It's Just a Memory

By heartyribbon

11.4K 541 210

It is about the two heartbroken teenager who met by destiny. They enjoyed their life together and swore that... More

Prologue
Chapter 1~
Chapter 2~
Chapter 3~
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue

Chapter 22

269 8 0
By heartyribbon

[5 days before our anniversary]

GRABE! Natiis niya akong hindi itext kahit isa man lang kahapon. May kasalanan pa nga siya sakin eh -- yung pinaghintay ako nung isang araw sa guard house. Bwisit talaga! BWISIT! BWISIT! BWISIT! Arrrrgh! Hindi na rin niya ako sinusundo dito sa bahay bago pumasok sa school. Late na din siyang nakakapasok kasi late na siya nakakatulog. Yun yung sabi niya sakin nung mga nakaraang araw. Masyado na talaga siyang busy lately. Iniintindi ko naman siya eh, pero mukhang nakakalimutan na niyang may girlfriend siya. :|

Recess na ngayon. Pinuntahan ko si Dylan sa room nila pero lumabas na daw. Baka daw nasa cafeteria. So, pumunta ako sa cafeteria. Nakita ko nga siya doon. Kumakain na. Hindi man lang ako hinintay. :| Nilapitan ko nalang siya.

"Oy Dylan! Bakit hindi ka nagparamdam kahapon? 24 HOURS NA WALANG TEXT OR TAWAG, KAMUSTA NAMAN 'YON?"

"Sorry, sobrang pagod lang."

"Hindi ka naman dating ganyan ah."

"Ciara, mag-aaway na naman ba tayo? Sorry na. Ano bang gusto mong kainin? Ibibili kita."

"Wag na. Hindi ako nagugutom."

"Okay. Ikaw bahala. Simula nga pala ngayon, halfday nalang kaming apat nila Dave, kelangan kasi naming magpractice ng magpractice."

"Okay. Susunduin mo ba ako mamaya?"

"Oo."

"Okay. Wag kang talkshit."

Umalis na ako sa cafeteria. Ngayon lang yata ako nag walk out kay Dylan. Hindi man lang ako pinigilan or sinundan. :| Bumalik nalang ako sa room. 

Dumaan ang 2 subjects ng di ko namamalayan. Nakatulog kasi ako. Nagising nalang ako lunch na. Ginising na ako ni Dave at Joy para sumabay sa kanila. Dinaanan namin ang iba pang The Pervs sa room ng 4-A. Ngayon nalang ulit kami nakapaglunch ng kumpleto. Ang ingay na naman. Ang saya! ^___^ sana ganito nalang lagi. =)

After namin maglunch, humiwalay kami ni Dylan sa The Pervs.

"Dylan, namiss kita."

"Bakit? Nagkikita naman tayo araw-araw ah?"

"Yung dating ikaw Dylan."

Tumingin ako sa kanya. Pero, inalis niya yung tingin niya sa'kin.

"Dylan, may problema ba tayo?"

"Wala Ciara. Wag kang masyadong paranoid. OKAY TAYO."

Tumayo na si Dylan at naglakad na pabalik sa room nila. Okay kami? Alam niya kaya ang ibig sabihin ng salitang "okay"? Tss! Hahayaan ko na nga lang siya. Sa kanya na naman nanggaling na okay kami. Kahit na ramdam kong hindi naman talaga.

*click

From: Hubby <3

Magpapractice na kami. Susunduin nalang kita before 5pm.

Buti naman naisipan niya pa akong i-inform. Sana nga lang talaga sunduin niya ako mamaya. Pero hindi nalang ako mag-eexpect. Kasi naman, nagbago na siya. Bakit kaya? Hay nako. I'm overthinking again. >__< Makapunta na nga lang sa gym para magpractice ng volleyball. Para kahit saglit lang mawala sa isip ko yung bagong Dylan. 

Pagdating ko sa gym, nandito na ang ibang teammates. Pati si Tim nandito na din. ACTIVE! :D so, pumunta ako sa locker room ng gym para magpalit ng damit. Habang nasa isang cubicle ako, narinig ko yung dalawa kong teammates na nag-uusap.

teammate1: Break na ba sila Dylan at Ciara?

teammate2: Ha? Ewan ko. Bakit mo naman natanong?

teammate1: Wala lang. Narinig ko lang sa iba. Hindi na rin daw kasi sila magdalas magkasama eh.

teammate2: Pero kanina nakita ko silang magkasama sa UTMT. Pero nung nakita ko, umalis na si Dylan at iniwan na si Ciara doon.

Grabe. Ang mga babae talaga oh. Mas busy silang pag-usapan ang buhay ng iba kesa sa mga bagay na dapat nilang i-improve sa sarili nila. Grabe talaga. >:( So, para matigil lang yung pag-uusap nila, lumabas na ako ng cubicle. Hays! Teammates ko pa man din sila. :((

Ayun nga, pagkalabas ko ng locker room, natahimik sila bigla. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na ako sa gym para mag start na magpractice.

4:00 pm, natapos na kaming magpractice. Nakakapagod sobra. Pero effective naman yung paglalaro ko sa paglimot ko saglit kay Dylan. Ang sarap sa feeling ng wala akong inaalala kahit ilang hours lang yon. =))

"Ciara, tulala ka na naman diyan." Tinapik ako ni Tim sa balikat.

"Pagod lang. =)" Ngumiti nalang ako para hindi mahalata ni Tim na masyadong malalim ang iniisip ko. Ang plastic ko na naman sa sarili ko. Amp

Hindi na kami masyadong nag stay sa gym, pumunta na agad kami sa shower room.

 4:45 pm, pumunta ako sa guard house. Nandun na si Dylan. Kahit papa'no nakaramdam ako ng saya. Ilang araw din kasi kaming hindi nagkasabay umuwi. Diba?

"Kamusta practice niyo?" Nag-isip nalang ako ng kahit ano. Basta may mapag-usapan lang.

"Okay lang."

"Ah, buti hindi ka napapaos or nawawalan ng boses?"

"Kaya nga ayoko ng magsalita eh."

End of conversation. Ang sungit ni Dylan. Pero sige, iintindihin ko nalang siya. Mahal ko siya eh... at kailangan.

Hanggang sa naihatid niya ako sa bahay, wala man lang kaming napag-usapan. :| Dylan Dominguez, asan na ba yung dating ikaw? =((((

________________________________________________________________________

Dumaan ang tuesday, wednesday at thursday.

Good News: Hindi na kami nag-aaway. =)))

Bad News: Kasi hindi naman kami nag-uusap. :'(

Oo, nagkakasama kami pero hindi kami nag-uusap. Iniintindi ko nalang siya na kailangan niyang i-reserve yung Golden voice niya para bukas. Ayaw niyang masayang ang effort ng fans niya sa pagpapagawa ng banners and tarpaulins para sa kanya at sa The Pervs. Sobrang excited na ang lahat para bukas. Ako... Ewan ko. Hindi ko kasi alam kung may maganda bang mangyayari bukas. Anniversary namin pero ang focus niya ay nasa battle. Putspa! At mukhang hindi niya pa papanoorin ang laro ko namin ng volleyball. SAKLAP. Minsan nga natatanong ko nalang sa sarili ko, may boyfriend pa ba ako? 

Sobrang kinakabahan talaga ako para bukas. Napaparanoid na din ako. What if makipagbreak siya sa'kin sa araw ng anniversary namin? Ang saklap nun. Masaklap pa sa masaklap at sa pinakamasaklap. Uso kasi yun diba? Yung mga nakikipagbreak during special occasions. Leshe~

Wag naman sanaaaaaaaa! Baka pag nangyari yun, isumpa ko na ang October 10. >___< 

May naisip akong gawin na ibibigay ko sa kanya bukas. =)) First time kong gagawin 'to. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na mahilig ako sa pictures. I mean, mahilig akong magpicture. It started when I was in Grade school. Niregaluhan kasi ako ni Mommy ng DSLR. So ayun, after nun, ipinakita ko kina Mommy yung shots ko and sabi nila maganda daw. Ipagpatuloy ko daw 'yon. Kaya hanggang ngayon, wala akong sawa sa pagpipicture. Kahit ano or kahit kanino. 

Madami akong stolen shots kay Dylan. Pag magkasama kasi kami, maiwan ko na lahat wag lang ang camera ko. Yung mga shots ko kay Dylan, nakasave lahat yung sa laptop ko since day one. Pero hindi niya alam yun. Hehe

Madami din kaming shots ng magkasama, lalo na pagnagkukulitan at nag-aasaran. Minsan kasi, hinihiram nila Joy yung camera ko at sila naman yung nag i-stolen shot sa amin. =)))) 

Pero yung pinakapangarap ko talaga ay yung mailabas ko yung pictures ko. I mean, mai-expose ko sa public. Pero, wala akong lakas ng loob kasi... ewan ko. Natatakot ako sa magiging feedback. Oo, maganda nga "DAW". Pero kasi ang nagsabi nun ay si Mommy at si Ate Tin. Syempre, hindi naman nila sasabihing panget yun diba?

Wait lang. Napahaba na yung kwento ko. Pero ang gagawin ko talagang gift para bukas ay isang scrap book. Ipapaprint ko yung pictures namin ni Dylan since Day 1. Kaya ngayon, pupunta ako sa Mall para magpaprint ng pictures at bumili na din ng mga gamit para sa scrap book. Mukhang walang tulugan 'to. Hehe

______________________________________________________________________

[6:00pm; Ciara's Room]

Kakauwi ko lang from festival mall. Kumpleto na 'yung mga gagamitin ko para sa scrap book. Excited na akong gumawa. ^___^

7:00pm ko na inumpisahan gawin yung scrap book kasi nagdinner pa ako. Para dirediretso na din ang paggawa ko. =)) Ang cute ng pictures namin. Yung iba, nakapout si Dylan, pinipisil ko yung ilong niya at yung pinakagusto ko, yung nakatitig lang kaming dalawa sa isa't isa at wagas ang ngiti namin. Ganito oh ^____________^ 

(o.o) 8:00pm

(o.O) 9:30pm

(O.o) 11:00pm

(O.O) 12:15am

(>_-) 2:00am

(>_<) 2:30am

Inaantok na ako. Ang sakit na ng mata ko. Pero konti nalang, matatapos ko na. =))

(=_=) zZzZzZzZ! 3:00am

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
Riptide By V

Teen Fiction

318K 8.1K 115
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
154K 11.8K 13
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...