Chapter II - First Day of School

4.8K 118 0
                                    


CASEY AT THE MEDIA :))

*************************

(After a few weeks... FIRST DAY OF SCHOOL NA...)

HAILEY'S POV

So, Ito ngayon ako ngayon, Kakagising ko lang at sa pagkakagising ko first day of school na pala YEHEYYY!! At bumangon na ako para makapag-handa kasi nga 8 am ang sched ko ,So napaka-aga, Pero gumising ako ng 5 am kasi nga gusto kong malibot yung university namin ng mag-isa lang ....

Matapos kong makapag handa ay umalis na ako sa dorm at naglakad na papuntang terminal ng bus ,Nung nakarating na ako ng terminal ay agad akong sumakay at umupo syempre san pa ba ? Eh di sa tapat ng bintana at binuksan ko agad yung dala kong libro na "Essential Math For Accounting: Part I"at nagbasa-basa habang nasa loob ng bus.

Nang paalis na ang bus ay ramdam ko ang pag-nginig ng katawan ko dahil sa pagbukas ng makina at hindi ko namalayan na puno na pala yung bus dahil nakatuon yung atensyon ko sa libro.. Hanggang sa makarating ako ng university ko na nagbabasa lang ,Pero tinago ko na yung libro ko nang pumasok na ako ng Gate.

Dahil nga napaka-aga kong nakarating sa university namin, Ay makikita mong wala pang masyadong mga estudyante kaya naman hindi ko na sinayang ang pagkakataon at nilibot ko kaagad yung buong building at buong ground ng university.

Sa paglalakad-lakad ko sa buong building ay nakabisado ko agad ang lahat ng dadaan ko pabalik ,kaya bumaba na ako at umupo sa bermuda grass ng university namin. Sa tapat ng bermuda grass ay isang pavement for track and field at ito namang kinauupuan ko ay isang soccer field pero maliit lang at masasabi kong ginagamit lang ito sa pagpra-practice...

Dahil sa boredom ay kinuha ko nalang ulit yung libro ko sa math at simulang magbasa ulit ,pero dahil 6 am na ay nakikita ko naman na yung binabasa ko...Habang nagbabasa ay may isang anino na tumakip sa harapan ko at dahil don ay nilingon ko siya...Isang babae na nakatingin sakin ngayon at nakangiti...

"Hi" sabi ng stranger na babae sa akin nang nakangiti

"Hello" Monotonous kong sagot sa kanya

"Pwedeng umupo sa tabi mo ?" Tanong nya sakin ng nakangiti parin sa di ko malamang dahilan

"Ok" Walang buhay kong sagot

"By the way, I'm Casey" Pagpapakilala nung stranger na babae ..AY!! tanga hindi na pala sya stranger nagpakilala na sya eh hahaha!!

"I'm Hailey" Mahinahon kong pag-papakilala sa kanya

"Ano yang binabasa mo?" Tanong sakin nung Casey na hanggang ngayon ay naka-ngisi parin , TEKA NGA MAY GUSTO BA SAKIN TOH? LESBIAN BA TOH ? tanong ko sa sarili ko pero agad ko na lang sinagot yung tanong nya

"Ahh,Ito? Essential Math For Accounting: Part I" Sagot ko sa kanya ,pero this time nakangiti ko na syang sinagot para hindi na mukhang rude kase nagpakilala naman na sya kaya sa tingin ko gusto lang nitong makipag-kaibigan.

"So, Accountancy rin yung course mo?" Tanong nya sakin na may halong pagka-galak sa tono ng pananalita nya

"Yup'' Ang tanging nasagot ko na lang sa kanya ng nakangiti

While You Were Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon