The Lost Pieces (MayWard Fanf...

By Annenggg0502

104K 3.9K 500

If you're curious with the title. Why not try to read? Its for you to know the answer why I gave this story i... More

Author's Note
2nd Piece
3rd Piece
4th Piece
5th Piece
6th Piece
7th Piece
8th Piece
9th Piece
10th Piece
11th Piece
12th Piece
13th Piece
14th Piece
15th Piece
16th Piece
17th Piece
18th Piece
19th Piece
20th Piece
21st Piece
22nd Piece
23rd Piece
24th Piece
24th Piece
25th Piece
26th Piece
27th Piece
28th Piece
29th Piece
30th Piece
31st Piece
32nd Piece
33rd Piece
34th Piece
AUTHOR'S NOTE
35th Piece
36th Piece
37th Piece
38th Piece
39th Piece
40th Piece
41st Piece
42nd Piece
IMPORTANT AUTHOR'S NOTE
43rd Piece
44th Piece
45th Piece
46th Piece
47th Piece
48th Piece

1st Piece

7.8K 145 9
By Annenggg0502

Flashback

"Mama Ludy! Papa Joe! Tulungan nyo ako!"

Sigaw ng batang Marydale.

Halata mo sa kanyang mukha ang takot lalo na't wala sa paningin nya ang mga magulang nya. Ang alam nya lamang ay natrap sya sa isang lugar na kasama ang mga kaibigan nya.

Maging ang mga kasama nya ay nagsisi-iyak at nagsisigawa. Humihingi rin sila ng tulong sa mga magulang nila.

Takot si Marydale sa dilim nyang nakikita at patuloy lamang sya sa pag iyak.

"Tulungan nyo po kami!"

Muli nyang sigaw. Hindi nya na rin mahanap ang kinalalagyan ng mga kaibigan nya kaya mas lalo sya nangiyak.

"Tulooooong!" Isang malakas na pagsigaw ang kumawala sa kanya. Kasabay non ang tuluyang panghihina ng katawan nya at tuluyan na nga syang nawalan ng malay.

"Manang!" Walang ano-ano'y nagulat ako sa biglaang pagsampal sa akin ni Fenech, nananaginip lang pala ako. Pero ang panaginip na iyon ay ang pangyayaring hinding hindi ko malilimutan sa buong buhay ko.

"Nang, sorry kasi nasampal kita. Kanina ka pa kasi sigaw ng sigaw at hindi ko alam kung paano kita gigisingin. Hindi naman kita magising sa pamamagitan ng pagyugyog. Okay ka na ba?"

"Oo, okay na ako. Thank you pala sa pagsampal. Okay lang yun." Medyo natawa naman sya sa sinabi ko.

Iniabot nya sa akin ang isang baso ng tubig pati na rin ang bimpo. Tumayo muna ako dahil baka bumalik lamang yung panaginip ko. Inalalayan naman ako ni Fenech.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pansin ko ang butil butil at tagaktak kong pawis. Kaya't pinunasan ko ito gamit ang bimpong ibinigay sakin ni Fenech.

5:35 AM

Napabuntong hininga na lang ako. Masyado pa palang maaga.
At nagising ko pa si Fenech. Nakakahiya naman sa kapatid ko.

"Nech, sige na tulog ka na ulit. Alas singko pa lang oh." Sabay tingin sa orasan.

"Hindi nang, antayin kita. Baka kasi ano pang mangyari sa'yo."
Halata sa ekspresyon nya ang pag aalala pero ayoko namang nag aalala sya sakin.

"Sige na." Pagpilit ko.

"Wag nga, manang. Okay lang naman sa akin."

Naku eto talaga. Eh halata mo naman sa mata nya na inaantok pa sya. Ang pungay pungay kaya.

"Aba eh sige. Ikaw na ang bahala." Hinayaan ko na lamang sya. Tutal nasa tamang edad na rin sya at kaya nya ng magpasya sa sarili nya. Alanganamang diktahan ko pa sya.

Nakita ko namang kinuha nya ang cellphone nya. At may pangiti ngiti pa. Ano kayang gagawin nito?

Kung sya, kinuha ang phone nya. Ako kinuha ko ang libro ko.

"Hay nako, manang! Di ka ba nagsasawang itutok ang mukha mo dyan sa librong yan. Nung nandon pa lamang tayo sa CDO, puro libro ka na. At hanggang sa dumating na tayo dito sa Makati libro pa rin ang kaharap mo."

Hindi nya lamang alam, sa libro, nakakalimutan ko lahat ng mga problema namin. Nakakalimutan ko ang mga naranasan kong hindi maganda lalo na nung nangyari ang trahedya sa Davao nung 5 years old ako. Ayoko lang na balikan ang lahat ng yun.

"Alam mo kasi, sa pamamagitan nito, nakakatakas ako sa realidad at lumalawak yung imahinasyon ko. Paraan rin ito para tumalas at mahasa ang isip ko. Kung magbasa ka kaya kaysa mag-face book." Pagpapaliwanag ko sa kanya para naman maliwanagan sya.

Napakamot naman sya ng ulo nya. "Manang, mas nakakaaliw ang facebook at lalo na ang wattpad kung saan ay may mababasa ka ring mga stories. Mas high tech nga lang kaysa mag lilibro ka."

Ang kulit lang na alas singko ng umaga eh nagkukulitan kami at ginagawa namin yung mga 'usual things' na ginagawa namin pag umaga.

"GOSH!" Malakas na sigaw ni Fenech. Nabatukan ko tuloy ng wala sa oras.

Patulay pa rin sya sa pagtili pero ngayon, wala ng tunog. Kaloka sya.

"Manang naman! Bakit mo ako binatukan?" Inis nyang tanong.
Parang bata naman kasi sya.

"Ang ingay ingay mo kasi! Ikaw lang ba tao dito sa apartment? Baka magalit si Ate Wanda. Kung makasigaw ka naman parang kinikiliti ng sampung lalaki."

"Ihhh! Hindi kasi! Tingnan mo to oh." Saka nya pinakita sa akin ang Friend Request ng isang lalaki. Aizan Perez ang nakalagay at ang profile picture nya ay yung nakashades. Maporma tong lalaki at matangos ang ilong.

"Ang pogi nya diba?" Tumalon talon naman sya. Dagukan ko kaya to?

"Bahala ka dyan. Eh kung pag aaral kaya muna ang unahin mo kaysa sa mga ganyang bagay."

"Ano ka ba manang! Bukas pa ang pasukan no! Masyado ka namang seryoso. Bakit hindi ka magsaya kahit minsan? Lagi ka na lang nagseseryoso eh dapat mag enjoy ka sa buhay mo..."

Kung pwede lang na mag enjoy ako at wag ng mamroblema kaso wala ng panahon dahil sa sobrang dami na. Saka na lang siguro kapag stress free na.

"Try mo kayang humanap ng ka forever mo." Ano?!

"Forever ka jan! Wala nun!" Bitter ba?

"Ang bitter mo! Basta ako nahanap ko na si 'The One' at sya si Aizan Perez!"

"As if naman kilala ka nyan."

"Huhu bad mo! I hate you na."

"Asuuus! Akala mo naman talaga eh. Tampururot ka talaga kahit kailan."

At hindu nya na nga ako pinansin.

Dinaganan ko naman sya.

"Aguy! Ano ba manang! Yung buto mo natutusok ako! Tumabi ka! Ugggh!"

Kiniliti ko naman sya at tawa naman ng tawa ang loka. Ganito kami magbonding ehm

"Hahahaha ayoko na!" At tinigil ko na nga dahil baka mamaya mamatay na to kakatawa.

Pagkatingin ko ng orasan, 7:00 na. Ang bilis naman ng oras?

Kaya naghanda na ako ng makakain at si Fenech? Ayun nagcecellphone! Iniistalk yung forever nya kuno.

Tsssk.

Malapit ko na pala matapos yung libro na binabasa ko. At may extra naman akong pera. Ipon ko, bibili na lang ako ng bagong libro mamaya sa bookstore. Para naman may pang libangan ako.

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
340K 7.7K 33
Bored ako
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
1.2M 24K 56
just for fun