Run, While You Still Can

Par BlackLily

12M 229K 21.3K

Plus

Run While You Still Can
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 14.

267K 4.6K 310
Par BlackLily

14.

“Pwede bang tumigil ka kakangisi dyan? Para kang adik.” Naiiritang sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi. Kanina pa yan. Simula nung sinundo niya ako sa condo ko, wala na siyang ginawa kundi ang ngumisi. Nakakabwisit.

“Bawal ba ang maging masaya? Anong magagawa ko kung sobrang tuwa ko kasi ang bilis ng promotion ko?” Tumingin pa siya at kumindat sa akin. Nanayo ang lahat ng balahibo ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang malisyoso ang kindat na inigay niya sa akin.

“Anong promotion ang pinagsasabi mo? Baka nananaginip ka pa? Alam mo naman na ginagamit lang kita. At ikaw lang ata ang taong nakilala ko na ginagamit na nga, tuwang tuwa pa.”  Pagkatapos ng gabing pinakilala ko siyang fiance, sinakyan naman niya ang ginawa ko. Sa tingin ko nga, kahit ako ang nanggamit, mukhang mas dehado pa ako kasi may paakbay akbay pa siyang nalalaman, may paamoy amoy ng buhok at may yakap pa. Sa tingin ko minolestiya ako ni Jayson nung gabing yun. Pero hindi ako makareklamo kasi ako ang may pakana ng lahat at nasa harap kami ng pinsan at tiyahin ko. AT hindi din ako nakareklamo nung tinanggap ni Jayson ang invitation ni Marianne na mag overnight sa beach nila kasi may party daw.

Kaya ito kami ngayon, nagbabyahe papuntang Zambales para pumunta sa beach nila Marianne.

“Alam mo Roselyn, okay lang sa akin na gamitin mo ako sa kahit na anong sitwasyon. Kahit saan pa yan. Kahit sa kama pa. My body is at your disposal.” And he grinned. Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

“At talagang idi-dispose ko yang body mo kapag di ka pa tumigil.” Asar na sabi ko. Kulang na lang din paypayan ko ang sarili ko dahil sa naeeskandalo ako sa pinagsasabi niya.

At mukhang natakot naman siya sa sinabi ko kasi tumahimik na nga siya. Yun nga lang hindi pa din maalis ang pagtingin tingin niya sa akin tapos ang pagngisi pagkatapos. Hindi ko na lang pinatulan kasi alam kong hahaba na naman ang usapan namin at mapipikon na naman ako. Kaya ang ginawa ko, nag isip na lang ako ng paraan kung paano ko malulusutan ang kaguluhang kinasasangkutan ko ngayon.

Pero mali ang prioritization ko ng problema. Kasi dapat pala ang pinoproblema ko dapat ay ang magiging sitwasyon naming dalawa sa beach resort nila Marianne. Katulad na lang ngayon, nakatingin ako sa nag iisang queen sized bed sa gitna ng kwarto na inassign sa amin ni Marianne. Hindi ko naman magawang magreklamo.

“Alam mo, bakit ba inis ka kay Marianne? Ang bait naman pala ng pinsan mo. Tingnan mo ang kwartong binigay sa atin? Ang ganda. Ang ganda pa ng view. Kitang kita ang dagat. May terrace pa.” Tuwang tuwa na sabi niya habang binubuksan ang glass door sa may terrace. Ni hindi niya naisip ang tutulugan namin mamaya.

“Nagpapapimpress lang yun sa’yo.” Which is totoo naman. Halatang halata nung makita ni Marianne si Jayson. She was smitten by him. Panay ang pa cute nito kay Jayson nung gabing yun at kahit kanina nung dumating kami, panay pa din ang pa cute nito sa kay Jayson. Siguro kung hindi ko pinakilala si Jayson as may fiance, baka sa kwarto nito pina stay si Jayson.

“Talaga? Ibig sabihin type niya ako?” Bigla siyang napatingin sa akin. Bigla akong nairita. Sabunutan ko kaya ang kulot niyang buhok?


“Oh ano ngayon? Papatulan mo? Baka mapahiya ka lang pag magkaharap na kayo at hindi mo kayang itayo yang bandila mo.” Umismid pa ako.

“Ang sama mo naman magsalita. Napakaharsh mo Doc.” Nagkunyari pa siyang nasasaktan but I know better.

“Ang landi mo kasi. Kaya sumuko yang bandila mo, masyado mong inabuso. Nakakaasar ang pagiging playboy mo.” Tumalikod na ako sa kanya at inayos ang mga damit ko sa closet. 

“O baka naman nagseselos ka lang kaya ka naaasar?  Akala mo hindi ko napansin ang talim ng tingin mo sa pinsan mo?” Napatingin ako bigla sa kanya. Ako nagseselos? Sa kanya?

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya na nakaupo na sa kama.

“Libre lang ang umasa. Oo nga pala, sa sofa ka matutulog mamaya.”

“At bakit? Ang laki laki ng kama.”

“Alangan naman na tumabi ka sa akin. Okay ka lang?”

“Ano naman ngayon? Hindi naman kita gagahasain kung ayaw mo. At isa pa, kahit magpagahasa ka pa, hindi naman tatayo ang bandila ko. Anong kinatatakot mo?” At nahiga na siya sa kama pero ang mga paa niya nakaapak pa din sa sahig. Gusto ko din sanang magpahinga muna pero naunahan niya akong mahiga. Alangan na mahiga ako sa tabi niya kaht nga ba totoo ang sinabi niyang wala namang tatayo sa kanya. Ayaw ko pa din. Bahala na mamayang gabi.

Kaya ang ginawa ko, instead na mahiga sa tabi niya pumunta na lang ako sa terrace at naupo sa lounge chair. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Paggising ko, nasa kama na ako at 4PM na based sa wristwatch ko. Mga limang oras din ako nakatulog. Tiningnan ko ang paligid at wala ni anino ni Jayson sa paligid. Nasaan na kaya ang kumag na iyon? Agad akong bumangon at inayos ang sarili ko tapos bumaba sa may resto kasi baka andun siya at nagutom kaya bumaba.

Pero pagdating ko sa resto wala siya doon.

“Kuya, may nakita ka bang lalaki na matangkad na moreno na kulot ang buhok?” Tanong ko sa waiter na nakita ko. Dapat kasi tinawagan ko na lagn siya pero naiwan ko naman ang cellphone ko sa taas at ayaw ko ng umakyat ulit.

“Ma’am kasama po sila Ma’am Marianne. Magjejetski po ata sila.” Automatic naman na napatingin ako sa may bandang dagat and indeed I saw him with Mariane and her friends. Nagkakatawanan pa sila pero ang mas lalong nagpasalubong sa kilay ko ay ang katotohanang nakaangkas na si Marianne sa jetski ni Jayson. Kung hindi ba naman haliparot ang hitad.

Hindi na ako nagpasalamat sa waiter. Dali dali akong naglakad papunta sa rentahan ng jetski at kung nasaan din ang mga kaibigan ni Marianne. Hindi ko na naabutan si Jayson kasi umalis na sila kasama ang iba pang kaibigan ni Marianne.

Malilintikan sa akin ang lalaking yun.

“Kuya magrerent ako ng isa.” Hindi nag iisip na sabi ko. Ni hindi ako tumitingin sa nagbabantay ng mga jetski. Nakatingin ako sa grupo nila Marianne at Jaysonsa na ngayon ay medyo malayo na.

“Saan sila papunta?” balign ko sa isang lalaki na kaibigan din ata ni Marianne.

“Sa may sandbar.”  Sagot naman nito.

“Ma’am wala na pong available. Kukunin na nila Ma’am Marianne lahat.” Sabi ng tagabantay. Tiningnan ko siya ng masama tapos napatingin ako sa jetski na hawak ng lalaki na kaibigan ni Marianne.

“Ako muna ang magrerent nito. Ibabalik ko kaagad. Isasalba ko lang ang fiance ko sa haliparot ko na pinsan.” I heard him chuckled at lumayo sa jetski. Agad naman akong inalalayan ng tagabantay para maipwesto ang jetski sa dagat. Mabuti na alng talaga at marunogn ako nito.

Agad kong pinaharurot ang jetski papunta sa sandbar.  Mabuti na lag talaga at nagpalit ako ng shorts at sando kanina bago ako pumunta dito.

Naku! Kung magsama nga naman ang dalawang malalandi.

Nagtatawanan pa sila nung dumating ako pero agad na natigil nung muntik ko ng banggain ang jetski nina Jayson.

“Hey..easy.” Sabi pa nito.

“Bumaba ka dyan!” Matiim na sabi ko. Ang sama din ng tingin ko kina Marianne at Jayson. AT hidni nakaligtas sa paningin ko ang pagsmirk ni marianne. At talaga namang hinahamon ako ng babaeng ito. Talagang sinasadya niya ang bagay na ito.

“Rose, marunong ka palang mag jetski.” Nakangiti pang sabi ni Jayson na lalo lang nagpainit ng ulo ko. Kahit ano ata ang sabihin niya iinit ang ulo ko.

“Oo. Kaya bumaba ka na dyan. At ikaw naman Marianne. Hindi ka naman linta kaya bumitaw ka na sa pagkakadikit sa fiance ko.”  Bulyaw ko sa malandi kong pinsan.

“Honey, hindi marunong mag jetski si Marianne. Sino ang magbabalik nito kung aalis ako?” Kunyaring nagmamakaawang sabi pa nito pero kitang kita ko ang amusement sa mga mata niya. Lalo akong nagngitngit,

“At naniwala ka naman? Sa kanila ang beach resort na ito. Sa kanya ang jetski rental na yun. Sa tingin mo hindi siya marunong? Bumaba ka na dyan!” Lalong tumaas ang boses ko.   

“Sandali lang, ito na. Nanginginig pa.” Dagdag pa nito at bumaba na nga ng jetski tapos sumakay sa jetski na dala ko. Dapat lang!

Hindi ako nagsalita pero nung alam kung nakasakay na siya agad kong pinaharurot ang jetski palayo sa kanila. Bigla naman siya kumapit bigla sa akin.

“Shit! Nakakatakot kang galitin. Baka tumaob tayo.” Hindi pa din ako nagsasalita dahil sa sobrang inis ko. Ni hindi ko alam kung bakit inis na inis ako. Mamaya ko na pag iisipan basta sa ngayon ang importante, mailayo ko itong malandi na si Jayson sa malanding si Marianne.

“Dahan dahan naman. At bakit ka ba galit na galit?”

 “I don’t like what you’re doing. I don’t like what I am seeing. Ako ang naturingan mong fiancee so stop flirting with Marianne.”  Singhal ko sa kanya. Binagalan ko na din ang pagpapatakbo ng jetski kasi sobrang higpit na ng pagkakayakap sa akin ni jayson mula sa likod. At hindi ko gusto ang pakiramdam. Pero instead na lumuwag ang pagkakakapit niya sa akin lalo itong humigpit.

Nanayo ang balahibo ko lalo na nung maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa batok ko.

Anak ng tokwa!

“Nakakaaliw naman. Selosa ka pala at possessive. ” Mahinang sabi niya. Halos nakikita ko na ang nakakalokong ngiti niya.

“Ulul!” AT binilisan ko ulit ang jetski. 

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

1.4M 56.9K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
105K 4.5K 44
this is juts for fun (just read if your bored)
56.2K 4.4K 16
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1M 3.8K 8
| COMPLETED | 20 October 2016 - 17 February 2017 | MR.PERFECT SIDE STORY | Mistakes. Secrets. Sin. Tara Nina Geronimo is walking on a lifetime of dec...