GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)

By my_love_letter

1.4M 54.5K 2.9K

Damon Lawrence is suffering from GYNOPHOBIA means (fear of women) because of his abusive step mother and step... More

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Epilogue

Twenty Nine

24.9K 1K 52
By my_love_letter

Nakauwi na 'ko ngayon finally galing Studio. Nakadagdag sa pagod ang byahe pauwi dahil sa traffic at ang walang paramdam na si Damon. Nung lunch pa huli niyang paramdam sa'kin. Siguro masyadong busy sa restaurant niya.

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko tsaka umupo sa kama ko. Kinuha ko din muna 'yung cellphone ko sa bag tsaka ako nag binagsak ang katawan ko sa kama. Dinaial ko number ni Damon para kahit papaano marinig ko manlang boses niya ngayong araw.

Ilang sandali lang sinagot na niya 'yung tawag. "Hi."

"Hi, i miss you."

"Me too."

"I want to see you."

"Pupunta ako dyan."

Ngumiti ako nang marinig ko palang 'yun. "Sige, hihintayin kita. Mag ingat ka sa byahe."

"Okay." Ibinaba ko na 'yung tawag at bumangon sa kama ko. Kumuha ako ng towel at nag lakad papasok ng bathroom para mag shower muna ng mabilis habang wala pa siya.

Nang matapos naman ako, nag bihis lang ako ng short at T-shirt tsaka ko pinunasan ang buhok ko para matuyo. After nun, lumabas ako ng kwarto ko. Plano ko sanang dumiretso sa kusina pero narinig kong may nag doorbell hula ko siya na 'yun.

Nag madali akong buksan 'yung pinto at siya nga ang nakita ko kaya bigla akong ngumiti.

"Hi." He greeted.

"Hi." I greeted back. Bigla ko siyang niyakap na alam kong nag pakaba sa kanya ng very light kaya bumitaw agad ako. "Sorry, na miss lang talaga kita." I quickly apologized.

He smiles, weakly. "Ayos lang."

Hinawakan ko siya sa kamay, plano ko sana siyang hilain papasok pero hindi siya pumayag. "Sorry, aalis din agad ako kaya hindi na 'ko papasok."

"Bakit naman?" Kunot noo kong tanong.

"Madaming gagawin pa sa restaurant eh. I just came because you wanted to see me."

Kinagat ko ang lower lip ko at 'di maiwasang ma-disappoint. Akala ko pa naman makakasama ko siya kahit two hours lang pero hindi dahil aalis na siya agad.

"I see."

"Sorry." He apologized.

"Ayos lang, I understand, trabaho 'yun eh. Bawi ka nalang bukas."

"Sige." Lumapit pa 'ko ng mas malapit sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at ipinahawak 'to sa bewang ko. Ipinatong ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya. Nag tiptoe ako para halikan siya sa labi ng mabilis.

After ko siyang halikan, iniyakap ko sa leeg niya ang mga braso ko. "I love you." Bulong ko.

"I love you too."

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti. "Ingat sa byahe at 'wag masyadong mag puyat." Paalala ko.

Tumango lang siya bilang sagot. Nag simula na siyang mag lakad papunta sa kotse niya. Pinag masdan ko muna siyang bumyahe bago ako pumasok ng bahay. Sinarado ko ang pinto at nag lakad na papuntang kwarto.

Gusto ko sanang kumain kaya lang wala naman akong kasabay kaya 'wag nalang siguro. Itutulog ko nalang 'to.

Pag pasok ko ng kwarto ko kinuha ko muna 'yung cellphone sa side table tsaka ako nag type ng pang text kay Damon.

Ingat my takosa. I love you.

Nilapag ko ulit sa side table 'yung cellphone at humiga na ng kama ko. Mmm. Bed time.

Nagising ako mula sa pagkakatulog at ang unang pumasok sa isip ko ay si Damon. Bumangon ako ng kama at nag stretch ng katawan ko. Kinuha ko 'yung cellphone ko sa side table para tignan kung may message pero wala naman akong nakita kaya nilapag ko nalang 'to ulit.

Inayos ko lang 'yung kama ko tsaka ako lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina para gumawa ng breakfast. Ang aga-aga kong nagugutom siguro dahil hindi ako kumain kagabi.

Kumuha ako ng pwedeng maluto sa ref. tsaka ako nag simulang mag luto ng mabilisan lang. Nang matapos naman ako sa pagluluto, pag timpla naman ng coffee ang ginawa ko. Nang magawa ko din 'yun sinimulan ko na ang kumain ng breakfast.

Sa pag tapos kong kumain hinugasan ko lang pinagkainan ko at pinaglutuan tsaka ako bumalik ng kwarto para mag prepare naman sa pag pasok ko sa trabaho.

Nag shower lang ako, nag bihis. Gora na!

Lumabas na ako ng Apartment at dumiretso sa baby Ian ko. Sumakay ako ng driver's seat at nilagay sa passenger seat ang bag ko. Ini-start ko 'yung makina ng kotse pero bago ako nag simulanh mag byahe nag text muna ako kay Damon.

Pasok na 'ko, see yah at lunch break. I love you.

Inilagay ko lang sa bag ko 'yung cellphone tsaka ko naman sinimulan ang mag byahe papuntang Studio.

Nang makarating ako ng studio saktong dating din ni Lucas. Bumaba ako ng kotse at pinagtulungan naming buksan ang Studio.

"Ateng diba this weekend na 'yung Prenup photoshoot ni Ma'am Natalie?" Pagpapaalala ni Lucas. Oh shit! Muntikan ko nang makalimutan 'yun ah. Haay! Sana naman hindi sumama 'yung bruhang Karla sa photoshoot.

"Oo nga, buti pinaalala mo."

Pumunta na 'ko sa table ko, bago ko simulan ang trabaho ko. Kinuha ko muna 'yung cellphone mula sa bag ko para tignan kung may message mula kay Damon pero wala naman akong na-receive.

Tulog pa kaya siya? Himala eh, 'di pa nag te-text. Baka napuyat kaka-trabaho.

Itinabi ko nalang 'yung cellphone ko at nag focus na sa work.

Nang dumating ang lunch break...

Bago ako tuluyang lumabas ng Studio, chineck ko muna 'yung cellphone ko kung may message and thank god meron na at galing 'yun kay Damon ko.

Hi.

Ang tipid pero at least nag text.

Lumabas na 'ko ng Studio, ni-lock ko muna 'to tsaka kami nag hiwalay ng way ni Lucas.

Sumakay na 'ko ng kotse ko at sinimulan na ang byahe papunta sa restaurant ni Damon.

Nang makarating ako sa restaurant. Pagka-park ko ng kotse ko, pinatay ko lang 'yung makina ng kotse ko tsaka ako bumaba.

Sinimulan kong mag lakad papasok ng restaurant at lumapit sa isa sa mga waiter.

"Excuse me, nasaan si Damon?" Tanong ko.

"Nasa office po niya, Ma'am."

"Kanina pa ba siya dun?"

"Opo, ni hindi nga po lumalabas eh."

Mukhang busy nga. Ni hindi pala lumalabas ng office niya.

"Sige, salamat pupuntahan ko na lang siya." Nag simula na 'kong mag lakad papuntang office. Pag dating ko kumatok muna 'ko.

"Pasok!" I heard him said. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakaupo habang subsob sa papers niya. Ni hindi siya nah abalang tignan kung sino 'yung pumasok.

"Hi." I speak making him looked at me.

"H-Hi." He greeted, surprised? maybe. Tumingin siya sa wristwatch niya at napa buntong hininga.

"Hulaan ko. Hindi mo namalayan ang oras nu?"

"Oo." Pag amin niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa." Tignan mo 'to! Kung hindi pa 'ko dumating baka hindi pa 'to kakain.

Tumayo siya. "O-order lang ako ng kakainin natin." Tumango lang ako bilang sagot.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa forehead tsaka siya nag simulang mag lakad palabas ng office niya.

Umupo nalang muna 'ko habang hinihintay siya. Inabot din ata ng sampong minuto nang mag bukas ang pinto at isang waiter ang pumasok. Nilapag niya sa table 'yung pagkain na inorder ni Damon.

"Where's Damon?" Tanong ko.

"Ang sabi po niya mauna na daw po kayong kumain, susunod daw po siya." What? Eh kaya nga 'ko nandito para sabay kami eh tapos papaunahin niya 'ko.

Nang makaalis 'yung waiter, i decided na hintayin na muna si Damon bago ko simulang kumain. Ayoko namang kumain mag isa.

Hindi ko alam kung gaano na 'ko katagal na naghihintay kay Damon dito sa office niya. Siguro mga fifteen minutes or more pa.

Tumayo nalang ako at naglakad palabas ng office para puntahan siya kung nasaan man siya.

Nakita ko siya sa counter na nag ta-trabaho.

What the... kanina pa 'ko nag hihintay sa kanya sa loob para sabay kaming kumain tapos nandito lang pala siya. Alam kong importante ang trabaho pero hindi ba niya alam na importante din ang break!

Nag lakad ako papalapit sa kanya. "Aalis na 'ko." Pagpapaalam ko at nasa tono ko ang inis.

"Okay." Okay?!!! Seriously?!!! Okay lang?!!! Damn it! Hindi manlang ba siya mag so-sorry na pinag hihintay niya 'ko sa wala!

Gusto kong sumabog sa inis pero todo pigil ako. Urgh!!

--

Keep voting.

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
111K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
98.8K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?