When Rain Falls

By hanjhanjbeybe

78.7K 2.6K 681

C O M P L E T E D Highest rank: Short Story #8 Because when rain falls, teardrops will follow. More

PROLOGUE
UNANG KABANATA: Manhole
IKALAWANG KABANATA: Mga Detalye
IKATLONG KABANATA: Bisikleta
IKALIMANG KABANATA: Jejejejeje
IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Halik
IKAPITONG KABANATA: Ang Pagbabalik
IKAWALONG KABANATA: Nakaraan at Kasalukuyan
IKASIYAM NA KABANATA: Desisyon
IKASAMPUNG KABANATA: Ang Muling Pagkikita
IKALABING ISANG KABANATA: Ang Tunay na Kwento
IKA-LABINGDALAWANG KABANATA: Muling Ibalik
IKA-LABINGTATLONG KABANATA:
EPILOGUE

IKA-APAT NA KABANATA: Nararamdaman

4.4K 150 18
By hanjhanjbeybe

DEDICATED KO SA KANYA <3 HI BEBE :D

GINAWAN NIYA KASI AKO NG BOOK COVER KAHIT HINDI KO NAMAN HINIHINGI. ANG SWEET :">

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ganun na nga ang nangyari, si Xander ang nagba-bike, at nakaangkas naman si Rain.Pagkadating nilang dalawa sa School nila ay napakadaming bumabati kay Rain.

“Ayos ah. Bakit hindi mo subukang tumakbo bilang presidente ng Council?” tanong ni Xander.

“Hassle ‘yun, e. Dito na nga pala room namin. Ikaw ba?”

“Sa kabilang wing pa eh, sa 3rd floor.”

“Akyat ka na, papasok na ko sa room ko."

“Bukas ha? Sabay tayong pumasok sa trabaho tapos deretso dito sa school pagkatapos.”

“Saka mamaya! Puntahan mo ko dito ha? Sabay tayong umuwi. ‘Di ba sabi ko sa’yo ikaw naman ang dadalhin ko sa bahay ko?”

“Oo nga pala. Paano ‘yan? Babay na muna?” Ngumiti siya ng napakalapad na siya namang ginantihan ni Rain. Hindi malaman ni Xander sa sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya.

“Sa tingin ko, wala ka pang kaibigan dito sa School. Okay lang ‘yan. Simula ngayon,” umakbay sa kanya si Rain, “mag-Bestfriend na tayo. Okay lang ba?”

“Okay na okay!”

At muli silang nagngitian sa isa’t-isa.

Matamlay na umuwi si Xander sa kanilang bahay at matamlay din naman siyang sinalubong ng kanyang ina.

"O? Mommy? Anong problema mo?"

"Walang ulam," at sumimamngot ng lubos ang kanyang ina.

"O, ayan." Iniangat niya ang kamay niya para maabot ang bitbit na plastic sa ina.

"Wow, anak! Ulam ba yan?"

"Hindi po, baka kotse." Huminga siya ng malalim at naglakad na papunta sa hagdan.

"Anak? May problema ka? Bakit ang tamlay mo? Wala ka ring ulam?"

Hindi niya pinansin ang ina. Dere-deretso lamang siya sa kwarto niya at inihagis ang sarili sa kama.  Ipinikit niya ang mga mata niya at naaalala ang nangyari kanina.

"O ano? Sabi mo sa’kin dadalhin mo ko sa bahay niyo?" panimula ni Xander kay Rain habang papalabas na sila ng gate ng School.

"Oo naman! Ano? I-angkas mo ulit ako?"

Nagngitian silang dalawa at pupunta na sana sa lugar kung saan naroon nakaparada ang bisekleta. Kaya lang ay may nag-ring na cellphone. Dumukot sa bulsa si Rain at kinuha ang cellphone niyang napaglumaan na ng panahon.

"Hello, Nanay? O bakit po? Ano? Ha? ‘Yung gamit natin? Teka! Bakit daw po? Hala! Paano na ‘yan? Opo, Nanay! Uuwi na po ako kaagad! O, andyan na! Ayan na! Bilang kayong 100 seconds Nay makikita niyo na kagad ako sa labas ng bahay! Opo, Nanay! Babay!"

Nilingon muli ni Rain si Xander. "Xander! Sorry talaga ha?! Patawarin mo ko! Hindi kita madadala sa palasyo namin! May emergency kasi sa bahay, e! Promise talaga bukas!"

Akmang aalis na sana si Rain pero bigla siyang hinawakan sa kamay ni Xander.

"Xander naman, sa isang taon ka na mangulit. Emergency lang talaga."

"Pahingi na lang ng number mo."

"Ah oo sige!"

Kinuha ni Rain ang palad ni Xander at kinuha rin niya ang ballpen na nakasabit sa damit at isinulat niya ang numero niya sa palad ni Xander. "O ayan! Text mo ko ha! Babay!"

Natapos na ang pagbabalik-tanaw ni Xander at idinilat na niya ang mata niya, nananatili pa ring nakabusangot ang mukha niya. Tinignan niya ang palad niya at lalo lang bumusangot ang mukha nito dahil nabura ang number na sinulat ni Rain.

Bakit ba kasi pasmado ako?

At nagpagulong-gulong siya sa kama at itinakip ang unan sa mukha niya. Pagkuwa'y tinanggal niya rin ito, bumangon at sumandal sa headboard ng kama.

E, ano naman kung nabura? Psh! Magkikita rin naman kami bukas! Saka bakit ko ba palaging iniisip ang babaeng iyon? E, napakadami ko pang dapat pagkaabalahan, e! Sabagay, hindi na lang siya basta-bastang babae sa’kin. Siya lang ang kaibigan ko sa school at isa pa, Bestfriend ko na nga siya, e. Ay ewan!

Nagbihis na siya at ginawa ang mga assignment, sinadya niyang pagurin ang sarili para makatulog na kaagad siya at hindi na niya maabutan pa ang pag-uwi ng kanyang Daddy at hindi na niya marinig ang bulyawan ng mga magulang.

"Parang ‘di ko yata kaya pag sa buhay ko'y wala ka! Aanhin ang pag-ibig kung puso ay nag-iisaaaaaa!”

Naalimpungatan si Xander dahil may naririnig siyang ungol ng umiiyak na bata. Mabilis siyang napabangon at sumandal sa headboard ng kama, hinigit ang kumot at ibinalot sa sarili at nanginig sa takot.

“Sinong aking hahanapin? Sinong aking tatawagin?”

Saka niya lang napagtanto na hindi pala iyak ng bata ang naririnig niya kung hindi ang boses ng ina niya na kumakanta. Napabuntong hininga siya at para bang guminhawa ang pakiramdam niya.

Tumayo na siya at ang palagi niyang ginagawa pagkagising ay ang pag-aayos ng kama. Pero nanibago siya sa sarili niya dahil imbis na ayusin niya ang hinigaan ay dumeretso siya sa bintana ng kwarto niya para silipin kung may makulit na Rain ba sa baba.

Nakaramdam ng kaunting lungkot si Xander dahil buong akala niya ay pupuntahan siya ni Rain dala ang bisikleta nito at sabay silang papasok sa School.

E, ano naman kung hindi ako puntahan?

Ginulo-gulo ni Xander ang buhok niya, Aghh! Umayos ka nga Xander!”

“Anak? Okay ka lang ba?”

Narinig niya ang sunod-sunod na katok ng kanyang ina.

“Ayos ka lang ba anak? Bakit ka sumisigaw? May nangyari bang masama sayo? Ha?”

“Okay lang po ako, Mommy.”

“Akala ko kung ano nang nangyayari sa’yo. Sige na, mag-ayos ka na at baka malate ka pa sa trabaho mo.”

“Opo, Mommy.”

Huminga siya ng malalim at nagsimulang ayusin ang sarili. Narinig pa niya ulit kumakanta ang Mommy niya bago ito tuluyang bumaba.

Anong nangyari dun? Bakit parang ang saya-saya?

Nang matapos na siyang mag-ayos sa sarili at ihanda ang mga gamit ay lumabas na siya ng kwarto niya at bumaba na. Laking gulat niya ng makita niyang sabay kumakain ang kanyang mga magulang sa Dining Table.

“Anak! Andiyan ka na pala? Halika! Kain ka muna,” sambit ng kanyang ama.

Lihim siyang napangiti dahil sa nasasaksihan. Ngayon na lang niya ulit nakitang sabay kumain ang mga magulang.

“Ah sige po, ‘wag na lang. Baka malate pa ko sa trabaho.” Mabilis na lumabas ng bahay si Xander at pagkalabas ay nabuo na ang ngiti niya. Gustuhin man niyang sumabay sa kanyang mga magulang ay hindi niya magawa dahil gusto niyang mapag-isa ang mga magulang.

Buong byahe niya papunta sa trabaho ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya. Maliban sa nasaksihan niya kanina ay nakaramdam din siya ng kakaibang klaseng saya nang maisip niyang makikita niya ulit si Rain.

Pagkadating niya sa Restaurant ay masigla niyang binati ang mga katrabaho kahit pa nga hindi niya kilala ang mga ito. Mabilis niyang hinanap si Rain, gusto niyang magkwento dito tungkol sa milagrong nangyari sa mga magulang. Hindi naman siya nabigong hanapin ito at nakita niya si Rain na nakapang-janitress at nagma-mop ng sahig sa labas ng Office ng Manager nila. Hindi lang iyon, naabutan niyang nagsasayaw at kumakanta si Rain habang nagma-mop ng sahig. Sumandal lang siya sa pader at pinagmasdan lang si Rain.

Nang matapos na si Rain sa pagkanta ay biglang nag-flying kiss ng sunod-sunod si Rain at nagsalita, “Thank you Araneta!”

Hindi na mapigilan ni Xander ang sarili, lumapit na siya kay Rain at ginulat.

“Ay kabayong bakla! Ano ba Xander?! Bakit ka ba nanggugulat?!”

Napasimangot na lamang si Xander.

“O? Bakit ka nakasimangot diyan?”

“Alam mo bang nagmadali akong pumunta dito, hindi na nga ako kumain para lang makita ka tapos sisigawan mo lang ako? Grabe ka!”

“E, sorry naman! Nanggugulat ka kasi, e. Bakit ba gusto mo kong makita?”

Natahimik si Xander kasi hindi niya alam kung anong isasagot.

“Xander! Rain! Huwag nga kayong magtsismisan diyan! Bumalik kayo sa mga trabaho niyo!”

Napalingon silang dalawa at nakita nila ang Supervisor nila. Kilala siya ng lahat bilang masungit at mataray na Supervisor pero biglang bumabait kapag kaharap ang mga Customers.

Hindi malaman ni Xander sa sarili kung matutuwa ba siya dahil iniligtas siya ng Supervisor sa awkward situation nila ni Rain o maiirita dahil bigla na lamang itong umeeksena.

“O? Ano pang tinutunganga niyo diyan?! Kilos!” umirap muna ang Supervisor bago umalis.

Nang makaalis na ito ay bigla na lamang nagtawanan sina Xander at Rain.

“Nagme-menopause siguro!” bulong ni Rain kay Xander habang tumatawa.

“Adik! Baka marinig ka pa, magalit ‘yung bisugo.”

Lalong lumakas ang tawanan nilang dalawa.

“Adik ka rin Xander, e. Sige na, magpalit ka na ng uniform mo at magtrabaho ka na!”

“Masusunod Ma’am!” sumaludo pa si Xander bago tuluyang iwanan ang dalaga.

Nang matapos na sila sa trabaho ay napagpasyahan na nilang pumasok sa School. Gamit ulit nila ang bisekleta papasok, si Rain ay nakaangkas, at si Xander naman ang nagbabike. Hindi mapigilan ni Xander ang sarili na lumapit ng kaunti kay Rain at amuyin ang buhok nito. Pagkuwa’y napapangiti pa siya sa tuwing magkekwento ng napakaraming bagay ni Rain. Sa sobrang dami ng kwento nito ay hindi na niya nagawang ikwento ang tungkol sa nangyari sa magulang niya.

Nakarating na sila sa School nila at sabay na pumunta sa kani-kanilang Room.

“Ah Rain, anong oras matatapos ang klase niyo?” panimulang tanong ni Xander.

“Hanggang Alas Otso pa kami, e. Bakit?”

“Sabi mo kasi ngayon mo ko dadalhin sa bahay mo?”

Nagbago ang ekspresyon ni Rain dahil nakaramdam siya ng kaunting kirot sa puso dahil bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kahapon.

“Ah. Sige! Dadalhin kita sa palasyo ko, anong oras ba matatapos klase mo?”

“Alas syete.”

“Hala! Isang oras ka maghihintay? Huwag na!”

“Handa akong maghintay.”

Natigilan si Rain sa narinig niya mula kay Xander. Napakasarap pakinggan ng mga salitang iyon. Kahit pa mababaw lamang ito para kay Xander, para sa kanya ay napakalalim na.

Napangiti si Rain. “Salamat. Salamat kung maghihintay ka nga. Papasok na ko sa room ko.”

“O, sige. Akyat na rin ako sa taas.”

Papasok na sana si Rain sa loob pero bigla siyang tnawag ni Xander kaya napalingon siya.

“Seryoso ako Rain, hihintayin kita.”

Muling napangiti si Rain sa sinambit ni Xander. Tatlong araw pa lang silang magkakilala pero sobrang gaan na ng loob niya dito. “Sige lang, hindi naman kita paghihintayin ng matagal. Isang oras lang naman.”

Dahan-dahan siyang tumalikod kay Xander at pumasok na sa loob ng Classroom niya. Nang umupo siya ay nilapitan siya ng mga kaibigang lalaki.

“Sino ‘yun Rain?” tanong ni Kiko.

“Nakita ko rin kayo kahapon magkasabay umuwi, a!” sabi ni Badong

“Syota mo ‘yun no?” tanong naman ni Pipoy.

Tinignan ni Rain ang tatlong kaibigan at isa-isang binatukan. “Ang malisyoso niyo rin eh no? Lumayas nga kayo sa harap ko! Shoo! Tabi!”

Sinunod naman siya ng mga kaibigan at lumayo sila sa kanya. Nang naiwan siyang mag-isa ay lihim siyang napangiti.

Si Xander? Syota ko? Imposible, walang magkakagusto sa kagaya ko kahit ako pa ang nag-iisang babae dito sa mundong ibabaw o kahit pa nga sa mundong ilalim.

Natapos ang klase niya na walang ibang pumasok sa isipan niya kundi ang magiging reaksyon ni Xander oras na dalhin niya ito sa bahay niya. Sigurado siya na maasiwa si Xander o baka maaaring hindi na siya makipagkaibigan o makipagkita man lang dito. Oo nga at palakaibigan siya, pero lahat ng mga kaibigan niya ay tinanggap siya bilang siya, kahit ano pa ang mga nalaman nila tungkol sa kanya. Pero kung gaano kadami ang mga kaibigan niya, ganun din kadami ang mga taong ni-reject siya. Saka ‘yung mga taong bumabati sa kanya araw-araw, karamihan doon ay hindi nila alam kung anong klaseng pamilya at buhay ba meron siya.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED <3

ANYWAY, LAHAT NAMAN SIGURO DITO MAY FACEBOOK 'DI BA? XD SALI KAYO SA GROUP :) HANJHANJBEYBE STORIES. ETO 'YUNG LINK: https://www.facebook.com/groups/Hanjhanjbabies/

MADAMI PONG NANGYAYARI DIYAN XD MAY GAMES, CONTEST ETC. HAHAHA. DIYAN KO INA-ANNOUNCE ANG ANNOUNCEMENTS REGARDING THE BOOKS AND MEET-UPS :)))

SEE YOU THERE HAHAHAHA.

Continue Reading

You'll Also Like

252K 11K 54
C O M P L E T E D ISANG ARAW, ANG LAKI NG GALIT KO SA MUNDO. GUSTO KONG ILABAS PERO HINDI KO ALAM KUNG PAANO. HANGGANG SA NAKITA KO ANG 23:11 NI RAY...
6.9M 123K 27
What is love? Written Šī¸ 2014
8.7K 281 16
Mostly gores and realisms.
42.3K 176 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...