BOOK I: Touch Her and You'll...

By ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 5

5.9K 190 19
By ayemsiryus

Chapter 5 - Her Auntie

Reeam

"Totoo ba 'yong mga sinabi mo kahapon sa tawag?" napabuntong-hininga ako nang pagpasok ko ng office ay 'yan ang bungad sa akin ni Marrette.

"Mukha ba akong nagbibiro?" malamig na sagot ko saka umupo sa swivel chair.

"Hindi, pero mahirap ring paniwalaan ang mga sinabi mo. Akalain mong nagawa mong magpalipas ng isang buong gabi sa bahay ng mga Velmon," napangisi naman ako sa tinuran niya.

Hindi ko rin naman kasi akalain.

"Anong pakiramdam ng makulong sa pag-aari ng kalaban?"

"Awesome," tipid na sagot ko habang nagbabasa ng business documents na sa akin ibinilin ni Dad.

"Bakit naman?" pero hindi talaga makukuntento sa isang salita ang babaeng 'to.

"Kasi pambihirang experience 'yon. Walang dapat alalahanin dahil wala doon ang mag-asawang Velmon," napatigil ako sa pagsasalita nang may maalala ako. "Pero may ipinagtataka ako,"

"Ano naman 'yon?"

"Wala akong nakitang mga tauhan nila, bukod sa mga kasambahay. Kung titingnan at oobserbahan mo ang bahay nila, hindi mo maiisip na may nakatira doon na... demonyo," sagot ko.

Buong umaga habang hinihintay kong magising si Louise, naglakas-loob na akong libutin ang bahay. Para na rin 'yon sa kaligtasan ko, para magawa kong ihanda ang sarili ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, wala akong nakitang mga tauhan nila. 'Yong mga lalaking madalas kong makita na kasama ng mag-asawang Velmon.

Hindi lingid sa kaalaman ko na may pinuntahan silang business conference kaya wala sila doon ng gabing 'yon. Ang hindi ko lubos maisip, iniwan nila ng mag-isa si Louise sa bahay na 'yon. Ang anak nila na walang alam sa kanilang pinaggagagawa.

"Nabanggit mo na rin, dude, hindi maiisip ng kung sinuman ang bagay na 'yon. Baka 'yon ang dahilan kaya wala silang itinalagang mga tauhan sa bahay na 'yon?"

"Pero napakadelikado naman non sa lagay ni Louise. Lalo na kapag ganoon ang sitwasyon na kailangan nilang umalis para sa mga negosyo nila. Naiiwan mag-isa ang babaeng 'yon,"

"Paano kung mayroon naman talagang mga nagbabantay? Alam mo 'yon, nagtatago o nagmamasid mula sa labas," napatingin naman ako sa kaniya.

"Wala akong naramdamang ibang tao sa paligid bukod sa aming dalawa ni Louise at sa iilang kasambahay nila," tumango-tango naman siya at nanahimik, tila nag-iisip at naghahanap pa ng butas sa sinabi ko. "Well, hindi rin naman natin pwedeng balewalain ang katotohanan na masyadong tahimik ang mga Velmon pagdating sa mga anak nila,"

"Tama. Kung tutuusin, last year lang nabunyag sa loob ng organisasyon na mayroon silang dalawang anak-,"

"Na hindi natin nalaman agad dahil wala pa tayo sa tamang edad para pumunta sa annual celebration," pagtatapos ko sa sinasabi niya saka muling ibinalik ang tingin sa binabasa ko.

Pero hindi pa rin sila dapat magpakampante tungkol sa kaligtasan ng babaeng 'yon. Magulo ang mundo nila, namin. Walang ligtas ang tulad niyang inosente. Hindi siya nababagay doon.

"Ano pang masasabi mo sa bahay nila?"

"Why are you interested?"

"Wala naman. Naghahanap lang ng pwedeng ma-point out na idea kung bakit wala kang nakitang mga tauhan doon,"

"Masasabi ko? Hmm, tipikal na bahay ng mayayaman. Malaki, malawak, malinis, moderno tingnan. Alam mo na 'yon," pilit na sagot ko, alam ko kasing hindi matatahimik ang babaeng 'to kung hindi ko siya bibigyan ng medyo mahabang sagot.

"'Yon lang?"

"Ano pa ba? Wala naman na. Wala naman akong nakitang kapaki-pakinabang," walang emosyon kong sambit.

Makaraan ang ilang minuto napansin kong hindi na sumagot si Marrette kaya kunot-noong napatingin ako sa kaniya. Pero unti-unting nawalan ng expression ang mukha ko nang makitang ang sama ng tingin niya sa akin at parang hindi siya makapaniwala. Pero hindi makapaniwala saan?

"What?" tanong ko.

"Anong kapaki-pakinabang?" bahagya pa akong natigilan nang wala akong nakapang emosyon sa boses niya.

"Huh?"

"Anong kapaki-pakinabang ang sinasabi mo?" napasinghal ako at umiwas ng tingin. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Sagutin mo ako. Anong kapaki-pakinabang ang hinahanap mo sa bahay nila Criza? Kapaki-pakinabang para saan?" maang akong napatingin sa kaniya nang sumalubong sa aking harap ang nanlilisik pero nagtataka niyang mga mata. Nakatayo na siya sa harap ng office table ko at nakapatong ang dalawang kamay niya rito. Ako naman ay bahagyang nakatingala sa kaniya.

"What are you talking about?" poker-faced na tanong ko.

Pero nagsalubong ang kilay ko nang hampasin niya ang office table ko. "Huwag mong ibalik sa akin ang tanong. What are you planning to do, Reeam?"

"Marrette, you misunderstood what I said. Don't you dare to slam my office table again, such a disrespectful act," madiin na sagot ko. Nakita kong natigilan siya pero hindi naging dahilan 'yon para matinag siya.

"Kung anuman ang binabalak mong gawin, stop it. Akala ko wala kang masamang intensyon kay Criza-,"

Tila nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya agad akong napatayo mula sa swivel chair. "Sinong may sabi sa'yong masama ang intensyon ko sa kaniya?!" pasigaw na pagputol ko sa sinasabi niya.

"Sa paraan ng pananalita mo, parang naghahanap ka pa ng bagay na magagamit mo laban sa kaniya, sa pamilya niya,"

"You just misunderstood everything-,"

"Yes, we can't deny the fact that she's still a Velmon. Pero alam nating dalawa na malayo ang pagkatao niya sa dugong nananalaytay sa kaniya. Stop making plans against her, o ako ang makakalaban mo," pagbabanta niya.

"Again, you just misunderstood what I said. I'm not planning any move against her. And in my eyes, she's not a Velmon," tumigil ako at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "She's not a Velmon because I will turn her to an Imperio. She will be an Imperio," madiin na pagtatapos ko.

Bahagya siyang napaatras at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"What?"

"Marrette, this time alam kong naiintindihan mo ang sinabi ko,"

"No. Hindi... hindi mo gagawin ang bagay na 'yon," ako naman ang nagulat nang makita kong nawalan ng emosyon ang mukha niya, pero sumilay ang pagkalito sa mga mata niya na para bang pati siya ay nagtataka sa kung ano ang sinasabi niya. "Bawiin mo ang sinabi mo," muling pagbabanta niya.

"Mark my words," taliwas sa gusto niya ang isinagot ko.

"MS. REEAM! MS. MARRETTE!" naputol ang nagbabaga at halos magsaksakang tinginan namin nang dahil sa taong pumasok.

"What do you need?" malamig na tanong ko at binigyan ng walang emosyong tingin ang estudyanteng 'to. Hindi ko nagustuhan ang basta-bastang pagpasok nito sa loob ng opisina ko.

Nakita kong napalunok ito at bumalatay ang takot sa kaniyang mga mata. "P-pasensya na po, Ms. Reeam! Pero importante lang po talaga 'to kaya-,"

"What do you need?" muling pag-uulit ko, ang dami pa kasing sinasabi ng taong 'to.

"Nabalitaan ko po ang g-ginawa niyong pagtulong kay Criza Louise Velmon kaya agad po akong pumunta dito-,"

"I SAID, WHAT DO YOU NEED?!" nilapitan ko na ang estudyanteng 'to para diretsuhin na ako. Lalo pa't narinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon.

"Nagkakagulo po ngayon sa loob ng classroom namin dahil pinagtutulungan po nila Danica Fii si Criza Louise Velmon-!"

Louise.

"Saan ang classroom niyo?!" tanong ni Marrette, at pagkasagot na pagkasagot ng estudyanteng 'to ay agad na akong tumakbo papalabas ng opisina. Agad rin naman silang sumunod.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Ang babaeng 'yon na naman?! Hindi man lang siya nadala sa ginawa kong pagsampal sa kaniya sa gymnasium. Kapag may nangyaring masama kay Louise, makikita ng babaeng 'yon ang gulong hinahanap niya.

Just wait for me, Louise.

Criza

Pagpasok ko ng classroom ay natahimik at napatingin sa akin ang mga kaklase ko, pero hindi naman 'to nagtagal at bumalik na rin sila sa kani-kanilang mundo. Sanay na ako sa ganitong eksena araw-araw. Pakiramdam ko nga hindi makukumpleto ang araw ko kapag hindi ko naranasan ang hindi pansinin ng mga taong nasa paligid ko. Kung papansinin man, hindi pa maganda ang nangyayari.

Kakaupo ko pa lang sa upuan ko nang pumunta sa harap ang kararating lang na class president namin.

"Guys, wala si Ma'am Yin-," hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita, naghiyawan na ang mga kaklase ko. Tipikal na reaskyon ng mga estudyante kapag nalamang wala ang kanilang teacher. "KALMA, GUYS! 'Yon nga, wala si Ma'am Yin kaya vacant tayo ngayong first subject,"

Bahagya akong nainis dahil nagmadali pa naman ako sa pagkilos kanina para lang hindi ma-late sa klase niya. Late na akong nakatulog kagabi dahil hindi mawala-wala sa isip ko si Reeam. And speaking of that girl, hindi ko alam kung bakit parang mayroon sa loob ko na gusto siyang makita ngayon. As in, ngayon na mismo.

Dahil doon ay napagpasyahan kong puntahan siya sa office niya. Kakapalan ko na ang mukha ko dahil alam kong hindi matatahimik 'tong puso ko kapag hindi ko siya agad nakita!

Itong abnormal kong puso!

Kung maaalala niyo, nabanggit ko na kung papansinin man ako ng mga tao sa paligid ko, hindi pa maganda ang nangyayari. At isa na yata sa mga pagkakataon na 'yon ang oras na 'to.

Paano ko nasabi? Bago pa man ako makalabas ng pinto ay hinarang na ako nina Danica.

"Where are you going?" nagsisimula na naman ang pagtataray niya sa akin.

Wala ba talagang dala ang isang 'to?

Para sa isang estudyante na nasaktan physically ng mismong may-ari ng eskwelahan na pinapasukan niya, sadyang napakalakas ng loob ng babaeng 'to para umulit pa.

"May pupuntahan lang, tutal wala naman si Ma'am," casual na sagot ko na parang isang kaibigan ang kausap.

Kaibigan? Salitang wala sa bokabularyo ko dahil wala rin naman ako non.

Pero biglang pumasok sa isip ko si Marrette, that jolly person. I don't know if I'm going to consider her as a friend. Kakakilala pa lang naman kasi namin, pero hindi ko maitatangging kung magkakaroon ng chance na maging magkaibigan kami, I will grab it. Magaan ang loob at maganda rin ang impression ko sa kaniya. Siguro dahil maganda ang ipinakita niya sa akin the first time we met? I don't know.

Nginisian ako ni Danica saka siya nagsimulang maglakad papalapit sa akin, na siyang naging pag-atras ko naman.

"May itatanong ako sa'yo," binabalak ko nang huwag pansinin ang mga sasabihin niya kaya inalis ko ang tingin ko sa kaniya. "About your auntie, your Mom's twin sister," marahas kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya. Alam kong ang sama na ng pagkakatingin ko sa kaniya pero wala akong pakialam. Hinahayaan ko siya sa mga trip niya, pero hindi naman ibig sabihin non ay natatakot ako sa kaniya.

"What about my auntie?" madiin na tanong ko.

Alam ko sa sarili ko na hindi ko magugustuhan ang magiging takbo ng usapan namin. Dahil ang ayaw ko sa lahat ay ang pag-usapan ang tungkol sa Tita ko.

Kasi masakit pa rin.

"I heard that you have her heart," naikuyom ko ang kamao ko nang sabihin niya 'yan. Nag-igting pa ang panga ko dahil pakiramdam ko parang ginagawa lang niyang biro ang isyung 'to sa paraan ng pananalita niya, idagdag mo pa ang nakaplastang nakakalokong ngisi sa labi niya.

"Excuse me-,"

"We're not yet done," pagpigil niya sa tangka kong pag-alis sa harap niya.

"Can't you feel it? I'm not comfortable to talk about my auntie, especially with you," patutsada ko, dahil doon nawala ang ngisi niya sa labi.

"What are you trying to say with that 'especially with you'?"

"We're not even friends to start with, Danica. Ang gusto mong pag-usapan ay parte na ng personal na buhay ko. Pati ba naman doon manghihimasok ka pa?" ramdam kong natahimik ang buong klase at alam kong nasa amin na ang atensyon nila ngayon.

"All I want to ask is, if that is true?" tukoy niya sa sinabi niya kanina.

"If it's true or not, honestly dapat wala kang pakialam," huminga ako ng malalim, saka muling nagsalita. "At una sa lahat, saan mo nakuha ang ideya na 'yon?"

Because the truth is, walang nakakaalam tungkol sa bagay na 'to. Tanging kami lang ng pamilya ko ang may alam dito. Kaya sobra ang pagtataka ko ngayon kung saan niya nalaman ang isyu na 'to. Dahil aaminin ko... totoo ang sinabi niya.

Bumalik ang ngisi sa labi niya. "From a 'friend', 'bestfriend' actually," nagsalubong ang kilay ko at napatingin sa mga alipores niyang nasa likuran lang niya. From them? "Oh, don't look at them like that. Hindi sila ang tinutukoy ko," muling napunta sa kaniya ang paningin ko. Alam ko at ramdam kong natutuwa siya ngayon sa ginagawa niya. And unconsciously, I'm giving her the satisfaction of bullying me. Aminado naman akong napipikon na ako, hindi lang basta pikon. Aware ako sa nararamdaman kong galit ngayon sa dibdib ko.

Napasinghal ako. "What are you up to? Alam ko namang ang malaman kung totoo ba 'yon o hindi ay hindi naman siyang talagang pakay mo,"

"You stopped for 1 year, because you had a heart transplant in America. 'Yon pala ang dahilan kung bakit naging kaklase kita ngayon. You're ahead of me, supposedly," narinig ko ang bulungan ng classmates ko, malamang ay nagulat sila dahil ngayon alam na nila ang dahilan ng pagkawala ng campus loser last school year, which is me. Nanggigigil ako sa kaniya, parang gusto kong burahin ang ngisi sa labi niya. Tama siya, nang pumasok ako dito hindi ko pa siya kilala. Si Francis pa lang ang nambu-bully sa akin non dahil magka-batch kami pero nang sumunod na taon, Danica came into the picture. "Actually, hindi ka naman talaga dapat mao-operahan dahil walang mahanap na heart donor ang doctors mo. Pero paano nangyaring na-operahan ka pa rin last year?"

"Stop," pagbabanta ko.

"Because unfortunately your auntie was killed-,"

"I SAID, STOP!" galit na sigaw ko saka siya itinulak. Dala ng emosyon ay napalakas ang pagkakatulak ko sa kaniya dahilan para marahas siyang mapatumba sa sahig. "Don't you dare, Danica! Huwag na huwag mong isampal sa mukha ko ang nangyaring 'yon," nangingilid na ang mga luha ko pero pinipigilan kong umiyak. Hinding-hindi ako iiyak sa harap ng mga taong 'to.

Kahit ang bigat na sa dibdib.

"How dare you to push me?!" agad siyang tumayo at agresibong sumugod sa akin. Sasampalin sana niya ako nang masalo ko ang wrist niya at ang sunod kong ginawa ang ikinagulat ng lahat. Imbis na ako ang masampal, ako pa ang sumampal sa kaniya! "Fuck! Girls, grab her!" napamura ako sa isip ko nang lumapit sa akin ang mga alipores niya at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"AHHHHH!" daing ko nang ang isa sa kanila ay sinabutan ako para maiangat ang mukha ko.

"Alam mo, all this years, I kept on asking myself kung bakit hindi ka man lang lumalaban sa akin. Pati na rin kay Francis Reyes. Pero ngayong nalaman kong nagkaroon ka ng sakit sa puso, naiintindihan ko na. Scared to stress yourself out? Baka bigla ka kasing atakihin no?" natatawang sabi niya. At muli akong napadaing nang hawakan niya ng mahigpit ang panga ko. "Sigurado ka bang malakas ang puso na inilagay nila sa katawan mo?" marahas niyang binitiwan ang panga ko pero kinuwelyuhan naman niya ako. "Suntukin ko kaya ang dibdib mo, what do you think?" dala ng inis at takot na rin dahil sa sinabi niya, itinaas ko ang binti ko at binigyan siya ng sipa sa sikmura. 'Yon lang ang naisip kong gawin para magkaroon ng distansya sa pagitan namin.

Dahil doon ay napaluhod siya pero sandali lang niya 'tong ininda. Agad rin siyang tumayo at nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.

"Ugh!" usal ko nang tumama ang ulo ko sa blackboard. Ibinalandra niya ako dito habang sinasakal. Oo, sinasakal niya ako! At sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya, sobrang nahihirapan na rin akong huminga!

Oh my demigod, help me!

"Ang lakas ng loob mong gawin 'yon sa akin,"

"You... you s-started it!" hirap man ay dinepensahan ko pa rin ang sarili ko. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko pero mas lalo lang niya 'tong hinihigpitan.

Is she going to kill me?!

"At sobrang apektado ka pa rin. It's been a year since your auntie died, Criza, yet you can't still move on," hindi ko alam kung bakit nangingilid na naman ang luha sa mata ko, dahil ba sa sakit ng pagkakasakal niya sa akin?!

O dahil sa katotohanang isinampal niya sa akin?

"I... I still d-don't get your l-logic. Why... why are y-you doing this?! Stop...! S-stop talking about my... my auntie," I really want to stop myself from talking but the hell, mas masakit ang nararamdaman ko ngayon sa puso kaysa sa leeg ko na patuloy pa rin niyang sinasakal.

"Why? Does it hurt you?" tila nanunuyang tanong pa niya. Pero hindi na ako nakasagot, nabitiwan ko na rin ang pagkakahawak ko sa kamay niyang sumasakal sa akin.

Hindi ko na kaya. Help... Reeam.

Just when I'm about to close my eyes, naramdaman kong may taong pilit inilayo sa akin si Danica. Kasabay ng pagsinghap ko ng hangin ang siyang pagbagsak ko dahil biglang nanghina ang mga tuhod ko pero nagawa akong saluhin ng taong hindi ko maaninag dahil bahagyang nakasara pa ang mga mata ko.

"CRIZA?! CRIZA! FUCK IT, REEAM! SHE'S CLOSE TO BEING UNCONSCIOUS!" pakiramdam ko nabuhayan ako ng loob. Pakiramdam ko na-revive ako mula sa pag-aagaw-buhay nang mapagtanto kong nandito sila, nandito siya.

"BRING HER TO THE CLINIC! HINDI KO PAPALAMPASIN ANG BABAENG 'TO!" bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya, ang galit na galit niyang boses.

Dahil doon ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko, unang bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Marrette.

"Hang on, Criza. I'll bring you to the clinic-,"

"Marrette, there's no need. I'm... I'm fine,"

"What?! No, you're not!"

"Marrette, please," hindi siya sumagot. Parang iniisip niya kung ano ang gagawin niya, pero nang mapabuntong-hininga siya, napangiti ako. Alam kong pagbibigyan niya ako.

"Fine, let me help you to stand," hindi na ako tumanggi, nakaakbay ako sa kaniya habang ang braso niya ay nasa bewang ko. Nanghihina pa rin ang tuhod ko pero tinitiis ko dahil gusto kong makita si Reeam.

Pero pakiramdam ko mas nanghina ang tuhod ko nang makita ang nangyayari. Nakahiga ang kalahating katawan ni Danica sa isang table at hawak ni Reeam ang leeg niya. That was fast, kanina ako ang nasa ganoong kalagayan pero ngayon-.

"Ang lakas ng loob mong gumawa pa ulit ng hindi maganda kay Louise," nangilabot ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi pa rin nawawala ang galit dito, idagdag mo pa ang lamig at kaseryosohan nito. "YOU REALLY WANT TO DIE, DON'T YOU?!" napapitlag ako nang sumigaw siya at halos sakupin ng boses niya ang buong classroom dahil na rin sa katahimikan.

"Hindi... ako m-makahinga!" pilit na sigaw ni Danica.

"If you can't fucking breathe, then die!" nakita kong mas diniinan pa ni Reeam ang pagkakasakal niya rito. "Now you'll say that you can't breathe, why didn't you think of that while strangling her earlier? You fucking moron!" kahit may ilang metro ang layo ko sa kaniya, ramdam na ramdam ko ang galit niya at kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga mata habang nakatingin kay Danica na pilit pa ring umaalis mula sa pagkakasakal niya.

Hindi ko alam pero parang ibang tao ang nakikita ko ngayon. Hindi ko maiwasang matakot sa mga kaya niyang gawin. Hindi ko maiwasang matakot kapag ganitong parang hindi na siya nakakapag-isip ng ayos dahil nauuna sa kaniya ang emosyon.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit mayroong parte sa puso ko na parang handang tanggapin ang mga nakikita ko.

"Reeam, that's enough! You might kill her!"

"Yes, Marrette, I would love to kill this bitch!" walang lingon na sagot ni Reeam. Nataranta ako bigla nang makita kong halos papikit na si Danica.

Napalingon ako kay Marrette na inaalalayan pa rin ako. "Marrette, do something. Awatin mo siya!"

"Umupo ka muna rito," matapos niyang humila ng upuan ay pinaupo na niya ako. "Just stay here, ako na ang bahala kay Reeam," tinanguan ko siya. Agad na siyang lumapit doon sa dalawa at pilit inilalayo si Reeam. Pero matigas ito dahil hindi 'to nagpapatinag.

"Reeam, stop!"

"No, Marrette. Nakita mo naman ang ginawa niya kay Louise, 'di ba?!"

"Oo! Alam kong galit ka, oo! But you should stop this madness! Galit rin ako sa babaeng 'yan pero hindi 'to ang tamang paraan para pagbayarin 'yan!"

"I'm ordering you to stop nagging me, Marrette!" naramdaman ko na naman ang lakas, kapangyarihan at awtoridad mula sa kaniya.

Reeam, why are you doing this?

"I'm not nagging you, for pete's sake! Is it okay to you that Criza is seeing all of this, this 'side' of you? That she's going to witness a... a c-crime?!" I don't know how it happened, and I don't know what's with Marrette's words. Kasi dahil doon ay parang biglang natauhan si Reeam at napalayo siya mula kay Danica.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Oh my demigod, I can't deny the fact na mapapatay nga niya si Danica if Marrette doesn't interfere.

Nakita kong napahilamos siya ng mukha at huminga ng malalim. Hindi ko alam pero parang 'yon ang paraan niya para pakalmahin ang sarili niya. Pero ako? Hindi ko pa rin magawang kumalma mula sa mga nakita at narinig ko mula sa kaniya. At hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi ni Marrette kanina.

What 'side' of Reeam is she talking about?

Napasinghap ako nang kuwelyuhan at marahas niyang itinayo si Danica. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya dala ng galit na nararamdaman niya. Si Marrette ay nakahawak sa balikat niya, anumang oras ay handang hilahin palayo si Reeam.

"Subukan mong umulit pa, hindi na talaga ako magdadalawang-isip... na patayin ka," dumoble ang takot na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Nakita ko pang marahas niyang binitiwan palayo si Danica bago ako mapayuko. Nilalamon ako ng sobrang pag-iisip tungkol sa mga nangyari.

"Louise," muli akong napaangat ng tingin. "Let's get out of here," hindi pa man ako nakakasagot ay naramdaman ko na ang pagbuhat niya sa akin.

Hanggang makarating sa opisina niya ay hindi pa rin ako kumikibo. Hindi ko alam, parang nahihirapan akong magsalita. I just want to cry my heart out.

"Tell us, what happened? Bakit ganoon ang nadatnan namin?" mahinahong tanong ni Marrette. Pero hindi ko na napigilan, tuluyan na akong napaiyak. Kinakain na naman ako ng pangyayaring 'yon. Paulit-ulit ko na namang tinatanong ang sarili ko.

Kailan ba? Kailan ko ba matatanggap ang nangyaring 'yon?

"I'm... I'm sorry. Hindi na ako magtatanong. Sige, ilabas mo lang," si Marrette, habang hinahagod ang likod ko. Nasa tabi ko kasi siya ngayon, si Reeam ay nakatayo lang sa harap namin.

"I'm sorry, we're sorry kung nahuli kami ng pagdating," mahinang sambit ni Reeam.

"Why did you say that? Why did you have to do that?" tanong ko saka tumingin ng diretso kay Reeam. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Why did you strangle her right in front of my face? You even threatened her," nanghihinang tanong ko.

Napaiwas siya ng tingin. "What do you expect me to do? Ang hayaan na lang siya? Matapos ang nakita kong ginawa niya sa'yo?"

"Yes,"

"What?" muli siyang napatingin sa akin. "Are you insane?"

"I'm not," madiin na sagot ko.

"At hindi rin ako baliw para gawin ang inaasahan mo,"

My emotions are eating me up. "Hindi mo man lang ba naisip kung anong magiging dating non sa akin?!" I burst out. "For your information, I'm the one who started the fight, physically. I can't take it, she hit a nerve!"

"Just... just let it out, Criza," si Marrette.

"In-open niya ang topic tungkol sa Tita ko. Here's the story, nagkaroon ako ng heart transplant last year sa America. Pero ang totoo niyan, hindi talaga ako dapat mao-operahan!" tumigil ako dahil naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga dala na rin ng pag-iyak ko. "But... something happened. Isang bangungot na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin," muling bumalik sa alaala ko ang eksena ng gabing 'yon. "MY AUNTIE WAS KILLED RIGHT IN FRONT OF ME!" doon ay tuluyan akong napahagulgol. "And instantly, nagkaroon ako ng heart donor dahil nag-match kami ni Tita. Kaya ngayon, nandito ako sa harap niyo at buhay na buhay pa,"

"Criza,"

"Na-operahan nga ako, namatay naman ang Tita ko. Parang namatay na rin ako ng mga panahon na 'yon. Kada pumapasok sa isip ko ang nangyari noong gabing 'yon, I feel so useless. Nandoon lang ako, pero wala akong nagawa para iligtas si Tita and that fucking truth is killing me," naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Marrette, she's trying to hush me. "Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino ang pumatay sa kaniya. That person was wearing a black cover-all that night. Kahit ang buong mukha niya ay nakatago, miski mata niya ay hindi ko man lang nakita. Wala akong nakitang kahit maliit na pagkakakilanlan man lang sa kaniya," humiwalay ako sa pagkakayakap ni Marrette at tumingin ng diretso kay Reeam. "You see. This is the reason, Reeam. Kung bakit kinukwestyon ko ang ginawa mo kay Danica at ang pagbabanta mo sa buhay niya,"

"Louise," kitang-kita ang gulat sa kabuuan ng mukha niya at... tama ba 'tong nakikita ko? Punong-puno ng takot ang mga mata niya.

"Mayroon akong magkahalong takot at galit sa mga taong inilalagay sa kamay nila ang buhay ng ibang tao," pag-amin ko.

"W-what's the name of your auntie?" nagtaka ako sa itinanong ni Reeam.

Pero pinili ko pa ring sumagot. "Crizana Marione Varga,"

"W-what?" gulat na tanong ni Marrette sa tabi ko. Pero hindi ko inialis ang tingin ko kay Reeam.

"Ang pagkamatay ng Tita ko ang dahilan kung bakit ang mga mamamatay-tao na tulad ng pumatay sa kaniya ay huli sa listahan ng mga klase ng taong gusto kong makasama," madiin na sabi ko. "Dahil ayaw kong maging katulad nila. Alam ko kasi na sa oras na makaharap ko ang taong 'yon... mapapatay ko siya,"

Nagtaka ako nang makita kong napakapit si Reeam sa edge ng office table niya. Para siyang nanghihina at anumang oras ay babagsak siya.

Pero ang sunod niyang sinabi ang nagpagimbal sa isip ko. "Kill me... and then leave me," sambit niya sa mahinang boses. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo at wala nang nagtangka pang magsalita.

What the fuck is she trying to say?

ayemsiryus

Continue Reading

You'll Also Like

247K 8.5K 45
Sa dinami rami ng taong mamahalin ko bakit siya pa? Isang taong walang ginawa kundi pasakitin lang ang ulo ko Pero anong magagawa ko kung ganito na t...
466K 8.8K 29
Si Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nya...
461K 1.3K 5
As the middle kid, I thought I was exempt from their expectations and everything since I could do anything I wanted, act as I pleased, and even disap...
184K 3.8K 48
That Girl Is Mine(Santillan Series #2) [COMPLETED] "Shut up your mouth and mark this words THAT GIRL IS MINE"-Haidee "I'm not kid anymore,tsk!"-Ely...