Married with a Casanova

By FlatteringDaisy

2.3M 16.9K 584

( HIGHEST RANK: #4 IN TEEN FICTION) By: FlatteringDaisy🌼 _________________________ This book was written aro... More

Meet the Main Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
NOTICE
GUIDE
ABOUT BOOK 2
✨COVER OF BOOK TWO✨

Chapter 9

30.5K 626 11
By FlatteringDaisy

AGATHA POV

Tumambad sa akin ang mukha ni Tito Mark pero tumagos sa likod nito ang mga mata ko at nakita si Brayden at ang mga kaibigan nito na nakatingin rin sa amin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila nung tumingin siya sa gawi namin. Stay calm Agatha.

"Welcome to Lee Sky Agency." Rinig kong bati ni Tito Mark sa amin, agad naman akong ngumiti sa kanya nung magtama ang paningin namin.

"My name is Leila Santiago, I'm the manager of Agatha, Scarlet and Amelia. Thank you for the warm welcome Mr. Lee." Nakangiting pakilala ni Mommy L sa kanyang sarili.

"I'm Mark Lee and this is my son Brayden Lee." At naglakad si Brayden papunta sa harap at nakipagkamayan kina Mommy L.

Lumingon ako kina Aiden at nagulat ako nang makita silang nakatingin sa akin, ngumiti sila sa akin nang mahuli ko sila kaya agad naman akong ngumiti pabalik at binalik ang tingin kina Mommy L.

"Hello Sir, I'm Amelia Fawn nice to meet you." Pakilala ni Amelia sa sarili at nakipagkamayan kina Tito Mark at kay  Brayden pati na rin sa mga kaibigan nito. Ba't pala sila nandito?

Di nakaligtas sa akin ang mga tingin ni Matthew kay Amelia. Type niya siguro kaibigan ko.

"I'm Scarlet Bloom." Simpleng pakilala ni Scarlet at nakipagkamayan rin sa kanila. Nagpakilala rin sina Adam at James sa kanila, at nakipagkamayan rin. Napatingin naman sa akin si Scarlet dahil ako nalang ang natitirang hindi pa nagpapakilala. Do I really have to introduce myself kasi sigurado akong hindi nila nakakalimutan ang pangalan ko.

"My name is Agatha Kim, I'm looking forward to work with you guys." Pakilala ko habang nakatingin sa isang tao, at isa-isang nakipag-kamayan sa kanila. Walang emosyon akong tumingin sa mata ni Brayden at mabilis na inagaw ang kamay ko nang maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Aiden Welson here." Napaiwas lang ako ng tingin kay Brayden nang marinig ko ang boses ni Aiden. Sumunod naman si Jeremiah sa kanya, "Jeremiah Jordison at your service." Napangiti naman ako ng mag-bow ito. He haven't change at all.

"Matthew Valar." Pakilala ni Matthew at kumindat pa ito, kung alam ko na para kay Amelia iyon.

"Since you've meet everyone here. I'm pretty sure that you guys are tired from the flight, we'll move the meeting about the contract and some details about the photoshoots tomorrow. Please lead them the way." Turan nito sa sekretarya.

Agad naman kaming nagpaalam sa kanila at sumunod na kami sa sekretarya at nung makabalik kami sa sasakyan ay agad kaming umalis papunta sa isang building.

Nakasunod lang kami kay Mommy L dahil siya ang nakakaalam kung saan ang magiging kwarto namin. Nasa kabilang floor ang penthouse nina Adam at James kaya naghiwalay na kami at kaya rin naman daw nilang hanapin ang penthouse nila.

Pumasok kami sa isang pinto at tumambad sa amin ang malaking lugar. Meron itong ikalawang palapag, naglakad-lakad pa kami at napatingin ako sa kitchen area, malaki ito at meron ring counter table at dalawang upuan. Hindi kalayuan rito ang ay mismong dining table with five chairs.

Pumanhik na kami sa taas at meron itong dalawang kwarto at isang toilet na pinapagitnaan. Pinagpatuloy pa namin ang pagtingin-tingin sa kabuuan nang lugar.

*****

BRAYDEN POV

"My name is Agatha Kim, I'm looking forward to work with you guys." Pakilala nito habang nakatingin sa akin. Nang nasa harap ko na siya ay agad siyang nakipagkamayan, walang emosyon siyang napatingin sa akin kaya wala sa sarili kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya agad rin niyang inagaw ang kamay mula sa akin.

At nang makaalis sila ay agad ring umalis si Dad dahil nay meeting pa itong kailangan puntahan. Naiwan naman kaming apat rito sa opisina ni Dad.

"Wow. I didn't know na kinuha talaga nang Daddy mo bilang model ng collection niyo si Agatha," Namamanghang sambit ni Aiden at umupo sa visitor's chair. "She changed a lot though." Dugtong pa nito.

"She did changed a lot pero siya pa rin naman ang Agatha na kilala natin." Rinig ko namang aniya ni Matthew at kinuha ang bag nito at sinukbit.

Kakatapos lang namin kanina mag-exercise sa isang gym nang makatanggap ako ng text mula kay Dad at sinabi nitong kailangan daw na nandito ako sa opisina at dahil kasama ko naman ang tatlo kaya sumama nalang sila. At napag-alaman namin na sina Agatha pala ang darating bilang panibagong model sa aming upcoming summer collection.

Hindi rin kami nagtagal sa office ni Dad dahil may pasok pa kami mamayang tanghali.

*****

AGATHA POV

Buong araw akong natulog kaya kinabukasan ay maaga akong nagising at pagtingin ko sa cellphone ko ay binasa ko agad ang text na natanggap mula kay Mommy L na kailangan daw naming pumunta sa Lee Sky Agency para pag-usapan umano ang tungkol sa kontrata at tungkol na rin sa pag-aaral namin rito sa Pilipinas.

Pagkatapos kong maligo ay agad kong pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower at tinali into high ponytail at naglagay rin ako nang kunting make-up. Tumayo ako at naglakad sa closet na narito sa kwarto ko dahil agad ko rin namang inayos ang gamit ko rito sa kwarto ko. Pinili ko ang kwarto na rito lang sa baba, doon naman sina Amelia at Scarlet sa taas. At nasa ibang condo si Mommy L, na inayos rin ng Lee Sky Agency para sa kanya.

Pinili kong suotin ang isang black lowback backless na crop top at pinarisan ko rin ito ng denim jeans at leather boots. Inayos ko rin ang tote bag na dadalhin ko at nilagay doon ang make-up kit, wallet, phone and some wet wipes at isang power bank.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Amelia na nakaayos na rin suot ang simple red ruffle dress and black 3 inches heels. "Kumain ka na Agatha," Aya nito at sinubo ang isang sandwich. "Dala to ni Mommy L kanina nang dumaan siya rito. Scarlet!" Sigaw nito, at agad naman naming narinig ang boses ni Scarlet.

Naramdaman ko naman ang mahinang paghampas ni Scarlet sa likod ko. "Wow. Sexy natin ngayon ah." Nakangising bungad ni Scarlet nang makapasok siya sa dining area. Napatingin naman ako sa suot niya, nakasuot ito ng white long sleeves at high waisted ripped jeans saka puting sapatos. "Mainit eh." Sagot ko naman sa kanya at sinubo ang isang subway sandwich.

Habang kumakain kami ay narinig namin ang ingay mula sa pinto kaya agad na tumayo si Scarlet at binuksan ang pinto, tumambad naman ang mukha ni Mommy L. "Ready girls?" Tanong nito, tumayo naman ako at pumunta sa kwarto para kunin ang tote bag ko at sumunod na sa kanila. "Sina Adam, Mommy L?" Tanong ko sa kanya ng makasakay na kami sa elevator.

"Hindi sila makakasama sa atin, kailangan pa nilang sunduin ang manager nila sa airport mamaya kaya hindi ko na muna sila pinasama." Sagot naman nito, "Isn't too dangerous for them to be in the public place?" Tanong naman ni Scarlet na inaayos ang sleeves ng damit. "Don't worry darling, may security na pinadala ang Lee Sky Agency for their safety. At meron din silang pinadala para sa inyong tatlo para safe kayo kung sakaling gusto niyong lumabas na hindi ako kasama." Aniya nito.

Napatango nalang kami sa sinabi nito, at nung bumukas ang elevator may nakita kaming tatlong armadong lalaki na naka-itim na naghihintay sa gilid. "Good morning po. Kami po ang pinadala ng Lee Sky Agency. " Saad ng isang lalaki, agad naman kaming ngumiti sa kanila at nauna nang naglakad sa amin papunta sa isang sasakyan.

*****

Napatingin ako sa labas ng maramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan, lumabas na kami ng sasakyan at tumambad sa amin ang maraming tao na tila kanina pa naghihintay. Meron ring mga reporter sa mga gilid at mga taong may mga hawak na malalaking camera. Ang aga naman ata nila, at hindi ko inaasahan na meron palang naghihintay sa amin rito.

Nakangiti lang kami habang naglalakad hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng kompanya. Agad naman kaming hinatid nang isang babae sa isang meeting room, pumasok na kami sa loob at wala pa roon si Tito Mark.

"Restroom lang ako." Paalam ko sa kanila at lumabas ng meeting room at kailangan ko pang tanungin ang isang babae kung nasaan ang restroom nila.

Pagkatapos ko ay agad rin akong lumabas at nakasalubong ko pa si Tito Mark na papunta na ring meeting room kung nasaan sina Mommy L ngayon.

"Agatha." Ngumiti ako sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ko. "Hello po Tito." Nakangiti kong bati sa kanya.

"Mabuti naman at tinanggap mo ang kontrata." Masayang sambit nito, lumingon naman ako sa kanya. "Sa totoo lang Tito, hindi ko po alam na kompanya niyo pala ang umalok sa amin," Pag-aamin ko sa kanya, "Pinalitan niyo pala ang pangalan ng kompanya mo." Dugtong ko naman.

"Yes. We've changed it two years ago." Sagot naman nito, at nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Nagkausap na ba kayo ni Brayden?" Nagulat naman ako sa biglaang tanong nito tungkol sa amin ni Brayden, umiling naman ako sa kanya bago sumagot. "No Tito, we haven't talk...since  then." Sagot ko, at nakarating na mismo kami sa harap ng pinto kaya hindi na nakasagot sa akin si Tito Mark at pumasok na sa loob, huminga naman ako ng malalim bago sumunod sa kanya at umupo sa inuupuan ko kanina.

Nag-umpisa na ang meeting namin, pinag-usapan namin ang mga bagay na kailangan naming gawin at hindi dapat gawin habang nandito kami sa Pilipinas. At napag-usapan na rin namin ang tungkol sa pag-aaral namin rito sa Pilipinas.

"How about Dream High University?  Agatha used to study there." Aniya ni Tito Mark, napatingin naman sa akin sina Scarlet at Amelia. Hindi nga pala nila alam na kilala ko si Tito Mark.

Nag-usap pa kami tungkol sa pag-aaral namin rito, at napagdesisyonan na rin namin na sa Dream High University kami mag-aaral habang nandito kami.

*****

Pagkabalik namin sa penthouse ay agad akong dinamba ng mga tanong nina Amelia at Scarlet. "Magkakilala kayo ni Mr. Lee?" Tanong sa akin ni Scarlet, tumango naman ako sa kanya at pumunta sa kitchen at kumuha ng tubig at ininom ito. Nagulat naman ako ng makitang sinundan pala nila akong dalawa. "How? Are you related with Mr. Lee?" Tanong ni Amelia sa akin.

Nakaupo silang dalawa sa upuan na nasa counter, kaya lumapit naman ako sa kanila. "Remember what I've told you before? About my husband...something?" Tanong ko, tumango naman si Amelia.

"He's my father-in-law." Sagot ko, napa 'o' naman ang mga bibig nila. "Oh my god. Kaya pala medyo familliar sa akin yung anak ni Mr. Lee." Wala sa sariling sambit ni Scarlet.

"How was it?" Napatingin naman ako kay Amelia nang magtanong ito. "Pardon?"

"How was it? Meeting your ex-husband?" Ulit nito, nagkibit balikat naman ako sa kanya. "I don't know to be honest. But when I saw him yesterday, it felt very weird." Sagot ko.

"Galit ka ba sa kanya?" Tanong naman ni Scarlet, tumango naman ako sa kanya. "Yes. Alam ko sa sarili ko na galit ako sa kanya." Pag-aamin ko.


_______________________

VOTE AND COMMENT

-FOLLOW ME SWEETIE💕

Continue Reading

You'll Also Like

23K 624 30
Trying to be a rebel daughter, binigay ni Angela Jelessa Re Sadida ang pagkabirhen sa isang estrangherong lalaki dahil gusto siyang ipakasal ng kanya...
23.2K 377 73
Akira Ross Marie Zamora Montefalco, one of the seven children of Alba and Adam Montefalco. A ruthless, fierce and a cold lady that can devour someone...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...