She's The Bad Boy's Princess

Von VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... Mehr

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 17

206K 6.2K 361
Von VixenneAnne


Itinuro sa akin ng dean ang daan, pero magkakamukha ang mga building sa buong school kaya nahirapan akong hanapin ang classroom ni Jave.

"Miss kilala mo ba si Jave Santillan?" tanong ko sa kasalubong ko. Nagulat ako nang tingnan niya ako ng masama, sinipat niya rin ako mula ulo hanggang paa. Naisip ko tuloy, masama ba ang magtanong sa lugar na ito? "Alam mo ba kung saan ang classroom niya?"

"Seriously you're looking for him? Do you wanna die?" sagot niya. Hindi ko naintindihan. Hinahanap lang si Jave Santillan, may patayan nang magaganap? Grabe ang isang ito.

Pinilit kong ngumiti. "Alam mo nga?"

"No!" tapos ay umiwas na siya sa akin. Napanganga ako. Ang layo ng pagkakaiwas niya, napilitan akong amuyin ang kili kili ko in public. Mabaho ba ako? Hindi naman ah. Grabehan lang. Pinilit ko na nga lang tandaan ang direksyong binigay ni dean.

Napadaan ako sa sports area ng school. May mga kabataang naglalaro ng basketball, namataan kong isa sa mga iyon ay kilala ko. Si Zirk Alcantara, napangiti ako, kahit masama ang ugali, ang gwapo ng isang ito. Tagaktak ang pawis nito sa puting basketball uniform, mamasa-masa na ang buhok halatang matagal na itong naglalaro.

Tumigil ako sandali sa isang gilid, pinagmasdan ko siyang maglaro. In fairness, kahit wala akong masyadong alam sa basketball masasabi kong magaling siya. Halos siya lahat ang nakakashoot sa bola, malayo o malapit man siya sa ring.

"Haaayyy, ang gwapo talaga ni Zirk...." narinig kong usal ng isang babae sa tabi ko na may kasamang buntong hininga. Napatingin ako sa kanya, kumpara sa ibang mga estudyante simple lang ang ayos niya, hindi masyadong makapal ang make up, although halatang mamahalin ang suot niya mula ulo hanggang paa.

Nagulat ako nang tinulak siya ng isang babaeng nasa likuran niya. Maiksi ang suot ng babaeng nanulak, putok na putok ang labi sa kapulahan at mukhang malapit nang pulmunyahin sa ikli ng tabas ng damit. Although sosyal ang porma niya, parang hindi bagay sa environment, school kasi 'to hindi disco bar.

"What did you just say?" parang dragon ang itsura ng babaeng maldita, habang napayuko lang ang babaeng dinuro nito. "Who gave you the right to even stare at our Zirk Alcantara??"

"S-sorry.." akmang tatakbo na sana palayo ang studyanteng inaapi ngunit, hinawakan pa ng maldita ang kwelyo ng damit nito at kung ano ano pang masasakit na salita ang binato.

Hindi ako nakatiis. "Zirk Alcantara ang gwapo mo... wooohhhhhh!!!!" sigaw ko pero ang tingin ko ay nakatuon sa maldita. Nagtinginan sa'kin lahat ng mga studyante sa paligid. Kasama na ang malditang babaeng kinukuha ko ang atensyon. Hindi ko akalaing napalakas ang sigaw ko at pati mismong si Zirk Alcantara natigil sa paglalaro at napalingon sa akin.

Katulad ng inaasahan ko, ako ang nilapitan ng impaktitang mapang-abuso ng kapwa studyante. Nakakairita ang mga ugaling ganoon ng mayayaman, ang sarap nilang tirisin lahat. Pero mukhang ako ang matitiris... mas matangkad ito sa akin at mas mahaba ang mga kamay, ilang sandali lang kwelyo ko na ang hawak nito.

"Nananadya ka ba?" nanlilisik ang mga mata nito.

"Tingin mo?" matapang kong sagot. Pilit kong tinanggal ang mga kamay nito sa kwelyo ko dahil sa totoo lang nasasakal na ako..

Nang pakawalan ako ng babae, hindi ko inaasahang itutulak niya ako ng malakas, sumadsad ako sa lupa. Para akong sinilaban sa asar, sinugod ko rin ito at malakas na tinulak, ito naman ngayon ang natumba sa lupa, ok na sana, nakaganti na ako, ang kaso ay marami pala siyang resbak sa tabi-tabi, hinawakan ako sa magkabilang kamay ng dalawang babaeng lumapit, samantalang hinila naman ng isa pa ang buhok ko.

Ang saya lang ng unang araw ko sa school!

Inasahan ko nang mabo-bogbog na naman ako. Parang malapit nang magkakalyo ang katawan ko sa mga suntok at sipa ah.. Pero bago pa man makalapit sa akin ang babaeng maldita at sapakin ako ng nakaambang niyang kamay...

"Chloe. Stop it." Malumanay pero madiin ang tinig na iyon,lahat kami napalingon. That was Zirk. The knight in shining basketball uniform. Hindi nakahuma ang babaeng tinawag na Chloe. Lalo pa nang lumapit si Zirk sa akin at hilahin ako mula sa mga amazonang matindi ang pagkakahawak sa akin.

Hawak ni Zirk ang kamay ko, hila niya ako patungo sa lugar na konti lang ang tao.

"Sandali!" inagaw ko ang kamay ko sa kanya. "San mo ba ako dadalhin?"

Ngumiti lang siya. Ngiting may halong pagpapacute at pang aakit. "Di ba ikaw ang tumawag sa akin kanina? Anong kailangan mo? Bakit ka ulit nandito?"

Hindi ko siya sinagot, pinagpagan ko ang damit at jeans kong puno ng alikabok.

"Hey.." pangungulit nito.

"Dito na ako mag aaral. Ito ang first day ko. Mukhang marami akong dapat na malamang unwritten rules and regulations sa school na ito kung gusto kong mabuhay ng matahimik."

Tinawanan niya ako. "Anong natutunan mo kanina?"

"Ang iwasan ka. Dapat isang daang milya ang layo ko sayo lagi!" nakadilat kong sagot. "Aalis na ako. Alam mo ba kung saan ang room ni Jave Santillan? Kilala mo siya di ba?"

"Teka sandali. Gusto mong umiwas sa gulo kaya lalayuan mo ako, pero lalapit ka kay Jave Santillan? Nagpapatawa ka yata.."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko na pinansin. "Alam mo nga kung nasaan siya?"

"That direction." turo nito. "Kung saan ang pinakatahimik at parang ghost town na part ng school nandoon siya.

Namataan namin ang studyanteng tinulungan ko kanina. Sinundan kami.

"Hoy ikaw!" tawag ni Zirk dito.

Nag aalangang lumapit ang babae.

"Alam mo ba kung saan ang classroom ni Jave Santillan?"

Napaawang ang mga labi ng babae sa tanong ni Zirk. "Ha? O-oo.."

"Samahan mo siya doon." utos ni Zirk

"Please?" ako nalang ang nagdagdag ng please. Kasi kung makautos si Zirk parang sa kanya ang buong school!

"S-sige.." parang napipilitan nitong tugon.

"Good." kinindatan ako ni Zirk bagong patakbong umalis. "See you around.."

"Ako si Sofia, ikaw?" masigla kong bati sa babaeng maghahatid sa akin kay Jave.

"I'm Kayla. Ahm.. thank you nga pala sa ginawa mo kanina.."

"Wala 'yon! Ihatid mo lang ako sa classroom ni Jave, quits na tayo!" nakatawa kong sagot. Nagsimula na kaming maglakad sa direksyong itinuro ni Zirk kanina.

"Ngayon lang kita nakita dito..bago ka 'no?"

"Oo, freshman lang ako. First day ko nga ito eh! Mga biolente talaga mga tao dito, kung may choice lang ako, hindi ako mag aaral dito eh."

"Pareho pala tayo. Freshman lang din ako. At wala din akong choice dahil dito ang gusto ng parents ko na mag aral ako... nakakatakot ang mga studyante dito."

Tumango ako sa pag sang ayon. "Pero crush mo si Zirk noh?" panunudyo ko.

PInamulahan ng mukha ang babae, tumitingin-tingin sa paligid nag aalalang may makarinig.

"Bakit? Masama bang magka-crush doon?" binabaan ko ang boses ko.

"Oo. Lalo na kung mababa ang number mo sa school na ito. Wala kang karapatan. Crush ng buong university si Zirk, pero konti lang ang pwedeng maging vocal sa nararamdaman nila, 'yon lang matataas ang number..kaya ang mga kagaya ko, hanggang bulong nalang. Ni wala akong karapatang magpadala ng regalo sa kanya kahit gusto ko..."

Naalala ko ang numbering na kinuwento sa akin nila Jiro at Ark. Nag eexist pala talaga iyon. Pagkakatanda ko, makukuha mo ang number mo sa pamamagitan ng isang all-levels exam.

"Nakabase ang numbering sa test result mo at sa mga extra curricular activities na sinalihan mo... 'yon lang sobrang mayayaman, matatalino at talented ang umaangat ang number." dagdag pa ni Kayla.

"Wala pala akong pag -asa doon. Di bale, wala naman akong balak maging sikat o magkagusto at makisalamuha sa mga sikat kaya ok lang. Ang kailangan ko lang ay tahimik na buhay at makapag aral ng mabuti."

Narating namin ang building kung saan pumapasok si Jave. Kumpara sa ibang dinaanan namin ang building na ito ay tahimik, wala halos lumalabas ng classroom, mukha ngang ghost town. Ganito ang gusto kong environment, ang swerte naman ni Jave, behave ang mga tao dito. Hindi ko napigilang magtanong kay Kayla.

"Bakit parang iba yata ang ambiance sa lugar na ito. Mukhang mababait ang mga tao.."

"Ssssshhhhhh.. bilisan mo lang ang paglalakad, diretso lang ang tingin mo."

"Bakit?"

"Delikado sa lugar na ito. Kaya tahimik dito dahil nandito ang pinakabully'ng mga studyante ng Westside. Nandito ang demon rex ng campus.."

"Demon rex..?"

"Oo. Si Jave Santillan. Hindi ko nga alam sayo kung bakit hinahanap mo ang taong pinaka-iiwasan ng lahat. Kung hindi dahil sa utang na loob ko sayo kanina, hindi kita sasamahan dito, nakakatakot sa lugar na ito.."

"Si Jave Santillan?" narinig ko na 'yon minsan. Hindi lang maabsorb ng utak ko kung paano naging demon rex si Jave eh ang sabi nito sa akin inaapi pa ito ng mga professors dito. Baka ibang Jave Santillan ang tinutukoy ni Kayla?

"Huwag mong babanggitin ang pangalan niya!" takot na takot si Kayla, tinakpan niya pa ang bibig ko

Tumawa ako, tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. "Oh sige na, sige na.. hindi na ako magsasalita. Pero, hindi mo kailangang mamutla ng ganyan.."

Ilang sandali pa itinuro na sa akin ni Kayla ang mismong classroom ni Jave na nasa third floor ng building.

Ngayon ko malalaman kung nagsasabi ng totoo si Jave na nag aaral siya ng mabuti..

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

61.8K 2.6K 75
(COMPLETED) She's Rich, Beautifull inside and out, Smart ,Kind and most of all caring. Pero dahil sa hindi inaasahang magaganap ay mababago ang buha...
9.7M 176K 63
[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly...
83K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.