BOOK I: Touch Her and You'll...

Bởi ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... Xem Thêm

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 1

15.3K 315 36
Bởi ayemsiryus

Chapter 1 – The First Encounter

Reeam

"What's with that girl? Inuna pang tanungin ang pangalan ko bago magpasalamat?" tanong ko sa sarili matapos kong talikuran ang babaeng tinulungan ko kanina. Just to start with, I don't even know the reason kung bakit ko siya tinulungan. 'Yon ang unang beses na may tinulungan ako, na nagkaroon ako ng pakialam sa iba.

Isinantabi ko na lang ang bagay na 'yon. Agad akong nagtungo sa office dahil marami pa akong aasikasuhin lalo na't first day of school.

Pagpasok ko sa office ay nadatnan ko doon si Marrette. She's my bestfriend, according to her. Just kidding, kaibigan na rin naman ang tingin ko sa kaniya kahit hindi halata.

"You're late, young master," nakangising sabi nito sa akin. Napataas ang kilay ko at napatingin sa suot kong relo. Well, tama siya. But I just saved a girl, dude and that's a valid reason.

"Huwag mo akong tawaging ganiyan kapag nandito tayo sa school, Marrette," sagot ko.

"Bakit naman?" this girl is crazy, kunwari walang alam.

"Napag-usapan na natin 'yan. What's new?" pag-iiba ko na lamang sa usapan.

"Records ng new students," sabay lapag ng folders sa table ko.

Dumiretso na ako sa table at nagsimulang i-scan ang mga records. Marami-rami, pero hindi naman hassle. Good news pa nga 'to dahil every school year, nadadagdagan ang pumapasok dito sa school ko. Although, simula ngayong taon ko pa lang naman hinawakan ang branch na 'to. Nagawa ko namang i-review ang stats and records nito noong mga nakaraang taon.

"So, what's with that girl?" mapanuksong tanong ni Marrette. Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka sa mukha. "Sagutin mo ang tanong, dude. Hindi ko sinabing tingnan mo lang ako," dagdag nito.

"Who's that girl? I don't know what you're talking about," sagot ko saka muling itinuon ang pansin sa documents na nasa harap ko.

"Ide-deny mo pa?! 'Yong iniligtas mo kanina kay Francis!" natigilan ako nang maalala ko na naman ang ginawa ko kanina, pero hindi ko na lang siya pinansin. "Dude!" patuloy pa rin siya sa pangungulit. "Anong pangalan niya?" dagdag niya, tila excited pa.

"I don't know her," malamig kong sagot. Gusto kong tumigil na siya sa pangungulit dahil hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko.

"Hindi mo siya kilala? Kilalanin natin siya!" napapikit ako nang hindi niya naramdaman ang gusto kong mangyari.

"What the hell, Marrette?" napipikon na ako sa babaeng'to.

"Come on! I-scan natin ang student's records!"

"Gawin mong mag-isa," may pagbabanta na sa tono ng boses ko. Nagpatuloy na ako sa ginagawa kong trabaho.

"Wait, new student kaya siya or old?" tanong niya sa sarili habang naghahanap na sa letter A drawer.

"I think, old student siya, base sa pinagsasasabi ni Francis sa kaniya kanina," bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na 'yon, baka kung ano pa ang isipin ng babaeng 'to.

"Alright," nagpatuloy na kami sa kaniya-kaniya naming ginagawa.

"Dude, tulungan mo naman ako! Mag-scan ka mula sa letter Z drawer! Paano kung bandang dulo pala 'yong surname niya?! Anong oras pa ako matatapos dito!" biglang sigaw niya.

Is that my fault?!

"Marrette, nakikita mong busy ako. Bakit ba nagpapakahirap kang maghanap diyan? You're a hacker. Gamitin mo ang laptop mo nang mapadali 'yang kalokohan mo!" singhal ko sa kaniya. "Saka bakit ba interesado ka sa kaniya?!" dagdag ko pa. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa kaniya.

"Dahil sa sinabi mo kay Francis kanina," nakangisi niyang sagot.

"Anong sinabi ko kay Francis?!"

"The, 'touch her, and you'll be dead' line," saka siya ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"You're just making a big deal out of it. It was nothing!" naiirita kong sagot.

"Tulungan mo akong maghanap kung wala lang talaga 'yon,"

"At paano kung ayaw ko?"

"Kapag nahanap ko siya, sasabihin kong may gusto ka sa kaniya kaya mo siya tinulungan!" saka siya nag-evil smirk.

"Are you blackmailing me?!" I'm starting to lose my temper, talagang napatayo pa ako mula sa swivel chair.

"Kung 'yon ang dating sa'yo," maangas niyang sagot.

"Damn you," saka padabog na pumunta sa letter Z drawer para tulungan siyang maghanap! Damn this girl, ni hindi man lang nakinig sa sinabi ko kanina na gamitin na lang ang laptop niya!

"Dahil ikaw lang ang makakahanap sa kaniya gamit ang student's record, dude, dahil nakita mo ang mukha niya. Kung ako kasi, kailangan ko pang puntahan ang tusong Francis na 'yon! Maaatim mo ba kapag sinaktan niya ako?" pagpapa-awa pa niya.

"Ano pang silbi ng paghahanap mo diyan? Why don't you use your fucking laptop to run the CCTV cameras in the area, para makita mo ang mukha niya! Isa pa, para namang kaya kang saktan ng lalaking 'yon. I know you too well, Marrette. You can't fool me,"

"Whatever, dude, just continue with what you are doing!"

After 30 minutes of searching...

"Here," sabay abot ko sa kaniya ng folder na naglalaman ng records ng babaeng iniligtas ko kanina. Agad naman niya 'tong kinuha at sinimulang basahin.

"Criza Louise Velmon ang pangalan niya. She's a Grade 11 student, ABM ang course niya. Base sa grades niya, she's doing good in school. Maganda rin ang comments sa kaniya ng teachers," sabi pa nito.

The hell I care?

Inilatag niya sa harap ko ang folder. "Look, mayaman siya! Anak siya ng mag-asawang may-ari ng Velmon Industries and good-looking din siya. Actually, maganda talaga siya! Para siyang isang anghel. Hindi makabasag pinggan ang maamo niyang mukha. Kaya bakit siya nabu-bully? Anong dahilan?" pagpapatuloy niya. Well, she's right. Walang dahilan para gawin sa kaniya nina Francis 'yon kung may ibubuga naman pala siya. "Talented din siya," manghang sabi pa nito.

Pero tama ba ang narinig ko? Velmon Industries?

"Guidance Office's record, let me see," utos ko.

"Mayroon siyang records, pero siya lagi 'yong victim. Bullying ang case. Siya ang victim pero never siyang naging complainant. Meaning, hindi siya nagsusumbong. Base sa records, mga teachers lang niya ang nagdadala sa kaniya sa Guidance Office. Kapag natyetyempuhan nilang nabu-bully si Criza," mahinang sabi niya. "Isa pa, dalawang grupo lang ang bullies niya. Sina Francis Reyes at Danica Fii. Bukod doon, wala na," dagdag pa niya.

"Wala ba siyang mga kaibigan?" mahinang bulong ko sa sarili na narinig pala ni Marrette.

"Sa mga narratives na nakalakip dito, wala siyang nasasabing mga kaibigan niya," narratives, that's a simple task that every student of this school must do every month. Paraan 'yon para malaman namin ang side ng students.

"Mas ma-swerte pa pala ako dahil kahit ganito ang ugali ko, may taong masasabi kong kaibigan ko," sambit ko. "I think this bullying case is something deeper. May dahilan ang dalawang grupo na 'yon," pag-conclude ko.

"Yeah, sa tingin ko rin. Ang tanong, anong dahilan nila?"

"Hindi ko alam, at wala akong balak alamin," sagot ko.

"What?!" gulat na tanong niya.

"Ang kailangan ko lang gawin ay panindigan ang sinabi ko kanina," wala sa sariling sabi ko.

"Gusto mo siya, no?" dahan-dahan akong napatingin kay Marrette at doon ko napagtanto kung ano ang nasabi ko.

"W-wala akong gusto sa kaniya! Gusto ko lang siyang protektahan, okay?! I don't know why. Mukha siyang mahina, at ayaw ko namang hayaan na lang na palagi siyang saktan ng mga estudyanteng 'yon," pagdepensa ko sa sarili ko.

And why am I being defensive?!

"That's not you, dude. Wala kang pakialam sa mga taong nakapaligid sa'yo. So, why bother?" tanong niya muli.

"There's always an exception, Marrette," sagot ko.

And she's the only exception.

Criza

Mabilis na lumipas ang oras, last subject ko na ngayong umaga. Nandito ako ngayon sa gymnasium dahil PE class namin. Unang araw ng eskwela maglalaro agad kami ng sports—Badminton. Wala naman akong problema doon dahil mahilig naman ako maglaro nito. Ang problema wala akong ka-partner!

"Okay class, lahat ba may kapareha na?" tanong ng PE teacher namin.

"OPO!" sigaw naman nitong mga kaklase ko. Kasasabi ko lang na wala pa akong ka-partner!

Nagtaas ako ng kamay para mapansin ako ng teacher namin.

"Yes, Ms. Velmon?" saka ako tumayo nang tawagin niya ako.

"Ma'am, wala pa po akong ka-partner," sambit ko.

"HAHAHAHAHA!"

"Sino ba naman kasing gustong makapareha ang isang loser?!"

"HAHAHAHAHA!"

Nanguna na naman ang grupo nina Danica sa pang-aasar sa akin. Taon-taon na lang ganito. Itong mga taong 'to, palaging may side comments! Ang malala at nakapagtataka, sa akin lang naman nila ginagawa 'yon.

"CLASS, QUIET!" sigaw ni Ma'am.

"Ako ang partner ni Velmon," pagtahimik ng klase ay nangibabaw ang pamilyar na boses na 'yon. Katulad kanina ay napakalamig pa rin nito at wala ka pa ring mababakas na emosyon. Ang hindi ko rin maintindihan sa sarili ko, paano ko nagawang makilala ng ganoon kadali ang boses niya?! Samantalang iilang salita lang naman ang lumabas sa bibig niya kanina!

Flashback.

"Touch her, and you'll be dead," malamig na sabi nitong babaeng nasa harap ko ngayon. Wala kang mababakas na emosyon sa boses niya. Pero mararamdaman mong seryoso at paninindigan niya ang mga salitang binitiwan niya.

Matapos niyang sabihin ang linyang 'yon ay parang basahan niyang inihagis sa sahig si Francis.

Pagtingin ko sa taong 'to ay nakatingin na siya sa akin. Ako naman ay natulala nang matitigan ko ang mukha niya. Tao pa ba 'tong kaharap ko? Hindi ako makapaniwalang may ganito kagandang nilalang! 'Yong ganda niya, napaka-effortless ng dating. Ibig sabihin, natural lang. Pero nabigla ako nang magsimula 'tong maglakad papalayo. Matapos niya akong ipagtanggol, bigla na lamang siya aalis? Hindi man lang ba siya magpapakilala?!

Saka hindi pa ako nakakapagpasalamat!

"Miss, wait lang," nang mahabol ko siya ay hinawakan ko siya sa braso para pigilan. Pero dahan-dahan ko ring inialis ang pagkakahawak ko nang makitang ang sama ng tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Okay, aminado akong natakot ako doon. Magsasalita na sana ako ulit nang maglakad na naman siya palayo. Dahil sa kagustuhang malaman ang pangalan niya at makapagpasalamat man lang, hinabol ko pa rin siya.

"Miss, sabi ko sandali lang!" natakpan ko ng bahagya ang bibig ko dahil napalakas ang boses ko. Saka baka isipin niya, inuutusan ko siya dahil sa tono ng pananalita ko.

Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Kinabahan ako dahil wala man lang mababakas na emosyon sa mukha niya. Hindi ko tuloy malaman kung galit ba siya, naiinis, napipikon o ano!

"Anong kailangan mo?" narinig ko na naman ang malamig niyang boses. Dahil dito ay mas lalo pa akong kinabahan.

"Ahm—," ngayon ay wala akong masabi dahil na-i-intimidate ako sa paraan ng pagtingin niya.

"What?" nakataas ang kilay na tanong niya. Her voice is giving me goosebumps, the hell! Napalunok ako dahil sa kaba.

"A-anong pangalan mo?" pinilit ko ang sarili na magtanong.

"'Yan ba ang dapat unang lumabas sa bibig mo sa harap ng taong katatapos ka lang tulungan?" napakurap-kurap ako dahil doon ko napagtantong imbis na magpasalamat muna ay tinanong ko na agad ang pangalan niya! "Hindi mo kailangang malaman ang pangalan ko, Miss," saka niya ako tinalikuran at tuluyan nang naglakad papalayo. Samantalang ako, naiwang nakatulala dito at nakatanaw pa rin sa kaniya.

That girl!

End of flashback.

"Oh, Ms. Imperio?" natauhan ako nang marinig ko ang gulat na boses ni Ma'am. Nagulat din ako nang bigla 'tong tumayo at yumuko ng bahagya na para bang nagbibigay-galang.

Sino ba ang taong 'to?

"Wala siyang partner, 'di ba? Ako ang magiging partner niya," pagpapatuloy niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ayaw kong tumingin sa likuran ko. Pakiramdam ko natuod na ako dito sa kinatatayuan ko.

Naririnig ko rin ang bulungan ng classmates ko, lalo na ang mga sinasabi nina Danica. Gaya nga kasi ng sabi ko kanina, palagi silang may side comments.

"Hala, bakit nandito si Ms. Reeam?"

"Bakit gusto niyang makapareha ang loser na 'yan?"

"Isa pa, hindi natin siya kaklase. Iba ang course niya."

"HUMSS ang course ni Ms. Reeam. Anong ginagawa niya dito?"

"Siya ang may-ari ng school na 'to, kaya pwede niyang gawin lahat ng gusto niyang gawin,"

"Sabagay,"

Reeam.
Reeam Imperio.
Imperio.
Lard Imperio Academy.

Now, I get it.

"Hey," sabi nitong babae sa likuran ko. Pero nananatili pa rin akong nakatalikod sa kaniya. Nahihiya ako! Siya ang may-ari ng school na 'to. Tapos 'yong iniakto ko sa harap niya kanina! Aish! "Criza Louise Velmon," sabi pa niya, tila nauubusan na ng pasensya. Ikinagulat ko rin nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Kailangan ko pa bang magtanong kung paano niya nalaman ang pangalan ko?

Bago pa siya mainis ay humarap na ako sa kaniya. "H-Hi," hindi ko maintindihan kung bakit napakasimple lang naman ng salitang 'yon pero hindi ko pa rin nagawang sabihin ng diretso.

At ang hindi ko maintindihan sa lahat ay kung bakit lahat na lang ng bagay ay hindi ko na maintindihan!

"Partner tayo," casual na sabi nito.

"Ah, oo," wala, wala talaga akong masabi! Parang nakakalimutan ko kung paano magsalita kapag siya ang kaharap ko.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" tanong niya.

"Baka pwede ko nang m-malaman kung a-anong pangalan mo?" sa pagkakatanda ko, wala akong speech defect. Pero dahil sa kaniya mukhang mayroon na yata.

"I would really like to hear the magic word but I guess—nevermind. I'm Reeam Dominique Imperio," sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko. Dahil doon ay napatitig din ako sa kaniya. Sa mala-dyosang facial features niya. Pantay na kilay, pero napakanatural at mahahabang pilikmata. Ang maliliit niyang mata na napakalamlam kung tumingin at walang kabuhay-buhay. Matangos na ilong, mapula at manipis niyang labi. May isang metro ang pagitan namin pero nagawa kong i-describe ang mukha niya.

Gusto kong malaman kung anong iniisip niya. Kung anong iniisip niya sa akin. Pero sadyang napakahirap niyang basahin. Ni hindi man lang nagbabago ang expression ng mukha niya.

"Ms. Imperio, Ms. Velmon," natauhan ako nang marinig ko ang pagtawag ng teacher ko sa apelyido namin. "It's your turn," kami na pala ang maglalaro.

Gaano katagal ba kaming... nagtitigan?

Pakiramdam ko uminit ang mga pisngi ko dahil sa naisip. Kaya agad kong naiiwas ang mukha ko sa harap ni Reeam. Baka kung ano ang isipin niya.

"Ang... ang ganda ng pangalan mo," sambit ko habang umiiwas pa rin ng tingin.

"I know. Tara na," pag-anyaya niya saka naunang maglakad sa loob ng court at wala na nga akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya.

Nagsimula na kaming maglaro kahit na medyo distracted ako. Sino ba namang hindi madi-distract sa kaniya? Dumagdag pang nagpapaulit-ulit sa isipan ko ang naging titigan namin. Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang mga bagay na 'yon at nag-focus sa laban namin.

Magaling siya maglaro. Mahahaba ang rally. Kahit malayo sa kaniya kung saan ko ibinabagsak ang shuttlecock, nagagawa pa rin niya 'tong habulin. Habang naglalaro kami ay todo cheer ang mga kaklase ko sa kaniya. Nangunguna na naman ang grupo nina Danica.

Nang matapos kaming maglaro ay nagpahinga lang siya saglit tapos nagpaalam na para umalis.

"Hey, I got to go. Nice game," walang emosyon niyang sambit.

Marunong kaya ngumiti 'to?

"Oo, salamat ng marami," nakangiti kong sagot.

Pero tinalikuran na niya ako. Napataas tuloy ang kilay ko at nawala ang ngiti ko, kinakausap pa, e! Aalis na rin sana ako nang harangin ako ng mga kaklase kong babae. Pinangungunahan na naman ni Danica. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa ginawa ni Francis kanina.

"Akalain mo 'yon, flirt na rin pala ang isang loser?" mataray na sabi ni Danica.

"Anong flirt?" ano bang pinagsasasabi nito?

"Si Ms. Reeam!" inis na singhal nito na para bang ang 'tanga' ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Ano namang mayroon sa kaniya?" tanong ko.

"Magmamaang-maangan ka pa?!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Danica," pinanatili ko ang pagiging kalmado.

"Talaga? Kaya pala pumunta pa dito si Ms. Reeam para lang maging kapareha mo sa laro?!"

"Hindi ko alam kung bakit siya pumunta dito at hindi ko alam na pupunta siya dito, okay?" mahinahong sabi ko.

"Ang landi mo! Ano? Kumakapit ka sa may-ari ng school na 'to para matigil ang pambu-bully sa'yo dito?" nanlaki ang mata ko at bahagya pa akong napanganga dahil sa sinabi niya. What a theory. "Loser ka na nga, malandi ka pa!" nanggagalaiting dagdag nito. Sasagot na sana ako...

*PAK*

Pero sinampal na niya ako! Hawak-hawak ang kaliwang pisngi ay dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. Nang makita kong sasampalin na naman niya ako ay napapikit na lang ako.

*PAK*

May narinig ako pero wala akong naramdaman sa kabilang pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakita ko ang isang pamilyar na likod na nasa harapan ko ngayon. Nakapaling ang ulo niya sa kaliwa. Mukhang sa kanan naman siya nasampal ni Danica, sampal na dapat ay para sa akin.

Reeam Dominique Imperio.

Dahan-dahan siyang tumingin ng diretso kay Danica. Nang tingnan ko si Danica, namumutla na siya na parang nakakita ng multo!

"Ms. R-Reeam?" utal na sabi ni Danica.

Siya na naman ang nagligtas sa akin. Pero akala ko ba umalis na siya? Paano nangyaring nandito siya ngayon sa harap ko?

Napatingin ako sa kamay ko nang maramdaman kong may humawak sa akin, at doon napagtanto kong hinawakan niya ang kamay ko habang nasa likuran niya pa rin ako.

Hindi ko maintindihan ang kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang maghawak ang mga kamay namin. Naihawak ko pa ang kabila kong kamay sa dibdib ko dahil naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

No, no, no.

"Once is enough, twice is too much, Danica," seryosong sambit niya at ang sumunod na pangyayari ay ikinabigla ng lahat.

SINAMPAL NIYA SI DANICA! Sa sobrang lakas, diretso ang pagbasak nito sa sahig.

Ilang tao pa ba ang babagsak sa sahig ngayong araw ng dahil sa akin at sa taong nasa harap ko ngayon?

Tulala pa ako dahil sa ginawa niya kay Danica, nang bigla niya akong hilahin. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin at hawak-hawak ko pa rin ang dibdib ko.

Ang puso ko.

Ilang minuto na kaming naglalakad at hila-hila pa rin niya ako. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang pinto.

"Get in," utos nito sa akin. Dahil sa pagkabigla sa lamig na ipinaramdam niya, agad akong pumasok sa loob.

May sumalubong sa aking babae. Isang magandang nilalang na naman ang nasa harap ko ngayon. Pero bakit pakiramdam ko walang tatalo sa ganda ni Reeam?

"Hi, beautiful!" masiglang bati nito.

"Stop it, Marrette," masungit na saway naman ni Reeam pagkapasok niya.

"Don't mind her, I'm Marrette Gonzales!" natuwa ako kasi ang sigla niya. Malayong-malayo doon sa isa.

"Criza Louise Velmon, Criza na lang," maayos ang pakikitungo niya, kaya maayos rin ang magiging pakikitungo ko sa kaniya.

"Get her some snacks, Marrette," utos ni Reeam.

"Ha? A-ano, hindi na. Babalik na lang ako sa room ko," angal ko. Nakakahiya naman kay Marrette!

"No, you'll stay here, careless," sagot ni Reeam.

Ako? Careless?!

"Okay, hintayin niyo ako dito. Anong gusto mo, dude? Ikaw, Criza?" tanong ni Marrette.

"Kahit ano, ikaw nang bahala," natakpan ko ng bahagya ang bibig ko nang magkasabay kami ni Reeam.

"Okay," natatawang sabi ni Marrette at lumabas na.

"Ahm, nasaan tayo ngayon?" nahihiyang tanong ko, baka masungitan na naman ako nito.

"Office ko," oo nga pala, siya ang may-ari nitong school.

"Ah,"

"Louise," natigil ako sa pagsasalita at pakiramdam ko tumindig lahat ng balahibo ko dahil sa boses niya. Idagdag mo pa na walang ibang taong tumatawag sa akin sa pangalang 'yon.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na ulit siya...

"I'm willing to protect you,"

Wait, what?

Dahan-dahang lumapit sa akin si Reeam. Natutulala lang ako sa kaniya at tila napako na ako sa kinatatayuan ko. Mas nanigas pa ako nang bigla niyang hinawakan ang kaliwang pisngi ko.

Ito na naman ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. Kuryenteng hindi ko alam kung saan nanggagaling. Basta kada magtatama ang mga balat namin, nararamdaman ko 'to. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito o siya rin!

"Masakit pa ba 'tong pisngi mo?" mahina at dahan-dahan niyang tanong.

Nabigla ako nang sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng emosyon mula sa pagsasalita niya. Pag-aalala, 'yon ang naramdaman ko sa kaniya. Nag-aalala ba siya para sa akin?

Napatingin ako sa mga mata niya. Mas lalo akong napatulala nang makita ko ng malapitan ang mga mata niya na kulay abo. Matingkad ang kulay nito pero dahil maliit ang mata niya, hindi mo pa rin agad mapapansin. Pakiramdam ko nahihipnotismo ako sa simpleng pagtitig sa pambihira niyang mga mata.

Those eyes.

"Louise," natauhan ako nang marinig ko ang pagbanggit niya sa pangalan ko. "I am now your savior. I will save you from those people. I will keep you safe," kitang-kita ko sa mga mata niya ang sincerity habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Ito rin ang unang beses na may nabasa akong emosyon mula sa mga mata niya. Tila may humaplos naman sa aking puso dahil sa mga sinabi niya.

Ito ang unang beses na may nagpahalaga sa akin bukod sa pamilya ko.

Sa sobrang lapit namin, kinakapos na ako ng hininga. 'Yong puso ko, parang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Ang dila ko, tila umurong at wala nang masabi. Ang utak ko, parang sirang plaka na inuulit-ulit ang mga katagang binitiwan niya.

Anong nangyayari sa akin?

Bigla ko siyang naitulak dahil narinig kong bumukas ang pinto. Pareho kaming napatingin doon at iniluwa non si Marrette.

*DEEP SIGH*

Napatingin ako kay Reeam, nang sabay pa kaming bumuntong hininga, hindi ko inaasahang nakatingin na rin siya sa akin. Bago pa tumagal ang titigan namin ay ako na ang nag-iwas ng tingin.

"Bakit ang tahimik niyo, ha?" natatawang sabi ni Marrette habang nagpapalit-palit ng tingin sa aming dalawa.

"You're going to make a big deal out of it again," sagot ni Reeam at bumalik na sa ginagawa niya.

"A-akin na 'yang pagkain, iaayos ko para makakain na tayo," sabat ko naman para maiba ang usapan, at kinuha ang mga paper bags mula sa kaniya.

Ang awkward, 'yan lang ang masasabi ko! Iniayos ko na lamang ang kakainin namin at lumapit naman si Marrette kay Reeam.

"Dude, three months from now, annual celebration na. Pupunta ka ba?" narinig kong tanong ni Marrette.

"Do I have a choice? Of course, pupunta ako," seryosong sagot naman ni Reeam.

"Sixteen years old ka na, kayo ni Leeam. It means, ipapakilala na kayo ng Priom," si Marrette. Patuloy pa rin ako sa pakikinig, hindi nga nakaligtas sa akin ang pangalang Leeam. Sino kaya 'yon? Isa pa, mas matanda pala ako ng isang taon sa kaniya.

"I know," sagot naman niya.

"Ready ka na ba?"

"I am always ready, Marrette,"

"Kung sa annual celebration ay ipapakilala na kayo, ipagpapatuloy mo pa ba ang pag-aaral mo under HUMSS? Alam nating dalawa na kaya 'yon ang kinuha mo dahil gusto mong maging abogado. Contradicting ang mga ideya, isang taong may sariling batas magiging alagad ng batas," natigilan ako dahil sa sinabi ni Marrette. Masyadong malabo lalo na 'yong sa bandang huli, kaya wala akong naintindihan.

"Alam din ng pamilya ko 'yon, Marrette, kahit si Leeam, at alam din nating dalawa na 'yon din ang gusto niya. Iisang landas lang ang tinatahak namin. Isa pa, alam din nating dalawa na kahit anong mangyari, ipu-pursue namin ni Leeam ang pagiging lawyer. Kahit parte kami ng Priom," bakas sa boses ni Reeam na nawawalan na siya ng pasensya.

"Pero mas mabuti kung medisina na lamang ang kuhanin niya," si Marrette.

"Stop it, Marrette. I'm ordering you to stop," nabigla ako sa naramdaman kong lakas, kapangyarihan at awtoridad mula sa boses niya. Muling nanindig ang mga balahibo ko nang mapagtanto kong hindi ko kilala ang mga taong 'to, lalo na si Reeam.

Dahil doon ay tumahimik na nga si Marrette. Wala akong naintindihan sa pinag-usapan nila. Naku-curious ako pero alam kong wala ako sa lugar para magtanong. Kunwaring abala ako sa pag-aayos ng kakainin namin para hindi naman halatang nakikinig ako sa usapan nila.

Who are you, Reeam?

"Okay na ba 'yan, Criza?" masiglang tanong ni Marrette, na para bang wala silang pinag-usapang kung ano ni Reeam kani-kanina lang.

"Oo, kumain na tayo. Matapos ay babalik na rin ako sa classroom ko," sagot ko naman.

Tahimik kaming kumain. Minsan napapatingin ako kay Reeam pero tutok lang siya sa pagkain. Naiisip ko tuloy kung seryoso ba siya sa mga sinabi niya kanina. Pero hindi ko naman basta-basta magawang pagdudahan 'yong sincerity na nakita ko sa mga mata niya habang sinasabi niya ang mga bagay na 'yon.

"Criza, bakit ABM ang kinuha mong course?" out of nowhere ay naitanong ni Marrette.

"Business Management kasi ang gusto kong kuhanin sa kolehiyo. Ako kasi ang magmamana ng Velmon Industries, sabi nina Mom and Dad," sagot ko naman.

"Only child ka lang ba?" natigilan ako at napaisip. 'Yan din kasi ang tanong ko sa sarili ko magmula nang marinig ko ang pag-uusap ng parents ko tungkol sa taong 'yon.

"Actually, I'm not sure kung only child lang ako," seryosong sagot ko.

"Bakit naman?"

"Minsan kasi naririnig kong nag-uusap sina Mom and Dad tungkol sa 'kapatid' ko. I don't know," kibit-balikat kong sagot ko.

"Alam mo kung anong pangalan niya?" natahimik ako sandali dahil muli na namang umalingawngaw sa isip ko ang pangalan na 'yon.

"Criztina Laquian Velmon, 'yon ang naririnig ko kina Mom and Dad," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit tinatago ng parents ko ang taong 'yon. Ang kapatid ko, kung kapatid ko nga ba talaga siya. Wala namang problema sa akin kung may kapatid ako.

Wala nga ba?

Napansin kong kumuha ng papel at ballpoint pen mula sa drawer ng kaniyang office table si Reeam, at iniabot ito sa akin.

"If you don't mind, pwede mo bang isulat ang pangalan ng parents mo at ng kapatid mo?" seryosong tanong ni Reeam.

Napaisip naman ako kung bakit. Kung bakit bigla siyang naging interesado sa pangalan ng pamilya ko. Pero tinanguhan ko na lamang siya at nagsimulang magsulat.

"Here," matapos ay agad ko 'tong ibinigay sa kaniya.

Criztina Laquian Velmon – Sister?
Laquise Mond Velmon – Father
Crizanta Marie Velmon – Mother
Criza Louise Velmon – Me

Agad naman niya 'tong kinuha at tiningnan. Si Marrette ay lumapit pa sa tabi niya para makitingin din.

"What the hell," reaksyon ni Marrette.

"Why? Is there any problem, Marrette?" tanong ko. Iba kasi 'yong reaksyon niya! Gulat na gulat siya at halatang hindi niya inaasahan ang pangalan ng pamilya ko.

Pero bakit?

"Louise,"

"Reeam," tiningnan ko siya sa mga mata niya. Pero wala na naman akong mabasang emosyon. Walang-wala, blangko lang itong nakatingin sa akin.

"Are you familiar with... Vlic?" seryosong tanong niya.

Vlic?

"Criza, sagutin mo kami," segunda ni Marrette.

"Hindi," sagot ko ng may pagtataka sa mukha.

Tiningnan pa nila ako ng matagal na para bang ina-assess nila kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pero nagsasabi talaga ako ng totoo! Ano ba ang Vlic na 'yon? Tao ba 'yon?

What's with these two?

"Bumalik ka na sa classroom mo," sabi ni Reeam at saka ako tinalikuran. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nanikip bigla ang dibdib ko dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa akin.

Kinakabahan na talaga ako sa lagay ng puso ko.

"Criza, ilang taon ka na?" tanong naman ni Marrette. Out of nowhere, age ko naman ang kailangan?

"I'm already 17, nagkasakit kasi ako kaya nag-stop ako ng one year sa pag-aaral," sagot ko naman.

Nagkasakit ako sa puso, dinala ako sa America para ma-operahan. Inabot ng isang taon ang pagpapagaling ko kaya Grade 11 pa lang ako ngayon, na dapat ay Grade 12 at graduating student na.

'Yon ang dahilan kung bakit nag-aalala ako sa pagbilis bigla ng tibok ng puso ko, pati na rin ang paninikip ng dibdib ko. Paano kung bumalik pala 'yong sakit ko?

"Ganoon ba? Sige, balik ka na sa classroom mo. Gusto mo ba ihatid kita?" alok ni Marrette.

"Huwag na. Kaya ko na 'to! Salamat nga pala sa pagkain. Bye," nginitian ko si Marrette, si Reeam ay nakatalikod pa rin sa akin kaya parang may lungkot akong naramdaman. Hinayaan ko na lang 'to at lumabas na nga ako mula sa opisina niya.

Habang naglalakad papunta sa classroom ay malalim ang iniisip ko.

Vlic, what are you?

ayemsiryus

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

461K 1.3K 5
As the middle kid, I thought I was exempt from their expectations and everything since I could do anything I wanted, act as I pleased, and even disap...
246K 8.5K 45
Sa dinami rami ng taong mamahalin ko bakit siya pa? Isang taong walang ginawa kundi pasakitin lang ang ulo ko Pero anong magagawa ko kung ganito na t...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
6.5M 329K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...