BOOK I: Touch Her and You'll...

By ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 16

3.2K 110 10
By ayemsiryus

Chapter 16 – Her Observation Skills

Marrette

Nandito lang ako sa living room ng condo ko. Umiinom ng hot chocolate habang nakatulala lang sa kawalan. Linggo na naman ngayon at last week lang nangyari 'yong 'surprise' ni Reeam kay Criza. Paano ko nalaman? Nabanggit sa akin ng bestfriend ko. Nagulat pa nga ako na kusa siyang nagkwento, e, hindi naman niya ugali ang ganoon.

Flashback.

"Good morning!" halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko 'yan mula kay Reeam pagpasok niya ng opisina. Alright, nakakabigla kasi! E, hindi naman siya sa ganiyan. Kada papasok 'yan dito, dire-diretso lang 'yan na uupo sa swivel chair niya. Usually, ako pa nga ang unang nag-o-open ng pwedeng pag-usapan. Idagdag mo pang ang sigla ng paraan ng pagkakabati niya. Kataka-taka!

"G-good morning?" patanong pang sagot ko. Nanlaki ang mata ko nang lumingon ito sa akin habang ngiting-ngiti. I swear, ang ganda ng ngiti niyang 'yon. 'Yong magandang ngiti na 'yon ang mas lalo pang nakapagpaganda sa kaniya.

"Yeah, good morning!" tatango-tango pang sabi nito nang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kaniyang labi.

Letse, anong nangyayari sa kaniya?! Ilang taon ko na siyang kaibigan at sa loob ng ilang taon na 'yon, kahit kailan hindi ko siya nakitang ganito kasaya. Ang baduy pakinggan pero parang kumikinang pa nga ang mga mata niya! Mukha siyang bata na binilhan ng ice cream kaya ganito siya kasaya ngayon.

"May... may nangyari bang maganda sa'yo?" tanong ko. Napamaang ako nang mas lumapad ang pagkakangiti niya. Saka para siyang nagpa-cute gamit ang ngiting 'yon! Goddamn it!

"Mayroon!" agad na sagot niya. "Sobrang ganda at sobrang saya! Nagpunta kami noong isang araw ni Ciel sa rest house ko at napakaraming magagandang bagay ang nangyari!" sinasabi niya 'yan habang nakatingin sa itaas na para bang ini-imagine pa niya bawat bagay na sinasabi niyang nangyari sa kanila. "Look at this," natigil ako sa pagtitig sa mukha niya nang sabihin niya 'yon kaya agad akong tumingin sa sinasabi niya.

Isang kwintas... na may pangalan ni CrizaCiel.

"Ang ganda, 'di ba?" parang batang tanong pa niya.

"O-oo, ang ganda," wala sa sariling sagot ko habang nakatitig pa rin sa kwintas na 'yon.

"Pinagawa ko 'to. Actually, mayroon din siyang kwintas at pangalan ko naman ang nakalagay doon. You know what's the story behind this?" tukoy niya sa kwintas. "Mayroon akong suot na kwintas na may pangalan niya. What that means? She's close to my heart, she's in my heart. Like me, that's close to her heart, too. I'm in her heart, too. Imagine that?" ngiting-ngiti siya habang kinukwento niya 'yan. Ako? Pakiramdam ko mas lalo akong nawala sa sarili. "How's that for being sweet and unique?"

"That's... awesome," sagot ko.

"I know right!" masiglang sagot niya saka umupo na sa swivel chair niya at nagsimulang magtrabaho habang may ngiti pa rin sa labi.

Habang naiwan akong tulala sa kinauupuan ko.

End of flashback.

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga saka sumandal sa sofa at pumikit.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa kinuwento niyang 'yon. Pero hindi ko maitatangging hindi ko magawang kalimutan 'yon. Lalo na ang... lalo na ang ngiti ni Reeam non.

"AHHHHH!" sigaw ko. "LETSE! MAWALA KA SA ISIP KO, PLEASE!" parang timang na pakiusap ko pa sa isip ko.

"What's happening to you?"

"WHAT THE FUCK!" sigaw ko dala ng pagkagulat! Napatayo pa ako sa kinauupuan ko't halos matapon pa ang hot chocolate na iniinom ko. "DON'T YOU KNOW HOW TO KNOCK?!" nanlalalaki ang mga mata na tanong ko kay Leeam. Oo, siya ang walang paalam na nagtanong! Letse, paano nakapasok 'to dito?!

"Well, if you're asking how did I get in here, your door was open... then I heard you screaming, I thought that something bad happened to you... that's why I wasn't able to knock first before getting in," poker-faced na paliwanag niya. Napakurap-kurap ako dahil doon, naiwan kong nakabukas ang pinto? Pero wrong timing pa rin ang pagpunta niya rito!

Napahinga ako ng malalim saka nagpunta sa kusina para ibaba ang mug na gamit ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"Are you okay?" tanong niya.

"Why are you here?" binalewala ko ang tanong niya't tinanong rin siya.

"I just want to invite you—," naputol ang pagsasalita niya nang mapalitan ang kanta. Nagpapatugtog kasi ako at rinig 'yon sa buong condo ko. I love music kaya ganoon ang set-up ng sound system ko. Kahit sa bathrooms mayroong speakers. Literal na kahit saan ako magpunta dito sa loob, maririnig at maririnig ko ang playlist ko.

At napapikit ako nang ma-realize ko kung tungkol saan ang kantang kasalukuyang tumutugtog.

Ikaw at ako
'Yan ang istorya ng buhay ko
Sa'yo, o, sa'yo
Umiikot-ikot ang mundo ko
'Di, o, 'di maintindihan
Sadya bang walang pakialam
Sa puso kong ikaw lang ang laman

"Letse," bulong ko nang makita kong nagpipigil siya ng tawa.

"I didn't know that you're into OPMs, too. Like this one,"

Oo nga pala
Hindi nga pala tayo
Oo nga pala
Sadyang kumplikado
O, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman
Ang iyong damdamin

"Marrette, I know how you compose your playlist—,"

"Bwisit ka, mag-Tagalog ka! Hindi porket, nagtagal ka rin sa Amerika kaya buong oras na magsasalita ka, English na ang gamit mo! Nasa Pilipinas ka—!"

"Oo na!" pasigaw na sagot niya.

"Mas mabuti pa si Reeam sa'yo, e. 'Yon nagsasalita ng Tagalog!"

"Nagsasalita rin naman ako, a!"

"Distorted na 'yang dila mo! Tingnan mo, medyo may pagka-slang ka na!"

"Hey, stop complaining about my way of speaking! You're not the one who's using English language—,"

Tingnan mo, nag-English na naman! "Shut up!" sagot ko saka siya nilayasan.

Ikaw at ako
'Yan ang tanging hinihiling ko
Ako, o, ako ang tunay
Na nagmamahal sa'yo
'Di, o, 'di maintindihan
Ano ang tingin mo ba sa akin
Hanggang kaibigan lang pala

Syempre, ano pa bang inaasahan natin? Sumunod siya. Muli akong umupo sa kinauupuan ko kanina. Siya naman, umupo sa single sofa na katapat ko lang.

"Gaya nga ng sinasabi ko, alam ko kung paano mo binubuo ang playlist mo. Lahat ng kantang nasa loob non, related sa'yo or naranasan mo na. Pwede ring, 'nararanasan'," sabi niya. Emphasizing the word, 'nararanasan'. "So... what's with this song?"

"Why are you here, again?"

Nakita ko namang nagpipigil siya ng tawa. "Hey, don't try to change the topic,"

Napapikit ako sa pagka-asar nang sabayan niya ang kanta. Letse, nakuha niya agad ang tono at nasaulo niya agad ang chorus ng kanta kahit pa alam ko namang hindi siya pamilyar dito.

Oo nga pala
Hindi nga pala tayo
Oo nga pala
Sadyang kumplikado
O, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman
Ang iyong damdamin

"Bwisit ka, Leeam,"

"Come on, tell me,"

"Wala akong sasabihin,"

"Ako na lang ang magsasabi,"

"What?"

"Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga pagtingin mo kay Criza?" seryosong tanong niya. Dahil doon napakagat-labi ako. Letse, ang lupit talaga ng observation skills nila ni Reeam.

Reeam na naman!

"At akala mo rin ba hindi ko napapansin ang pag-aalala mo sa kakambal ko?" nahigit ko ang paghinga ko dahil sa sunod niyang itinanong.

"Ano bang... ano bang sinasabi mo, Leeam?"

"All I'm saying is, napapansin kita," kibit-balikat na sagot niya saka sumandal sa sofa na kinauupuan niya. "Didn't you notice how you affect her?" napakunot ang noo ko. Sinong tinutukoy niya? And as if na nabasa niya ang naisip kong 'yon. "I'm talking about Reeam,"

Napasinghal ako. "Diretsuhin mo nga ako,"

"Napansin ko 'yon noong first day ng training ni Criza. That was the time that I asked her about the black cover-all thingy. Kitang-kita ko kung paano lamunin ng takot ang buong pagkatao niya, at kitang-kita ko ang panginginig niya. Then suddenly, you came. You even held her hand. After you said something like trying to calm her down, it was like a magic that she, actually, calmed down... right after you said those words," napamaang ako sa kaniya. Paano niya napansin ang lahat ng 'yon? "Tapos nasundan 'yon noong nag-usap tayo sa bahay niya. Ganoon na ganoon din ang eksena. Like, what's into you? Ikaw lang ang nakapagpakalma sa kaniya non,"

"Remember that you didn't even try to calm her down, too. Kaya hindi mo masasabing ako lang ang nakapagpakalma sa kaniya non,"

"You had a point. But remember, too, that when I'm around... she's always at her calmest state. You can't deny the fact that Criza was there, too. I think, knowing that she's around can help Reeam to calm herself. But it didn't happen,"

Napaiwas ako ng tingin kasi nakukuha ko ang punto niya, at sa tingin ko tama siya. Napansin ko rin naman lahat ng 'yon. At napaka-weird talaga non para sa akin pero hindi ko na lang masyado inisip. Ang mahalaga lang naman, napakalma ko siya ng ganoon kabilis nang hindi napapansin ni Criza. Mas magiging mahirap kasi ang sitwasyon kung mapansin niya ang ganoong state ni Reeam.

"So...?"

"So, what?" sagot ko. Tumingin ako ng diretso sa kaniya nang alisin niya ang pagkakasandal niya sa sofa. "Honestly, Leeam, hindi ko maintindihan kung anong patutunguhan ng mga sinasabi mo,"

Bakit ganito ang pagtingin mo
'Di mapantayan ang pag-ibig ko
Ako'y litong-lito
Sa pinapakita mo
Tanong ko lang sa'yo
Mahal mo ba ako?

"Napansin ko ang mga pagtingin mo kay Criza noong time na nabugbog siya't ako ang tinawag mo para gamutin siya. Marrette, expressive kang tao, alam mo ba 'yon? Madaling nakikita ng mga taong nasa paligid mo kung ano ang nararamdaman mo. At nakita ko lahat 'yon. 'Yong pag-aalala mo, 'yong sakit, galit, lungkot, selos... nakita ko 'yon, Marrette. Inobserbahan kita, the way you look at Criza, I can't say anything... iba, e. Iba 'yong dating,"

Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko sa nagiging takbo ng usapan namin. Like seriously, kailangan bang alamin niya kung anong 'nararamdaman' ko para doon sa dalawa? E, wala namang magbabago kahit malaman pa niya o nila. Letse, mahal nila ang isa't-isa at kaibigan lang nila ako!

"Leeam, diretsuhin mo na ako,"

"Sino sa kanilang dalawa?" seryosong tanong niya. Noong una, hindi ko agad naintindihan pero kasabay ng pagpapatuloy niya, doon ko napagtanto kung anong sinasabi niya. "Sino sa kanilang dalawa ang gusto mo?" napapikit ako't hinilot ang sintido ko gamit ang kanang kamay. "May nararamdaman ka, Marrette. Hindi ko lang alam kung sino sa kanilang dalawa—,"

"SHUT THE FUCK UP, LEEAM!" hindi ko na napigilang mapasigaw. Marahas akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "May nararamdaman man ako o wala, wala kang pakialam doon," matabang na sambit ko.

"Marrette,"

"May nararamdaman man ako para sa isa sa kanila, walang silbi 'yon. Walang patutunguhan 'yon," madiin pang sabi ko. "Silang dalawa ay para sa isa't-isa, at mananatili lang ako bilang kaibigan. Kaibigan ko sila pareho. So, I want you to drop your observations and conclusions about my feelings, because I'm telling you, it's not helpful,"

Oo nga pala
Hindi nga pala tayo
Oo nga pala
Sadyang kumplikado
O, kay sakit namang isipin
May ibang nilalaman
Ang iyong damdamin

Pinindot ko ang stop button sa cellphone ko. Naka-link kasi ang sound system sa cellphone ko kaya dahil sa ginawa kong 'yon, tumigil na rin ang kanta.

"Okay, I'm sorry," narinig kong sabi ni Leeam pagkatigil ng kanta.

"Ayos lang," tatango-tangong sabi ko. Hindi ako 'yong tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob. Madali ako magpatawad kasi ayaw ko rin na parang mayroon akong dinadala sa dibdib ko. Mabigat sa pakiramdam kapag ganoon.

Nakita ko ang pagngisi niya. Letse, ano na naman kayang naiisip nito? "Gusto mo... tayo na lang?"

"Letse, hindi tayo talo," natatawang sagot ko, narinig ko rin ang pagtawa niya kaya alam kong purong biro lang ang sinabi niya kanina. "Saka nararamdaman kong may nakalaan para sa'yo," ako naman ngayon ang ngumisi dahil nakita kong napasimangot siya.

Sa kanilang dalawa ni Reeam, si Leeam ang mas kayang mag-express ng emotions niya. Although, may pagka-seryoso at emotionless din siya. Mas matanda si Leeam, pero may mga oras na talagang iisipin mong mas bata pa siya kaysa kay Reeam. Saka sa unang tingin, mas magaan ang aura na mararamdaman mo kay Leeam. Mas mataas din ang control niya sa negative emotions niya. Hindi siya madaling magalit, at palagi siyang kalmado. Si Reeam, magaling sa pagtatago ng emosyon, pero hindi sa pagkontrol nito. Hinding-hindi niya kayang pigilan ang negative emotions. Pikon siyang tao, bugnutin, madaling mainis at magalit. Madali rin siyang mawalan ng kontrol sa sarili niya kapag pinangunahan na siya ng galit.

"Ang baduy mo,"

Natawa ako sa kaniya. "Pero bakit ka nga nandito?"

"Punta tayo racing track," pag-anyaya niya habang tumatayo't inaayos ang sarili.

"Tinatamad ako, ikaw na lang," sagot ko.

"I knew you'd say that,"

"Sige na, lumayas ka na. Ginulo mo lang pananahimik ko, e,"

"Oo na! Lock your door, alright? Bye!" paalam niya. Hinatid ko siya sa pinto para maisara ko rin 'to gaya ng bilin niya.

Pumunta ako sa kwarto't kinuha ang gitara ko. Kailangan kong libangin ang sarili ko.

Lalo na ang isip ko.

Leeam

"Coff, kamusta na?" tanong sa akin ni Viper. Tiningnan ko lang muna siya bago sagutin.

"I'm fine," tipid na sagot ko saka ibinalik ang paningin sa racing track. Kung saan may dalawang kotse ang nagkakarerahan.

Nandito ako ngayon sa sikat na racing track sa Manila. Well, pag-aari ng pamilya namin, e.

The Imperio Track.

I thought I will be with Marrette today. But she rejected me! I think, she's going to think about the conversation we had before I came here.

"Pansin mo ba 'yong pulang sasakyan?" tanong na naman nitong katabi ko. Napunta tuloy ang paningin ko sa sasakyang sinasabi niya. Sa totoo lang, kanina ko pa 'yan napapansin. Kanina pa kasi 'yan nakikipagkarerahan and luckily, lagi rin naman siyang nananalo. "Ikaw na ang sunod na lumaban sa kaniya," nakangising sabi niya pa.

"I'm not in the mood, gusto ko lang manood,"

Well, that wasn't my plan earlier. I'm planning to have a friendly match with Marrette, and I hate to say again that she rejected me.

"KJ," dinig kong bulong niya pero hindi ko na pinansin pa.

Agad na natapos ang karera at gaya ng inaasahan, panalo na naman ang taong sakay ng pulang sasakyan na 'yon. Natanaw kong nilapitan na siya ng announcer at tinanong kung sino na ang gusto niyang sunod na makalaban.

Ganoon kasi ang rules dito. Ikaw ang mamimili kung sino ang gusto mong kalabanin. Habang nananalo ka, pataas ng pataas ang makukuha mong pera bilang prize, magkakaroon ka rin ng chance na mapasama sa top racers ng lugar na 'to. Lalo na kung isa sa top racers ang makalaban mo, maaaring ikaw na ang pumalit sa posisyon nila kapag natalo mo sila. Random kasi ang pagpili dito, at madalas wala silang ideya kung sino ang pinipili nila.

"'Yong babaeng naka-baby pink na loose long sleeves, naka-sunglasses at naka-cap na black," dinig kong sabi nong babaeng—wait, babae?!

Agad akong napatingin sa gawi kung nasaan 'yong announcer at pulang sasakyan.

Babae ang driver non?

If you're thinking kung bakit ngayon ko lang nalaman, ngayon lang rin kasi siya nagsalita sa microphone. Kanina kasi, palaging 'yong announcer ang nagsasabi kung sino ang gusto niyang makalaban. Pero ngayon, siya na talaga mismo ang nagsalita! Naiiwas ko ang paningin ko doon at wala sa sariling nailibot ang paningin ko sa mga tao. At... nakatingin silang lahat sa akin.

What's wrong with me?

"Coff! Ikaw ang gustong makalaban nong babaeng nasa pulang sasakyan!" dinig kong mahinang bulong ni Viper sa tabi ko. Si Viper, he's one of the top racers here. We're not friends, and we're not enemies, too. We just happened to know each other because we had a match before, and that's the first time that he didn't win. I practically scratched his image—being undefeated because of that match.

I don't know him, I mean, the real him. I just know him as Viper, like how he knows me as Coff. Nothing more, nothing less. I use Coff as my codename, because of my coffee brown-colored eyes.

But, wait. What did he say again?

"W-WHAT?!" gulat na sigaw ko, when I realized what he's saying. Napatingin naman lalo lahat sa akin ngayon. Wala sa sariling pinagmasdan ko ang sarili ko.

Naka-baby pink loose long sleeves, naka-sunglasses at naka-cap ako. Tugma sa sinabi nong babaeng 'yon. What the hell? Ako nga ang hinahamon niya. Bakit ba ako nag-baby pink? Agaw-pansin tuloy! Sana nag-black na lang ako.

Itinaas ko naman ang kanang kamay ko at nagsimulang maglakad papunta sa sasakyan ko.

"WOAH!"

"COFF, FOR THE WIN!"

"IDOL!"

Agad na naghiyawan ang mga tao, pero hindi ko na pinansin 'yon. Sumakay na ako sa loob ng sasakyan ko at tinanggal ang sunglasses ko. Hinimas-himas ko pa ang manibela nito. Wala namang makakakita dahil tinted ang sasakyan ko.

"Lac, this is unexpected. Sorry," Lac ang pangalan ng kotse ko. Black kasi ang kulay niya, common na kung tatawagin kong black, kaya Lac na lang. Umabante na ako papunta sa starting line, katabi ang pulang sasakyan na makakalaban ko ngayon.

3...2...1... GO!

At nagsimula na nga kaming umandar. Smooth lang, nauuna ako sa kaniya. I'm one of the top racers here, that's why I don't have any plans of losing this match. Sayang naman ang posisyon ko.

Maya-maya lang ay nakita ko na siyang nakakasabay sa akin. Ibinaba pa niya ang bintana ng sasakyan niya at tumingin sa akin. Napatingin rin naman ako sa kaniya pero hindi naman niya makikita 'yon, dahil tinted nga ang sasakyan ko. Naka-mask siya. Weird. Nasa loob na ng sasakyan, naka-mask pa?

Three laps bawat race. Huling lap na 'to. Gaya kanina ay nauuna pa rin ako. Binuksan ko ang bintana at nagpahangin. Chill na lang kasi ako. Kalahati na lang naman.

*BLAG*

Nagulat ako sa malakas na galabog na 'yon. Agad akong napatingin sa pulang sasakyan na 'yon, at hindi nga ako nagkakamali. Sumadsad siya sa gilid ng race track. Ibinaba niya rin ang bintana ng kotse niya kaya nagtama ang mga paningin namin.

Her eyes are quite familiar.

"TULUNGAN MO AKO! SASABOG ANG SASAKYAN KO!" dinig kong sigaw niya.

"WHAT?!" sigaw ko rin habang sinasabayan ang takbo ng sasakyan niya!

"IDIKIT MO ANG SASAKYAN MO! LILIPAT AKO DIYAN!" kahit na ayaw ko, wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod! Hindi kaya ng konsensya ko kung maa-aksidente siya ng wala akong ginawa.

Sorry, Lac! Magagasgasan ka pa.

Agad naman siyang lumabas sa bintana ng sasakyan niya at tumawid sa bintana ko, pero ang hirap! In-auto drive ko ang sasakyan ko, at niyakap siya papasok!

"SIPAIN MO PAPALAYO 'YONG SASAKYAN MO!" sigaw ko noong paa na lang niya ang nadidikit sa bintana ng sasakyan niya. Agad naman niya 'tong sinunod, bago tuluyang makapasok sa sasakyan ko.

Konting distansya lang ang mayroon kami mula sa sasakyan niya. Kaya nagmadali na akong umiwas! Agad kong in-off ang auto drive at minaneobra papalayo sa sasakyan niya.

*BOOM*

Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalayo ay sumabog na ang sasakyan niya! Umabot hanggang sa amin ang impact kaya nahirapan akong i-control ang sasakyan ko.

"LAC! KAYA MO 'YAN!" sigaw ko pa, na parang maiintindihan ako ng sasakyan ko.

"A-ANONG KAYA KO?!" sigaw rin nitong katabi ko!

"ANONG, ANONG KAYA KO?! SHUT THE FUCK UP! I'M NOT TALKING TO YOU! IDIOT!" inis na sigaw ko sa kaniya! Kung hindi dahil sa kaniya, hindi mangyayari sa akin 'to!

"TINAWAG MO AKO SA PANGALAN KO, TAPOS SASABIHIN MONG HINDI MO AKO KINAKAUSAP?! PAANO MO AKO NAKILALA?!" sigaw niya kasabay ng paghinto ng sasakyan ko. Kaya nakapag-focus ako sa boses niya.

At pamilyar din ang boses niya, except that her voice has a hint of coldness.

"I don't know you and I wasn't talking to you. I was talking to my car. Its name is Lac. Is that already clear?" mahinahong sagot ko habang naghahabol ng hininga. Naubusan ako ng hangin dahil sa kaba ko na baka maaksidente ako—I mean, kami!

"A-ah, I thought... ugh, nothing," sagot niya at umayos ng pagkakaupo sa kinauupuan niya.

"You look familiar," wala sa sariling usal ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"W-what?"

"Your eyes, and your voice,"

"A-ah," naiusal niya.

Mas pinagmasdan ko naman siya at ramdam kong naiilang at kinakabahan siya.

"Who are you? Is Lac is your name, or something that sounds like that?"

"N-no,"

"Liar," seryosong sagot ko.

"I don't know you, bakit ko sasabihin sa'yo ang pangalan ko?"

"Hindi mo nga ba ako kilala?" makahulugang sagot ko at nakipagtitigan sa kaniya. Kaya kitang-kita ko ang pagbalatay ng gulat sa mga mata niya na agad rin naman niyang naitago.

I don't know why I said that. I just feel something... I can't even explain.

"Don't mind me, bumalik na tayo doon," pag-iiba ko sa usapan at nagsimula nang magmaneho papunta sa kung saan kami nagsimula kanina. Agad naman kaming sinalubong ng mga tao ng may pag-aalala sa mukha. Malamang alam na nila ang nangyari sa gitna ng laban.

Dahil dinumog ako ng tao, hindi ko na napansin pa ang babaeng nakalaban ko kanina. Nagpalinga-linga ako at nagbabakasakaling makita siya, pero wala talaga.

Why do I feel like I was with... Criza?

ayemsiryus

Continue Reading

You'll Also Like

266K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
204K 7.5K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
461K 1.3K 5
As the middle kid, I thought I was exempt from their expectations and everything since I could do anything I wanted, act as I pleased, and even disap...