My Drummer Boy [AVAILABLE IN...

By Nikkidoo

1.5M 21.5K 1.2K

Revised Edition © 2014. [Filipino/Tagalog] Si Luna Reyes ang presidente ng pinakamataas na organisasyon sa pa... More

FOREWORD
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Sneak Peek #1
Sneak Peek #2
My Drummer Boy book is out!

Chapter 4

27.3K 418 12
By Nikkidoo

Chapter 4

Jessie

Tumunog na ang bell.

     Okay, lunch time na. Hindi na rin bumalik pa ‘yung babaeng pikon kanina. Saan kaya siya pumunta? Mukhang big-time ‘yung Pango na ‘yun. Student Council e. Masipag siya for sure. Siguro siya ‘yung taga-dala ng paperworks. Haha.

Pumunta ako sa locker ko sa may hallway. Inilalagay ko‘yungmga libro ko doon ng biglang may tumabi sa akin.“Hey, ‘zup?”

     “Justin!” Tapos niyakap ko siya in a manly way. “Zup, man? Matagal na kong walang naririnig tungkol sa’yo.” Right, he’s Justin Cuevo. Vocalist of the band Pepperoni Cheese. I know, it sucks. Ang baduy, no?

     “Been searching for a new drummer.” Kinamot niya ‘yung ulo niya. “Kung kailan pa naman may palapit na gig saka siya umalis.”

     Kung ganun ba naman kasi kabaduy ‘yung name ng band niyo e. “Ano ba kasing nangyari?”

“Basta! Wag mo nang alamin!” Inakbayan niya ako. “Gusto mo bang sumali samin?”

     Napatingin ako sa kanya. “Ha?”

     “Come on, bro! Five months tayong di nagkita no. Anong date na ba ngayon? End of August na! Sa September may gig ‘yung band sa School Fest. Noon ngang sinabi mo sa chat na uuwi ka na, hindi na ko nagdalawang-isip na imbitahan ka sa banda.”

     That’s right. Noong pumunta ako ng America, nag-transfer din ng school sina Justin, Kevin at Rio. Childhood friends ko sila at mula grade one, magkakasama na kami. Kaso nga, kinuha ako sa America noon pero ngayong nandito na ulit ako, buo na naman ang tropa. Actually, may usapan kami na makakauwi pa ako, dito sa Moulton High School ulit makukumpletoang barkadahan namin.

Hindi ako kasali sa banda because my mom told me to stop playing the drums right before Justin formed the band. Galing ng timing, no? Pero noong nandun ako sa America, nakita nina Mommy at Daddy na bored na bored ako kaya they allowed me to continue playing and they even bought me a new drum set.

     Pero hindi talaga kinaya e, bored talaga ako doon. Kaya wala din silang nagawa. Noong umuwi ako dito sa Pilipinas, dinala ko ‘yung drum set ko. Sa bahay namin ako umuuwi. Gusto ko sanang mag-dorm o kaya apartment, kaso Mom insisted na sa bahay nalang daw akosince uuwi din sila before Christmas.

      “Ano?” muling tanong sa akin ni Justin.

     Kinamot ko ‘yung ulo ko. “Sige na nga! Kung hindi ka lang malakas sakin…”

     “Great!” Ngumiti siya. “Halika, doon tayo sa music room. Nandoon sina Kevin at Rio. Sabay-sabay na tayong kumain ng lunch.”

     Bumaba kami sa first floor. Malaki din pala ‘yung Moulton High. May oval, malaki din ‘yung gym tapos may swimming pool pa. Sabi nung classmates ko, tuwing Friday ang swimming lesson namin. Dahil na din sa mga bagay na ‘to ay may kamahalan ang tuition namin.

     Pumasok kami sa music room. Hindi na namin sinarado ‘yung pinto since dadating na rin naman daw maya-maya‘yung order ni Justin na pizza. Nakita ko si Kevin na pinupunasan ‘yung gitara niya. Si Rio naman tinotono ‘yung bass niya. Tumingin silang dalawa sa amin ni Justin. Abot-tainga ang ngiti nila noong makita nila ako.

      “Jess!” Tumakbo sila patungo sa akin para yakapin ako.

     “Oh, hinay-hinay lang mga pare!” natatawang sabi ni Justin. “Baka hindi makahawak ng drum sticks ‘yan.”

     Tumingin silang dalawa sakin. “Ibig sabihin… sasama ka na sa banda?” tanong ni Kevin.

     “Naman!” nakangiting pahayag ko sa kanila.

     Ngumiti sila tapos nag-high five kaming tatlo. “Yes naman! Ganyan sana!” sabi ni Rio.

     Nagsalita si Justin sa microphone. “Oh pano, let’s give it a try? Maya-maya pa naman ‘yung pizza e.”

     “Game!” sigaw naming tatlo. Umupo ako sa likod at kinuha ‘yung drum sticks. Grabe, iba ‘yung feeling ko. Excited na excited ako! Iba pa rin talaga kung kasama mong tutugtog ‘yung mga kabarkada mo. Parang sa inyo ‘yung mundo.

     “Teka, ano ba’ng tutugtugin natin?” tanong ko.

     “Your pick,” sabi ni Kevin. “Since bagong dating ka at bago ka sa banda. Welcome to Pepperoni Cheese!”

     Hindi ko alam, pero ang baduy talaga ng pangalan ng banda.

     “How about Ang Huling El Bimbo?”

     “Eraserheads?” tanong ni Justin. Tapos ngumiti siya. Tumango ako. “Sige, yun nalang.”Then nagsimula na kaming tumugtog.

     Maganda talaga ‘yung boses ni Justin. May sarili siyang style sa pagkanta. Lagi din siyang pinagkakaguluhan ng mga babae. Sa totoo lang, ako rin. Nakakainis na rin minsan kasi hindi naman ako interesado sa kanila. Madami na kong naging girlfriend pero wala akong sineryoso sa kanila. Masyadong mga desperada at maamo. Wala man lang challenge.

     Dumating na ‘yung in-order na pizza ni Justin. Halos gitna palang kami ng kanta kaya di muna kami tumigil. Itinuro nalang ni Justin ‘yung sofa dun sa tabi nung TV. Nilagay nung delivery boy ‘yung pizza dun tapos umalis na.

     Hindi kami nakaramdam ng gutom. Halos naka-ilang kanta na rin kami noong narinig naming biglang sumarado ng malakas ‘yung pintuan ng music room.Tumigil kaming apat. Doon sa may pintuan ay nakita kong nakatayo ang isang babae. Pamilyar ang mukha niya. Nakatingin siya sa amin pero halatang hindi siya nandito para magpa-picture o kaya magpa-autograph. Pinakita niya ‘yung puting armband niya na may tatak na seal.

     “Student Council President,” sabi niya. “Guys, nakikiusap ako na itigil niyo na ang rehearsal niyo. Class hours na. Madami na kong narinig na reklamo na ang ingay daw dito sa music room.”

Ah! Si Pango pala. Oo, siya nga. Aba, akalain mo nga naman? Sa pagkadami-dami ng pwede niyang maging posisyon sa Student Council, presidente pa?

     “At bakit naman kami titigil?” Tumayo ako. Nagulat siya noong nakita niya ako. “Nagbabayad din naman kami ng tuition dito, ah? Bakit namin kailangang sumunod sa’yo?”

Agad niyang nabawi ang pagkagulat niya at saka tiningnan ako ng masama.“Ikaw, transferee! Ang bago-bago mo pa nga lang dito hindi ka na agad marunong sumunod sa rules ng school? Gusto mo bang umabot pa to sa Principal’s Office?”

      “Ano’ng sabi mo?” Lumakad ako palapit sa kanya pero pinigil ako ni Justin. “Sino ka ba para diktahan ako?”

     “Ako lang naman ang Student Council President at para sa kaalaman mo, may karapatan akong magbawal ng mga estudyanteng hindi marunong sumunod sa rules ng eskwelahang ito. Alam niyo ba na ang ginagawa ninyong ‘yan ay cutting classes?”

     “Ano ba’ng pakialam mo?” naiinis kong sabi sa kanya.

     “Tama na, Jess,” bulong sa akin ni Justin. “Sige, susunod na kami sa klase, Luna. Sorry.”

     So, ‘yun pala ang pangalan niya.

     “O-Okay, bilisan niyo,” naiilang na sabi ni Luna at saka umalis na.

     Hinatak ko ‘yung braso ko mula sa pagkakahawak ni Justin. Naiinis ako sa kanya. Sumunod na lang siya agad doon sa Pango na ‘yun? “Bakit ba sumunod ka kaagad dun sa diktador na ‘yon?”

Tumawa sina Kevin at Rio. Sumimangot ako sa kanila. “Bakit tumatawa kayo?”

     “Alam mo, Jess...” Inakbayan ako ni Justin papunta doon sa sofa. Pareho kaming umupo. Sumunod sina Kevin at Rio sa amin. “Mabait naman si Luna e.”

     Nagulat ako sa sinabi niya. “‘Yon? Mabait? Weh? Para ngang nag-aalborotong bulkan kanina e.”

     Tumawa silang tatlo. May alam ba silang hindi ko alam? “Mabait naman talaga si Luna, pare!” sabi ni Kevin. “May double personality nga lang. Haha!”

     Tumaas ‘yung kilay ko. “Double personality? What do you mean?”

     “Actually, kaming tatlo lang ‘yung nagsasabing may double personality si Luna,” umpisa ni Rio.“Kasi kapag nasa P-shift siya ng pagiging SC President, napaka-strikto nun! Parang presidente talaga. Pero kapag nasa S-shift naman siya ng pagiging isang 4-1 student, aba, biglang babait ‘yun! Kwela din siyang kasama.”

     “Anong P-shift at S-shift?”

     Tumawa silang tatlo. Nagsalita si Justin. “P-shift stands for President shift. And it means, ‘Tumino ka na! Kundi patay ka!’ and S-shift stands for Student shift. It means, ‘Complete freedom!’”

     Tumawa silang tatlo. Nagsalita si Justin. “P-shift stands for President shift. Meaning, ‘Tumino ka na kundi patay ka!’ and S-shift stands for Student shift. It means pwede mo na siyang makabiruan. Haha.”

     “Baliw talaga siya,” sabi ko noong marinig ang description sa kanya nina Justin, Kevin at Rio.

Kumakain na kami ng pizza noong nagsalita si Kevin. “May nalaman nga palaako tungkol kay Luna.” Napatingin kami sa kanya. “Siya nalang pala ‘yung babae dito sa buong school na hindi pa nagkakaroon ng boyfriend. Oh, di ba? Interesting...”

     “As in ever? Kahit fling?” tanong ni Rio at saka kumagat sa pizza niya.

      “Wala kasing nagkakamali sa kanya,” sabi ko habang kumakain ng isa pang slice.

     “Oy! Hindi rin, pare!” Tutol ni Kevin. “Ang dami kayang nanliligaw dun. Mayroon din sa ibang school. Kaso busted lahat.”

     Napataas ‘yung kilay ko. Hindi ako makapaniwala na may papatol pa pala doon. Bukod sa wala na ngang binatbat ‘yung ilong sa ilong ko, masungit pa! Pero, totoo kayang hindi pa nagkaka-boyfriend ‘yun? Ano kaya kung…

     “Oh, bakit nakangiti ka, Jess?” tanong ni Rio sa akin.

     “Ah, wala,” sabi ko at saka kumuha ng isa pang slice. “May naisip lang ako.”

Continue Reading

You'll Also Like

747 133 46
fight to love the person who deserves your love. not to people who can't appreciate the love you give. fight your love for someone who can accept you...
143K 4.9K 121
A girl who has been liking this guy from afar, anonymously sending nerdy jokes and puns, and who has no intention of expecting anything in return. P...
27.7M 707K 109
[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High S...
126K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?