BOOK I: Touch Her and You'll...

By ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 14

3.5K 121 6
By ayemsiryus

Chapter 14 – Her Paradise

Criza (Ciel)

Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang pagkabagot. Maghapon na lang ba akong magmumukmok dito sa kwarto? Aish! Wala akong magawa! Sunday ngayon, ibig sabihin rest day ko. Sa loob ng ilang linggong pagte-training, masaya ako sa resulta. Napakarami kong natututunan na alam kong magagamit ko para protektahan ang sarili ko, lalo pa't lapitin talaga ako ng kapahamakan. Napapansin ko rin ang improvement sa built ng katawan ko na gawa ng araw-araw na pagte-training. Unti-unti nang naa-adapt ng katawan ko 'yon, hindi katulad noong mga unang araw. Para akong binugbog kada matatapos ang training! Sabi ni Nique, normal lang daw 'yon. Nabigla lang daw ang katawan ko dahil hindi nga sanay. And speaking of her...

"AHHHHH!" inis at frustrated na sigaw ko.

*KNOCK KNOCK*

"PRINCESS! ANONG NANGYAYARI SA'YO?!" narinig kong sigaw ni Manang mula sa labas ng pinto.

"W-WALA PO, MANANG! NAGPA-PRACTICE LANG PO AKO. MAY PLAY PO KASI KAMI SA SCHOOL!" ganting sigaw ko, pero syempre gawa-gawa ko lang 'yan. May dahilan talaga ako!

"SIGURADO KA BA?! O, SIGE! TINAKOT MO KAMING BATA KA, TAWAGIN MO NA LANG AKO KUNG MAY KAILANGAN KA, HA!" narinig ko pang sigaw niya.

"OPO, MANANG!" sagot ko naman, pero hindi ko na siya narinig pang sumagot.

So, ito na nga ang dahilan ng pagsigaw ko! Naalala ko na naman kasi si Nique! Badtrip ang babaeng 'yon! Dalawang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin! Noong Friday ang huling usap namin over the phone pa! Hindi ko siya nakita non sa school at miski sa training namin. Si Leeam at Marrette lang ang kasama ko, pati na rin kahapon, whole day ang training namin pero ni anino niya ay hindi ko rin nakita. 'Yong dalawa lang rin ang nakasama ko. Magpahanggang ngayon ay wala pa ring paramdam.Walang tawag, walang text. Ni ha, ni ho. Wala!

Okay, alam ko namang wala siyang obligasyon na magparamdam sa akin. Syempre, sino ba naman ako? Kababata niya? Childhood sweetheart? Kaibigan? Aish! Pero sana magparamdam pa rin siya, kasi nag-aalala ako. Although, sabi nina Leeam may importante lang daw na ginagawa. Hindi pa rin sapat 'yon!

Sino nga ba ako para kay Nique?

Bigla naman akong nalungkot sa naisip ko. At bakit ako malulungkot? May sasabihin ako sa inyo, isang malupit na sikreto! Aish! Nalulungkot ako kasi... kasi mayroon na siyang 'posisyon' sa buhay ko... sa puso ko. Alam kong ang bilis pero basta na lang naman dumarating 'yong pakiramdam na 'yon, e. At kailan ko lang tuluyang inamin sa sarili ko 'yon. Kailan lang natapos 'yong pagkalito ko. Ngayon sigurado na ako, si Nique ang gusto ko. Siya ang may hawak ng puso ko.

Kung tatanungin niyo si Marrette, kaibigan ko siya, at hanggang doon lang 'yon. Ayaw ko lang talagang nakikita siyang malungkot. 'Yong pagbilis ng tibok ng puso ko kada hawak niya ang kamay ko? Bago lang kasi sa akin ang magkaroon ng ganoong gesture mula sa ibang tao kaya parang na-o-overwhelm lang ako sa pakiramdam. But it has nothing to do with 'love'.

I didn't even try to stop myself from falling. Bakit pa? Mahirap kalaban ang puso. Kapag 'yan na ang nakaramdam at nagdikta, wala na tayong magagawa. Susundin mo 'to at mararamdaman mo kung paano maging tunay na masaya o pipigilan mo 'to at masasaktan ka. You choose.

*KNOCK KNOCK*

Naputol ang pagmo-moment ko nang may kumatok sa pinto. Aish! Panira naman! Nag-e-enjoy pa ako sa kung paano ko nailalabas 'yong nararamdaman ko, e!

"SINO 'YAN?!" sigaw ko sa kumakatok sa pintuan. Pero patuloy pa rin siya sa pagkatok at hindi man lang sumagot.

Kaya no choice ako kung hindi ang tumayo mula sa pagkakahiga at buksan ang pintuan.

At halos tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa pagkabigla. Literal pang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa taong nasa harap ko. Sumalubong sa akin ang walang emosyon niyang mukha, as usual. Lalo na ang walang emosyon niyang mga mata. Ang mga mata niyang kulay abo na kapag nasimulan mo nang titigan, hindi mo na magagawang tigilan dahil para kang nahihipnotismo nito.

Prente lang itong nakatayo sa harap ko habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa niya. Gray polo shirt na fit sa kaniya kaya lumantad ang napakagandang hubog ng katawan niya. Itinerno sa isang black fitted pants. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang itim niyang sapatos na sa tingin ko'y Vans ang tatak. Kung hindi Vans, low-cut Converse ang madalas niyang suot. May suot na itim na wrist watch. Naka-ponytail ang kaniyang buhok, na hindi na bago sa paningin ko. Kung tutuusin, napakasimple lang ng porma niya. Pero napakagaling kasi niyang magdala ng damit!

In short, may dyosang nakatayo ngayon sa harapan ko habang diretsong nakatingin sa akin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tumalon ako payakap sa kaniya! 'Yong mga braso ko ay nakayakap sa batok niya, samantalang ang mga binti ko ay nasa bewang niya. Oo na! Mukha na akong tarsier dito, pero wala akong pakialam. Miss na miss ko siya, e! Natuwa naman ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang unti-unting yumayakap sa katawan ko.

"Hey, why are you crying?" narinig kong tanong niya. Doon ko lang napagtantong umiiyak na pala ako!

Ang drama ko!

"W-wala, tears of joy lang 'to," sagot ko. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin, kaya ganoon rin ang ginawa ko.

Ibang klase, hindi man lang ba siya nabibigatan sa akin? Parang wala lang sa kaniya na buhat niya ako ngayon.

"I missed you, Nique," mahinang bulong ko habang nahikbi pa rin.

"I missed you too, Ciel," sagot naman niya.

'Yong mga ganitong moments namin, her actions towards me at mga salitang binibitiwan niya. 'Yang mga 'yan ang dahilan kung bakit may sumisibol na pag-asa sa puso ko na baka... gusto niya rin ako.

"Mag-ayos ka, may pupuntahan tayo," dinig ko pang bulong niya kaya napahiwalay ako sa pagkakayakap sa batok niya at tiningnan siya ng may nagtatanong na mga tingin. Pero nginitian niya lang ako. Take note! Nginitian niya ako! Pansin ko na napapadalas na ang pagngiti niya ng ganoon kaganda. Although, may mga oras pa rin na walang emosyon at seryoso ang mukha niya. Sa tingin ko, nasanay na lang talaga siyang ganoon. Ang mahalaga lang naman, nagagawa na niyang ngumiti.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang magsimula ng umandar ang kotse niya.

"Basta," tipid na sagot niya.

"Oo nga pala, bakit hindi ka nagpakita o nagparamdam sa akin nitong nakaraang dalawang araw, ha?" masungit na tanong ko.

"Para sa araw na 'to,"

"Bakit ba ang tipid-tipid mo magsalita?!" singhal ko sa kaniya. Alam ko namang likas na rin sa kaniya 'yon pero sa pagkakataong 'to, gusto kong marinig ng paulit-ulit ang boses niya kasi kahit magkasama na kami ngayon, pakiramdam ko hindi pa rin nawawala 'yong pagka-miss ko sa kaniya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Anong itinatawa-tawa mo diyan?!" tanong ko rito.

"Wala naman, bakit ba nagagalit ka?" tanong nito na halatang pinipigilan ang tawa.

"E, nakakainis ka, e!"

"Para kang bata," nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Na siya ring dahilan kung bakit bigla akong nanahimik dahil ito na naman ang pangunguna ng tibok ng puso ko. Akala mong lalabas na siya mula sa dibdib ko!

Puso, kalma lang!

"Sorry, kung hindi ako nagparamdam sa'yo. Kaya nga ako nandito ngayon para bumawi, e," naging malambing ang tono ng boses nito. Wait, did I really say 'malambing'? Demigod, pakiramdam ko tumalon ang puso ko dahil sa ginamit niyang tono! Nawala 'yong coldness sa boses niya. Bakit ganoon? Ang sarap sa tenga. Idagdag mo pang nakangiti siya habang sinasabi niya 'yon.

Kapag ganiyan ka, lalo akong nahuhulog sayo, e.

"O-oo na!" kunwaring pagalit kong sagot.

Para mapagtakpan ang nararamdaman kong... kilig.

"Sisiguraduhin kong magiging masaya ka ngayon, Ciel," nakangiti niyang sabi at sumulyap pa sa akin.

Bakit? Bakit lalo siyang gumaganda sa paningin ko kapag ngumingiti siya? Lalo na kapag ang sweet at charming ng dating ng ngiting ibinibigay niya. Oh my demigod, ganoon ba kalakas ang tama ko sa kaniya?

Ngumiti ako bago sumagot. "Kapag kasama kita, alam kong magiging masaya ako, Nique. Hindi lang ngayon, kung hindi sa lahat ng pagkakataon," mas lalo naman itong napangiti dahil sa sinabi ko. Woah! Sampung puntos para kay Ciel! Nagulat naman ako nang itigil niya ang kotse sa tabi't hinila ako papalapit sa kaniya.

At muli kong naramdaman ang kakaibang kiliti sa sistema ko sa tuwing... hinahalikan niya ako sa noo. Aish! Hindi ko na makayanan. Nakakabaliw ang kilig na nararamdaman ko! Help! Pero masaya ako. Sobrang saya. Lalo pa nang maramdaman ko ang mga bisig niyang unti-unting yumayakap sa akin.

"Na-miss talaga kita, Ciel," at narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito na parang isang musika sa pandinig ko. Natawa rin naman ako dahil sa inasal niya.

Pero may isang tanong na gumuguhit ngayon sa isip ko. Pero wala akong lakas ng loob para isatinig.

Nique, may pag-asa kaya 'tayo'?

Nakaramdam ako ng kung ano sa bandang tenga ko. Nakakakiliti at mainit pero masarap sa pakiramdam. Natawa ako ng bahagya dahil dito, at laking gulat ko nang marinig ding tumawa ang kung ano sa tenga ko. Teka! Nananaginip ba ako? Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong marahan nitong kinagat ang tenga ko. At nang mapagtanto ko kung ano 'yon...

"NIQUE!" sigaw ko dito sabay tulak sa kaniya. Narinig ko namang humagalpak ito sa pagtawa.

Bigla namang nawala ang pagkagulat at bahagyang pagkainis ko nang pagmasdan ko siya habang tuloy pa rin siya sa pagtawa. What a beautiful view to look at. Kung maganda na siya kapag naka-poker face, well sorry to say but, she's more beautiful when she's laughing. At hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa nakikita ko. Ilang segundo pa siyang nanatiling ganoon nang mapatingin siya sa akin. Tila nahimasmasan naman siya, at inayos ang sarili.

Tumikhim pa muna siya bago magsalita. "Bakit?" tanong nito, bumalik na sa kaniyang mukhang walang emosyon. Aish!

"Wala. Alam mo... dapat lagi kang nakangiti o nakatawa. Sayang ang mapuputi't pantay na pantay mong mga ngipin kung palagi mo lang itinatago," natatawang sagot ko dito. Nakita ko namang sumimangot pa 'to lalo at sinamaan ako ng tingin. Aish! Bakit ang cute niya?! "Seriously, mas gumaganda ka, hindi lang sa paningin ko, kapag ngumingiti o tumatawa ka. Come on, Nique. Smiling or laughing is not a crime, you can freely do it, anytime," napansin kong lumambot ang ekspresyon ng mukha nito't unti-unting ngumiti sa akin. "'Yan, ganiyan!" hiyaw ko na itinuro pa siya.

"Okay, ise-set aside ko 'yong pagiging busangot ko ngayon," natatawang sabi nito kaya napatawa rin ako. "Since, gising ka na. Halika na, nandito na tayo," saka niya ako inalalayang bumaba ng sasakyan, at nagsimula nang maglakad.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang pinagmamasdan ang gilid ng pathway na dinadaanan namin ngayon. Puro puno lang naman. Pero, gustong-gusto ko kasi ang mga puno. Nare-relax ako kahit tinititigan ko lang sila. Kakatingin ko sa kung saan-saan, hindi ko na namalayang ang next step pala ay hagdanan kaya ang ending...

"Be careful, Ciel," sambit ni Nique nang masalo niya ako. Ngayon ko lang rin na-realize na ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't-isa. But it doesn't matter anymore. Biro lang! Pinipilit ko lang hindi pansinin dahil pakiramdam ko hihimatayin na ako sa sobrang pagpipigil ko ng hininga. Well, kung hindi rin naman dahil sa kaniya, baka nahulog ako.

Iniayos niya na ako ng tayo at inalalayan pababa ng hagdan, at nang mag-angat ako ng tingin.

"WOW!" malaking 'wow' talaga!

Ang ganda rito! Asul na asul ang kulay ng tubig, samahan pa ng puting buhangin. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig mo lang ay ang ihip ng hangin at ang hampas ng alon sa buhangin.

Sa sobrang pagkasabik, hinubad ko agad ang suot kong sapatos at itinaas ng bahagya ang pantalon ko. Saka ako tumakbo papunta sa dalampasigan at nagtampisaw.

"Grabe! Napakalinis at napakalinaw ng tubig! Pwedeng-pwede akong manalamin! Nasaan ba tayo, Nique?" masayang tanong ko dito habang naglalaro pa rin sa tubig.

"Rest house ko 'to. My paradise, my comfort zone. Nandito ako kapag stress ako, and I need a break. Nare-relax kasi ang isip ko kapag tahimik at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na ihip ng hangin, na sinabayan pa ng hampas ng alon ng dagat," nakangiting sambit nito.

So, may pagka-nature lover pala siya.

"Paano mo na-discover ang lugar na 'to? Kasi, wow talaga! Hindi ko ine-expect na may ganitong lugar pa pala. I mean, tingnan mo naman kasi ang kalikasan natin sa ngayon, 'di ba? So 'yon, paano?" tanong ko pa rito.

"Matagal nang pagmamay-ari ng pamilya ko ang lugar na 'to. Iniregalo lang 'to sa akin ni Dad, 5 years ago. Then, simula non, ako na ang nangalaga dito," naglakad naman ito papalapit sa akin. "Halika, ipapakita ko sa'yo 'yong bahay ko dito," at magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa bahay na sinasabi niya. Pagkarating ay halos malaglag ang panga ko at lumabas ang mga mata ko mula sa eye sockets ko.

"Oh my demigod! Glass house?!" tanong ko sa sobrang pagkamangha. "Ganito ang dream house ko! Oh my demigod!" tili ko pa.

"Really? So, I'm expecting that you'll really enjoy this day," saka niya ako hinila papasok sa bahay. Gray, black and white motif as expected. Inilibot ko pa ang paningin ko. Wala akong masabi. Napakaganda!

Napakalinis tingnan at ang lakas ng dating ng bahay na 'to. Parang kahit kanino, magagawa mong ipagmalaki 'to. Bawat gamit sa loob nito, simple lang tingnan pero alam mong mamahalin. Plain lang lahat kung tutuusin, walang kadise-disenyo pero napaka-mature tingnan.

"Kumain muna tayo, magluluto ako," sambit nito at naglakad papunta sa kusina siguro kaya sumunod ako.

"Marunong ka talaga magluto, no?"

"Yes," at nagsimula na nga siyang magluto. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. Since, ayaw niyang tumulong ako. Parang nahihiya rin naman akong tumulong dahil baka makagulo lang ako. Wala akong alam sa mga gawain sa loob ng kusina kaya madali akong humahanga sa mga ka-edad o mas bata pa sa akin na marunong magluto.

Matapos niyang magluto ay kumain na kami. Okay, na-speechless ako dahil sa sarap ng luto niya! Kasi naman, wala sa itsura niyang marunong—wait, hindi lang marunong. Kung hindi, magaling siyang magluto!

Lalo naman akong na-turn on sa kaniya.

"Tara, swimming tayo. Hindi mo mae-enjoy ang lugar kung hindi ka makakaligo sa dagat," nakangiting anyaya nito at hinila ako papunta sa kwarto. Pagkapasok ay may pinasukan pa siyang isang pinto, sa tingin ko ay walk-in closet dahil paglabas niya ay may dala na siyang swimsuits—wait, what? As in, swimsuits?!

"Mauuna na akong magpalit, ha?" sabi niya sa akin at pumasok na sa isa pang pinto na nandito sa kwarto niya. Sa tingin ko, banyo 'yon. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na siya.

OH MY DEMIGOD!
BAKIT?!
BAKIT ANG...
BAKIT ANG GANDA NG KATAWAN NIYA?!

Literal na napanganga at nanlaki ang mata ko nang tumambad sa akin ang kabuuan niya. Perpektong kurba ng kaniyang katawan, dagdag mo pa ang sexy abs na kumakaway ngayon sa akin. Damn! Proportion sa katawan nito ang mga braso't binti niya. Tama lang ang haba at laki ng mga 'to. Muli kong iniangat ang tingin ko at napadako ito sa bandang dibdib niya. Oops! Hindi doon sa 'alam niyo na 'yon', may napansin lang akong parang tattoo sa may kaliwang bahagi ng dibdib niya. Isa 'tong maliit na pentagon at nakasulat sa ilalim nito ang PENTA na Old English Text ang font, kung hindi ka nga pamilyar sa font style na 'yon, hindi mo rin agad maiintindihan ang nakasulat. Hindi ko man alam kung ano 'yon, kung para saan 'yon, pero hindi ko maitatangging mas nakadagdag 'yon sa lakas ng dating niya.

Demigod! Pakiramdam ko hihimatayin ako. Ano ka ba naman, Nique?! Ngayon ko lang rin napansin na pinagpapawisan na pala ako. Grabe, ano ba namang klaseng pakiramdam 'to.

"Ikaw naman ang magpalit," nakangiting sabi nito at itinulak pa ako papunta sa banyo.

Puti naman ang two-piece swimsuit na suot ko. 'Yong kay Nique kasi ay itim, kaya mas lumutang ang maputing kulay ng kaniyang balat. Nang matapos kong isuot ang swimsuit, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin.

Hmm, not bad.

Napangisi naman ako dahil sa naisip ko. Halos mabaliw ako kanina, ikaw naman ngayon, Nique! At lumabas na ako ng banyo.

Mas napangisi pa ako nang makuha ko ang reaksyon na inaasahan ko mula sa kaniya. Kitang-kita ko na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Saka siya nag-iwas ng tingin, at nakita ko rin ang bahagyang paglunok nito't pagpunas ng pawis sa bandang noo.

Napansin kong nakalugay ang mahaba't straight nitong buhok na kulay itim rin. Bagay na bagay sa kaniya kapag nakalugay lang ang buhok niya.

She's so freaking hot!

"Tara na?" nakangiting yaya nito sa akin, tumango naman ako dito at hinawakan ang kamay niya. Ako na ang humila sa kaniya hanggang sa makarating kami sa dagat.

Agad naman kaming lumusong at tumigil sa parteng hanggang dibdib niya na hanggang balikat ko naman dahil mas matangkad nga siya sa akin. Nakakatuwa talaga ang lugar na 'to. Lalo na ang dagat. Grabe sa linis at linaw. Napaka-relaxing pa ng kulay. Idagdag mo pa ang lamig nito. Pakiramdam ko na-freshen up ang buong katawan ko.

"Marunong ka bang lumangoy?" narinig kong tanong ni Nique.

"Hindi, e," sagot ko at nagpatuloy sa pagtalon-talon. "Ikaw?" balik-tanong ko.

"Marunong," tipid na sagot niya.

"May bagay ka bang hindi kayang gawin? Parang lahat kasi, kaya mo, e,"

"Mayroon naman,"

"Ano 'yon?" talagang bahagya pa akong napatingin sa kaniya. Hindi kasi ako makapaniwalang may hindi siya kayang gawin.

Tinitigan niya muna ako bago magsalita. "Hindi ko kayang... kalimutan ka," lumapit siya sa akin na halos wala nang makakadaang kahit ano sa pagitan namin. "Hindi ko kayang... saktan ka," dahan-dahan niyang iniharap ang mukha ko sa kaniya. "Hindi ko kayang... iwan ka," inilagay niya ang mga braso ko sa batok niya't pinulupot naman niya ang mga braso niya sa bewang ko. "At hindi ko kayang... mawala ka," saka niya ako mas inilapit pa sa kaniya, ipinagdikit niya rin ang mga noo namin at tinitigan ako sa mga mata. Dahil sa nakakaduling ay pumikit na lang ako.

Ramdam na ramdam ko ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na ang pamumula ng buong mukha ko. Pero ang nakapagtataka, bakit kung gaano kalakas at kabilis ang tibok ng puso ko ay ganoon rin 'yong sa kaniya? Nararamdaman at naririnig ko dahil magkadikit lang ang mga katawan namin.

Pwede bang sabihin niyo sa akin kung anong gagawin ko?! Kung anong sasabihin ko?! Masyado akong na-speechless sa mga bagay na hindi niya kayang gawin!

Nakaisip naman ako ng kalokohan para makaalis sa sitwasyon na 'to. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya at tinitigan muna siya sa mga mata niya. Inihanda ko ang sarili ko at...

*SPLASH*

Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha. Agad naman akong lumayo habang tumatawa.

"CIEL!" narinig ko pang sigaw niya pero nagpatuloy lang ako sa paglayo hanggang sa makarating ako sa pampang, umahon ako't tumakbo na dahil nakikita kong papalapit na siya.

Naghabulan lang kami sa buhanginan habang nagtatawanan.

"Lagot ka sa akin kapag nahuli kita," sabi ni Nique.

"Habulin mo ako," sagot ko naman in a playful tone. At nagpatuloy pa rin kami sa habulan.

"AHHHHH!" tili ko nang maramdaman ko ang mga braso niya sa bewang ko. Pero parang bigla naman akong na-out of balance kaya babagsak na naman ako. Kaya napapikit na lang ako habang hinihintay ang pagbagsak ko.

"Sa tuwing tatakbo ka palayo, ako ang hahabol sa'yo," hinihingal na sabi ni Nique kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at na-realize kong—. "At sa tuwing mahuhulog ka... huwag kang mag-alala, nandito ako palagi para saluhin ka," nagtititigan na naman kaming dalawa.

Sa mga ganitong sitwasyon lang ba applicable ang huling sinabi niya? Hindi ba pwedeng sa sitwasyong pinagdadaanan ko ay maging applicable din 'yon? Sasaluhin mo kaya ako? Dahil unti-unti na akong nahuhulog...

Sa'yo.

"Pero sa ngayon, paparusahan muna kita dahil sa ginawa mong kalokohan," at binuhat ako nito na parang sako ng bigas. 'Yong pasan niya ako gamit ang balikat niya.

"Nique! Ibaba mo ako!" natatawang sabi ko dito.

"Ayaw ko," dinig kong sagot niya. Nang matapakan na niya ang tubig, dahan-dahan niya akong inilipat mula sa balikat niya papunta sa bewang niya. 'Yong mga binti ko ay nasa bewang niya at ang mga braso ko ay nasa batok niya. Saka siya unti-unting naglakad papalusong sa tubig.

"Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" nahihiyang tanong ko dito.

"No. Malakas ako, hindi lang halata sa katawan ko," natatawang sagot niya kaya tumawa na rin ako.

Nanatili pa kami doon ng ilang sandali saka namin napagpasyahang pumasok na sa bahay niya. Hapon na rin kasi't, matindi na ang sikat ng araw. Nagbanlaw lang kami pareho—hindi magkasabay, ha! Nauna ako, bago siya!

Ngayon ay nakahiga na kami sa kama, katatapos lang din namin ulit kumain. Magpahinga daw muna kami dahil napagod siya sa pagligo.

"Take a rest, Ciel," mahinang sabi niya.

"I will. You too," sagot ko dito. Naramdaman ko naman ang unti-unting pagyakap nito sa akin. Mag-iinarte pa ba ako? Syempre, hindi na kaya yumakap na rin ako.

Ilang sandaling katahimikan, at naramdaman ko na rin ang pagbigat ng talukap ko. Kaya pumikit na rin ako at natulog.

Sana ganito na lang tayo palagi, Nique... sana palagi tayong masaya.

ayemsiryus

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
586K 21.6K 58
The Vampire Princess #1: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED] Sherez Monica Centrias, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Centrias University. Nalipat...
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
472K 10.7K 50
Wendel Garcia is just an ordinary 20 years old student na ang gusto lang sa buhay ay mataguyod nya sa kahirapan ang pamilya. She's a loving daughter...