Snow White and the 7 Gangsters

By LadySenpai

104K 4.2K 2.3K

One taste of the poisoned apple and the victim's eyes will close forever in the Sleeping Death. More

SYPNOSIS
Chapter 01 : She's Snow
Chapter 02: Twins and Friends
Chapter 03: Innocent Badboy
Chapter 04: Stalking you?
Chapter 05: 12 Midnight
Chapter 06: Who's the boss?
Chapter 07: Great Inferial University
Chapter 08: The Higher class
Chapter 09: The Agreement contract
Chapter 10: The Night Shift
Chapter 11: Beast
Chapter 13: Zianna's Identity
Chapter 14: Partners in crime
Chapter 15: Clan or Friends?
Chapter 16: Haze Mantallion
Chapter 17: Angkan ng Kukongpusa
Chapter 18: Beast is back

Chapter 12: Nightmare

3.7K 198 152
By LadySenpai

       
Chapter 12: Nightmare

"Leonora? Leech? A-anong ginagawa niyo dito?"

Nagulat ako ng pagkagising ko ay nasa harap ko na ang Madrasta kong si Leonora at ang bastardo niyang anak na si Leech.

"Nandito kami para kunin ka na, Snow. Ibabalik ka na namin sa Europa!" -Leonora

"Kailangan mong panagutan ang krimen na ginawa mo, Snow!" -Leech.

"NO! Wala akong ginawang kasalanan! Kayo ang pumatay sa Dad ko!" pagpupumiglas ko ng hawakan ako ni Leech.

"Aminin mo man o sa hindi, IKAW ang nag-utos para isabotahe ang iyong Ama, Snow!" -Leonora

"I SAID NO! Wag niyong ipasa sa akin ang ginawa niyo krimen!"

Nagulat ako ng may mga pulis na ang dumating. Pero mas nagulat ako ng kasama nila si Zai at Zelex, pati na rin si Tito Lawrence.

"Panagutan mo ang ginawa mong krimen, Snow. Ikaw ang pumatay sa Dad mo. Yan ang katotohanan." Tito

"T-tito.. B-bakit? Di ba sabi mo tutulungan mo ako?"

"Tutulungan kita, Snow. Pero kailangan mo munang panagutan ang lahat ng ginawa mo." Tito

"Hindi ko akalain na magagawa mo 'to sa sarili mong Ama. Minahal pa naman kita, Zia. Pero kriminal ka!" Zai

"Ikulong niyo na siya! Mamamatay tao siya!" Zelex

"No! No! Please!"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"No! No! Please!"

"Zia! Zia! Wake up! Wake up!"

Napabalikwas ako ng bangon ng may yumuyugyog sa balikat ko.

"Nananaginip ka."

Si Zai pala ang gumising sa akin.

"Water please.." hinihingal na banggit ko. Agad naman siyang nagsalin ng tubig sa baso sa may side table at ipinainom sa akin. "Thanks.."

"Nightmare?" pag-aalala niya.

Natahimik ako saglit. Masamang panaginip naman pala. Pinagpawisan ako ng sobra. Shit!

Anong nangyari sayo na sobrang matapang, Snow? Bakit parang nakakaramdam ka na ng sobrang takot ngayon?

Nagulat naman ako ng biglang pinunasan ni Zai ang pawis ko sa mukha gamit ang bimpo niya.

"Malakas naman ang aircon, bakit pinagpawisan ka ng sobra?"

Di ko akalain na maalaga pala 'tong Zai na to. Ang lapit pa ng mukha niya sa akin. Nakakailang tuloy tumitig sa kanya.

"Ano bang napanaginipan mo?" tanong niya na. Napansin kong inilagay niya ang palad niya sa noo ko. "Ang init mo, Bru. Nilalagnat ka.." pag-aalala niya. "Hubarin mo kaya jacket mo para hindi ka masyadong mainitan.." sabi pa niya at tumayo para patayin ang aircon.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Dahan dahan kong hinubad ang jacket ko. Pero naramdaman ko ang kirot at pananakit ng likod ko dahil dun sa malakas na pagkakabalibag sa akin ni Beast sa pader kagabi.

"Ouch! Ang sakit.." daing ko. Nahihirapan tuloy akong hubarin ang jacket ko.

"Alin ang masakit? Tulungan na kitang maghubad." agad na lapit niya at tinulungan na lang akong hubarin ang jacket ko. "Ano ba kasing nangyari sayo kagabi?"

Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zelex na nanlalaki ang mata at nakaturo sa amin.

"ANONG GINAGAWA NIYO??"

Nagtataka naman kaming nakatingin ni Zai sa kanya. At ng marealize ko, agad kong itinulak si Zai.

"WAAHH! TWINY! KAPATID NATIN SIYA! ANG BAD BAD MO! RAPIST KA TWINY! MANGHAHALAY KA!" agad dinambagan ni Zelex si Zai.

"What the fuck Zelex!!"

Hayss. Bagay talaga sa kanyang tawaging Alien. Greenmindes eh. Tsk.

(Zelex' POV)

"Gutom na aku!"

Kumakalam na ang sikmura ko kaya lumabas na'ko agad sa kwarto ko.

"Puntahan ko muna kaya si Zianna para sabay kaming kakain.. Yieeh!" excited naman akong pumunta sa kwarto niya.

Kakatok na sana ako sa pinto ng may marinig ako mula sa loob ng kwarto niya.

"Hubarin mo kaya jacket mo para hindi ka mainitan.."

Teka? Boses yun ni Twiny ah! Anong ginagawa niya sa kwarto ni Zia??

"Ouch! Ang sakit.."

Boses ni Zianna yun!

"Alin ang masakit? Tulungan na kitang maghubad."

O_______________O

HOLY MOTHER OF--

ANONG GINAGAWA NILANG DALAWA??

Agad kong binuksan ang pinto at nanlalaki na lamang ang mata ko ng makitang dahan-dahang hinuhubad ni Twiny ang jacket ni Zia!

"ANONG GINAGAWA NIYO??" sabay turo ko sa kanila. Mukhang nagtataka pa silang dalawa at ilang saglit itinulak ni Zia si Twiny! Waaah! My innocent Zia was being raped by that monster Zai!

"WAAAH! TWINY! KAPATID NATIN SIYA! ANG BAD BAD MO! RAPIST KA TWINY! MANGHAHALAY KA!" agad ko siyang dinambagan.

"What the fuck!! Ano bang pinagsasabi mo diyang Alien ka?! Wala akong ginagawang masama kay Zia!! Umalis ka nga diyan! Ang bigat mo!!" pagsisinungaling niya.

"Wag ka nang mag maang-maangan pa diyan Twiny!! Kitang kita ko mismo sa dalawang nagniningning kong mata na hinuhubaran mo si Zianna!! Langya ka! Huhuhu! Kawawa naman ang inosente kong si Zia!!"

"Ano ba!! Baliw ka talaga!! Pakawalan mo nga ako!! Tinutulungan ko lang naman siya!!"

"Anong nangyayari dito Zai-Zelex? ?"

Buti na lang dumating ang lima.

"Guys! Itago niyo si Zia bilis! Muntikan na siyang gahasain nitong Zai na 'to!!"

Agad naman tumakbo sina Tristan at Hoppie papunta kay Zia.

"Totoo ba yun, Zai? Inunahan mo pa talaga ako ha.." -Tristan. Tinitigan ko siya ng masama.

"Baka na-misinterpret mo lang Zelex.." -Mon

"Hindi no! Totoo tong nakita ko! Hinuhubaran ni Twiny si Zia!"

"Ang init niya. Nilalagnat siya." pagsasalita ni Zayne na ikinatingin ko sa kanya.

Nakita kong nakasandal na ang ulo si Zia sa balikat ni Hoppie.

"Waah! Opportunista ka Hoppie!" agad akong tumayo at lumapit sa kanila. "Alis diyan!" pagtatakwil ko sa kanya. At hinawakan ko agad si Zia na nakapikit na ang mata. Ang init niya nga.

"OA ka lang talaga Zelex.." sambit pa ni Sue. "Nilalagnat si Zia kaya tinutulungan siya ni Zai na hubarin ang jacket niya. Tsk!"

*POUTS*

"Tsk! Mas lalong magiging malala ang sakit ni Zia ng dahil sa pagiging eksaherada mo, Zelex." -Twiny

"I'm just being protective lang naman sa kanya..*pouts*" depensa ko.

"Overprotective kamo.." epal na sambit ni Sue.

"Gagawa muna ako ng porridge para sa kanya." -Zayne

"Bibili muna ako ng gamot sa botika." -Mon

"Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo." -Tristan

"Kukunin ko muna yung thermometer sa baba.." -Hoppie.

"Kukunin ko din yung heater sa kwarto.." -Sue

Lahat sila nagsilabasan na at naiwan kami ni Twiny.

"Lahat sila may kanya-kanya ng ginagawa para gumaling si Zia. Ikaw? Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan? Lumabas ka na't maghanap ng gagawin para gumaling si Zia." sita sa'kin ni Twiny.

"Ayoku! Dito lang ako, sasamahan ko siya! Dahil naniniwala ako sa kasabihan na 'Ang gamot para sa taong may sakit ay pag-aaruga ng pamilya'. Kaya dito lang ako! I'm gonna take good care of her!"  di ako papatalo sa kanya no!>3<

(Zai's POV)

"I'm gonna take good care of her!"

Napasabunot na lamang ako ng buhok ko dahil sa sobrang inis. Ang sarap talagang itapon sa bermuda triangle tong alien na 'to para mawala na sa paningin ko! A big TSK!

"Paano siya gagaling kung dikit ka ng dikit sa kanya?? Umalis ka diyan! Kailangan niya ng maluwag na higaan para makapagpahinga siya ng maayos!"

"Kayo na lang kayang dalawa ang lumabas sa kwarto niya? Paano siya makakapagpahinga kung bangayan kayo ng bangayan diyan? Ang ingay niyo kaya." suway naman ni Tristan sa amin na may dala ng isang basin ng maligamgam na tubig.

Inirapan ko siya at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang basin mula sa kanya. Nagulat naman ako ng mahawakan na rin ito ni Zelex.

"Twiny, like what i said, i'm gonna take good care of her." sabi pa niya at inagaw mula sa akin ang basin.

Inagaw ko naman agad ang basin sa kanya, "No. Ako lang ang pwedeng mag-alaga sa kanya." matigas na pagkakasabi ko.

"Ako na nga sabi!" agaw niya ulit.

"Ako nga eh!" agaw ko ulit.

"Ako!"

"No! Ako!"

"Ako na nga!"

"Ako nga!"

"Haayss! Ano ba! Akin na nga yan! Ako ang kumuha nito! Kaya ako ang mag-aalaga sa kanya! Tsk.." sabay agaw ni Tristan sa basin. At wala na kaming nagawa ni Zelex.

"Ito na yung thermometer!" pagdating naman ni Hoppie.

Aagawin na sana namin ito ni Zelex sa kanya ng itaas niya naman bigla ang kamay niya para hindi namin maabot.

"Ako ang kumuha nito kaya ako na ang maglalagay nito sa kilikili niya!" Hoppie.

At wala ulit kaming nagawa ni Zelex. Pati na rin sa pagpapakain ng porridge ay si Zayne ang gumawa. Sa pagpapainom naman ng gamot ay si Mon ang gumawa. Habang kami ni Zelex ay nakatunganga na lamang sa gilid ng kwarto habang pinapanood sila na arugain si Zia. Hindi pa nila kami hinayaang makalapit kasi baka magbangayan na naman daw kami ulit. Sige, kami na pasakit. Tsk!

Ano ba kasing nangyari sa kanya kagabi? Bakit nung umuwi siya, parang wala siya sa sarili? To think na si Dad pa ang naghatid sa kanya. Ano kayang pinag-usapan nila? Niyakap pa niya ako ng mahigpit at sorry ng sorry sa akin.

(Zianna's POV)

Minulat ko ang mata ko at laking pagtataka ko na nasa isang madilim na lugar ako. Sobrang dilim, ni wala akong ibang makita kundi ang spotlight lang sa itaas na sa akin nakatama ang liwanag. Naririnig ko lamang ang bawat patak ng tubig mula sa ibabaw. May naamoy pa akong masangsang na amoy.

Nakaputing bistida ako at walang sapin sa paa. Nasaan ba ako?

At ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng yabag ng paa ng isang Tao.

"Beast?" ang tanging nabanggit ko ng maaninag ko na ang nilalang na nasa harap ko na. Kahit ang mala-demonyo niyang mukha ay kitang kita ko na rin. Nakakatakot, nakakakilabot ang ekspresyon niya. Ibang-iba sa totoong katauhan niya.

"Balita ko, ikaw daw ang papatay sa akin. Tama ba?" nandiyan na naman ang boses niyang buong-buo at umaalingawngaw pa sa paligid. Napaka creepy pa ng ngisi niya.

Napalunok ako bago sumagot, "Oo"

Nagulat ako ng bigla siyang humalakhak. "Nakakatawa! Marami ng mga propesyunal na kriminal ang sumubok na ako'y paslangin. Pero alam mo ba kung anong nangyari sa kanila?"

"Pinatay mo sila. Malamang yan ang sagot." pagsagot ko sa kanya.

Muli siyang humalakhak, "Maling sagot, Snow. Nagpakamatay sila. Yan ang sagot."

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Dahil sa sobrang presyon nila na ako'y patayin at salakayin, ay minabuti na lang nilang kitilin ang sarili nilang buhay. Dahil kahit ano pang gawin nila, hinding-hindi nila ako mapapatay. At iyan din ang magiging kahahantungan mo pag sinubukan mo akong kalabanin, Snow."

"Matatalo kita, Beast! Matatalo kita!" matapang na sigaw ko sa kanya.

"Talaga? Sige subukan mo."

Agad kong pinulot ang punyal sa lupa at agaran ko siyang sinunggaban pero naglaho na lamang siya bigla na parang bula. 

"Hide and seek? Diyan ka ba magaling, Beast? Lumabas ka sa lungga mo at kalabanin mo din ako!" hamon ko sa kanya.

Naramdaman ko ang presensiya niya mula sa likod ko. Agaran naman akong tumalikod pero sa isang iglap lang ay sinunggaban niya na ako ng sakal gamit lamang ang isang kamay niya.

"Aaaackk!!"

The more na nanlalaban ako ay mas lalo namang humihigpit ang pagkakasakal niya sa akin. Hanggang sa unti-unti na akong nawawalan ng hininga.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Zia! Zia! Wake up! Wake up! Wag mong sakalin ang sarili mo!"

Muli akong napabalikwas ng bangon. Hingal na hingal at pinagpapawisan. Tinignan ko kung sino ang gumising sa akin. Si Zai pala.

"Nananaginip ka na naman.." pag-aalala niya habang nakahawak sa balikat ko.

Bakit ba puro masasamang pangyayari ang napapanaginipan ko? Anong ibig sabihin nito? May mangyayari ba talagang masama sa akin? Kung saka-sakali mang mangyari yan, kailangan kong maging handa.

"Water please.." agad niya naman akong pinainom ng tubig. Uhaw na uhaw ko namang nilagok ito.

"Binabangungot ka na naman. Siguro dahil sa taas ng temperatura ng lagnat mo." inilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Medyo nawawala na ang init.." ngiti niya. Ngayon ko lang din napansin na halos silang lahat ay dito sa kwarto natulog.

Naglatag sila ng kutson sa sahig at tabi-tabi silang natulog.

"Bakit nandito kayong lahat?" pagtataka ko.

"Ahh. Masyado kasi kaming nag-aalala sa kalagayan mo kaya naisip naming bantayan ka dito. Pasensya na sa kanila, ganyan lang talaga sila matulog, masyadong malikot." pangangamot ni Zai.

Nakakatawa naman kasi talaga ang mga position nila, nagtatandayan na.
Yakap-yakap ni Zelex ang isang paa ni Hoppie. Nakatanday naman ang isang paa ni Hoppie sa dibdib ni Tristan na humihilik pa. Si Zayne at Mon naman, magkayakap. Weird. Buti pa si Sue, maganda at komportable sa pwesto niya sa Sofa.

Pero, sobrang nakakalambot ng damdamin itong ginawa nila. Tiniis talaga nilang matulog dito ng tabi-tabi kahit naka off ang aircon para lang mabantayan ang kalagayan ko. Ito ang kauna-unahang pangyayari sa buhay ko na may nagmamalasakit at nag-aalala sa akin. Sa likod ng ugali kong hindi kagandahan minsan ay heto pa rin sila, handa akong alagaan. Ibang-iba sila sa mga kaibigan ko sa Europa. Simula ngayon, ituturi ko na silang parte ng pamilya ko. Sila na ang pamilya ko na poprotektahan ko at hindi ko hahayaang saktan ng kahit sino.

Continue Reading

You'll Also Like

80.2K 2.4K 55
The Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Ph...
233K 4.7K 41
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
31.4K 1.7K 22
Callista is a Mafia Boss, She is the most scariest mafia boss in Town. But because of one mistake, She died. Callista wake up and Found herself in...
20.9M 709K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...