My Psycho Girl [COMPLETED]

By marielicious

9.7M 218K 21.5K

X10 Series: Derrick Monteverde Spin-off story of Married To A Retard More

My Psycho Girl (Sequel to Married To A Retard)
[1] Heartbroken
[2] One Hot Night
[3] Forget it And Move On
[4] Two Red Lines
[5] The Psycho And The Moron
[6] Grounded
[7] Marriage Is No Joke
[8] The Sin City
[9] Not-A-Typical-Wedding
[10] Marriage Agreement
[11] Temptation
[12] My Wife is Pregnant
[13] Umuwi Ka Na, Baby
[14] Reminiscing
[15] Caught In The Act
[16] Affected, Aren't We?
[18] Sudden Thought
[19] Set-up
[20] Three Red Roses
[21] Those Three Words
[22] Girl Or Boy?
[23] Relationship Status
[24] Slip Of The Tongue
[25] True Feelings
[26] Reunited
[27] His Dirty Secret
[28] Talk About Stress
[29] Suspicious Husband
[30] One Click To Go
[31] Please
[32] Talk To Me
[33] Leave Me Alone
[34] 5 Months Old
[35] Dude
[36] Unexpected
[37] Longing
[38] Finally
[39] Apology
[40] Getting Better
[41] Playmates
[42] Out Of Town
[43] Inspired
[44] Blame
[45] Daddy
[Epilogue]

[17] His Absence Makes Me What?

205K 5.7K 784
By marielicious

[17] HIS ABSENCE MAKES ME WHAT?

LYZA'S POV

Derrick left for Cebu yesterday and I somewhat feel lonely in his pad. Ikaw ba naman ang mag-isa sa lugar na hindi ka pa sanay, sino ba namang hindi mabo-bore?

I kept on  cheking my phone from time to time. Ganito lang talaga ako kapag bored. Checking my phone like an idiot. And as usual, there's a new message from Derrick again saying, 'Don't skip your lunch, baby.'

"Tss. Ang plastik. Trying to be sweet when the truth is he's an ass deep inside," bulong ko sa sarili ko habang binabasa yung mga previous SMS niya sa akin; 'Wag mo ko masyadong mamiss', 'Gising ka na?', 'Morning, baby', 'Kawawa ka naman. Wala ka yatang load kaya hindi ka nagrereply. LOL'... etc. Non-sense SMS, really.

Hindi naman sa wala akong load, it's just that I don't know what I should reply to his messages. Alangan namang sabihin kong 'Wala akong ganang kumain'? Edi baka nag-aalala na naman yun or worse isipin pa nun na kaya wala akong ganang kumain kasi wala siya dito. Geez. No way! Lalaki lang ang ulo nu'n.

Another SMS came in again and as soon as I checked on it, my face formed a frown.

'Oy, buhay ka pa ba?'

Without even thinking twice, I typed in my reply to him; "Ngayon ka lang ba nagkaphone kaya ka parang naiignorante kakaflood ng inbox ko?!?!? Geez! Kung namimiss mo na ako, edi umuwi ka!!! ANG KULIT MO!!"

After a couple of seconds, chineck ko yung sinend kong message sa kanya and I was like what the hell, Lyza?!?!?

Natataranta ako nang mareceive ko na naman ang reply niya sa akin. Shit! Baka mamisunderstand niya yung text ko!

'Pwede mo namang sabihin na 'umuwi ka na, Derrick. Miss na kita, baby.' Sungit mo! HAHA!'

I kept on my straight face. Can I just virtually slap him on the face? Ang sarap niyang hilain mula sa cellphone na hawak ko. See? Napakahambog talaga.

'Hey, moron! Don't be an a-ss. You were the one who keeps on texting non-sense SMS to me. Don't twist shits!'

Jusko. Nanginginig ang mga kalamnan ko sa kanya. Dapat pala talaga hindi ko nalang siya nireplyan e. Ilang minuto ko na hinihintay yung reply niya pero wala na akong nareceive. I'm starting to feel bothered nang isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nagrereply.

I sent another message to him; 'Hey! Ano nang nangyari sayo?'

And after some seconds, he quickly sent a reply; 'Bye .

I rolled my eyes upwards upon reading his reply. For the past two months we've been together, I must say that he really is sensitive. I mean, medyo matampuhin siya. Kapag sumusobra na yung pangbabara ko sa kanya, bigla nalang niya ako hindi iimikin. Kagaya ngayon, mukhang napikon yata siya sa nireply ko kanina.

"Fine. Pasalamat ka mabait ako kaya tatawagan kita," I mumbled as I tapped on his number. And I rolled my eyes when he took the call at its first rang. Hindi siya excited huh? "Hey..."

["Yo!"]

Mukha namang masigla ang boses niya. Tsk! Akala ko pa naman napikon na siya. "A...ano..."

["Anong ano?"]

Now, Lyza, you sound like an idiot to him. "Wala. 'Wag ka na ngang magtetext ng kung ano-ano sa akin. Panay ang pasok ng SMS mo sa akin, nalolowbat tuloy agad ang phone ko." May masabi lang.

Natawa naman siya. Sigurado akong naniningkit na lalo ang mga mata niya ngayon. ["Kawawa ka naman. Tapon mo na phone mo. Madaling malowbat."]

"Eh kung ikaw kaya ang itapon ko?" Yabang talaga!

["Kaya mo?"]

Literally! Syempre hindi. "Hindi. Pero yung mga gamit mo dito, kaya kong itapon! Try me, Derrick."

["Gawin mo. Isasauli kita sa nanay mo."]

"Gawin mo. Ipinapangako kong 'di na ako babalik sa'yo. Bwisit!" 

Umabot ang pambubwsit niya sa akin ng halos isang oras. Kapag napuputol ang tawag, siya naman ang tumatawag sa akin. Halata sa kanya na bored na siya sa Cebu. Well, likewise, bored din ako dito.

"Bakit kasi hindi ka pa umuwi? Wala ka naman pa lang gagawin dyan eh," sabi ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Nakakaramdam na ako ng antok. Hindi ko namalayan na 3PM na pala.

["Alam ko namang kailangan mo ako, pero kailangan din ako dito, baby. Kaya tiis-tiis ka muna..."]

Ganyan lang siya kayabang during our phone conversation. I'm getting used to it though. "Blah... Blah... Mas excited ako sa pasalubong kaysa sa presence mo."

["Wala namang masama kung aamin ka na namimiss mo na ako. Malay mo, sumaya ako 'di ba?"]

Wow, is he flirting with me? "Umuwi ka na nga! Dami pang sinasabi eh. Goodnight na," then  I hung up and plopped myself on the bed. Teka, goodnight? Damn. Siesta time pa lang e.


***


Kinabukasan, nagising ako dahil sa matinding sakit ng tiyan. I couldn't even get up from bed because of the pain. Wala akong nagawa kundi ang bumaluktot nalang. 

"Shit. Baby, anong nangyayari sa'yo dyan?" I asked while caressing my belly. Panay lang ang hilab nito. It feels like I'm suffering from dysmenorrhea. I tried to catch up few breaths just to ease the pain, but geez, nothing's changed. Masakit pa rin talaga.

Kinapa ko na yung phone ko sa kama at tinap na ang speed dial #2. I can't bear this anymore.

["Morning, baby. Napatawag ka?"]

I exhaled loudly and curled myself again. "D-Derrick, ang sakit ng tiyan ko! Anong gagawin ko?"

["Huh? Sobrang sakit ba?"]

"Oh God, tatawagan ba kita kung hindi ito sobrang sakit? Hindi ako nag-iinarte! Masakit talaga... Masakit na masakit!" The pain's getting worse. Pinilit kong tumayo at pumunta sa bathroom to check something, pero wala naman akong nakikitang dugo.

["Teka! Teka! Tawagan mo si Mama. Magpapatulong ako sa kanya!"]

Napa-'ugh!' na naman ako nang maramdaman ko na naman yung cramps sa tiyan ko. I sat down on the bathroom's floor as tears started to fall down my cheeks. First time kong umiyak dahil sa sobrang sakit.

["Uuwi na ako ngayon. Relax lang... Papuntahin ko dyan si Wayne para ihatid ka sa hospital."] Natataranta ang boses niya.

I immediately wiped my tears with my palm. "'Wag na, I'll just call my mom," sabi ko at pinatay na ang phone call. I quickly called my mom and asked her to fetch me. Wala pang 30 minutes ay dumating na siya sa unit ni Derrick at agad-agad akong dinala sa hospital.

"Wala namang problema sa baby. You take your prenatal vitamins regularly, don't you?" tanong sa akin ng OB ko. Kakatapos lang akong i-check up at wala naman daw silang maling nakikita sa pagbubuntis ko. Medyo maselan daw pero madadaan naman sa pag-iingat.

"I do... Pero ano ho bang dahilan ng cramps sa tiyan ko kanina?" I asked. Medyo nababawasan na rin naman ang sakit, pero uneasy pa rin ang pakiramdam ko. Thank God. I thought I'm having a miscarriage.

"Kumakain ka ba ng tama, Mrs. Monteverde? Mukhang nalipasan ka lang ng gutom."

Natigilan ako sa sinabi ng doctor. Shoot! 3PM ako natulog kahapon at ngayong umaga lang ako nagising. I haven't eaten anything yet since yesterday. Breakfast lang ang nakain ko kahapon. So, I skipped lunch and dinner yesterday and breakfast for today. Damnit!

"Ano, Lyza? Do you skip meals?" My mom asked me when she noticed my silence. Nagkibit-balikat nalang ako bilang sagot sa tanong nila. Wala naman kasi akong ganang kumain kahit nung isang araw pa.

"So, that explains everything. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom, Mrs. Monteverde. May buhay ka ng dinadala sa sinapupunan mo. Kung gutom ka, gutom rin siya," the doctor explained seriously as though scolding a stubborn patient. Fine, my fault, then.

Simula nang lumabas kami ni Mama mula sa hospital, panay lang ang sermon niya sa akin. Kahit hanggang sa pagdadrive niya, wala pa ring preno ang bibig niya. Okaaaay. I wonder if I'll be like her when I get older. Nagger din ba ako kagaya ni Mama?

"You eat plenty, Lyza. 'Wag ka namang pabaya." Hanggang sa harap ng pagkain, panay lang ang ganyan ni Mama. Nakakainis... Kasalanan ko nga diba?

"Ma, enough. I got what you said so please stop scolding me already, okay?" I requested in a low tone. Nakakahiya. Nasa fine dining resto pa naman kami tapos pinapagalitan niya ako in public.

She rolled her eyes inwards. That's when I realized that I got this attitude of mine from her. Like mother, like daughter. "Bakit ba wala kang ganang kumain, Lyza?"

"Nothing..." I simply retorted and sipped on my orange juice.

"Is it because you miss your husband?" 

At dun na ako nabulunan. Feeling ko, umakyat sa ilong ko yung iniinom kong juice. Geez! "Ack! Ack! Ac—" 

"You okay?"

I frowned at her, still choking a bit. "I don't miss him, Ma. Ang OA ko naman po kung mamimiss ko siya, e, 2 days pa lang siyang wala. Kumain na nga lang po tayo."

"I see."

But truth is, deep inside of my pathetic self, I really do miss him. Wala na. Nasanay na talaga ako sa presence niya. Grabe, Lyza?! Almost 2 months pa lang kaming magkasama pero... Geez, am I starting to fall for him for the third time around?

"Hi, Tita. Hi Lyza!"

My mom and I looked up at our side and I beamed when I saw Theo smiling down at me.

"Theo? Anong ginagawa mo dito? Come, take a seat," tinuro ko yung chair sa tabi ko at dun siya umupo.

"Handsome as ever, Theo." Mom commented.

Ngumiti lang si Theo tapos nagkamustahan sila ni Mama. Talagang close na silang dalawa simula nang ipakilala ko sila sa isa't-isa. He's a good conversationalist na kahit anong age bracket, kaya niyang pakisamahan. That's what I really like about him.

"... Two blocks away lang yung office kaya lagi akong naglalunch dito. At nakita ko naman po kayo dito, kaya nilapitan ko na kayo, Tita," then tumingin sa akin si Theo, "Musta?"

Sasagot pa lang sana, pero naunahan na ako ni Mama. "Ayan, kagagaling lang namin sa hospital." Biglang nag-alala yung expression ng mukha ni Theo. I somewhat feel giddy. Gwapo talaga niya. "Akala ko something serious na yung pananakit ng tiyan niya. Yun pala, nagpalipas lang siya ng gutom."

Theo eyed me with those concerned set of eyes. "Bakit ka naman nagpapagutom? 'Wag mong pababayaan ang sarili mo, Lyza."

"Yeah, noted," I smiled.

Medyo nagtagal pa yung usapan naman nila Mama together with Theo dun sa resto. Nagkaroon nga lang ng urgent call si Mama kaya hindi niya na ako naihatid sa unit ni Derrick. Theo, as a gentleman as always, volunteered to give me a ride home. Half-day lang naman kasi siya sa office niya ngayon.

"So, this is where you live now."

"Yup," inabutan ko siya ng coffee at tinabihan siya sa couch. Coffee lover kasi itong si Theo kaya kahit tanghali ay nagkakape siya. 

"Salamat. Nasaan nga pala ang asawa mo?"

"Nasa Cebu. May inaasikaso. Tara, dun tayo sa balcony," I pulled him up and brought him to the veranda. Umupo kami sa couch at dun nagpahangin. "Nakaka-bore dito."

"Nasasabi mo lang yan kasi hindi ka pa sanay dito," nakangiting sabi niya.

"No, I said it because I'm alone. Wala akong makausap."

Mas lalo siyang ngumiti. "Naalala ko nung isang gabi, hindi ka mapakali dahil wala sa tabi mo ang asawa mo." I can feel my face heat up so I looked away from him. "Gusto mo na ba siya?"

"No... I don't," I retorted right away and sipped on my juice. Tumingin ulit ako sa kanya at nakita ko ang mapang-asar niyang ngiti. "Wait, what's with the smile, Theo?"

I sipped again on my juice as I saw him grinning from ear to ear. "So, you love him already, don't you?"

Dun na ako natigilan. No, hindi ako napatigil dahil naibuga ko talaga sa mukha niya ang iniinom kong juice dahil sa pagkagulat.

"SHIT! SORRY!"

Napapikit siya habang dahan-dahang pinupunasan ang mukha niya gamit ang kanyang palad. Nakakahiya.

"Sorry, Theo! Sorry talaga," tinulungan ko siyang punasan ang sarili niya. Pati yung white polo shirt niya ay basa na rin. Color orange pa naman yung juice, baka mamantsahan. 

"Ayos lang."

"No, it's not okay. 'Wag ka kasing nambibigla." Pinunasan ko ang leeg niya pababa sa chest niya. Gulp. One big gulp. Ngayon ko lang napansin na napaka-toned ng chest niya.

"Okay lang talaga..."

I gulped again. Parang tanga lang. Punas ako nang punas sa kanya pero wala naman akong pamunas. I am only using my hands. "Sorry."

"Okay lang talaga," he assured me so I stopped from drying him up. Siya na mismo ang nagpunas sa sarili niya gamit ang kanyang panyo. "Lyza, may sasabihin pala ako sa'yo."

"Ano yun?" 

Huminga muna siya ng malalim kaya napataas ang kilay ko. Masyado bang seryoso ang sasabihin niya? 

"I've been wanting to tell this to you but I don't have the guts to say so," he looked at me in the eyes. Napalunok tuloy ako. My heart started to race. What's he going to say? 

"Go, say it."

He took a deep breath again. "I..."

I what? I like you? I love you? Geez! Spill the beans already. 

"I am..."

I am in love with you? I didn't even blink an eye. Nae-excite ako sa sasabihin niya. Nanlalamig tuloy ako sa kaba.

"Theo, just say it," sabi ko.

Ngumiti siya, ngiting may kaba at inabot ang kamay ko. He bit his lower lip and said, "I am gay."

Oh, damn.

He's gay, Lyza. He's a fucking gay for the love of the mankind! Hindi agad ako nakareact. Hindi ko alam ang irereact ko. Peste! Si Theo ay isang bakla?! How did that happen?

Out of impulsiveness, namalayan ko nalang na binuhos ko sa mukha niya ang juice na kanina pa ay hawak ko.

"What the hell, Theo?!?" I roared on his face.

He ran his fingers on his hair and chuckled. "Sorry. Pilit kong nilabanan ito, pero hindi ko kaya, Lyza. Can you still be my friend despite of my identity?"

"You... You've got to be kidding me. Ha-ha-ha!" I faked a laugh and clapped my hands in mid-air. "Bawiin mo yang sinabi mo, Theo. Promise, makikipagdivorce ako kay Derrick at papakasalan agad kita. Just don't kid me!"

He pouted. No, please! "I'm not kidding. Pwede bang secret lang natin 'to? Ikaw lang ang sinabihan ko tungkol dito. Not my sister, not my mom and not even my Dad. Pagbigyan mo na ako tutal birthday ko na sa Sabado, Lyza."

Oh my... Ano'ng nangyayari sa mundo ngayon? Si Matheo na isang hunk at gwapo ay baklita? Bakit siya pa? Bakit hindi nalang si Derrick?


DERRICK'S POV


Bukas pa dapat ako uuwi pero napagpasyahan kong umuwi na ngayong araw sa Maynila. Mamamatay na yata ako sa nerbyos. Teka, hindi nerbyos ang tawag dito. Nag-aalala ako! Aba, anak ko rin yung nasa tiyan niya. Ako ang gumawa du'n. Buong pagsisikap naming ginawa yun kaya dapat kong alagaan ang bata. Shet! 'Wag naman sanang may nangyaring masama sa kanya.

"Ma, 'di ba sabi ko puntahan mo si Lyza?" Kanina ko pa kinukulit si Mama sa phone. Nakadagdag pa sa init ng ulo ko ang traffic. Tsk! Kung pwede lang paliparin itong taxi na sinasakyan ko, ginawa ko na.

["Jusko, Derrick. Ba't ang kulit mo? Nadala na nga raw siya ng Mama niya sa ospital. Nalipasan lang daw ng gutom ang asawa mo. You told me to check on her and I did. Kaso walang tao sa unit mo dahil kasalukuyan silang naglalunch ng Mama niya sa labas. Now, satisfied, Monteverde?"

Napa-tsk nalang ako. Nakakairita talaga yung traffic eh. "Eh bakit daw po nagpalipas ng gutom?"

["Geez. I don't know. Siya nalang ang tanungin mo tungkol dyan. Alam mo, dapat bumalik na kayo ng asawa mo dito sa bahay para naaalagaan ko siya e."]

"Ayoko nga."

["And why?"]

Bakit nga ba? Hindi kumportable si Lyza sa bahay. Ni hindi nga siya makatambay sa sala dahil nahihiya raw siya. At least, kapag sa pad ko, kahit hubo't hubad pa siya, hindi niya kailangang maconscious dahil kaming dalawa lang naman ang tao. 

"Mas masaya kapag solo kami..." Napatingin ako sa labas ng bintana at natanaw ang tower ng condo na tinitirhan ko. Medyo malapit na rin naman kaya inabutan ko na ng bayad si manong driver at lumabas na. "Ma, talk to you later. Bye!"

I pocketed my phone and ran as fast as I could to get to my condo. In just 15 minutes ay nakarating na agad ako sa tapat ng pad ko. Syempre, bago ko 'to buksan ay kinalma ko muna ang sarili ko. Potek, nakakahingal yung ginawa ko ah!

"Phew!" Isang malakas na buga ang pinakawalan ko bago ako pumasok sa pad ko. Narinig ko kaagad ang boses ni Lyza galing sa veranda.

"Geez! Ikaw na. Ang cute cute mo talaga!" 

Ha? May kausap ba siya? Napakunot tuloy ang noo ko. Nilapag ko muna ang gamit ko sa center table at pinuntahan siya dun. Panay ang hagikhik lang niya ang naririnig ko. Yun ba ang naisugod sa ospital kanina?

Tuloy-tuloy na akong lumabas ng veranda at tinawag siya.

"Ly—" Napatigil ako. Wow. What a scene.

Napatingin sa akin si Lyza at bigla-biglang tumayo. "Derrick?"

"H-hi?" Bati ko sa kasama niya. Nawala lang ako, nagsama na naman agad sila? Wow. Mukhang naistorbo ko pa ata ang dal'wa.

"Pre," bati niya pabalik. Ngumiti lang ako ng pilit at tinignan si Lyza. "Sige, maiwan ko muna kayo. Aakyat muna ako sa taas."

Pagkarating ko sa kwarto, dumiretso agad ako sa bathroom at nagshower. Pesteng yan! Ang ganda ng bungad sa akin ah. Harutan ng asawa ko at ni... Ano nga bang pangalan nun?

"Alalang-alala pa naman ako sa kanya tapos maaabutan ko lang siyang nakikipagtawanan dun? Edi sana, hindi nalang ako umuwi. Bwsit!" Teka, bakit ba ako nagsasalitang mag-isa? Nahawa na yata ako sa psycho-ng yun.

Paglabas ko ng banyo ay nabungaran ko si Lyza na nakaupo dun sa kama. Hawak-hawak niya yung paper bag na dala ko galing ng Cebu. Walang imik akong umupo sa kabilang side ng kama habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel. Nakakawalang ganang makipag-usap sa kanya.

"Ito ba yung pasalubong mo sa akin?" 

"Hmm," tumango nalang ako. 

Tumabi siya sa akin at binuksan yung isang pakete ng dried mangoes. Inalok pa niya ako pero tinanggihan ko siya. "Kamusta ang business? Successful ba?"

"Hmm," tango ulit. Humiga na ako at tinalikuran siya. Kahit ala-sais palang ng gabi, matutulog na ako. 

"Derrick, sumakit talaga yung tiyan ko kaninang umaga. Akala ko nga ay makukunan na ako."

Pumikit ako at hindi siya inimik. Sige, magkwento ka lang. 

"Tapos, sabi nung OB ko, nalipasan lang ako ng gutom. Nung tumawag ka kasi sa akin kahapon, hindi pa ako nun naglalunch eh."

Napuno ng question marks ang utak ko. Hindi pa siya naglalunch nun eh 2PM ako tumawag sa kanya ah.

"After nung tawag, nakatulog naman ako. Kaninang umaga na ako nagising. So, hindi ako kumain ng lunch at dinner kahapon at breakfast kanina."

Eh bakit hindi ka kumain? Tanong ko sa utak ko. Hindi ko nga siya iimikin diba? Bahala siyang magsalita mag-isa dyan. 

"Hoy, nakikinig ka ba?"

"Hmm..."

Niyugyog niya ang balikat ko. "Derrick, may problema ba? Ba't parang ang tamlay mo? Siguro, naloko ka nung kausap mo sa Cebu no'? Scam ba?"

Niyakap ko ang unan sa tabi ko. "Check mo yung income statement ng bar, saka mo sabihing naloko ako," malamig na sabi ko.

"Eh bakit ang cold mo?" Gumalaw ang kama. Mukhang humiga na siya.

"Pagod ako."

"'Di ba bukas ka pa dapat uuwi?" Tanong niya. Bakit? Ayaw niya ba ako dito? Peste naman oh. Bakit ba ako ganito mag-isip ngayon?

"'Ge, babalik ako bukas dun." At dun na ako nakatanggap ng malakas na sapok sa bandang ulo ko mula sa kanya. What the f-ck?!

"Ba't ka ba ganyan ngayon? I'm trying to be nice here, but you're acting the other way around!"

Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha at pumikit. Bahala ka dyang magsalita. Basta ako, matutulog na!

"DERRICK!!!"

I looked at her over my shoulders and snapped, "Ano?!" Magkasalubong na ang dalawang kilay niya.

"Bakit kasi ayaw mo akong kausapin? Nakakairita ka na! Umalis ka na nga dito."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Talagang pinipikon ako ni Santiago. "Bakit ba ayaw mong nandito ako? Dito mo ba pinapatulog yung kuhol na yun habang wala ako dito?"

"Uy! Hindi ah!" She defensively retorted. Marahan niya pang tinulak ang braso ko. "Nagkataon lang na nakita namin siya ni Mama kanina sa resto. Siya ang naghatid sa akin pauwi dahil may urgent meeting si Mama. Grabe, Derrick! Pinag-iisipan mo ng ganyan ang isang buntis na katulad ko???"

Tinitigan ko lang siya sa mga mata. Naniniwala naman ako sa kanya pero hindi mawawala sa akin ang pagkainis. "Alam mo, ewan ko sayo. Halata namang may gusto sayo yun pero lapit ka pa rin ng lapit. Pinaglilihian mo siya? Ang dami namang iba dyan. Kung ayaw mo sa akin, edi ilalapit kita kay Wayne. Yun! Lapitin ng buntis yun."

She rolled her eyes. "As if namang mapipilit ko ang sarili ko. Nagseselos ka ba ha?"

Napa-weh? nalang ako sa kanya. Asa! Ako, magseselos? 

"Seryoso ka dyan sa tinatanong mo, Lyza?"

Ngumisi siya na lalong kinainis ko. "Looks like it's a yes. Nagseselos ka kay Theo? Tss. Palibhasa mas gwapo siya sayo. You're insecure."

"Tss." Tinalikuran ko na siya at bumalik nalang sa pagkakahiga. Gwapo ba yun? Eh mukha ngang anemic sa pagkaputla yun. 

Buti nalang ay nanahimik na si Lyza pagkatapos ng argumento namin. Pero ang ikinagulat ko ay ang brasong pumupulupot sa bewang ko. Naramdaman ko ang pagdantay ng isang malambot na katawan sa likod ko at ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Ano'ng meron?

"Hindi pa ako kumakain, Derrick."

"Oh, ano'ng gagawin ko?" Tipid kong tanong, pero ang totoo... Peste!! Nahihirapan akong huminga. Takte, ba't bigla akong kinabahan?

"G-ka kasi eh. Hindi ako sanay nang wala ka. Hindi tuloy ako makakain ng maayos dito," she harshly told me. "Sa susunod, isama mo na nga ako."

Hindi ko na napigilan ang sarili na hindi mapangiti. Kusang nawala yung inis ko sa kanya. Eh kung ganito ba naman siya palagi, edi magkakasundo kami.

Humarap na ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Yumakap din naman agad siya sa akin at ibinaon ang ulo niya sa leeg ko.

"Sabihin mo lang kasing namiss mo ako, magdidinner agad tayo sa labas," biro ko. Kahit hindi naman niya sabihin yun, alam ko namang namiss niya ako. 

"Oh sige, kunwari nalang namiss kita. Tara na..." Natatawang sabi niya.

My day wouldn't be complete without having an argument with this girl. Seryoso, namiss ko talaga si Lyza. Siguro nga, kaunting tulak nalang ay mahuhulog na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 8.9K 4
| COMPLETED | 30 June 2016 - 22 August 2016 | Stonehearts Series #1 | Garnet Raniel Carlos is one tough cookie. Born on the 26th of January, she is v...
3.7M 52.3K 17
Lindsey is a very liberal girl. She has this rule wherein her FBs will only last for 6 Months. Why 6 Months? And what are FBs? Read to find out. ;)
13.5K 452 8
| STONEHEARTS #10| Torie Maylalaine Gosingtian grew up with a silver spoon in her mouth. Being the youngest of the two daughters of a business magnat...
21.3K 807 9
WARNING R-18: SENSITIVE THEMES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK Sawang-sawa na sa buhay si Janica, at naisipan na niyang gumawa ng goodbye letter sa Eart...