I Won't Give Up

Από ohitsmeLyyyy

18.2K 623 55

Περισσότερα

Prolouge
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 18

293 5 0
Από ohitsmeLyyyy

*PRESENT*
FIONA POV

First day of class

Boring

Actually hindi naman talaga ako excited eh. Sino ba namang maeexcite kung alam mong pagdating mo sa school nandon yung Ex mong Nanloko, Nanakit sayo.

Pero sa kabila ng mga pananakit niya saken Mahal na Mahal ko pa din siya.

Tanga na nga siguro ang tawag saken pero masisisi mo ba ako? Kung siya ang gumawa ng dahilan para mahalin ko siya ng sobra?

Lahat na ginawa ko para balikan niya ako

Nagpaganda (oo nagpaganda) dahil nerd ako dati At yun ang dahilan kung baket andali niya akong iwan

Kasi nahihiya siya tuwing kasama niya ako.

Well sana pag nakita niya ang Bagong Fiona ngayon magdusa siya.

Dahil hindi na ako ang Fiona Salvador na nakilala niya.

Ibang iba nako

Kanina mo pa binabasa ang kwento ko pero di mo pa ako kilala diba?

Ako nga pala si Fiona Salvador. College. 17years old. Only child. Nerd dati pero Maganda na ngayon.

Well sa kakakwento ko nawala sa isip ko ang oras.

Kaya dali dali akong tumakbo sa Cr mabilis na naligo nag bihis at higit sa lahat NAG PAGANDA

Syempre no baka makasalubong ko ang ex kong iniwan ako. Dapat lang siyang magdusa sa panloloko at pang iiwan na ginawa niya saken.

Hindi naman sa gaganti ako pero gusto ko lang talaga ipamukha sa kaniya na Nagkamali siya sa ginawa niyang pag iiwan saken

At yun na nga natapos na ko sa pag papaganda. Pero bago ako lumabas ng kwarto at bumaba para kumaen. Kinuha ko muna ang cellphone ko na nakalagay sa gilid ng kama ko

At nag selfie ako tsaka pinost sa fb

Wala pang 1min pero andami na agad nag react well hindi naman nila alam na nag paganda ako. Bakasyon kasi nung natuto ako mag ayos at pumorma.

Ngayon ko lang naramdaman ang excitement..

Lumabas nako ng kwarto at bumaba para kumaen

"Goodmorning Mommy and Daddy" Bati ko sa kanila

"Goodmorning Baby!!" Sabay nilang bati saken.

Natuwa naman ako, lumapit ako sa kanila para ikiss sila

"Ang sweet naman ng baby ko. Heto oh kumain ka muna bago ka pumasok tutal wala pa naman si Ehlisse (bestfriend ko since elem)" sabi ni daddy saken at kiniss ako sa ulo

"Sabay na tayo mommy, daddy"

Sa kalagitnaan ng tawanan namen, napunta ang usapan namen kay Troy (siya yung sinasabi kong ex kong nanloko saken)

"Sigurado kabang papasok kana?" Concern na tanong ni Mommy. Open kasi ako sa kanila kaya alam ni mommy at daddy ang ginawa saken ni troy

"Oo naman mommy." Sabay fake smile. Kelangan kong maging malakas no

"Ayan na pala si Ehlisse eh" sabi ni daddy habang nakatingin sa gate namen

"Goodmorning po tito, tita" bati ni Ehlisse kila mommy

"Goodmorning ehlisse" bati ni mommy

"Oh anak mag iingat kayo sa pag pasok at baka mapano kayo" sabi ni daddy samen

"Ako na pong bahala kay Fiona tito, Matakot sila sa braso ko" biro ni ehlisse kila daddy

"Baliw" sabi ko at kinuha ko na yung bag ko at pumunta sa pwesto ni Ehlisse

"Tara?" Sabi ni ehlisse nginitian ko lang siya at Umalis na

"See you Troy..." Bulong ko sa sarili ko

"Ano? May sinasabi ka?" Tanong saken ni Ehlisse

"Ah-eh wala wala" sagot ko sa tanong niya

Habang nag lalakad kame (dahil malapit lang naman samen ang university at 15mins lang naman kung lakarin) iniisip ko kung anong magiging reaction ng mga kaklase namen at syempre si troy pag nakita ibang iba nako

Dati kasi lagi akong binu bully dahil nerd nga at manang ako pumorma.. Ngayon hindi na nila ako mabubully

"Uy nakikinig kaba?" Bumalik ako sa pagkatao ko nang ugain ako ni Ehlisse

"Ah ano kase yun?" Kung ano ano kasi naiisip ko eh -______-

"Kanina pako kwento ng kwento di ka naman pala nakikinig" pagtatampo ni ehlisse matampuhin kase tong bestfriend ko eh

"Sorry. Ano ulit yung kwento mo?" Sabi ko, at niyakap ko siya. Kelangan niya ng lambing ko hehe

"Sabi ko. Pag nakita mo si troy ngitian mo siya ng pinaka magandang ngiti na nagpapahiwatig na 'eto ang sinayang mo' smile. Tapos huwag na huwag kang papahalata na mahal mo pa siya huwag mong ipahalata ang kahinaan mo" sermon saken ni ehlisse

"Eh pano kung makipag balikan siya?" Tanong ko. At nararamdaman ko na naman ang luha ko na kahit anong oras eh pwedeng tumulo

"Mahal mo paba?" Tanong niya saken

"Tinatanong paba yan? Oo sobra" sagot ko sa kaniya

Binatukan niya ako ng sobrang lakas. Yung brain kooo

"Sinaktan at niloko kana lahat lahat tas sasabihin mo mahal mopa? Bukas may parada ng mga tanga sa unahan ka ha"

"Kung bigyan ko kaya siya ulit ng chance?" Tanong ko sa kaniya

"Grabe bes. Ilang chance na ang binigay mo sa kaniya may nangyare ba?" Pagtataray ng bestfriend ko

"Bes diba pag mahal mo ang second chance nagiging Unlimited chance?" Wala na tumulo na luha ko

"Ssshhh. Tama na. Andito na tayo. Punasan mo luha mo. At magretouch ka" sabi niya saken

Sumunod ako at saktong pagkatapos ko may tumawag saken mula sa pagkatalikod ko. Kahit hindi ako humarap alam na alam ko kung sinong tumawag saken. Humarap ako sa kaniya

"Troy" gulat at mahinang sabi ko

Expected ko na na magkikita kame pero hindi ko aakalain na ang aga at Tatawagin niya ko

Pagkatapos kasi nung huling usap namen hindi niya na ako pinapansin

Yung tipong magkakasalubong pero aakma siya hindi niya ako nakita o hindi niya ako kilala

"Fiona Can We Talk?" Sabi niya ng maamong mukha

Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko. Pano ba to? Papayag bako? O tatanggapin ko nalang? Pero diba kelangan namen ng closure?

"About what" Tanong ko pero yung luha ko? Mukhang tutulo na naman

Isang taon na ng saktan niya ako pero hanggang ngayon apektado parin ako

"About us" sabi niya.

Tumingin ako kay Ehlisse at pinagdikit niya yung dalawang masukit niyang kilay. Parang sinasabi niyang "yung sinabi ko sayo" look

"Sorry pero baka malate kami eh" sabi ko. Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at umalis na kame ng walang paalam

Nang makalagpas kami sa kinatayuan namen kanina nila troy tumingin ako sa kaniya at nakatayo parin siya habang nakatalikod samen

Tumingin ako kay Ehlisse sabagay hindi ko naman siya masisisi. Siya kasi yung nandyan nung panahong Sobrang nasaktan ako. Siya yung laging nandyan tuwing may problema ako.

Pagpasok namen sa gate ng campus. Nakatingin na saken (OO SAKEN) yung mga ka-schoolmates namen. Yung iba nagbubulungan pero hindi nalang namen pinansin ni Ehlisse yung mga naririnig namen

Dumeretso kami sa Board kung san nakalagay yung mga pangalan ng estudyante at mga section.

Hanggang sa paglalakad namen maraming mata parin ang sumusunod sa paglakad ko.

At andito na nga kame sa board hinanap ko ang pangalan ko.

0_o

Nanadya ba talaga sila?
Magkaklase kame nila Ehlisse at Troy

Yung totoo?

Kahit mabigat sa kalooban ko pumasok parin ako sa classroom namen

Habang hinihintay namen yung prof namen. May kaniya kaniyang ginagawa ang mga kaklase ko. Ako? Eto nakikinig ng music si Ehlisse nag seselfie.

"Bes selfie tayo. Isa lang" yaya saken ni Ehlisse

Sinunod ko siya at ngumiti nalang. As in simpleng simpleng ngiti lang. At pagtapos ng selfie namen ni bes biglang natanaw ng mata ko ang lalaking nasa pintuan na hindi naman kalayuan sa pwesto namen. Sino? Si Troy

Nahiya ako bigla. Nag init mukha ko. Kaya yumuko nalang ako. Tinignan yung picture namen ni Ehlisse at nagpanggap na hindi ko siya nakita

"Anong username mo sa Twitter?" Tanong saken ni Ehlisse

Buti nalang kinausap niya ako at nabawasan kahit papano yung kahihiyang nararamdaman ko

"@OhItsMeFiona" sagot ko sa tanong niya na hindi parin pinapansin si troy na papalapit sa pwesto namen

May bakanteng upuan kasi sa tabi ko. Oo sa tabi ko. Alam niyo na ngayon kung gano ako kamalas diba? Gusto ko sanang makipagpalit kay Ehlisse nang pwesto kaso baka sabihin ni Troy bitter ako. Kaya magtitiis nalang ako

Sa paghihintay namen ng matagal. Sa wakas dumating narin ang Prof namen. At ayun nagpakilala siya. Isa isa din kameng magpapakilala sa harapan. Imagine kung gano nakakahiya? Pero buti nalang kaklase ko si Ehlisse kahit papano may susuporta saken.

"Hi. My name is Ehlisse Credo. 17 years old. Friendly. Makulit. Masungit? It depends on how you treat me. Yun lang" ngumiti si Ehlisse at nagbow na tanda na tapos na siya

"Next" sabi ng prof namen at tumingin saken saka ngumiti

Tumayo ako ng dahan-dahan. Yung totoo? Kinakabahan talaga ako eh

Nagkasalubong kame ni Bes at tinaas yung isang kamay tanda ng pagsuporta saken.

Habang naglalakad ako papunta sa harap (nasa pinaka likod kasi kame nakaupo). Naaanigan ko ang mga kaklase kong nagbubulungan.

Ngumiti muna ako at saka nagpakilala

"Hi. My name is Fiona Salvador. 17 years old. Tama po kayo, ako po yung dating nerd na laging binubully at nilalait. Natutong mag-ayos ng simulang nasaktan" ngumiti nalang ako.

Napatingin ako sa dereksyon kung san nakaupo si troy. Napayuko nalang siya at dahan dahan ding tumayo para pumunta sa harapan ng hindi parin ako tinitignan

Parang nakonsensya tuloy ako sa sinabi ko. Tama lang ba na sinabi ko yon? Pero parang may mali eh. Mali talaga wala man akong sinabing pangalan pero alam ng lahat kung sino ang tinutukoy ko. At nakokonsensya ako don

"Wazzup guys! My na----" naputol ang sasabihin ni Troy nang biglang magtilian ang mga girls

May mga taong nang hihinayang na nagbreak kame pero may tao ding natuwa dahil masosolo na nila si troy

"Guys Quiet" bawal ng prof namen sa mahinhin na paraan

"My name is Troy Salcedo. Maybe you know my name but you don't know my story" tas nag bow at bumalik na sa tabi ko (katabi ko nga kasi siya sa upuan diba?) Ewan ko kung baket tabi kame.

"Okay guys for now hindi muna tayo mag lelecture mag bobotohan muna tayo for class officers then Sitting arrangement lang tayo today" sabi ni mam

"The nomination for president will be open. Any nomination?" Sabi ni mam

Napatingin ako sa katabi kong nananahimik. Tinaas ko ang kanang kamay ko para bumoto

"I nominate Ehlisse for president" sabi ko tas tinignan si Ehlisse na halatang gulat na gulat hahahaha. Sorry bes

At ayun na nga nanalo si Bes for President. Nakaboto narin kame para sa mga iba pang class officers.

"The nomination for muse is now open" sabi ni Ehlisse

Siya na kasi yung nasa harapan kasama yung secretary namen. Tutal siya naman na daw yung president

"I nominate Fiona for muse" sabi ng isa naming kaklase na hindi ko kilala at hindi ko narinig yung pag introduce herself niya dahil sa wala ako sa sarili

"I nominate Lucy for muse" sabi ng kaibigan ni lucy.

"The nomination for muse is now officially close. Who willing to vote Fiona for muse?" Sabi ni Ehlisse at binilang na yung mga Nagtaas ng kamay at kasama na don yung katani ko ngayong si Troy

"35. Then Lucy for muse?" Habang binibilang niya din

At natapos na ang bilingan sa muse at sa kasamaang palad? Ako ang nanalo

"The nomination for Escort is now open" sabi ulit ni Ehlisse

At lahat ng kaklase ko ayun isa lang binubuka ng bibig. Sino binoto nila? Eh sino pa malamang si troy

Kame na ang Muse at escort. Hindi ako masaya. Naiinis ako kung baket kelangan nilang mang asar ng ganito. Bitter na kung bitter. Nasaktan kaya ako ng sobra sa sobra sa ginawa niya sa akin

Tadhana baket ba sobra ka kung makapaglaro?

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Ace Από Antonia

Ρομαντική

190M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
76K 3.3K 176
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
22.6M 793K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
541K 48.8K 34
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...