First Love Never Dies

By Sa_man_tha

25.1K 305 69

First Love. Yan ang di natin makakalimutan sa buong buhay natin. Ang ating FIRST LOVE. Sabi kasi nila, siya d... More

♥ First Love Never Dies ♥
[1] First Love Never Dies ♥
[2] First Love Never Dies ♥
[3] First Love Never Dies ♥
[4] First Love Never Dies ♥
[5] First Love Never Dies ♥
[6] First Love Never Dies ♥
[8] First Love Never Dies ♥
[9] First Love Never Dies ♥
[10] First Love Never Dies ♥
[11] First Love Never Dies ♥
[12] First Love Never Dies ♥
[13] First Love Never Dies ♥
[14] First Love Never Dies ♥
[15] {Part 1} First Love Never Dies ♥
[15] {Part 2} First Love Never Dies ♥
[16] First Love Never Dies ♥
[17] First Love Never Dies ♥
[18] First Love Never Dies ♥
[19] First Love Never Dies ♥
[20] First Love Never Dies ♥
[21] {Part 1} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 2} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 3} First Love Never Dies ♥
[21] {Part 4} First Love Never Dies ♥
[22] First Love Never Dies ♥
[23] First Love Never Dies ♥
[24] First Love Never Dies ♥
[25] First Love Never Dies ♥
[25] {Part 2} First Love Never Dies♥
[26] First Love Never Dies ♥
[27] First Love Never Dies ♥
[28] First Love Never Dies ♥
[29] First Love Never Dies ♥
[30] First Love Never Dies ♥
[31] First Love Never Dies ♥
[32] First Love Never Dies ♥
[33] First Love Never Dies ♥
[34] First Love Never Dies ♥
[35] First Love Never Dies ♥
[36] First Love Never Dies ♥

[7] First Love Never Dies ♥

807 4 4
By Sa_man_tha

Joe’s POV

Nandito na ako sa school. Wala pa rin si Sam. Nasan na ba yun? 6:45 na ah. At ang lakas pa ng ulan ngayon. Siguro naman may dalang payong iyon dba?

 'Joe!' Tawag sa akn ni Bryan na nakatngin sa labas sa may bintana

'Ow?' sabi ko habang papalapit ako sa kanya

'Si Sam oh.' Sabay turo sa labas.

'Ah Sh*t.'

Yun na lang ang nasabi ko ng mahina at nagmadali ng lumabas sa classroom at bumaba sa ground floor. Nakita ko lang naman kanina si Sam na nasa labas. Na tumatakbo. Papasok ng school. At basang-basa sa ulan. Dahil  wala siyang payong.

Nakarating na ako sa ground at nakita si Sam na basang-basa. Nilapitan ko siya.

 'Joe?' patanong niyang sabi.

Hindi ko siya sinagot at kinuha ko yung bag niya at hinila siya papuntang sa swimming pool sa loob ng school.

Kung bakit ko siya pinunta sa swimming pool? Eh kasi naman diba may mga taga swimming club dun. Malamang may towel sila tapos ibibigay ko yun kay Sam para pang tuy niya sa sarili niya. Bakit anong akala niyo? Alangan pag-swimmingin ko pa siya diba! Tss.

Habang naglalakad kami, napansin ko lang na parang nanginginig si Sam. Tinignan ko siya. Mukha siyang nilalamig.

Napamura naman ako ng mahina. Nanginginig na kasi ‘tong si Sammy sa lamig. Binilisan ko ang paglalakad ganun din naman siya.Nakarating na kam sa loob.

 'Joe bakit mo ako dinala dito?'

'Sam, may kakilala ka ba na taga swimming club?'

'Ha? Teka saglit…… Ah! Si Janine!'

'Humingi ka ng spare towel para matuyo mo yung sarili mo.'

'Okay!'

 Nakita ni Sam yung Janine at tinawag ito. Second year ata? Ang liit eh.At ayun nag-usap sila. Tapos maya-maya tumingin sakin yung Janine.

 'Ate Sam, sino siya? Ang gwapo naman niya!' Turo nung Janine sa akin. Kasi magkatabi lang kami ni Sam habang kausap niya yung Janine na yun.

Hala! Na-amaze naman ‘tong babaeng ‘to sa kagwapuhan ko. Hirap talaga maging gwapo.Tapos tinanong na ni Sam kung may spare towel sila. Umalis yung babae tapos ‘pag balik niya may dala siyang towel na malinis at may mga kasama na siyang mga babae.

'Ate Sam oh!' Sabay abot ng towel kay Sam.

'Ahhh girls, siya yung sinasabi ko sa inyong lalaki! Ang gwapo niya 'no.'

Tapos nagti-titili yung mga babae dun sa likod niya. Si Sam naman, pinupunasan na ang sarili.

'Ahhh ate Sam, kano-ano nyo po si kuya?' tanong nung Janine.

'Ahh.. Cla-.'

'Boyfriend niya ako.' sabi ko sabay akbay kay Sam.

 Tumingin si Sam sa akin at binigyan niya ako ng ‘ano ito?’ look. Binigyan ko naman siya ng ‘maki-ride ka nalang’ look. Nagsi-alisan na yung mga babae na kasama nung si Janine.

 'Ahhhh. Sayang.... Pero okay lang kasi maganda ka naman ate Sam eh. Nga pala, magbihis ka kaya ate Sam. Baka magkasakit ka eh.'

'Ah. Wala akong dalang extra na uniform  eh.'

'Punta ka kaya sa clinic ate Sam. Meron ata dung extra uniform for students eh.'

'Meron ba? Sige pupunta na lang ako dun mamaya. Anyway thanks!'

'You’re welcome ate Sam!'

Pumasok na ulit sa loob yung Janine at naglalakad na kami ngayon ni Sam sa hallway. Hindi na ako naka-akbay sa kanya. PDA kami ‘pag ganun. Aakyat na sana si Sam sa hagdan kaso hinila ko siya. Pero hindi naman yung hila talaga. Yung mahina lang.

'Sam!'

'Oh bakit Joe? Malelate na tayo! Halika na bili!'

'Hindi. Halika. Pupunta tayo ng clinic.Magpalit ka ng uniform. Magkakasakit ka eh.'

'Ha? Eh mamaya na lang.'

'Hindi. Ngayon na. Gagawa na lang ako ng excuse mamaya kay Mrs. Perez.'

Hinila ko na siya papuntang clinic kaya wala na siyang nagawa.

Nasa loob na siya at ako naman nandito sa labas, hinihintay siyang matapos. Maya-maya lumabas na siya.  Tinitigan ko lang sya. Syeteng pito! Ang ganda niya. Kahit basa yung buhok niya.

'Lika na Joe!'

'Kay.'

Yun lang ang nasabi ko. Masyado akong na-amaze sa ganda niya. Tumayo na ako sa pagkakaupo at umalis na papuntang room. Pagkapasok namin….

'Ms. Guttierez, Mr. Ramirez you two are late for Homeroom!' bungad sa'min ni Mrs. Perez.

'Sorry Miss but we went to the clinic.' sagot ko

'What were you doing in the clinic?'

'Uhh.. Miss I changed clothes for my uniform was wet.' sabi naman ni Sam.

'But why do Mr. Ramirez has to be with you Ms. Guttierez?'

'Sorry Miss.' sabi nalang ni Sam. Sasagot dapat ako kaso naunahan ako ni Sam.

 'Okay, I’ll forgive you this time. But , if this happens again, you are to be punished.'

'Yes Miss. Sorry again.' sabi niya.

Wala na akong nasabi at umupo na kami ni Sam. Lumipas ang mga oras at halos ang boring lahat ng subjects ngayon. Pero si Sam, palagi siyang inuutusan ng mga teachers kasi siya ang president. Pero yung mga utos naman na iyon ay academically. Pabalik-balik siya sa 3rd floor, 4th year faculty room.

Lumipas ang break time at lunch. Di sumama si Sam sa tropa sa canteen. Kaya nag-paiwan na rin ako, pero nung break lang. Nung lunch sumama ako sa tropa kasi kakain din ako.

Ngayon naman ay hinihintay namin ang teacher namin. Pumasok na si Ms. San Juan.

'Ahh. Wait guys ah. Naiwan ko yung lesson plan ko sa baba. Ms. Guttierez pakikuha naman.' sabi ni miss.

'Okay miss.' sagot naman niya.

Lumabas si Sam sa classroom. After 5 minutes, bumalik na si Sam. Lumapit si Sam kay Ms. San Juan at inabot yung lesson plan.

'Are you feeling well Ms. Guttierez? Maputla ka.' tanong ni miss sa kanya.

'Ha? Ah. Miss wala po ‘to.' sagot naman ni Sam.

'Are you sure?'

'Yes Miss.'

 Papaupo na sana si Sam ng…..

 *BOOG*

 'SAM!!!'

'President!'

 Pinuntahan ko agad si Sam. Nawalan siya ng malay. Lumuhod ako at hinawakan ko siya.

 'Naman Samantha!' sabi ko nalang.

 Ang init niya! Ang taas-taas ng lagnat niya! Binuhat ko siya.

 'Miss, I’ll just bring her to the clinic.' pagpapaalam ko.

'Ok.' Yun lang ang sinabi ni miss at lumabas na agad ako ng classroom.

'Samantha'!

'President!'

'Sam!'

'Calm down everyone. I’m sure Ms. Guttierez will be alright.'

Yan ang narinig ko habang papalayo ng classroom. Worried sila kay Sam.

Mabilis pero maingat kong dinala si Sam sa Clinic. Ramdam ko yung init niya. Nung nakapasok na kami sa loob ng clinic sabi ng nurse na ihiga ko daw siya sa kama at siya na daw ang bahala. Pwede na daw akong umalis. Pero nung una di ako pumayag kaso nung sinabi niya na may klase pa ako, umalis na din ako. Habang paakyat na ako ng hagdan, biglang nag vibrate yung phone ko may nag-text.

From: Ania

Joe, samahan mo muna si Sam diyan sa clinic. Sinabi na namin kay Ms. Perez na diyan ka muna kay Sam. ‘Di naman kasi pwedend pumunta lahat diyan. Worried lahat kami dito sa room. Inexcuse ka na din namin sa mga teachers natin sa mga next subject. Uy Joe, alagaan mo muna si Sam ah. Text mo ako kapag nagising na siya.

Ang dami talagang nagmamahal kay Sam. Kasama na ako dun.Teka may klase ah… Paano nakapagtext tong babaeng to? Nung nabasa ko yun, agad akong bumaba sa clinic. Nagulat yung nurse at tinanong kung bakit nanaman daw ako nandito. Pinakita ko na lang sa kanya yung text message ni Ania at pumunta na kay Sam.

Tulog siya. May nakapatong na basang towel na malit sa may noo niya. Naupo na lang ako dun sa chair sa may sa may right side ng kama kung saan nakahiga si Sam. Sabi nung nurse baka siguro nilagnat siya dahil hindi siya agad nakapagbihis nung nabasa siya sa ulan. Tapos dapat pagkagising ni Sam, kumain na daw dapat siya. Nalipasan daw ng gutom.  

Tinititigan ko lang si Sammy habang natutulog siya. Ang sarap pala tignan ng mga babae kapag natutulog 'no. Ang amo ng mukha. Chine-check ko din kung bumababa na yung lagnat niya. At buti nga bumababa na kahit papaano. After 35 minutes, nagising na siya.

'Gising ka na pala Sammy. Teka mainit ka pa ba?' Kinapa ko yung noo niya. Buti na lang di na siya masyadong mainit. May sinat na lang.

 'Joe? Anong nangyari? Bakit ako nasa Clinic?'

 'Nawalan ka po ng malay kanina kaya dinala kita dito agad sa clinic.'

 'Ah.. Ganun ba? Teka may klase ngayon ah. Halika na. Bili! Baka-malate tayo.' Sinubukan niyang tumayo pero na-out of balance siya.Buti na lang nasambot ko. Babaeng to talaga. Inuuna pa ang iba kesa sa sarili.

'Huwag mo nang pilitin ang sarili mong tumayo. Mahina ka pa. At isa pa alam na ng mga teachers natin na nandito tayo. Tignan mo ‘tong text ni Ania.'

Pinahiga ko ulit siya sa kama. Binigay ko yung phone ko sa kanya at pinabasa sa kanya ang text ni Ania.

'Ah... Thanks Joe!'

'Anytime Sam.'

'Huwag mo ng i-text si Ania. Nasa klase yun. Baka mapagalitan ng teacher.'

'Okay. Ahhh. Nga pala Sammy, akyat muna ako para kunin yung baon mo. Hindi ka pa daw kumakain sabi ng nurse, kaya kelangan mo nang kumain.'

'Joe, wag na. Wala naman akong dalang pagkain eh.'

'Ha? Bakit? Hindi ka ba pinagbaon ni tita?' Oo pinagba-baon iyan ni Tita. Parang bata nga lang eh 'no.

'Pinagbaon niya ako. Pero habang papunta kasi akong school, may nakasalubong akong batang babaeng tumatakbo. Nadulas siya, kaya napaluhod siya. Tapos tumilapon yung baon niya. Natapon tuloy yung laman. Tumakbo ak papalapit dun sa bata. Tinulungan ko siyang tumayo. umiiyak siya kasi wala na daw siyang baon. Kaya binigay ko yung baon ko sa kanya. Tapos binigay ko na rin yung payong ko. Baka kasi magkasakit yung bata. Kawawa naman.'

'Eh di ikaw naman ang nagkasakit.'

'Okay lang na ako. Huwag lang yung bata.'

'Oo na. Oo na. Sige, Bibili muna ako ng pagkain mo sa Cafeteria.'

Umalis na ako at pumunta na sa canteen para bumili ng pagkain para kay Sammy. Medyo mahaba yung pila.

Nakabili na ako ng pagkain ni Sam. At ngayon, kakatapos lang niyang kumain. Dismissal time na. Sabi ng nurse pwede na kaming umuwi since may sinat na lang daw si Sam. Inaalalayan ko si Sam sa paglakad di pa kasi kaya.

Pagkalabas namin ng clinic...

'President!'

'Presi!'

'Sam!'

Wala na akong ibang narinig kung di puro ganyan. Sinalubong kami ng buong Section A.

'Ania.... A-anong ginagawa niyo dito?' tanong ni Sam

'Sam, okay ka na ba ha? Ha?' Grabe Ania. Ang gandang sagot.

'Oo. Okay na ako.'

'Hay.. Salamat naman at ganun Samantha. Worried kasi kami sa'yo. Kaya napagdesisyunan namin na pumunta dito kapag dismissal na. Hindi daw kasi papayag ang section A na hindi nila makikita ang president nila bago umuwi.' sabi ni Sarah.

'Oo nga! Namiss ka namin President!' sabi pa nila.

'Kayo talaga. Namiss ko din kayo! Teka. Wag tayong maingay. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.'

Paano ba namang hindi eh ang dami namin sa tapat ng clinic.

'Oh! Mga bag niyo! Alangan naman na umakyat pa kayo!' sabi ni Bryan.

'Salamat pre.' sabi ko.

'Pre, nandiyan ka pala. Akala ko wala ka eh.' pang-aasar ni Richard.

'Anong sabi mo Richard?! Sa gwapo kong 'to hindi mo ako nakita!' sabi ko.

Tapos nagtawanan ang Section A. Nakita ko na ring ngumiti at tumawa si Sam ngayong araw na ito.

Inuwi ko na si Sam sa kanila. At ako umuwi na rin.

'Oh anak nakauwi ka na pala.' sabi ni Mama.

'Opo Mom. (Sabay mano sa kanya) Si Joana po?'

'Nandun na siya sa kwarto niya. Natutulog. may sugat nga sa tuhod eh.'

'Ha? Paano po nagkasugat yun?'

'Ewan ko. Basta pagkauwi niya, may sugat na siya. Don't worry, nagamot ko na yun.'

'Sige po. Puntahan ko lang po siya sa kwarto niya.'

'Sige anak.'

Tapos pumunta na ako sa kwarto ni Joana. Si Joana. Younger sister ko. Pre-school pa lang. Kinder to be exact. Sinilip ko siya. Ang himbing ng tulog.

Tapos bumaba na ulet ako sa kitchen para magmeryenda. Pero there's something that caught my eye. Isa siyang pink na tupperware. Yung panglalagyan ng baon. Bagong hugas siya. Teka, hindi naman kay Joana to ah. Parang alam ko kung sino may-ari eh. Pero di ko lang talaga matandaan. Kanino 'to?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

COMMENT,LIKE, VOTE, FAN, ADD TO RL AND SPREAD!!!!!!!!

XOXO

Samantha:D

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...