GYNOPHOBIA (Fear of WOMEN)

بواسطة my_love_letter

1.4M 54.5K 2.9K

Damon Lawrence is suffering from GYNOPHOBIA means (fear of women) because of his abusive step mother and step... المزيد

Introduction
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Epilogue

Twenty Eight

25.3K 1K 28
بواسطة my_love_letter

On the way na kami ni Damon pauwi. Hindi na kami nag palipas ng gabi sa bahay nila Mama. Until now tahimik pa din si Damon siguro tungkol pa rin 'to sa na i-open na topic ni Mama. Big deal talaga siguro sa kanya ang Marriage at sex. Kung sabagay sa pagkakatanda ko sa nabasa ko sa internet about phobia niya, mas preferred nilang tumanda mag isa or tumanda ng virgin.

Kaya siguro until now medyo nag fi-freak out pa din siya.

I know deep inside me, sure na 'kong si Damon na ang huli para sa'kin dahil sa bongga kong love sa kanya. Gusto kong umabot kami sa kasalan pero kung hindi naman niya kaya 'yun anong magagawa ko?

Nakarating kaming dalawa sa Apartment ko. Pareho lang kaming hindi bumaba dito sa kotse kahit na naka patay na 'yung makina.

"Iniisip mo pa rin ba ang tungkol dun?" Tanong ko na bumasag ng katahimikan namin.

"Ganun na nga, pasensya na."

"I understand."

"You're very understanding." Compliment ba 'yun?

"Mahal kasi kita."

He smiles, weakly. "Mahal din kita."

"'Wag mo nang isipin ang tungkol dun, okay?" Tumango lang siya bilang sagot.

Binuksan ko na 'yung pinto ng kotse para bumaba, ganun din naman ang ginawa ni Damon. Dumiretso ako sa pag punta sa pinto ng bahay at ini-unlock ito pero bago ako pumasok humarap muna ako kay Damon.

"Mag iingat ka pauwi."

"Oo." Matipid niyang sabi. Hinalikan ko siya sa pisnge niya ng mabilis.

"Goodnight."

"Goodnight." Hinintay ko munang bumalik siya sa kotse niya hanggang makapag maneho paalis bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko. Pag pasok ko ibinagsak ko agad 'yung katawan ko sa kama at tumingin sa kisame.

Di ko tuloy maiwasang isipin 'yung pinangangambahang Marriage at sex ni Damon. Siguro nga nasa kissing stage na kamo ng pag tulong ko sa kanyang mawala ang phobia pero ang tanong may lalagpas pa ba dun? Ni ang matulog nga lang ng magkatabi hindi pa niya kaya.

Well tulad naman ng sinabi ko sa kanya magagawa ko namang mag hintay. Siguro naman baka pag kinatagalan mawawala na 'yung phobia niya ng tuluyan para magpakasal na kami.

Sana nga!

Ipinikit ko nalang 'yung mga mata ko, para mag rest muna nakakapagod ang two hours na byahe pauwi kela Mama eh.

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock. Bumangon ako ng kama para patayin 'yun mula sa side table. I looked down at myself suot ko parin 'yung suot ko kagabi, hindi ko na namalayang nakatulog ako.

Hinubad ko nalang muna 'yung suot kong T-shirt at kumuha ng sando tsaka ko 'to sinuot. Lumabas din naman agad ako ng kwarto para naman gumawa ng breakfast ko.

Hmm... pero parang wala ako sa mood kumain ngayon kaya ang ginawa ko nalang nag timpla ng kape. Humihikab pa 'ko habang nag titimpla.

Inilapag ko sa table 'yung kape ko tsaka ako umupo. Nakatulala lang ako habang hinahalo ko 'yung kape ko gamit ang maliit na kutsara. Dala siguro ng antok kaya medyo tulaley pa 'ko tsaka na isip ko din bigla si Damon.

Siguro naman dahil lumipas na ang gabi hindi na siya affected tungkol kahapon. Hmm. Ihahatid kaya niya 'ko ngayon?

Ininum ko na din naman agad 'yung kape ng dahan dahan at nang maubos ko 'yun bumalik na 'ko ng kwarto ko. Kinuha ko lang din muna sa bag ko 'yung cellphone ko para i-text si Damon.

Good morning my takosa.

Pagka-text ko sa kanya inilapag ko sa side table 'yung cellphone ko tsaka ako kumuha ng towel at dumiretso sa bathroom para mag shower.

Nang matapos naman akong mag shower, nag bihis agad ako pang pasok ko sa trabaho. Sa pag tapos kong mag asikaso lahat-lahat kinuha ko 'yung gamit ko pati cellphone sa side table tinignan ko muna kung may text mula kay Damon at nung may makita akong meron binasa ko agad ito.

Good morning, sorry hindi kita mahahatid na late ako ng gising.

Ok lang. Kitakits nalang sa lunch break mamaya. I love you.

Nag lakad na 'ko palabas ng kwarto ko pagka-reply ko sa kanya.

Dumiretso ako palabas ng Apartment papunta sa kotse ko. Sumakay ako at nilapag muna sa passenger seat 'yung bag ko tsaka ko sinimulan ang byahe papunta ng Studio.

Nang makarating naman ako pagbaba ko ng sasakyan, saktong dating din ni Lucas kaya tinulungan niya 'ko sa pagbubukas ng Studio tsaka kami nag kanya-kanya ng pwesto.

Halos kasisimula ko palang sa trabaho ko nang marinig kong nag na ring 'yung cellphone ko. Kinuha ko 'yun sa table ko at tinignan kung sino ang nakita ko ay si Luisa.

"Beb, bakit?" Tanong ko pagkasagot ko ng tawag.

"Lunch tayo mamaya sa Cafe ni Maj? Girls lang muna walang kasamang boyfriend."

"Bakit anong meron?" Nakapag text pa naman ako kay Damon na magkikita kaming mamayang lunch.

"Pahinga ko mula sa busy kong pag aasikaso sa kasal namin ni Justin."

"Hmm... i see. Sige, game ako."

"Okay, see yah later."

"See yah!" I ended the call then sinimulan ko namang i-text si Damon para sabihin sa kanya na 'di muna kami sabay na mag la-lunch.

Hi my takosa, sorry baka hindi muna ako makapunta dyan niyaya ako ni Luisa na mag lunch sa Cafe ni Majah. Ayos lang ba?

Nag hintay ako sa reply niya na inabot din ata ng tatlong minuto.

Ayos lang.

Ang tipid naman niyang mag text.

Itinabi ko na ulit ang cellphone ko since nakapayag na siya. Nag focus nalang ulit ako sa work.

Nang dumating ang oras ng lunch break...

Nag kanya-kanya na kami ni Lucas ng pupuntahan, ako syempre sa Cafe ng kaibigan ko.

Dumiretso ako sa kotse. Nang mai-start ko 'to bago ko sinimulan ang byahe nag text muna ako kay Damon.

Hi my takosa, papunta na 'ko sa Cafe. I love you so much. 😚

Inilagay ko din naman agad sa bag ko 'yung cellphone pagkatext ko tsaka ako nag maneho.

Nang makarating ako ng Cafe, nag bayad lang ako ng pamasahe kay manong driver tsaka ako nag lakad papasok ng Cafe. Dumiretso ako sa pwestuhan namin dito at nakita ko na 'yung dalawa dun.

"Hello, ladies." I greeted them.

"Beb!" Sabay nilang tawag sa'kin.

"Blooming ah!" Luisa teases.

"May nag papa-blooming kasi." Sagot ko naman. "Kumusta preparation sa kasal?" Tanong ko pagkaupo ko.

"Ayos naman invitations nalang, next month kasalan na. Na e-excite na nga ako eh."

"Halata nga eh." Maj said smiling.

"Eh ikaw Maj kailan ka magpapakasal?" Biro kong tanong.

She rolled her eyes. "Paano naman ako magpapakasal eh wala nga 'kong jowa? Ikaw nga dapat 'tong tinatanong dahil may Damon ka."

"Oo nga." Luisa agreed.

"Haay! Alam nyo i-off topic muna natin 'yan. 'Wag na 'wag nyo ding babanggitin sa harap ni Damon dahil hindi pa handa ang takosa ko sa mga ganyang topic."

"Bakit nabanggit mo na ba ang tungkol dun?" Majah asked.

"Not me. Si Mama. Bumisita kami sakanila kahapon at nang mabanggit kong malapit ng ikasal si Luisa, ayun biglang nag tanong kung kailan ako sunod at itong si Damon nag freak out about dun."

"Bakit ano bang sinabi?" Kunot noong tanong ni Luisa.

"Mahal naman daw niya 'ko kaya lang ayaw niya daw mag pakasal kasi ang kasal ay may sex."

"Oh my god, really 'yun ang sinabi nya?" Natatawang sabi ni Majah.

I nodded. "Ang mga takosa kasing tulad nya hindi bet ang sex."

"Grabe ang komplikado talaga ng jowa mo." Maj comments.

"Sinabi mo pa." I agreed.

"Eh anong sinagot mo sa sinabi nya?" Luisa asked.

"I told him, willing naman akong mag wait. Sana nga lang may hinihintay ako."

"Malay mo naman." Pagpapalakas niya ng loob. Sana nga! Mahihintay ko naman talaga siya eh. 'Wag nga lang sanang sobrang tagal, baka menopause na 'ko bago nya maisipang mag pakasal sa'kin at mag make love.

--

Keep voting babies. 😊

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

778K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022