Finding You

By IHIDEMYSELF

61.8K 1.7K 95

Isang malaking aksidente ang naganap at kinailangan ni Sharla ng heart transplant para mabuhay, ngunit kasaba... More

Finding You
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Epilogue
IHIDEMYSELF

Forty Seven

781 22 6
By IHIDEMYSELF

Forty Seven

Kanina pa ako nakahiga pero di parin mawala sa isip ko ang mga pinagusapan namin ni Cheska kanina, hindi parin siya napoproseso sa isip ko.

"Hindi ka makatulog?" tanong ni Monique saakin

"Ou. Ikaw bakit gising ka pa?"

"Hindi ko rin alam" sagot niya. Humarap siya saakin.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" hindi ako makasagot sa tanong niya.

"Alam mo Sharla, ikaw lang ang makakasagot sa lahat ng yan"

Napahinga ako ng malalim. "Naguguluhan ako, hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan kapag sasanihin ko na sakanya, natatakot ako sa magiging reaksyon niya."

"Paano mo naman kasi malalaman kung hindi mo naman susubukan? Hindi naman pwede na hindi niya alam, karapatan niya yun Sharla."

"Alam ko, kaya nga mas lalo akong natatakot na ipaalam sakanya"

Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko.

~*~

"Handa na po ang pagkain" sigaw ko sa mga batang naglalaro sa Playground. Nakita ko sila na naguunahan papalapit saakin, may humila pa ng laylayan ng damit ko. Naupo ako at pumantay sakanya.

"Ate Sharla, kanina pa may naghihintay sayo" ani ni Matte

"Ha? Sino naman yan?" malambing na tanong ko sakanya.

Sabay sabay na nagtawanan ang mga bata at itinuro si Raiden na nakahiga sa grass malapit sa Playground. Unti-unti akong napatayo, narinig ko pa ang hiyawan nila habang papasok sa loob ng community.

Tinanggal ko ang apron at ipinatong ito sa bench na nadaanan ko.

"Kanina ka pa?" tanong ko sakanya habang nakaupo na

"Medyo, nagluluto ka pa daw kasi kaya sinamahan ko muna na maglaro ang bata"

Pinagmasdan ko siya habang nakatanaw sa mga ulap. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak saakin at hinalikan ko siya sa noo. Kita ko ang pagkagulat niya at mabilis na napangiti.

Tumingin ako ng seryoso sakanya... "Saan mo gusto pumunta?" tanong ko rito, ang kaninang malambing na ngiti ay napalitan ng malawak na ngiti.

"Seryoso ba yan? Niyaya mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Napatango ako. "Ayaw mo ba?"

"Hindi, gustong gusto"

Nauna siyang tumayo at inalalayan ako, sinabihan ko lang siya na hintayin na lamang ako sa kotse at magbibihis lang ako. Pagkarating ko ng kwarto namin ni Monique ay naabutan ko siyang umiinom ng gamot niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya

Agaran siyang napatango sa sinabi ko samantalang nagdiretso naman ako sa cabinet para pumili ng masusuot.

"May lakad ka?" tanong niya

"Ou, sasabihin ko na sakanya ang lahat..." nakangiting sambit ko.

"Talaga? Kaya mo na?"

"Hindi ko alam, pero kakayanin ko ayokong umalis nang may pagsisisi" isang ngiti ang natanggap ko mula sakanya at tsaka ako tinulungan na makahanap ng masusuot. Nagpaalam lang ako sandali kila Mother Theresa at umalis.

Buong byahe niyang hawak ang kamay ko, nakatulog narin ako dala na rin siguro sa puyat kagabi. Pagising ko ay pamilyar na lugar kaagad ang bumungad saakin.

"Sea?" nagtatakang tanong ko

Tumango siya. "Ayokong nang maraming tao ngayon, I just want to spend this time with you" aniya at mabilis akong hinila papalapit sa walang hangang karagatan.

Napangiti ako sa ginagawa niya... Hinayaan ko lang siya na maglakad lakad sa dalampasigan habang ako naman ay tahimik lamang na nakamasid sakanya. Nakatanaw ako sa mg ulap ng lumapit at tumabi siya saakin.

"Ang ganda ng langit" sambit ko.

Humiga siya at inalay saakin ang kanang kamay niya, nahiga narin habang ginawa kong unan ang kanang braso niya.

[Please play the song while reading]

"I wish it will never end" bulong ko sakanya

"I will make sure that it will not happen" bulong niya rin saakin.
Napangiti ako sa sinabi niya at mahigpit na niyakap siya. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Biglang nagunahan sa pagpatak ang luha sa mata ko habang naririnig ko ang bawat hagod at pintig ng puso niya. Natatakot ako na baka sa oras na wala na ako, hindi na niya piliing magmahal.

'Raiden, natatakot ako na baka kapag wala na ako, maging worst pa ang mangyare sayo bukas kaysa sa noon. Ayaw sana kitang iwan pero ito na talaga ang tadhana ko. Hindi ko man pinapakita sayo pero nahihirapan na ang katawan ko at alam kong anytime kukunin na nila ako'

Naramdaman ko ang paggalaw niya at humarap saakin, nahuli niya akong umiiyak. Halata sa mukha niya ang gulat sa pagiyak ko.

"Bakit?" nagaalalang tanong niya.

Pinilit kong iiwas ang mukha ko sakanya ngunit maagap niya iyong nakuha.

"Why? May problema ba?" clueless na tanong niya. Pinunasan niya ang luha sa mata ko, ramdam na ramdam ko ang pagaalala saakin, ito'ng pagiyak ko pa nga lang Raiden nagaalala kana paano pa kaya kung malaman mo na konting oras at panahon nalang ang meron ako?

Pinilit kong manahimik, hindi! HIndi niya pa kayang malaman ang tungkol sa sakit ko, ayokong mapalitan ang ngiti sa mga mata niya.

"Sharla alam kong may problema ka..." Ngumiti ako ng mapait sa harap niya. Naipikit ko ang mata ko at nararamdaman ko na naman ang pagkirot ng dibdib ko.

Nauna akong maupo sa buhanginan at sumunod din naman siya saakin.

"Raiden"

"Hmmm"

"May sasabihin ako sayo..."

"Sige ano yun?" Napahinga muna ako ng malalim at pinapakiramdaman ang pagkirot ng puso ko. Itinuon ko ang mga mata ko sa malawak na karagatan na hindi ko malaman kung may hangganan.

"I am sick" pagkasabi ko nun ay napatingin ako sakanya ngunit walang emosyon ang ipinakita ng mata niya.

"Then we should go to Hospital" hinipo niya ang noo ko "Wala kana mang lagnat, may masakit ba sayo" Napapikit ako sa reaksyon niya.

"Raiden" tawag ko ulit sakanya... Hindi ko mabasa parin mabasa ang ipinapakita ng mga mata niya.

"Hindi ako nagbibiro. I'm really sick"

"I know, pagod ka lang kanina sa agluluto kaya alam kong may sakit ka"

"Hindi ito ordinaryong sakit lang Raiden, please makinig kana man saakin" Napansin ko ang biglang pagtulo ng luha niya... Unti-unti rin siyang napabitaw sa pagkakahawak sa akin at tumalikod.

Naramdaman ko ang sobrang pagkirot ng dibdib ko, ipinikit ko lamang ito habang niyakap ko siya patalikod.

"I'm sorry Raiden, I'm really Sorry" ramdam ko ang patuloy na pagiyak niya.

"Yung sinabi ko sayong dahilan kung bakit ako umalis noon was actually not the biggest reason. I already told you about Yna, itong puso na nasa akin ay sakanya and thats why I met you. Naalala mo yung nahimatay ako sa school? That was the time na nalaman ko na may conflict na sa puso ko. I'm really Sorry Raiden" Tumulo ang kaninang luhang namumuo sa mata ko ngunit kasabay nun ay ang pagkalas niya sa yakap ko. Pinagmasdan ko siyang tumayo at naglalakad ng papalayo saakin.

Raiden please come back, I need you.

Noon palamang, alam kong pupwedeng mangyare ito pero hindi ko alam na ganito pala kasakit kapag nakikita ko ang likod niya na papalayo saakin.

Kung kanina ay nakakaya ko pa ang pagkirot ng dibdib ko, ngayon mukhang di ko na kaya. Malabo na siya sa paningin ko. Gusto ko ng magwala dahil sa hindi ko na kaya ang sakit ng dibdib ko, kahit ang lakas lakas ng hangin hindi ako makanap para maging maayos ang paghinga ko.

Raiden please comeback...

VOTE, COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

904 242 64
BTS Series 2: Jeon Jungkook 💜
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
74.9K 1.3K 39
Different. That's what she felt when her parents around. In every family there is one failure. Sa pamilya pakiramdam ni Mia Vannalein siya ang palag...
22.5K 732 38
(COMPLETED) Ali Zuldiriego were born with a golden spoon. A hard headed youngest daughter of Senator Antonio Zuldiriego. She grow's up getting what s...