Secretly Married A Nerd (Girl...

By senpaikaze

4.3M 141K 104K

Si Vienna Cheng ay half chinese pero pure maldita ng LCUniversity. Reyna na kung ituring sa paaralang pinapas... More

Author's Note :
Prologue
CHAPTER 1 : Louise Lazaro
CHAPTER 2 : Vienna Cheng
CHAPTER 3 : Audrey Belmonte
CHAPTER 4 : Almond Eyes
CHAPTER 5 : Total Opposite
CHAPTER 6 : Cheng's Household
CHAPTER 7 : Trouble!
CHAPTER 8 : Cedric Yu
CHAPTER 9 : Going Home
CHAPTER 10 : Drown
CHAPTER 11 : Frustration
CHAPTER 12 : Cat & Dog
Special Chapter : Airplane Love
CHAPTER 13 : The Unwanted Marriage
CHAPTER 14 : Statue of Liberty
CHAPTER 15 : Lazaro's Household
CHAPTER 16 : House Rules
CHAPTER 17 : Day 1 with Vienna
CHAPTER 18 : First Kiss, First Stole
CHAPTER 19 : Guilty
CHAPTER 20 : A Math-Kiss Tutoring
CHAPTER 21 : When Audrey Strikes
CHAPTER 22 : In Denial Jealousy
CHAPTER 23 : Unusual Vienna
CHAPTER 24 : Gossips?
CHAPTER 25 : Confession
CHAPTER 26 : The 23rd of December
CHAPTER 27 : Santorini, Greece
CHAPTER 28 : First LQ?
CHAPTER 29 : Dating Wifey
CHAPTER 30 : Friends?
CHAPTER 31 : Valentines Special
CHAPTER 32 : Baby Avrille
CHAPTER 33 : Baby Avrille (2)
CHAPTER 34 : Vienna's Birthday
CHAPTER 35 : Make Me Love You
CHAPTER 37 : Too Late?
CHAPTER 38 : Make It Wih You
CHAPTER 39 : Chapstick Challenge
CHAPTER 40 : Marriage Rules
CHAPTER 41 : Kayla & Joice
CHAPTER 42 : Getaway
CHAPTER 43 : No More Secret
CHAPTER 44 : Cat Fight
CHAPTER 45 : Secretly Married A Nerd
CHAPTER 46 : Broke
CHAPTER 47 : Revelations
CHAPTER 48 : Confession
Epilogue
Special Chapter

CHAPTER 36 : Heartbreak

96.7K 2.8K 3.5K
By senpaikaze


Louise POV

*blag*

Nagising ako bigla dahil pakiramdam ko nahulog ako kung saan. Ang sakit ah, pagdilat ko ng mata ko nasilaw pa nga dahil maliwanag na pala. Ang sakit ng katawan ko bakit ganun? Parang ang dami kong ginawa, pinilit ko na lang na tumayo pero naramdaman ko bigla ang matinding sakit ng ulo.

Ahh. Daig ko pa ang ilang beses na binibiyak ang ulo sa matinding sakit, dahil sa pakiramdam ko umiikot ang paligid ko kaya naramdaman ko na lang na bumalik ang katawan ko sa kama pero mukhang may nadaganan ako.

"Uhm." narinig ko na lang na may ungol sa tabi ko, di pa man nakaka-adjust ang ulo ko sa sobrang hilo lalo lang yata itong sumakit dahil bumungad sa akin si Vienna.

At magkatabi kami sa iisang kama.

Bigla yata akong nanlamig at pilit na inalala ang mga nangyari kagabi.

Birthday niya.

Umamin ako, tapos yung wine..

Hindi ko na napigilan at..

May nangyari sa amin?!

Hindi ko alam pero kinabahan na lang ako, sht naman?! Bakit ba umamin ako ng wala sa oras? Pahamak yung wine na binigay ni Mr. Cheng!

Para masiguro kung may nangyari nga kagabi, tiningan ko ang suot ko at tanging bra na lang pala pero may suot pa naman akong pang-ibaba.

Tumingin naman ako sa kaliwa ko at mahimbing pa rin siyang natutulog, yung maamo at magandang mukha ay nababalutan ng ilang hibla ng buhok niya. Pikit mata kong tinanggal ng kaunti ang kumot sa katawan niya at napanganga ako sa nakikita ko.

Nung naramdaman ko na medyo gumalaw siya ng konti binalot ko ulit sa kanya ang nag-iisang kumot na nagtatakip sa amin. Nasapo ko ang ulo ko at napa-kagat labi, dahil sa bugso ng damdamin ko kahapon..

Maniwala kayo o hindi pero nagugustuhan ko na si arte, alam kong ako lang ang baliko sa amin pero wala eh nandun na, tapos na. Umamin na ako. Naiinis lang ako sa sarili ko kung bakit ngayon ko lang na-realize, ganun lang talaga siguro kapag nandyan na siya. Risk-taker akong tao, kaya kung pandirihan man niya ako tatanggapin ko yun kahit walang kasiguraduhan na hindi ako masasaktan.

Dahan-dahan na akong umalis sa kama, talagang dito pa sa kwarto ko kami gumawa ng kababalaghan --nakakapang-init ng mukha, wala naman talaga akong gaanong natandaan pero iilan lang talaga ang tumatak sa isip ko kagabi. Nakaka-hiya, ang wild ko masyado.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, gulo ang buhok ko sa tingin ko nga mas magulong tingnan ngayon ikaw ba naman ang masabunutan sa sobrang sar--

"The f*ckkk?!!" napalingon ako sa kama at nakita siyang napa-upo, yung mata niya medyo fluffy na dahil kagigising lang niya pero di nakaligtas sa akin ang confusion sa mukha niya.

"Ouch!" kasabay ng pagmura niya, bigla siyang napahawak sa ulo niya at tila nasasaktan dahilan para mag-slide yung kumot na bumabalot sa dibdib niya para ma-exposed yun.

Napatingin man ako dun, mas nanaig pa rin ang pag-aalala ko sa kanya dahil alam kong hang-over yun dun sa wine na ininom na kagabi, tingin ko pa may halong iba sa inuming yun para uminit ang katawan ko. Naka-ilang glass ba ako ng wine.

"A..ayos ka lang ba?" natataranta kong tanong, pinaghahandaan ko na rin ang magiging reaksyon niya.

"Wh..what the hell just happend? Why I am fckng naked?" mahina nitong bulong pero alam kong may pangamba sa tono ng pananalita niya, nagbalot ulit siya ng kumot at tinakip sa katawan niya. 

Pinasadahan niya rin ako ng tingin at takot na makikita sa mukha niya habang pinagmamasdan ang ayos ko. "W-wala ka bang natatandaan?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"D-don't.." di ko pinahalatang nasaktan ako sa biglaang paglayo niya, ito na nga ba sinasabi ko. Gaya ng ekspresyon ng mukha niya nung kinasal kami, parang takot na takot siya nun kaya walang kiss na naganap pero mas malala itong takot na nakikita ko sa mata niya.

Nagkaroon pa ng ilang saglit na katahimikan sa pagitan naming dalawa parang ngayon niya lang naalala ang lahat nang nangyari kahapon, kagabi, ang mga sandaling yun.

Putlang tiningnan niya ako habang balot na balot pa rin siya ng kumot samantalang ako di na mapakali ang loob-loob ko, may pakiramdam ako na masasaktan ako sa mga sasabihin niya.

"Did we..?" pabulong niyang tanong habang nakikipag-titigan sa akin. Tumango ako bilang sagot. "H-hindi ko na alam pa ang nangyari pero.."

"Leave!" nahugot ko ata ang hininga ko sa sinabi niya, may halong galit, takot, at pagkamuhi ang nababasa ko sa mga mata niya.

"A-akala ko ba ginusto natin yun pareho?" nag-aalanganin kong tanong at parang may imaginary lump ang nabuo sa lalamunan ko, sabihin mong oo..

"We're fcking both drunk! Why did you let this happen! B*tch!" napatungo ako sa huli niyang sinabi, marami talagang namamatay sa maling akala.. masyado akong nag-assume tanda ko kung paano niya banggitin ang pangalan ko nung gabing yun. Pero mauuwi lang pala sa salitang b*tch ang makukuha ko. Akala ko..akala lang pala.

"....." mapait lang na ngumiti ako sa kanya, mapait na masakit. Gaya ng sinabi niya umalis na ako, kahit na kwarto ko pa yun.

Malungkot na bumaba ako ng hagdan habang iniisip ang mga nangyayari. Dala lang pala ng alak para sa kanya ang mga naganap pero sa akin hindi, totoo ang mga sinabi ko sa kanya ang tanga ko lang talaga. Ang tanga mo Louise.

Sa mga sandaling ito iniisip ko na baka nabigla lang siya sa nangyari sa amin, iba din para sa akin ang pinapahiwatig ng mga mata at hawak niya kagabi o baka akala ko lang talaga yun.

Masyado talaga akong nagpadala sa damdamin ko, tama nga.. baka nga dala lang ng alak para sa kanya, straight siya eh. Naiinis ako sa sarili ko.

Kumuha muna ako ng bathrobe sa isa pang kwarto kaya umakyat ako narinig ko pa ang sigaw niya — "I hate you! I hate you Louise! I can't accept the fact na babae ang naka-una sa akin!" napatigil pa ako nun, may bahaging masaya dahil ako pala ang first niya pero mas malaki ang bahaging hindi dahil galit na galit siya sa akin. Oo kasalanan ko na, kasalanan ko na nagugustuhan kita kahit ganyan ang pagtrato mo sa akin. Kahit na ayaw na ayaw mo na naman sa akin.

"Ang drama mo Louise! Wag ka nang malungkot, gumawa ka na lang ng paraan para bumalik kayo sa dati." lintanya ng utak ko.

Yun nga ay kung may maibabalik pa.

Double kill na agad.

Gaya nang sabi ng utak ko dapat gumawa ako ng paraan para maging okay ulit kahit hindi na tulad ng dati, tama naman yun pero kung patuloy niya akong pagtatabuyan sige lang ako. Pero hindi ko ipagpipilitan na magustuhan niya rin ako, yun pa ba? Napaka-arte nun eh.

Arte.. bigla kong na-miss na tawagin siya nun.

Pinag-timpla ko siya ng fresh milk galing fridge at hinaluan ng isang teaspoon ng kape, panigurado ako na masakit ang ulo niya. Masakit din naman ang ulo ko pero mas masakit ang puso ko.

Corny!

Nagluto na rin ako ng agahan namin kung ano ang pwedeng maluto mula sa ref, lunes nga pala ngayon. Paniguradong magtataka na naman si Jamie kung bakit parehas na naman kaming liban ni Vienna, napapansin niya pala yun pati may kumakalat na tsismis sa LCU na lagi raw kaming magkasama.

Alam ni Jamie na Lazaro ako pero hindi niya alam na kasal ako kay Vienna, kaya nagkwentong barbero na naman ako nun para makalusot. Sana lang.. sana lang talaga hindi maisip-isip ni Audrey na tanungin ako sa bagay na yun.

Pagkatapos kong mag-hain naghintay pa ako ng ilang minuto para hintayin na bumaba siya pero wala rin pala ang paghihintay ko, gugustuhin pa kaya niya na sabayan ako? Malamang hindi.

Gamit ang tray nilagay ko dun ang mga kakainin niya pati yung drink na tinampla ko para sa kanya. Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan, sigurado ako umalis na siya sa kwarto ko.

Pagtingin ko sa pinto ng kwarto niya naka-awang ito baka kaka-pasok lang niya kaya bago niya isara ang pinto lumapit ako dun ng mabilisan.

Lakas-loob na papasok na sana ako at banggitin ang pangalan niya nang malakas itong nag-sara.

Naging dahilan yun para mabitawan ko ang tray at mahulog ang mga pagkain sa sahig. Naramdaman ko pang kumirot ang noo ko.

Nauntog ako sa sobrang lakas ng pagkakasara ng pinto niya, nanghina yata ang tuhod ko kaya pinulot ko na lang yung pagkain sa sahig na pwede pang mapulot mabuti na lang talaga at hindi mainit yung tinampla ko.

"Sorry." Nasabi ko na lang sa harap ng pinto niya pagkatapos kong maligpit ang mga kalat, sa tingin ko naman hindi niya sinadya yun. Sana nga.

Ang next class namin ay 1pm, kaya naisipan kong pumasok na lang para naman hindi na magtaka si Jamie at dumaldal pa siya kay Audrey, as usual naka-tanggap na naman ako ng mga sweet messages galing kay Audrey mas lalo lang yatang tumindi ang pagkagusto/sweetness nun sa akin pagkatapos nung party. Ang alam ko talaga nandun rin siya kaya minabuti kong wag magpakita. Pero dahil dun, ito ang kinahinatnan ko ngayon.

Isa pa, mukhang ayaw talaga akong makita ni Vienna kaya pagbibigyan ko siya. Sana naman kahit paano maibsan ang pagka-suklam niya sa nangyari.

Pero baka matagal pa ulit bago mangyari yun.

Umakyat ako sa kwarto ko, nadaanan ko pa nga kwarto niya at wala nga yata siyang balak lumabas. Gusto ko siyang kausapin ng maayos kahit na sinabihan niya ako ng btch kanina, alam kong hindi ako ganun. Gusto kong linawin sa kanya na kahit ipagtabuyan pa niya ako ng paulit-ulit di ako titigil na gumawa ng paraan para patawarin niya ako. Gusto kong iparamdam sa gawa na gusto ko siya at hindi lang basta salita, na kahit alam kong hindi niya ako magugustuhan dahil nga napaka-baba ng standard niya kapag ako ang titingnan niya at higit sa lahat straight siya gagawin ko ang magagawa ko.

Wait, masyado ko naman yata minamaliit ang sarili ko?

Sa dinami-dami ba naman ng pwede kong magustuhan siya pa? Hindi sa nagrereklamo ako, baka nga ganun lang talaga.

By passed 12:30pm naka-gayak na ako, kanina pa ako nagluto ng lunch niya. Nag-iwan ako ng note sa mesa at gamot na makakapag-tanggal ng sakit ng ulo niya. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit nag-iba na naman siya ng pagtrato sa akin, mas malala ngayon dahil may nararamdaman na ako sa kanya.

Lolo ko yata ang Gomburza sa sobrang pagka-martir ko.

--

"Waah. Friend!" tili ni Jamie katatapos lang yata niya mag-lunch yung iba naming kaklase nandito na rin.

"Bitawan mo nga ako Jamie para kang bata." niyakap ba naman ako ng mahigpit parang dalawang taon kaming hindi nagkita sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Aww may problema ka?" bigla siyang nag-pout ako naman inayos ko ang salamin ko. Mukha ba akong may problema?

"Pasok muna kaya tayo sa loob?" suggest ko, papasok pa lang kasi ako ng pinto humarang agad siya sa akin, lakas ng radar ng babaeng 'to.

Masaya lang siyang nag-nod at hinigit ako papasok ng room. Nakita ko pa ang mga kaibigan ni Vienna sa usual spot nila sa likod, may isang babaeng nakatayo pero nakatalikod at parang may pinapaliwanag, si Joice yun.

Napansin ko na natigilan sila sa pinag-uusapan nila, si Joice naman humarap na dito sa unahan kung nasaan kami ni Jamie. Umiwas agad ako ng tingin, di kaya nakakahalata na rin sila?

"Ang lungkot mo ngayon Louise." pagka-upo namin yan agad ang napansin niya, at ang seryoso pa ng sabihin niya yun.

"Huh?"

"See? Parang wala ka sa sarili mo, bakit ka pala absent kanina sa morning classes?"

Mukhang mag-kukwentong barbero na naman ako. Nakaka-guilty na nga itong pagsisinungaling ko. Lalo na kay Audrey.

"M-masakit ulo ko."

"Kilala kita Louise ha, wag kang sinungaling dyan." may pagbabantang tono niya pahamak talaga ang mannerism ko.

"Nagsasabi ako ng totoo."

"Ows?"

"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala?" napailing na lang ako at kinuha sa bag ang notebook para sa next subject.

"Naniniwala ako, dahil nasa party ka ni Vienna right?" banggitin pa lang yung pangalan niya iba na agad ang epekto sa akin. Paano niya nalaman?

"Kung nagtataka ka kung bakit ko alam well kasama lang naman sa iisang table ang family nyong dalawa."

"Kilala mo sila dad? Di ko pa naman ikaw pinapakilala sa kanila ah?" bulong ko baka may makarinig pa sa pinag-uusapan namin.

"Uh-huh. Yung father mo kasi you have the same color of eyes then you told me before that you have a younger brother. Kamukha mo daddy mo 'no?" nag-sign ako sa kanya na wag maingay ang lakas ng boses eh. Daldal talaga.

"Nandun ka pala di kita nakita." sabi ko na lang.

"Your family seems so close with the Chengs ha?" ano ba yang tanong na yan, mukhang may nalaman na naman ang isang to.

"Hindi ko alam, kailan ba ako nagka-interest sa business world na yan?" pag-iiba ko ng topic, ito na naman kami sa Q&A portion.

"Hindi world business ang pinag-uusapan dito girl. I mean wala bang something sa inyo ni Vienna?"

"Ito na naman ba tayo Jamie?" mapupunta na naman ako sa paggawa ng kwentong di totoo.

"What? Friend, mag-kaibigan tayo pwede ka naman magsabi sa akin."

"Ano na naman bang tsismis ang nalaman mo?" di ko na napigilang itanong sa kanya. Anong maasahan ko sa pagiging tsismosa nitong best friend ko?

"Yun pa rin naman. I mean, baka secret friends na kayo?"

"Big deal ba kung friends kami o hindi?"

"Of course! Hot-topic kaya dati yung pambubully niya sayo, paano kung nalaman na lahat ng students dito sa LCU na isa ka sa anak--asdfghjkl.." pinasakan ko na siya ng binilog kong papel kanina, ang daldal! Pinanlakihan ko pa siya ng mata at sinasabing wag maingay, siya naman tinarayan ako. Grabe.

Nung nandyan na ang prof para sa subject mabilis na tinanggal ko yung papel sa bibig ni Jamie. Medyo natawa ako ng konti dahil may ilang maliit na natira sa labi niya, binigyan niya ako ng 'humanda-ka-sa-akin' look. Nagkibit balikat na lang ako.

Sa halos tatlong subjects na nagdaan kapag may recitation ako lagi ang tinatawag. Hindi naman ako nagrereklamo tutal kailangan ko ring maka-bawi sa mga pagkukulang ko sa lahat ng subjects.

Nang makaramdam ako ng pagkabagot nagsulat ako ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko. Di ko alam kung anong sumapi sa akin pero sinulat ko ang pangalan ko at pangalan ni Vienna, di ko alam kung totoo yung F.L.A.M.E.S pero sinubukan ko na din.

Louise Lazaro
Vienna Cheng

Tumitingin-tingin ako sa prof na nagpapaliwanag sa unahan baka masita niya ako kung anong ginagawa ko. Pagkatapos ko ma-cancel ang mga parehas naming letra sa pangalan, 15 ang natira at ang ika-15 sa flames ay A. Which means anger? Angry? Hindi ko alam kung tama ba ang paglalaro ko nito pero nanlumo ata ako sa kinalabasan, hanggang dito ba naman?

"Huy, anong ginagawa mo?" sita sa akin ni Jamie, nagulat ako kaya nalukot ko bigla ang papel.

"W-wala naman."

"Parang nagulat ka?" bulong nito at mukhang sumisilip pa sa notebook ko, ginawa ko lahat para mapunit ang papel na yun nang hindi niya napapansin.

"Miss Muñoz." tawag sa kanya ni Prof Gualvez, parang nabunutan ako ng tinik dahil akala ko ako na naman ang tatawagin.

"...and Miss Lazaro, care to share to us kung anong pinag-kukwentuhan nyong dalawa?" napa-impit ako ng paghinga ayaw ko talaga na nababanggit ang apelyido ko sa klase.

Siniko ako ni Jamie, ako pa talaga magpapaliwanag ngayon? ang tahimik pa naman ng buong klase.

Gumawa na lang ako ng paraan para hindi kami mapahiya, mukhang nakagat naman yun ni ma'am. Napailing na lang ako sa isip-isip ko.

Maaga rin namang natapos ang klase, hanggang pagka-labas namin ng room panay pa rin ang daldal sa akin ni Jamie kailan kaya darating ang panahong titigil ang bibig niya? May pakiramdam ako na parang may tao sa likod namin kaya nilito ko ang mga pinagsasabi ni Jamie, paano ba naman hindi nawawala ang pangalang Vienna sa kwento niya.

Nakakahalata na pala ang isang 'to, di pa naman ako handa na sabihin lahat ang tungkol sa akin.. ang tungkol sa amin.

"Why Vienna was absent again? Grabe girls ha! Just because she celebrated her party last night she could absent this day? Dapat tayo rin!" sa tono palang ng pananalita kilala ko na kung sino kaya minadali ko ang paglalakad namin ni Jamie alam kong nagtaka siya pero nasa likod lang namin ang mga kaibigan ni Vienna.

Pero sa pagkakataon nga naman, pare-parehas kaming nagkasabay sa elevator at kasya kaming lima sa loob.

Napatungo na lang ako, ang awkward ng atmosphere sa loob. Hindi ako mapalagay ang alam ko sandali lang ang pagbaba ng elevator pero parang ilang oras pa ang pakiramdam ko.

*ting*

Pagkabukas ng elevator, hinawakan ko si Jamie para unang makalabas sila Kayla. "Weird mo bigla friend." aniya ni Jamie pero di ko na lang pinansin.

Hinigit ko na lang siya para kami na ang makalabas pero pagka-kita ko sa paglabas ng architecture building lumingon si Joice, suot ko ang salamin ko kaya alam kong sakin siya tumingin at ngumiti.

Bakit ganun? Pakiramdam ko may gusto siyang malaman sa akin, hindi lang si Joice kundi pati ang mga kaibigan niya.

Ayaw kong malaman nila na ikinasal sa akin si Vienna, ayaw ko na malaman ng ibang tao ang tungkol sa amin. Alam ko na pag-uusapan siya, o kami ng sobra at baka kung ano pang matanggap niyang mga salita dahil na rin nga sa may atittude siya. Ayaw ko na dumating sa huli na lalo niya akong ayawan.

"Jamie may gusto sana akong sabihin sayo.." sabi ko habang papalabas na kami ng archi building.

"Hmm?"

"Pwede ba kapag magkakasama tayong tatlo ni Audrey o kayong dalawa lang wag na wag mong babanggitin ang pangalan ni Vienna Cheng?"

"Huh? Bakit bigla mo na lang siya nabanggit?"

Napatigil ako sa sinabi niya, argh. Bakit di ko naisip agad yun? Masyado na akong occupied sa mga nangyari.

"Ah, diba sabi mo may kumalat dito na lagi kaming magkasama? H-hindi totoo yun.. ang akin lang bawasan mo ng konti ang kadaldan ng dila mo at baka masabi mo sa kanya na isa akong Lazaro." paliwanag ko na sana naman tumatak sa isip niya.

"Ouch naman Louise? If you say so. Pero ano namang kinalaman ni Vienna kung Lazaro ka?" dahil sa sinabi niyang yun bigla akong napaisip, isa pa ang bagay na yun. Di ko agad iniisip ang mga sinasabi ko. Tama nga naman siya parang isang maling salita lang pwede akong mabuko.

Tumingin ako sa malayo at sinabing — "Louise Gamboa ang pakilala ko kay Audrey noon Jamie, may mga bagay talaga na hindi nyo pa dapat malaman."

--

7pm sakto akong dumating ng bahay, medyo late kung tutuusin dahil nakipag-hide and seek pa ako kay Audrey para lang hindi niya ako maihatid paano ba naman nakita niya kami ni Jamie. Pero hind literal na laro ang ginawa namin. 

Iba ang aura ngayon dito sa bahay namin pagpasok ko ba naman ang dilim ng living room, hindi manlang ba niya naisip na bumaba manlang? Baka hindi pa yun kumakain simula kaninang umaga, ito na naman at nakakaramdam ako ng pagka-guilty.

Dumiretso ako sa kitchen dahil dun lang ako may nakitang bukas ang ilaw may naamoy pa ako na parang may nagluto Baka naman dito lang siya dumiretso, tiningnan ko yung table at kung kinain niya ba yung mga niluto ko para sa kanya. To disappoint pagka-bukas ko ng takip hindi manlang nagalaw ang kutsara't tinidor, ni kahit konting nabawas wala manlang. 

Vienna, hanggang kailan ka na naman magiging ganito sa akin?

Isang meat dish ang niluto niya hindi ko alam kung paano ang pagkakaluto niya pero nang tikman ko sobrang pait. Kasing-pait ng pakikitungo niya sa akin ngayon, hindi lang yun dahil may iba pa akong nalalasahan bukod sa pait. Halo-halo na ang lasa, may something na mapait, matamis, maalat hindi ko maintindihan. Katulad lang niya napaka-unpredictable kaya makakapag-assume ka ng todo, pero sa huli kinain ko na rin yun kahit paano pala nag-abala siyang magluto.

Kinabukasan, mas nauna siyang nagising sa akin kaya nauna rin siyang gumayak. Wala pa ring nagsasalita sa amin simula kahapon ang totoo niyan may konting sama ako ng loob sa kanya dahil sa sinabi niya, ginusto ko yung nangyari sa amin kahit di ko na alam ang pinag-gagawa ko ng gabing yun. Parehas kaming may mali dahil hindi niya ako hinahayaang magpaliwanag. 

Sa pagkain namin ng sabay sa breakfast kanina, tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig, ganun katahimik hindi tulad dati na mag-aasaran kami tapos asar-talo sa huli. Ibang-iba ngayon.

Papasok na dapat ako sa kotse para mailabas yun sa garahe nang makita ko siyang lumabas ng gate, di na ako nagdalawang isip pa na lumapit sa kanya.

"Sandali lang.." pagpigil ko at hinawakan ang wrist niya napatigil ko din naman siya at humarap sa akin. "What?" cold na tanong nito habang palitan siyang tumingin sa mata ko at sa nakahawak kong kamay sa kanya.

"Sumabay ka sa akin." sabi ko pero sa ibang direksyon na siya tumingin. "I can go to the university without your help." gaya ng tono niya kanina mas malamig ngayon, tinanggal na niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko. "Kung galit ka sa akin dahil sa nangyari, humihingi na ako ng sorry dahil marami lang talaga akong nainom nun.."

"Whatever you say."

"Kahit manlang sa pagsabay natin pumasok at pag-uwi wag mo nang idamay pang issue na yun." pinipilit kong maging normal ang boses ko dahil alam kong pahina-ito ng pahina maya-maya lang kapag masyado ng malungkot.

"An issue? Lol you gotta kidding me, anyway cut of the drama dahil mukha kang tanga."

Mukha kang tanga. 

Hindi na lang ako nagpa-apekto sa sinabi niya pero deep inside iba ang epekto ng mga salitang yun sa akin. Sabihin na niya lahat ng hinanakit niya at tatanggapin ko yun. Napa-payag ko din naman siya na sumabay sa akin dahil una siyang pumasok sa kotse. 

Sumunod na lang rin ako sa loob at ini-start ang sasakyan, habang nagmamaneho ang daming gumugulo sa isip ko, kung bakit ba bigla na lang akong umamin na nagugustuhan ko na siya na para sa kanya wala lang yun, wala manlang konsiderasyon ang pag-amin ko dahil kayang-kaya niyang sabihin ang mga katagang yun na akala niya bato ako at walang pakiramdam.

Kung bakit ba dahil lang sa isang gabing yun, mas lumalala pa.

Hanggang sa makarating kami sa gate ng LCU gusto na niyang bumaba agad ng sasakyan, hindi na lang ako nagsalita pero pinagbigyan ko na baka hindi na niya makayanan na magkasama kami sa iisang kotse.

Habang papasok na siya ng gate pinagmamasan ko na lang siya dito sa loob, pero may isang lalaki ang humarang sa kanya at kita ko ang malaking ngiti nito pero nandun pa rin ang kamanyakan sa mata niya.

Si Cedric Yu.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela, parang hindi ito tinarayan ni Vienna bagkus sabay pa silang naglakad.

Yung dapat tayo ang dalawang magkasabay, pero sumabay ka sa iba.

Napasubsob na lang ako sa manibela at tsaka bumuntong hininga "Gawin mo ang gusto mo Vienna at gagawin ko rin ang akin.."

--

"Love." napalingon ako sa gilid ko at magandang mukha ni Audrey ang bumungad sa akin. Paano siya naka-punta agad dito? Hindi ko manlang naramdaman, nasa pinakamataas ako ng floor ng archi building ng mga senior. Wala akong balak tumalon ah, nagkataon lang talaga na maaga pa at maya-maya pa darating si Prof. Medina tapos mamaya pa ang shift ng mga senior dito kaya walang tao.

"Paano mo nalamang nandito ako?" takang tanong ko. Ngumiti lang siya ng matamis sa akin, "Because I love you." napasinghap ako sa sinabi niya, impulsive talaga siya at walang takot na sabihin sa akin yun ng harapan. Kahit na lagi niya yung sinasabi sa akin hindi pa rin ako sanay.

"You look so sad, what's bothering you?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko, napatingin ako sa kamay niya. May ginagawa siyang gesture na ginawa rin sa akin ni Vienna nung minsang magka-hawak kami ng kamay.

Pag-angat ko ng tingin, ibang mata ang nasilayan ko.

"Vienna?.." bulong ko.

"Vienna?" nakita ko ang pagkunot ng mukha ni Audrey. Sht. Namalik-mata lang pala ako.

"You mean Vienna Cheng?" may something sa mata niya, selos, takot, confusion at galit? Hindi ko alam kung tama nga ba ang mga nabasa ko pero umiwas na ako ng tingin.

"Ah.. Sabi ko kasing ganda ng LCU ang Vienna sa Austria." palusot ko. Hays.

Binitiwan niya ang kamay ko pero pumunta naman ito para hawakan ang mukha ko muntik pa akong lumayo agad sa kanya pero kung nagawa ko nga yun baka malungkot siya lalo na at mahal niya nga raw ako syempre ayoko namang gawin sa iba ang pinaparamdam sa akin ni Vienna.

"I really love you." sincere na sabi niya at mahigpit akong niyakap. Nagiging clingy na naman siya, di yata siya aware na mas lalo lang ako nasasakal sa kanya.

How I wished ikaw na lang Audrey.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang first subject inaya ko na siyang bumaba na gamit ang elevator, pagkapasok namin dun bigla niyang hinawakan na naman ang kamay ko this time naka-intertwine na mismo yun. Hinayaan ko na lang dahil ayaw kong mawala ang ngiti sa labi niya.

Pagkababa namin nasa pinto na ako ng room ko, nakasarado na yun at malamang nasa loob na si sir Medina!

"Wait Louise." pinigilan pa ako ni Audrey kaya lumingon ako sa kanya.

"Take this, I made this for you. See you later." nabigla ako ng halikan niya ako sa pisngi at nag-abot sa akin ng paper bag. Namalayan ko na lang na naglalakad na siya papunta sa medtech building kumaway pa siya.

Tiningnan ko ang nasa loob ng paper bag expected ko na nag-bake na naman siya ng cake para sa akin. Tama nga ako at nakalagay sa transparent na lagayan ang isang Red Velvet cake.

Naalala ko nga pala na may klase pa ako bago pa man ako kumatok may narinig akong nagsasalita papunta din sa direksyon ko.

"I don't care kung lagyan tayo ng matandang yun ng late mark." paglingon ko sa likod si Vienna pala ang nagsabi nun kasama ang mga kaibigan niya. Saglit na nagtama ang tingin namin, tumingin siya sa hawak ko bago bumalik ulit ang mata niya sa akin. Gaya dati kapag nagkakatinginan kami siya ang unang pumuputol nun.

"Ehem." narinig ko ang pagtikhim ni Joice, pakiramdam ko na pinagtinginan kami nung tatlo kanina may kung anong kaba ang nabuo sa loob ko.

"Hi cutie." bati ni Joice at nginitian pa ako ayaw ko namang maging rude kaya ngumiti rin ako pabalik pero saglit lang. Dinaanan lang ako lampas ni Vienna habang ng naka-cross arm, mas gusto ko pa yatang mabully na naman niya ako atleast mabibigyan niya ako ng atensyon kahit papaano.

Binigyan ko na lang sila ng daan, dahil nga sa may pangalan si Vienna dito bilang anak ni Mr. Cheng walang pasabi na binuksan niya ang pinto ng room, bumungad sa amin ang mukhang mainit na ulo ni sir Medina.

"Aba ang gagaling nyo at late kayo pare-pareho?" natahimik rin ang buong klase at nakatingin sa amin maging si Jamie nagtatanong ang mata kung bakit late ako, usually isa ako sa mga maagang umattend ng klase pero ngayon late.

"Anong gagawin natin? Mukhang badtrip si Sir, di na siya nahiya sa iilang buhok na natitira sa ulo niya.." rinig kong bulong ni Joice, maloko talaga siya.

"Ikaw ang magaling old man dahil nauna ka sa amin. You should be thankful, kung di ka nauna sa amin malamang di kami late diba." lintanya ni Vienna, paano ko nga ba siya nagustuhan? May attitude talaga siya pagdating dito at nawawalan ng paggalang sa mas nakakatanda sa kanya.

Nagtawanan ang buong klase at nag-high five pa sila Katrina at Joice. Parang lalo lang umusok ang ilong ni sir dahil sa sinabi niya.

"Miss Cheng! Sinasabi ko sayo na di porket anak ka ng isa sa mga may-ari nang pinapasukan ko, pagsasalitaan mo ako ng ganyan ka bastos!" binagsak pa ni sir sa table yung attendance book dahilan para tumahimik ulit ang klase.

Hindi ko alam kung anong susunod na sasabihin ni Vienna pero ako naman itong nagulat sa sinabi ni sir — "Kung sana dito nag-aaral ang anak ni Arthuro Lazaro ay baka may katapat ka." halos manlamig ako sa narinig.

"I don't think so." may tuyang sagot ni Vienna, seryoso ba siyang papatulan pa ang matanda?

May nagbulungan sa loob rinig ko naman ang mga pinagbubulungan nila.

"Lazaro-Cheng nga pala ibig sabihin ng LCU diba?"

"Yes girl. Ano kaya? Super duper pogi kaya ng anak ni Mr. Lazaro?"

"We don't know? Bakit kaya di siya nag-aaral dito? Wala manlang akong alam about sa kanya."

"Tumigil nga kayo! Baka makasuhan kayo ng child abuse dahil tingin ko grade schooler lang yun."

"Mga teh! Baka girlalu talaga siya."

"Tumahimik nga kayo! Naaksaya ang oras ko sa inyo, magtake kayo ng long quiz sa Friday bago kayo umuwi!"

Laglag balikat na lang ako damay rin ako dun dahil sa atitude na pinakita ni Vienna at pare-pareho kaming late, mahigpit talaga si sir sa attendance at naiintindihan ko yun.

Narinig ko na lang na umangal si Katrina bago kami tinawag papasok.

"Patrimonio, late!"

"Lim, late!"

"Bermudez, late!"

"..and Cheng, late!"

Habang sinasabi yun ni sir pumasok na sila mukhang kanina pa ako di napansin kaya pumasok na rin ako.

"Miss Lazaro? Late ka rin pala, pasok!"

Minsan lang banggitin ang apelyido ko sa klase kaya napatingin sila sa akin, kung ano man ang iniisip nila ka-apelyido ko nga lang ang Lazaro.

Pagka-upo ko sa tabi ni Jamie inilapag ko muna sa ibaba yung paper bag na binigay ni Audrey buti naman at hindi ako dinaldal pa ng katabi ko.

Natapos naman ng matiwasay ang tatlong subjects, isa-isa nang umalis sa room ang iba para pumunta sa cafeteria. Inaya ako ni Jamie na bumaba na rin di na siya nagtanong kung anong meron sa paper bag dahil may alam akong alam niya agad kung sino nagbigay sa akin.

Hindi ko naman mapigilang hindi sumulyap sa likuran mukhang bababa na rin ang mga kaibigan niya.

Sinabi ko kay Jamie na sa hagdan na lang kami dumaan, panigurado akong gagamit sila ng elevator.

Puro kwento ng kung anu-ano ang naririnig ko kay Jamie hanggang sa cafeteria buti hindi natanggal ang tenga ko sa mga pinagsasabi niya.

May kumaway sa amin at si Audrey yun pero may kasama siya sa table, para namang nagningning ang mata nitong katabi ko nang makita yung lalaking katabi ni Audrey.

Si Drew Castro, mukhang M.U na yata sila ah? Lumapit kami dun sa table, mabilisan ba naman akong hinigit ni Jamie.

May ilang pagkain na pala sa table pinatabi ako ni Audrey sa upo niya.

"You look pale." sita ni Audrey sa akin samantalang yung dalawa may sariling mundo.

"Di ka pa ba kumakain? Where's the paper bag?" inabot ko na lang sa kanya dahil tingin ko nga namumutla ako.

Kumuha siya ng kutsara at parang gusto pa niyang akong subuan pero kinuha ko agad ang kutsara sa kanya.

"Ang sarap." komento ko, totoo naman yun sabi ko share kami pero tumanggi siya. "Para sayo lang yan." ngiti niya kumain na ng inorder niya.

"Hi cutie." busy lang ako sa pagkain nang may marinig akong bumanggit nun, si Joice lang naman ang kilala kong tumatawag sa akin.

Napatingin ako sa likuran ko at tama nga ako may hawak siyang tray. "Pwede ba kaming mag-share sa inyo ng table?" tanong niya, bumilis ang tibok sa dibdib ko nang masilayan sa likod niya ang cold na mga mata ni Vienna.

Napatingin rin tuloy ang tatlo sa kanila. "You can share with us." sabi ni Audrey, may malaki pa nga namang space para sa table para magkasya kaming lahat. At sa tingin ko pa magkaka-kilala na sila ni Audrey.

"Look Joice, kung gusto mong umupo sa kanila iiwan ka na naming tatlo." mataray na sabi ni Vienna, bumalik na lang ako sa kinakain ko tutal ako ang dahilan kung bakit ganyan na naman siya.

"Girl, occupied na lahat ng tables here oh? Come on." aniya ni Katrina kaya sumunod na lang sila kay Joice at naki-share na nga sa table. Namalayan ko na lang na nasa harap ko si Vienna, alam kong siya yun kahit yung kamay pa lang niya.

Hindi ko alam kay Audrey pero mas lalo lang siyang naging sweet parang di siya nahihiya sa mga sinasabi niya at baka marinig pa nila kami.

"Minsan lang naman tayo magka-pansinan kapag nasa room tayo but girls I would like you to meet Drew Castro from marine transportation department." pagpapakilala ni Jamie, siguro mag-on na nga ang dalawang ito?

"Oh. Vi, taga marine transportation din pala siya? Diba si Cedric din?" sabi ni Kayla, di na lang ako nakinig sa pinag-uusapan nila at itinuon ang atensyon kay Audrey.

Pero hindi rin talaga makapag-pigil ang tenga ko. "So?" sagot ni Vienna.

"Love may something sa lips mo." napasinghap ako sa biglaang sinabi ni Audrey, narinig nila kaming lahat at nakatingin sa amin.

"A-Audrey ako na." pero mapilit siya gamit ang thumb niya tinanggal niya yung something daw sa labi ko, nakita ko pa kung paano niya nilapat yun sa labi niya.

Hot.

Umiwas ako ng tingin, mali ang inisip ko. Pinamulahan ako ng mukha ayaw ko namang tumingin sa kanila lalo na kay Vienna.

Masyadong bold si Audrey ngayon, tinawag ba naman niya ako sa endearment na tinatawag niya sa akin tapos ginawa pa niya yun.

Ano na lang iisipin ni Vienna? Oo nga't alam ko wala naman siyang pakialam sa nakita o narinig niya pero mali pa rin.

"This school isn't allowed for PDA." rinig kong sabi niya.. sabi ni Vienna.

Sa lahat ng table dito lang yata may namumuong tensyon ngayon.

"Don't worry we can do it instead privately, masyado ka namang conservative." Audrey.

Alam kong magba-back fire si Vienna ano bang problema nila sa isa't isa?

"Pinsan naman! Ang maldita mo talaga, wag mong awayin babe ko." nawala lang ang tensyon nang may bastos na lalaking nag-interupt, si Cedric.

"Whatever." bulong ng katabi ko sa pinsan niya, oo alam kong mag-pinsan silang dalawa at ikinuwento sa akin yun ni Audrey dati.

"Hi bro." nag-bro fist sila ni Drew malamang na magkakilala sila dahil galing sila sa iisang department.

"Miss Katrina pwede bang umusod ka ng konti para makatabi ko ang babe ko?" mayabang na sabi niya mukhang pumayag rin naman ang isa kaya magkatabi na sila lang dalawa.

"You look good together." komento ni Audrey nabitawan ko yung kutsara at parang nawalan ako bigla ng gana para kumain.

"Ah Audrey mauna na ako, pupunta lang ako sa library.."

Tumingin ako sa kanila at tumayo, "Enjoy." nag-nod lang naman ang ilan sa kanila hindi na ako tumingin kay Vienna at baka lalo lang akong masaktan.

"Louise." nangusap ang mata ko kay Audrey, gusto ko munang mapag-isa. Di ko ma-take kung magkakasama kami sa iisang table, di rin ako bagay na makisama sa kanila.

--

Dumaan pa ang ilang araw at wala pa ring progress na nangyayari sa amin, tinawagan ako ni grandma Cheng kung bakit di pa kami bumibisita sa kanya ang huling punta namin dun yung araw na party ng apo niya. Wala naman akong mailusot kung ano na lang lumabas sa bibig ko.

Nahalata yata ako kaya tinanong niya ako kung may problema kami ng apo niya. "Ganito lang po talaga sa isang relasyon, magiging okay rin po ang lahat.." sabi ko nung huli, ayaw ko namang palakihin pa lalo kaya sinarili ko na lang.

Medyo masama ang pakiramdam ko ngayong araw kung kailan naman magsa-summer na ngayon pa yata ako tatamaan ng sakit. Friday na pala nang di ko namamalayan at hindi ko na alam kung saang paraan ko ba makukuha para lang magka-usap kami ni Vienna ng pormal, pero mukhang di aayon ang tadhana ngayon dahil mas lalo lang kaming nagkakalayo.

So close yet so far. Sabi nga.

Na-dismiss nang maaga ang mga kaklase namin para sa mga maglo-long quiz ngayong hapon.

"Siguraduhin nyong may sagot lahat ng items dito sa test paper. Iiwan ko kayo at alam ko kung sino ang mag-gagayahan kaya ngayon pa lang binabalaan ko na kayo." mahigpit ni sabi ni sir, bagay sila ni Prof. Wenceslao mukhang parehas na pinag-iwanan na nang panahon.

Pag-tingin ko sa test paper 75 items, puro computation pa. Ah grabe naman.

"You may start now, by 6:00pm matatapos nyo lahat yan, kung hindi naman pwes dito kayong magpalipas ng gabi." sir talaga. Nag-nod lang ako hanggang sa umalis na siya ng room, hindi ko alam pero pagod na pagod ako epekto yata 'to sa mga nangyari nitong nakaraan.

Nagsimula na akong mag-compute sa yellow pad, manual method kung kinakailangan naman na mag-calculator saka na lang ako gumagamit

"Psst. Kayla! Pagaya naman!" nasa left side ko si Joice pero malayo ang agwat namin, nag-focus na lang ako sa papel ko ang kaso masama na talaga ang pakiramdam ko kaya muntik ko nang matulugan ang test paper kung hindi ko napigilan.

59 items pa lang ang nasasagutan ko at marami pang natitira 5:25pm na di ko alam kung kakayanin ko pa dahil nang pinakiramdaman ko ang noo ko, mainit. Mukhang nilalagnat ako. Nakaupo lang at nasasagot pero hinihingal ako.

"Hah.." binitiwan ko muna ang ballpen dahil nanigas bigla ang kamay ko, namamawis pa. "K-kainis naman.." nahihirapan kong bulong, ayaw ko namang maka-istorbo dun sa apat kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagsasagot.

By 6:23pm sabay-sabay na silang umalis samantalang 68 items pa lang ang nasagutan ko may ilan pang laktaw sa test paper. Huling lumabas ng room si Vienna pero di niya manlang ako pinasadahan ng tingin, nakaka-panlambot lang lalo.

Sana hintayin niya ako.

Tumanaw ako sa ilang building sa labas may mga naka-bukas ang ilaw, ang building ng medtech at marine transportation. Narinig ko na lang na tumunog ang phone ko, may message pala galing kay Vienna.

From: Arte (1) 6:31pm
Wala akong balak na hintayin ka, Cedric will drive me to grandmy but not in our house. Bye.

Yun ang laman ng message, sa lola niya pala siya matutulog at kaya pala bukas pa ang ilang floor sa marine transportation ibig sabihin sa mga oras na 'to nandito pa nga ang lalaking yun.

"Hah..n-nakakasakit ka ng maarte ka ha, anong akala mo sa akin? Porket umamin ako sayo at ayaw mo sa mga kagaya ko ipapamukha mo sa akin na ihahatid ka ng lalaking yun?" bulong ko sa aking sarili habang mahigpit na naka-hawak sa phone ko.

Pinilit ko na lang na mag-concentrate ulit sa papel ko tutal 2 items na lang sasagutan ko. Sa huling item muntik pang maputol yung ballpen dahil sa inis na nararamdaman, tingin ko pa lalo lang akong nilagnat.

Mahilo-hilo nang tumayo ako, nilagay ko sa table ni sir yung test paper sama nung mga kanila. Ako na ang nag-off ng ilaw sa room at tanging ilaw na lang sa hallway ang nagsisilbi kong liwanag pababa ng hagdan ayaw ko namang gamitin ang elevator lalo lang akong mahihilo.

Habang nasa daan papuntang parking lot, nagtype ako ng message at sinabing 'Ingat ka.' simple lang yun pero sincere, kahit pinsan pa siya ni Audrey wala naman akong tiwala sa lalaking yun pero kung may tiwala si Vienna sa kanya dapat siguro magtiwala na lang rin ako.

Full moon na naman pala ngayon kahit papano naman nagliwanag ng konti, mukhang di pa kasi ini-ilawan ni manong guard. Nasa parking lot na ako at marami pa palang naka-paradang kotse.

May nainigan akong dalawang tao na malapit mismo sa kotse ko.

Ah. Si Cedric at Vienna.

Kissing.

Kitang-kita namin ng salamin ko, mukhang engrossed na engrossed sila sa ginagawa nila at di manlang ramdam ang presence ko. Ang sakit sa mata, ang sakit sa dibdib.

Hindi ko alam pero tanga talaga ako dahil ang tagal bago ko inalis ang tingin sa kanila, they look together.. Oo, tama nga. Bagay sila.

Tumalikod na ako at napatungo di ko alam kung saan ako dadalahin ng mata ko, basta wag lang dun.

Nagsisimula nang mag-blur ang mata ko, baka umuulan nababasa ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung nananadya ba si Vienna dahil dun pa talaga nila nagawang maghalikan sa malapit sa kotse ko? Ano ba talaga gusto niyang ipamukha sa akin?

Pero ayaw kong kaawaan ang sarili ko, grabe triple kill na siya sa akin. May mas sasakit pa ba? Di na niya tinodo, oo na Vienna alam kong lalaki lang magpapasaya sayo..

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang patuloy rin ang pagbagsak ng luha ko. Hindi naman ako madaling umiyak talaga eh.. pero iba na yung nakita ko dahil mukhang sinadya na doon pa nila gawin yun, kulang na nga lang umupo si Vienna sa harap ng kotse ko.

Kinagat ko ang lower lip ko para wala ng luhang bumagsak, marami lang talagang nangyari nitong nakaraang linggo at ngayon ko lang nailabas lahat.

Ang init na talaga ng katawan ko at nahihirapan akong huminga kaya tinigil ko na ang pag-iyak. Ang pangit lang, di bagay sa akin ang umiiyak.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad kung saan, basta ang alam ko nasa loob pa rin ako ng campus. Ang nasa isip ko lang makalayo sa lugar na yun.

"Louise?" natigil lang ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na yun, si Audrey. Buti na lang at medyo madilim sa part na 'to kaya di niya mahahalata ang luha sa mata ko.

Pinilit ko na i-normal ang boses ko at naging matagumpay naman ako kahit papaano. "Audrey, ikaw pala? Masyado nang gabi shift mo.." na sabi ko na lang habang naka-tungo pa rin, naramdaman ko siyang lumapit sa akin at biglang himawakan ang chin ko.

"Umiyak ka ba?" hindi yata ako makaka-ligtas sa tanong niya.

"Audrey? Pwedeng payakap? Kahit saglit lang...k-kailangan ko lang talaga." nahihirapang sabi ko at di ko na napigilan, "Even if you don't ask, I'll always hug you." naramdaman ko na lang ang warm hug niya, ngayon ko lang rin naramdaman yung love na sinasabi niya sa akin.

"Nanginginig ka Louise, and wait you're sick?!" gusto sana niyang kumawala sa yakap pero pinigilan ko siya, yumakap lang ako sa kanya ng mahigpit dahil nagsisimula na namang tumulo ang luha ko.

Sa lahat ng mga sinabi niya, pati ang cold treatment na natanggap ko sayo Vienna sobra na para sa akin.

Ang makitang may kahalikan ka pang iba, mas triple. Tinanggap ko naman sa sarili ko na kahit anong mangyari ay tatanggapin ko, pero bakit ngayon nasa sitwasyon na ako mismo ang hirap at sakit pala. Hindi na ako nahiya kay Audrey nang isubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.

"You're crying love, what's wrong?" lalo lang akong napaiyak, everything 's wrong..

Mahal ko na nga talaga ang maarteng yun.

Ang sakit.

"Sssh." mukhang nakikiramdam lang si Audrey kaya hinagod-hagod niya ang likod ko.

Asawa niya lang ako sa papel.

Isang masakit na katotohanan.

--

A/N: I'm so bad T_T while typing this naramdaman ko talaga yung pain na nararamdaman ni Louise. Sorry beyb :'(. Anyway wag natin basta i-judge bigla si Vienna, eveyone has a POV and every POV has a side story. </3

Ps: try ko na magka-first POV si Audrey, at bawal umangal! Haha!

Not edited. (Maumay kayo)

Thanks for reading~

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 47.5K 54
Barkada Series #1 She's our super masungit na teacher. I annoy her para makabawi sa sobrang hihirap niyang mga exam at quizzes. Pasalamat nalang tala...
3.5M 155K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
3.6M 63.2K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...