Apostle Thirteen: The Return...

Per altheadelarama

11.1M 216K 62.5K

The Queen is back! One year has passed since Lyra regain her memories as Bloody Maria and she will do whateve... Més

A13: The Return of the Queen
PROLOGUE:
Chapter 01: GANG WAR
Chapter 02: THE PROPOSAL
Chapter 03: AGENT
Chapter 04: UNDERCOVER
Chapter 05: THE SUPERSTAR
Chapter 06: INVITATION
Chapter 08: THE RETURN
Chapter 09: LYRA
Chapter 10: CONCLUSION
Chapter 11: MOVING CLOSER
Chapter 12: INFORMATION
Chapter 13: CHANGES
Chapter 14: CAPTURED
Chapter 15: REVIVAL
Chapter 16: VERDICT
Chapter 17: BROMANCE?
Chapter 18: THE CONCERT
Chapter 19: ENTRAPMENT
Chapter 20: HUNTING
Chapter 21: HELP
Chapter 22: SIBLINGS
Chapter 23: SUSPECT
Chapter 24: TOWARDS THE EMPIRE
THE TENTH APOSTLE: CAPRICORN
Chapter 26: OFFENSE
Chapter 27: PAYBACK
Chapter 28: APPEARANCE
Chapter 29: DELIBERATION
Chapter 30: ASSUMPTION
Chapter 31: RAMPAGE
Chapter 32: BEHIND THE CURTAIN
THE FOURTH APOSTLE: CANCER
THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS
Chapter 35: BRINGING IN
Chapter 36: IRONIC
Chapter 37: THE FALL OF HELENA GANG
Chapter 38: THE FIRST DAY
Chapter 39: UNVEIL
THE FIFTH APOSTLE: LEO
Chapter 41: KING vs QUEEN
Chapter 42: THE MISSING PART
Chapter 43: ASSAULT
Chapter 44: ALONE
THE EIGHTH APOSTLE: SCORPIO
Chapter 46: THE OPPONENT
Chapter 47: WAVERING HEART
Chapter 48: GOODBYE
Chapter 49: LAST KISS
THE SIXTH APOSTLE: VIRGO
Chapter 51: CONNECTED
Chapter 52: LIAM MONTENEGRO
Chapter 53: BLOOD DESCENT
Chapter 54: PRONOUNCEMENT
Chapter 55: PREPARATION
Chapter 56: TANGO IN THE NIGHT
Chapter 57: KING
Chapter 58: THE DEAL
Chapter 59: A COLD SILENCE
Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS
Chapter 61: THE CALL
Chapter 61: THE CALL (repost)
Chapter 62: AS ONE
Chapter 63: THE GANGSTER'S PRAYER
Chapter 64: KING VS THE SERPENT HOLDER
Chapter 65: WAR OF APOSTLES part 1
Chapter 66: WAR OF APOSTLES part 2
Chapter 67: THE LAST BATTLE
THE THIRTEENTH APOSTLE: OPHIUCHUS
APOSTLE THIRTEEN
APOSTLE THIRTEEN SPECIAL
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2

Chapter 07: THE PARTY

178K 3.2K 683
Per altheadelarama

Chapter Seven: THE PARTY

CHRISTINE POV

Weird....

Agad akong napadilat ng mata mula sa pagkakatulog ko sa sofa, masyado yata akong napagod nitong mga nakaraang araw para sa preparation ng party ni Bloody Maria.

Ang weird talaga ng panaginip ko....

I wear the mask of Virgo at naglalakad ako sa harapan ng maraming tao when someone shoot me in the head pero parang tumagos lang sa ulo ko ang bala. Wala dugo na lumabas at hindi man lang ako natumba dahil sa impact nito pero nararamdaman ko ang sakit...

Kakaibang sakit na para bang iniwan ka o tinalikuran....

I look at the clock to see the time, alas dyes na pala ng umaga at saktong alas dyes din mamayang gabi, magaganap ang isang party na hindi makakalimutan ng lahat.

Agad akong naligo at nagbihis saka nagpunta sa kusina para kumain. Mukhang late na rin nakatulog si Akagi dahil hanggang ngayon, hindi ko pa nakikita ang anino nya.

“Shit naman Akagi! Anong itsura yan?”

Muntikan ko ng maibato sa kanya yung plato na hawak ko dahil bigla na lang syang bumungad sa harap ko. Hindi lang basta bumungad, para syang nasa horror film dahil sa itsura nya.

“Alam mo ba na tinawagan ako ng magaling mong bestfriend ng ala una dahil may mga pinapabago sya sa set up? At ngayon pa lang ako matutulog...” sinabi nya yan na para bang gusto nyang ibaon s alupa si Lyra.

Seriously? Ano na naman kayang pumasok sa utak ng babaeng iyon? Alam ko na marami syang alam na pakulo at kung ano pa man but, mamaya na ang party and it’s a bit too late para magchange ng details.

“What do you mean?”

Hindi na ako nasagot ni Akagi dahil nagcollapse na sya sa harapan ko, tsk... kung ganun, tatlong araw na syang walang tulog. Kawawang Akagi, ganyan talaga ang magiging buhay mo once na dumikit ka kay Lyra kaya kung ako sayo, magresign ka na.

Inihiga ko muna sa sofa si Akagi, kawawa naman baka matapakan ko pa ito eh di swerte nya bago bumalik sa pagkain.

Ano kayang pinabago ni Lyra sa kanya? Sana naman hindi ganun kalala dahil sa totoo lang, nababaliw na ako sa mga naiisip nya...

Kriiinggg....

Napabaling ako sa phone ng bigla itong tumunog... Great! Akagi, hindi ka na naman nagbayad ng bills natin.

Wala naman kasing nakakaalam ng landline number dito except na lang sa mga company nay an at tumatawag na lang sila dito kapag hindi nagbayad ang kumag na ito.

Inubos ko muna ang pagkain ko bago ako tumayo, para sagutin ang caller. Wala akong pakialam kung maghintay sila basta gutom ako at uunahin ko ang gutom ko.

Walang buhay kong sinagot ang phone, bwiset ka Akagi... ikaw magbabayad ng mga ito paggising mo.

“Tulog pa yung magbabayad, tumawag na lang kayo kapag buhay na sya...”

Ano ba yan, istorbo... ang dami ko pang gagawin para mamaya syempre, isa na doon ang pagpapaganda.

Ibababa ko na sana ang phone ng matigilan ako dahil sa boses sa kabilang linya....

“Uhm... then I wouldn’t mind kung gigisingin mo sya sa kahit anong paraan, Copycat”

“Lyra...”


71 GRAMERCY

THIRD PERSON POV

Busy ang lahat sa loob ng hall, may kanya kanya silang grupo habang pinagmamasdan ang lahat ng mga gangster sa paligid. Mga notorious gang ang imbitado sa party na ito at lahat sila, inaasahan na magpapakilala ang B.M. sa invitation kung saan pinaniniwalaan nila na si Bloody Maria.

Engrade ang party, may buffet na nasa kaliwa habang sa kabila naman nito ang Quadruplet band. May red carpet din para sa mga pumapasok sa hall at fountain of wine sa bandang likuran.

May hanging curtain din na nagsisilbing disenyo ng kisame, isama pa ang mga lanterns na nakasabit din dito. Hindi mo aakalain na isa itong party ng mga kinakatakutang nilalang sa mundo.

Agad napabaling ang lahat ng bumukas ang pintuan. May naghanda ng kanilang baril habang ang iba ay nakatitig lang sa tao na papasok sa loob.

The First Apostle, Aries at kasunod nito ang mga underlings nya na nakamaskara din katulad ng lahat. Agad naman na nag-give way ang mga tao sa paligid ng dumaan sila at pumunta sa isang table na nakareserve para sa kanila.

“30 minutes…” it’s Krey. “30 minutes lang at aalis na ako”

“I doubt na gagawin mo yan”

Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tao ng pumasok sa hall ang kasunod na gang. Ang tanging gang na naglakas loob na hamunin ang lahat ng Apostle, ang nagsimula ng Gang War… The Helena Gang.

Pumasok ang gang nina Jireh, katulad ng iba, nakaformal attire din sila but they are not wearing their mask. Walang takot na lumakad sila gitna at naupo sa assign table nila.

Kasunod na pumasok sa loob ang Apostle’s couple, si Aquarius at Cancer kasunod ang mga underlings nila.

“Yo Aries!”

Agad na lumapit si Cancer kay Aries, umiwas lang naman ng tingin ito. Hindi parin ito nagbabago kahit tatlong taon na ang lumilipas.

“Wala pa ba si Maria?”

Napangiwi naman ito ng sikuhin sya ni Aquarius na nakakapit sa braso nya, napatawa naman si Cancer sa kinilos ng girlfriend nito.

“Jealous…”

“Said it again at makikipagflirt ako sa mga lalaki dito”

Napatahimik naman ang lahat ng pumasok si Pisces, nakatuxedo ito pero nakapatong lang sa ulo nya ang kanyang mascara. Nagulat ang lahat ng makita nila ang itsura nito.

“Come on, everyone already knew who I am, there’s no used kung magmamaskara pa ako”

“Same here”

Napalingon si Conrad ng makita ang Gemini Twins… They are wearing a long gown na may mahabang slit sa gilid.

“Would you make tabi-tabi, you kasi is nakaharang to us eh” at dumeretsyo na sila sa loob kasunod pa ang dalawang babae na si Chocola at Charlamagne.

Natahimik ang lahat sa sunod-sunod na pagpasok ng mga Apostle sa hall, may kinakabahan, may nagmamasid, yung iba… relax lang na nakaupo sa pwesto nila.

Isly, who is Libra went to America and Quince Trajano, Taurus and Ryuzaki Escala, Sagittarius were both dead. Persona, Scorpio is missing at hanggang ngayon, wala parin silang idea kung nasaan ito. Patay na ba sya o buhay pa, ayaw na nilang alamin pa ang bagay na iyon.

Ilang minuto din silang nanahimik hanggang sa bumukas ulit ang pintuan and this time… one of the awaited Apostle has already came.

“Leo”

Mag-isa lang itong nagpunta sa party, unlike the other Apostle na bitbit-bitbit ang mga underlings nila. Simple lang itong lumakad sa isang tabi na para bang mga ordinaryong tao lang nasa paligid nito.

Tumayo si Aries at lumapit dito.

“It’s her…”

“I know…”

Kumuha ng whisky ang dalawa sa dumaang waiter at naglakad sa isang tabi habang nakatingin parin sa mga tao sa paligid na nakatingin din sa kanila.

“Don’t get me wrong… I’m doing this dahil sa kapatid ko. We have plans in case na magpakilala sya ngayon at ipakita sa lahat ang itsura nya”

“I doubt it” at tumingin si Leo sa Helena Gang lalo na kay Jireh na nakatitig sa kanya.

“Kung ano mang nangyari sa kanya sa nakalipas na isang taon, malalaman natin yun ngayon…”

Iniikot-ikot ni Leo ang glass nito, hindi parin mawala sa isip nya ang nangyari noong isang araw at sana ngayon, magkaroon na sya ng chance na makita ulit sya.

His Bloody Maria...

“Ladies and Gentlemen, may I have your attention please...”

Napalingon naman sila sa emcee na biglang nagsalita sa unahan at binasag ang katahimikan ng lugar.

“I know everyone is excited to welcome our celebrant...”

Hindi naman naiwasan ni Pierre na hindi mapatawa sa narinig, obvious kasi na walang kaalam-alam ang emcee sa kung anoman ang posibleng mangyari sa lugar. Kung sinadya man ito ni Bloody Maria o hindi, isa lang ang sigurado.

“Sorry naman...”

Natahimik lang ito at tumigil ng titigan sya ni Klio at ng iba pa saka sila ulit humarap sa emcee na patuloy parin sa pagsasalita.

“Let’s welcome...”

Parang mabilis na tunog ng tambol ang maririnig mo sa buong lugar, lahat sila ay nag-aabang sa susunod na sasabihin ng emcee... Kung pwede lang sana nilang hilahin ang dila nito para hindi na sila nabibitin pa ay ginawa na nila.

“The one and only...”

Napapalunok na ang iba at pinagpapawisan... konti na lang, malapit na nilang makilala ang B.M. na naginvite sa kanila...

Ilang segundo na lang....

“Are you excited?”

Tatawa pa sana ang emcee ng bigla itong matumba dahil isang bala ng baril ang biglang dumaplis sa mukha nito. Halata ang pagkabigla sa itsura nito pero halata din ang pagkainis ng lahat dahil sa pambibbitin na ginagawa ng emcee...

Hindi ito isang party para magsaya, ito ang gabi na makikilala ng lahat kung sino ba si Bloody Maria, na hindi naiintindihan ng emcee.

Susugurin na sana ng mga gangster ang emcee ng muli silang mapatigil dahil sa tunog ng takong mula sa taas. Papalakas ng papalakas ang ingay nito habang unti-unting lumalapit sa kanila kaya naman ang iba ay napaatras ulit at bumalik sa dati nilang pwesto.

“Masyado naman kayong excited na makita ako....”

Napapalunok ang lahat at kinakabahan habang unti-unti nilang nakikita ang isang babae pababa ng hagdan suot ang isang pulang evening gown at may maskara. Kitang-kita ang likod nito lalo na ang tattoo sa may bandang ibaba nya. Everyone was stunned ng makababa na sya at salubungin ang lahat at mas lalo nilang ikinabigla ng tanggalin nito ang maskara na suot nya.

“Welcome Ad Infernum everyone....”


HELEN POV

“Helen...”

Agad na bumaling sa akin si Cly ng tanggalin na ni Bloody Maria ang maskara nya, kahit naman may idea na kami kung sino sya, hindi parin naming maiiwasang hindi magulat lalo na ngayon sa nakita namin...

Talaga bang nangyayari ang bagay na ito?

“This is a bad dream and I need to gising na...” si Cly na napapapaypay pa ng kamay sa mukha nya.

“Sya si Bloody Maria?” sabay na tanong pa ni Charla at Chocola na gulat na gulat parin hanggang ngayon at nakalimutan na ang pagkain na hawak nila.

Oo nga pala, hindi naming nasabi sa kanilang dalawa kung ano ang mga naiisip naming sa mga Apostles lalo na sa pagkatao nila.

“Shut up! I said it’s a bad dream, right?!”

So all this time... ang lahat ng bagay na iniisip naming tungkol sa pagkatao ni Bloody Maria... ay isang masamang panaginip. Isang bangungot...

“What are we gonna do?”

Napabaling ako kay Cly na nakatitig na ngayon kay Bloody Maria, ano nga ba ang dapat naming gawin? Should we approach her pero kapag ginawa naming yun, baka kami pa ang mapahamak...

Sa estado naming ngayon at sa ginawa nya, hindi ko alam kung saan ba kami lulugar. Are we an ally or enemy?


CONRAD POV

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ngayong nakikita ko na ang itsura nya. Stunning, beautiful and full of confident pero hindi nya ako maloloko.

Everyone is still in shock sa nasasaksihan nila ngayon, walang gustong magsalita o lumapit man lang sa kanya.

“C’mmon guys, hindi ako nagpaparty para tumunganga lang kayo dyan at titigan ang kagandahan ko...”

Napatawa naman ako sa sinabi nya kaya itinaas ko ang glass ko to give her a cheers.

“Of course, welcome back... Bloody Maria” diniinan ko ang pagkakasabi ng Bloody Maria.

Alam kong alam na rin nya kung ano ang tinutukoy ko sa pagkakasabi nun. Lumapit ako sa kanya at nagtoss kami bago ko tinitigan ang kabuuan nya.

“Hindi ka talaga mauubusan ng surpresa...” I whispered.

“Of course, nakakabit na yun sa pangalan ko...”

Saka sya lumampas sa akin pero yung mga mata ko nakasunod parin sa  kanya, kitang-kita ko ang maputi at makinis nyang likod pero ang mas makakaagaw ng pansin mo ay ang Virgo tattoo sa likod nya.

“I hope may iba ka pang ipapakita dahil madidisappoint ako kung ito lang, Bloody Maria” saka ko inubos ang laman ng wine ko at naglakad papalayo.


THIRD PERSON POV

“Bloody Maria... sya si Bloody Maria?”

Bakas parin ang pagkagulat sa itsura ng lahat lalo na ng Helena Gang, hindi nila inexpect na sya at si Bloody Maria ay iisa.

“King...”

Napansin naman nila ang pagkuyom ni Jireh ng kamao at ang pagpipigil nito sa galit nya. Maging ito ay nagulat pero ang gulat na yun ay mabilis din napalitan ng galit.

“Get hold of yourself Jireh, hindi maganda kung magsisimula tayo ng gulo dito...” saka tinapik ni Prime si Jireh sa balikat para pakalmahin ito pero mukhang hindi payun sapat kaya humarang na si Yola sa harapan nito.

“Jireh... don’t make an unnecessary move...”

Somehow, Jireh lowered his guard pero hindi parin nya inaalis ang tingin nya sa babaeng pinagkakaguluhan ngayon ng lahat.

“I never thought that it was her...” si Skye na nakatitig parin kay Bloody Maria.

“But there’s the proof... the mask and her tattoo” si Dylan na hindi parin makapaniwala sa nakikita nya.

Mas lalo silang natensyon at kinabahan ng makita nilang papalapit ito sa kanila, specifically kay Jireh na mukhang papatay kahit anomang oras sa itsura nito ngayon.

“Helena Gang... it’s a pleasure to meet you...” saka ito lumapit kay Jireh at niyakap ito ng mahigpit.

Napapalunok na lang sa kaba ang Helena Gang at naghihintay sa susunod na pwedeng mangyari. It’s Bloody Maria and King... alam nila kung gaano kagustong patayin ni Jireh ang babae na nakayakap sa kanya ngayon.

“Bloody Maria...” si Jireh.

Ngumiti naman ito at saka bumitaw sa kanya at nakuha pa nitong makipagtitigan sa mata ni Jireh na para bang sinasabi nyang, sya nga talaga si Bloody Maria.

“Don’t be so surprise King, I’m only giving credits sa kaisa-isang tao na sumira ng rule ko...”

Mukhang natensyon naman ang lahat ng nakarinig sa sinabi nito. Alam ng lahat na ayaw ni Bloody Maria sa gang war at ang Helena Gang lang ang nagumpisang magdeklara nito.

Huhugutin n asana ni Jireh ang baril sa tagiliran nya pero mabilis na naharang ang kamay nito kaya hindi nya nagawa itong bunutin.

“If I were you, mag-iingat ako sa mga gagawin ko...” nakangiting bulong nito sa kanya saka humarap ulit sa mga kasama nito.

“If you don’t mind, excuse me...” saka ito naglakad papalayo sa kanila na nakangiti.


LEO POV

I saw her ng lumabas ng balcony kaya agad ko naman syang sinundan and when I thought na wala ng tao, saka ko sya hinawakan sa kamay para pigilan at saka ko sya iniharap sa akin.

"What the hell you are doing, Christine? You put yourself in danger. Pinakilala mo ang sarili mo biglang si Virgo?"

I know na hindi basta-basta magpapakilala si Lyra sa lahat kaya mag-iisip nya ng ibang paraan pero ang ilagay si Christine sa ganitong sitwasyon... hindi ko matatanggap iyon.

Gusto ko syang sigawan at ipaalala ang ginawa nya, she did it before at ang gawin yun ulit ay isang pagkakamali. I am her friend at concern ako sa kanya pero sa ginagawa nya, sya pa mismo ang nagpapahamak sa sarili nya.

"I know" saka sya umiwas sa akin ng tingin.

"You know..."

Fuck! Things are getting even more complicated dahil sa ginawa nya. Now, all of their eyes are set on her, anytime... pwede sya nilang patayin. They really think na sya talaga si Virgo o Bloody Maria lalo na ng Helena Gang.

"I'm sorry Leo..."

I don’t understand it pero kapag nakikita kong malungkot sya, naguguilty ako. Ako ang nagdamay sa kanya sa gulong ito pero hindi nya kailangang gawin ang bagay na ito.

"I don’t have a choice" at seryoso nya akong tiningnan.

Hindi ako naniniwala na wala na syang choice, may choice tayo sa lahat ng bagay... kung sinabi nya lang sa akin, kung nalaman ko lang, hindi na sana aabot ito sa ganito.

"Yes you have"

"No she doesn’t have..."

Halos magtaas ang balahibo ko ng marinig ko ang malamig at nakakatakot na boses na iyon, boses na ilang taon ko ng hindi naririnig and from darkness... she shows herself wearing a long gown with a long cut on her left legs. Kitang-kita mo ang hubog ng katawan nya but does not caught my attention; it is her face and her lips smirking at me.

"Lyra"

Lumapit sya sa akin and gave me a kiss on my cheek saka yumakap ng mahigpit. I am still in daze sa pagkakita sa kanya, after a year, ngayon lang sya nagpakita at dito pa mismo sa party kung saan naandito ang mga Apostles at Helena...

Shit! She really planned it.


"Don’t you miss me, Leo?"

Continua llegint

You'll Also Like

2.8M 73.4K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
24.1K 2.7K 62
The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal. Pinatulog niya ako't hindi nagtagal ay...
263K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
1.7M 55.1K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...