Ang BALOT ni PENNY (Completed)

Da Shan_sky

348K 10.6K 1K

A lady who doesnt want to get involved in a gxg relationship, but eventually she did. Nov. 2016 - May 2017 Altro

Prologue:
My Note
Chapter 1: Kilalanin si Balot
Chapter 2: Kilalanin si Penelope
Chapter 3: Linger
Chapter 4: Remind myself
Chapter 5: Welcome heartaches?
Chapter 6: Why? That is why!!
Chapter 7: Smiley
Chapter 8: Hey! Wake Up
Chapter 9: Evergreen
Chapter 10: Bakit Ganito?
Chapter 11: Ligaw Tingin
Chapter 12: Now I know
Chapter 13: Strike sa Puso Ko
Chapter 14: Loooooveee Iiiiit!! :)
Patalastas
Chapter 15: Eh di Kayo Nah!
Chapter 16: Hmmm...Aminiiiin!
Chapter 17: Unang awit
Chapter 18: Alam Mo Ba?
Chapter 19: Closure
Chapter 20: Free to Love
Chapter 21: Laban na
Chapter 22: Sana lang
Chapter 23: Sudden Change
Chapter 24: Believe in love
Chapter 25: Smile on your face ^_^
Chapter 26: Unang Hakbang
Chapter 27: Tadhana
Chapter 28: Here she Comes
Chapter 29: Spag means first real kiss?
Chapter 30: Siya Lang
Chapter 31: Lovesick
Chapter 32: Crush?
Chapter 33: One Love
Chapter 34: Finally we Kissed
Chapter 35: Second Base
Chapter 36: 2nd Song: In My Life
Chapter 37: You're worth It
Chapter 38: Contented
Chapter 39: Hubad na Katotohanan
Chapter 40: 3rd song: Best that I can be
Chapter 41: Totoy Bibo Part 1
Chapter 41: Totoy Bibo Part 2
Chapter 42: Fit In
Chapter 43: Building memories
Chapter 44: To touch You, to love you
Chapter 45: Kaba
Hmmmm.....
Chapter 46: Undress Me
Mensahe Ko sa Lahat
Chapter 47 Part 1 (spg): Ako'y Iyo
Chapter 47 Part 2 (spg) : Ikaw Ay Akin
Chapter 47 Part 3 (spg): Tayo'y Iisa
Chapter 49: Huwag na huwag
Chapter 50: All my Life
Chapter 51: BEST OF ME
Chapter 52: Dreaming?
Chapter 53: Be Mine
54: Pamamaalam
EPILOGUE: MORE! MORE!

Chapter 48: So What Now?

7K 156 19
Da Shan_sky

PENN'YS POV:

     UNTI-unti akong dumilat at natatamaan na ng mabining sinag ng araw ang aking pisngi. Last night was my most wondrous night, most unforgettable and most memorable night. I made love with her. Isang napakainit at nagsusumilakbong init ng pagniniig. I never imagine I could have done that.

        Walang halong pagsisisi dahil mahal na mahal ko si Balot. I have discovered my body, may sensuality and my sexuality. Excited na akong gawin ang iba pang pakikipagmake love kasama ang love ko. Pumihit ako patagilid at hinalikan ng mabilis ang bibig ni Balot. Napagod siya ng husto kagabi, hahahha!

        Kapwa pa rin kami hubad na magkayakap sa ilalim ng comforter. Nakikiliti ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi. :)

       Pinagmasdan ko si Balot. Maganda ang mata niya, expressive. Tama lang ang tangos ng ilong, maliit ang lips at gustung-gusto ko ang maliit niyang dimples sa gilid ng labi niya.
Mahal na mahal ko ang taong 'to. Mahal na mahal. Hinalikan ko ang pisngi niya at bumulong ng  I love you so much Hun.

         Umungol si Balot at nakapikit niya akong kinabig at napahilig ako sa pagitan ng mga dibdib niya. Natutukso akong halikan ang malusog niyang bundok. Ambilis kong maadik sa kanya, hahhaha!

          "Hun, ano'ng oras darating sina Cielo?" tanong ko. Dinikit ko ang pisngi ko sa isang dibdib niya at kumiskis doon.

         "Hun, maya lunch," sagot niya ng nakapikit pa rin.
        "Di pa tayo babangon?"

        Hinalikan niya ang noo ko sabay umikot ang kamay nya mula sa likod ko paharap sa tyan at umakyat sa breast ko. Hinuli niya ang isa at malayang pumisil-pisil sa kaliwa kong bundok.

         "Uhmmmmm.." ungol ko.    "Hun…..aaahhhhh…. Ano ba? Mamaya na 'yang gabi ulit. May mga bisita ka."

        Hindi nakinig si Balot. Muli…sa isang iglap ay agad kaming nagningas, umapoy at muling nagniig ang aming mga katawan. Mas mainit sa nagdaang gabi.

        Sabay na kaming naligo, bumaba at nag agahan. Iniwan na niya ang paghahanda at pagluluto sa mga katiwala. Muli kaming nagpunta sa beach para maligo. Dito, totoong lumangoy na kami ng walang extra-curricular ;)

       Saglit lang kami sa beach dahil tumaas na ang araw. Sinuot namin ang robe namin at hinila niya ang kamay ko.

        "San tayo Hun?" I asked.
        "May ipapakita ako sa 'yo, tara."

        Medyo malayo din ang nilakad namin tsaka kami napunta sa ilalim ng puno. Pinakita niya ang ang mga nakaukit sa trunk ng puno. Mga hugis puso na nasa loob ang mga pangalan nina Vienna, Sallie, Geela at Aubree.

         "Baka bukas Hun, nakaukit na rin dito ang pangalan nina Cielo at Ada. Masaya ako na lahat ng kaibigan kong napunta dito sa isla ay naging sila."

         "Eh bakit hindi tayo umukit ng atin?"
        "Tsaka na, baka maudlot ang kina Cielo, hehe! Sila muna tapos tayo naman. Pupunuin natin 'to at hindi lang iisang puso, basta marami. Kasing-rami ng mga pangarap kong kasama ka." Balot kissed me on the lips.

         "Balot! Ano ba, baka may tao. Hindi mo na property itong lugar na 'to."
        "Sorry, I can’t help it."

         Masarap magmahal at masarap makarinig na maraming pangarap si Balot  para sa 'min. Gusto ko 'yon, at sana'y hindi lang pangarap kundi totoong mga panagrap na magaganap.
Mabilis kaming kumain ng tanghalian at nagpahinga. Balot checked every room na pag-i-stay-an ng CiE-REE-NA.

        Mabilis kaming nag-ayos ng mga sarili namin at para okay na salubungin silang anim anytime. Excited din akong makasama sila. Maraming kinuwento si Balot tungkol sa kanila.

        "You'll gonna like them Hun. Napakasimpleng tao nila, humble at mababait."
       "Pero ang tadhana nga naman ano? Tatlong silang bff tas pareho silang mga girls din ang partner?"
       "Oo nga eh. Marami rin silang napagdaanan gaya nga ng mga kuwento ko sa' yo."

(Insert: You may read my CIEREENA for their story)

        After twenty minutes ay humahangos na ang isang kasambahay at dumating na ang mga bisita. Isa-isa silang pumasok ng salas at isa-isang yumakap kay Balot. Tsaka niya ako tinawag sa likod niya.

          "Hun halika dali, ipapakilala kita sa kanila," inaabot nya ang kamay ko at nangingimi akong lumapit. Hawak ni Balot ang kamay ko habang pinapakilala ako. Feeling ko proud na proud sya sa akin.

         Una niya akong pinakilala kay Cielo. Simpleng pantalon at longsleeve na white ang suot niya. Matangkad siya at halatang maganda ang hubog ng katawan. Oo nga pala, nagmomodel nga rin daw siya.

         "Nice to meet you Penny, Balot here is talking so much about you. You’re so pretty," sabi ni Cielo. "Oh, si Ada nga pala, fiancé ko."

         Humalik ako sa pisngi niya at ni Ada. "Hi, congratulations sa inyo," sabi ko.

        "Salamat." Sobrang mahiyain naman ni Ada, parang hindi makabasag pinggan. Maganda rin siya pero iyung ganda na Pinay na Pinay. Kahit morena ay makinis naman.

        "Hun, siya naman ni Aubree, 'yung makata tsaka si Geelang makulit, girlfriend niya."

         "Hello," bati ko tsaka ko sila binesong dalawa. Simple lang din ang ayos ni Aubree, pants na kupas na tinernuhan ng dilaw na tshirt. Si Geela naman ang parang ragged ang porma. Nakashorts, sneaker at polo shirt na hanging. Nasilip ko tuloy ang tatoo niya sa beywang nang umangat ang kamay niya para makipag-shakehands siya sa akin.

         "Ako naman si Bekbek Penny! Ang mataba pero cute nilang bff. Pero nagda-diet na ako para di naman masyadong asiwa sa magiging asawa ko, diba no babe?" Masiglang banat ni Vienna sabay baling niya kay Sallie.  Medyo nabawasan nga ang timbang niya kumpara noong huli ko siyang nakita. Makulit nga pala talaga siya, nakakatuwa.
  
          Sa unang tingin masasabi mong sa pisikal ay parang hindi bagay sina Bekbek at Sallie. Sa lahat sa anim, si Sallie ang pinakasexy sa tingin ko at parang alert na alert siya.

          "Masaya akong nakilala ko kayong lahat. Sana mag-enjoy kayo sa bakasyon niyo."
        "Bakit? Hindi ba namin kayo makakasama?" tanong ni Bekbek.
        "Two days? Bukas ng gabi luwas namin. May mga trabaho kasi," si Balot na ang sumagot.

        "Eh ano pang hinihintay natin? Simulan na ang saya!" Nasa boses ni Cielo ang excitement.

        Mga mature sina Cielo, Aubree,  at Vienna. Si Ada naman tahimik at si Sallie naman ay parang maninimbang ka muna sa mood. Kaya sa kanilang apat ay parang kay Geela ako naging interesadong samahan.

         Hinatid namin sila sa mga kuwarto nila. Hinayaan muna namin sila mag-rest sa mga rooms nila, kami  rin ni Balot. Sa kuwarto ni Balot ay sa may terrace kami nag-stay. Magkatabi kaming nakaupo sa may couch habang pinapanood ang kapaligiran.
Napakatahimik. Hampas ng alon, huni ng ibon, imbay ng mga dahon at bulaklak sa puno - napaka-serene, payapa.

           "Hun, gusto kong bumalik dito 'yung totoong bakasyon. 'Yung matagal tas wala tayong gagawin kundi maglambingan, hahaah!!!"

        "Oo naman. Ikaw pa ba ang hindi ko dadalhin dito?"

       "Masaya ka ba sa akin? I mean, sa totoo lang, walang espesyal sa akin. Simple, ordinaryo lang akong babae. Hindi tulad nina Ciereena na kilos pa lang halata mong may mga sinabi."

       "Nag-iinarte ka na naman, hahaah! Do'n ba nakikita ang pag-ibig? Alam mo ba, 'yang si Cielo, nainlove kay Ada? Si Ada na ang alam lang isulat ay ang pangalan niya? Si Aubree naman, nainlove sa kanya si Geela. Si Geela, manager na 'yun samantalang undergrad si Aubree at pabanda-banda. Si Bekbek, oo mayaman siya pero sa kabila ng pagiging chubby, minahal pa rin ni Sally. Along the way, they improved themselves, we grow. Ang love wala 'yan sa hitsura, sa yaman, sa propesyon, sa asset o sa koneksyon. Nangyayari lang 'yun, at kusang darating. Mafifeel mo na lang na sya yung the one."

            "Aaaaameeeennnn….." Pang misang tono kong sagot. Kinurot ni Balot ang Ilong ko.

          "Ikaw talagaaaa….Minsan lang magseryoso eh! Umayos ka nga."

------------

        Naging masaya, as in super saya ng stay ng Ciereena. I was able to bond with them at pinilit ko talagang may moment ako sa bawat isa sa kanila. Masaya ako kasi buong buhay ko, hindi ako palakaibigan. Tanging si Shine lang at iilang kaibigan na dumarating at umaalis din.

         Masaya pala ang may mga barkadang babae at halos pare-pareho kami ng topic, kumpaano maging sa isang girl to girl relationship. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Cielo - "Walang perpektong pag-ibig dahil dadaan talaga sa pagsubok, sa away-bati. Dapat away lang ng away pero walang sukuan at iwanan. Nasa tao 'yun kumpaano nila gagawing perpekto ang pagmamahalan nila kasama ang mga kahinaan at kalakasan ng bawat isa."

        After two days ay bumalik na nga kami ni Balot ng Maynila at naiwan silang anim do'n. M.alapit na kami sa bahay ko ng tumawag si Yaya sa cp ni Balot.

         "Ano? Sa'n ho dinala ni Lucille si Dad? Anyare?!"

        Hinawakan ko ang kamay ni Balot. Sinugod daw sa ospital ang Dad niya at nahirapang huminga.

       "Hun, d'yan mo na lang ako ihatid sa kanto. Huwag ka ng pumasok dahil pihado hindi ka muna papaalisin nina Mom. Dadalin ko na lang 'tong mga pasalubong."

       "Okay sorry ha. Bawi ako enxt time."
       "Ha? Walang bawi-bawi. Sobra sobra na nga ang ginawa mo para mapasaya ako. Sana maging maayos ang dad mo."
       "Oo, babalitaan kita."

        Lumapit ako kay Balot, kinabig ang batok niya at siniil ko siya ng halik. Masuyo, mabagal. "Mamiss kita ng isang araw, hehe!" biro ko.

       "I love you Penny, lagi mong tatandaan 'yan."
       "I love you too…."

        Bumaba ako ng kotse at naglakad papunta sa compound namin. Magtatanghalian pa lang kaya't napaka tirik ng araw. Si Apollo lang ang madadatnan ko sa house. Ang sabi kasi ni Mom, mamayang gabi pa siya uuwi galing probinsiya. Pag-pasok ko ng bahay ay kumakain na si Apol at nagulat akong lumabas galing banyo ang Mommy.

        "Oh Mom! Akala ko mamaya pa kayo? Ito oh, pasalubon ni BA--ng boss ko." Nilapag ko sa mesa ang mga prutas.

        "My? Are you okay? May sakit ka ba?"
       "Wala naman. Kumain ka na ba? Kumain ka muna tapos puntahan mo ako sa kuwarto ko."

         Baka tungkol na naman ito kay Tita Tere dahil umamin akong nabuksan muli ang linya sa amin ng Tita which is ayaw ni Mom.

         Mabilis akong kumain at nakipagkuwentuhan saglit kay Apollo. Inayos ko ang mga prutas sa ref, nagsepilyo at umakyat na sa roon miya.

        "Umupo ka," pormal niyang utos. Naupo ako sa isang stool sa tapat ng kama niya. Hinintay ko siyang magsalita.

        "Kailan pa Penelope? Kailan pa kayo ng boss mo?"
       "My?"
       "Noong una, napapansin ko na ang sintomas sa inyong dalawa sa tuwing nandito kayo sa bahay. Inisip ko, malaki ka na at alam mo ang tama.
Hindi naitago ng boss mo ang tunay niyang damdamin sa inyo sa pamamagitan ng pananamit niya pero halata kung paano kayo magtitigan at
mga ningning sa mata niyo. I was in denial then, baka naaaliw ka lang dahil bagong tao sa buhay mo bukod kay Shine."

          Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako handa para sa komprontasyon na'to.

         "Siguro nga ay ipinag-adya na malaman ko na. Galing ako sa ninang Letty mo sa tindahan. Ikaw pa ang naunang humalik sa labi niya?"

          Shit! Feeling kong nawalan ako ng dugo! How could I be so careless. Nasanay akong tinted ang kotse ni Balot at ang tanga kong maliwanag ang araw at hindi tinted ang gamit niya ngayon. Nawala sa loob ko. Corner na corner ako!

          "Ano'ng nangyari sa mga pangaral ko Penny? 'Yan ba ang nakuha mo sa pakikipaglapit mo kay Tere? Wala na bang lalaki, anak?"
         "W-wala pong kinalaman ang Tita dito My."
        "So kailan pa?"

        "Mahigit tatlong buwan na po." Nanatiling sa sahig nakatuon ang mukha ko. Di ko siya makuhang tingnan ng deretso. Umiling-iling ang nanay ko at pumitik-pitik ang daliri sa kama.

         "Mahigit tatlong buwan mo na pala kami, o kahit ako na lang, na niloloko? Tinuring ko siyang parang anak na rin at ginawa lahat ng pagyakap at pagtanggap sa kanya?" Malumanay si Mommy magsalita pero ang mga lumalabas naman ay tumatagos.

          "Mom…"
          "Gusto kong tapusin mo ang relasyon mo sa kanya. Mula ngayon ay hindi na siya makakapunta dito at huwag ka ng magtangkang dalhin siya dito at magpaliwanag. Ikaw ang anak ko at sa 'yo lang ako may paki-alam. Mula ngayon, hindi ka na uuwi ng lagpas alas-osto ng gabi. Ipapasundo kita ng motor sa pinsan mo kung kailangan. Asikusahin mo na ang resignation mo dyan ng di pa lalong lumalim ang relasyon niyo."

     Namumuo na ang bigat at kirot sa puso ko. Bakit kailangang ganit? Bakit kailangang hindi tanggapin? Naiisip ko palang na malalayo ako sa kanya ay di na ako makahinga. Huminga ako ng malalim.

          "Mahal ko siya My. Hindi ko siya iiwan, hindi po puwede."
          "Ano'ng kalokohan ba 'yan? Isang Tere pa sa pamilya?"
          "Ano ho ba ang issue? Na lalamat na naman ang isang nakakadiring imahe sa angkan dahil sa akin? Ako ba My? 'yung feelings ko, ako na anak mo, hindi ba mahalaga sa 'yo?"
         "Ang mahalaga lang dito ay ikaw na maging maayos."
         "Bakit My? Di ba ako maayos? Patapon ba buhay ko? Baldado ba ako? Pabigat ba ako? Ano ang hindi maayos My?"
          "Ang makipagrelasyon sa kapwa babae ay hindi katanggap-tanggap. Paano ka bubuo ng pamilya?"
         "Magigigng kabawasan ho ba 'yon? Diba't ang mahahalaga ay may kaagapay ako sa pagtanda ko? Na mahal ako?"
          "Ano ba'ng alam mo sa relasysong ganyan? Masasaktan ka lang."
          "Handa akong masakatan My."
          "Naaaliw ka lang dahil wala si Shine, na wala ng nagbibigay ng atensyon sa 'yo."
         "Hindi po gano'n 'yon My. Mahal na mahal ko siya at mamamatay ako kung iiwan ko siya nang dahil lang sa image ng  pamilya."
         "At pa'no ka ngayon titignan nina Helene at Apollo? Guguho ang pagtingin nila sa 'yo."
        "Kung mahal nila ako ay matatanggap nila ako."

        Tumayo ang Mommy ko. "Basta hiwalayan mo na 'yan bago pa ako magalit ng tuluyan. Kilala mo ako Penelope!"

         Lumabas siya ng kuwarto atsaka ako umiyak. Pumasok si Apollo.

         "Ate….ate! Bakit ka umiiyak?" lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko. Hinahawi niya ang buhok kong namasâ na ng luha.

        "Ate bakit? Ano'ng ginawa ni Mommy sa 'yo?"
       "W-wala, wala. M-may problema lang sa work ko."

        Tumayo si Apol at hinagod ang likod ko. "Naku ate, kayang-kaya mo 'yan! Ikaw pa? Huwag ka papatalo sa mga yun."

         Paano ko nga pala ipapaliwanag sa onse anyos na bata na ang tinitingala nilang ate ay may karelasyong babae rin?

------------------

Continua a leggere

Ti piacerà anche

133K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
74.4K 1.4K 47
Everything can change by the people around you, but YOU are the one who can decide. Don't just use your heart, but also use your mind. Heartbreaks ma...
115K 2.6K 35
Sana magustuhan nyo, baguhan lang po GxG story to
178K 3.5K 36
Credit to the owner of pictures. girlxgirl story po ito close minded people can leave open minded people pls enjoy hindi din pwede sa mga super batan...