Chapter XXVII- James 2.0

1.1K 51 5
                                    

HAILEY'S POV

Andito parin ako at nakatingin sa magkahawak nilang mga kamay ,Parang kinain na ako ng sistema sa titig ko nang biglang...


"Uhmm miss tapos mo na ba kaming titigan? Pwede na ba kaming dumaan?" Nakangisi nyang sabi kaya bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko at Yung mga ngiting yon haysss ganon parin,Ang sincere huhuhu 😣😣 Pero may mali sa sinabi nya eh...


"Huh? Miss?" Bakit nya akong tinawag na miss? Ano bitter ba sya kaya nagkukunwari syang di ako kilala?



Tinaas nya lang ang kilay nya at parang sinasabing huh? Nagkatitigan sila ng syota nya at sabay na tumingin sa akin ng mukhang nagtatanong

Magsasalita na sana ako para sabihing "Hindi ka parin nagbabago James Bitter ka parin ba?" Nang bigla akong hilain ni Casey palayo Pero bago pa kami makalayo nagsalita si James



"Casey anong ginagawa mo dito?Tsaka sino yang kasama mo? Kaibigan mo ba sya " Ano?! Si Casey lang napansin nya?! At talagang ki nareer nya na hindi talaga ako kilala?! Hayysss papatulan ko na talaga toh!!




"Ah Ehh James Mauna na muna kami" At mabilis pa sa alas kwatro ako hinila ni Casey palayo bago pa makapagsalita si James



Nakarating kami nang kwarto ko nang puno ng pagtatanong sa isip ko
Ano bang nangyari dito nang mga panahong wala ako??



Hindi pa ako nag aayos at nagbibihis pero agad ko nang tinanong si Casey


"Sabihin mo nga Casey? Anong nangyayari kanina? Bakit ganun si James? Bitter ba siya? Ano?" Sunod sunod kong mga tanong


"Ehhh A-ano k-kasi Ha-Hailey ehhh.....Ahh! Kwentuhan mo naman ako sa buhay mo sa ibang bansa maganda ba dun? Mabait ba sila sayo? Sige na dali" Hindi ako madadala Casey ng segway mo ngayon kailangan ko ng sagot sa mga tanong ko..





"Casey!!! Yung tanong ko ang sagutin mo!" Nakita ko ang pagkagulat niya.......Huh? Bakit ganito ang inasal ko Epekto ba toh ni James huhuh Sorry kung nasigawan kita Casey hayysss



"Ahh-Ehhh Ganito kasi yon Hailey..............." At nagsimula na nga syang magkwento sa mga taong nawala ako at simula nang nasa airport palang ako



Natapos na ang pagkwekwento nya pero hindi parin ako makapagsalita,Naramdaman ko nalang ang mga luhang bumagsak sa mga mata ko,Niyakap ko ang mga tuhod ko at yumuko,Naramdaman ko si Casey na hinagod ang likod ko at niyakap ako ,Siguro kailangan ko ngayon toh...



"Okay lang yan ,Ilabas mo lang yan" Mahinahon nyang sabi sa akin

"Ang tanga *sob* tanga ko Casey,Bakit *sob* hindi ko pa kasi binigyan ng chance..."


"Hindi Hailey wala kang kasalanan ginusto mo yan tsaka ano pang magagawa natin eh nangyari na at wag ka na ngang umiyak dyan Tama na yan" Pinunasan niya ang mga luha ko at pinaupo sa upuan




Nang mahimasmasan ako kumain na kami at ako naman ang nagkwento sa kanya ,Sa pag kwekwento ko hindi ko na pala namalayan na tumatawa na pala kami para sa ilang segundo man lang o minuto ay makalimutan ko naman sya sa paraang magpapasaya sa akin...





"Sige na po mauuna na ako" Paalam nya sa akin dahil hinatid ko na siya sa gate


"Ingat ah,Magtext ka pag nakauwi ka na"





"Wow! May phone na siya hahahah"





"Hahaha wala eh hahah Ganun talaga"



Nang makaalis na si Casey ay oras na para umakyat ,Isasara ko na sana yung gate nang biglang may isang kamay na pumigil dito kaya kinabahan ako ,Pero hinanda ko na ang sarili ko para kung mayroon man syang balak na masama ay handa ako......Duuhhh!! Remember that I can protect myself.......

Binuksan na nung tao yung gate at nakaabang narin yung kamao ko sa mukha nya pero para akong naestatwa nang pumasok sya at nagkatitigan ang mga mata namin..


"Shit! Ano ba Hailey si James lang yan.....Okay kaya ko toh ,Gusto mo pala ng titigan sige magtitigan tayo" Sabi ko sa sarili ko lang hahaha



Pero sya na ang bumitaw sa aming dalawa at naglakad na sya palayo ,Ako naman eto nakasunod sa kanya....Pake nyo ba?! Parehas kami ng dadaanan eh Anong magagawa ko tss?.....




Haysss salamat at nandito na ako sa 2nd floor at sya naman ay may isang floor pa salamat naman...



Naglakad na ako paalis at hindi na siya nilingon JOKE! Syempre lumingon ako pero nung nandoon na ako sa harap ng pinto ng kwarto ko ...Kahit panakaw na lingon lang papatusin ko makita ka lang ......



Nagulat ako dahil saktong pag lingon ko ay nakatingin rin sya sa akin at agad syang naglakad paalis pero kitang kita ko na bago sya umalis nakita ko na ngumiti sya at iniling-iling pa nya yung ulo nya..


Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at isinara yon at agad nang humiga kahit hindi pa ako nag aayos




Tumitig ako sa kisame at hinawakan ang dib dib kong di magkamayaw sa loob dahil sa kalabog
.<3
.<33
.<333
.<3333

Pero biglang tumigil yon ng may marealize ko na hindi na pala sya di James ,Hindi na pala sya yung dati na iyakin,na sincere,na sweet,na maaalagain kasi sa iba na nya nagagawa yun lahat....Ikaw na si James 2.0...



"Kung may magagawa lang sana ako para ibalik yang memorya mo"





*****************************

YAN NA PO YUNG UD HAHAHA!
.
.
.
LET ME KNOW YOUR FEEDBACK FOR THIS CHAPTER HAHAHAH JUST LEAVE A COMMENT AND DONT FORGET TO HIT THE STAR HAHAHAH 📝🌌























While You Were Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now