"PRINCESS OF TEARS" (Lade & K...

By yhanie_kaye08

39.9K 2.1K 295

Nakatulong nga ba ang yong pag layo sa paghilom nang sugat sa iyong puso? o sa muli nyong pag tatagpo maalala... More

"PROLOGUE"
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 33
CHAPTER 31
CHAPTER 32
AUTHOR NOTE
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER

"BECAUSE OF YOU"

678 35 15
By yhanie_kaye08


LADE'S {P.O.V}

Umusok ang ulo ko nang mamataan si Katrina na kasama si Evo habang naka-kawit pa ang mga kamay ni Katrina sa isang braso nito.

Nakasuot sya nang long gown na kulay light pink na hapit sa katawan nya kaya,hindi maiwasan mapasulyap nang ilan dahil sa bakat na hubog nang katawan nito.Hindi naman malaswa kung titingnan ito,agaw pansin lang talaga ang simpleng ayos nya na lalong nagpa lutang nang kagandahan nya.

Nasa isang party kami para sa mga kilalang tao,at dahil kami ang nag mamay-ari nang malaking kumpanya sa bansa kaya imbetado ang buong pamilya namin.At alam ko na kung bakit nandito si Evo,dahil isa ang ama nya sa kilalang matapat na mayor sa buong ka maynilaan,napaismid lang ako sa kaalamang yon,dahil sa kasamaan nang angkan nito,hindi ako maniniwalang walang pangongorakot Na nagaganap sa pamamalakad nito sa lungsod nang makati,kung saan ito nakaupo bilang mayor.


"Hahayaan mona lang ba syang manganib sa kamay nang gung-gong na yan.?" Mariin na bulong ni Zade habang matalim ang tingin kay Evo na walang kasing tamis ang ngiti habang nakatingin kay Katrina.

"Tsk..ano naman magagawa ko? Ginusto nya yan,kaya bakit ako mangingi-alam.?" Sagot ko na nagpupuyos ang kalooban,umiiling naman na lumayo si Zade.

Nang may dumaan na isang waitress na may dalang iba't-ibang klase nang alak,kumoha ako nang isang glass at paunti-unti itong tinungga habang pinagmamasdan parin si Katrina na ngayo'y mag-isa na lang na nag lalakad at hindi ko alam kong saan ito patungo dahil binabagtas nito ang isang pasilyo.Sinundan ko ito at kumabog ang dibdib ko nang pumasok ito sa isang silid,iniwan nitong bahagyang nakaawang ang pinto at pag silip ko palakad-lakad ito sa loob na parang kinakabahan,Panay din ang hagod nya sa buhok nyang nakalugay lang.Anong problema nito? Hindi kaya..inaantay nya ang pag pasok ni Evo? At may mangyayaring.....Hindi kona pinatapos ang nilalakbay nang isip ko,tinulak ko ang pinto at ,gulat na mang napatingin si Katrina sakin.

KATRINA'S. {P.O.V}

Napabitaw ako,kay Evo nang masulyapan ko si Lade habang kausap nito si Zade pilit kong winaglit ang pakiramdam na nakatingin ito sakin,pero hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko nang makita ito sa gilid nang mga mata ko na nakamasid lang sakin.Nag excuse ako kay Evo at nag mamadaling tinungo yong silid kung saan ako nagbihis kanina bago magsimula ang party.Nakilala ko si Evo nang kasama ko si Ellene sa isang restaurant habang kasama nito ang pinsan ni Ellene na si Shekhant.Unang kita ko palang dito nakaramdam na ako nang pagkailang dahil sa paraan nitong malagkit kong tumingin,at napilitan akong pumayag na maging partner nya sa event na'to dahil narin sa pamimilit ni Ellene dahil kasama din ito at ang pinsan nya ang magiging partner nya,pero pinangako ko sa sarili ko na ito ang una't-huling sasama ako dito.

Nagpalakad-lakad ako sa loob nang silid habang pinapakalma parin ang mabilis na pagtahip nang dibdib ko habang pilit na lumilitaw ang emahe ni Lade sa isip ko.Nang huli naming pag-uusap sa Aquatico doon ko na pagtantong....Mahal ko parin sya.At yon ang kinakatakot ko,kaya kung maari lang sana,ayaw ko nang makita ito na hindi naman inayunan nang panahon tulad ngayon.

Napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas ito at napasinghap ako kasabay nang panlalaki nang mga mata ko.

"Dismayado ka ba dahil ako ang nandito? At hindi si Evo na inaasahan mo?" Naniningkit ang mga matang tanong nito habang papalapit sakin.

"A..a..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang napapaatras hindi ito sumagot hanggang maramdaman konang sumayad ang likod ko sa pader.

"Layuan mo si Evo,dahil hindi sya mabuting tao."

"Kilala mo ba sya,kaya ganyan mona lang sya siraan?" Sagot ko dito dahil sa inis na naramdaman ko.Kala mo kung sinong matino,at uutasan ako layuan ang isang tao na hindi naman nya yata kilala.

"Hindi na mahalaga kung kilala ko sya o hindi,ang sinasabi ko ang pahalagahan mo."

"Bakit? Sino ka ba? At isa pa buhay ko ito,kaya wala kang karapatan pagbawalan ako kung sino ang gusto kong lapitan." Naningkit ang mga mata nito.

Nakipagsukatan ako dito nang tingin,at mas lalo akong nabahala nang tinukod nya sa pader ang magkabilang kamay nya.Halos hindi ako makahinga sa subrang lapit nito sakin.Nang biglang may narinig kaming ingay mula sa nakabukas na pinto,sabay pa kaming humarap ni Lade at nagulat kami sa mga camera flashes na sumalubong samin mula sa reporters na imbetado sa event na yon,at hindi ko maiwasang manlumo dahil ang ilan sa kanila ay showbiz reporters.

"Kristel,matagal na ba kayong mag kakilala at may namamagitan ba sa inyong dalawa ni Lade Jeong?" Diretsahang tanong nang isa dahilan upang mas lalo akong kabahan.At hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Lade,ano po ang ginagawa nyong dalawa sa loob nang silid na'to" napatingin ako Kay Lade at humanga ako nang kampanteng lang itong nakatingin sa mga nagkakagulong reporters sa harap namin."maari ba naming malaman kung sino si Kristel Montallana sa buhay mo?"

Ibubuka kona sana ang bibig ko upang linawin ang maling akala nila nang magulat ako sa biglang paghapit ni Lade sa bewang ko,nagtatanong akong tumingin dito pero deretso lang itong nakatingin sa mga reporters.

"This girl.." Sabay sulyap nito sakin,na hindi kona man maintindihan kong ano ang tumatakbo sa isip nito dahil muli itong humarap sa mga reporters."She is..my fiancé"

Ano daw?!.. Lalo kaming inulan nang mga tanong at flash nang camera dahil sa sinabi nitong kabaliwan.At buti na lang may mga tauhan ang pamilya nitong pilit pinalayo ang mga reporters.

"Bakit mo sinabi mo yon? Hindi mo ba alam na ngayon pa lang kalat na yon sa social media?!" Nanggagalaiti kong tanong dito,dahil kung balewala lang dito ang sinabi nya sa kanya malaking problema yon,

"So? I don't care.." Uminit ang ulo ko sa naging sagot nito.

"Ganon lang yon?! Dahil kaya mong linisin ang pangalan mo gamit ang malaking halaga mula sa kayamanan nyo?! Matapos mo akong idamay ganon-ganon na lang? Pinaghirapan ko yong tinatamasa ko ngayon,kaya mahalaga sakin na hindi mabahiran ang pangalan ko,pero dahil sa sinabi mong kasinungalingan na maaring maka apekto sa career ko."

"Walang kasinungalingan sa sinabi ko,dahil paninindigan ko yon." Seryusong sabi nito.Natulala ako sa tinuran nito.

"Why are you doing this?" Nagugulohan na tanong ko.Deretso na man itong tumingin sa mga mata ko.

"Because of you.." Sagot nito na mas lalong nagpagulo hindi lang sa isip ko,kundi sa pati sa puso ko.

*************

A/N

Medyo mabagal po ang ud,sana po maintindhan nyo.. :)) tnx po..

Goodnyt...

Continue Reading

You'll Also Like

220K 13.2K 9
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
747 140 17
Sidney and Lee broke up but they have an unfinished business. Will they last a weekend without the past getting in the way? *** All rights reserved...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...