa'yo," atsaka na lang niyakap ni Katherine ang anak. 

"O kaya kahit hindi na po mama. Masaya naman po ako sa piling niyo," sagot naman ni Jeboy. 

                "I love you so much baby." Mas lalo pang hinigpitan ni Katherine ang pagyakap sa anak pagkatapos ay kumain na sila ng hapunan nang sabay-sabay. Dumating na din kasi si Jose dahil nagpasundo na lang si Charily tutal naman ilang kanto lang naman ang layo nila sa isa't-isa.

Continue Reading

You'll Also Like

36.3K 2.3K 46
[Ace Series#1:] Chase Mikael Monteverde Sobrang nasaktan si Chase noong nalaman niyang buntis ang girlfriend niya noong makauwi siya galing bakasyon...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
66.3K 4.3K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
36.7K 655 5
A Short Story That Can Make You Cry Hard