Chapter XLI - Vacation

1.1K 36 12
                                    

SALAMAT PO SA PAGBABASA 😊😊


- LEAVE A COMMENT AND FEEDBACK PLS! ,ESPECIALLY TO THOSE SILENT READERS AHAHA :D AND ALSO DON'T FORGET TO HIT THE STAR HAHAHA!  



************************************



HAILEY'S POV


Sa tingin ko tama na....


Tama na siguro yung pag iyak ko nung nakaraang araw at huwag nang umasa...


Naghahanda na ako dahil may lakad ngayon ang buong company....




FLASHBACK...


Iniisip ko parin yung mga nangyari kahapon hayyy di ako makapag focus sa trabaho...


"Uy Hailey" Pagtawag sa akin ni Gray



"Oh?"



"May problema ba?" Pag aalala nyang tanong


"Wala naman"


"Sure ka?"



"Uhmm" Pagtango ko



"Sige Basta alam mo na kung sino yung lalapitan mo ah" Sabay kindat at nagfocus na sa pc nya

Ngumiti nalang ako dahil parang bumalik na si Gray....Oo binigyan ko sya nang pagkakataon na alam nyo na..Na manligaw??ewan basta hindi ko naman sya pinigilan....



Kasalukuyan kaming nagtratrabaho lahat ng isa sa katrabaho namin ang pumasok at sumigaw...


"Okay guys! Listen Up!" Isabay mo pa yung pagpalakpak nya para makuha yung atensyon namin.....Nang makasiguro syang  nakatingin na ang ilan sa amin dahil yung iba tuloy parin sa pagtratrabaho pero mahahalata mong makikinig...


"Okay!Dahil tumataas ang ratings ng kompanya natin,Magkakaroon ang buomg kompanya nang trip" Nang sabihin nya yon halos lahat ay naghiyawan at nag katinginan at nag uusap usap at hinihintay kung saan....



"Kaya maghanda na kayo dahil pupunta tayo sa pinakasikat at nagandang beach lalalalala Boracay" With matching gestures pa hahahaaha..Maniniwala na sana ako


Nagkatinginan kami ni Gray at nagkangitian then bumalik na ang lahat sa pagtratrabaho pagkatapos makaget-over sa bakasyon mangyayari....

END OF FLASHBACK...



Pagkatapos kong mag-ayos at makapag-handa saktong may kumatok,Siguro si Gray nayon....Sinabi nya kasing sabay na kaming pumunta don....


Tumakbo na ako para buksan yung pinto,Pero laking gulat kong hindi sya yung kumatok kundi si James....


"Oh J-James?" Utal-utal kong sabi,Pero nakatingin lang sya sa akin ng blanko kaya bumilis yung tibok nang puso ko 



"Hailey" Sabay hawak ng mga kamay ko "Uhmm H-Hailey ano kas-" Hindi na niya natapos yung sasabihin nya nang putulin ito nang isang taong  kanina ko pa hinihintay..



"Oh! James nandito ka pala.. Hailey ready ka na ba? tara na?" Masayang sabi ni Gray na parang nang aasar sa tono nya



"Huh? Ahhh Oo tapos na,Sige na tara na " Kinuha ko na yung mga gamit ko at lumabas na, ni-lock na iyon..



"Sige J-James una na kami,Kita nalang ta-" Umepal na naman sya hayssss



"Tara na Hailey!"Sigaw nya "Sige pre kita nalang tayo doon pero mas maganda kahit hindi na" Hayyy hindi talaga mag papapigil tong si Gray....Naglakad na kami paalis at iniwan ang isang tao na hanggang ngayon blangko parin ang ekspresyon...Ano kayang iniisip nya ngayon?...



Bumiyahe na kami ni Gray papunta sa meeting place,Nang makarating na kami doon nakita naming marami nang yung nandoon kasama yung mga katrabaho namin,Yung iba naman sumakay na sa bus nang kompanya..... HAHAAH PARA KAMING NASA FIELDTRIP HAYYSSS HIGH SCHOOL DAYS..... Sumakay na kami ni James at nilagay na namin yung bag namin sa port at syempre magkatabi kami pero dahil pang tatluhan yon bakante pa yung sa tabi ni Gray....



Nakatingin ako sa bintana at nagsisimula nang pumasok sa kanya-kanyang buses yung mga kasama, Sa kakatingin ko sa labas nahagip ng mata ko ang isang taong nag-iisa at makikita kong walang kasama,Shit! Tumingin sya sa  direksyon ko kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon,Pero nakikita ko sa peripheral vision kong papalapit sya sa bus namin kaya nag panic na ako .Wag naman sana sya dito sumakay..


Hayyy malas naman oh! Dito nga sya sumakay ...Pero hindi ko pinahalata sa kanya na kinakabahan ako.....YAN NA!! PALAPIT NA SYA SA PWESTO NAMIN HAYSSS BAKIT KASI WALANG UMUPO SA PANGATLONG UPUAN..... 



"Pwede bang umupo dito? Ubos na kasi yung upuan sa iba eh" Nakangiti nyang tanong habng nakahawak sa batok nya......Shit!Shit!Shit! Huwag kang ngumiti pls lang....Eto na naman yung puso ko....





***************************************************************************************



ETO NA PO YUNG UD HAHAHAHAH BAWI NALANG SA SUSUNOD HAHAH SARREHH!!

-  LEAVE A COMMENT AND FEEDBACK PLS! ,ESPECIALLY TO THOSE SILENT READERS AHAHA :D AND ALSO DON'T FORGET TO HIT THE STAR HAHAHA!
















While You Were Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now