Chapter IV- What a Long Ride With Him

2.8K 92 2
                                    

JAMES POV

Walang nagsasalita sa aming dalawa simula nung takbuhan kami ng kaibigan ni Hailey , Naghihintay na lang ako sa aming dalawa kung sino ang magsasalita ng biglang nag-lakad paalis si Hailey at iniwan ako sa ere , Pero agad ko syang hinabol para sabihing sabay na kame sa pag -uwi tutal naman parehas naman kaming sasakay ng bus eh!


"Wait! Hailey, Wait! " Pag-pigil ko kay Hailey sa paglalakad nya


Pero hindi parin sya tumitigil sa paglalakad at parang pabilis ng pabilis ang paglalakad nya..


"I said wait!" Sigaw ko sa kanya ng pagkalakas-lakas na halos pinag-tinginan na kami ng mga tao at dahil sa ginawa ko, sa wakas tumigil na sya at lumingon sakin ....HAYYY!! NAKAKAHINGAL NAMAN TONG BABAE NA TOH !!


" Ano bang kailangan mo?" Tanong nya sakin na may halong pagkairita sa boses nya


"Uhhmmmm? An-o-o ka-s-si ehh , uhmm? Pwe-de bang sabay na tayo pauwe? Pautal-utal kong tanong sa kanya


" Hindi pwede , Sumakay ka na lang ng ibang bus.." Monotonous nyang sagot


" Eh! Paano kung ayaw ko at ikaw ang gusto kong maka- sabay pauwi? May magagawa ka ba dun? " O.O BAKIT PARANG MAY IBANG MEANING YUNG SINABI KO SA KANYA !!! SHIIIIT !! WAG NAMAN SANA....


"Bahala ka na nga sa gusto mong gawin ,Pero kung iinisin mo lang ako ,Mauna ka nang umuwi "


" You know what ? Gusto ko sanang sabihin sayo na sorry nga pala sa ginawa namin nung enrollment" Pag- basag ko sa katahimikan habang nasa likod nya ako at parang buntot na sumusunod sa kanya papuntang terminal ng bus


"Yun lang?" Sagot nya sakin na para bang may ginawa pa ako sa kanyang masama .... MERON PA NAMAN TALAGA PERO YUNG ENROLLMENT LANG NA PART YUNG SINABI KO..


"Uhhhmmm? Tsaka sorry pala dun sa inasal ko don sa cafeteria kanina."


"Ako rin..." Sagot nya sakin


" Huh? Ikaw rin ? " Nag-tataka kong tanong sa kanya


" Ako rin, Sorry rin kasi napaka - cantankerous ko sayo " Sagot nya sakin pero nakatalikod sya


Nandito na nga kami sa terminal ng bus at sabay na kaming umakyat , At sa loob may natitira pang bakanteng upuan sa kaliwa at sa kanan na pwede sa dalawang tao, Pero agad syang pumunta sa bakanteng upuan sa kanan at pumwesto sa bintana ,Agad nya akong sinenyasan na dun ako umupo sa bakanteng upuan sa kaliwa ,Dahil ayaw ko na syang inisin pa ay sinunod ko na lang yung gusto nya....


At dahil dalawa na lang ang kailangan para mapuno yung bus ,Sakto may sumakay na dalawang tao at masasabi kong mag-syota yon kasi nga magka-holding hands...


Nang lapitan ako nung syota nung babae at sinabihan ako kung pwede akong lumipat dun sa bakanteng upuan sa kanan kasi nga daw nahihilo daw yung syota nya ,Bago pa ako sumagot tiningnan ko sya at nakita kong nakatingin rin sya na parang nakinig sa usapan namin nung lalaki at dahil don nginitian ko sya para iparating sa kanya kung pwede bang umupo ako sa tabi nya , Tinarayan nya lang ako na parang sinasabi nyang may magagawa pa ba ako ?

While You Were Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now