First Love Never Dies

By Sa_man_tha

25.1K 305 69

First Love. Yan ang di natin makakalimutan sa buong buhay natin. Ang ating FIRST LOVE. Sabi kasi nila, siya d... More

♥ First Love Never Dies ♥
[1] First Love Never Dies ♥
[2] First Love Never Dies ♥
[3] First Love Never Dies ♥
[4] First Love Never Dies ♥
[5] First Love Never Dies ♥
[6] First Love Never Dies ♥
[7] First Love Never Dies ♥
[8] First Love Never Dies ♥
[9] First Love Never Dies ♥
[10] First Love Never Dies ♥
[11] First Love Never Dies ♥
[12] First Love Never Dies ♥
[14] First Love Never Dies ♥
[15] {Part 1} First Love Never Dies ♥
[15] {Part 2} First Love Never Dies ♥
[16] First Love Never Dies ♥
[17] First Love Never Dies ♥
[18] First Love Never Dies ♥
[19] First Love Never Dies ♥
[20] First Love Never Dies ♥
[21] {Part 1} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 2} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 3} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 4} First Love Never Dies ♥
[22] First Love Never Dies ♥
[23] First Love Never Dies ♥
[24] First Love Never Dies ♥
[25] First Love Never Dies ♥
[25] {Part 2} First Love Never Dies♥
[26] First Love Never Dies ♥
[27] First Love Never Dies ♥
[28] First Love Never Dies ♥
[29] First Love Never Dies ♥
[30] First Love Never Dies ♥
[31] First Love Never Dies ♥
[32] First Love Never Dies ♥
[33] First Love Never Dies ♥
[34] First Love Never Dies ♥
[35] First Love Never Dies ♥
[36] First Love Never Dies ♥

[13] First Love Never Dies ♥

714 6 0
By Sa_man_tha

 

 Sam's POV

Hinatid na ako ni Joe pauwi at ngayon nasa kwarto ko ako. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko kanina sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Mahal ko na ba siya? Ang PBB Teens naman namin. Hahahahhaha!

 

Bigla naman akong may naramdaman na naman akong paninikip ng dibdib. Eto yung naramdaman ko kanina nung nasa playground kami ni Joe. Hindi na naman ako makahinga. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig para kumalma ako. Kaso hindi na talaga ako makahinga.

Pinikit ko pa yung mga mata ko para makapagconcentrate.

 

Kaso................

 

Joe's POV

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit. 12:30 na ng madaling araw. Parang may nararamdaman akong may mangyayari na di maganda.

Maya-maya nagring yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Sam. Bakit kaya to tumatawag? Sinagot ko.

 

'Hello, Sa-...'

'Joe, si tita mo ito. Pumunta ka dito sa bahay bilisan mo!'

'Ah eh. Tita, ano po ba ang nangyayari?'

'Si Sam nawalan ng malay. Dalhin natin siya sa ospital!'

'Ah sige po tita. Papunta na po ako diyan.'

 

Leche. Nagbihis ako nang mabilis at lumabas na sa kwarto ko. Eto pala yung nararamdaman ko kanina na may masamang mangyayari. Nakasalubong ko si mama sa hagdan.

'Oh anak. Bakit gising ka pa? Anong oras na oh?! At bakit parang nagmamadali ka?'

'Mama, pupunta muna ako kila Samantha. Tumawag si tita. Nawalan daw ng malay si Samantha.'

'Ah ganun ba anak?!!! Bilisan mo na!! Pumunta ka na doon!!'

At ayun na nga. Lumabas na ako sa bahay at tumakbo ng mabilis papunta kila Samantha. Buti na lang limang bahay lang ang pagitan namin.

Pumasok na ako sa bahay nila Samantha. Bukas naman yung gate at yung pinto kaya pumasok na agad ako.

Halos maiyak ako sa pag-aalala ng makita ko si Samantha ng walang malay.

'Tita, tumawag na po ba kayo ng ambulansya?'

'Oo. Siguro papunta na yun dito.' Naluluhang sabi ni Tita.

Maya-maya narinig na namin yung pagdating ng ambulansya. Binuhat ko na si Sam at nilagay sa stretcher. Pumasok kaming dalawa ni Tita sa loob ng ambulansya. Habang nandon, Sinaksakan na si Samantha nung para sa oxygen. Nakahawak lang ako sa kamay ni Sam. After mga 10 minutes, nakarating na kami sa ospital. Dinertso namin siya sa E.R. Nang sinusugod namin siya sa E.R. ang putla ng mukha niya. As in. Sobra.

At ngayon nandito kami sa labas ng E.R. Hinhintay ang paglabas ng doctor. Si tita katabi ko. Kalmado na siya ngayon. Pero halatang nag-aalala.

'Huwag ka ng mag-alala Joe. '

'Pero tita, paano po ako hindi mag-aalala eh-.'

'Nangyari na ito dati. Madalas ngang nangyayari to eh. Kaya hindi na ako masyadong nag-aalala. '

'Tita, ano pong ibig sabihin niyo?'

'Alam mo naman Joe na may hika si Sam di ba? For sure kaya nandito siya ngayon kasi sa hika niya. Palagi siyang na-oospital nung bata siya dahil sa hindi siya makahinga. At siguro dahil yun sa pagod kapag hinihingal at stress siguro.'

Napatitig naman ako sa sahig nung sinabi ni tita yun. Ngayon lang nagsink-in sa utak ko na may hika nga pala to. Ibig sabihin bawal siyang mapagod at pagudin. Kahit magkababata kami ni Sam, hindi ko sya kailanman nakitang nahimatay o nawalan ng malay. Oo nga't may hika si Sam pero kapag inaatake siya ng hika di nman umaabot sa ganito na dadalhin sa ospital.

Kahapon, tumakbo kami papuntang playground at mahaba-haba rin yun pagtakbo namin kasi ang layo ng playground. Tapos tumakbo pa kami paikot-ikot sa playground. Kaya siguro nakita ko siyang maputla ang mukha niya. Ah. Leche. Ibig sabihin ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganto si Sam at nandito siya sa ospital.

'Joe, magkasama kayo ni Sam kahapon di ba?'

'Ahhh, opo tita. '

'May ginawa ba kayo ni Sam para mapagod siya?' Hindi ako nakasagot dun.

'Huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit nandito si Sam. '

'Pero tita, ako naman po talaga ang may kasalanan eh. '

'Hindi. Normal lang kay Sam na nandito siya sa ospital. Kasi nga may hika siya di ba. At mas mabuti na rin to para malaman talaga natin ang nararamdaman ni Sam. Kasi di sinasabi ng anak kong yan kung may masakit sa kanya eh. Kaya mas maganda na to.'

Natahimik ako ulet sa sinabi ni tita. Pero totoo naman eh. Mas iniisip ni Sam ang iba kesa sa sarili niya. Kahit na mukha siyang malakas, alam kong mahina siya. She's strong in the inside but so damn weak inside.

'Mahal mo ang anak ko hindi ba? '

'Po?' Yun na lang ang naisagot ko kasi nagulat ako sa tanong ni tita.

'Alam kong mahal mo ang anak ko di ba Joe. '

'Opo tita. '

'Kung ganon Joe, alagaan mo siya ha. Simula ngayon ikaw na ang mag-aalaga sa kanya.'

 'Tita ano po ang ibig niyong sabihin?'

'Matanda na kasi ako at lagi akong busy sa work. Di ko na mababantayan ng maayos. Kaya alagaan mo siyang mabuti ha.'

'Oo naman po. Aalagan ko po siya at poprotektahan.'

 'Ipromise mo yan sa akin yan ah.'

'Oo tita. Promise.'

Pagkatapos ng usapan yon, medyo gumaan yung pakiramdam ko. Tapos biglang bumukas na yung pinto ng E.R. Lumabas na yung doktor. Ngayon, nag- aalala na naman ako.

'Sino po ang kapamilya ng pasyente?' sabi naman nung doctor.

'Kami po doc.' sagot ni tita.

'Doc, kamusta na po siya?' tanong ko naman agad.

'Okay na naman po ang pasyente. Pero may sasabihin po akong bad news sa inyo.'

'Ano po yun doc?!'

Kinakabahan ako sa sasabihin ng doctor. Baka kung napano na so Sam!

'Ayon sa observations namin, hindi nag- tetake ng medicines ang pasyente para sa asthma niya. Alam niyo naman po na maintenance niya yun dba?'

'Pero doc. Binibilhan ko po siya palagi ng gamot.'

'Yun po ang di ko alam kung bakit. Pakitanong na lang po sa pasyente. At isa pa po. Dahil po sa hindi niya pag take ng medicines, humina po siya.'

'Doc panong humina?'

'Humina po ang katawan at resistensya niya. Sa ngayon kelangan niya munang magpahinga at huwag ma-stress. At kelangan na rin po niya itake ang medicines niya daily and properly. Yun lang po.'

'Ah thank you po doc. '

'Sige po. Una na po ako. '

At ayun nga, umalis na yung doctor. Kami naman ni tita pumunta sa room ni Sam kung saan siya nagpapahinga. Stressed din kasi si Sam lately dahil sa Student Government di ba? At stressed din siya kasi sa family business nila.

Pagpasok namin ni tita, tulog si Sam.

'Joe, umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.'

'Hindi tita. Alam naman na po ni Mama na nandito ako sa ospital kasama si Sam.'

'Ah ganun ba.'

'Tita, kayo na lang po ang umuwi. Tutal naman mukhang wala pa kayong pahinga. Magpahinga po muna kayo at ako na lang po ang magbabantay kay Sam. Sigurado po ako na kapag nakita po kayo ni Sam na mukhang pagod, mag-aalala din po yun at papauwiin kayo. '

'Sigurado ka ba Joe? Okay ka lang ba dito?'

'Oo naman po. Wala naman pong pasok bukas eh. Saturay po kasi. At sinabi niyo na rin po naman na alagaan ko si Sam di ba?!'

'Swerte ang anak ko sa'yo Joe. Mahal na mahal mo talaga siya. '

'Oo naman po tita! Mahal na mahal na mahal ko po ang kaisa-isang anak nyo. '

'O siya. Uwi na ako ah. Bantayan mong mabuti yan.'

'Opo tita.'

'Sige.'

At ayun tuluyan ng umalis si tita. Teka, anong oras na ba? 2:30 na pala. Mahigit isang oras na pala si Sam sa E.R. Matutulog nga muna ako. Sasabayan ko ng tulog si Sam.

(( _ _ ))..zzzZZ

Natulog akong hawak ang kamay ni Sam. Delikado na. Baka makuha ng iba!

(( _ _ ))..zzzZZ

(( _ _ ))..zzzZZ

(( _ _ ))..zzzZZ

(( _ _ ))..zzzZZ

(( _ _ ))..zzzZZ

 

 Sam's POV

Ahh. Grabe. Ang sakit ng ulo ko. Pagkadilat ng mga mata ko, una kong nakita ang puting kisame ng ospital. Saglit. Teka. Teka. Teka. Bakit ako nandito? Ano ba nangyari?

Teka..... Isip.......... Isip.......

Ahhh! Ayoko na ngang mag-isip lalong sumasakit yung ulo ko. Teka sino tong nakahawak sa kamay ko?

Tulog eh. Kaya hindi ko makilala. Maya-maya, biglang gumising si.... Joe?!

'Oh.. Gising ka na pala Sammy. ( kukurap- kurap pa siya.) Okay ka na ba? Pinag-alala mo ako ah.'

Uupo sana ako kaso di ako makaupo ng sarili ko lang. Kaya naman inalalayan ako ni Joe. Para kasing ang hina hina ko.

'Okay naman na ako. Ay teka, anong ginagawa mo dito ha Joe?!' Gulat na tanong ko

'Ako po kasi yung nagdala dito sa'yo kanina. '

'Kanina? Anong oras na ba?'

'5 am na po. '

'Ah ganun ba. Ay, teka teka teka. Kung ikaw nagdala sa akin dito, pano mo nalaman na hinimatay ako?'  At dun ko lang naalala lahat ng nangyari.

'Ahh yun ba. Tinawagan ako ni tita. Sinabi niya sa akin na nawalan ka ng malay. '

'Ahh ganun ba... Salamat Joe. Maraming salamat!

'Pero Sam.' bigla naman siyang sumeryoso,

'Oh?'

'May sinabi sa amin ang doktor na hindi maganda. '

'Ano yun?' humigpit yung hawak niya sa kamay ko.

'Sagutin mo ako ng totoo Samantha.' Ay teka, lagot! Kapag tinatawag kasi ako ni Joe ng Samantha.... Ibig sabihin galit yan. O kaya naman, yan ang warning tone niya.

'O-okay..'  Kinakabahan ako

'Umiinom ka ba ng gamot mo sa hika daily at properly?!' Patay... Paano niya nalaman?

'Pano mo nalaman?'

'Ano?! Ibig sabihin totoo?? Hay...... ( nilagay niya yung kamay niya sa mukha niya at parang pinanghilamos ito) Sinabi ng doctor sa amin ni tita kanina. At dahilan rin kung bakit mahina ka ngayon.'

'Alam ni mama?'

'Totoo ba Samantha? At bakit di ka umiinom.?!' Nagtago ako sa ilalim ng kumot. Natatakot ako eh.

'Sam, so-sorry. Sorry kung nasigawan kita at natakot. -Ah Leche.- ' narinig ko yung sinabi niya sa huli kahit mahina. Tapos inalis ko na yung kumot.

'Okay lang yun. Yung dahilan kung bakit ayaw ko uminom ng gamot kasi.. Ano eh....'

'Ano nga kasi Samantha?!' ngayon sinigawan na talaga niya ako.

'Kasi ayoko na nag-aalala kayo sa akin! Kasi for sure, kapag nalaman niyo na umiinom ako ng gamot, mag- aalala na naman kayo kasi sa isip niyo na hinihika na naman ako at hindi makahinga. Ayoko kayong mag-alala.  Lalo na si Mama. Lagi siyang pagod sa trabaho. Ayokong nakakadagdag pa sa kanya ng abala. Stressed siya. Ayoko na siya guluhin pa. Magpahinga na lang siya. At ikaw din, ayoko na rin kitang abalahin pa. Baka nakakagulo lang din ako sa'yo. Kaya kahit mahirap, di ko nalang pinapakita sa inyo. Kasi 'tong hika na to, laging umaatake pag nandyan lang kayo sa tabi ko!' Hindi ko namalayang umiiyak na ako

'Shhhhh. Ikaw talaga... Kaya mahal na mahal kita eh.' Hinug niya ako nun at dun na ako iyak ng iyak

'Ayoko kayong pag-alalahanin... Ayoko.....'

'Mas okay na sabihin mo sa amin yung nararamdaman mo. Kasi mas lalo kaming nag-aalala kapag nalaman naming nawalan ka ng malay bigla. At hindi mo naman kami nagugulo ni tita eh. Diba nga sabi ko sa'yo aalagaan kita at poprotektahan. Kaya tahan na... Shhh... '

 

Joe's POV

Tama nga si tita. Hindi nagsasabi si Sam ng kung anong nararamdaman niya. Nung sinabi niya yung dahilan, sinabi ko sa sarili ko na ang swerte ko sa kanya. Mas iniisip nga nya ang iba kesa sa sarili niya. Kaya niyakap ko siya. At dun lang siya umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog siya. Hiniga ko na siya at nilagyan ko ng kumot. Pinunasan ko yung luha niya na nasa pisngi niya.

'Ang swerte ko talaga sa'yo Sam! Kaya lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa'yo. At mahal na mahal kita. Sige na Sam, magpahinga ka muna. Nandito lang ako sa tabi mo.'

Hinalikan ko yung noo niya. At ayun natulog siya. Hawak ko ng mahigpit yung kamay niya pero hindi ganon kahigpit kasi baka magising ko sya.

------------------------------------------

Author's Note

  C, V, F, L, A to RL & S!

 XOXO

 Samantha :DSave

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...