She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 8

242K 6.9K 336
By VixenneAnne

Jave's heart shuttering embrace had been a great relief. Pakiramdam ko lahat ng tampo at sama ng loob na naramdaman ko para sa kanya ay biglang naglaho dahil sa yakap na 'yon. Pagkatapos ng lahat ng hirap at mala-yelong lamig na naramdaman ko sa daan, parang gusto ko nalang isiksik ang katawan ko sa katawan niya ng buong magdamag. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang comfort na nararamdaman ko kapag si Jave na ang kasama ko. Hindi ko din alam kung kelan nagsimula basta ang alam ko nalang na kapag kasama ko na siya, wala na akong dapat na ipag-alala. Pakiramdam ko ang mga bisig niya ang pinakasafe na parte ng mundo.

Napilitan lang akong kumalas sa kanya nang tumunog ang cellphone niya, mukhang importanteng tao ang tumatawag dahil kaagad niyang sinagot iyon. "Hello Rianne?" tutop niya ang noo. "I'm sorry I forgot to call your driver!" Kagat-labi niyang turan sa cellphone. "Are you home already?"

Bakit ganun ang tanong niya kay Rianne? Hindi ba niya hinatid? Di ba nga iniwan pa niya ako dahil nagkakandarapa siyang ihatid si Rianne kanina?

"My emergency?" Tumingin sa akin si Jave bago nagpatuloy. "It's okay now.. I'll see you..Bye."

Pagkababa ng phone ay ako naman ang binalingan niya. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako. Totoo namang kumakalam na ang sikmura ko.

"Doon ka na sa kusina. Kumain ka."

Iningusan ko siya. Biglang parang deserve kong magpalambing pagkatapos ng lahat ng sinapit ko nang iwanan niya ako sa school. "Ipaghanda mo ako. Magbibihis pa ako."

"Ako pa talaga ang inutusan mo. Inorder ko na nga 'yan para sayo." Reklamo niya.

Sumimangot ako. "Hindi nalang ako kakain."

"Tingnan mo to. Sapakin ko to!" Asar niyang angil sa akin. "Napaka-arte mo ah!"

"Magbibihis na ako. San ba ako matutulog?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Saan mo ba gusto?"

"Di ko alam sayo. Dito nalang sa sofa..."

"Wag na. Dun nalang sa kwarto ko. At saka kumain ka!"

Napangiti ako nang pilit na pilit siyang magmartsa papuntang kusina para ihanda ang pagkaing nabili niya sa labas. Hindi ko inaasahang magluluto siya para sa akin, pero ang saya na sa pakiramdam na nag-abala siyang bilhan ako ng pagkain. Ibig sabihin, inaasahan niya pa rin na babalik ako. Hindi man niya ako hinanap, at least di niya nakalimutang uuwi ako.

*****

Kinaumagahan, maagang gumising si Jave, kasarapan ng tulog ko bago magbukang liwayway, kumakatok na siya sa pinto. "Bakit? Ang aga pa. Papasok ka ba sa school?" Bungad ko sa kanya nang buksan ang pinto.

Nakabihis na siya with his usual breathtaking get up. Simple faded jeans, white shirt, converse shoes, black earrings, and of course, his tattooed arms. Napatitig ako sa mukha niya. Jave looked so fresh, his hair was in disarray but it looked stupidly sexy hovering his face. Also, his face was a combination of intimidating pair of dark brown eyes, strong nose, and a lips that was so pinky women would kill just to have the same pair for themselves. Napapa-ingles ako sa utak ko. Para kasi siyang bida sa isang pelikula!

"Anong klaseng itsura 'yan?" Kunot ang noo niyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Suddenly I became aware of my own appearance. While Jave looked so extravagant and dazzling, heto ako sabog ang buhok at oily ang mukha dulot ng magdamag na pagtulog. "Papasok ka nga?" inis kong bwelta sa kanya.

"Hindi. Ano namang gagawin ko doon? Aalis tayo, sasamahan mo ako." Nalukot ang mukha ko dahil tinatamad pa ako. Saang kweba na naman kaya ako bibitbitin ng paniking ito?

"Ayokong sumama--" Pero bago ko maisara ang pinto at makabalik sa higaan, nahila na niya ang kamay ko. Tapos ay walang kaabog na abog na kinaladkad ako papunta sa banyo at inutusang maligo. Nang nagprotesta ako, kumuha siya ng tubig at binuhos sa ulo ko.

"Aaaahh!!" Nabuhay lahat ng himaymay ng katawan ko dulot ng malamig na tubig na umagos mula sa ulo hanggang sa katawan ko. "Paniki!!!" Tili ko sa kanya.

Ang lakas ng halakhak niya dahil pupungas-pungas ako sa tubig. Sinundan pa niya ng isa pang buhos ng tubig. Pinaghahampas ko siya pero lagi lang niyang nasasalag. Tatawa-tawa siyang tumakbo palabas ng banyo. Hindi na ako nakahabol dahil basang-basa na ako at baka madulas lang ako kapag susundan ko pa siya. Nakakainis! Nakakainis talaga! Makakaganti din ako sa'yong Paniki ka!

Ilang minuto din kaming bumiyahe, pinasok ni Jave ang kotse niya sa isang underground parking ng matayog at malaking corporate building. Isinama pa rin niya ako sa kabila ng protesta at panlilisik ng mga mata ko. Hindi niya pinapansin ang mood ko, pinagtatawanan pa ako sa tuwing magtataray ako.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko habang nakasunod sa kanya papasok ng building.

"Hinarang ng may sayad kong kapatid ang invitation ko sa party ni Rianne, I'm gonna get it myself."

Si Miss Ysabel Santillan. Naisip ko. Siya lang naman ang kapatid ni Paniki 'di ba? Siya ang pakay namin dito?! Na-excite ako pero kinakabahan. Napapayuko ako sa tuwing napapatingin sa akin ang mga staff na bumabati kay Jave. Kung suriin ako ng mga ito ay mula ulo hanggang paa. Naintindihan ko kung bakit, ang suot ko ng araw na yun ay ang suot ko nang bumiyahe ako papuntang Maynila. It's a pair of out of style jeans and worn out shirt. Hindi siguro sila sanay na makakita ng ganitong ayos sa lugar na ito.

"Good morning Sir Jave.."

Lahat ng taong madaanan namin puro nakayuko sa kanya na para bang anumang oras ay mananakmal ito. Ganoon din sa school, parang takot na takot sa kanya ang lahat ng tao. Bagay na hindi ko maintindihan at talaga namang palaisipan sa akin. Bakit sila natatakot kay Jave?

Lumapit siya sa isang maganda at unipormadong babae. Although nakangiti ang babae, hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata ang kaba na gumuhit sa mukha nito. Kung wala itong lipstick, malamang namutla na.

"Where's Ysabel? I need to see her."

"Ahm. S-sir Jave. The Director is in a meeting right now..."

"I want to see her...right now." madiin ang tono ni Jave sa panghuling salita. Pansin ko ang nginig sa tuhod ng babae pero pinanatili nito ang professional na postura.

"Hindi po maari. She's with important clients, kung gusto niyo po sasamahan ko kayo sa opisina niya doon nalang po kayo maghintay. Matatapos na rin naman po ang meeting."

"Hindi mo ba ako narinig? Gusto kong makausap si Ysabel, ngayon na. Mukha bang gusto kong maghintay sa opisina niya?"

"Sir Jave..."

"Ako na ang pupunta sa kanya!"

"Hindi po pwede. Magagalit po si Ma'am!"

Hindi niya inintindi ang sinabi ng babae kaya naman hinila ko na ang braso niya. "Hindi ka ba makaintindi na nasa meeting pa? Kliyente ang kausap, di mo narinig?" bulong ko. Nang panlisikan niya ako ng tingin, pinandilatan ko siya ng mata.

"Huwag kang mangialam dito!" angil niya sa akin.

Nakipaglaban ako ng tingin sa kanya. Nang hindi na siya nagsalita, binalingan ko ang babaeng assistant.

"Ah, Miss, saan po kami pwedeng maghintay?" tanong ko na nakangiti sa babae. Para siyang nabunutan ng tinik, masigla pa kaming dinala sa opisina ni Director Santillan. Nang mapag-isa kami kinailangan kong takpan ang tainga sa bulyaw ni Jave. Pasalamat nalang ako at hindi ako binulyawan sa harap ng maraming tao.

"Sa susunod na makialam ka sa'kin ng ganoon, huhugutin ko yang ngala-ngala mo, naintindihan mo??"

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Iginala ko ang paningin sa opisina. Naroon sa isang banda ng wall ang malaki at magandang portrait ni Ysabel Santillan. Walang duda, ito nga ng Dyosang ballerina na minsan kong hinangaan. Businesswoman na pala siya ngayon, sabagay ayon sa mga articles na nababasa ko, yun naman talaga ang destiny niya noon pa man. Nakakahanga.

Binalingan ko si Jave, limang minuto palang kaming nakaupo, parang sinisilihan na ang pwet niya. Napaghahalatang hindi marunong maghintay. Kinuha niya ang cellphone at naglaro. Pero limang minuto lang ulit ang nakaraan, tinapon niya ang cellphone sa maliit na glass table na nasa harap namin.

"Ano ba??" Asar kong singhal sa kanya.

"Naiinip na ako! Pupuntahan ko siya sa boardroom." Tumayo siya at akmang lalabas na, mabuti na lamang at nahila ko siya sa damit, napilitan siyang maupo ulit.

"Umayos ka, iiwanan kita dito." banta ko na may kasamang pandidilat ng mga mata. Irap ang isinagot niya. Pinulot din niya ang cellphone at naglarong muli. Sa di maipaliwanag na dahilan, sumusunod sa akin si Jave at natutuwa ang puso ko doon.


"Ang dami mong sinasabi, ito lang naman ang kailangan ko." Yun lang ang sinagot ni Jave, tapos ay hinila na niya ako palabas ng opisina, wala siyang kaimik-imik pero nanlilisik ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at hindi ko rin balak na kulitin siya sa ganoong sitwasyon dahil baka lalo lang lumalala ang topak niya.

Pagkatapos ng tatlumpung-minuto pumasok na sa office ang hinihintay namin. Si Director Ysabel Santillan. She was wearing a white business suit with mid-thigh skirt, hair held high in a ponytail, and killer heels that made her height formidable. Napalunok ako, she was the epitome of a woman I wanted to be in the future. Mula ulo hanggang paa, she was oozing with authority and power.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, bago bumaling kay Jave. "What are you doing here? I'm in a middle of my day, marami pa akong gagawin." malamig na tanong niya sa kapatid.

"Hindi kita iistorbohin kung hindi mo hinarang ang invitation ko sa party ni Rianne. Give me the card, I'll get the hell out of your face, right now."

"I'm not giving it to you. Mageeskandalo ka lang doon katulad ng lagi mong ginagawa. Pagod na akong umayos ng mga gusot mo Jave, give me a freakin' break! Tigil-tigilan mo na ang mga kalokohan mo, at pwede ba, pumasok ka sa eskwela kahit dalawang beses lang sa isang linggo! Kahit yun man lang magawa mo."

"Tapos ka na? Akin na ang invitation."

"Hindi mo ba ako narinig?" taas ang kilay na asik nito kay Jave. "Malapit na akong mapuno sa'yo!"

"At anong gagawin mo? Ground me?"

"And if I did? You know I can Jave. I can cut all your credit cards and leave you with nothing but your apartment...I may be an illegitimate sister to you but you know very well that I hold full control over your resources dahil sa 'kin ka pinagkatiwala ni Papa..."

"Magkampihan kayong dalawa, yun lang naman ang alam niyong gawin eh. Ano ngayon kung itakwil niyo ko? My mother left me with more than enough money so I can go on with my life without you and Dad--"

"Money which you cannot claim until you're 21.. You're only 19 Jave, you will be penniless for the next two years of your life If I cut you loose!" nanggagalaiting turan ni Ms. Ysabel na halos ikalabas na ng litid nito.

"Go ahead. You are damn welcome to make my life even more miserable as it is!" Humawak ako sa braso ni Jave. Alam kong kapag nakaabot ito ng kahit na anumang bagay na malapit sa kanya ay mawawasak iyon. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding galit at pagkapikon.

Natutop ni Ms. Ysabel ang noo.

"You brought that misery to yourself Jave! Kami ni Papa, wala kaming ibang ginawa kundi ang bantayan ka at ilusot ka sa lahat ng mga kalokohang pinaggagagawa mo, alin kung hindi dahil sa pera ni Papa, malamang nakakulong ka na ngayon! Tapos ito pa ang igaganti mo sa 'min?? Wala kang utang na loob...mahal kita Jave, ikaw lang ang nag iisa kong kapatid, pero hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!"

Parang kinurot ang puso ko sa narinig. Hindi ko akalaing maririnig ang talunang tono na iyon mula sa isang matatag at independent na babaeng kagaya nito.

"Here's the card. Pumunta ka sa party ni Rianne kung gusto mo, gumawa ka ng gulo kung gusto mo, pero sinasabi ko sayo, bahala ka na sa buhay mo!" Sinaksak nito sa dibdib ni Jave ang invitation card.

Continue Reading

You'll Also Like

99.8K 6.9K 59
Hallienia, ang babaeng limang taon ng may crush kay Fire Gabis. Sa kagustuhan niyang mapasa-kaniya ang binata, ginamitan na niya ito ng dahas. Nagtun...
1.8K 137 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
93.3K 1.5K 39
Jazrille left the love of her life for his own good. And now that she came back for him again, will their lost love find it's way back to them and li...
6.7K 120 20
Casanova's First Love Copyright©2016 by letrisk