She's The Bad Boy's Princess

De VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... Mais

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 10

237K 6.7K 263
De VixenneAnne


Hindi ko alam kung anong klaseng ugali meron 'tong si Paniki. Hindi man lang talaga ako hinintay. Halos magkanda-kuba na tuloy ako sa pagbitbit ng napakaraming groceries at parang ewan na rin ang itsura ko. Ang mahaba kong buhok na medyo alon-alon pakiramdam ko sobrang lagkit na sa pawis at mukha na talaga akong lusyang na sampo ang anak sa anyo ko. Pinagtitinginan na nga ako ng mga kasalubong ko eh.

Umasa akong babalikan ako ni Paniki, ang alam ko kasi kahit ganun kakunat ang ugali ng isang iyon ay may tinatago din siyang katiting na kabutihan sa katawan. Yun nga lang nakarating na lamang ako malapit sa parking wala pa din kahit na anino ni paniki.

Malamang masarap na ang pwesto niya sa komportableng upuan ng kanyang kotse habang nakikinig ng music. Samantalang ako halos kainin na ng pawis ko at maputulan na ng spinal cord sa bigat ng mga dala.

Nakahinga ako ng maluwag nang namataan ko na ang kotse niya. Si Paniki, prenteng nakasandal sa kotse habang nakasuot ng itim na headphones. Tsk. Malapit nang matapos ang paghihirap mo, Sofia. Konting tiis na lang. Pero kaagad na nawala ang ngising nabuo sa labi ko nang makita kong may lumapit sa kanya. Huminto ako at bahagyang nagtago.

Dalawang tao, isang lalaki at isang babae. Kahit medyo malayo ako sa kanila malinaw naman ang paningin ko. Si Rianne ang babae, napakaganda at napakasexy nito. Malawak ang pagkakangiti nito sa kanya, samantalang siya, imbes na ngumiti ay pinahalata pa sa mukha ang pagkaasar. At ang sama ng tingin niya sa kasama ni Rianne, parang mangangain ng tao ang anyo niya. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero malamang ang lalaking kasama ni Rianne ay ang mismong lalaking pinagseselosan ni Jave. Si Brendan.

Buti nga sayo. Karma is real.

Alam kong kinakausap pa siya nila Rianne, nilahad pa nga ni Brendan ang kamay nito para siguro makipagkilala sa kanya pero hindi niya inabot iyon. Sa halip ay asar ang mukhang pumasok ng kotse. Tinted pa man din ang salamin no'n. Napakabastos talaga nitong si Paniki. Hindi talaga naturuan ng magandang asal noong bata pa. Kawawa naman yung kasama ni Rianne, mukhang napahiya.

Kinabahan ako nang makita kong naglakad sila Rianne patungo sa akin. Tama. Papasok nga pala sila ng mall at nandito ako malapit sa may entrance, natural ay madadaanan nila ako. Natuod ang mga paa ko, naisip kong yumuko nalang at maglakad ng normal para hindi nila ako mapansin. Yun nalang ang gagawin ko.

Pero nang dumaan na sa harap ko si Rianne, hindi ko maiwasang mapatanga, ang ganda niya, sobrang ganda niya sa malapitan. Para siyang isang totoong Dyosang bumaba mula sa langit. Napakakinis ng balat at napaka-perpekto ng mukha.

Ewan ko ba, na-focus nalang bigla ang atensyon ko kay Rianne na hindi ko napansing sa gitna na pala ako ng driveway. Nakarinig ako ng sasakyang paparating kaya napalingon ako, huli na ang lahat dahil mabilis ang takbo nito papunta sa akin, ang driver parang bangag din, hindi nakatingin sa daan, nakatuon ito sa kung anong bagay sa nakapatong sa passenger seat nito.

Bumuka ang bibig ko para sumigaw, parang nanigas lahat ng muscles ko sa katawan at hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla, mababangga ako! Jusko, mamatay na ako! Ang nagawa ko nalang ng mga oras na yun ay ang pumikit para hindi ko makita ang karumal-dumal kong katapusan!

Sa pagpikit ko naramdaman kong may humila sa braso ko, sa lakas ng pagkakahatak nawalan ako ng balanse at nadapa patungo sa gilid ng driveway. Ilang sandali pa naabsorb na ng utak ko kung ano ang nangyari, nakaiwas ako sa sasakyan! Pero...

"Miss Ri-- Sorry!" bulalas ko. Nadaganan ko siya, siya yata ang humila sa akin. Si Miss Rianne. Kawawa naman ang malambot nitong katawan. Sinubukan kong bumangon pero nakaramdam ako ng matinding sakit sa legs at sa balakang. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

"Aww..." Narinig kong daing ni Rianne, kaya pinilit ko na talagang bumangon. Hindi ko kaya mag-isa buti na lamang at inalalayan ako ni Brendan, isusunod sana nitong ibangon si Rianne pero nauna na si Jave, mukhang tumakbo ito nang makita ang mga pangyayari. Nakita ng mga guards ang kaganapan kaya nagkagulo nang harangin ng mga ito ang sasakyan na muntik nang bumangga sa'kin.

"Are you ok?"puno ang pag aalala ni Jave.

Napahawak ako sa braso kong sumasakit na rin, pero pakiramdam ko mas masakit ang bawat pintig ng puso ko. Kasi ang tanong na 'yon ni Jave ay hindi para sa'kin. Para kay Rianne. Ito kasi ang una niyang inasikaso. Mabuti nalang inaalalayan ako ng kasama ni Brendan, kung hindi nabuwal na ako sa sobrang kaba, lungkot at panghihinang nararamdaman. Ako ang muntik nang masagasaan pero, si Rianne ang una niyang tinakbuhan.

"I-m fine..how about the girl?" Nakabangon na si Rianne sa tulong ni Jave. Hawak niya pa ang beywang nito. Nahihiya akong napayuko nang tingnan ako ni Rianne. Niligtas ako nito at dinaganan ko pa.

"I saw that. Gusto mo bang magpakamatay hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo??" sinigawan ako ni Jave. Napatingin tuloy sa akin ang dalawang kasama namin doon.

"Jey-jey, stop it, it's an accident.." bulong pa ni Rianne sa kanya.

Ewan ko ba, pero parang ang hapdi ng mga mata ko parang gusto kong umiyak sa sigaw na yun ni Jave. Alam kong magaspang ang ugali niya, pero sa mga oras na 'to parang ang sakit sa damdamin. Heto ako't muntik nang lamunin ni kamatayan pero siya, nagagalit ng sobra sa'kin dahil kamuntik ko nang idamay si Rianne sa katangahan ko? Hindi man lang ba niya tatanungin kung ok ako, kung napilayan ako, o kung kumusta ang pakiramdam ko? Naninikip kaya sobra ang dibdib ko!

"Miss are you ok..?" Tanong sa akin ni Brendan . Blanko ang mukha kong napatingin dito. Saka ko napansing napakagwapong lalaki din pala nitong pinagseselosan ni Jave. Pormal ang mukha nito na parang mayamang businessman, sa tingin ko may lahing foreigner din ito. Gustohin ko mang tumango sa tanong nito, hindi ko magawa, nanginginig pa rin ang buo kong katawan.

Dumating ang ilan pang guards at mga mall staffs upang icheck kung meron bang nasaktan sa amin.

"I think she's in shock. Let's take her to the hospital." komento ni Rianne na alam kong totoong nagaalala sa akin. Napapahanga ako nito, maganda na, mabait pa. Niligtas nito ang buhay ko.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Jave. Ramdam kong asar na asar siya sa akin. Dahil doon, nasabi kong, "Ok lang ako. Kinabahan lang ako..."

Bumitaw siya kay Rianne, tapos ay nilapitan ako. Kinuha niya ako mula kay Brendan at pinasandal sa katawan niya. "Anong OK? Nanginginig ka! Kukutusan talaga kita, hindi ka nag iingat!" Sigaw na naman niya sa akin.

"Magkakilala kayo?" kunot-noong tanong ni Rianne.

"Oo." Tipid na sabi ni Jave. Binalingan ako. "Tara na."

Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Hindi ko siya iniimik. Alam ko ring nakasunod ang tingin nila Rianne sa amin. Akala ko ay susunod na rin sa'kin na sumakay si Jave, pero nang makita niyang dala ng mga security guards ang mukhang lasing na driver, tumakbo siya doon at sinugod ng suntok at sipa ang lalaking muntik nang bumangga sa akin. Kinabahan ako kasi hindi siya magawang awatin ng mga taong nakapaligid, pati si Rianne hindi nito pinapakinggan.

Jave naman oh. Nagrereklamo ako kasi hindi pa nga ako nakakarecover sa shock, dinadagdagan pa niya. Pinilit kong lumabas ng kotse, para awatin siya.

"Jave!!" Sigaw ko. Pero hindi niya yata narinig. "Jave!!" Mas nilakasan ko pa.

Sa wakas narinig nito. Nagsalubong ang mga mata na'min. Tiningnan ko siya ng masama. Bumukas ang kuyom niyang kamao. Pagkatapos ng isang pahabol na sipa sa pinag-iinitan nitong lasing, sa wakas ay tumigil na ito at bumalik sa akin. Binuhay niya ang makina ng kotse at pinaharurot palabas ng parking. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapagpasalamat kay Rianne.

Jave took me to the hospital. Nakakahiya dahil wala naman talaga akong nararamdamang masama sa katawan ko maliban na lang sa mga tense kong muscles at sa nalamog na bahagi nang mapadapa kami ni Rianne. Pero ang daming ng umaasikaso sa akin, sa isang mamahaling private hospital ako dinala ni Jave at lahat ng nagchecheck sa akin ay halatang mga espesyalitang doktor.

Nakabantay siya sa akin, at walang tigil ang utos na icheck ako ng maayos. Sabi na ngang ok na ako eh!

"She's fine Mr. Santillan, she has some minor bruises but her vital signs are all stable." Dinig kong sabi ng isang head doctor sa kanya.

"Are you sure? She looks sick to me."

Ngumiti ang doktor sa kanya. "We're positive. Don't worry Sir."

Sir? Don't tell me pati ang hospital na ito ay pa-gaari niya din? Grabe na talaga ang koneksyon ng Paniking to. Pakiramdam ko tuloy, ang buong mundo ay isang malaking kweba at siya ang may-ari. Nang iwanan kami ng mga doctor at nars, lumapit siya sa'kin at tinitigan ako.

"Wala ka bang nararamdamang masama?" tanong niya.

"Hindi mo man lang pinulot ang mga pinamili natin." ingos ko sa kanya.

"Tanga ka ba? Di mo nakita nasagasaan? Hindi ka kasi tumitingin sa daan!" nagagalit na naman siya sa akin. Naniningkit na naman ang mga mata niya. "Magpahinga ka lang dito. Babalikan ko lang si Rianne sandali. Ang lakas ng pagkakadagan mo sa kanya ang bigat mo pa naman, sapakin kita eh! Pag napilayan yun, humanda ka sa'kin."

"Baliw ka. Tingin mo sinadya ko yun?" ganti ko. Nakakaasar!

"Tingin ko, hindi, natural kang tanga eh." dinuro pa ako sa noo. Tinampal ko nga ng malakas ang kamay niya. Pero parang hindi naman niya ininda.

"Dito ka lang. Babalikan kita kaya 'wag kang aalis!" may gana pang magbanta. Napasimangot ako kasi iiwanan niya ako. "Pindutin mo yang buzzer kapag may kailangan ka, maliwanag?"

"Hindi ako bata, alam ko gagawin ko."

"Talaga? Hindi halata. Sana kumuha ako ng neuro-surgeon kanina eh, ipapacheck ko kung may laman yang bungo mo. Kasi parang wala."

Pinandilatan ko siya. Wala pa lang talaga akong energy na makipagsapakan sa paniking 'to. Pag nagkataon bogbog 'to sa'kin.

Bago siya umalis, "Tinawagan ko na sila Jiro at Ark. Parating na sila, para may kasama ka." Irap ang isinagot ko dito. Bakit kailangan niyang istorbohin ang mga iyon eh nag-aaral yun? Palibhasa hindi maka-relate si Paniki sa buhay estudyante dahil puro bulakbol lang ang alam gawin.

Umiiling akong humiga sa malambot na kama ng hospital. Puro puti ang paligid, napakabango at napakalinis. May malaki pang led TV sa wall, ang mahal siguro ng kwartong ito.

Bumalik ang isip ko sa nangyari sa parking. Akala ko talaga babalewalain lang niya ako kahit na muntik na akong mamatay kasi puro si Rianne ang iniisip niya. Medyo sumaya ako nang kahit papanu ay inasikaso naman niya ako... kahit pa babalikan na naman niya si Rianne.

Continue lendo

Você também vai gostar

2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.4K 376 41
sa sapilitang pagmamahal, kakayanin mo bang magpanggap na ok lang? Try to be the woman he wants and likes. kakayanin mo bang ipamuka niya sayong hind...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
August and Apple De Reynald

Ficção Adolescente

1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...