My Husband is a Mafia Boss

By Yanalovesyouu

210M 4.3M 4.6M

Si Girl - may pagka-childish, slowpoke, exaggerated mag-isip, accident prone, sweet, mabait, super friendly... More

MHIAMB Prologue
Chapter 1 - Aemie
Chapter 2 - Differences
Chapter 3 - Barbie
Chapter 4 - His Eyes
Chapter 5 - Zeke
Chapter 6 - Meet her family
Chapter 7 - The Meeting
Chapter 8 - We're Married
Chapter 9 - First Day (Part 1)
Chapter 10 - First Day (Part 2)
Chapter 11 - First Day (Part 3)
Chapter 12 - Perfect Wife (Part 1)
Chapter 13 - Perfect Wife (Part 2)
Chapter 14 - Endearment
Chapter 15 - Hell Week
Chapter 16 - His Side
Chapter 17 - Honeymoon
Chapter 18 - Away
Chapter 19 - Mafia World (Part 1)
Chapter 20 - Mafia World (Part 2)
Chapter 21 - Business World (Part 1)
Chapter 22 - Business World (Part 2)
Chapter 23 - First Monthsary (Part 1)
Chapter 24 - First Monthsary (Part 2)
Chapter 25 - First Monthsary (Part 3)
Chapter 26 - Her other side
Chapter 27 - Inlove?
Chapter 28 - Threats
Chapter 29 - When she cries
Chapter 30 - Yaji
Chapter 31 - Mafia Boss (Part 1)
Chapter 32 - Mafia Boss (Part 2)
Chapter 33 - Confession
pampam na mensahe ni pamangks
Chapter 34 - The Queen
Chapter 35 - Death and New Beginning
Chapter 36 - Milka Shinize Boulstridge (Shin)
Chapter 37 - Missing ( Part 1)
Chapter 38 - Missing ( Part 2 )
Chapter 39 - The Boss
Chapter 40 - Nightmare ( Part 1 )
A MUST Read (For Aemie and Zeke's Annivesary)
Chapter 41 - Nightmare ( Part 2 )
Chapter 42 - Date ( Part 1 )
Chapter 44 - Date ( Part 3 )
Chapter 45 - The Plan
Chapter 46 - The Heiress
Chapter 47 - Suspicions
Chapter 48 - Assassin
Chapter 49 - Launching ( Part 1 )
Chapter 50 - Launching ( Part 2 )
Chapter 51 - Fall of the Queen
Chapter 52 - Heartbreaks
Chapter 53 - Devour by grief
Chapter 54 - The past three days
Chapter 55 - Yaji and Swansea
Chapter 56 - Mr. and Mrs. Roswell
Chapter 57 - Premonition
Chapter 58 - Mafia War ( Part 1 )
Chapter 59 - Mafia War ( Part 2 )
Chapter 60 - Ferrer-Roswell Nuptial
Epilogue
New Story Alert: MHIAMB S2.5: Undisclosed Period
New Story Alert: Lerwick

Chapter 43 - Date ( Part 2 )

2.6M 57.8K 63.5K
By Yanalovesyouu

Chapter 43 ( MHIAMB : Date (Part 2) )

Aemie's PoV

"Wooowwwww!" kahit nakita ko na to sa internet at sa mga magazines, iba pa din pala pag sa personal. Literal akong napanganga, dahil hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nakikita ko.

Kakapasok lang namin ni Zeke sa isang five star hotel para daw kumain, at sobrang ganda ng lugar. Mamahalin lahat ng gamit.

Pati yung mga nagta-trabaho mga mukhang artista.

"Close your mouth, wife." bulong ni Zeke. Napatakip tuloy ako sa bibig ko. Bawal ba sa mga sosyal na lugar ang naka-nganga?

Noted! tatandaan ko yan.

"Ang sosyal-sosyal naman dito dong." bulong ko.

Hindi naman sumagot si Zeke. Tumuloy lang sya sa paglalakad kaya ganun din ako.

Nakasunod lang ako sa likod nya habang palingon-lingon sa paligid. Yung mga taong nandito sa loob halatang-halata din na sosyal eh. Ang gara ng mga suot, may mga foreigners pa.

"This way Mr. Roswell" sabi nung isang lalake kay Zeke, kaya hindi na ako sumunod at nagtingin na lang ulit ng paligid

"Wife" lumingon naman ako nung tawagin nya ako. Medyo malayo na sya, at yung lalakeng kasama nya. "Aren't you coming with me?" tanong ni Zeke.

"Hehe. Dong ako ba?" turo ko sa sarili.

"Tss." Bigla naman siyang lumapit sakin. Napalayo ako kasi akala ko pipitikin na naman niya ako sa noo pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Hehe

Hinatak niya ako palapit dun sa lalakeng tumawag sa kanya kanina. Naglakad na yung lalake kaya sumunod kami ni Zeke.

Bakit kaya naming siya sinusundan?

Omygod!

Hindi kaya---

"Ano na namang iniisip mo, babae?" tumingin ako sa kanya na nakatingin din saken.

Waaaaa! Masama na naman ang tingin saken ni Zeke. Huhuhuhu.

Umupo na si Zeke dun sa table na hinintuan naming kaya naupo na rin ako sa tapat niya. Dalawa lang naman kasi yung upuan. Hehehe.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay tumingin ulit ako kay Zeke, pero masama pa din ang tingin nya. Inaano ko ba sya kasi?

"I'm asking you, wife." *glare*

*pout*

"Iniisip ko lang naman si Kuya, dong.." turo ko dun sa lalakeng paalis na. "At---" dudugtungan ko pa sana kaso biglang nagalit na ng tuluyan si Zeke.

"What?!"

Waaaaa! Bakit ba lagi na lang highblood to si Zeke tapos bingi pa.

"Ang sabi ko dong iniisip ko---"

"Why the fvck are you thinking of that asshole?!" Galit na tanong niya. Huhuhu. Hindi lang naman kasi si Kuyang sinusundan naming yung iniisip ko. Sila kayang dalawa.

"Eh ayaw mo naman kasi ako patapus---"

"Answer me first wife!" Oh tamo. Bastos talaga to si Zeke.

"Eh dong masama ba? Huhuhu." Tanong ko sa kanya.

"Yes" Diretsong sagot niya.

Eh? Huhuhu.

"Bakit naman Zeke?" Tanong ko ng nagtataka.

Bakit bawal? Magagalit ba si kuyang sinusundan naming kanina? Eh hindi naman niya alam diba? Huhuhu. Hindi kaya chinikabels na ni Zeke sa kanya? May pagka-tsismoso pala to si Zeke.

"Because I-I'm jealous" sabi ni Zeke ng nakatungo kaya mabilis akong napatingin sa kanya.

Jealous?

"Dong diba si Zeke ka? Paano ka naging si Jealous?" takhang tanong ko sa kanya.

Ano bay an! Ang dami namang pangalan nito ni Zeke.

Mula sa pagkakayuko ay tumunghay si Zeke na may nanlilisik na mata. "Ginagago mo ba ako babae?"

Ako pa? Ako pa daw nanggagago? E sya nga tong Ezekiel Roswell ang pangalan tapos biglang magiging jelous---

Omygod! Hindi kaya—"Nagseselos ba ang ibig mong sabihin dong?" ano bay an Aemie! Bakit ba hindi ko agad na-gets? Nahahawa na yata ako minsan sa pagka-slow ni Zeke eh.

"Tss."

Ibinalik ko ang tingin dun sa kuyang sinusundan naming kanina.

Nag-iba nap ala taste ni Zeke sa lalake ngayon?

"Dammit wife, will you stop staring at him?"

"Hehehe. Sige dong." Napaka-seloso naman nito, hindi ko naman aagawin sa kanya si Kuya eh, saka ano ba nagustuhan nya don? Mas gwapo pa nga sya dun eh.

"Good. Tss."

Nagseselos nga si Zeke. Huhuhu. Na-love at first sight yata siya dun kay Kuya.

"Tss." Napatingin ako kay Zeke. Akala ko sakin siya nakatingin pero sa likod ko pala. Eh?

"Sino tinitignan mo dong?"

Hindi niya ako sinagot kaya tumingin nalang din ako sa likod ko.

Nakasuot ng gray suit at napapaligiran ng maraming lalakeng nakasuot ng black suit ang tinitignan ni Zeke.

"Men in black dong?" pabulong na tanong ko sa kanya.

"Nah" tipid na sagot nito.

Ibinalik ko ang tingin dun sa mga taong nasa likod ko pero hindi ko gaano makita kasi nakatalikod din saken yung lalakeng naka-gray. Don't tell me type din to ni Zeke?

Aba! Sumosobra na to ha! Date naming tapos kung kani-kaninong lalake nakatingin.

"Here's your order, Mr. and Mrs. Roswell" Umayos ako ng upo nung dumating ang order—wait "Naka-order ka na agad Zeke?" parang hindi ko naman napansin.

"I call for a reservation"

"Ahh" tumango-tango nalang ako. Buti naman at hindi na masyadong mainit ulo nito.

Kakagat n asana ako ng tinapay pero napansin ko si ateng waitress na hindi pa din umaalis. Nakatayo pa din sya sa gilid ng table naming at nakatingin kay Zeke. "Ate! Nagugutom ka din ba?" iniabot ko sa kanya yung tinapay na kakagatan ko sana "Gusto mo ba? Share tayo. Hehe"

Tinaasan naman niya ako ng kilay dahil sa sinabi ko. Ayaw ba niya ng tinapay? *pout*

Nakatingin pa rin si Zeke dun sa may men in black kaya hindi naman niya siguro mapapansin na bibigyan ko si Ateng waitress ng pagkain. Hehehe.

Kinuha ko yung pasta at saka yung tinidor. At saka iniabot dun kay Ateng waitress. "Oh ate oh. Hehehe. Mas masarap yan kesa sa tinapay." Feeling ko din naman ito ang gusto nya eh. Malapit kasi tong pasta kay Zeke. Eh dun sya nakatingin kanina sa may ka Zeke diba?

Tinignan niya lang ako ulit at tumingin kay Zeke tapos tumngin ulit saken. Natatakot ba siya kay Zeke kaya ayaw niya tanggapin?

"Halaaa. Kung natatakot ka kay Zeke ako na bahala dyan. Hehehe dali na ate, kain ka na oh, wag ka na mahiya" pabulong kong sabi sa kanya. At saka turo yan ni mommy. Share your blessings. Hehehe.

"Are you nuts, miss?" pabulong pero mataray na tanong ni Ateng waitress sa'ken. Waaaa! Inaano ko ba sya? Sya na nga binibigyan ayaw pa nya.

"What are you doing, wife?" Napatingin ako ulit kay Zeke na nakatingin na sakin ngayon.

Dali-dali kong inilapag yung plato na may pasta. Tinignan muna ito ni Zeke bago tumingin kay Ateng waitress. "What are you still doing here? Get the fvck lost." Sabi ni Zeke. Halaaaa.

"A-ah. S-sorry, sir" sabi ni ateng waitress saka mabilis na umalis.

Nung makaalis na si ateng waitress ay saka ko naman kinausap si Zeke. "Ano ka ba naman dong! Minsan talaga ang sama ng ugali mo. Hindi ka man lang naaawa dun kay ate waitress? Mukhang gutom na gutom kaya ayaw pa umalis. Tas ikaw naman pinaalis mo"

"Tss. You don't have to be good all the time, wife. They might take advantage of your kindness" sabi nya habang nagsisimula ng kumain.

"Pero dong--"

"Shut up and eat"

Isinubo ko nalang ang tinapay na hawak ko kanina. Hindi naman ako mananalo dito kay Zeke eh. Hayy.

--

Tahimik lang kami ni Zeke na kumakain nung biglang sumigaw yung lalakeng nasa likod ko.

"Son of a b*tch. Get lost!" pagkasabing-pagkasabi nya nyan ay lumingon agad ako sa likod ko. Ang eskandaloso naman kasi. Saka sino ba yung sinisigawan nya at gusto nya mawala?

Isa sa mga men in black ang nakita kong yuko ng yuko at nahingi ng sorry. Ahhh! siguro ayun yung sinisigawan nya. Hehehe. Ang galing ko talaga.

"Wife, continue your meal" pakinig kong utos ni Zeke, kaya humarap ulit ako sa pagkain ko at saka itinuloy ang pagkain.

"Gusto ko lang malaman kung sino yung maingay dong." sabi ko habang kumakain.

tumaas ang kilay ni Zeke dahil sa sinabi ko. "What for?"

Huh? Bakit nga ba? "Hehe. Di ko din alam eh. Parang gusto ko lang makilala" wala sa loob na sagot ko habang tuloy-tuloy lang sa pagkain.

"Tss. It's Mr. Ferrer"

ahh si Mr. Ferrer lang pala.

wait--

"MR. FERRER?!" gulat na gulat na tanong ko.

"Lower down your voice, wife" utos ni Zeke pero mukhang huli na ang lahat dahil nadinig yata ako nung daddy ni Caileigh.

"Excuse me. Are you looking for me, young lady?" dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.

Nakatingin na sila sa akin ngayon, pati ang men in black.

Tinitigan ko si Mr. Ferrer. Feeling ko lumundag ang puso ko nung makita ko sya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kasi matagal ko na syang gustong makilala kaso lagi syang busy kaya hindi ko sya nakikita kahit pag pumupunta ko sa bahay nila Cai.

Habang tinitignan ko si Mr. Ferrer ay di ko maiwasang hindi mainggit kay Caileigh. Ang swerte nya kasi may daddy syang tulad nya. Samantalang ako? Hayy.

Pero di ako dapat mainggit! Ang turo ni mommy matuto daw makuntento kung anong meron ako.

Tama tama! *tango* *tango*

In fairness, mukha naman palang mabait ang daddy ni Caileigh dahil nakangiti sya sa akin.

"I'm talking to you, young lady" sabi nya. Omygod! Para syang si Zeke magsalita ah. "Why are you looking for me?" kalmado at nakangiting tanong nya.

indi na ako nahiyang sagutin ang tanong nya. "Hindi naman po. Hehehe. Bakit ko kayo hahanapin? Eh nasa likod ko lang naman kayo."

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mr. Ferrer. Yung kaninang nakangiti, biglang sumimangot na ngayon. "Do you think I have time to fun around, young--"

"I apologize for interfering with your conversation, but me and my wife needs to go." Nasa tabi ko na si Zeke ngayon at nakatayo sa harap ng daddy ni Caileigh.

Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga kamay namin.

Ang lamig ng kamay ni Zeke.

Giniginaw ba sya?

Ibinalik ko ang tingin ko kay Zeke. Waaaa! May pawis naman sya sa noo. Dali-dali kong kinapa ang panyo ko sa loob ng bulsa.

"Mr. Roswell! Who would've thought that our path will crossed here" sabi ng daddy ni Cai.

Pupunasan ko sana ang pawis sa noo ni Zeke nung magsalita ulit si Mr. Ferrer. "So she's your lovely wife?" muling ngumiti saken si Mr. Ferrer kaya ngumiti din ako. Pero mabilis na nalipat ang atensyon ko sa mga kamay ni Zeke na humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Y-yes, she's A-aemie. My w-wife"

"Dong ayos ka lang ba?" bulong ko kay Zeke. Para kasing ang sama-sama na ng pakiramdam nya.

"Pleased to meet you, Mrs. Roswell." pormal na bati ng daddy ni Cai. "Aemie na lang po. Hehe"

"Come on. Join me." pag-aaya pa nito habang pinapaupo kami sa may table nya.

Omygod! totoo ba to?

"Zeke narinig mo ba? Inaya nya tayo dun sa table nya" tuwang-tuwa na bulong ko kay Zeke.

Waaaa! Ang saya ko! Makaka-chikahan ko na din sa wakas ng matagal ang daddy ni Cai.

Tinignan ko ulit si Zeke kasi hindi sya sumagot,

Bibitaw na sana ko sa kamay nya para umupo dun sa iniayos na upuan nun men in black para samin pero hindi ko ginawa

Hindi ko kasi ma-explain kung ano nararamdaman ni Zeke? Parang hindi sya okay? Although hindi ko pa naman sure kasi first time ko lang makitang ganito si Zeke.

"Hindi na po. Thank you nalang po. Kelangan na po kasi namin umalis."

Pagkasabi ko nyan ay hinila ko na si Zeke paalis.

"Zeke! Ayos ka lang ba?" tanong ko habang mabilis na naglalakad.

Para namang hindi nya ako naririnig kasi nagpapatangay lang sya sa paghila ko.

"Oy dong!" tawag ko ulit.

"Nagalit ka ba kasi naisigaw ko yung Mr. Ferrer? Sorry na. Hindi ko din naman alam na maririnig nya ko" sabi ko, pero hindi pa din nagsasalita si Zeke.

Tuloy-tuloy lang kaming naglakad, hanggang makarating kami sa labas ng hotel.

"Pero ang galing no! Magkakilala pala kayo ni Mr. Ferrer! Next time dong pumayag na tayo makipag-chikahan sa kanya ha? Alam mo bang pangarap kong--" mabilis akong niyakap ni Zeke, hindi ko alam kung bakit.

"Zeke?" tawag ko, pero lalo nya lang hinigpitan yung yakap.

Kahit hindi ko alam kung anong nangyayari ay niyakap ko nalang din si Zeke. Napano kaya to?

"Omygod Zeke!" mabilis akong humiwalay sa pagkaka-yakap ni Zeke nung may naalala ako. Kumunot naman ang noo nya. "Hindi pa tayo nagbabayad!" waaaa! baka hulihin na lang kami bigla dito ng guard. Iniwan lang kasi naming yung pagkain nam—"Waaaa! AWWW!" tignan mo! Tignan mo tong Zeke na to. Inaalala ko lang naman nab aka makulong kami. Ako pa pinipitik ang noo. Huhuhu. Bully.

"Stop ruining the moment, wife" sabi nya saka ulit ako niyakap.

---

"Saan naman tayo pupunta dong?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang mga dinadaanan namin.

"To the place I've never been" sagot ni Zeke kaya napatingin ako sa kanya, seryoso sya sa pagda-drive, mukhang hindi na din masama ang pakiramdam nya tulad kanina.

Pero seryoso ba sya? Sa yaman nyang yan may lugar pa sya na hindi nya napupuntahan.

"Talaga Zeke? Yiii~ Excited na ako" halos mapa-palakpak pa ako sa tuwa, kasi I'm sure hindi ko pa yan napupuntahan. Si Zeke nga di pa nakakapunta eh, ako pa kaya? Hihihihi.

Ngumiti lang si Zeke kaya ibinalik ko na ang tingin ko sa labas, habang patagal ng patagal ay parang pamilyar na ang mga nakikita ko.

May mga nagtitinda ng street foods, may mamang nagtitinda ng lobo, may mga batang nagtatakbuhan, may mga nagtitinda nung mga makukulay na sisiw. Waaaaa gusto ko non!

Maya-maya pa ay huminto na ang kotse ni Zeke sa tapat ng—

Eh?

"Simbahan, dong?" sigurado ba si Zeke na ito ang pupuntahan namin? Eh halos linggo-linggo akong nandito eh. Waaaa at saka Tuesday kaya ngayon. Wala namang mass eh.

Baka naman naligaw kami? "Nagdala ka ba ng mapa Zeke?" tanong ko ulit kay Zeke na nakatingin lang sa harap ng simbahan.

Tumingin sya sa'ken na parang nagtatanong kung anong sinasabi ko. Diba dapat ako ang magtanong? "Ano bang meron dong? Bakit tayo nandito? Saka simbahan? Di ka pa nakakapunta? Ginu-good time mo ba ako?" sunod-sunod na tanong ko.

"Tsss. Ang daldal mo" sabi ni Zeke saka hinablot ang kamay ko papunta sa loob ng simbahan.

"Wait dong" pigil ko kay Zeke bago pa man kami makapasok sa sobrang laking pintuan ng simbahan. Hinila ko sya hanggang makalapit sa may holy water. "Ilulubog mo dito ng konti yung daliri mo tapos saka ka magsa-sign of the cross" explain ko habang pinapakita ko sa kanya yung dapat gawin. Halata ngang di pa sya nakakarating ng simbahan kasi hindi nya alam yung basics. Grabe! Ang tanda tanda na nya di pa sya nakakapasok ng simbahan.

Hindi naman umangal si Zeke, ginawa nya kung ano ang ginawa ko. Yiii! Ang cuuuuteee!

Pagkatapos namin sa holy water ay pumunta ako sa may gitna ng entrance, hila-hila ko pa din si Zeke, bahagya ako ng bow. Yan kasi ang turo ni mommy samin ni insan eh. Sasabihin ko palang sana kay Zeke ang dapat gawin pero nag-bow na din sya. Hihihihi. Masunurin naman pala to eh.

Sunod ay hinila ko si Zeke palapit sa mga saints na nasa loob ng simbahan, isa-isa namin nilapitan ang mga yon at nag sign of the cross.

Nung matapos kami ay humanap na kami ng pwesto na mauupuan, wala naman masyado tao kasi wala namang mass, kaya iilan lang ang nagsisimba.

Tahimik lang kami parehas ni Zeke nung makaupo na kami. Tinignan ko sya, nakatingin lang sya sa harap at tahimik. "Zeke, magpe-pray ka ba? Gayanin mo ako" bulong ko, at saka ako lumuhod.

Ngumiti naman ako nung ginaya ako ni Zeke.

Pinagsaklob ko ang kamay ko at saka itinungo ang ulo para magdasal.

---

"Dong wait lang!" pigil ko ulit sa kanya nung may nakita akong nagtitinda ng kandila sa may entrance ng simbahan, pagtapos kong bumili ng dalawa ay ibinigay ko kay Zeke ang isa at saka kami lumapit dun sa tirikan ng kandila. Hehe.

"bakit mo nga pala naisipan mag-simba dong?" tanong ko kay Zeke habang pagkatapos nya sindihan ang mga kandila na hawak namin gamit yung lighter nya.

"I just want to thank Him for giving me the best wife" sagot ni Zeke.

Ako ba yung tinutukoy ni Zeke? Hindi naman ako binigay sa kanya ah. May iba pa bas yang wife na sinsabi? Naningkit ang mata ko habang tinitignan si Zeke na nakatanaw sa altar. "Also, I asked for forgiveness and for extension"

"extension?" parang sa dami ng dinasal ko simula pagkabata hindi ko pa narasang humingi ng extension.

"Panong extension dong?" curious na curious na tanong ko.

Huminga muna ng malalim si Zeke bago sinagot ang tanong ko sakanya. "Extension for you and me, extension for us"

Eh?

Hinawakan na ulit ni Zeke ang kamay ko at saka sabay kaming lumabas ng simbahan, pero hindi ko maiwasang hindi mapaisip dahil sa sinabi nya.

Extension for you and me, extension for us..

Extension for you and me, extension for us..

Extension for you and me, extension for us..

Ano naman akala ni Zeke sa aming dalawa? Unli promos sa cellphone na kailangang i-extend? Hindi ko magetsss!!!!

Hayyyy! Hayaan na nga!

"You look insane, wife. Pfft" natatawang sabi ni Zeke nung makalapit na kami sa kotse nya. Ako pa daw ang insane? Eh sya nga tong kung anu-ano ang sinasabi.

"Dong kakasimba mo lang kung anu-ano na lumalabas dyan sa bibig mo. Hayyy nakoo" ilublob ko kaya sa holy water si Zeke? Hehehe. Pero syempre jokijoki lang baka barilin pa ako nito. Huhuhu.

Lumapit si Zeke saken at saka umakbay at tumingin ulit sa simbahan. "Stop thinking nonsense, wife. Don't worry, because the next time we'll be here, it'll be the best wedding for the best wife" sabi ni Zeke na may kasama pang kindat.

Na-excite naman ako bigla sa sinabi ni Zeke. "Talagaaaaa dong??! Sino naman ikakasal?" waaaa ang swerte naman non, puro best-best pa! Yiii~ sana kunin akong abay, o kahit flower girl man lang.

"Tss. Slow. Tara na nga" bugnot na sabi ni Zeke, saka ako padabog na pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Tignan mo to, napaka-moody talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 67 20
Malaya nating mailalahad ang ating nararamdaman at mga pangyayari sa ating buhay sa pamamagitan ng tula. Hindi naman ganoon kaganda, sapat na para ma...
58.2K 1.1K 97
[Completed] [-TAGLISH-] Finding for hugots and pick up lines? You're in the right book! Lol! For those who unfortunate, Abandoned, beaten and dece...
296K 12.2K 44
Hindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na w...
10.1M 162K 41
PART 2 OF Practicing My First Real Kiss. May first kiss na ba kayo? AKO? HINDI KO ALAM! Pero, considered bang first kiss kahit 'NAKALIMUTAN' mo na? ...