Snow White and the 7 Gangsters

By LadySenpai

104K 4.2K 2.3K

One taste of the poisoned apple and the victim's eyes will close forever in the Sleeping Death. More

SYPNOSIS
Chapter 01 : She's Snow
Chapter 02: Twins and Friends
Chapter 03: Innocent Badboy
Chapter 04: Stalking you?
Chapter 05: 12 Midnight
Chapter 06: Who's the boss?
Chapter 07: Great Inferial University
Chapter 08: The Higher class
Chapter 09: The Agreement contract
Chapter 11: Beast
Chapter 12: Nightmare
Chapter 13: Zianna's Identity
Chapter 14: Partners in crime
Chapter 15: Clan or Friends?
Chapter 16: Haze Mantallion
Chapter 17: Angkan ng Kukongpusa
Chapter 18: Beast is back

Chapter 10: The Night Shift

4K 195 189
By LadySenpai

Chapter 10: The Night Shift

(Snow's POV)

Time check: 6:40 pm

Dagsa na ang mga Student Gangsters sa loob ng Gymnasium. Mamaya pagtuntong ng orasan sa alas otso ay sabay-sabay daw silang papasok sa Underground Arena sa likod ng Gymnasium. Ibang klase din pala to. Halos lahat bihis na bihis. Pagkatapos ng Uniform sa umaga, naka leather clothing naman sila sa gabi. Gangster na gangster ang dating.

Ako lang ata ang naka-uniform dito pero nakasuot naman ako ng Hoodie para di ako mahuli nina Zai. Tumakas lang kasi ako sa Bahay. Ayaw kasi ng pitong kurimaw na yun lalo na si Zai na sumali ako dito. The heck. E sa gusto kong matunghayan kung anong meron sa Night Shift na 'to.

Nandito nga lang ako nakatayo sa isang sulok, Pinagmamasdan ang mga dumadating. Hawak-hawak ko pa nga ang Red card na binigay sa akin ni Trevorre, entrance ticket daw to.

Ilang saglit lang ay narinig kong naghihiyawan ang mga Student Gangsters.

"Woooohh!! Black Scorpions! Black Scorpions! Black Scorpions!"

May nagdatingan na isang grupo ng mga kalalakihan. Mga sampu ata sila. Nakasuot sila ng Black and Yellow na Varsity Jacket, sa likod nito ay may naka-print na Scorpion image with caption na "Black Scorpion". Pumwesto sila sa may bench, at ang seryoso pa ng mga aura nila.

Ilang saglit naman ay may isa pang grupo ang dumating. Naghiyawahan ulit ang mga Student Gangsters.

"Red Lions! Red Lions! Red Lions!"

"Pffftt!" hindi ko mapigilan ang matawa. Ang weird ng mga names ng Gangs nila dito. HAYOP na hayop ang dating.

"Bakit ka tumatawa ng mag-isa diyan?"

"Damn! You scared me to death!" nakakagulat kasi ang biglaang pagsulpot ni Trevorre sa likod ko.

"Tch." tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Wow. Nagtatransform ka din pala. Ang cool ng attire mo ngayon ha." ngisi kong sabi sa kanya. Itim ang buhok niya, may peircings na siya sa ilong at tenga, at naka itim na coat siya. Ang lakas ng dating niya.

"This is the real me."

"Ooohh.." kunwaring namamangha kong reaksyon.

"Tch. By the way nasaan ang Red card na binigay ko sayo?" tanong niya.

"Here.." sabay pakita ko. Napansin kong napangisi siya. "What's the meaning of that smirk huh?" agad na sita ko.

"Wala lang. Excited lang akong may matunghayan mamaya." sagot niya na nakangisi pa rin. Weird. "By the way, use this Facemask para maprotektahan mo ang image mo."

Napakunot noo ako ng bigyan niya ako ng itim na facemask. "Bakit naman? Lalaban ba ako sa gitna ng battle ring?"

Mas lalo namang lumawak ang ngisi niya.

"Ginagago mo ba ako, Trevorre?" nakakainis siya.

"Di naman. Sabihin na lang natin na, Today is your time to shine."

"Tsk. Ewan ko sayo." Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga nagdadatingan na mga grupo. Walang kwenta siyang kausap, pa-mysterious effect masyado.

Yung Red Lions, nakasuot sila ng Black and Red varsity jacket at may image ng mukha ng lion at caption sa ibaba na 'Red Lions'. Ang babangis ng mga mukha nila habang nakikipag eye to eye contact sa Black Scorpions.

Bukod sa dalawang grupo ay may iba't iba ding grupo ang mga nagsidatingan. May puro mga babae din na, Yellow Cheetah. May Blue Eagle, Grey Wolf, Green Phyton at may Puting Uwak.

Puting Uwak? The heck! Sinong nag imbento ng pangalan na yan? Patayin ko kaya? Tapos Tatlo lang ang member ng grupo na to. Puro pa kalansay ang pangangatawan. Nag-aadik ata.

Parang Intramurals lang kung iisipin. Pero infairness, mukha namang may ikabubuga silang lahat pagdating sa labanan.

Time check: 6:55 pm na. 5 minutes na lang, magbubukas na ang malaking pintuan sa may stage. Makikita ko na rin sa wakas ang Underground Arena ng mga Student Gangsters.

Teka, bakit parang hindi ko pa nakikita ang The 7 Middle Class of Gangsters? Where art thou? At nawala na rin sa tabi ko si Trevorre.

"Hello. Good evening everyone."

May boses ng babae ang nagsasalita mula sa malaking speaker na nasa gilid ng stage. Malumanay ang boses nito, yung parang nasa Call center.

Naghiyawan naman ang lahat ng marinig ito.

"This is Jessie Do, the Student Gangster Spokewoman of The Night. Listen carefully, Student Gangsters. The Middle Class members,  announcing that starting next week, The Freedom of War will only have a 2 nights of showcase and that is every Friday night and Saturday night."

Sa anunsong iyon ay sari-saring reaksyon ang naglabasan. Pero nangingibabaw ang Violent Reactions ng karamihan. Nagmumurahan na nga eh.

"BUT starting tonight, DEADLY Weapons are allowed to use inside the Battle ground. But still you have to follow the biggest rule here, Never Kill your opponents. This was implemented by our honorabale, Mr.Yuso."

Pagkakasabi niya nun ay naghiyawan na ulit ang lahat sa sobrang galak at excitement. So, 2 nights na lang magaganap ang Freedom of War. Much better, atlis they will use weapons na which is talagang mapanganib itong gamitin.

"10 seconds left. And now, the door will open at a count of.."

Sabay sabay naman na nagbilang ang lahat.

"10 9 8 7 6 5 4 3 2 1!"

Napatakip ako sa tenga ko sa malakas na hiyawan nila.

"WOOOOHH! YEAAHH!"

Bumukas na ang malaking pinto. May mga usok effect pa ang naglabasan dito. Nagsimula ng magsipasukan ang lahat. Habang ako ay nagpa-iwan muna.

Noong konti na lang ang pumapasok ay atsaka naman ako pumasok. Sinuot ko na lang ang Facemask na binigay ni Trevorre, baka kasi mabisto pa ako ni Zai dito. May mga Bouncer pala ang nagbabantay sa entrance door. Lumapit ako sa kanila at ibinigay ang Red Card na ticket. Nagulat naman sila ng makita yun.

"Aba. Kay payat mong tao, ang lakas ng loob mong gamitin ito ah?"

"Huh?" pagtataka ko.

"Codename Miss?" tanong nung isang Bouncer habang nasa harap ng monitor.

"Kailangan pa ba yan?" tanong ko

"Malamang." sarkastikong sagot niya.

Tsk. Paslangin kita diyan eh. "Puting Nyebe." sagot ko na lang. Tagalog ng totoong pangalan ko.

"Pfft!!Wuhahahaha!" at nagtawanan pa sila!

Tsk. Mukhang mapapasabak ako nito ah..

.

.

.

.

.

.

.

Pumasok na ako sa loob, leaving those idiots na nangangawawa na sa sahig.

"T-tumawag kayo ng ambulansya!"

Yan ang huli kong narinig nung makalayo na ako sa kanila. That's what they got for insulting me. Never underestimate me, that's a warning.

"Wow.." yan na lamang ang nabanggit ko ng makita ko na ang kabuuan ng Underground Arena. Ang laki at ang lawak pala talaga nito. Ang daming tao. Dimlight lang ang meron kaya mahirap mamukhaan ang mga Tao dito pero may Spotlight naman sa loob ng Battle ring.

Every corner ay puro benches. Sa gitna ay yung napakalaking Battle ring nga, sa gilid ng battle ring ay may nakasabit na iba't ibang klase ng Deadly Weapons. Sa itaas ng battle ring ay may malaking Screen doon. Diyan siguro makikita ang close up ng labanan ng magkakatunggali para makita sila ng malapitan ng mga nasa malalayong benches. Pero sa itaas pa nito ay may malaking salamin na hindi nakikita ang loob. Parang sa likod nito ay kwarto, kung saan may nagmamasid diyan sa mga labanan dito sa ibaba.

Paghakbang ko papasok ay may nakabangga pa akong isang lalake. Medyo may kalakasan ang pagkakabangga niya sa akin dahil muntik na akong ma-out of balance. Naka-itim na Hoodie siya tulad ko. Naglakad na siya papunta sa mga kumpulang Tao at doon nakisingit.

Pero mas napansin ko dun ay ang Amoy niya. Pamilyar.

Nanlalaki na lamang ang mata ko ng mapagtantong, si Beast iyon! Yep. Di ko nakalalimutan ang Amoy niya. Malakas ang pang-amoy ko sa mga hindi pangkaraniwang Tao. Anong ginagawa niya dito?

Kanya kanya ng ingayan ang lahat. Nagchecheer na sa kani-kanilang bet na grupo. May nagtatagayan na rin pala sa mga sulok. May nagsusugal pa, grabe sila. At naninigarilyo na rin ang iba kaya ang baho ng usok. Urrggg. I the smell of cigarette. Yan madalas ang pinag-aawayan namin Dad. Pag pumapasok ako sa kwarto niya nangangamoy tabako. Freedom nga naman talaga.

Sila na ba yung mga tahimik na estudyante kanina sa Day Shift? Wow. Great!

Habang inililibot ko ang paningin ko sa buong paligid ay nahagip ng mata ko si Trevorre sa kabilang corner. Si Trevorre na may dalang Baril. Iniikot-ikot niya ang baril sa mga daliri niya habang nakangisi siyang nakatingin sa itaas, doon sa may malaking Salamin. Ano kayang binabalak niya? Masama talaga kutob ko sa Trevorre na yan.

"WOOOHH! MIDDLE CLASS! MIDDLE CLASS!"

Pagkarinig ko ng hiyawan na yun ay nabaling agad ang atensyon ko sa loob ng Battle ring kung saan, nakatayo na roon ang Pitong nagagwapuhang nilalang. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa suot nilang bandana's, I admit na mukha talaga silang engot sa paningin ko noon pero sa ngayon, i bow myself to them. Leaders na leaders naman ang dating nila. At mukhang malaki naman ang respeto ng karamihan sa kanila.

Nasa gitna si Zai, katabi niya sa kanan niya si Zayne at sa kaliwa si Mon, sa tabi ni Zayne ay si Zelex at Sue. Katabi naman ni Mon sina Hoppie at Tristan.

"Student Gangsters." paninimula ni Zai habang may hawak nang Mic. Seryoso siya diyan ha.

"Woooohhh!"

"Ngayong gabi, magsisimula ulit ang laging inaabangan ninyong lahat."

"Woooohhh!"

"But let me remind you this, that we'll be watching each one of you up there." sabay turo ni Zai sa itaas. So sila pala ang nasa likod ng salamin na yun. "So please, do follow the Big rules. And enjoy your freedom night. Let's all start the Battle round!"

Naghiyawahan ang lahat habang nagpalakpakan lang ang Pito. Pagkatapos mag speech ni Zai ay nagsialisan na sila. At pumasok naman ang Emcee.

"Ok ok! Student Gangsters! Last night, pumapangalawa pa rin sa ranking si Mr. Trevorre Hyun ."

"YEAHH! TREVORRE! TREVORRE!"

"BOOOOOOOO!!"

Aba, ang daming bashers ha. Iba din pala ang sistema nila dito. By ranking. Bawat laban ay may undefeated defending champion na paulit-ulit na lalaban hanggang sa may makatalo na sa kanya.

"Nasa Unang rank pa rin si Beast na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita." Emcee

"WOOOHHH!! BEAST man! BEAST man!"

Si Beast? Estudyante din pala siya dito? Hmmm.. Mas lalo tuloy akong nahihiwagahan sa Beast na yan.

Ipinalabas mula sa malaking screen ang mga ranking kasama ang image nila. Nasa Unang rank si Beast, as usual nakabalabal na itim siya kaya hindi nakikita itsura niya. Kulto ba siya?

Pumapangalawa si Trevorre, ok, ang gwapo niya diyan. Nasa 3rd rank naman ang pangalan ng babaeng nakamaskara na si LadyMask sa grupo ng Yellow Cheetah. Nasa 4th rank naman si Ms.Jessie Do, yung boses sa speaker kanina, she's pretty huh. At iba pa.

"May i call the present of Mr. Trevorre Hyun?" -Emcee

Naghiyawan ulit ang mga Student gangsters ng pumasok na si Trevorre sa loob ng Battle ring. Ngayon ko lang napansin ang madilim na aura niya. Ibang klase pala talaga siya.

"Last night, natalo mo ang leader ng Blue Eagle. Ngayon naman, dahil ikaw ay isa sa nasa may pinaka mataas na rank, may pagpipilian ka kung sino sa mga nakaregister na Student Gangsters sa Screen ang gusto mong makatunggali ngayong gabi." Paliwanag ng Emcee kay Trevorre. At may naglabasan naman na mga images sa malaking Screen.

Teka? Paano ako nasali diyan?? May image ako sa screen na halatang kanina pa lang nakuhanan ng litrato. May caption name pa sa ibaba na 'Puting Nyebe'. Buti na lang naka Hoodie at Facemask ako kaya hindi kita itsura ko. Ito ba yung kanina pa ikinangingisi ni Trevorre? Yung Red card? Tsk!

"Sino yang Puting Nyebe? Ang weird ng name niya ha. Nakakatawa! HAHAHA!"

Aba't! Pinag-uusapan na nila ako at pinagtatawanan pa. Tsk! Narinig ko namang humahagikhik ng tawa itong lalaking nasa tabi ko. Hinarap ko siya at nagulat naman siya ng makita ako.

"Aba! Ikaw yung si Puting Nyebe ha!" tawa niya sabay turo sa akin.

"Yup. I'm that girl."

At walang pagdadalawang isip na tinuhod ko ang pagkalalake nya.

"AWW!!"

Hindi lang yun, sinuntok ko pa ng malakas ang napakapangit niyang itsura dahilan para mapasubsob na siya sa lupa.

"Aahh! T-tama na po! M-maawa ka!"

"Warm up pa nga lang yun eh."

Buti na lang walang masyadong nakakapansin sa akin na may binubugbog na ako dito. Busy ang lahat sa atensyon nila kay Trevorre.

Ikinuyom ko ulit ang kamao ko. Lalapitan ko na sana siya ng marinig kong nagsalita na si Trevorre.

"Sorry but this time, hindi ako lalaban hangga't hindi si Beast ang makakalaban ko. Wala kasing kwentang kalabanin ang mga Student Gangsters dito. Si Beast lang ang gusto kong talunin."

Violent reactions are scattered in all over the Arena. Samu't saring pagmumura sa kanya ng mga Student Gangsters. Insultuhin ba naman daw niya. Kaya pala, maraming galit sa kanya.

Lumabas na siya ng Battle ring. Sinalubong naman siya ng pagmumura ng mga nakakatagpo niya sa paglalakad. Pero siya, wala lang. Nakangisi pa habang naglalakad. May isang lalake ang humarang sa kanya, hahampasin na sana siya ng baseball bat nito pero naunahan niya na. Pinaikot ng 160 degrees lang naman niya ang ulo nung lalake. Kaya ayun, agad dinala sa ambulansya. Kaya pala ayaw sa kanya ng The Middle Class dahil lumalabag siya sa mga batas dito.

"At dahil hindi lalaban si Mr.Trevorre Hyun. Si Ladymask ang papalit sa kanya. May I call the present of Ladymask?" Emcee

"WOOOOHH! LADYMASK! LADYMASK!"

"WETWEEW!"

May babaeng nakamaskara naman ang pumasok sa loob ng Battle ring. Naka Black and Yellow varsity jacket siya na may tatak sa likod na Yellow Cheetah. Nagsihiyawan naman ang lahat ng kalalakihan ng hubarin niya ang jacket niya at naka itim na tube na lang siya ngayon. Ano 'to porn show?

"Ok Ms.Ladymask. You're now in the 3rd rank, maaari ho kayong pumili kung sino sa mga--" hindi pa nga natatapos ang Emcee sa pagsasalita ay nagsalita na siya.

"I want that Puting Nyebe to fight against me!"

What?? Me?? Is she crazy? Sa kay dami ng nakaregister diyan, ako pa talaga ang pinili niya ha!

"Ow! The Newbie." Emcee. Inagaw ni Ladymask ang mic kay Mr.Emcee at nagsalita.

"Puting Nyebe or IDon'tCareWhoYouAre! Come inside here! And show me what you've got!"

Ang lakas ng loob niyang hamunin ako. Pwes, makikita niya.

(Zai's POV)

(@Leader's Hidden Room)

"Puting Nyebe? Di ba yan din yung name nung Babae sa P.U Club?" -Mon

"Oo nga noh? Siya yan! Student pala siya dito?" ani ko.

"Wow. She has a sexy ass.." Tristan. Binatukan siya ni Mon.

"Puro ka na lang libog gago ka!"

"Totoo naman eh!" Tristan. Hayss. Womanizer talaga. Kaya hindi siya pinapansin ni Bunnie eh.

"She looks familiar?" Zayne

Pumasok na yung si Puting Nyebe sa loob ng Battle ring. Halos lahat ng Student Gangsters ay minamaliit siya, Boo ng boo sa kanya. Naka uniform siya at nakahoodie na may kasamang facemask kaya hindi nakikita itsura niya. Pero tama si Zayne, pamilyar ang postura niya.

Nagsimula ng magring ang bell senyales na mag-uumpisa na ang laban.

May hawak nang Katana si Ladymask. Habang si Puting nyebe ay wala lang, kalmado lang na nakatayo habang nasa bulsa ng Hoodie ang kamay niya. Naghiyawan ang lahat ng Unang umatake si Ladymask. Sinunggaban ng sinunggaban niya si Puting Nyebe. Pero grabe, ang bilis makaiwas nito sa kanya.

Sa kakasunggab ni Ladymask ay nahuli na rin ni Puting Nyebe ang isang kamay niya. Mabilis na naagaw ni Puting Nyebe ang Katana at agad na ibinaon ito sa lupa. Akala ng lahat ibabaon niya ito sa dibdib ni Ladymask. Makapigil hininga kasi yung slowmo ng pagkakabaon niya sa lupa.

And now she got her chance to attack Ladymask. Sinukmuraan niya si Ladymask gamit ang tuhod niya na ikinaub-ob nito sa lupa. Ang lakas siguro ng impact ng pagkakasikmura niya dahil naglabas ng maraming dugo si Ladymask mula sa bibig. At hindi pa siya tapos, habang nakadapa si Ladymask ay walang patawad niya itong inupper cut dahilan para tuluyan nang mapahiga si LM sa ground.

"Ouch! Ang sakit nun ah.." reaksyon nina Mon

Ngayon ko lang napansin na kakaiba ang mga galaw ni Puting Nyebe. Parang hindi kasi normal ang galaw niya. Bawat galaw niya parang may kaakibat na kamatayan. Sobra kasing nanghina si Ladymask, to think na basic moves lang yung ginamit ni Puting Nyebe sa kanya.

"Ibang klase, parang hindi normal ang galaw niya..Di kaya'y.." banggit ni Zayne. Napansin kong nagkatinginan silang tatlo nina Tristan at Mon. Isang makahulugan na tingin.

"Anong meron sa tinginan niyo?" agad na sita ko sa kanila.

"Ahh..W-wala naman Zai.." patay malisya pa sila. Tsk.

"Nasaan na nga pala yung 3 idiots?" tanong ko.

"Nasa Computer laboratory, naglalaro ng Mortal Combat. Kilala mo naman yung tatlong yun. Walang interes sa ganito." -Mon

"What the heck??"

Nagulat kami sa biglaang pagsigaw ni Tristan. Napatingin na ako sa Battle ring, at nanlalaki ang mata ko ng may hawak ng Bakal si Puting Nyebe. Anong gagawin niya kay Ladymask?? Ito talaga ang ayaw ko sa paggamit ng Deadly weapons eh!

Dumadagundong na sa hiyawan ang buong Arena. Parang gusto nilang pumasok sa Battle ring para awatin si Puting Nyebe. Pero hindi pwede.

Dahandahan na siyang lumalapit sa nakahandusay pa rin sa sahig na si Ladymask, nanghihina na ito at tila nagmamakaawa sa kanya na tumigil na. Pero nasa harap na siya at hinahanda ang dalang bakal. Dinukdok muna niya ang bakal ng tatlong beses sa sahig at hinawakan ito na parang maglalaro ng baseball. Nagpipigil hininga ang lahat sa maaari niyang gawin. At ihahampas niya na sana ang bakal sa mukha ni Ladymask ng bigla siyang matigilan. May nakakuha kasi ng atensyon niya mula sa malayo. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at nagulat na lang ako na si Zelex pala ang tinitignan niya na tumatakbo palabas ng Arena habang nakasunod sa kanya si Trevorre!

"Shit! Anong gagawin ng Trevorre na yun sa kapatid ko!" napatayo na ako.

"Sundan natin sila bilis!" Mon. Agaran na kaming lumabas at hinabol sila.

(Zelex' POV)

"Waaahh! Ang daya niyo!" >__<

"Hahaha! Mahina ka lang talaga Zelex!" sabay tawa nina Sue at Hoppie. Nakakainis! Palagi na lang nila akong natatalo sa laro. Tumayo na lang ako at nagpaalam sa kanila na magsi-cr lang ako saglit.

Pagpasok ko sa C.R nagulat ako kasi walang tao. I'm so scared pa naman sa mumu.

Pero dahil sa naiihi na ako, kailangan ko talagang ilabas ito. Magka kidney pa ako eh, dagdag pasalin na naman ako kina Momsie at Papsie. I missed my Momsie na tuloy.

Pagkatapos kong umihi, nagulat na naman ako kasi may Trevorre palang naghihintay sa akin sa labas.

"Wow. Saang halloween party ka sumali Trevorre? Bihis na bihis ah. At may pa-eyeliner ka pang nalalaman huh.." natatawang asar ko sa kanya.

"Tch. Ikaw ang kailangan ko, Zelex.." napaka creepy niya talaga magsalita!

"Trevorre naman, kung kelan malalaki na tayo atsaka mo pa aaminin na may gusto ka sa akin. Wag namang ganun!"

Nagulat ako ng magkasa siya ng baril at itinutok sa akin.

"Buhay mo ang kailangan ko Zelex. Ilabas mo ang tunay na ikaw kung ayaw mo pang mamatay ng maaga." pagbabanta niya.

"Pag inilabas ko ba ang tunay na ako, mabubuhay pa ako ng maaga?" inosenteng pagsagot ko.

Waaah!! Kahit natatakot na ako, gora pa rin ako sa pang-iinis sa kanya.

*BANG*

Parang na-istatwa ako sa kinatatayuan ko ng barilin niya ang salamin sa likod ko.

"Waaahhh! T-trevorre naman! Wala naman akong kasalanan sayo ha! Kung meron man, sorry na!"

"Hindi ko kailangan ng sorry!" Ibinaba niya na ang baril at itinago sa coat niya. Ito na ang pagkakataon ko!

Lalapit na sana siya sa akin ng agaran ko naman siyang sinuntok sa may dibdib atsaka ako kumaripas ng takbo! Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako sa Arena at nandito na sa Soccer field.

Huminto muna ako sa pagtakbo habang hinahabol ang paghinga ko. Syete naman! Nakakatakot talaga ang Trevorre na yun!

"Buti na lang mabilis akong tumakbo."

"Ganun ba?"

"Waaahh! Trevorre naman! Wag ka namang magbiro ng ganito!" itinutok niya na naman ang baril niya sa akin.

"Hindi ako nagbibiro, Zelex! Gusto ko talaga kayong patayin isa-isa! Kung hindi kayo dumating, ako sana ang hihirangin na Middle class leader ngayon! Kung ipinaglaban ko lang sana ang position na yun, hindi ako iiwan ng mga members ko! Bwisit kayo!"

Gigil na gigil na siya. Tama, kung hindi lang siguro kami dumating at kung hindi lang kami anak ni Papsie, malamang siya ngayon ang Middle class leader.

"Pero wala ka ng magagawa, Trevorre!"

"Meron pa Zelex! Yun ay ang patayin kayong magkakapatid! At ikaw ang uunahin ko! Ahahaha!" at humalakhak siya na parang baliw.

Itinutok pa niya ng maigi sa akin ang baril niya. Dahan dahan niya ng kinakalabit ang gatilyo at dahan dahan ko namang inilagay ang kamay ko sa tenga ko, umupo ako at ipinikit ang mata ko para makapagdasal.

'Lord patawad! Pagkat ako makasalanan. Makasalanang nilalang. Lord patawad--

Napaigtad ako ng marinig ko na lamang ang malakas na pagputok ng baril. Pagmulat ko, agad kong tsinek ang katawan ko kung may tama ba ng bala pero wala naman!

"Zianna! Umalis ka diyan!" sigaw ni Trevorre.

Zianna? Bakit nandito siya at nakaharang pa sa akin??

Teka, siya si Puting Nyebe???

(Snow's POV)

Dahan dahan ng kinakalabit ni Trevorre ang gatilyo ng baril, kaya agad kong ibinato ang hawak kong mansanas sa kamay niya dahilan para mapatilapon sa ere ang baril at pumutok ito sa ibang direksyon.

Agad naman akong humarang sa kinalalagyan ni Zelex.

"Zianna! Umalis ka diyan!" sigaw niya.

"Baliw ka ba? Papatay ka ng dahil lang sa inggit?"

"Wala kang alam tungkol sa magkapatid na yan, Zia! Kilalang kilala ko sila at mas lalong kilala na kita!"

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Kilala niya na ako?

"Kailangan ko ng patayin ang Zelex na yan para matapos na ang kahibangan ni Mr.Yuso! Ginagamit niya lang ako at gagamitin ka lang din niya Zia!" puno na ng galit at paghihimagsik si Trevorre. Si Tito? Ginagamit lang siya? At maaaring gamitin niya din ako? Sa anong dahilan??

"Hindi kita maintindihan, Trevorre. "

"Hindi mo talaga ako maiintindihan hangga't hindi mo nalalaman ang totoo. Kausapin mo si Mr.Yuso at malalaman mo ang katotohanan kung bakit siya nagtaguyod ng ganitong klaseng shifting. Para sa kapakanan ng dalawang kambal niyang anak, gagawin niya ang lahat kahit buhay pa natin ang kapalit!"

Clueless na lamang ang naging reaksyon ko sa sinabi ni Trevorre.

Ano bang plano ni Tito sa akin? Ito ba ang dahilan kung bakit tinulungan niya akong makatakas sa Europe? Para lang gamitin? Sa anong paraan at dahilan?

(Zelex' POV)

Umalis na si Trevorre pero si Zianna tulala pa rin. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"H-huy.."

*poke*

*poke*

Pinindot-pindot ko yung pisngi niya pero NR pa rin. Parang ang lalim ng iniisip eh. Kaya ang ginawa ko ay hinalikan ko siya sa pisngi.

O_________O

OmO??

GINAWA KO BA TALAGA YUN??

KAPATID KO SIYA DI BA?? WAAAHH!

"Zelex, you kissed me?" patay! Natauhan na nga siya!

"H-ha?? H-hindi ah! B-bakit ko naman gagawin yun? Magkapatid tayo di ba? Tsk!" agad na deny ko! Namumula na ako sa kahihiyan! Waaahh!

"But you did. May laway mo pa nga sa pisngi ko eh!"

"Wag ka nga diyan! Nang aasar ka lang eh!" inis ko. *pouts* "B-by the way, t-thank you nga pala sa pagligtas mo sa akin mula sa Trevorre na yun.." sabi ko na habang nakatungo. Nakakahiya kasi. Naging harsh ako sa kanya simula nung dumating siya.

Nagulat naman ako ng akbayan niya ako. Aba, kung makaakbay akala niya matangkad siya. Tch.

"So hindi mo na ako hate?"

Tanong niya habang malapit lang ang mukha niya sa akin.

GULP!

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko! Parang kabayong kumakarera! Hindi tuloy ako nakasagot kasi biglang dumating sina Twiny.

"Uyy! Close na sila!" panunukso nina Mon at Tristan hyung

"Ikaw Zai? Hindi ka ba naiinggit? Close na sina Zia at Zelex oh. Kayo na lang ang hindi pa!" pang aasar ni Mon hyung kay twiny. Sinamaan lang siya ng tingin ni Twiny.

"I don't fucking care!" inis na sigaw niya. Natawa lang kami sa inasal niya. Para kasing nagseselos eh.

"Don't worry Zai sweetie, you're my number 1 bias. So you have nothing to be jealous kay Zelex."

"Shutap bitch. Bakit ka nga pala nandito? Di ba pinaiwan ka namin sa bahay?!" sita niya. Nagtawanan ulit kami sa kanya. Ang hilig kasing asarin ni Zia si Twiny. Ito namang si Twiny, pikunin masyado.

"Eh sa gusto kong sumali dito eh."

"Tsk. Ang tigas ng ulo.."

"By the way, nasaan na si Trevorre?" pag iibang tanong ni Zayne hyung

"Yun umalis na, natakot kay Zia. Siya kasi si Pu--" napatigil ako ng pindutin ng palihim ni Zia ang balikat ko. Nakaakbay pa kasi siya sa akin. Parang pinahihiwatig niya na huwag kong sabihin sa kanila na siya si Puting Nyebe. Kaya tinikom ko na lang bibig ko.

"Gutom na ako. Iniwan niyo ako sa bahau ng walang pagkain doon kaya dapat ilibre niyo ako ngayon!" Inis niya. Cute!

"Ako din Twiny! I'm so hungry na rin!" pagmamaktol ko. Cute din ako eh.

"Ako din Zai, gutom na rin aku!" Mon hyung na ginaya pa kaming dalawa ni Zia.

*BOINK*

Binatukan siya ni Twiny. "Tumigil ka Mon, nakakadiri kang tignan. Tss."

"So iiwan natin ang mga Student Gangsters sa loob ng Arena?" singit ni Tristan. Timing naman ang pagdating nina Sue at Hoppie na tumatakbo papunta sa amin.

"Guys!!" humihingal na sigaw nila. "Nagkakagulo na sa loob ng Underground Arena! Nag-aaway na yung dalawang grupo na Black Scorpions at Red Lions!"

Napasapo na lang sa noo si Twiny. Hayss, nakakapagod naman talaga tong responsibilidad namin eh.

"Hayaan na natin sila.." sabi ni Twiny.

"Ha?? Pero paano kung magpatayan na sila dun?" pag-aalala na nina Mon at Zayne hyung.

"Magpatayan na sila kung magpatayan! Bahala sila diyan! Freedom of war nila yan! Karapatan nila yan! Atsaka may karapatan din naman tayong kumain pag gutom kaya kumain na tayo!"

Napangiti ako sa inasta ni Twiny!

"That's my Twiny!" proud kong sabi atsaka ko siya dinambagan at hinalikan sa pisngi.

"TANGINA ZELEX!! NAKAKADIRI KA!!" sigaw pa niya. Arte!

"Ang magkakapatid, bow!" biro ni Zia at nagtawanan naman kaming lahat. Lumabas kami ng School at enjoy na kumain sa labas.

(Someone's POV)

12 Midnight..

Nandito ako sa Rooftop ng School building pinapanood si Trevorre sa ibaba na may hinihintay.

"Sa wakas dumating ka din...Beast.." banggit niya. Humangin ng konti dahilan para kilabutan ako. Dumating na nga si Beast.

Ito na ang inaabangan ko, ang magkaharap sila.

Nakita kong hahablutin na ni Trevorre ang baril niya mula sa loob ng coat niya pero hindi ito natuloy ng sa isang iglap lang ay sinunggaban na siya ni Beast ng sakal gamit lang ang isang kamay.

Ang galing niya naman. Hindi man lang nakapag reak si Trevorre. Masyadong mahigpit ang pagkakasakal niya and anytime lang ay mawawalan na ng hininga si Trevorre.

"Hayss.." napangalumbaba tuloy ako. "Ang boring naman. Akala ko siya na ang makakatalo kay Beast. Nagkamali pala ako. Si Snow White na lang ang huling alas ko. At sana this time ay magtagumpay na ako para makuha ang loob ni Beast."

Beast ..

May araw din na magkakaharap tayo ulit. At sana sa paghaharap natin ay hindi mo na ako tatakbuhan.

Continue Reading

You'll Also Like

528K 23.8K 68
Terry is a hired killer who kill in exchange of Money. For her Money is everything. Then one day she realized all wrongdoings she done. She's going...
31K 1.7K 22
Callista is a Mafia Boss, She is the most scariest mafia boss in Town. But because of one mistake, She died. Callista wake up and Found herself in...
79.7K 2.4K 55
The Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Ph...
234K 6.2K 25
We got married. We separated. Iniisip ko,bakit napaka-unfair ng buhay? Sya,naka-move on na.. Ako,heto...nagtitiis parin at nangangarap na sana balika...