Chapter XXXVI- Not Again!

1.3K 53 2
                                    

YAN NA PO YUNG UD NYO HAHAH 😘

************************************

HAILEY'S POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon,kung kinikilig ba ako o ano basta parang wala lang habang nananatili parin kami sa ganitong posisyon at nararamdaman ko parin ang labi nya sa noo ko kaya walang ano-ano...

*Ahhhhhhhhhhhh!!* Napakalakas nyang sigaw matapos nyang makatanggap ng isang malakas na headbutt mula sa akin haha pero aray ahh ang sakit non ah! parang nangarag rin yung bungo ko teh!.

Medyo nag alala naman ako sa kalagayan nya,medyo lang naman hehe..Tumayo na ako habang nakatingin parin sya sakin at makikita parin sa mukha nya ang sakit..

" Ahhh Grabe nakakailan ka na ah! Ahhh!" Sigaw parin nya

"Ikaw naman ang may kasalan ah ninakawan mo ko ng halik!" Pagdepensa ko

"Pumayag ka naman ah!"

"Huh! Hindi ko naman akalaing gagawin mo talaga" Na medyo ikinahina ng boses ko

" Sus! Kunwari ka pa tinablan ka naman sa halik ko!,Di ka nga makagalaw kanina ng halikan kita " Pang aasar nya habang nakahawak parin sa namumula nyang noo haha

"Che! Ewan ko sayo!" Tinalikuran ko na siya at pumunta sa table ko at kinuha yung sapatos ko.....NAGHUBAD KASI AKO NG SAPATOS NUNG GUMAGAPANG-GAPANG AKO PARA HANAPIN YUNG GITARA NUNG LALAKING YON WALA FEEL KO LANG HUBARIN ..... Hindi ko na sinuot yon at dali-daling naglakad paalis at nandon parin sya kitatayuan nya mula pa kanina at pinagmamasdan lang ang mga galaw ko,Nilagpasan ko lang sya at umalis na doon,Pumasok na ako ng elevator at pinindot na yun para magsara nang may epal na namang pumigil non....hayyss kahit kailan talaga tong lalaking to...

"Ano bang problema mo?" Kunwari ay inis kong tanong

"Ba-baba na" Nakangiti niyang sagot ....Ang weird talaga nito minsan parang kanina lang asar sya tapos...hayyy ewan..

"Bipolar ka ba?!" Pasigaw kong tanong

"Bakit naman?" Sagot nyang nakangisi parin na may halo nang pagtataka

"Kasi kanina asar ka tapos ngayon ang saya mo diba bipolar yung mga ganun?"

"Hahah sabihin nalang natin na ako yung tipo nang tao na hindi masyadong bini-bigdeal yung mga ganung bagay" Nakangisi nyang sagot

"Ahh okay"

"Hindi mo ba isusuot yang sapatos mo o ako ang gusto mong magsuot sayo nyan?" Pagbasag na naman nya kaya napatingin naman ako sa baba ,Oo nga noh haha nasarapan

"Wag na kaya ko na to" Sinuot ko na yung dalawa kong sapatos pero hindi ko pa nasisintas eh bumukas na yung elevator hayyss

"Tara na" Aya nya kaya tumayo na ako at naglakad na palabas ng elevator nang ...

"Wahhhh!" Sigaw ko nang maapakan ko yung isang sintas ko at naging dahilan para matalisod ako ,Pero ba't parang naka-levitate ako? Minulat ko yung dalawang mata ko at nakita ko na naman yung mukha naming dalawa na magkalapit....Sinalo nya pala niya ako kaya pala ,Pero teka kailangan ba talagang magkalapit yung mga mukha namin!?..

"Ayos ka lang?" And he flashed a wide smile on me

"Oo,salamat " At ako na ang nagkusang umalis sa pagkakahawak nya kasi baka masarapan to at manatili na naman kami sa ganung posisyon tapos ... ahhhhh! erase! erase! hindi na mauulit yon iisipin ko na lang na kaya ginawa yun kasi gusto nya lang bumawi dahil dun sa ginawa ko yun lang yon Hailey wag ka nang mag isip nang iba pang dahilan...

While You Were Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now