BOOK I: Touch Her and You'll...

By ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 9

5K 136 4
By ayemsiryus

Chapter 9 – Her Job

Criza (Ciel)

"Good morning, Mom," nakangiting bati ko sa magandang Mom ko pagdating ko dito sa garden ng bahay.

"Good morning, Princess. Why are you so early?" saka niya ako pinaupo sa upuang nasa tabi niya.

Gusto ko sanang isagot sa kaniya na kaya ako maaga dahil hindi pa naman talaga ako nakakatulog. Alright, ako na ang nagpuyat. Pero hindi naman 'yon intentionally kong ginawa, sadyang hindi lang ako makatulog. Paidlip-idlip lang ako pero pakiramdam ko gising ang diwa ko buong gabi kaya para sa akin wala akong itinulog.

"You know, Mom, body clock. Nasanay na po akong gumising ng maaga kaya heto," sagot ko na lang. Well, that's partly true.

"You look like a panda, Princess," nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Mom. "I think from now on, I should start calling you Panda instead of Princess," natatawang sabi pa niya kaya napanguso ako.

"Mom, you're so mean," nagtatampo kunwaring sabi ko.

Naiintindihan ko naman ang sinabi ni Mom. Ano pa bang aasahan mo sa taong walang tulog? Syempre, eyebags! At 'yan ang mayroon ako ngayon.

"I'm just kidding, Princess. But care to tell me why do you look like that? Parang wala kang tulog? I mean, wala ka talagang tulog," natatawa pa ring sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Bakit nga ba ako napuyat? Simple lang ang sagot, ACQUAINTANCE PARTY. I mean, lahat ng nangyari sa party na 'yan. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko bawat eksena kagabi. Oo, kagabi lang! Walang morning classes ngayong araw para magkaroon ng pahinga ang students. Pero mamayang hapon ay may klase na, na balak kong hindi na rin pasukan dahil hindi ko pa yata kayang harapin 'yong dalawa. Sino pa ba? Si Nique at Marrette.

Damn. Kagabi ko lang kasi napag-isip-isip ang lahat. Pero hindi ko naman magawang paniwalaan ang conclusion ko.

"Princess!" natauhan ako nang bigla akong tawagin ni Mom.

"Y-yes, Mom?"

"What's bothering you? Kanina pa kaya ako salita ng salita dito pero hindi ka naman kumikibo," bakas ang pag-aalala sa boses ni Mom kaya napabuntong-hininga ako.

"Mom, may itatanong po ako sa inyo," tumango naman siya na parang sinasabi niyang 'sige lang, magtanong ka lang'.

Hindi naman siguro masamang kumonsulta sa magulang, 'di ba? In fact, they always say that mother knows best.

"Paano niyo po malalaman kung... kung may gusto sa inyo ang isang tao?" napapikit pa ako habang tinatanong 'yan pero agad din akong napamulat nang may marinig akong pagtawa. "Mom! Bakit po kayo tumatawa? Tinatawanan niyo po ako, no?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"No, it's not like that, Princess. Natatawa lang ako sa kainosentehan mo," napangiwi ako nang bigla niyang kurutin ang pisngi ko. Ginawa pa akong bata! "So, 'yan ang pinoproblema mo?"

"Yeah, I think so,"

"Mahirap masabi kung may gusto sa'yo ang isang tao. Kasi lahat tayo may iba't ibang opinyon pagdating sa bagay na 'yan. May mga tao kasi na nagagawa lahat ng bagay na pwedeng maging basehan para masabing may gusto nga siya doon sa tao pero kapag tinanong mo siya, wala naman pala talaga. Na likas lang sa kaniya ang mga ganoong kilos o salita. May mga tao naman na hindi kayang magpakita ng basehan pero sila pa 'yong talagang may nararamdaman," hinarap niya ako at ginulo pa ang buhok ko. "Ang labo, no? Alam mo kasi, Princess, ang kilos at ang salita palagi 'yang hindi nagtutugma o nagpapantay. Ang isa kasi sa kanila ay pwedeng maging unconscious part natin at ang isa ay ang conscious part,"

"Ang hirap po kasi nilang basahin, Mom, lalo na 'yong isa. Malayo doon sa isa na expressive, pero hirap pa rin po akong basahin. Hindi ko po alam kung nahihirapan ba talaga ako o wala lang po talaga akong alam pagdating sa ganitong bagay,"

"Base sa pagkakaintindi ko, dalawa ang tinutukoy mo," napapikit ako dahil sa sinabi ni Mom. "Ano bang nangyari at parang ginugulo nila ang isip at... puso mo ngayon?" ngayon naman ay halata na sa boses ni Mom ang pang-aasar.

"Mom," saka ako tumingin sa kaniya na parang sinasabi kong ayaw kong magkwento.

"Come on," nakangiting sagot niya.

Umiling-iling ako. "Papalitan ko na lang po 'yong tanong ko, Mom," huminga muna ako ng malalim. "Paano niyo po malalaman kung... kung may gusto ka sa isang tao?"

"Naguguluhan ka ba?"

"Sobra po. Naisip ko po na baka nagkakagusto na ako doon sa isa pero pakiramdam ko po may puwang rin sa puso ko 'yong isa,"

"So, parang gusto mo makarinig ng 'signs'? Para mapatunayan, o matimbang mo kung sino sa kanilang dalawa? Ganoon ba?" nakangiting tanong ni Mom, at wala na nga akong ibang nagawa kung hindi ang tumango. Dahil 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari. "Sige, susubukan kong makapagbigay,"

"Sige po, Mom,"

"Pinaka-obvious na sign siguro ay 'yong bumibilis ang tibok ng puso mo kapag nasa paligid mo siya,"

Kapag hawak ko ang mga kamay nila. That means, Nique and Marrette. Pero mas madalas kong maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag si Nique ang involved.

"Kapag hinahanap-hanap mo ang presensya niya,"

Si Nique.

"Kapag gusto mong nakikita ang mga ngiti at marinig ang mga tawa niya,"

Walang duda, ganito ako kay Nique. Pero counted rin ba ang pagka-ayaw ko na makitang malungkot ang mga mata ni Marrette?

"Nakakaramdam ka ng tila kuryente kapag nagdidikit ang mga balat niyo,"

Kuryente na palagi kong nararamdaman kay Nique.

"Para sa'yo, perpekto siya sa paningin mo. Wala kang naipipintas sa kaniya at lahat ng tungkol sa kaniya ay napapansin mo. Ang boses niya, ang pagkilos niya, ang pagtingin niya at ang ugali niya,"

Bakit pakiramdam ko si Nique ang tinutukoy ni Mom dito?

"Kapag napapahanga ka niya,"

Paghanga na pareho kong naramdaman sa kanilang dalawa.

"Para sa'yo, isa siyang misteryo na kailangan mong alamin. Kaya ganoon na lang ang pagkagusto mo na kilalanin siya,"

Ganito ako kay Nique. Hindi ko naman sinasabing ayaw kong kilalanin si Marrette, pero iba kasi si Nique!

"Karugtong non, interesado ka sa pagkatao niya,"

Hindi ko maitatangging interesado ako kay Nique.

"Maraming klase ng love, Princess. Sigurado ako na isa lang sa kanila ang kaya mong pagbigyan ng romantic love, at ang isa ay pagmamahal lang ng isang kaibigan. Huwag ka malilito,"

"Mom, wala pa po ako sa stage na 'yan. Masyado na pong malalim ang pag-ibig. Tinatanong ko lang po ay kung paano malalaman kung may 'gusto' ka na sa isang tao, hindi pa po 'mahal'," nakangusong sagot ko.

"Hindi 'pa' mahal. Pero darating ka rin doon," mas lalo naman akong napanguso nang maintindihan ko ang sinabi niya.

May sinabi ba akong 'pa'?!

"Ma'am, may naghahanap po kay Princess," pareho kaming napalingon ni Mom kay Manang Elma nang bigla itong magsalita. Saka ano raw? May naghahanap sa akin?

"Sino po, Manang?"

"'Yong kasama mo kagabi," nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang sinasabi ni Manang. "At 'yong isa ay ngayon lang nakapunta dito. Siya daw si Marrette," ngayon naman ay napanganga na ako.

Damn! Anong ginagawa nila dito?

Bigla akong hindi mapakali ngayong alam ko na nandito silang dalawa. Hindi man lang sila nagsabi na pupunta sila ngayon!

"Princess, calm down," nakangiting sabi ni Mom saka niya ako inakay papunta sa receiving area.

Doon nakaupo silang dalawa sa sofa pero nang makita nila kami, agad silang napatayo.

As usual, nakangiti si Marrette kaya nginitian ko rin siya. Si Nique naman ay nakatingin lang sa akin.

"Ciel/Criza," parang gusto kong matawa nang magkasabay pa sila sa pagbati sa akin.

"Sila ba?" pero natigilan at napakagat-labi ako nang marinig ko ang bulong ni Mom sa tabi ko.

Yes Mom, sila po ang dalawang taong tinutukoy ko.

"Remember, choose people who choose you," doon ako tuluyang natigilan.

Dahil muling pumasok sa isip ko ang mga binitiwan nilang salita kagabi.

"Hindi ako lalaban dahil simula pa lang, alam ko nang ako ang talo... dahil ikaw ay para sa kaniya,"

"Nagseselos kasi ako... gusto ko... akin ka lang,"

Nique.

Reeam (Nique)

Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas.

"Aga mo?" si Marrette pala.

"Naiwan ko rito 'yong mga business documents na inaasikaso ko. Kailangan na raw 'to ni Dad," saka ako nagpatuloy sa pagre-review ng sangkaterbang papeles sa harap ko.

"Si Leeam, may inaasikaso rin bang ganiyan?" napatingin ako sa kaniya at nakita kong umupo siya sa usual spot niya dito sa opisina.

"Hindi ko alam. Alam mo namang kauuwi lang niya galing sa ibang bansa. Baka hinahayaan na muna siyang magpahinga nina Mom,"

"Oo nga pala. Nagkita na ba kayo?"

"Hindi pa," matapos non ay hindi na siya sumagot pa.

Habang tinitingnan ko siya, muling bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi sa pagitan naming tatlo ni Ciel.

At ngayong pumasok na naman siya sa isip ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko hindi ko na siya makikita pa. Unti-unti na nga akong bumibitiw sa pinanghahawakan kong pangako niya noon, dahil na rin nakilala ko si 'Louise' ngayon. 'Yon pala, iisa lang sila ni Ciel.

Mapaglaro nga talaga ang tadhana.

"Stop smiling," naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Marrette. "Smiling is not your thing, Reeam,"

"And I'm not Reeam. Why are you not calling me 'dude' anymore?" tinigil ko na ang pagtatrabaho at sumandal sa swivel chair para matitigan ko siya ng diretso. Sinulyapan niya lang ako saka ibinalik ang tingin sa laptop na nasa harap niya. "Answer me,"

"Why? Hindi ba't ayaw mo ngang tinatawag kitang ganoon? Now that I'm giving you the thing that you want, I'll get questioned?" sagot niya ng hindi man lang tumitingin.

"I get it. This is all about Ciel,"

"Ciel?" doon siya tuluyang tumingin sa akin. "Oh, your childhood sweetheart who happened to be Criza," hindi ako sumagot. Nakita kong isinara niya ang laptop niya. "What about her?"

"What about her, really?" tumayo ako at pumunta sa harap ng office table ko saka sumandal dito. "Marrette,"

"I don't want to talk about her,"

"Hindi pwedeng lagi mo na lang iniiwasan ang ganitong usapan,"

Tumayo siya't hinarap ako. "You're enjoying this, aren't you?"

"Enjoying what?" nagsukatan kami ng tingin. "Ngayon ko lang sasabihin 'to at gusto kong makinig kang mabuti," mas lumapit pa ako sa kaniya. "Akin lang siya," seryosong pahayag ko.

Napasinghal siya at mas pinaliit pa ang distansya sa pagitan namin. "Iyong-iyo na,"

Dahil sa lapit namin, madali kong naikapit sa batok niya ang braso ko. Ito na lang siguro ang maibibigay ko. Hindi man ito ang ideal na 'yakap', dahil magkalapit nga ang mga katawan namin pero tanging ako lang ang nakakapit at sa batok pa niya.

"Gusto ko lang linawin na ayaw kong madadamay tayong dalawa," bulong ko sa tenga niya.

"Anong ibig mong sabihin?" bulong rin niya.

"Ayaw kong masira ang kung anumang mayroon tayo,"

"Bakit ba napakataas ng pride mo at hindi mo masabi na ayaw mong masira ang 'pagkakaibigan' natin?"

"That's not my thing,"

"And this kind of act is not your thing, too. Lumayo ka nga sa akin!" napatawa ako nang bahagya niya akong tinulak kaya muli akong napasandal sa office table ko. "Gusto ko lang rin linawin na hindi ko rin gustong madamay ang pagkakaibigan natin,"

"Good to hear that,"

"Saka hindi pa ba halata na ikaw ang pinili ko?!" singhal niya.

Napangisi ako. "Dapat na ba akong kiligin?" napamaang naman siya. "Why do I have this feeling that we look like a couple right now?" nakakalokong tanong ko pa.

"Damn you! Nakakadiri 'yang mga pinagsasasabi mo!" natawa ako nang umarte siyang nasusuka saka ako tinalikuran.

Bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto. Panatag na ako, alam kong walang magbabago sa aming dalawa. Kahit hindi naman talaga malinaw para sa akin ang nangyari. Wala naman siyang binabanggit na kung ano. Ang alam ko lang mayroong tensyon sa pagitan namin kapag tungkol kay Ciel. Kung bakit? Hindi ko alam.

O ayaw ko lang aminin.

Pinagpatuloy ko ang pagtatrabaho habang patuloy ring tumatakbo sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Ang sarap talaga sa pakiramdam. Hindi ko maikakailang masaya talaga ako ngayon. Ciel... Ciel... Ciel! Namimiss ko siya. Kung puntahan ko kaya siya ngayon? Tapos sabay na kaming pumasok mamayang hapon. Hmm, parang magandang ideya 'yon! Panigurado namang wala pa doon si Mr. Velmon, ang Mom lang niya.

"So, you are Reeam?"

Natigilan ako nang umalingawngaw sa isip ko ang tanong na 'yon.

"Marrette,"

"Hmm?"

"Hindi niya ako kilala," wala sa sariling sambit ko.

"Ha? Anong sinasabi mo diyan?"

Tumingin ako sa kaniya. "Marrette, hindi niya ako kilala,"

"Sino bang tinutukoy mo?" nakakunot-noong tanong niya.

"Hindi niya ako kilala... hindi ako kilala ni Mrs. Velmon," puno ng pagkalitong sambit ko.

"A-ano?" tumayo siya't pumunta sa harap ng office table ko. "P-paano nangyari 'yon?" wala akong ibang nagawa kung hindi ang ikuwento sa kaniya ang nangyari sa bahay nina Ciel nang sunduin ko siya doon kagabi. "Imposibleng hindi ka niya kilala," hindi makapaniwalang sambit niya nang matapos akong magkuwento.

"Alam ko. Pero wala talaga akong nakitang senyales na kilala niya ako. Napaka-inosente ng dating niya, pati na rin ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Para lang siyang si Ciel noong tinanong natin siya tungkol sa Vlic,"

Binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin. "Pumunta tayo sa kanila,"

"Naisip ko na rin 'yan," sagot ko saka kami sabay na lumabas ng opisina.

Pupunta kami para mapatunayan ko ang sinasabi ko at para maobserbahan din namin si Mrs. Velmon.

"Ikaw pala," bungad ni Manang Elma sa akin pagkabukas niya ng gate.

"Yes and I'm with a friend,"

"Hello po! Ako po si Marrette," nakangiting bati naman nitong kasama ko. Jolly as ever.

"We're here for Ciel," sambit ko.

"Ciel?"

"Ang ibig po niyang sabihin, nandito po kami para kay Criza. Nandiyan po ba siya?" sabat ni Marrette nang bumakas ang pagtataka sa mukha ni Manang Elma. Oo nga pala, hindi niya kilala ang alaga niya bilang Ciel.

"Oo, pasok kayo," inihatid pa niya kami sa receiving area. Nagpaalam siya saglit para tawagin si Ciel.

"Nice house. Hindi nalalayo sa main house niyo," puna ni Marrette habang inililibot ang tingin sa buong bahay.

"Ano pa bang aasahan mo?" nakangising tanong ko.

Naputol ang pag-uusap namin nang dumating na si Ciel, kasama si Mrs. Velmon. Nakita ko ang palihim na pagsulyap sa akin ni Marrette bago kami sabay na tumayo.

"Ciel/Criza," halos mapasinghal ako nang magkasabay pa kami ni Marrette. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbulong ni Mrs. Velmon, dahilan para matigilan ang babaeng nasa harap ko.

Ano kaya 'yon?

"Good morning po, Mrs. Velmon," bahagya akong napasulyap kay Marrette nang magsalita siya.

"Good morning. Ikaw siguro si Marrette?" nakangiting sagot naman ni Mrs. Velmon. Nakita kong natigilan si Marrette, hindi siguro niya inaasahan ang ganitong pagbati sa kaniya. Lalo pa't noong isang linggo lang nang nakaharap namin ang asawa nito.

"O-opo. Kaibigan po ako ni Criza,"

"Kumain na ba kayo? Sabay-sabay na tayong mag-almusal kung ayos lang sa inyo," pag-anyaya ng ginang. Inilipat ko ang tingin ko kay Ciel at binigyan siya ng tipid na ngiti.

Tipid na ngiti lang 'yon pero masaya talaga akong makita siya ngayon.

"Sige, Mom, mauna na po kayo sa dining area. Ako na pong bahala sa kanila," tumango naman si Mrs. Velmon saka kami iniwan. Nang hindi nakatingin sa amin si Ciel, siniko ako ni Marrette dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Naniniwala na ako sa sinabi mo," bulong niya.

"Pero obserbahan pa rin natin siya," bulong ko rin na tinanguan niya.

"Anong ginagawa niyo dito ng ganito kaaga?" natigil ang pagbubulungan namin nang magsalita si Ciel.

"Wala naman. Masama bang puntahan ka?" tanong ko.

"H-hindi sa ganoon. Nagulat lang ako sa inyo," saka siya naglakad papalapit sa harap namin. "Nique," lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bigla niya akong yakapin. Nakakabakla ang ganitong pakiramdam pero kung kay Ciel ko naman mararamdaman, ay ayos lang.

Niyakap ko rin siya pabalik.

Nang maghiwalay kami ay hinarap ko siya sa akin, hinawi ko pa ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa magandang mukha niya.

"Hi," narinig ko ang pagsinghal ni Marrette nang bumati ako kaya binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"What? 'Yan lang ang masasabi mo kay Criza?" sarkastikong tanong niya.

"What do you mean?"

"Ewan ko sa'yo! Newbie!" pasaring pa niya saka naglakad paalis. Tinahak niya 'yong daan na dinaanan ni Mrs. Velmon at alam kong papunta sa dining area 'yon.

What is she talking about? What 'newbie'?

Napalingon ako kay Ciel nang marinig ko siyang tumawa. "What's funny?" tanong ko.

"Wala. Tara, sunod na tayo sa kanila. Kumain ka mabuti, ha," saka niya ako hinila na hinayaan ko naman.

Tahimik kaming kumain, halos si Mrs. Velmon nga lang ang nagsasalita. Nagkukwento ng kung ano-ano, minsan rin ay tinatanong niya kami ni Marrette na maingat naman naming sinasagot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa isip ko ang posibilidad na hindi niya ako, kami kilala.

Nakakapagtaka.

Isinabay na namin papasok ng school si Ciel. Papunta na kami ngayon sa classroom niya.

Magmula nang magbigay ako ng order, natigil na ang pambu-bully sa kaniya rito. Kaya kahit papaano ay kampante na ako sa lagay niya. Hindi tulad dati na halos ayaw ko nang alisin ang paningin ko sa kaniya dahil baka malingat lang ako, may panibago nang pasa o galos ang dumapo sa kaniya.

"Salamat sa paghatid niyo sa akin," bumalik ako sa ulirat nang magsalita si Ciel. Nandito na pala kami sa tapat ng classroom niya.

"Wala 'yon," nakangiting sagot ni Marrette.

"Ihahatid kita pauwi," seryosong sabi ko.

"Alam ko," napakunot ang noo ko sa isinagot niya. "Huwag mo nang tanungin kung paano ko nalaman. Naramdaman ko lang 'yon," natatawang sabi pa niya.

Ginulo ko ang buhok niya na parang bata at napangiti ako nang ngumuso siya.

She's so cute.

"See you later," paalam ko saka siya hinalikan sa noo.

Gustong-gusto kong hinahalikan siya... sa noo. Dahil hanggang doon pa lang naman ako.

Hanggang doon pa lang ang kaya ko.

Saka parang lalabas kasi sa dibdib ko ang puso ko kapag nakikita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa halik ko. Idagdag mo pang para siyang nawawala sa sarili, natutulala, natitigilan. Napaka-priceless ng ganoong reaction mula sa kaniya. Kitang-kita ko kung gaano katindi ang epekto ko sa kaniya.

Binigyan ko pa siya ng isang tipid na ngiti bago ako tumalikod papaalis.

"May kailangan nga pala akong sabihin sa'yo," pagpasok namin ng opisina ay sinabi 'yan ni Marrette.

"Ano 'yon?" seryosong tanong ko.

"Si Criza—,"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang nag-ring ang cellphone ko.

Dad calling...

"It's Dad," sambit ko sa kaniya, tumango naman siya.

"Dad," bungad ko pagkasagot ng tawag.

"Mission," napahinga ako ng malalim dahil sa sagot niya at napatingin sa business documents na nasa harap ko.

Ang dami ko pang inaasikaso, bakit ngayon pa ako nagkaroon ng misyon.

"Target?"

"Mr. Alvin Samaniego,"

"Dead or alive?"

"Dead," saka niya pinutol ang tawag.

"Ano daw 'yon?" tanong ni Marrette.

"Mission," tipid na sagot ko saka pumasok sa walk-in closet na nandito sa office ko.

Nagsuot ako ng black cover-all, na siyang attire ko kapag ganitong may misyon ako. Nagsukbit ng isang pistol na may silencer sa bewang ko, saka ko isinuot ang mahabang itim na coat na umaabot hanggang sa tuhod ko. Naglagay ako sa loob nito ng ilang magasin ng bala, para sa dala kong baril. Tinernuhan ko 'to ng itim na leather boots. Bago lumabas ay inayos ko rin ang pagkaka-ponytail ng buhok ko.

"Here," pagkalabas ay inabutan ako ni Marrette ng isang earpiece na magsisilbing way of communication namin. "Sino ba ang target?" saka siya humarap sa laptop niya.

"Mr. Alvin Samaniego,"

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita siya. "He's a corrupt politician. Maraming kinakaharap na isyu pero pilit itinatanggi. Ilang linggo na rin siyang laman ng balita kaya siguro inimbestigahan na ng organisasyon," tumango lang ako sa sinabi niya saka naglakad palapit sa pinto kung nasaan ang big bike ko. "Dude," pero natigilan ako nang tawagin ako ni Marrette. "'Yong sasabihin ko...,"

"Yeah, what was that?" sagot ko ng hindi lumilingon sa kaniya.

"Si Criza... siya ang Reaper ng Vlic," mahinang sambit niya. Mahina pero... dinig na dinig ko.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

Paano nangyaring siya? Bakit sa kaniya ibinigay ang posisyon na 'yon?

Nagpupuyos ang dibdib ko ngayon sa galit. Paano nila nagawang ilagay siya sa ganoong posisyon?! Napakainosente niya tapos siya pa? Hangal talaga ang mga magulang niya!

Napalunok ako para maalis ang bara sa lalamunan ko. "Pag-usapan natin 'yan mamaya," malamig na sambit ko. "I'm going," paalam ko saka tuluyang binuksan ang pintong nasa harap ko at sumakay sa big bike ko.

Ito ang ginagamit ko sa tuwing may misyon ako. Mayroong underground tunnel dito na nakakonekta sa highway.

"Take care of Ciel. Babalik agad ako," sabi ko kay Marrette na alam kong nakikinig mula sa earpiece na suot ko ngayon.

"Okay," dinig kong sagot niya kaya pinaharurot ko na ang big bike ko habang sinusunod ang mga direksyon na sinasabi niya.

Nang makarating sa destinasyon ay hinarang ako ng security guard.

Private subdivision.

"Ma'am, saan po sila?"

"Kay Mr. Alvin Samaniego,"

"Inaasahan po ba niya kayo?"

"Hindi. Wala namang taong inaasahan ang kamatayan niya, 'di ba?" matapos kong sabihin 'yon ay sinakal ko siya hanggang sa mawalan siya ng malay.

O ng buhay.

"I-hack mo ang system ng private subdivision na 'to, burahin mo lahat ng CCTV footage na makikita ako. Pati na rin ang system sa mansyon ni Samaniego," sabi ko kay Marrette.

"Okay," sagot niya.

Tumuloy na ako papasok sa subdivision na 'to habang sinusunod pa rin ang direksyon na sinasabi ni Marrette. Nang tumigil ay napatingin ako sa mansyon na nasa tapat ko ngayon na bunga ng corruption.

May dalawang nagbabantay sa labas ng gate nito. Mataas ang bakod na mukhang kailangan ko pang akyatin. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko para malaman kung may ibang tao ba at napangisi ako nang wala akong makitang panggulo.

Nang mapansin ako ng dalawang bantay, ay agad na silang bumunot ng baril. Kahina-hinala nga naman kasi ang hitsura ko ngayon. Bago pa nila ako tuluyang mabaril ay...

*BANG*

*BANG*

Naunahan ko na sila.

Mabagal.

Umakyat na agad ako sa bakod saka pinagbabaril ang nakakita sa aking mga bantay.

*BANG*

*BANG*

*BANG*

*BANG*

Nang maubos ay ibinalik ko muna sa bewang ko ang baril saka ako tumalon pababa at naglakad papasok sa main door ng mansyon. Alerto pa rin ako habang binubuksan ang pinto at pagkabukas nito ay bumungad sa akin ang pamilya ni Samaniego.

"Good afternoon everyone," malamig na bati ko sa kanila para makuha ang atensyon nila.

"S-sino ka?!" tanong ng isang babae, mga ka-edad ni Samaniego kaya masasabi kong asawa niya 'to.

"Nasaan si Samaniego?" imbis na sagutin siya ay tinanong ko rin siya.

Ngayong personal akong nakita ng pamilya niya, wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang idamay sila.

Inilabas ko ang baril mula sa bewang ko saka 'to pinalitan ng magasin ng bala sa mismong harap nila. Narinig ko ang palahaw ng iyak ng batang babae na sa tingin ko ay anak ni Samaniego. Ang lalaking binata naman ay nakaalalay sa nanay niya at nanlalalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

"Little girl, come here," nakangising tawag ko sa batang babae.

"N-no, baby! Stay here!" sabat ng asawa ni Samaniego saka inilagay sa bandang likuran niya ang kaniyang anak.

"Sige, 'yong bala ng baril ko na lang ang papupuntahin ko diyan," nawawalan ng pasensyang sabi ko at walang anu-ano'y, binaril ko ang binata niyang anak.

*BANG*

Agad naman 'tong humandusay sa sahig matapos tamaan sa ulo.

"KUYA!" sigaw nong batang babae habang nakaupo sa harap ng Kuya niya at niyuyugyog ito.

"Sinong susunod?" naiinip na tanong ko sa mag-ina.

"DUDE!" natigilan ako nang biglang sumigaw si Marrette mula sa earpiece na suot ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na ulit siya. "Tapusin mo na 'yan! Si Criza!"

Kumabog ng todo ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"A-ano? Anong nangyari?!" sagot ko habang nakatutok pa rin ang hawak kong baril sa mag-ina.

"Bilisan mo na lang! Nandito kami sa condo ko! Pinapunta ko rin si Leeam!"

"Oo, papunta na ako diyan," sagot ko sa kaniya at bumaling sa mag-ina. "May kailangan pa akong asikasuhin," malamig na sambit ko sa kanila.

*BANG*

*BANG*

Saka ko sila pinaputukan ng baril sa kaniya-kaniya nilang ulo.

Agad kong hinalughog ang buong bahay at napatigil sa tapat ng isang pinto na naka-lock. Sa lahat ng pinto, ito lang ang nakasarado.

Pinaputukan ko ng baril ang doorknob saka sinipa ng malakas ang pinto. Bumungad sa akin si Samaniego na nakaupo sa swivel chair at naninigarilyo.

"Sino ka?" agad 'tong napatayo sa pagkakaupo at gulat na napatingin sa akin, nabitiwan pa nito ang hawak na sigarilyo.

"Alam mo bang patay na ang asawa't mga anak mo?" malamig na sabi ko dito.

"Ano?!" bakas ang pagkagulat at sakit sa mukha niya.

"Kani-kanina lang bago ako umakyat dito pero huwag ka mag-alala, magkikita-kita rin naman agad kayo," saka ko itinutok ang baril na hawak ko sa noo niya. "Nagmamadali ako, kaya tatapusin na agad kita,"

*BANG*

Agad na akong lumabas ng mansyon nang matapos ang misyon ko. Sumakay na rin ako sa big bike ko at pinaharurot papunta sa condo ni Marrette.

"I-connect mo ako kay Dad," sabi ko kay Marrette.

"Okay,"

Ilang sandali ay narinig ko na ang boses ni Dad.

"Nique,"

"Mission accomplished," tipid na sagot ko.

"Good," saka siya nawala sa linya.

Sobrang bilis na ng pagpapatakbo ko pero pakiramdam ko napakabagal ko pa rin.

Ano na namang nangyari sa'yo, Ciel?

ayemsiryus

Continue Reading

You'll Also Like

461K 1.3K 5
As the middle kid, I thought I was exempt from their expectations and everything since I could do anything I wanted, act as I pleased, and even disap...
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
472K 10.7K 50
Wendel Garcia is just an ordinary 20 years old student na ang gusto lang sa buhay ay mataguyod nya sa kahirapan ang pamilya. She's a loving daughter...
240K 1.4K 5
Alarkans mate is a hellcat teacher and she's Brandy Sky De Vries .