Purple-Eyed Princess (Publish...

By Ms_Teria

25.1M 627K 132K

A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearles... More

Teaser
Chapter 2 "The Nerds"
Chapter 3 "His Side"
Chapter 4 "Friends"
Chapter 5 "They Met"
Chapter 6 "Tour Guide"
Chapter 7 "Troubles"
Chapter 8 "My First Lead"
Chapter 9 "Stalker"
Chapter 10 "No Ordinary Nerd"
Chapter 11 "Kathie"
Chapter 12 "Sudden Change"
Chapter 13 "WTF?!"
Chapter 14 "45 Seconds"
Chapter 15 "New Target"
Chapter 16 "Club"
Chapter 17 "Stalking Her"
Chapter 18 "Misunderstanding"
Chapter 19 "Luna's Captain"
Chapter 20 "Sweetest Smile"
Chapter 21 "illegal Battle"
Chapter 22 "The Battle"
Chapter 23 "The New Member"
Chapter 24 "Sorry?"
Chapter 25 "Nightmares"
Chapter 26 "Favor #1"
Chapter 27 "Traitors"
Chapter 28 "Favor #2"
Chapter 29 "Six Rings"
Chapter 30 "Last Favor"
Chapter 31 "Unexpected"
Chapter 32 "Same Roof"
Chapter 33 "Stupid Yumi"
Chapter 34 "Escape 101"
Chapter 35 "Living Devil"
Chapter 36 "Club Members"
Chapter 37 "Changes"
Chapter 38 "Halo"
Chapter 39 " Dark Purple (part 1)"
Chapter 40 "Dark Purple (part 2)"
Chapter 41 "Purple vs. Purple"
Chapter 42 "Unmasked"
Chapter 43 "Twin Brother"
Chapter 44 "Reason #1"
Chapter 45 "Teardrops"
Chapter 46 "Kill Me"
Chapter 47 "Last Battle"
Epilogue
Announcement!
The Dark-Eyed Prince

Chapter 1 "Meet Her"

1.1M 20.3K 11.9K
By Ms_Teria

Note: Currently editing. Some small details may be changed but the story's flow will still be the same.

*****

Malakas na katok ang narinig ko sa pinto. Although, malakas ang bawat katok n'ya, halata namang walang halong galit.

"Free to come, mom."

Pumasok s'ya sa kwarto ko na parang manghang-mangha.

"How did you know that it's me?!"

"Sinong hindi makakakilala sa katok mo, mom? It's very unique."

"Neh, really?" Sabi n'ya habang tumatalon at pumapalakpak pa. Psh.

"Stop that. You look like a pyscho," I said with my calm voice. I didn't even bother myself to look at her. Tuloy-tuloy lang ako sa pagta-type sa laptop para sa project ko sa school.

"Am I too loud?Gomenasai~"

(Gomenasai=Sorry)

"Ano pong ginagawa n'yo dito?," tanong ko nang hindi s'ya tinitignan.

"Busy ka ba, baby V?"

Geez... I never liked the way how she addresses me.

"Medyo."

"Eh, kasi V, may hihingin sana akong favor."

"Shoot."

"Ah.. baby V ko.. kasi ano, eh.. p'ano ko ba sasabihin?" Nakuha n'ya pang magkamot ng ulo. Mukha s'yang problemado, ha?

"Just open your mouth and compose some sentences."

Nananatili pa ring kalmado ang boses ko kahit may baliw na babae sa kwarto ko at sinasabunutan na ang sarili n'ya.

"Kasi V, ano.. it's about.. Philippines! You have a mission! Yay!" Mataas ang boses n'ya pero alanganin ang tingin sa 'kin. Parang nakita ko pang nagpunas s'ya ng pawis.

"Mission?"

"Hai! Kasi naman 'yong Dad mong may topak sa ulo at mukhang malala na ay gusto ka na namang isabak sa isang napakahalagang mission. Ikaw lang daw kasi ang makakatapos n'ong mission. 'Di naman kasi pwede 'yong kuya mo. Alam mo na. Busy 'yon sa pagiging teen idol at sa company natin."

(Hai=Yes)

"What kind of mission is that?"

"Nabalitaan kasi namin na ang mga taong undercontrol natin sa Pilipinas ay isa-isang nauubos. Ang mga mafia group na under natin ay isa-isa ring ina-ambush. Sabi n'ong mga natitira, isang grupo lang daw ang may gawa nito at 'yon ang misyon mo, ang hanapin ang grupong 'to. Actually, madami na kaming pinadala para dito pero walang bumalik ni isa."

"Ah. Sad."

"Eh? 'Yon lang ang masasabi mo? Sa hinaba-haba ng paliwanag ko, 'yon lang?!"

"'Yong wala nang nakabalik lang ang na-pick up ko so yeah, 'yon lang."

"Anak nga kita! Wiiieee! Alam mo, baby V, hindi mo naman talaga kailangang-"

"Nah. I'll do it."

"Ha?"

"I'll do it."

"Are you.. are you sure..?"

"Yep."

"Okay. Ipapahanda ko na 'yong ticket para makaalis ka na."

"Agad?"

And that's my mom. Too complicated to read. Too irrational to understand. For some moments, I thought, she has a split personality.

"Tsk. Sabi nga kasi ulit ng Dad mong may topak na kung mas maaga raw, mas madaling matatapos. Mas mabuti na rin daw 'yon para 'di ka na maabutan ng kuya mo."

Hindi, mom. Gusto ka lang talagang masolo ni dad.

"S'ya nga pala, baby V. D'on ka muna titira sa mansyon ng kuya mo."

"Ayoko."

"Ihh. Mas malapit kasi 'yong bahay ng kuya mo sa school na papasukan mo."

Tignan mo nga naman. Ngayon na lang ulit ako lilipat ng school, ha? Pero ayoko pa rin.

Ayoko.

Haist. Wala naman akong magagawa kahit ayaw ko.

"Aalis na ako V! Secret muna natin 'to kay kuya mo, ha! Naku... for sure, hindi papayag 'yon pag nalaman n'ya 'to! Kaya secret muna, ha?!"

"K."

Ako na ang nagbukas ng pinto para kay mom. Baka kasi nakalimutan niya na rin pati pagbubukas ng pinto dahil sa kabaliwan n'ya. Pagbukas ko ng pinto...

"Hon?!"

Oh. Naalala ko. May tatay nga pala ako.

"Hello, sweetie pie. Why so shocked? Aren't you happy to see me?"

"Kawaii... Of course I'm happy to see you, my cutie bear!"

(Kawaii=Cute)

Niyakap n'ya si Dad at kiniss ito sa lips pero mabilis lang. Tss. Kailangan talaga, sa harap pa ng kwarto ko?

"Gusto mo ba talagang makita ang may 'topak' na 'gwapo' mong asawa?"

Uh-oh. That's not good for you, mom.

"H-How-?"

"I heard it, my cupcake."

"Waaah!"

Napatakip ako ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw ni mom.

"Mom!"

"You heard it? You heard it?! Omg, hon! It's just a joke! Waaah! Hon, don't get mad at me! You know, being a man with topak is not that masama naman, eh! I still love you, my hubby! My cookie! My cutie sweetie gummy bear!"

Ah! What's with those endearments?!

"Shh... Calm down, love. Don't worry. I'm not mad."

"Really?"

Hay salamat. Huminahon din s'ya sa wakas.

"Uh-huh."

Niyakap ulit ni Dad si Mom at ipinatong ang baba n'ya sa balikat ni mom. Natatakot akong amining mga magulang ko sila. Tapos yung mga tawagan nila-teka lang. Gusto kong sumuka saglit.

"Humanda ka sa 'kin mamayang gabi. Papahirapan kita."

Narinig kong bulong ni dad kay mom. Wala na. Kinain na sila ng sistema. Ano bang title ng story na 'to? The maniac man and his psycho wife? Ayoko na. Magku-quit na ako bilang anak ng dalawang 'to.

"Ah! Pervert ka talaga!" Sigaw ni mom habang pulang-pula 'yong mukha.

Aish... kahit mga mukha pa silang teenager at parang mga kaedaran ko lang pag magkakasama kami, wala silang karapatan na gawin 'to sa tapat ng kwarto ko!

"Mom! Dad! Pwede ba? 'Wag nga kayo dito maglandian! Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko!," sigaw ko pero hindi halata kasi ang kalmado pa rin ng boses ko.

"Naku,nainggit naman si calm princess. Sige na po. Aalis na kami ng mom mo. Sisingilin ko pa 'to,eh."

"Shut up, Simon! Nakakainis ka talaga!"

Pinaghahampas n'ya si dad sa dibdib.

"Ack-stop it-ack-Yumiko! You're hurting-err-me!"

"I hate you! Ayoko nang mahirapan sa panganganak, 'no?! Sayang ang sexy body ko! Kaya tigilan mo na 'yang pagiging green minded mo!"

Ang pula pa rin ng mukha n'ya. Para s'yang binuhusan ng tomato sauce.

"Hahaha! Ikaw yata 'tong green minded, sweetie! Magpapamasahe lang naman ako! Anong panganganak ang sinasabi mo d'yan! Ikaw, ha... Gusto mo, 'no...? Hahaha!"

Ghad... My parents are insane. Please, get me out of this life.

"A-Ano?! Magpapamasahe?! Waah! I hate you na talaga!"

Pinaghahampas n'ya ulit si dad.

"Argh...Yumi, ha?! Masa-ouch-kit. Aish!"

Nainis na si dad kaya binuhat na n'ya si mom na parang sako ng bigas.

"Aaah! Put me down! I hate you nga, eh!"

Patuloy pa rin si mom sa pagwawala. Napapahawak na lang ako sa lalamunan ko. Parang 'tong lalamunan ko ang sumasakit sa bawat sigaw ni n'ya.

"Silence, Yumi. Ahm...princess, sige na. Mag-ayos ka na ng gamit mo. Ako nang bahala sa baliw mong ina."

"Yah! I'm not crazy! I'm sexy, okay?!"

"Whatever, mom. Sige na dad. Patahimikin n'yo na ang biik n'yong asawa."

Tumawa pa si dad bago ko isara 'yong pinto. Hay... mga istorbo.

Ah, hi?

Pagpasensyahan n'yo na 'yong dalawang baliw sa tapat ng kwarto ko kanina. Gano'n lang talaga sila maglambingan-ehem-nakakadiri-ehem. Ow, sandali... ang dami n'yo nang nabasa pero 'di n'yo pa pala ako kilala.

I wish, may iba akong choice bukod sa magpakilala.

I'm Hime Saisumi Almante. 17 years old. The old lady-I mean, my mom calls me baby V or V stands for Violet. 'Yon daw kasi dapat yung pangalan ko but thanks to my Dad. He gave me my name while Mom was sleeping in the hospital.

Eh, feel n'ya na daw kasi na gano'n ang ipapangalan sa 'kin ni mom kaya inunahan na n'ya. Adik kasi si mom sa violet.

No'ng ipinagbubuntis n'ya ako, lagi s'yang kumakain ng mga pagkain na kulay violet. Mapaube man 'yan o grapes, nilalantakan n'ya talaga kaya siguro ako naging ganito. Kaya siguro ako nagkaroon ng isang hindi pangkaraniwang sakit. Anong sakit?

Alexandria Genesis...

'Yan ang sakit ko but don't get it wrong. Hindi nakakamatay 'to o nakakahawa. Isa lang naman ang masasabi kong pinaka-kakaibang epekto nito sa katawan ko.. I have purple eyes. Yes. PURPLE EYES.

'Yan ang nagiging mark ko pag nakikipaglaban. Syempre, hindi maiiwasan 'yan pag may misyon. I started doing missions when I was in 11th year of my existence in this hell Earth. Masyadong komplikado at mahaba kung ipapaliwanag ko ngayon kung bakit ako gumagawa ng misyon.

It's been 2 years since I had my last mission. Naalala ko pa yung pinakaunang mission ko. Kinailangan kong hulihin ang isang takas na bilanggo ng ako lang mag-isa. 11 years old lang ako no'n kaya kung iisipin, masyadong masaya ang childhood ko.

Wala pang nakakatalo sa 'kin at wala pa akong failed na mission. Sa mga mission ko, puro mafia groups and gangsters ang nakakalaban ko. 'Yon ang dahilan kung bakit naging mainit ang mga mata sa 'kin ng mga gangster sa gangsters' world.

Hindi ako nagbibigay ng kahit anong codename o pangalan. Bigla ko na lang nalaman sa huli kong nakalaban na sikat na pala ako sa pangalang Purple-eyed Gangster o mas kilalang Purple-eyed Princess. Mata ko lang naman kasi ang nakikita nila kapag nakikipaglaban ako. Nakamask kasi ako na natatakpan ang ilong at bibig. 

"Baby Violet ko, ingat ka do'n, ha?! Bibisita kami kapag may time na 'yong daddy mo."

Sa sobrang haba ata ng pagkukwento at pagpapaliwanag ko eh ngayon ko lang naalala na nasa airport na pala ako.

"Nasa'n si dad?"

"Asus. 'Yong mongoloid na 'yon?! Nasa emergency meeting! Hmp!"

Kung narinig lang ni dad kung anong tinawag sa kan'ya ni mom, siguradong bubuhatin na naman n'ya si mom na parang sako kahit madaming tao.

"Alis na ako, mom."

"Awww... mamimiss talaga kita! Lalo na 'yang mga mata mo! Pasilip naman, oh." Sinilip n'ya pa yung mata ko sa likod ng shades na suot ko. "Patingin lang kahit sa huling sandali!"

Kung maka-'huling sandali' naman si mom. Para na akong mamamatay.

"'Wag na, mom. Madaming tao."

Sumimangot s'ya bigla.

"Eh?! Sige na nga! Umalis ka na!"

Naglakad na ako paalis pero bigla n'ya akong hinila. Ngayon naman, ang lungkot ng itsura n'ya. Moody... 'Di kaya buntis 'tong si mom?

"Anything else, mom?"

"I love you,V... Mahal na mahal ka ni mommy... kung hindi man kami makadalaw, i-promise mo na babalik ka, ha...?"

"Promise."

Lumiwanag bigla 'yong mukha n'ya. Ang moody talaga.

"I lab yah, baby V!"

Niyakap n'ya ako na talaga namang sobrang higpit.

"Ack-mom... 'Yong ero-plano-"

"Ay! Oo nga pala! Sige na! Bye na!"

Sa wakas at binitawan n'ya rin ako.

"Sige po. Bye, mom."

'Di ako mahilig magsabi ng 'I love you' kaya 'wag n'yo nang hintayin.

*****

"Welcome home, Lady Saisumi!"

Sabi ng mga butlers and maids na nakahilera sa may pinto. I hope, this is really a home.

Tumango na lang ako bilang pagtugon at tuloy-tuloy akong umakyat sa kwarto ko. Ilang beses na akong nagbakasyon dito kaya alam ko na kung saan ang kwarto ko. White and black ang theme ng mansion n'ya pero pagdating sa kwarto ko, may nahalo.

Purple... Nakakahawa kaya si mom.

May kumatok ng mahina sa kwarto ko. Inabot pa ako ng ilang minuto para kilalanin ang katok. Magaan ang kamay n'ya. Narinig ko pa ang mahinang pag-ubo n'ya. Lalaki. A butler.

"Pasok."

"Sorry to disturb you, Lady. I'm Butler George. The head of the butlers, Lady."

Tumango ako ng isang beses.

"What do you need?"

May inabot s'ya sa 'king isang package.

"Nand'yan na po ang mga gamit na gagamitin n'yo sa misyon n'yo.  At ito po ang mga information na kakailanganin."

May inabot ulit s'ya sa 'kin but this time, folder na.

"Thanks."

"I'll go ahead now, Lady."

Tumango na lang ulit ako at lumabas na s'ya ng kwarto. Binuksan ko 'yong package. Isang eyeglasses at one pair of contact lenses ang laman n'on.

Para saan 'to?

"Marcus Academy..."

Iyon ang agad na bumungad sa akin no'ng binuklat ko ang folder. Sino naman kaya ako ngayon? Siguradong napalitan na ng old lady ang pangalan ko bago n'ya pa ako naipasok sa school na 'to. Tulad ng Lavander, Violet, Lila-goodness. So tired of it.

"Name...Saisumi Morales?"

Oh? Really? 'Yon na ang pangalan ko rito? Teka, medyo hindi kapani-paniwala. Tingin ko, si Dad ang gumawa nito. O baka naman naubusan na s'ya ng pakulo? Alin man do'n, ayos na rin dahil-

"I'm ringing. I'm ringing. I'm ringing."

Ah, sandal. May tumatawag.

Tinignan ko muna 'yong naka-display sa screen. Iba ang ISD code. Malamang, si Mom 'to. At bakit ko pa nga pinag-iisipan kung si Mom 'to? S'ya lang naman ang nakakaalam ng number na gamit ko ngayon.

Sinagot ko 'yong tawag pero hindi ako agad nagsalita.

"I really love your intros, baby V!"

Isang napakagandang bungad n'ya sa 'kin na punong-puno ng kaabnormalan.

"Wala naman akong sinabi, Mom."

"Your silence is the most beautiful lullaby I've ever heard." At dinagdagan n'ya pa ng pagbuga ng hangin sa pinakabnormal ding paraan.

"I would love to hear your silence, too, Mom."

"Hmp. Bully! Tumawag lang naman ako kasi gusto kong malaman kung natanggap mo na 'yong pinapabigay ko!"

"Yup. Alam ko kung para saan 'yong contacts pero yung eyeglasses? Kailangan ko pa ba 'to?"

"Of course! Absolutely! Syempre! Oo! Sobra!"

"Too much answer for one question."

"Lesson #1983, baby V. Answer questions confidently!"

Those weird lessons of her started when I was five, I think. And I also think, those lessons were the one who really ruined my childhood.

"Back to this... ah... eyeglasses. Pang porma lang ba 'to? Mukhang ordinaryo lang naman."

"Ops. That's not just an ordinary eyeglasses. That's my new invention!"

Nasabi ko ba na magaling na inventor si Mom? Kahit may pagka-isip bata 'yan at mukhang laging may kahina-hinalang gagawin, magaling 'yang mag-imbento ng iba't-iba gadgets. S'ya ang taga-gawa ng gadgets na ginagamit ko sa mga mission na nakaraan ko nang ginawa.

"Oy V! 'Yan ang gagamitin mo para makilala mo ang mga nakapaligid sa 'yo! That eyeglasses will give all the info you need about a person! Lahat ng data na kailangan mong malaman tungkol sa isang tao ay lalabas sa glasses n'yan! Galing ko, 'di ba?!" I heard her giggled.

"Hm. How to use this?"

"Once you wear that eyeglasses, it will be connected in your mind! Kung gusto mong makilala ang taong nasa harap mo, lalabas sa glasses n'yan ang data! And take note, my baby V! Ang may suot lang ang nakakakita sa data kaya free mo s'yang gamitin sa harap ng kahit sino!"

"Ah..."

"Ngayon alam mo na kung kanino ka nagmana ng katalinuhan?! Haha!"

"Medyo duda pa rin ako."

"Sa kasamaang palad, namana mo 'yang pagiging bully sa tatay mo! Bye na nga! Hmp!"

Hindi na n'ya ako hinintay na makasagot at ibinaba na n'ya agad ang tawag. Napakibit-balikat na lang ako habang tinitignan 'yong eyeglasses na hawak ko. Gamit 'to, makikilala ko ang taong kaharap ko. Pretty cool.

Saimon's POV

I am Saisumi's Dad. Umaga pa lang, abala na kami ni Yumiko, Mom ni Saisumi, sa kan'ya-kan'ya naming mga gawain habang nakaupo sa isang mahabang couch. Busy ako sa paper works samantalang abala naman si Yumi sa pagtetest ng bago n'yang imbensyon.

Nabulabog kaming pareho ng isang malakas na tunog galing sa second floor ng bahay namin.

"Oh no, hon. Nakauwi na ba s'ya kagabi? Akala ko ba sa isang araw pa s'ya dahil may concert s'ya sa Korea?" Tanong sa 'kin ni Yumi. Napakapit pa s'ya sa braso ko dahil sa gulat.

"Ewan ko, hon. Kaya siguro maingay sa taas dahil alam na n'ya."

Maya-maya lang, may bumaba na sa mahabang hagdanan ng patakbo. Masama ang tingin n'ya sa 'min ng mama n'ya. Hindi ko talaga alam kung kanino nagmana ang mga anak ko.

Imbis na kabahan 'tong si Yumi, napansin ko pang para s'yang nagde-daydream habang pinapanood ang anak naming bumaba ng hagdan. Lagi s'yang gan'yan.

"Yumi, stop daydreaming. We're in trouble."

"Ha-!"

"Mom! Dad! Nasaan s'ya?!"

Ayan na nga ba. Gan'yan ba talaga bumati sa magulang pagkakita mo sa kanila after two months? Mapapalo ko na 'tong batang 'to.

"Oh, Shun! Dumating ka na pa-" Masiglang bati ng asawa ko pero pinutol lang din agad ng magaling naming anak ang sasabihin n'ya.

"Cut it, Mom! Where's Hime?!"

"Calm down, Shunrei. Nasa Pilipinas s'ya," sagot ko.

"What?!" sigaw ni Shunrei at Yumi.

Napapikit ako bigla at napalayo ng konti kay Yumiko. Naiintindihan ko kung bakit napasigaw si Shunrei. Ang hindi ko lang naiintindihan eh... bakit kailangang makisigaw din ni Yumi?! Damn! Ang sakit sa tenga!

"Yumi?! Bakit nakikisigaw ka?!"

"Hehe. Gusto kong makipag-duet kay Shun, eh. Tsaka ang ganda nga ng pasok ko! Parang hindi ko rin alam! Hahaha!"

Napailing ako ng ilang beses. Si Saisumi na nga lang ang nag-iisang matinong nakakausap ko rito, pinadala ko pa sa kung saan.

"Dad, anong ginagawa n'ya do'n?!"

"Anak, gusto lang kasing maranasan ng kapatid mo na mamuhay ng mag-isa," palusot ko. Baka gumana.

Napatingin si Yumiko sa 'kin. Alam ko kung anong nasa isip n'ya. Paraan pa lang ng pagtingin n'ya sa 'kin, alam na alam ko na.

'SI-NU-NGA-LING.'

"Wala bang mas magandang palusot, Dad? Ano ngang ginagawa ni Hime do'n?! 'Wag n'yong sabihing binigyan n'yo na naman s'ya ng misyon?! 'Di ba, sinabi ko na sa inyo na masyadong delikado sa kan'ya 'yon?!"

Ayos. Pinapagalitan n'ya ba ako? Pinapagalitan n'ya ako. Dammit. What happened to this world?

"Pwede ba, Shun! 'Wag ka ngang sumigaw! Ako lang ang may karapatang sumigaw dito, okay?! Tsaka 'wag ka ngang highblood! You're stressing my beauty!" sigaw din ni Yumi. I'm done here.

"Mom, si Hime ang pinag-uusapan natin dito!"

Lumakad na si Shunrei paakyat ng hagdan pero huminto s'ya sa bandang gitna.

"Pupunta ako sa Pilipinas," sabi n'ya. Umiling ulit ako.

"Hindi pwede, Shunrei. Alam mo 'yan. Madami kang trabaho dito."

"Then fine, Dad! Ibigay n'yo sa 'kin lahat ng dapat kong gawin nang makaalis na ako!"

Tumuloy na s'ya sa pag-akyat. Wala na akong tigil sa pag-iling dahil sa sobrang katigasan ng ulo n'ya. Mukhang kailangan ko ulit magpamasahe kay Yumi mamaya.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 101K 53
Adonis Academy School for BOYS? Pangalan palang, lalaking lalaki na. Isang tingin mo palang sa pangalan ng school nila, alam mo nang mga kalahi ni Ad...
265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
297K 9.8K 36
Yup! Another adventure of Allexa and his boys!