Liars Catastrophe

By RenesmeeStories

3.5M 92.6K 24.6K

[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala n... More

Liars Catastrophe
Prologue
Liar 1: Apocalypse
Liar 2: Invitation
Liar 3: Sei
Liar 4: Puissance
Liar 5: Confrontation
Liar 6: Wedding
Liar 7: Clues
Liar 8: Rain
Liar 9: First Move
Liar 10: Change
Liar 11: No Escape
Liar 12: Poison
Liar 13: Queen
Liar 14: Tension
Liar 15: Confusion
Liar 16: Trouble
Liar 17: Battle
Liar 18: Emergency
Liar 19: Explosion
Liar 20: Explosion II
Liar 21: Vulnerable
Liar 22: Console You
Liar 23: Twisted Party
Liar 24: Twisted Game
Liar 25: Twisted Game II
Liar 26: Twisted Little Secret
Liar 27: Together
Liar 28: Choose You
Liar 29: Fight
Liar 30: Flashback I
Liar 31: Flashback II
Liar 32: Torēningu
Liar 33: Survival & Beginning
Liar 34: Cold
Liar 35: Selfish Decisions
Liar 36: Sniper
Liar 37: With Her
Liar 38: Former Empire Queens
Liar 39: Late
Liar 40: Twisted Danger
Liar 41: The Last Ride
Liar 42: Fallen
Liar 43: Reign of Terror
Liar 44: The Fire of Rebirth
Liar 45: Restart
Liar 46: But Always
Liar 47: Say Yes
Liar 48: Capturing the Moments
Liar 49: The Story of Us
Liar 50: Our Miracle
Liar 51: The Heir
Special: The Fourteen Trouble
Epilogue
Facts and FAQ
The Crown Sinners

Liar 52: Six VS Fourteen

42.1K 965 573
By RenesmeeStories

Epilogue Part I

*~*~*

Tiara Wolf Villamor's POV

"Hey, babe, Kurt, would this look good on me?" I asked him. Pinasadahan niya ako ng tingin at saka siya ngumiti. Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap mula sa likod. Pinigilan ko ang pagngiti dahil doon.

"Ang aga mo naman yata? Hindi ba pwedeng maya maya?" He asked sleepily. Ang gwapo nito kapag ganitong medyo bagong gising. Sa ganitong oras din kasi ito malambing. Hindi kagaya kapag tirik ang araw.

"Tss. As if you don't like it, you'll be alone with our child." I told him sarcastically. Mas nanay kasi si Kurt kaysa sa akin kaya hindi ako ganoong nag-aalala na iiwan ko silang mag-ama. Minsan nga mas magaling siyang mag-alaga sa akin.

Kaya tuloy napapaisip ako. Ako ba talaga nagbuntis at nagluwal sa nag-iisa naming anak o siya? Para kasing mas malakas ang koneksyon nila kaysa sa akin. Tsk. Minsan tuloy nakakaselos iyong anak namin.

Naglakad ako papalayo sa kaniya at kinuha iyong mga alahas ko.

"Tsk!" Asik niya sa akin. "What?" Asar na alma ko naman.

"Wala. Baka mag-feeling single ka na naman. May anak ka na Tiara." Babala nito sa akin. Napangisi ako dahil doon.

"You just gave me an idea honey." I told him laughingly, partly teasing him. He hissed and rolled his eyes heavenward.

"Bakit nga ba ulit kita pinakasalan?" He asked. Some people might be offended if they were asked by that question but it made my heart flutter. I circled my arms around his nape and kissed him tenderly.

God, I'll miss this lips. The only lips I crave for.

"Because you love me too much." Nakangiti kong sambit sa kaniya, nang-aakit. Ngumisi siya dahil doon at saka ako singunggaban ng halik.

Noong makuntento siya ay siya na din mismo ang tumigil. "Don't act like you are single babe, I am serious." He told me intensely. I chuckled to cool his intense aura. He knew me well. He knew I will be flaunting my sexy body and have fun to the fullest. But now... Paano ko magagawa ang mga bagay na iyon? Paano kung ganito siya katamis? Tsk!

Simula noong ikasal kami ni Kurt. Nag-iba na talaga ako. You can tell that I grew and became mature enough to handle a relationship that involves marriage. Ngunit, minsan pilya pa din, pero hindi na sobra.

Even Princess, or should I say Uno, talked to me like I was someone new and not the Tiara Wolf she used to know. Well, it all happened because of Kurt and our little duchess.

I need to mature for the both of them. I can't continue to be the 'Tiara' who only knows how to play and had that temper like a match. Too short. Kaya naman ngayon, ito ang resulta. I can say that I like this version of me more better.

"I'll call you." Sabi niya sa akin. Tumango ako. Iintayin ko talaga tawag niya. I need to check on my baby too.

"Ayaw mo ba talagang sundan na siya?" He asked teasingly. I punched him in the chest. He acted like he's hurt though he is clearly not.

"Not yet. I need to take care of my goddess figure okay?" Sabi ko sa kaniya.

"But look at Riyah she still looks young and sexy even though she has four children." Nakasimangot na imik nito. Oh well, yeah, I envy Princess for being like a young college student although she already have four.

"Tss." Iyon na lamang ang ibinigay kong reaksyon at saka ako bumababa sa salas. Bahala siya sa buhay niya. Ang kulit. Basta aalis na ako. Siya na bahala sa anak namin alam kong kaya na niya iyon.

"Saglit!" Nagmamadaling imik niya at saka hinila ang braso ko kaya natigil ako sa paglalakad. I glared at him.

"I won't force you, okay?" Malambing na imik nito. "Enjoy your vacation. But I am warning you Tiara. No flirting. No other guys, because you are mine. Only mine." Pinagdiinan niya iyong 'mine' kaya napangiti ako.

"I will." Mahinang sambit ko at saka siya hinalikan.

"I love you." Mahiang bulong niya.

"Ich liebe dich." I whispered sincerely.

Hindi na ako nagbilin dahil siya ang nagbilin ng mga dos and donts ko habang wala siya para bantayan ako. Natatawa na lamang ako kasi nakakatuwa si Kurt kapag seryosong sinasabihan ako nang kung ano ano.

Hinatid niya ako palabas ng bahay at saka ako dumiretso sa may sasakyan na sasakyan namin noong mga babae. Wala pang tao maliban syempre sa driver at sa akin kaya naman umupo na ako sa pinakalikod para madali na lamang makakaupo iyong iba kapag papasok sila.

Alam ko hindi mahihirapan si Kurt sa pag-aalaga sa anak namin, pero paniguradong mahihirapan iyon dahil hindi lamang anak namin ang makakasama niya.

6  vs 14.

I badly wanted to witness their parenting, but seriously, never mind. Vacation only comes rare in our lives nowadays so might as well enjoy it and don't worry about the six dads, and the fourteen kids too much.

***

Lian Analiz Evans Yoon's POV

"Tatay." Gising ko kay Tim Tim. Ayos na ayos na ako at ang kailangan ko na lamang ay umalis ng bahay para makapunta na kami sa airport, pero hindi ko naman pwedeng iwan itong mag-aama ko nang walang paalam.

"Hmm." Mukhang ayaw bumangon ni Tim Tim kaya imbis na pansinin ako noong alugin ko siya ng marahan ay umikot pa patalikod sa akin at saka niyakap ang anak namin. Mabuti na lamang at hindi nagising iyong bata.

"Timothy Chase, pandak." Tawag ko ulit. At saka ako lumapit sa kaniya para hipan iyong tainga para naman magising na mamaya iniintay na ako noong barkada. Napagpasyahan kasi namin ngayon na magbakasyon sa ibang bansa dahil ang hirap mag-alaga ng mga bata, ngayon lamang kami magkakaroon ng 'break' para dito.

Sumang-ayon naman iyong mga lalaki. Magandang oportunidad daw iyon para naman mas mapalapit sila sa mga bata. Pero syempre hindi pa din ako palagay, minsan lamang ako lalayo sa mag-aama ko, hindi maiiwasan iyon.

Subalit nandito na nga kaya wala nang atrasan. Hindi naman pababayaan nitong si Tim Tim iyong dalawa niyang anak. Tatay's girl naman iyong mga iyon pero syempre...

"Tatay." Bulong at sa wakas marahan ding iminulat ni Tim Tim ang kaniyang mga mata.

"Analiz... Are you already going?" Tanong nito nang mahina sa akin. Iniiwasang magising ang mga anak. Tumango ako sa kaniya. Marahan niyang binitiwan ang anak at saka tumayo sa kama para yakapin ako.

"Enjoy, nanay." Alam kong nakangiti ito sa akin kahit hindi ko kita. Kahit papaano napanatag ako dahil doon. "Sige na nanay baka iniintay ka na ni Alyx, baka pumunta pa iyon dito." Natatawang sambit ni Tim Tim.

"Alagaan mo iyang anak mo ha. Sinasabi ko sa iyo. Hindi nawawalan ng enerhiya iyan. Huwag kang magtuturo ng mga kalokohan. Alam mong ang bilis matuto ng mga iyan." Paalala ko sa kaniya.

Hinigit niya ako sa labas ng kwarto at saka kami dumiretso sa sala. Kinurot niya nang marahan iyong ilong ko. "Alam ko. Kulit mo din talaga. Ako nang bahala." He told me confidently. Ewan ko ba, imbis na magtunog purisigido talaga siya sa akin parang kalokohan lamang. Asar nito.

"I am serious, Chase. Ang ingay at ang bilis makakuha ng mga bagay bagay nyang anak mo." Mahinahong paliwanag ko sa kaniya. Ayokong pag-uwi ko kung ano ano nang alam niyon. Baka atakihin ako sa puso kahit wala akong sakit na ganoon.

"Manang mana sa iyo, menos na iyong kaingayan." Natatawang sambit nito. Kinurot ko nga sa baiwang kaya napa-aray. May gana pang magbiro. Loko loko. Ewan ko lamang kung hindi siya mapagod sa pakikipag-usap sa batang iyon.

"Kay Alyx niya namana ang kaingayan." Dugtong pa nito. Paano noong buntis ako sa bunso palagi kong kasama si Alyx na naglilihi sa mga strawberries at malay ko ba tuwang tuwa ako sa ingay ni Alyx, hindi ko naman akalain na iingay din pala anak ko, sana hindi ko pinaglihihan kaingayan ng isang iyon. Tsk.

"Chase ha." Banta ko sa kaniya. Natatawa niya akong tinulak palabas ng bahay.

"Alis ka na nanay. Dati rati ang tahimik mo pero nung magka-anak tayo ang daldal mo na din. Konti na lamang talaga maniniwala ako na hindi kay Alyx nagmana iyong anak natin, sa iyo talaga." Nagbibirong wika nito at saka napakamot sa ulo. Aba't nang-asar pa talaga.

"Enjoy, nanay, good luck." Sambit pa nito noong nakarating na kami sa pinto sa pagtulak niya sa akin.

"No, good luck, Chase." Natatawang balik imik ko naman sa kaniya. He just chuckled at me. He looks sleepy and his hair is messy. He doesn't look like a father of two children.

"Nako, Analiz. Sinasabi ko sa iyo. Mukha ka pa ding high school student sa liit mong iyan, kaya pakita mo iyang singsing mo ha." Asar na paalala bigla nito noong tingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ewan ko sa iyo, maliit ka din naman." Nakangusong sambit ko sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi naman talaga ganoon kaliit si Tim Tim. Mukha lamang talaga, ang tatangkad kasi nina kuya.

"Talk and talk to your youngest if she's talking, I am telling you, you don't want her mad." I warned him. The first born is easier to please but the youngest, nah-ah.

"Alam ko nanay, alam ko, kaya alis ka na." Lakas din talaga nito. Pinapaalis na ako kaagad. "Ako na bahala sa mga prinsesa ko. Basta mga bilin ko din sa iyo ha." Malambing na sambit niya at saka hinawakan ang pisngi ko.

He gave me a peck on the tip of my nose and then kissed me softly on the lips.

"Have a safe flight, and enjoy." He said sincerely as he waved good bye. I just nodded my head and walked out of our house to meet the other girls.

Three days away from my husband, three days away from my precious lady bugs.

6 vs 14.

***

Alyxandria Jane Fortaleza Sy's POV

"Cutiebabe. Huwag ka nga maingay baka magising iyang mga santo mong anak." Hinila ako ni Thon Thon palabas sa kwarto noong mga anak namin. I shot him a glare because of that. Napataas naman siya ng kamay dahil sa ginawa ko.

Kasalanan ko bang mami-miss ko ang dalawa kong chikiting? At saka kinakabahan din ako sa isang ito baka mamaya ay bigla na lamang mabawasan ang kagwapuhan nang mga anak ko dahil sa kaniya. Bawal ma-stress at bawal umiyak ang mga babies ko.

"Bakit ba kasi gising ka na? Matulog ka na ulit. Para dala dala ko na mga anak natin tapos solo ka na dito." Natawa ako sa aking isipan ng pangkontrabida mga tipong, WA-HA-HA-HA. Naiisip ko pa lamang ang reaksyon ni Thon Thon kapag gumising siya nawala na ang dyosa niyang asawa at mga mala anghel niyang mga anak ay talaga namang siya ang kawawa.

"Nababaliw ka na naman, cutiebabe." Nakangusong sambit niya.

"Alam mo namang kuhang kuha noong mga anak ko ang genes ko kaya naman baliw na baliw ka din sa kanila." Tinaas pa niya ang kaniyang kilay at saka kumindat. Dumali na naman sa pagiging feeling gwapo.

"GGSS ka naman." I told him sarcastically that made him laugh. "Ikaw din, manahan lamang iyan. Pero ipapanalangin ko talaga na hindi makuha noong mga anak mo ang ugali mong iyan." Sagot naman niya at iyon naman ang hudyat ko para tumawa.

"For your information, they must be aware that their mother is a goddess, and their father—err, average." Nakangiwi ko pang sagot. Natigil si Thon Thon doon at pinanlakihan ako ng mga mata. Hindi matanggap na ang pamilya naming dyosa at dyos, ay siya lamang ang nasampid. Buti nga pinakasalan ko siya, muntik nang manganib ang genes ng kagandahan ko ha.

Luckily, my boys are pure angels. Just looking at them, I want to them with me and leave this Anthony alone. Kidding. Kahit naman ganito kami ni Anthony, mahal ko pa din iyang tukmol na iyan.

"Aba't, Alyxandria ha." Banta niya sa akin. Dinilaan ko siya at saka ako nagsimulang bumababa sa hagdan ng aming kastilyo. Sumunod naman si babylove at habang dala dala iyong maleta ko.

"Oh, bakit ka tumigil?" Tanong ko noong sa kalagitnaan noong hagdan ay tumigil si Thon Thon. Problema nito? Walang sabi sabi siyang bumalik sa itaas at sa pasilyo kung saan kwarto ng mga anak namin ang tutunguhan. Bakit? Umiiyak ba? Hindi naman ah.

Ilang sandali pa ay bumababa na ulit si Thon Thon at binuhat na ulit iyong maleta ko.

"Hoy, bakit?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Wala akala ko dinala mo talaga iyong mga nag-gwagwapuhan kong mga anak. Ang bigat ng maleta mo." Bwisit. Kaagad akong umakyat ng ilang palapag at saka siya hinampas sa braso.

"Aray!" Alma niya sa akin. "Ako na lamang dalhin mo. Tapos susundan natin ng prinsesa iyong mga prinsipe." Kaagad ko siyang binatukan kaya muntik nang matanggal ang ulo niya sa kaniyang leeg. Napahawak tuloy siya sa batok at saka nagmamadaling bumaba.

"Kapag ako nalaglag sa hagdan, mabyubyuda ka kaagad." Sinamaan pa niya ako ng tingin matapos sabihin iyon. Topakin.

"Ewan ko sa iyo. Dali na. Baka maiwan na ako ng aking mga bellas." Sambit ko sa kaniya. Imbis na ihatid ako palabas ay bigla ako nitong hinigit. Pagkatapos ay nakulong ako sa yakap nito. Lihim akong napangiti dahil doon.

Bigla niyang tinanggal iyong shades ko at saka natatawang umiling iling. "Ano?" Asik ko sa kaniya.

"Hay nako, Alyx. Nasa bahay ka pa. Madaling araw pa lamang. Madilim pa. Ibig sabihin wala pang araw. Bakit ka naka shades? Kulang na lamang bigyan kita ng summer hat e," Natatawang imik nito sa akin. Kaagad ko siyang hinampas sa dibdib. Letse. Ang ganda na e. Ang ganda na.

Naglalambing na siya. Kikiligin na sana ako. Bumanat pa nang ganoon. Kukunin ko talaga iyong mga anak ko at isasama tapos mag-aalsabalutan kami at iiwan namin ang abno nilang tatay.

Nagulat ako noong pitikin ako sa noo ni Thon Thon. "Kung ano ano na namang nasa isip mo, Mrs. Sy." Napanguso ako dahil doon. Hindi naman maikakaila na mabilis na huhulaan ni Thon Thon ang mga nasa isip ko. Sa ilang taon ba naman kaming magkasama ng matiwasay—este nang laging nagbabangayan.

"Wala ka bang bilin?" Ayon. Sa wakas. Sumeryoso din. Tinitigan niya ako at ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Walang kupas. Kumabog na naman ang puso ko at animo'y nalulunod ako sa kaniyang titig.

"Take care of my gorgeous princes." Nakangiti kong sabi at saka ko ipinulupot ang aking kamay sa kaniyang batok at siya naman ay napayakap sa aking baiwang.

"Syempre." He confidently told me. Nako. Sa confidence na iyan ako natatakot e. Mamaya baka pagkauwi ko iyong anak ko iba na ang hitsura. Mapapatay ko talaga itong si Thon Thon.

"Tatahi-tahimik ang mga iyon kahit may gusto na at may gustong sabihin kaya dapat alerto ka." Paalala ko sa kaniya. Unlike the both of us, the kids are quiet. Oh well. They have the moods. Minsan sobrang daldal din kahit utal utal at hindi maintindihan ang sinasabi.

"I know them well." Nakangiting sagot ni Thon Thon sa akin. Diyan wala akong alma. Alam kong kung gaano ako kakilala ni Thon Thon ay ganoon din niya kakilala ang mga anak.

"And please, don't make me nervous. Play with them. Laugh with them. Give them exaggerated reactions, oh, that's only for the little kid, but for the older one, no need. Make sure they eat on time. Tantrums." Paalala ko sa kaniya. Ngumiti lamang ito at saka ako hinalikan sa noo.

"I will, Mrs. Sy. Enjoy your vacation." Malambing niyang sambit at saka ako hinalikan sa labi. Napahawak ako sa pisngi niya dahil doon. Lumambot ang puso ko. I'll miss him, and his nag, and his vanity.

I'll miss the children so much.

Kahit naman medyo isip bata pa din ako kapag kaming dalawa lamang ni Thon Thon. Ibang iba na ako sa mga anak ko. I make sure they are growing good and great. Hindi naman pwedeng palaging ganda at gwapo lamang. Manners. Iyon talaga.

"Tulog ka na ulit." Imik ko sa kaniya. Kanina pa kasi gising ang isang ito. Para lamang maihatid ako sa gate. Baliw talaga. Akala mo naman pupunta pa siya sa airport kung maka-effort.

"Baka hindi na ako makatulog." Sambit niya. I shook my head.

"Sleep more. Tabihan mo iyong bunso. Sinasabi ko sa iyo. Ito ang huling pahinga mo." I warned him softly. Mararanasan niya ang nararanasan ko araw araw. Kayanin sana niya ang mga anak niya.

They are princes. They are monsters. They are quiet. They are playful.

"Paano kapag hinanap ka?" Tanong niya sa akin. Masyado kasing malapit sa akin ang mga bata. Malapit din naman kay Thon Thon lumamang lamang ako ng kaunting palugit. Palibhasa, kapag nasa trabaho siya ako ang nakatoka.

"Tawagan mo ako. FaceTime." I assured him.

"Sige na. Baka iwan na ako noong mga iyon. Mga bilin ko ha." Huling paalala ko sa kaniya. Tumango naman siya at saka ako tuluyang hinatid sa labas.

Nandoon na iyong sasakyan na maghahatid sa amin. Nakita ko si Lian at Tim Tim na palabas pa lamang ng bahay. Kumaway ako sa kanila. Binati ko si Tim Tim na mukhang inaatok pa hindi kagaya nitong asawa ko na parang kwago.

"Sige na, tulog ka na ulit." Sambit ko. "Bye, babylove. I love you. And tell the kids I love them. See you in three days." Huling wika ko sa kaniya bago siya halikan sa labi ng mabilis at saka ako tumakbo papunta sa sasakyan.

Noong makapasok ako sa loob ay si Tiara pa lamang ang nandoon at si Lian ay papasok pa lamang. Napansin ko din na papasok na ng bahay iyong mga asawa namin. Napangiti ako.

Stay strong, daddies. Sambit ko sa aking isip. Unang pagkakataon na iiwan namin ang mga anak namin na solo kasama ang ama nila.

Three days without us.

Three days.

It will be tough. Tougher than our combats back in the days. Those kids are something.

6 vs 14.

An interesting fight.

***

Shanaya Yuri Roberts Williams's POV

Karga karga ko ang umiiyak na anak kong lalaki. Kanina habang inaayos ko ang ilan kong gamit ay bigla na lamang itong nagising na hindi naman karaniwan. Hindi din ito iyakin at higit sa lahat hindi siya ganito. Mukhang naramdaman nito na aalis ako kaya naman biglang naging ganito.

"M-Ma-ma-m-ma." Kanina pa niya ako tinatawag at kahit buhat buhat ko na ito ay umiiyak pa din. Hindi naman ganito ito. Matalinong bata at masasabi mong 'mature' kumpara sa edad niya pero biglang naging ganito.

Wala namang sakit kaya paniguradong alam at ramdam nito na mawawala ako nang ilang araw. My first born is really close to me. Masasabi mong ayaw na ayaw nitong iiwan ko siya, maliban na lamang kapag alam niyang nasa trabaho ako na hindi naman araw araw at sobrang dalang lamang.

He's even attending pre-school but he's so frail today.

"Shh. Don't cry baby. I am here..." Mahinang imik ko dito at saka ko hinimas himas ang likod. Kahit papaano tumigil na ito kakaiyak. Medyo inubo na nga din dahil doon. Nilapitan ako ni Blaze at saka niya ako inalalayan para makaupo.

Kinausap ko iyong anak namin hanggang sa tuluyan nang tumahan at pinakarga ko na kay Blaze. Hinele niya ito hanggang sa tuluyan na muling makatulog. Pumunta kami sa kwarto at saka marahang inilapag ito sa kaniyang kama.

Lumabas din kami kaagad para hindi ito magising pa ulit. Dumiretso kami sa salas.

"Buti hindi nagising iyong isa." Inaatok na sabi ni Blaze. Dapat talaga tahimik akong aalis dahil nakapag-usap na kami ni Blaze kahapon at para na din makapahinga siya. Pero bigla na lamang nagising iyong bata at pumunta sa kwarto namin at doon nagsimulang umiyak.

Syempre pinatahan ko muna. Nakakaintindi na iyong panganay namin kaya naman nakausap ko nang maayos at tumigil pero noong mapansin na iba ang suot ko at nakapang-alis ako ay nagtanong na ito.

Nagpalusot kami ni Blaze syempre. Subalit dahil nga sa angking utak nito ay hindi ito naniwala sa simpleng sinabi namin at umiyak na lamang at sinabing aalis nga daw ako at ayaw niya noon.

We tried calming him down because he rarely throw tantrums. Hindi namin inakala na hahaba iyong pakiusapan namin sa kaniya at matapos ngang umiyak nang umiyak ay napagod din at nakatulog na lamang.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Blaze at saka hinawakan ang balikat ko at pinaupo muna ako sa sofa. He held my hand after at saka ako hinalikan sa noo.

"Don't worry about him, he's a thinking man, he'll understand." Pagpapagaan nito ng loob ko. Alam ko naman iyon, hindi ko lamang maiwasan na malungkot din dahil tatlong araw akong mawawalay sa mag-aama ko.

"Hey, it's your vacation remember? Don't be so down about it. I am sure he'll understand, you know he always want the best for you. Naunahan lamang ng pagmamaktol ang isang iyon kanina kasi nagsinungaling tayo." Kumbinsi pa niya sa akin. I am so blessed to have this man in my life. Dati good boy tawag ko sa kaniya kasi ang bait nga kumpara sa buong barkada at akala ko hindi totoong ugali iyon.

Pero tingnan mo nga naman, sobrang bait pala talaga.

"Sa iyo nagmana iyong anak natin." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Oo, manang mana sa akin. Kaya nga parehas kaming adik sa iyo." He chuckled while saying it. And finally, I feel light hearted. Kahit naman sobrang lapit namin noong panganay sa isa't-isa. Hindi ko maipagkakaila na marami siyang namana kay Blaze.

"Take care of yourself." Bilin ko sa kaniya. Alam kong mahihirapan siya kasi hindi lamang anak namin ang kailangan niyang alagaan at pakisamahan, nandoon pa anak ng barkada kaya paniguradong magulo ang mga susunod na araw.

"Alright. You too. Make sure you have fun. Don't worry about us too much." Paalala pa niya sa akin at saka niya ako pinaupo sa lap niya. Natawa naman ako dahil doon pero hinayaan ko na.

Hinawakan niya ang baiwang ko at saka sumandal ang ulo sa aking balikat. "Tandaan mo may asawa ka na ha. And please, I know you are sexy, but don't show too much skin, you are a tease." Seryosong sambit niya, napangiti ako dahil doon.

"I know." I told him with a mischievous grin.

"Yuri." He called my name intensely.

"Ayoko na. Huwag ka na kaya umalis." Biglang pagbabago ng isip niya kaya naman natawa ako lalo. Manang mana talaga dito iyong anak namin. Kawawa nga ito eh. Pinaglihihan ko din kasi, tapos si Alyx pa.

"Oh, huwag mong sabihin na iiyak ka din." Tukso ko sa kaniya. Pilyo itong ngumiti sa akin at sarkastikong suminghal.

"Ah!" Napatili din ako noong bigla ako nitong hapitin ng mas mahigpit sa baiwang at saka ako hiniga sa sofa at napapunta sa ilalim niya. Loko loko. Natatawa ko siyang tiningnan.

"Baka ikaw ang umiyak at sabihin na dito ka na lang?" He told me teasingly. Damn. His voice seems tired but hot. Inangkla ko ang aking braso sa kaniyang leeg at saka mas inilapit ang mukha niya sa akin.

"You sure? Don't start on me, Blaze." I warned him while smiling devilishly. I bit my lip and I saw frustration in his eyes. Aalis na sana siya sa pangloloko sa akin noong tuluyan kong alisin ang layo ng mga labi namin.

I pulled him into a sweet and tender kiss. Noong maramdaman ko na nadadala na siya ay tumigil ako sa paghalik at saka ko siyang inilayo sa akin. Natatawa pa ako noong mukhang nabitin siya.

"Damn, Yuri. You never changed, bad girl." He said while gritting his teeth.

"Baliw ka kasi, sinimulan mo ako e. Manghahamon ka ikaw naman talo." Loko ko pa sa kaniya. 

"Yuri make sure you go now, because if you stay more. I am telling you, you will not leave this house today." He seriously stated. I immediately got up from the sofa because he is really serious. Sigurado na hindi talaga ako makakalabas sa bahay na ito basta basta dahil sa pangaakit ko sa kaniya.

Dumiretso na ako palabas at sumunod siya sa akin. Sa pagkakataon ngayon mukhang medyo malungkot na siya na aalis ako.

"I'll call from time to time, don't worry." Mahinang sambit ko sa kaniya.

"No." Mabilis na wika niya na pinagtakha ko. Bakit?

"Ha?" Nagtatakhang sabi ko.

"Paano ka makakapagsaya sa bakasyon mo kung kami na naman noong mga anak mo ang inaalala mo? I am still their father so make sure you worry less about us, alright?" Nakangiti niyang paliwanag.

Napayakap tuloy ako sa kaniya dahil doon. I am so lucky because of this man.

"Bye, Blaze. Take care too, a'ight?" Sambit ko na ikinatango niya.

"I will. I love you, Yuri." Malambing niyang wika. At saka ako hinalikan sa noo.

"I love you too." Sagot ko sa kaniya bago tuluyang lumabas ng gate.

Doon ko nakita na nag-aabang na iyong sasakyan na gagamitin namin papuntang airport. Tumungo ako doon at pagsakay ko ay nandoon na si Alyx at Lian pati si Tiara. I greeted them good morning.

"Tough days to come for the guys." I heard Tiara commented. I smiled a little. True.

6 vs 14.

I hope they survive.

***

Annicka Hera Williams Morbelque's POV

"Baby, baby, baby." Napaikot ako sa kama noong may marinig akong ingay. Inaatok pa ako. Bakit ba parang naririnig ko si Zeus na kinukulit ako? Tinatamad pa akong bumangon at saka wala pa namang sikat ng araw ah. Ang aga pa.

"Baby Hera." Nakaramdam na ako ng tapik sa pisngi matapos ang ilang sandali pero napakunot noo lamang ako at hindi nagmulat. Five more minutes. The bed still wants me to be here.

Akala ko titigil na si Zeus sa panggugulo sa akin pero mali ako. Naramdaman ko iyong kamay niya na hinahawi iyong buhok ko sa mukha pagkatapos ay marahang tini-trail iyong hintuturo niya sa mukha ko. Hanggang sa naramdaman ko na gumalaw iyong kama at may humalik sa ulo ko, pababa sa noo ko, sa magkabilang pisngi ko, sa tungki ng ilong ko at sa labi ko. Sheesh.

Napamulat na ako noong pagkakataong iyon. Agang aga maglandi ni Zeus. Hindi pa ba siya kuntento sa tatlo naming anak?

"Finally, my baby Hera wakes up." Nakangiti nitong mukha ang bumungad sa akin. Bigla namang nahiya ang morning face ko sa kaniya. Paniguradong may tuyong laway pa ako sa gilid ng labi.

Alam ko naman na sanay na si Zeus sa mga hitsura ko kapag umaga. Iyong hindi 'just woke up like this' ang peslaks. Mas mukhang pumuntang gera ang mukha ko kapag ganoon pero ni minsan hindi pinaramdam sa akin ni Zeus na ang pangit ko. Para akong laging anghel sa paningin niya.

Making me feel fall in love with him over and over again. This man, really.

Napatakip ako ng mukha dahil sa nakakasilaw niyang ngiti sa akin. "Why? Hey, I wanna see your lovely face." Saway niya sa akin sa mababang boses. Pati sa boses jusko, walang panama ang ibang lalaki.

"Stop, Zeus. It's too early." I told him. Tapos ay tumalikod ako sa pagkakahiga sa kaniya. Narinig ko ang mala-anghel niyang tawa.

"Baby Hera." He called me softly. At noong hindi ko siya pinansin ay naramdaman ko na umalis yata siya sa kama. Mabuti naman. Gusto ko pa talagang matulog. Ano ba kasing nakain nang isnag ito at ang aga aga mambulabog?

Akala ko makakatulog na ako pero nagulat ako noong maramdaman ko na parang may humiga naman doon sa espasyo kung saan ako nakaharap sa kama. At noong magmulat ako, tama nga ang hinala ko!

Lumipat si Zeus ng pwesto para lamang makaharap ako. Pagkatapos ay hinila niya ako sa baiwang para yakapin. Inilagay niya ako sa bisig niya at sa kaniyng dibdib. Sheesh. Ang aga ko namang kiligin.

"Ang lambing mo yata?" Nagtatakhang tanong ko.

"Syempre." He replied cooly. Baliw.

"Ano nga? May kailangan ka?" Tanong ko pa. Naramdaman ko na isiniksik niya ang sarili sa akin. Clingy Zeus. Hayaan na. Minsan lamang naman. Because he is Skyler Zeus Anderson Morbelque. Karaniwan tahimik at malamig.

"I just want to see you and kiss you more before you go on vacation." Nanlaki ang mga mata ko dahil doon, at saka ako napaupo sa kama nang bigla bigla. Omygad! Nakalimutan ko! Alis nga pala namin ngayon!

Halos matipalok ako sa pagmamadali makapunta lamang sa banyo para makaligo at makabihis. Kaya naman pala ang aga akong ginising ni Zeus! Dahil pala ngayon ang alis namin.

"Hey. Careful." Nagulat ako noong higitin ako ni Zeus at saka yakapin. Kulit talaga ng isang ito. "Kaya ayaw kong sabihin na alis mo ngayon e. I don't want to spoil our moment." Aw. Kaya pala sobrang clingy. Sinira ko bigla bigla ang pagiging malambing niya.

Napayakap tuloy ako sa kaniya. Hindi ako nagsalita at ganoon din siya. Magkayakap lamang kami. At hinalikan na niya ako noong hindi na siya makuntento sa yakap lamang.

MATAPOS ang pinaggagawa niya ay kaagad akong naligo at nagprepara noong mga iba pang kailangan ko. Mabuti na lamang at inayos ko na iyong iba kahapon kasi kung ngayon baka iwan na nila akong talaga.

Nagsusuklay na ako noong lapitan ako ni Zeus at saka yakapin mula sa likod. Sinuway ko siya kasi baka nga mahuli na talaga ako. Pero hindi natinag. Hinayaan ko na lamang. Ilang araw din akong mawawala at hindi sanay ang mag-aama ko sa ganoon.

Bago kami lumabas sa kwarto namin ibinigay ko sa kaniya iyong lista noong mga kailangan niyang gawin para sa mga bata. Natatawang napapailing pa nga siya sa akin. Aba. Mabuti nang sigurado.

"Goodluck." Sabi ko sa kaniya.

"Yes, ma'am." He retorted laughingly.

Dumiretso ako sa kwarto noong mga anak ko at saka sila marahang hinalikan sa noo. Iniingatan na hindi magising. Mabuti na lamang at himbing ang mga ito. Parang ama nila, tulog nang tulog.

They are too irresistible. Gusto ko sanang isama pero hindi naman pwede. Nakasanayan ko na talaga siguro na bantayan at alagaan sila. I love them to the bits. My little men, and my cute lady.

Hindi ako nagtagal sa kwarto noong mga bata kasi magising pa sila kapag mas tinagalan ko.

Dumiretso na lamang kami ni Skyler sa may salas bago ako tuluyang umalis.

He held my waist before I could even say a thing or two. "Hey." Saway ko sa kaniya. Nagpapaaawa naman siyang napatingin sa akin. Hindi ko inakala na magiging ganito ka lambing at katamis sa akin si Zeus. Nakakatuwa lamang dahil alam niya iyong mga gusto ko.

"Sundan na kaya natin iyong bunso para huwag kang umalis?" Natawa ako dahil sobrang seryoso noong iminungkahi niya. Nakakaloka! Baka ito pa ang umiyak sa pag-alis ko kaysa iyong mga bata.

"Tigili." I replied softly. He pouted. I gave him a peck.

"Mga bilin ko ha?" Paalala ko sa kaniya. "Remember, iyong bunso mo, may allergies iyon kaya ingat sa mga pagkain. Make sure no peanuts okay?" Sambit ko sa kaniya. Tumango naman siya.

"Iyong kambal makululit iyon, lalo na kapag kasama ang pinsan niya ha. Marunong nang mag-isip ang mga iyon at pilyo na kaya ayusin ninyo ha?" Pinagkinggan niyang mabuti ang sinasabi ko at saka tumango.

"Dapat hindi nag-aaway. Kapag may nag-away, ihiwalay ninyo sa mga bata at mahinahon na pagsabihan. Huwag papagalitan sa harap ng iba. Ayokong bumababa ang self-esteem nila. Siguraduhin mo na seseryosohin nila. They already know simple things, okay?" Pagsasabi ko pa, nakangiting tumatango si Zeus sa akin. Para bang gustong gusto niya iyong mga bilin ko.

"Naghanda ako ng mga healthy snacks for them." Sabi ko pa. "Your youngest is picky about her food so make sure she eats. Topakin iyon, nag-iiyak minsan, kaya habaan ang pasensya." He smiled widely upon hearing my words.

"Adding more?" He teased. "Go on, add more, so they'll leave you." Hindi ko alam kung insulto iyon o ayaw talaga niya akong paalisin. Tinawanan ko na lamang siya at saka ko hinalikan ng mabilisan.

"I love you, baby Zeus." I told him sincerely.

"I love you most, my wife, my baby Hera." I automatically smiled because of his words.

Hinatid niya ako palabas matapos naming magpaalam sa isa't-isa. Mabuti na lamang at  nandoon pa sila. Noong makapasok ako ay halos kumpleto na. Si Incess na lamang ang wala.

"Si Incess?" Tanong ko.

"Wala pa. I texted kuya. Ayaw siguro paalisin." Natatawang sabi ni Lian.

"Kaloka! Ako nga ibabalot ko sana iyong mga anak ko eh." Sabi ni Alyx.

"Loka loka." Shana told her.

"Natagalan ka Shana kanina. Bakit?" Biglang tanong ni Tiara.

"My child woke up, kinailangan ko pang patulugin ulit." Paliwanag ni Shana. Hirap siguro noon. Kapag kasi umiiyak iyong kambal ko at iyong bunso parang ayaw ko nang umalis.

"You think they'll be fine?" Nag-aalalang wika ni Lian.

"Of course." Tiara replied surely.

Sana nga... Sana nga... Because...

6 vs 14.

It will be a hard battle.

***

Princess Light Smith Evans's POV

Nang matapos akong gumayak ay marahan kong nilapitan si Gab Gab na natutulog pa katabi iyong mga anak namin. Tumungo ako sa parte ng higaan kung saan siya nakahiga pero bago iyon ay inayos ko muna ang pagkakakumot sa mga anak namin. Hindi na kasi kami ganoong natutulog sa kama doon kami sa may playmat medyo malambot naman kaya maayos lamang. Para na din sa mga bata, baka kasi malaglag sa kama.

"Gab gab." I called him softly near his ear. Hindi man lamang nagising kaya naman hinalikan ko iyong tainga niya at saka pisngi. Akala ko eepekto pero wala. Napa-irap ako dahil doon. Tulog na tulog parang iyong mga bata.

"Gab Gab." Ulit ko sa pagtawag sa kaniya sa pabulong na paraan para hindi magising ang mga anak namin. Nilaro laro ko iyong buhok niya at saka marahang dinama sa daliri ang kaniyang mukha. Ang sarap din talaga pagmasdan ng isang ito kapag tulog.

"Dummie." Pagtawag ko sa kaniya. Medyo naalimpungatan siya dahil doon kaya napangiti ako. I gave him a peck on his lips and it automatically formed into smile. Bwisit kanina pa pala gising. Ang galing magpanggap.

"Tss." Asar na sambit ko at saka nag-akmang tumayo para makaalis na pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila dahilan para mapabagsak ako sa kaniya. Niyakap niya ako kaagad dahil doon.

"Huwag ka na umalis?" His sleepy voice is so sexy. Napatikhim ako dahil doon.

"Ewan ko sa iyo." I told him while chuckling. Naramdaman ko na hinalikan niya iyong ulo ko at saka noo ko. Tapos ay halos isang minuto niya akong yakap yakap lamang nang hindi nagsasalita at tanging paghinga lamang ang naririnig ko sa kaniya at saka siya tuluyang bumangon.

Gulo gulo ang buhok, at inaantok ang mga mata pero ang lakas pa din ng dating. Hinila niya ako palabas noong kwarto. Siguro ay alam niyang mabilis magising ang mga bata at kapag kulang sa tulog ay paniguradong iyakan ang magaganap.

"Talaga bang aalis kayo? Hindi ko ba pwedeng baguhin ang isip mo para dito ka lang sa amin?" Parang batang sambit niya sa akin habang hawak hawak ang mga kamay ko. I smiled at him.

"No. Nothing can change my mind. Alam mo naman na kahinaan ko din ang mga bata. Ayoko naman silang iwan." Mahinang saad ko. Syempre may pag-aalala sa akin na maiiwan ko ang mag-aama ko pero may parte din sa akin na malaki ang tiwala kay Gab Gab na magagampanan niya ang pagiging ama nang maayos.

"Sige na nga. Enjoy your vacation." Nakangiting sambit niya saka ako niyakap at hinalikan sa noo. Napangiti ako dahil doon. Sobrang sarap at sobrang gaan sa pakiramdam. Lahat ng alalahanin ko nabura niya sa simpleng paraan na alam niya. I love this man so much.

"Inayos ko na ang kakailanganin noong mga bata. And please, make sure to—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong halikan niya ako sa mga labi. Alam kasi niyang magiging sunod sunod ang paalala ko sa kaniya. Siyempre maiiwan siyang mag-isa kasama mga anak namin.

"I know, I know. Alam ko ang gagawin ko, kaya huwag ka na mag-alala. Enjoy, okay?" Nakangiting wika niya sa akin. At saka kami nagsimulang maglakad pababa para ihatid niya ako sa labas ng bahay namin.

"Si Silhouette." Banggit ko kay Gab Gab. Doon ako sa panganay pinaka nag-aalala. Bakit ba naman kasi napakahirap makita nang isang iyon kahit kaharap mo na. Akala ko noong una dala lamang ng pagiging sanggol niya at habang lumalaki ito ay lalakas na ang awra pero kabaliktaran ang nangyari mas lalong nawalan ng presensya. Nakakatakot na nga minsan.

"I know. Don't worry, I'll watch our Silhouette. Alam mong ako lamang ang normal sa inyo kapag si Silhouette ang usapan." Natatawang imik nito sa akin. Kaagad ko siyang hinampas sa dibdib dahil doon. Ang lakas mang-asar.

"Manang mana talaga sa iyo ang anak mo." Irap ko sa kaniya kaya lalo akong tinawanan. Bwisit.

Kung sa amin parang anino si Silhouette, kay Gab Gab normal na normal lamang siya. Alam niya kung nasaan ang isang iyon, alam niya kung paano matatagpuan, alam niya bawat hininga. Minsan nga naiinggit ako kasi anak ko rin naman si Silhoue, pero hirap na hirap pa din ako. Minsan nga kahit nasa kwarto lamang ito, akala ko nawawala na.

Pagdating kay Silhoue, wala akong panama. Lahat ng lakas at talino ko walang wala. She's my ultimate weakness, my nullification. And sometimes, it scares me because I can't really protect her unlike her siblings.

"Hey." Napansin yata ni Gab Gab na bigla akong sumeryoso.

"Don't worry about Silhoue, I'll take care of her, so take care of yourself for me." He told me sweetly. Napangiti ako kahit papaano dahil doon. At saka napatango. Only Gab Gab can make me feel at ease about my own child.

Matapos ang ilang sandali ay nag-paalam na kami ng tuluyan sa isa't-isa dahil baka mahuli pa kami sa flight namin. Bakit ba naman kasi madaling araw ang kinuhang flight ni Alyx? Tss.

"Bye. The kids." Paalala ko pa. Tatawa tawa na lamang si Gab Gab sa akin at saka kumaway. Nang maka-sakay ako sa sasakyan ay binati kaagad ako noong mga babae at pumasok na muli si Gab Gab sa bahay namin.

"Kinakabahan ako." Sambit ni Lian. "Unang beses kong iiwan iyong mag-aama ko." Tuloy pa nito.

"Ako din." Sang-ayon ni Shana. "I am really going back in an instant if those doofuses screw up. Lalo na iyong panganay ko hindi sanay iyon ng wala ako." Seryosong saad pa nito.

"Ay grabe ka, Shana! Mabait naman si JJ kaya na niya iyon. Pero tama ka masyadong malapit si Akira sa iyo." Natatawang imik ni Alyx. "Ako ang kinakabahan kay Thon Thon, jusko, baka pagbalik natin ay hindi ko na makilala ang mga gwapo kong anak." Kahit papaano ay nawala ang alalahanin namin dahil kay Alyx.

"Ikaw ba Annicka?" Baling ni Lian dito.

"Hindi naman ako masyado nag-aalala. Kaya na ni Zeus iyon. Pero baka hanapin ako noong bunso ko." Nakangusong sambit nito. Si Skyler lamang yata ang katiwa-tiwala sa mga lalaking iyon.

"Girls! Don't be so negative about it. I am sure their dads can take care of the kids. And besides, let's make the most of our time being single okay?" Ekstra bigla ni Tiara.

"Hoy Wolf, este Villamor, kung makainarte ka akala mo single ka talaga. May anak ka na." Natatawang sambit ni Alyx kaya naman nagkatawanan kami. Dahil sa nangyaring iyon medyo nawala na ang tensyon sa amin.

Good luck sa kanila.

***

Noong makasakay na kami sa jet ay napaupo ako kaagad sa may upuan at saka napabuntong hininga. Nasa private jet kami kaya naman kami kami lamang at saka parang nasa hotel lamang kami kaya magiging kumportable ka kaagad. Ang problema imbis na maging kumportable ay mas kinakabahan pa ako.

"Maayos ka lamang Incess?" Tanong ni Lian sa akin.

"Oo naman. Nag-alala lamang kayna Gab Gab tsaka kay Silhoue. Alam mo naman iyon." Sambit ko sa kaniya.

"Ako din nag-aalala din ako sa mag-aama ko kaso wala ding mangyayari kung magiging ganito ako. Sabi nga ng mga asawa natin magpakasaya naman daw tayo. Isipin mo na lamang magkakaroon ng sariling bonding iyong mga anak natin at ama nila." Nakangiting sambit ni Lian sa akin.

Dahil sa sinabi niya medyo kumalma naman ako.

"Alam mo Uno, nakakatuwa talaga pangalan noong panganay mo." Nakangiting sambit ni Tiara. "If she's not named Miracle, I would name my duchess Miracle." Dugtong pa niya na ikinangiti ko.

"Gabriel chose that name." I told her. She was surprised to hear it.

"Really?" I nodded from her reaction.

"Akala ko ikaw, Incess." Imik naman ni Shana.

"No. Gabriel named her Miracle. Because for him she's literally a miracle. At alam ninyo naman ang nangyari sa batang iyon. Halos manganib ang buhay sanggol pa lamang. Kaya nga bagay na bagay sa kaniya iyong pangalan." Nakangiti kong sambit.

"Is she named Silhouette because of her lack of presence?" Tiara asked curiously.

"No. Hmm. Bago ko pa kasi isilang si Silhoue, alam ko na mahina talaga ang awra niya. Minsan nga kahit malaki na iyong tyan ko pakiramdam ko walang bata." Paliwanag ko sa kanila.

Natawa si Alyx dahil doon. "Ano iyon bundat ka lamang?" She remarked laughingly. Nagkatawanan kaming lahat dahil doon. Pero seryoso ako sa sinabi ko. Kung hindi ako nahihirapan at kung hindi malaki ang tyan ko noon baka isipin ko na hindi ako buntis.

"I actually wanted to name her Empress Gloom." Nakangiti kong pagsasabi ng totoo.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ni Annicka.

"Bakit hindi mo tinuloy?" Lian queried softly.

"Natakot kasi ako... Baka kasi matulad siya sa naging kapalaran ni Ate. Maybe I am paranoid that time. You can't blame me, I sometimes don't get why I feel like my baby's not there, and you know how hard my first pregnancy experience is." Napatango tango sila sa paliwanag ko. Natakot kasi talaga ako noong pagkakataong iyon.

"Then Gabriel suggested why not name her after me." I continued. "I love his suggestion. Pero gusto ko din kasali iyong pangalan ni Ate Gloom. Kahit hindi mismong pangalan niya, kahit iyong 'thought' lamang na nakapangalan sa kaniya at sa akin." Nakangiting wika ko.

"That's why I named her Silhouette. It's an interesting name to hear, too. Silhouette a background in dim light. It's like Silhouette, our child is ate Gloom and I's background because of the dim light. Like gloom light. It connotes darkness, or gloom, but it needs light, or me, to be seen. That's the reason why I chose the name Silhouette." I stated mellowly. They stared at me in awe. Para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko kasi ang lalim.

"Ahm? Girls?" Naiilang na sambit ko pa.

"Ang ganda pala talaga!" Palakpak ni Alyx. "Akala ko kasi misteryoso lang talaga ang dating. And you know my dyosang inaanak, sobrang misteryosa na na kahit nasa harap mo na hindi mo pa mapapansin o makikita." Natatawang dugtong pa nito.

"Totoo!" Sang-ayon ni Annicka sa sinabi ni Alyx. "Hindi ka natatakot Incess sa kakayahang iyon ni Silhoue?" Nakasanayan na talaga nang buong barkada na ang tawag sa anak namin ay Silhoue o Silhouette. Only Gabriel call her Miracle. Pero ngayon mukhang nasasanay na din iyong isa na Silhoue ang tawag sa anak namin. Kaya nakiki-Silhoue na din.

"I am terrified too. Never in my life I met someone like that. Alam ko si Gab Gab may ganoong kakayahan, pero limitado. Sobrang limitado lamang noon, hindi tumatagal at higit sa lahat nakokontrol niya. Hindi katulad ni Silhoue." Sambit ko at saka napabuntong hininga. I feel frustrated too. Ako ang ina pero minsan parang hindi kasi hindi nga ako masanay sanay sa kakayahan niyang iyon.

Limang taon na si Silhoue, pero walang nagbago.

"Hindi ba natuturuan ni Nate na kontrolin din iyon?" Shana questioned carefully.

I shook my head. "He tried. Silhoue tried. Every single thing they knew. We even went to the Rivamonte's but they say it is too rare, because her ability is natural born. Hindi kagaya noong mga Rivamonte na pinag-aralan pa. May ilan din naman na ipinaganak na ganoon pero hindi kasing lala noong kay Silhoue." Sambit ko sa kanila.

"Kaya siguro ang mata noon ay may asul." Alyx commented.

Yeah, Silhouette's eyes is even mysterious. Actually, everything about her. Tinalo niya buong angkan ng Smith, Evans, Halleciaña, at Rivamonte. She's a total combination of the four said clans. Kaya nga tuwang tuwa sa kaniya ang buong angkan.

"Iyong triplets ba ganoon din?" Tanong bigla ni Shana.

"Iyong tatlong abo? Hindi!" Natatawang sagot ni Alyx. Natawa ako kay Alyx dahil tatlong abo ang tawag niya doon sa tatlo. Lahat kasi iyong tatlo namana iyong mga mata ng Halleciaña. They have intense gray eyes. My little gray-eyed sons.

"Kukulit noon noong huli kong dalaw. Ang ingay pa." Komento ni Annicka.

"Pero mabuti hindi ka na nahirapan magbuntis ano? Mas nahirapan ka pa yata kay Silhoue." Lian stated mellowly. Totoo ang sinabi ni Lian, mas hirap ako kay Silhoue kaysa sa triplets. Para ngang mas normal pa iyong triplets kahit dapat mas hirap ako sa kanila.

"I want Law to marry my Harper." Tiara shrieked upon saying it. Natawa ako dahil doon. Gustong gusto kasi niya ang panganay sa triplets na maging kaparehas ng anak niya.

The three year old Harper Aurora Wolf Villamor. The intimidating and cunning. Ito lamang ang nakakatapat kay Law pagdating sa pagiging batas nito. Harper's a calm child, hindi mo maririnig na mag-iyak lagi, pero minsan nakakapanghina ang pagiging tahimik ito. Ang lakas din kasi ng dating at ang angas.

"Law wouldn't want that." Natatawa kong kontra sa kaniya.

"Patay ka kay Law, Tiara. Alam mong batas talaga ang batang iyon." Shana remarked. Napairap naman si Tiara dahil doon.

"Oh well, I don't care. My Harper will surely get Law." Itinaas baba pa niya ang kaniyang kilay dahil doon.

My three year old Raphael Law Smith Evans. The law of the family. The oldest of the triplets. And Silhouette's protector.

Kaya siguro paborito ni Tiara si Law kasi kahit bata pa lamang ito ang lakas na ng karisma at masasabi kong siya ang pinakamatino sa tatlo. Aktong batas kasi talaga ang isang iyon pagdating sa mga kapatid niya, akala mo naman sampung taong gulang na siya.

"Pero mas bet ko si Justice." Kontra naman ni Alyx kay Tiara.

"Cute cute ng batang iyon. Sobrang lovable. Napakalambing, laging nakayakap tapos ang sweet sweet. Akala mo naman natagapagtaguyod ng kapayapaan at hustisya." Natatawang komento ni Alyx.

"Hahaha! Sobrang clingy ni Justice. Minsan pinaninindigan din na ang pangalan niya ay Hustisya. Nakita ko iyon dati noong nag-aaway sila ni Law. Hindi nagpapatalo pero sa huli taob kay Law." Kwento naman ni Lian na nakapagpatawa sa akin at sa kanila.

Mikael Justice Smith Evans. The justice of the family. The sweet and lovable. And Silhouette's bestfriend.

Sobrang nagkasundo si Silhoue at Justice. Palaging nakadikit si Justice sa kapatid niya. At minsan nga umiiyak ang isang iyon kasi hindi niya mahanap ang ate niyang nandoon lamang sa harap niya.

"Pero mas gusto ko ang pagiging free-spirited ni Rebel." Shana popped in.

"Ano, kamusta Incess? Hindi na ba pinapasakit ni Rebel ulo natin?" Natatawang sambit ni Alyx. Nagkatawanan kami dahil doon. Kilala nila si Rebel isa pa ang isang iyon, masyadong sineryoso ang pangalan niya na akala mo naman ay lubos niyang naiintindihan.

"Minsan na lamang." Natatawang sambit ko.

Leoniael Rebel Smith Evans. The rebel of the family. The free-spirited and hard headed. Silhouette's crime partner.

Kung si Silhoue at Law ay halos parang matured ang turingan sa isa't-isa kasi magkaagapay ang dalawang iyon, kung si Silhoue at Justice ay halos parang mag best friend ang turingan sa isa't-isa kasi parating masaya at magkasundo, si Silhoue at Rebel ang huling hihilingin mo na maging magkasama. Gulo kasi ang kalalabasan. Mautak si Rebel at gusto siya ang nasusunod kahit hindi nito kaya lumabag kay Law. Kapag wala sa paningin ni Law, mabilis gumalaw si Rebel.

Idagdag mo pa si Silhoue na hindi mo mararamdaman basta basta. Talaga namang pahamak ang hatid noong dalawang iyon.

"Natatandaan ninyo iyong kalokohan noong triplets tapos ibinato kay Silhoue ang sisi?" Biglang tawa ni Annicka.

"Hahaha! Ay grabe tawa ko noon. Parang basang sisiw iyong tatlo tapos si Silhoue walang kaalam alam pero siyang napagalitan!" Tawa pa ni Alyx at halos maluha luha na ito habang naalala iyong nangyari dati.

"Baliw ninyo kasi iniwan ninyo. Alam ninyo naman na pagnagkasundo iyong triplets e, nakakatakot na kababalaghan ang nagaganap." Sabi ko sa kanila.

"Malay ko ba, akala ko kasi nawawala si Silhoue noon. Takot ko kaya. Kasi katabi ko lamang naman tapos biglang poof! Invisible!" Paliwanag pa ni Alyx. I know that feeling too. Having Silhoue around you will give you goosebumps. Kasi para itong multo kung hindi mo alam na totoong bata talaga.

"Halos mamatay ako sa kaba noon gawa noong triplets." Sabi ni Lian. Talagang halos sigaw sigawan ni Lian si Gab Gab noon noong makita iyong tatlo sa kalokohan.

"But Silhoue's the hero, but she's the one who got scolded." Shana stated. Napatango tango naman ako sa kaniya.

Nangyari iyon halos dalawang buwan na ang nakakaraan. Nasa may pool side kasi iyong mga bata at naglalaro. Iyong mga anak ko lamang at ang mga babae, kasi iyong mga lalaki nasa loob ng bahay at nakikipaglaro doon sa mga anak nila. Lunch iyon.

Nagulat si Alyx noon kasi nawawala si Silhoue. Which is not the first case, truth to be told, Silhoue is always missing. Kahit sanay kami natatakot pa din kami kasi pwedeng maka-alis ang isang iyon ng walang nakakahalata. Syempre, may mga kalaban pa din naman sa paligid kaya hindi namin maiwasan na mag-alala bawat sandali na maglalaho si Silhoue.

We searched the whole house because of panic. At natagpuan na lamang namin si Silhoue na naglalagoy sa pool habang inilalagay iyong mga kapatid niya sa may mababaw na parte.

Syempre dahil sa takot at gulat nadala ko si Silhoue sa kusina kung saan walang tao at doon pinagalitan. Mangiyak ngiyak iyong bata sa akin kasi nga natatakot. Pero sa huli nayakap ko na lamang.

At noong makabalik kami tuwang tuwa ang triplets kasi hindi sila napagalitan. And it turns out na kaya naglalangoy si Silhoue at dinadala ang mga kapatid niya sa mababaw na parte ay dahil nahulog ang triplets sa malalim na parte dahil sa pagiging kuryoso at kakulitan. Ghad. Those mischievous triplets.

In the end Silhoue defended her brothers, kaya hindi ko sila napagalitan.

Tawang tawa sina Alyx noon kasi loko loko noong triplets ang saya saya kasi parang nagtampisaw lamang sa tubig at nagpaawa. Mabuti na lamang ngayon ay hindi ganoon kapilyo ang tatlong iyon.

"Kamusta naman sina Amythee?" Tanong ko.

"Ayon madaldal pa din parang si Alyx." Natatawang sagot ni Lian.

"She's a smart kid, actually the Yoon siblings are the real deal. I seriously never met a freaking 4 and 2 year old child who speaks the way the Yoon siblings do." Tiara stated amazed by the Yoons.  "Even Harper isn't as talkative as them." She added brightly.

"Aba manang mana talaga sa akin iyan. Lalong lalo na ang bunsong si Biblee. Dyosang dyosa. At saka si Amythee." Pagmamalaki ni Alyx at saka nag-flip hair. Natawa kami sa akto nito.

The four year old Amythee Hope Evans Yoon. Lian's eldest. The epitome of intelligence and hope. Napaka-among bata pero madaldal din. Ang bilis matuto at interesado sa napakaraming bagay.

The two year old Solstice Snow Evans Yoon aka Biblee. The epitome of wittiness and cheekiness. Kung gaano kaamo si Amythee siya namang kinagaslaw ni Biblee. Kagaya ng kapatid ay matalino at mabilis matuto. Pero itong si Biblee napakaingay talaga at punong puno ng kalokohan.

Kung si Amythee medyo mahiyain pa kapag hindi kilala. Si Biblee kahit hindi kilala akala mo ay nagkakilala na sila dati sa kabilang buhay. Her speaking skills and social skills is a top notch. Manang mana kay Timothy na ang galing makisama, pero iyong skills ni Tim Tim sa pagkuha ng babae kaya magaling makisama. (He's a playboy back then), itong kay Biblee lahat na. Baka nga pati kalaban e, kausapin ng batang iyon.

We call Solstice, Biblee because it's her first word. Hindi nanay o tatay ang una nitong salita. Una nitong salita ay 'biblee' at paulit ulit siya, kaya naman nasanay kaming Biblee ang tawag dito. Palagi din kasing nagsasabi na, 'Hi! Am Biblee!' awtomatik na kay Biblee iyon kapag may ibang tao.

The Yoon siblings ang mga prinsesa nina Tim Tim at Lian.

"Pero ang sarap kasama noong magkapatid na iyon. Hindi ka titigilan. Minsan akala mo matanda kakwentuhan mo." Natatawa kong sambit.

"Sobra! Lalo na kapag kausap noon iyong kambal ko? Akala mo magkakaedad sila. Lalo na si Biblee. Imagine, my twins are five years old and Biblee's two yet they talk about such random things yet Biblee always has a thing to say or two." Annicka told us excitedly.

"Hahaha. Isa pa iyang si Cleon at Theon, sa kanila yata natututo iyong magkapatid ng mga kalokohan." Lian said while laughing.

"Oy, hindi naman ah. Mas marami ngang natutunan iyong kambal kay Amythee at Biblee." Natatawang sagot naman ni Annicka.

Annicka's twins.

The five year old Theon Apollo Williams Morbelque. The eldest. The resilient and the kid with the longest patience. Tahimik din gaya ni Skyler pero kapag iyong mga kaibigan (mga anak namin) ang kasama ay madaldal at masiyahin. Kapag sa iba snob ang batang iyon. Theon always make Silhouette smile. Magkasundo ang dalawang iyon. Kahit si Theon ay medyo malamig ang ugali.

Cleon Ares Williams Morbelque. The second one. Ang makulit sa kambal. Lahat na yata ng atensyon gusto sa kaniya. Ang daldal din kaya kasundong kasunod si Amythee at Biblee. Nagmana kay Annicka. Mala-anghel ang mukha pero matapang at masayang kasama. Pilyo din madalas.

"Dapat nga kaibigan niyang si Biblee ay si Art, kaso hindi kadaldalan si Art at ayaw sa maingay." Natatawang sambit ni Annicka. "Kaya mas gusto ni Art si Theon kaysa kay Cleon e." Dugtong pa nito.

The three year old Artemis Elizabeth Williams Morbelque. The princess of Theon and Cleon. Kahit pilyo at snob ang kambal na iyon pagdating kay Art sobrang brother goals sila. Mahal na mahal noong dalawa ang bunso nila. Tuwang tuwa ang dalawang iyon noong dumating si Art sa pamilya.

Unlike Biblee, Art isn't talkative, she's peaceful and calm like Harper. Kaya naman iyong si Harper ang kasundo ng batang iyon. Kapag sila ni Harper ang magkasama ay tahimik na nanunuod sa mga kaibigan ang dalawa o kaya naman natutulog. Ganoon si Art at Harper. Pati na si Honoka. Bestfriend na agad ang datingan. Pero si Art at Honoka walang paki alam kay Law hindi tulad ni Harper.

"Pero ibang klase talaga kapag si Cleon, at Biblee ang pinagsama." Natatawang sabi ni Shana. Naalala siguro iyong nangyari nitong nakaraang linggo.

"Sobra! Lalo na social skills ng lola at lolo mo!" Patukoy ni Alyx kay Biblee at Cleon. Tatlong taon ang tanda ni Cleon kay Biblee pero magkavibes talaga ang dalawang iyon. Akala mo sila ang magkapatid. Daldal kasi. Minsan nga nakakapagtakha kung anak ba talaga ni Skyler si Cleon dahil sa kadaldalan.

"Woohoo! That day was so freaking epic!" Palakpak naman ni Lian habang tumatawa.

"Nabulabog si Harper at Art noon, iyak na." Tiara stated joyfully. Remembering how Harper and Art cried because of Cleon and Biblee. Iba din si Biblee noon. Tawang tawa ako sa ginawa noong batang iyon.

Hapon kasi noon at galing sa pre-school si Cleon, Theon, Amythee, Akira, Pierce at Silhouette. May pre-school sa subdivision na tinitirahan namin. Mabuti na nga lamang para hindi malayo ang pag-aaral nila.

Nasa bahay kami nina Lian at naghahanda ng miryenda para sa mga batang pauwi na mula sa pre-school. Nasa bahay din ang mga anak namin na hindi pa nag-aaral at naglalaro sa playroom kasama si Tiara, Annicka, at ako. Si Lian, Shana, Alyx naman nagluluto. Sila kasi magagaling sa kusina.

Napatulog kaagad ni Annicka si Art, at syempre si Harper kay Tiara. Ang triplets naman naglalaro ng kanila mabuti na lamang at hindi nag-aaway. Si Biblee naman nasa isang banda kausap si Thorn na anak ni Alyx at Thon Thon.

Paminsan minsan ay tinatanong ako nito tungkol kay Honoka, Harper at Art. Silang tatlo ang masasabi kong 'The calm and elegant kids' ang bata bata pa pero ganoon na ang awra.

Maayos ang lahat at kahit madaldal si Biblee ay hindi nito nagigising ang mga bata.

Bumababa kami sa salas at naiwan si Annicka na bantay iyong mga tulog. Si Biblee at Thorn naman ay binababa ko na kasi nagtatalo na iyong dalawa, may sinabi yata si Thorn na hindi nagustuhan ni Biblee.

Ibinaba ko na din iyong triplets dahil nagugutom na ang mga ito. Matino naman sila kahit papaano. Si Justice at Biblee with Rebel naman ngayon ang magkakwentuhan. Habang si Thorn at Law naman ang magkakasama.

Paminsan minsan ay natatawa kami dahil sa usapan noong dalawang grupo. Mga bata nga naman tsk tsk tsk. Maalin na lamang, sa pagkain, sa kapatid, sa mga lugar sa laruan. Mabuti na lamang at hindi nag-aaway.

Noong mapansin namin na oras na sa labasan noong mga panganay ay tumayo ako para sana puntahan sila pero tinawag ako ni Lian.

"Incess, hayaan mo sina Biblee ang pumunta. I want to see if they can follow simple rules." Nakangiting wika ni Lian. Sigurado? Biblee's only two. Even though she's advance, syempre mag-aalala ka pa din.

"Don't worry, Biblee will go with Law. Law's not your ordinary kid." Dagdag pa nito. "And I'll tell Chase to watch over them secretly, in case. Nandito na si Chase papasok na sa subdivision." Her final assurance.

Napatango naman ako dahil doon. I trust Law. And Timothy will be there.

Lumabas kami ni Lian kasama si Law at Biblee. Iyong mga natitirang gising ang magkakasama sa paglalaro ngayon.

"Biblee." Seryosong sambit ni Lian. "Yes, nanay?" Maamong sagot nito.

"You know, ate's pre-school, right?" She asked her, Biblee nodded enthusiastically.

"Yeah!" Napapalakpak pa ito. "Straight here then, weft (left) there!" Sabay turo pa nito sa direksyon. Napangiti ako sa asal ni Biblee. Such a smart kid like her sister. Patunay lamang kung gaano katalino si Lian at Tim Tim. Wala eh, nagsama iyong dalawang mautak, ayan ang resulta, kitang kita. Sometimes, it's hard to believe Biblee's two.

"Law." I called my baby.

"Momo?" Tanong nito sa akin. Yeah, they call me 'momo' and they call Gab 'dada'.

"You will go with Biblee alright? Be the big bro to her okay?" I calmly explained. He nodded eagerly.

"Am big boy! I'll howld (hold) Biblee's hand!" Nakangiti nitong wika at saka hinawakan ang kamay ni Biblee. Biblee couldn't even protest as Law is Law. Nothing more, nothing less.

The children in a weird way treats Law as superior, even the old ones. They value and respect Law in their own way.

Nagsimulang maglakad iyong dalawa na nagtatawanan. Mas matangkad si Law sa kanila kaya naman nakakatuwang pagmasdan. They are giggling heartily while talking of meeting their siblings in the school.

Tinanaw namin iyong dalawa hanggang sa lumiko ito at nagpakita na din ang sasakyan ni Tim Tim kaya naman napanatag na kami at bumalik sa loob noong bahay, para tumulong magprepara ng mga miryenda noong mga bata.

MEDYO natagalan bago sila makabalik kaya naman tinawagan ni Lian si Tim Tim.

"Hello?" Lian stated. Napalingon kami sa kaniya. She turned on the loudspeaker because I am also curious about what's happening because they are taking a long time.

"Where are they?" I asked.

"Playing. Nagkita kita na iyong mga bata at nagdaldalan sa harap noong pre-school. They are having a good time. Tawang tawa si Biblee at Cleon tapos sina Law ganoon din." Kwento ni Tim Tim.

"How about Silhoue?" I asked. Natigilan siya nang mga ilang segundo. I know how hard to spot Silhoue is, that's why I didn't panic.

"Oh! I see her. Law's holding her hand." I felt relieved.

"Paalis na sila." Napatango tango naman ako dahil doon. "Wait. They stopped. Biblee and Cleon suddenly run to the other kids. The rest of the gang are waiting for the two. Those kids, tsk tsk tsk." Natawa na lamang kami ni Lian pati sina Alyx na nakakarinig ng usapan.

Knowing Biblee and Cleon, yeah, their social skills. Jusko, ano kayang pumasok sa isip noong dalawang iyon at nakisalamuha na naman. Si Biblee kasi iyong tipo na kahit multo pwedeng kausapin at ganoon din si Cleon.

Siguro mga tatlong minuto kaming naghihintay ng sasabihin ni Tim Tim pero tanging imik lamang niya ay nakikipaglaro na naman ang mga bata. Kids will be kids.

"Shit." Nagulat kaming lahat noong biglang magmura si Tim Tim.

"Momo, what's (shit) chit?" Nagulat ako noong nasa tabi ko na si Rebel.

"Tatay! May bata dito." Saway ni Lian. Samantalang tinitingnan ako ni Rebel na nagtatanong tapos lumapit pa si Justice. Damn, ano? Alangan naman sabihin kong mura iyon, parang sinira ko na din kabataan ng dalawang ito.

"Hahaha!" Biglang tumawa si Alyx noong makita ang reaksyon ko doon sa dalawa. Nilapitan niya ito habang karga karga ang cute na si Thorn na naghihikab. Inaatok siguro.

"Rebel... Chit is the sound that the bird makes, chit chit chit chit." Alyx told them seriously. And it made us (Shana, Lian, Tiara, and I) red because we are refraining ourselves from laughing.

"B-But..." Nagulat ako noong sumagot si Justice na animo'y iiyak na kaya umupo ako para maging kalebel ito at tinanong kung bakit.

"'Nang (ninang) Wyx (Alyx) is wrong birds do not chit chit chit chit... They twit twit twit twit." Nanlulumong sambit nito na siyang ikinatawa naming lahat at si Alyx naman ay muntik nang matumba sa kinauupuan sa sagot ni Justice.

"Wala Alyx, hindi mo maloloko iyang si Justice at Rebel." Natatawang sambit ni Lian.

"Geez. We are in trouble." Natigil lamang kami sa pagtawa noong biglang umimik ulit si Tim Tim.

"What happened?" Shana asked nervously.

"They are going home, and seriously Biblee and Cleon are two of a kind something." Natatawa nitong sabi na nakapagkakunot noo sa aming mga nasa bahay maliban sa mga bata. Anong mayroon?

Ibinababa ni Tim Tim ang tawag at hindi na kami nag-alala dahil baka naman may natutunan lamang na bagong kalokohan iyong dalawa. Inayos namin iyong mga lamesa at upuan noong mga bata para kakain na sila pagkarating. Nandito kami sa back garden kaya hindi namin sila tanaw.

The door bell suddenly rung. Nagmamadali kaming tumakbong mga nanay papunta doon. Dahil mukhang pinaglalaruan nila ang doorbell dahil paulit ulit ito. Ang kulit talaga.

Noong makalabas kami...

"Oh my gad." The only thing Alyx could utter.

"O to the M to the G!" Annicka said while gawking at what she's seeing.

"SERIOUSLY!?" Hindi makapaniwalang bulaslas ni Tiara.

"What the..." Saad ni Shana na natulala sa nakikita.

"H-Heol..."  Halos mawalan na ng tinig si Lian dahil sa nangyayari.

Samantalang ako ay... Tahimik. Speechless. The heck? Natanaw ko si Tim Tim na bumababa sa sasakyan niya. "I told you, this is what you call trouble." He stated while shaking his head. Unbelievable.

"Nanay!"

"Mama!"

"Mommy!"

"Momo!"

Sabay sabay na tawag noong mga anak namin... Kasama ang sangkaterbang mga kaklase nila.

And the culprit of bringing almost freaking 20 plus kids? Biblee and Cleon.

"Jusko! Hanggang ngayon natatawa pa din ako sa kalokohang iyon ni Biblee at Cleon!" Hagalpak ni Alyx. Halos maluha luha na katatawa.

"Akala ko noon namamalik mata ako sa daming nasa labas ng bahay ni Lian." Alaska naman ni Tiara.

"Tapos ang lakas pa ni Cleon, tawanan daw ba ako noong tanungin ko kung saan galing iyong mga bata. Sa school daw. Aba'y pilosopo. Pero totoo naman." Natatawang kwento ni Annicka.

"Nakakaspeechless kaya ang kakayahan ni Biblee at Cleon. Akalain mo nakahakot ng benteng bata. Hindi pa kabilang iyong mga anak natin ha. Bente. Buti na lamang hindi tayo na report ng kidnapping." Natatawang sabi ni Shana.

Mas lalo kaming napahagalpak ng tawa sa kwento niya. The two kids can surely talk and convince. Imagine twenty kids. They managed to bring twenty kids! Older than Biblee and same age as Cleon.

"I asked Biblee on how she managed to bring them and she told me that they are her friends and friends need to eat at our house too! Juskong bata, masyadong social. Manang mana sa tatay. Kaya playboy dati si Chase e, lakas ng hatak." Lian told us cheerfully.

"Kawawa iyong keep calm trio noon e, nagising sa ingay at sa dami ng bata palakat na. Ayaw pa naman ng maingay." Natatawang sabi ni Tiara patukoy kayna Harper, Art at Honoka.

We laughed at Biblee's and Cleon's stunt and Shana suddenly remembered her son—Akira and Alyx's —Pierce mischievous doings.

The four year Akira Blaze Roberts Williams. The eldest of JJ and Shana. Low-key savage and mysterious type yet good boy. Matalino din at mautak at mabilis makaintindi. Nakakatuwang bata kasi namana kay Shana iyong datingan na nakakatakot kasi akala mo kung sinong mataray na suplado. Pero mabait naman parang si JJ.

The four year old Pierce Isaiah Fortaleza Sy. The eldest of Alyx and  Thon Thon. Your boy next door. Ang gwapo, ang talino, ang cool. Pero sa panlabas na anyo lamang. Sobrang bait niyan. Magtatakha ka na lamang kasi hindi naman mabait nanay at tatay nyan. Haha.

Pero kung may pinakabanal man sa barkada nila si Pierce na iyon. Ang hinahon magsalita, hindi nagagalit kahit inaagawan ng laruan, kahit inaaway, nanatiling nakangiti. The cool charmer.

"Nakakaloka kaya iyang si Akira at Pierce noong isang taon." Sabi ni Alyx.

"Sobra." Sang-ayon naman ni Shana.

"Anong nangyari?" Tanong ni Tiara.

"Ang bait kaya ni Pierce. Hindi gagawa ng kalokohan ang isang iyon." Annicka stated sweetly.

"Truth! Minsan nga ayaw kong maniwala na anak ni Alyx iyon e." Natatawang sabi naman ni Lian.

"Hoy ah. Genes. Alam ninyo boy next door na kaagad ang awra ng isang iyon. Banal lang talaga. Ang dyosa ko kaya at ganoon din si Pierce pang dyos, pang adonis." Bwelata naman ni Alyx magkatawanan kami.

"What happened?" I asked them.

"Kasi naman..." Natatawang sabi ni Alyx. Hindi makasimula sa kwento natatawa kasi.

"Ano nga?" Naiinip na tanong ni Tiara.

"Hahaha! Ganito kasi... Hahaha! Tapos ganito kasi! Hahahaha! Sandali... Ehem. Dati kasi hahahaha!" Bwisit. Paano namin malalaman ang nangyari kung tatawa tawa itong si Alyx hindi pa naman nagkwekwento. Asar.

"Bwisit ka Alyx!" Nagbibirong wika ni Tiara.

"Shh! Huwag ka kasi tumawa masyado." Saway naman ni Lian na sinang-ayunan ni Annicka.

"Ako na nga magkwekwento!" Presinta ni Shana.

"Mabuti pa nga." Sagot ko naman.

"Pumunta kasi sa bahay si Alyx kasama si Pierce at Thorn. Syempre natuwa naman si Akira. Si Honoka naman tulog noon kasi mga nine am pa lamang yata. Pinatulog ko si Honoka." Pasimula ni Shana.

"Sympre hinayaan namin si Pierce at Akira na maglaro. Si Thorn kasi ayaw humiwalay kay Alyx at mukhang may topak. Naglalaro ng tahimik iyong dalawa. Himala kasi syempre magiingay iyan mga bata eh."

"Akala namin hindi lamang nag-aaway kaya pinabayaan namin, sa playroom. Hanggang sa napatagal ang kwentuhan namin ni Alyx. Halos nakatulog na nga si Thorn. Pero wala pa ding ingay iyong dalawang bata."

"Tapos napansin ko na nawawala si René." Oh, Shana's cat. Regalo ni JJ sa kaniya noon. Gusto kasi ni Shana ng pusa.

"I decided to call Akira because he loves René. Baka kaya tahimik kasi nilalaro iyong pusa kasama si Pierce. Inilagay muna ni Alyx si Thorn katabi ni Honoka kay sinamahan ko muna."

"Then we decided to go to the playroom where the kids are playing. Wala pa man kami doon at nasa may bandang kusina pa lamang nakarinig na kami ng pag-uusap. The conversation goes like this:

Akira: Pano shi (si) René baka sick.

Pierce: Pa-pray natin para gumaling!

Akira: Hindi ba mamatay shi (si) René?

Pierce: Hindi 'yan, basta niwala ka, gagaling pusa!

Akira: Tawaga? (Talaga?)

Pierce: Oo kaya pwey (pray) na tayo!"

Natawa kami dahil sa pagiging banal ni Pierce. Ibang klase din talaga ang batang iyon.

"Ayon na nga akala namin normal lamang tapos nagtuloy tuloy ang pag-uusap nila. And it goes like this:

Akira: Ano sasabihin natin?

Pierce: Sumawangit (Sumalangit) nawa ang kawuluwa (kaluluwa) ni René.

Akira: Sumawangit (Sumalangit) nawa ang kawuluwa (kaluluwa) ni René."

"HAHAHAHA!" Hindi na namin mapigilang matawa dahil doon. Heck, the kids are too innocent. Nakakatawa na lamang mga pinaggagawa nila.

"Oh wait, there's more!" Sambit ni Alyx at nagpatuloy si Shana sa pagkwekwento.

"Akala ko pagkatapos nilang magdasal ayos na. Pero nakarinig ka ng ingay pati na din ng pag-aalma ni René. You know René she's a calm and good cat. Kaya naman napatakbo na kami papunta sa kusina. Baka kasi makalmot sila ni René. And damn what we witnessed is complete hilarious!" Shana told us while laughing.

"Si Akira binuksan iyong oven. Kaya pala may maingay." Natatawang tuloy ni Alyx.

"Tapos si Pierce dala dala si René." Dugtong pa ni Shana.

Nanlaki ang mga mata namin.

"Omygad! Don't tell me they are gonna put the cat inside the oven?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Annicka, at walang alinlangan na tumango si Shana at Alyx.

"Seryoso?!" Hindi makapaniwalang imik ni Lian.

"HAHAHAHAHA!" Natawa na lamang kami dahil sa nangyari. Those kids are evil. Damn. Putting an innocent cat inside an oven.

"Bakit nila ginawa iyon?" Noong mahimasmasan ay nagtanong si Tiara.

"Nabasa kasi si René, natapunan ng tubig ni Akira. Baka daw magkasakit kasi nga basa, kaya ang utak ng baby ko ay kailangan daw tuyuin. Ay kapag nagluluto ako ay napapansin niya siguro na mainit iyong oven. Kaya ang sinabi kay Pierce lagay daw nila sa oven at matutuyo daw." Paliwanag ni Shana.

Mas lalo kaming nagkatawanan dahil sa inosente nitong dahilan. Ghad. They almost killed the cat.

"Ito namang si Pierce naki-enganyo pa at riritwalan daw nila ng dasal para mas epektib!" Dagdag pa ni Alyx.

"HAHAHAHA!" We can't help but laugh in unison because of the story. Just omygad. Innocently hilarious.

"Buti kamo at hindi nagising si Honoka at Thorn noong malaman namin ang dahilan noong dalawang chikiting." Sabi pa ni Shana noong mahimasmasan na katatawa.

Two-year old Honoka Reign Roberts Williams. The quiet and observant kid. Member of keep calm trio along side with Harper and Art. Hobbies? Matulog. Sobrang cute ni Honoka sa totoo lamang. She's so fluffy. Prinsesang prinsesa din ang dating niya. Eleganteng elegante. Got that from Shana.

Two year old Thorn Isaac Fortaleza Sy. Alyx and Thon's youngest. Banal din kagaya ng kapatid niya pero madaldal din nang kauntian kahit wala kang maiintindihan sa sinasabi. Kung ano anong mumble ang nalabas sa bibig, hindi kasing galing ni Biblee sa usapan pero may ibubuga. Magaling din makisama sa mga kaibigan pero kapag hindi kilala ay ilang siya.

Iyong mga batang iyon ang buhay namin ngayon. Nag-aaway ang mga iyon paminsan minsan pero sa huli sila sila din ang takbuhan nila. Nakakatuwa kasi makikita mo kaagad ang samahan nila.

They are our kids. Our futures. Our legacies.

And now that we are almost arriving at Maldives. I wonder what is happening between the fathers and the children. Ngayon paniguradong gisingan na ng mga bata. Oras na para bumangon sila.

Now...

6 vs 14 will officially start. Who will win?

***

Note: 200 comments muna at saka ako mag-uupdate ng kasunod. Ang daming hindi counted lagi kasi wala namang thought. Hayy. Nakakalungkot lang. Imbis na madaming comments kasi patapos na tsaka pa nawalan. :( Ayaw nyo na yata eh, ano? 'Yan na lang 'yung ending? Hanggang dyan na lang? Parang walang gana eh, tapos ako lang yung naeexcite. Hayy. :( Nakakalungkot.

To be continued...
26.27

Continue Reading

You'll Also Like

233K 6.1K 59
She loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in...
20.1K 486 156
My thoughts of you that you don't know. Now I'm in reverie. Daydreams, musings and trances of you. Wishing that someday... Someday you'll ever know...
20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
90.7K 5.7K 19
Ipinanganak si Wendy na may mirror-touch synesthesia. Ibig sabihin, lahat ng nakikita niyang nararamdaman ng ibang tao ay mararamdaman din niya. Maki...