My Psycho Girl [COMPLETED]

By marielicious

9.7M 218K 21.5K

X10 Series: Derrick Monteverde Spin-off story of Married To A Retard More

My Psycho Girl (Sequel to Married To A Retard)
[1] Heartbroken
[2] One Hot Night
[3] Forget it And Move On
[4] Two Red Lines
[5] The Psycho And The Moron
[6] Grounded
[7] Marriage Is No Joke
[8] The Sin City
[9] Not-A-Typical-Wedding
[10] Marriage Agreement
[11] Temptation
[12] My Wife is Pregnant
[13] Umuwi Ka Na, Baby
[14] Reminiscing
[15] Caught In The Act
[17] His Absence Makes Me What?
[18] Sudden Thought
[19] Set-up
[20] Three Red Roses
[21] Those Three Words
[22] Girl Or Boy?
[23] Relationship Status
[24] Slip Of The Tongue
[25] True Feelings
[26] Reunited
[27] His Dirty Secret
[28] Talk About Stress
[29] Suspicious Husband
[30] One Click To Go
[31] Please
[32] Talk To Me
[33] Leave Me Alone
[34] 5 Months Old
[35] Dude
[36] Unexpected
[37] Longing
[38] Finally
[39] Apology
[40] Getting Better
[41] Playmates
[42] Out Of Town
[43] Inspired
[44] Blame
[45] Daddy
[Epilogue]

[16] Affected, Aren't We?

191K 4.3K 293
By marielicious

[16] AFFECTED, AREN'T YOU?


DERRICK'S POV

Whatever happened last night left a big impact on me. May mga na-realize akong bagay. Una, iyon ay ang pagiging tarantado ko. I am married man and yet, I am still living like a bachelor. Siguro hindi nga kami romantically involved ni Lyza pero kasal pa rin kami at anak ko ang dinadala niya. Another thing is Lyza's rants last night made me realize how precious she is. Okay, I won't put aside the thing called lust but the way she talked to me last night hit my sensitive spot. Hindi man niya sinasabi ng direkta pero sigurado akong she's trying her best to make our relationship work.

"Okay na siguro 'to," sambit ko habang nilalagay sa lamesa ang mga niluto kong pagkain. Prito lang naman ang specialty ko. Hindi ako marunong magluto pero willing naman akong matuto. Kasalanan ito ni Mama eh! Hindi niya man lang ako tinuruan magluto noon. 

Hotdogs, bacons, fried eggs, tocino and fresh orange juice for breakfast... 

"Parang may kulang?" Inilagay ko ang aking forefinger sa baba ko habang pinagmamasdan ang mga nakahain sa lamesa. At dun ko lang napagtanto na... "Walang rice!"

Nagmamadali akong nagsaing ng kanin. Syempre, marunong naman akong magsaing. Sana maluto agad ito habang hindi pa nagigising si Lyza. Anak ng! Sa lahat ng makakalimutan, bakit kanin pa?

Napalingon ako nang marinig ang pagbagsak ng pinto. Habang hinuhugasan ko ang bigas, nakita ko si Lyza na bumababa ng hagdan. Teka, bakit naka-casual attire siya ngayon?

"Aalis ako..." sabi niya, mukhang nabasa ang pagtataka sa reaction ko.

My brows creased. "Ha? Saan ka pupunta?"

"Mall lang," tipid niyang sagot at naglakad na papuntang pinto. Dali-dali naman akong nagpunas ng kamay at nilapitan siya.

"Lyza, bakit ka—"

Natigilan ako nang tumingin siya sa akin ng nakataas ang isang kilay. "Hindi mo ako papayagan?"

Bakit ang taray ng napangasawa ko? 

"P...Papayagan naman," napakamot ako sa kilay ko. Para akong naa-under dito ah! "Kumain ka muna. Nagluto ako ng brunch."

"Hindi na. Ikaw nalang ang kumain niyan. Hinihintay na ako ng kaibigan ko sa mall," sabi niya at mabilis na lumabas ng pinto. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala sa pinto. Seryoso? Galit pa rin ba siya matapos nang mainit na nangyari sa amin kagabi?


***


"I can't believe her, dude. She was so sweet not until this morning!" Tuloy-tuloy lang ang paglantak ko sa niluto kong mga pagkain. Nakakasama talaga ng loob! Si Wayne ang tinawagan ko para makisalo sa akin tutal naman, magkalapit-unit lang kami at not to mention, malakas 'yang makikain sa amin. Tamad kasing magluto.

"Ganun daw talaga 'pag buntis, napaka-moody," sagot niya sa akin. "Be considerate nalang, dude. Karma mo yan."

Naibagsak ko tuloy ang hawak kong tinidor. "Nakikisama ako sa kanya. Ang bait-bait ko na nga eh. Oo, nagloko ako kagabi, pero kung makikita mo lang, dude! Halos magmakaawa na ako sa kanya para 'wag nang umuwi. Takte, Wayne! Ako si Derrick Monteverde, nagmamakaawa sa isang babae?! Tsk! Nahihibang na yata ako eh!"

"Gago, baka bumabalik lang ang nararamdaman mo sa kanya," natatawang sabi niya kaya kaagad ko siyang binato ng table napkin sa mukha. "Malay mo, hindi natin masasabi, Derrick. First love mo siya eh!"

"Asa! Hindi ko naman sinasabing imposibleng mangyari yun. Ang akin lang, gusto kong siya ang unang mai-in love sa akin. Hindi pwede ako ang unang mai-in love sa kanya. Hindi pwede yun... Nakakagago lang."

Ibinato niya pabalik sa mukha ko ang table napkin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Anong hindi pwede? E, nangyayari na nga e. Hindi ka magiging OA dyan kung hindi ka apektado kay Lyza. Grabe dude, yung pride mo, sinasapak ako!"

Ma-pride na kung ma-pride. Aba, nangako ako sa sarili ko na hindi ko na mamahalin si Lyza matapos ang nangyari sa amin nung highschool. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Kung maibabalik man namin ang nawala noon, ang gusto ko, siya ang unang umamin sa akin na mahal niya ako. Edi masaya!

"Hindi ko siya mahal..." Nasabi ko nalang.

"Kung hindi mo siya mahal ngayon, malay mo, bukas, sa isang araw, o baka mamaya mahalin mo na siya. "

Nakakairita na talaga 'tong si Wayne! Palibhasa, single palagi kaya ang lakas mang-bwisit. 

"Bilisan mo na nga dyan,  Mark Wayne. Samahan mo ako."

"Saan?" tanong niya saka siya uminom sa juice niya na dapat sana ay kay Lyza.

"Sa M Mall. Kailangan kong mag-grocery."

Ito ang gusto ko kay Wayne e. Madaling kausap. Walang reklamo siyang sumama sa akin sa M Mall na pagmamay-ari naming Monteverde. De joke. Sa parents ko ito. Wala pa nga akong position sa kumpanya namin, paano ako mapapasali sa nagmamay-ari dito? 

"Ang wise mo rin eh 'no? Dito ka mag-grocery para wala kang babayaran?" 

Papasok na kami ng mall nang sabihin yun sa akin ni Wayne. "Hindi ah. 'Pag dito ako nag-grocery, pina-pacharge ko lang kina Papa."

"Ganun na nga yun. Pa-grocery rin ah?"

"'Ge lang," sagot ko. 

Habang tinutungo namin ang market section, bigla nalang nagring ang cellphone ko. Tumigil muna kami sa gilid para sagutin ang tawag. Baka urgent e.

"Hello?" bungad ko sa caller. Nakita kong may tinuturo at sinesenyas si Wayne sa likuran ko, pero hindi ko siya pinansin.

["Hi, good noon, Mr. Monteverde. This is Ed Santos. Nagkausap na tayo tungkol sa club mo early this year right? I would like to tell you that I'm interested about your club. Are you still up for franchising?"]

Franchising? Shet. Malaki ang kita dun!

"Yes, I am. Can we meet up personally to talk about this matter?"

["Sure. I won't be able to meet you up at Manila. Can you come here in Cebu instead? As soon as possible, please."]

"Sure, maybe next week. We'll send you an email regarding this. Thank you."

["Thanks."]

I hung up the call as soon as it ended. Hinarap ko kaagad si  Wayne at tinapik siya nang malakas sa braso. Nakausap ko na si Ed nung February pa tungkol sa pag-franchise ng club/bar ko, pero ngayon lang matutuloy ang planong ito. "Shet, Wayne. May magfa-franchise ng club ko."

"Nice..." Tumango-tango siya pero walang interes na nababakas sa kanyang mukha. "Dude, si Lyza ba yun?"

"Huh?" Nilingunan ko ang direksyon na tinuturo niya at napa-WTF ako nang makita nga ang asawa ko na kasama ang isang lalaking pamilyar sa akin. Nasa harapan sila ng isang juice stall at masayang nagkukwentuhan.

"Si Lyza yun 'di ba? Sino yung kasama niya?"

Napatiim-bagang ako sa nakita ko. Siya ba ang kaibigan niyang madalas niyang katagpuan?


LYZA'S POV

I don't know why I enjoy to be with Theo. Gustong-gusto ko siyang kausap. Naku-kyutan ako sa kanya. I love his brows, deep brown eyes, even his full lips... Geez, ang sarap lamutakin!

"Makatitig ka naman, Lyza." Natatawang sabi niya.

"Ang cute pala ng mga mata mo?" I was about to lay a finger on his lids when some bastard interrupted me.

"Lyza?"

Nagulat ako nang sumulpot si Derrick sa kaliwa ko. I blinked just to assure if he's real but he didn't vanish off my sight. So, he's here for real!

Sarkastiko siyang ngumiti sa akin bago bumaling kay Theo. "Anong ginagawa dito ng baby ko?"

"What are you doing here?" I asked in a low tone. Dala siguro sa pagkagulat ko.

Nakita ko pa si Wayne sa likod niya na ngumiti sa akin kaya tinanguan ko siya.

"Mag-go-grocery ako para sa supply natin," he sweetly said and glanced at Theo infront of me. "Lyza, sinong kasama mo?"

I moistened my lips when I felt it dried up. Nakatingin lang sa akin si Theo na parang nagulantang din katulad ko. "T...Theo, siya si Derrick. Ano ko... You know."

"I'm her husband," proud na sabi pa ni Derrick. I mentally slapped my forehead at his answer. I know right! He's my bloody husband and needless to say, Theo's my ideal man.

"Oh, ikaw pala ang asawa niya. Nice to finally meet you, pre." Nag-handshake silang dalawa pero why do I feel the tension between them?

"Si Wayne... Friend niya," I introduced at tinanguan naman siya ni Theo.

"So, ikaw pala si Theo..." Madiin na sabi ni Derrick at kasabay nu'n ay ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Geez. I can really feel the tension between them. Sa akin? Wala akong tension na nararamdaman. Paki ko ba sa kanila? 

"Yes... Nakukwento ba ako ni Lyza sayo?"

I smiled. "Of course, I told him a lot about your kindness, Theo. Anyway Derrick—" I removed his arm across my waist and then stepped beside Theo. "We have to go. May gagawin pa kami ni Theo."

"Pero may gagawin pa tayo 'di ba, Lyza? Remember?"

"What?" I raised a brow. Pinagsasabi nito?

He grinned and pulled me towards him. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya. "Theo, nice to meet you but I have to take her back with me. Mag-go-grocery pa kami ng asawa ko."

"Oh, I see." Tumingin sa akin si Theo and I swear, he looks so pitiful. Gago talaga ni Derrick! "Lyza, see you again."

"Magkikita pa kayo? Kailan?" singit ni Derrick at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Wayne sa likuran namin. 

"We'll see each other whenever we want to," I hissed and looked to Theo. "I'll call you. Thanks for your time," I said and walked out of the scene.

NAKAKAASAR!!! Hindi ko alam kung bakit napakaactive ng tear ducts ko. Geez. Tama nga sila, napakasensitive ng mga buntis. Why am I starting to cry?

"Wayne, mauna na kami. Lyza!"

Ignore that jerk, Lyza. Bwisit! Istorbo!!

"Baby!" 

I was busy cursing him in my mind when I felt his arm snaking across my shoulders. At hindi lang yun, iginiya niya pa ako papasok ng grocery store. I couldn't even protest. Hindi naman ako eskandalosa para sigawan siya sa publikong lugar.

"Hindi mo sinabing si Theo ang kasama mo," sabi niya habang kumukuha ng push cart. "Bawal akong mambabae pero ikaw itong nanlalalaki?"

That made me shot him a WTF look. Nanuyo agad ang mga tearducts ko. "Seriously? Panlalalaki na ang tawag dun?"

"Oo," he shrugged while pushing the cart towards the canned goods' aisle. "Babae ka at lalaki siya. Kayong dalawa lang ang magkasamang lumabas. Syempre, may malisya yun."

Tss... What a lame reason. Hindi ba pwedeng friends lang kami? Palibhasa siya, napakamalisyoso ng isip.

"Im going to let this pass, Lyza. Ayoko ng makikipagkita ka sa kanya. Pangit tignan. May asawa ka—"

I cut him off abruptly. "Woah, look who's talking, moron? Nag-mall lang kami ni Theo, big deal na agad sayo? Eh ikaw nga, muntikan nang makipag-chukchakan sa ibang babae, binig deal ko ba yun?"

Bigla namang lumikot ang paningin niya. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Sa likod at sa harap. Fuck, that's when I realized we shouldn't have talked about this matter in public.

"I thought we're good already?" He asked and faced me. Nakatigil na kami ngayon.

I rolled my eyes upwards. "You thought so? Hindi porket pinagbigyan kita kagabi ay okay na tayo, Derrick."

Pinagbigyan ko lang siya kagabi para iparealize sa kanya na may asawa na siya. That's it. No emotions included.

His eyes are now serious. Okay, did I hit a sensitive part of him again?

"Fine..." He said and made a face. "Pero kung umungol ka kagabi, walang katapusan? Hindi pa ba tayo okay nu'n?"

That made my cheeks beet red. Fuck, he got me there.

"Okay, okay. Tama na. Kalimutan na natin yung katarantaduhan mo," sagot ko habang sinesenyasan siya na tumigil na. Ngumisi naman siya. "Now Derrick, don't you ever do that again."

"Of course, I won't. Good boy na ako," he grinned while acting as though he was drawing a halo above his head. Good boy? Ano siya, bata?

"And please, 'wag mo nang pakielaman ang friendship namin ni Theo. Ridiculous may it seem, but I think pinaglilihian ko siya. I love his presence..."

"WHAT?!?"

"Yeah, so shut up and let's start what we're supposed to be doing," I said and left him standing like an idiot there. Gustong-gusto ko talagang nakikita si Theo. Gusto ko yung mga mata niyang brown na brown... Haayyy.

"Lyza..." Derrick pushed the cart towards me. Kumuha nalang ako ng kumuha ng gusto kong bilihin at inilagay yun sa cart. Si Derrick naman ang magbabayad eh. "Aalis ako bukas."

That made me stop and look to him. "Where are you off to?"

"Cebu... Sama ka?" Bubuka pa lang sana ang bibig ko para sumagot pero inunahan niya na ako. "Yun ay kung payag kang maiwan sa hotel suite mag-isa. Hindi kita maaasikaso dun. So, mas mabuti kung dito ka nalang sa Maynila. You'll just probably bore yourself to tears if you come with me."

"Anong gagawin mo dun?"

He smiled. "Business. Pure business."

"Is that so?" I asked, scrutinizingly. Baka kasi nagsisinungaling siya.

"Yeah, I'll update you when I get there. Two days or three lang naman ako dun. Aasikasuhin ko yung franchising ng bar ko."

For some reason, bigla akong nakaramdam ng lungkot. 2-3 days na walang Derrick sa paningin ko?

"Babawi nalang ako 'pagbalik ko," he said with that sheepish smile of his. Hindi ko gusto ang ngiting yan.

"Bawi your face."

"Ang ibig kong sabihin, mag-a-out of town tayo pagbalik ko galing Cebu. Malaki ang kikitain ko dun eh."

I beamed. "Swear?"

"Swear."

"Okay," I retorted and I felt his hand making its way across my waist. Mas gusto ko pa rin ang amoy ni Derrick kesa kay Theo. So, manly... And I love it.

Continue Reading

You'll Also Like

47.8K 1.9K 33
Cassiopea Nakahara, isang babaeng tao na may kakaiba palang nakaraan at kasama na roon ang umibig sa isang bampirang nagngangalang Zafiel. Ano kayang...
3.7M 52.3K 17
Lindsey is a very liberal girl. She has this rule wherein her FBs will only last for 6 Months. Why 6 Months? And what are FBs? Read to find out. ;)
3.5M 6.3K 4
Peter Monteverde Hindi lahat ng pangarap ay napapagtagumpayan. Pero iba si Brigette Matapang, walang takot at palaban sa lahat ng baka ng buhay. Ngu...
676K 10.6K 40
"Love knows no boundaries." Book 2 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. Hindi inakala ni Cassidy na tuluyan na ngang mahuhulog ang loob niya sa lalaki...