Baby Madness

By purpleyhan

5.8M 230K 39K

Standalone novel || All her life, Chloe felt abandoned by her parents. She lived with their house helpers whi... More

front matter
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 18

100K 3.6K 593
By purpleyhan


"So . . . you guys know each other?" tanong ko pero hindi naman sila umimik.

The air was filled with uncomfortable tension and I can't help raising my eyebrows at them. They were avoiding each other's eyes while trying to lighten up the mood by asking another unrelated questions. Napansin ko rin na kakaiba ang kinikilos nila at mukhang may malalim silang koneksyon kaya tumayo na ako.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jazer at kita ko ang pag-aalala sa mukha nilang dalawa.

"It looks like you didn't expect to see each other and I think you have something to say—"

"No," tanggi ni Jazer at bigla naman siyang tumayo. "Ako na ang aalis. Naalala kong may gagawin pa pala ako. Sige."

Lalo lang akong na-curious sa kung anong meron sila dahil iniiwasan na ang isa't isa. Nang kaming dalawa na lang ni Katrina ay nag-iba ang expression niya. She was smiling but her eyes were melancholic, as if she was reminiscing some memories.

"Hindi ko akalaing magkakilala rin kayo," she said while fidgeting her phone.

"We're not that close," sabi ko naman at ayokong sabihin ang pagiging babysitter niya sa mga bubwit. "So, mukhang magkakilala rin kayo," dagdag ko at nagpakawala siya ng buntong-hininga.

"He's my childhood friend," mahina niyang sabi, "and someone I really treasure."

"Childhood friend?"

"Yeah. Sa probinsya kami lumaki at lumuwas ako sa Manila para makapag-aral sa university na 'to. Pinili niyang doon mag-aral kaya nga nagulat ako nang makita ko siya kanina."

Napaisip naman ako sa sinabi niya at nagtaka ako kung bakit ngayon lang sila nagkita. Saka ko narealize na sa tuwing magkikita kami ni Katrina dito ay nakatakip ng notebook ang mukha ni Jazer o 'di kaya naman ay wala siya.

Dahil mukhang wala siyang balak sabihin kung anong meron sila ay hindi ko na pinilit. Agad din naman siyang nagpaalam kaya naiwan ako ro'n. Nilabas ko na lang ang lunchbox ko at nagsimulang kumain. Masyadong na-drain ang utak ko kanina sa exam.

Ngayon na lang ulit ako nakakain nang tahimik dahil kadalasan ay lagi kong kasama ang dalawang 'yon. It was actually weird. She said they were childhood friends yet they didn't greet each other, as if they were on bad terms. For the first time, he was dead serious.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa next class ko at ito ang pinakaayaw kong klase ngayong araw dahil sa dami ng tards na kasama ko sa room. Buti na nga lang ay tumigil na sila sa pag-oobserba sa akin nang magkabalikan sina Queenie at Iñigo. Nag-lecture lang ang prof namin at nagbigay ng reading assignment. After that, he dismissed us early so I immediately texted Kuya Larry and him.

Tapos na class ko. Nagpasundo ako nang maaga.

After a few minutes, he replied.

Nasa bench area ako.

Naglakad ako papunta sa bench area at nakita ko siya kaagad. For the first time, he wasn't sleeping. When he saw me, his lips curled playfully, exposing his dimple but his eyes were clearly dejected.

Umupo naman ako sa tabi niya at hinintay namin si Kuya Larry. There was silence between us and it must be due to what had happened earlier. Looking back, I was really curious about their connection but they might think I'm prying into their lives, so might as well shut up.

"Hindi ko akalaing magkakilala pala kayo," bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

"Are you talking about Katrina?" tanong ko at naging seryoso ang mukha niya.

"Hindi ko rin akalaing makikita ko siya ulit," mahina niyang sabi. Naalala ko naman ang sinabi ni Katrina kanina.

"She said you're her childhood friend."

Hindi naman na siya nagsalita pagkatapos no'n kaya nanahimik na rin ako. Makalipas ang ilang minuto ay nag-text si Kuya Larry na nando'n na siya sa parking area kaya naman naglakad na kami palabas. Nakasakay agad kami pero nagtagal kami sa daan dahil traffic. Napatingin ako nang saglit kay Jazer at nagtaka dahil hindi siya nagsusulat o nagbabasa ng lesson. Kadalasan kasi ay 'yon ang ginagawa niya kapag nasa byahe pero ngayon ay nakatulala lang siya. I'm sure it's because of Katrina.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan ko ang mga bubwit na nagtatakbuhan sa sala. Clark was starting to walk or run more comfortably, though he sometimes, he would still tumble due to his speed. Czanelle, on the other hand, kept on teasing Clark by running too fast and climbing on the couch.

"Ate! Kuya!" sigaw niya nang makita niya kami. Tumakbo silang dalawa papunta sa amin at iniwasan ko naman sila dahil kagagaling ko lang sa sakit at baka mabinat pa ako.

Iniwan ko sila ro'n at si Jazer ang ginulo nila. At least, nakangiti na ulit siya ngayon at 'di tulad kanina na para siyang namatayan. Wait, ano namang pakialam ko sa kanya?

Dumiretso ako sa kwarto ko at pagkatapos kong magpalit ay humiga ako para magpahinga pero ang daming laman ng isip ko ngayon. Bumangon ako at dumiretso sa study table. I opened my laptop and searched for Katrina's profile. After stalking for a bit, I learned that she's from Pangasinan and went to Manila three years ago. She also posted a status saying,

When you miss people, you will realize you could never bring the past back anymore, the way things were. So when you see them again, the rush of memories will haunt you and you can't do anything because you have already drifted apart. You're not the same person anymore, as well as him.

Obviously, she was talking about Jazer. Wala naman akong pakialam sa mga ganito dati pero dahil involved ang dalawang taong lagi kong nakakasalamuha ay naging curious ako sa kung ano ang meron. Based on her status, they have drifted apart, maybe because she went to Manila.

Pinatay ko ang laptop ko matapos no'n at saglit na lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa baba mula sa hallway ng second floor at nakita kong nakikipaglaro pa rin si Jazer kina Czanelle at Clark. Nakita ko namang nakatingin si Nanay Meling sa akin. Her expression showed pity towards me so I avoided her gaze and went back to my room.

Siguro kung may makakakita sa kanila, iisipin nilang si Jazer ang kapatid nila kaysa ako. Mas close siya sa kanila dahil na rin siya ang babysitter at mas may alam siya sa bata. As for me, I was an only child before and I do not know how to take care of others. My parents left we when I was still a toddler so that made me resent them, and that rage intensified when they told me about my siblings. I also hated them at first but when I saw how they wanted to get close to me, the hate I felt turned into yearning—yearning for my family, someone who could look at me like they needed me in their lives. I tried getting close to them, I tried but the memories of my parents would prevent me to.

Bakit parang mas mahal nila sila? Bakit ako hindi? Bakit parang wala lang ako sa kanila? Those questions would invade my mind, making me envious of my siblings. Lalo kong naramdaman 'yon noong tumawag si Mommy sa akin para lang kumustahin sila. Paano naman ako? Sa loob ng ilang taon, ilang beses kong hinintay na tumawag sila para lang kumustahin ang kalagayan ko. Tuwing birthday at Christmas Eve lang naman sila nagpaparamdam pero bukod doon ay wala na. Kaya naman hindi ko na inasahan na magbabago sila. Just like what Katrina said, we have drifted apart.

Bago pa ako tuluyang maiyak ay tinanggal ko na agad 'yon sa isip ko at pinilit matulog.


***


Naging normal naman ang takbo ng weekdays bukod sa iilang Queeñigo fantards na hindi pa rin ako tinitigilan. Mabuti na nga lang at hindi ko na nakikita ang dalawang 'yon dahil baka lalo lang masira ang araw ko. Nakausap ko naman si Katrina sa Hist 2 at mukhang okay na siya ngayon.

"Chloe, anong gagawin ko?" she asked, worried.

"Bakit?"

"Someone confessed to me."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Magsasalita pa lang sana ako pero nakisali naman sa usapan namin ang isa naming kaklase.

"OMG, ikaw ba 'yong nasa video? Sabi na nga ba parang familiar, eh!" sabi niya at nakisali naman ang iba.

"Hala, oo nga! Katrina, ikaw pala 'yon. Ang cute mo sa ginawa mo," sabay tawa ng isa.

"Viral ka tuloy ngayon."

Pinakita nila ang video na sinasabi nila at nakinood naman ako. They were inside a vacant room and a guy stood in front of Katrina.

"I . . . I like you, Katrina," the guy confessed while looking at his right side. His ears were already red and it looked like he was blushing. Katrina looked stunned and they were quiet for several seconds.

"Uhm . . . kaklase ba kita?" bigla niyang sabi at nagtawanan lahat ng nanonood ng video. "S-sorry, hindi kita type saka ano, uhm, I already have someone I like. Sorry talaga," saka siya nagmadaling lumabas ng room.

Pagkatapos no'n ay inasar siya ng mga kaklase namin at namumula na ang mukha niya sa sobrang hiya. Inasar siya ng mga kaklase namin kaya naman tumahimik na ako at nag-stay sa upuan ko. Pagdating ng prof namin ay agad silang tumigil. Nag-start ang lecture at nag-notes na lang ako.

Halos late na nag-dismiss si Sir dahil may hinabol pa siyang lecture. After ng class ay tatanungin ko sana si Katrina kung sasabay ba siyang kumain pero mukhang busy pa siya sa pakikipag-usap sa mga kaklase namin tungkol doon sa video kaya umalis na lang ako. Dumiretso ako sa bench area at sino pa bang maaabutan ko ro'n kundi ang taong 'yon?

"Himala. Dito ka kakain ngayon," sabi niya habang paubos na ang lunch niya.

"Wala si Katrina, eh," I retorted and that made him uncomfortable. Medyo na-guilty ako dahil nabulunan siya pagkasabi ko no'n. Buti na lang at may tubig sa tabi niya.

Nagsimula naman akong kumain at ang awkward lang dahil pinapanood niya ako. Gumaganti ba siya dahil sa sinabi ko kanina? Tinignan ko siya nang masama at ngumiti naman siya nang nakakaloko. See? Gumaganti nga. Bwisit na 'to.

"Nag-away ba kayo ni Katrina?" bigla kong tanong para tumigil na siya at mukhang effective dahil nawala ang ngiti niya.

"Hindi," maiksi niyang sagot.

Naging tahimik siya pagkatapos no'n kaya naman naubos ko agad ang pagkain ko. Habang nagliligpit ako ay narinig ko naman siyang nagsalita.

"Pwede bang magkwento sa'yo?" he asked and when I looked at him, he seemed like he wanted to let his worries out.

"Fine. Wala naman akong pakialam sa inyo, so go," sagot ko at nakuha niyang ngumiti sa sinabi ko.

Actually, I was kind of nervous. Siya pa lang ang unang taong magkukwento sa akin tungkol sa sarili niya dahil wala naman akong kahit sinong kaibigan. Kadalasan kasi, wala namang nagtitiwala sa akin dahil na rin sa ugali ko.

"Alam mo nang magkababata kami, hindi ba?" tanong niya at tinaas ko naman ang kilay ko. "Lumaki kaming magkasama kaya naman close kami sa isa't isa. Ilang beses niya na ring tinulungan ang pamilya ko kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya, hanggang sa . . ."

"Nagkagusto ka sa kanya?" I chimed in and a shy smile was pasted on his face.

"You could say that. She's charming and all so who wouldn't fall for her?"

Wow. If Katrina could hear his words, there might be a chance that she would fall for him. I could tell that he's sincere, just like when Iñigo told me he likes Queenie.

"Sabi ko, magtatapat ako kapag nag-college na kami pero sinabi niyang luluwas siya sa Maynila para mag-aral. Nagtapat ako bago siya umalis pero mukhang maling desisyon 'yon dahil nasira ang lahat." He smiled to cover his sadness, thought it was already apparent in his eyes. "Sabi niya, marami pa siyang pangarap sa buhay at dapat ay ayusin at intindihin ko muna ang pamilya ko bago siya. Binigay niya sa akin ang number niya para ma-contact ko pa rin siya pero simula no'n ay hindi na ulit kami nag-usap."

"Is that the reason why you chose not to have a phone?" tanong ko at napatingin siya sa akin.

"Siguro," sabi niya.

"Alam mo bang dito siya nag-aaral?"

"Hindi. Kaya nga nagulat ako noong makita ko kayong nag-uusap. Ang liit talaga ng mundo pagdating sa ibang tao."

"So anong gagawin mo ngayon?"

"Iiwas. 'Yon naman talaga ang dapat gawin, lalo na kung ayaw kang makita ng isang tao."

"Emo mo," sabi ko na lang at saka siya natawa.

Pagkatapos no'n ay bumalik na ulit siya sa normal at nagsimula na naman siyang mang-asar, lalo na sa mga pinaggagawa ko nong maysakit ako. Minsan talaga may mga taong ang sarap sapakin.

Bigla naman akong may narealize kaya napatigil ako. Naalala ko kasi na may gusto nga pala si Katrina kay Iñigo. For sure ay siya rin ang sinabi niyang taong gusto niya ro'n sa kumakalat na video. Paano kaya kung malaman 'yon ni Jazer? Lalo na si Queenie? Isipin ko pa lang ay kumukunot na agad ang noo ko, paano pa kaya kung mangyari 'to? Hay, bakit ba lahat ng taong nakapaligid sa akin ay nagpapasakit ng ulo ko? Bwisit.

Umalis naman na ako para sa last class ko at na-badtrip ako dahil nagbigay na naman ng reading assignment ang prof namin. Tss. Sana kasi nagtuturo siya, 'di ba? Lagi na lang reading assignment, hindi naman dini-discuss sa class tapos ang lakas ng loob na isama sa exam.

After ng class ay sinundo kami ni Kuya Larry at pagdating namin sa bahay ay ang hyper na naman ng dalawang bata.

"I'm a little teapot short and stout. Here is my handle. Here is my spout!"

Kumakanta si Czanelle ng nursery rhyme at may steps pa. Si Clark naman ay dala-dala ang paborito niyang white blanket. He was trying to climb onto the couch but he couldn't. Lumapit si Jazer sa kanila at binuhat niya sa Clark para makaupo siya sa couch.

"Ate! Ate! Look at me!" sigaw ni Czanelle habang sumasayaw. "I'm a little teapot short and stout. Here is my handle. Here is my spout."

Baligtad naman ang ginawa niya. She raised her right hand when she said handle and put her left hand on her waist on spout. Hindi niya rin alam ang lyrics sa susunod na verse at kung anu-ano lang ang pinagsasabi niya.

"Here is my handle, here is my spout," sabi ko habang tinuturo ang tamang orientation ng kamay pero narinig ko ang salit na pagtawa ni Jazer kaya lumapit ako sa kanya para batukan siya.

"Inaano kita?" pa-inosente niyang tanong. Babatukan ko pa ulit sana siya pero inabot ako bigla ni Clark at sumigaw rin si Czanelle.

"Ate, no! That's bad!"

"Right, that's bad," gaya naman ni Jazer kay Czanelle kaya lalo akong nainis.

"Tss. Ewan ko sa inyo. Bahala kayo sa buhay n'yo."

Nag-walk out ako at umakyat na sa kwarto ko. Dahil Friday na ay balak kong magpuyat para manood ng series, lalo na't ang dami kong hindi napanood these past few weeks.

Pagkatapos kong mag-shower ay dinala ko ang laptop ko sa kama at humanap ng komportableng posisyon. Naka-dalawang episode na ako ng series na pinapanood ko nang biglang kumatok si Jazer dahil kakain na raw. Wala naman akong choice kundi bumaba at sumabay sa kanila.

"Chloe, dahan-dahan sa pagkain," suway ni Nanay Meling at nakita ko na namang ngumiti ang bwisit kaya sumipa ako sa ilalim ng mesa pero imbes na siya ang masaktan ay ako ang napuruhan.

"Ouch! What the—!" Pinigilan ko ang pagmumura ko dahil paniguradong papagalitan ako ni Nanay Meling kapag narinig niya 'yon, lalo na't nasa harap ng hapagkainan. Tinignan ko nang masama si Jazer dahil iniwas niya ang binti niya no'ng sumipa ako at ang paa ng upuan ang natamaan ko.

Makakaganti rin ako sa'yong bwisit ka, sabi ko sa utak ko at 'yon ang priority ko ngayong gabi.

Pagkatapos naming kumain ay nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko at gano'n din si Jazer. Nang umalis si Nanay Meling sa dining area ay saka ko sinipa sa likod ng binti si Jazer at bago niya pa ako magantihan ay tumakbo ako nang mabilis papunta sa kwarto ko.

Pagdating ko ro'n ay hiningal ako, patunay na hindi talaga ako nag-e-exercise at hindi ako fit. Sinarado ko ang pinto dahil baka may unwanted visitors na namang pumasok. Ayokong maistorbo ang panonood ko.

Humiga na ulit ako sa kama at ipagpapatuloy ko na sana ang panonood pero nakita kong nag-ring ang phone ko. My breathing stopped for a second when Mom's number appeared on the screen. Suddenly, I remembered the last time she called. I was afraid to answer it but in the end, I accepted the call.

"Hello?" she said and hearing her voice triggered my emotions.

"They're fine so don't worry anymore," sabi ko at i-e-end ko na sana ang tawag pero bigla siyang nagsalita.

"Wait! Chloe, wait!"

"Czanelle and Clark are—"

"It's not about them, Chloe. I called because I'm worried about you."

Hindi ko alam kung tama ba ako ng rinig o 'yon lang ang gusto kong marinig kaya natahimik ako ng ilang segundo. My throat started to hurt and tears were threatening to come out. I breathed deeply to calm myself down and answered her.

"I'm fine. No need to—"

"Nagkasakit ka raw noong nakaraan. Okay ka na ba, anak?" Her voice cracked and that brought my tears out.

Inilayo ko ang phone at tinakpan ko ang bibig ko dahil ayaw kong marinig niya ang pag-iyak ko. Bigla kong naalala kung paano ko hiniling na sana ay nandito siya sa tuwing magkakasakit ako. Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang siya tumawag para i-check kung okay na ba ako. Someone told her about my condition and it must be Jazer since I told Dr. Reyes before not to tell my parents if I get sick.

"Sorry kung ngayon lang ako tumawag. I did not know that you were sick," she said with a shaky breath.

"I'm okay now," mabilis kong sabi at sana ay hindi niya nahalatang umiiyak ako.

"I'm sorry for being a bad parent," she suddenly added and that made me sob more, "and I'm sorry for being an irresponsible mother. Nalaman ko kay Dr. Reyes na ayaw mong ipasabi sa amin tuwing maysakit ka. Siguro ay iniisip mong wala kaming pakialam, pero anak, meron. Nag-aalala rin kami sa'yo. Maybe I should've called you more but I have always thought that you're a strong woman, I didn't realize that you're also a child who needs her parents, especially when you're sick."

She was crying on the other side and I had to bit my lips to prevent her from hearing me cry. I didn't expect to hear these words from her, the words I was yearning to hear for a long time.

May narinig naman akong tumawag sa pangalan niya sa kabilang linya at mukhang nasa office pa siya. I guess we only have a few seconds left.

"I know I have no right to say this because I wasn't there when you need me but please don't be sick, anak. I'm sorry for getting dramatic. I need to go. Bye, Chloe."

Hindi na ako nakapagsalita matapos no'n at nawala na siya sa kabilang linya. Nagtuluy-tuloy na ang luha ko pagkatapos at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. My emotions overwhelmed me and I needed to let it all out. My eyes were sore and I couldn't breathe properly anymore but I didn't mind because of that reason.

For the first time, my mother was worried about me.


***

Continue Reading

You'll Also Like

451K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
1.3M 57.2K 42
Kingdom University Series, Book #4 || Learning from this guy is not as easy as I thought it would be.