Chapter XLVIII - When You're Gone

601 17 8
                                    


ETO NA PO ANG PINAKAHIHINTAY NYO AHHAHAH!! MIANHEYO HAHAHAHA DAPAT NAPATAGAL....

SANA PO MAGUSTUHAN NYO ANG STORYANG ITO HANGGANG SA HULI...

SALAMAT PO SA MGA TAONG NAGBASA,NAGHINTAY,NABAGOT,NAGALIT,NATUWA,KINILIG AT IBA PANG MGA EMOSYON NYO AHHAHAHA!! :D

NAKAKALUNGKOT MAN ISIPIN PERO LAHAT NG BAGAY AY NAGTATAPOS AHHAHAH TULAD NETO HAHAHAA!!


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



HAILEY'S POV


"Hailey!!"   Tawag sa akin ng isang tao pagkamulat ng mga mata ko 


"T-tubig" Agad kong hiling sa taong yon dahil parang naubos lahat ng tubig sa buong katawan ko..


Narinig kong umalis sya at nang bumalik sya inalalayan nya ako at pinainom ng tubig.Salamat at medyo nahimasmasan ako..Ibinaba nung taong yun yung baso sabay yakap sa akin ng mahigpit..


"Hailey" Narinig kong tawag nya sa akin at ramdam ko rin na parang umiiyak sya...


Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at sa wakas nakita ko na rin ang mukha niya ng malinaw....


"Ca-ca-CASEY!!" Sigaw ko nang makita ko ang taong yon.Agad kong hinila yung kamay nya at niyakap sya ng napakahigpit.Hindi ko alam yung nararamdaman ko pero parang nabuhay ulit ako pagkatapos ng matagal na panahon..


"Totoo na ba to?"  Tanong ko sa kanya habang magkayakap parin kami..



"Oo naman!" Tanging sagot nya


Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinisil ang mukha nya..


"Awww! Ang sakit non ah?" 


Hindi parin ako kumbinsido kaya kinurot ko rin yung pisngi ko... Totoo na nga to!!


"Ano bang nangyayari sayo Hailey? May problema ba? May masakit ba sayo? Tatawagin ko na yung doktor"  Natataranta nyang sabi pero pinigilan ko agad sya 


"Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na totoo na tong nakikita ko ngayon" Nakangisi kong sabi 


"Di kita magets" 


Tumango ako para sabihing "Oo tama hindi mo ako magegets"


Pagkatapos nung usapan na iyon biglang tumahimik sa pagitan naming dalawa at si Casey naman ay nakatingin lang sa akin at nakangiti...


"Problema mo?" Nagtataka kong tanong 


While You Were Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now