ETO NA HAHAHAH!!
OUR AGONY IS OVER HAHAHAH!! SUMMER IS REAL..
************************************
HAILEY'S POV
Pagkatapos naming kumain ni James at mag usap ng kaunti tungkol sa mga buhay buhay namin,napagdesisyunan na namin na bumalik na.Pagkatapos naming iligpit lahat ng pinag kainan namin at masiguradong wala kaming naiwan ay nagsimula na kaming maglakad...( T.C 1:30 PM )
Habang naglalakad para akong kinakabahan na ewan basta iba yung feeling na nararamdaman ko..
"Hailey" Pagtawag sa akin ni James na ikinabigla ko
"Huh? A-ano y-yun?" Medyo nataranta kong tanong
"Oras na" Sabi nya ng nakangiti sabay kindat..
"Huh? anong oras na?" Tanong ko kaya agad akong tumingin sa orasan ko (TC 1:35 PM)
"Oh? anong meron?" Tanong ko sabay pakita ng relo ko,Pero ngumiti lang sya at lumapit papunta sakin at laking gulat ko ng y-y-ya-ya-yakapin niya ako!!
"Bumalik ka na babe" Bulong nya na ikinagulat ko hindi ko alam kung anong gagawin ko ng marinig ko mula sa bibig nya yung salitang ilang taon ko nang gustong marinig sa kanya...
"James a-ano k-kasi?" Utal utal kong sabi,Pero tumawa lang sya at naglakad na paalis...Trip nya ba ako! Haysss akala ko pa naman...Ano..... Ilang minuto rin ako nawala sa sarili bago ko nalaman na hindi ko na makita si James hala! iniwan ako ng mokong nayon... (TC 1:40 PM)
Naglakad na ako ng mabilis para maabutan ko sya pero habang naglalakad ako biglang sumulpot sa harapan ko ang isang bata.... Yung batang ilang beses ko nang nakita pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pagkakakilanlan...
Tumakbo sya papunta sakin at lumuluha...
"Baby bakit ka na naman umiiyak?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa paligid baka makita ko yung mga magulang nitong batang to pero parang kaming dalawa lang yung nandito...
"Ate Hailey oras na! malapit na!!" Sigaw nung bata
"Huh? anong oras na baby? " Tanong ko ulit sabay tingin ulit sa orasan ko
(TC 1:50 PM) ..
" Ate Hailey alalahanin mo lahat!!" Sigaw nung bata..Alalahanin ang alin? teka ang weird na ah..kanina si James ngayon naman ikaw...
"Alalahanin ang alin baby?" Nang itanong ko iyon kinuha nya yung kamay ko at tinapat sa puso ko at naramdaman ko yung puso kong ang lakas ng tibok...Bat ganun di naman ako tumakbo o pagod pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?... Pagkatapos kong maramdaman yung tibok ng puso ko kinuha nya ulit yung kamay ko at itinapat sa braso ko kung nasaan yung pulso ko.....
W-w-w-wala A-a-a-akong P-p-p-pulso!!!! Pano nangyari yon!? Hindi ko na alam yung gagawin ko sa sobrang gulat ko,Lumayo ako ng kaonti don sa bata...
"Ate Hailey!!" Sigaw nung bata at papalapit na naman sya
"Diyan ka lang!" Nagsisimula na akong matakot at kabahan sa nangyayari....Bakit wala akong pulso?!
"Sino ka ba talagang bata ka at bakit ka laging nagpapakita sa akin?!" Sigaw ko dun sa bata..
"Hayaan mo kong ipakita sayo ate Hailey" Mahinahon nyang sabi at unti unti na syang lumapit sa akin at hinawakan nya yung dalawang kamay ko at dahil doon napa-pikit ako...
At nang idilat ko yung mga mata ko hindi ko maipaliwanag lahat ng nangyayari...Yung kaninang mga puno na nasa paligid namin ngayon ay isa nang puting kwarto at may mga taong nakasuot ng puti at nagmamadali sa ginagawa nila... At ang nakapagtataka hindi nila kami napapansin kaya sinubukan kong sumigaw..
" Hello!!" Pero patuloy parin ang lahat sa ginagawa nila...
Narinig ko pa silang nag uusap at parang may chini-check sa isang kama...Nang masiguro nilang ayos na yung taong yon ay nagsi-alisan na sila at lumabas ng kwarto....
Lumapit ako sa kama para malaman kung sino bayung taong yon....Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko ang taong iyon...
.
.
.
.
.
.
A-a-a-ako yung nasa puting kama at parang natutulog....Ibigsabihin..
.
.
.
.
.
"Ate Hailey" Tawag sa akin nung bata..Lumingo ako nakita ko syang papalapit sa akin
"Ano ba talagang nangyayari" Nagsisimula na tumulo ang mga luha sa mata ko....
"Alalahanin mo ate Hailey" Sabi nung bata
" Pero paano?!" Sigaw ko sa bata dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin.... Napaupo nalang ako sa gilid ng kama kung saan nakahiga ang isa pang ako?..
Ipinikit ko ang mga mata ko huminga ng malalim at sinimulan kong alalahanin ang lahat.....
Hindi ko maintindihan pero nagsimula yung ala-ala ko sa kwarto ko kung kailan ako aalis na papuntang ibang bansa...
FLASHBACK....
(Time Check 2:00 pm)
"This is it!" Nasabi ko nalang nang magising ako dahil mamaya na ang flight ko ,Kaya agad na akong bumangon at kinuha na ang maleta ko para maayos na ang mga gamit na gagamitin ko at dadalhin ko ,Pero bakit ganon parang wala akong ganang mag empake hayssst
Habang nag aayos ako ng mga gamit,Binuksan ko ang isang drawer sa table ko at may nakita akong isang papel na nakatupi ,Agad ko itong kinuha at binuklat para akong naestatwa sa nakita ko ,Ito yung sulat na iniwan sa pinto ko...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi Hailey,Sa tingin ko kilala mo ako at kilala rin kita nasa paligid lang ako at pinagmamasdan ka, Gusto ko lang sabihin sa iyo na......Nagkakagusto na yata ako sayo pero hindi ko masabi sa iyo ng harapan kasi nahihiya ako kaya ito sinulat ko nalang ,Gusto ko rin kasi na mailabas itong nararamdaman ko :D Sana pag nalaman mo kung sino ako huwag mo sana akong layuan, Yun lang..
FROM: J.C
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos kong mabasa yung sulat parang nalunok ko yung dila ko hindi ako makapagsalita,Hindi ako tanga para di malaman na sa kanya galing tong sulat na ito na ngayon ko lang nabasa "Ano ba tong nararamdaman ko" Bigla kasing bumilis yung tibok nang puso ko,Di ko namalayan na tumayo ako na hawak yung sulat at kahit naka pambahay ay tumakbo ako palabas ng kwarto ko at pumunta sa kwarto na pero bigo ako ,wala sya sa kwarto nya kahit tapos na ang klase nila ,Agad akong tumakbo palabas ng dorm para hanapin sya....
"Nasaan ka na ba James?" Mangiyak ngiyak kong tanong sa sarili ko habang ginagalugad ang mga lugar na maaring nyang puntahan pero wala talagang James akong nakita
Tinawagan ko sila Alex at Casey at tinanong sila kung nakasama at kung pumasok ba siya pero parehas na hindi ang sagot nila at hindi pa daw nila ito nakikita simula kahapon pero bago ko binaba nagpatulong narin ako sa paghahanap baka sakaling makita nila
Umupo ako sa bench at tumingin sa orasan ko at isa at kalahating oras nalang ang kailangan ko para mahabol ang flight ko kaya kailangan ko nang magdesisyon ngayon...
Nagisip ako at nagbuntong hininga "Sa tingin ko James hindi talaga tayo para sa isa't isa, I think I need to accept the fact that we're done" Nasabi ko nalang sa sarili ko at tumayo na bumalik ako sa dorm ko,Nagbihis at naghanda na,Kinuha ko na ang maleta ko at sa huling pagkakataon pumunta ako sa kwarto nya at nag-iwan ng isang sulat...
"Good bye James"
Nag skip yung ala-ala kung saan naglalakad ako papasok ng airport...
Naglalakad ako papasok ng airport pero tumigil ako dahil narealize kong mas mahalaga si James sa kahit ano paman sya nalang ang meron ako ngayon kaya hindi na ako mag aaksaya ng pagkakataon kaya agad akong tumakbo palabas ng airport para hanapin sya pero sa pagtakbo ko hindi ko namalayan yung kotseng paparating kaya....
.
.
.
.
BOOOOOGSSSHHH!!!
.
.
.
.
.
.
Nakarinig ako nang mag sigawan sa paligid ko at yung iba may tinatawagan at maya maya pa narinig kong tinawag ako ng isang taong alam ko kung sino at kanino galing yung boses nayon...Sumisigaw sya nang tulong at tumulo ang huling patak nang luha sa mata ko at naaalala ang mukha nya bago lumabo ang paningin ko at nawalan na ng malay.... "James"
.
.
.
.
.
Matapos kong maalala lahat para akong nagising sa isang bangungot at unti unting tumulo ang mga luha sa mata ako...
"All this time akala ko si James..Yun pala...."
"Ate Hailey" Nag aalalang tawag sakin nung bata sabay yakap sa akin at dahil doon niyakap ko rin sya at doon ko binuhos ang mga luha ko..
"Ate Hailey...Oras na.." Bulong sakin nung bata at tiningnan ko yung orasan ko at nakita kong hindi ito gumalaw at nanatili parin sa oras ng 3:30 Pm
Ngumiti ako sa bata at may itatanong pa dapat ako sa kanya pero biglang sumakit yung dibdib at parang nasusunog yung dibdib ko sa sobrang sakit at parang sobrang bigat ng katawan ko kaya napasigaw ako at naramdaman kong unti unting pumikit ang mga mata ko......
.
.
.
.
Naramdaman ko ang mga kamay ko na gumalaw kaya sinubukan kong imulat yung mga mata ko. Nasilaw yung mata ko dahil sa silaw na nagmumula sa ilaw sa puting kwarto...
Nararamdaman ko na parang gusto kong kumain ng napakarami dahil parang naubos lahat ng lakas ko at parang gusto ko ring uminom ng sandamukal na tubig dahil parang natuyo lahat ng tubig sa katawan ko.....
Nang maimulat ko na ang mata ko,Narinig ko ang isang taong tumawag sa pangalan ko..
"Hailey!"
...........................................................
HAHAHAHAH NOW YOU KNOW!! HAHHAHA SORRY BITIN SA MOVING UP KO NA I-PUPUBLISH YUNG LAST CHAPTER HAYSS HAHAHAHAH! HAYSSS NALAMAN NYO NYA SAYANG !! HAHAHHA
-PLS. DONT FORGET HIT THE STAR
-PLS. LEAVE YOUR COMMENT BELOW 😊😀😘