Baby Madness

By purpleyhan

5.8M 230K 39K

Standalone novel || All her life, Chloe felt abandoned by her parents. She lived with their house helpers whi... More

front matter
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 13

100K 3.8K 494
By purpleyhan


"Okay, guys. Reports will be done in pairs. Choose your partner."

Pagkarinig ko sa sinabi ni Sir ay alam ko na ang mangyayari. I would be alone. Well, that was actually okay since I don't have to deal with someone.

"Uhm, okay lang ba sa'yo kung partner tayo?" biglang tanong ni Katrina, 'yong babae sa harapan ko.

"Bakit?" tanong ko at 'di siya nakasagot. That was the first time someone dared to ask me to be his or her partner.

"Ahh k-kasi . . . s-sige okay lang kahit huwag na—"

"Fine," I said and she looked at me with her eyes wide open.

"R-really?"

"Ayaw mo?"

"N-no! I mean, partner na tayo!"

"Weirdo."

Hinayaan ko naman siyang tumabi sa akin at in fairness sa kanya, hindi siya masyadong naiintimidate. Ni hindi ko nga alam kung kailan nagsimula na lagi niya akong tinatanong ng kung anu-ano. Maybe because she still thought I saved her from those bullies.

Nag-usap lang kami about sa report, which is an oral presentation about the culture of the assigned country.

"Sige, I'll search some journals about it kapag sinabi na ni Sir ang naassign sa'tin," she said. I didn't expect her to be this responsible.

"Okay," maikli kong sagot at bigla naman siyang tumitig sa akin. "What?"

"M-may nabasa lang ako somewhere. I-ikaw raw ang third party—"

"Huwag mo nang ituloy 'yang sasabihin mo kung ayaw mong mawalan ng partner," I warned.

"S-sorry! Hindi ko sinasadya. I'm sorry."

Napabuntong-hininga na lang ako dahil doon na naman ang punta ng usapan. Nakakainis lang dahil tuwing nababanggit o nakikita ako ng mga tao, inaassociate agad nila ako sa Queeñigo na 'yon.

Lumabas naman agad ako after ng class at dumiretso sa library para mag-search na about sa topic na in-assign samin ni Sir bago matapos ang klase. Dumiretso ako sa history section at kumuha ng libro tungkol sa Singapore. Hah! Talk about fate.

After pulling out five books, I walked toward my usual spot but someone was already there. Sino pa nga ba?

Binagsak ko ang mga libro sa tapat niya, dahilan para mapatingin siya. He was solving some equations, and looking at those made my head spin.

"Tapos na klase mo?" tanong niya sabay tingin sa wall clock kaya napatingin din ako.

"Malamang. Nandito ba ko kung hindi pa?"

"Sungit," bulong niya pero rinig naman.

Umupo ako sa tapat niya at nagsimulang magbasa pero nadidistract ako sa polo shirt niya. Dalawa na nga lang ang butones sa taas, hindi niya pa nakabit nang tama.

"Hoy," mahina kong tawag at tumingin naman siya. I pointed at his shirt but he seemed confused. After a few seconds, he finally noticed it.

"Ah. Hayaan mo na. Mamaya na lang," sabay ngiti niya pa at nagsolve ulit siya.

I tried hard to ignore it but if you're a person who always wants to see things in place and neat, you would really be bothered even by that small detail. Bakit ba hindi niya magets 'yon?!

I couldn't take it anymore so I leaned forward and pulled his shirt.

"Teka anong gag—"

"Shut up," I said while glaring at him. "Mismatches in clothes are extremely annoying and distracting."

Inayos ko ang pagkakakabit ng butones ng damit niya pero nagulat ako nang bigla niya na lang kinuha ang isa kong libro. Hinawakan niya lang 'yon at ipinagitna sa aming dalawa habang nakatingin siya sa gilid pero hindi ko alam kung bakit. Habang ikinakabit ko ang pangalawang butones ay bigla kong narealize ang ginawa niya.

My immediate reaction was punching his shoulder.

"Ouch!" he exclaimed while looking at me.

"Bwisit ka."

"Wala naman akong nakita," sabi niya pa kaya napanganga na lang ako. "Saka tinakpan ko naman 'yong line of sight ko—"

"Stop talking—"

"Keep quiet!"

Napatigil naman kami pareho dahil tumingin sa boses ng librarian. Umupo na lang ulit ako at inadjust ang damit ko habang nakatingin pa rin nang masama kay Jazer. His ears were red and he won't meet my eyes after what just happened. Damn this blouse of mine!

After that incident, we both went quiet and I managed to read some details about the history and culture of Singapore. I copied the important parts, as well as the references that I could use.

Pagtingin ko sa relo ko ay malapit na ang next class ko kaya niligpit ko na ang mga librong kinuha ko. Gano'n 'din ang ginawa ni Jazer dahil may class din siya. Paglabas namin ng library ay agad din kaming naghiwalay dahil sa magkaibang building ang klase namin.

Pumasok naman ako sa last class at kung kailan naman ako maaga ay saka walang prof. Badtrip.

I was about to text Kuya Larry to pick me up but I realized we would still wait for about an hour because Jazer is still in class. In the end, I stayed in the bench area. Nakinig na lang ako ng music habang kumakain ng snacks pero naistorbo 'yon dahil sa sigawan sa gilid ko.

"OMG! OMG! Look!"

"Hala! Sila na ba ulit?"

"Yes! Queeñigo is back! Nakakakilig!"

Napatingin ako sa field at nakita ko ang dalawa na magka-holding hands. Napataas na lang ang kilay ko sa kanila at sa fans nila. Subukan lang nilang guluhin ulit ako at hindi na talaga ako magpipigil. Nilagay ko na lang ulit ang earphones ko habang nagpapalipas ng oras.


***

Nakaramdam naman ako ng pangangawit kaya nagising ako . . . wait . . . nakatulog ako? I was quite disoriented but I was surprised to see a notebook in front of my face. Then I realized I was leaning to someone.

"Gising ka na?"

Lumayo agad ako nang marinig ko ang boses ni Jazer at binaba naman niya ang notebook, dahilan para masilaw ako sa araw. Ang init tuloy sa pakiramdam. Ngumiti naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tara na ba? Mukhang nandyan na si Kuya Larry," sabi niya at niligpit niya na rin ang gamit niya.

Ako naman ay disoriented pa rin. I didn't know that I fell asleep a while ago but why was I leaning on his shoulder? Nakakastress.

Pagdating namin sa parking lot ay nando'n na nga si Kuya Larry kaya agad kaming sumakay. Nang nakauwi na kami ay nakaabang na naman ang bubwit sa pinto kaya binuhat siya ni Jazer at ako naman ay tuluy-tuloy sa pagpasok pero nagulat ako nang salubungin ako ni Clark. He was crawling his way to me and when he was right in front, he suddenly clung to my leg.

"Hey," sabay tingin ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako. "Baba," I warned but this little kid was just giggling. Wala na akong nagawa kundi maglakad habang may nakasabit na bata sa paa ko. I dragged my right foot toward the living room and sat on the couch. Finally, Clark got off but he and Czanelle positioned beside me. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Jazer, na ngayon ay nasa harapan namin, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What's funny?"

"Wala naman," sagot niya habang nakangiti kaya lalo lang akong nainis.

"Ate, let's play!" Czanelle beamed. Hindi ba napapagod ang mga bubwit na 'to?

"I'm tired," sabi ko naman saka ako tumayo. "Play with him," sabay turo ko kay Jazer.

Pagkatapos no'n ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit. Nakahiga lang ako sa kama nang ilang oras pero hindi naman ako makatulog. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon.

Those kids, somehow, I feel a little less awkward when I'm with them but I'm still cautious. Siguro dahil na rin sa naranansan ko sa parents ko. Ayokong maging malapit masyado sa kanila dahil natatakot na ako sa pwedeng mangyari. Isa pa, hindi ko rin naman alam kung paano sila pakikitunguhan. I grew up alone but then out of the blue, the two of them appeared. I don't know how to be an older sister or a sibling. Isa pa, nandyan naman si Jazer, pati na rin sina Nanay Meling at Kuya Larry para alagaan sila. Hindi nila ako kailangan.

Bigla ring pumasok sa isip ko sina Queenie at Iñigo. Those two made my life in school difficult but now that they're together again, I hope they won't pester me anymore. Mukhang nagkaayusan sila noong iniwan ko sila sa cafe. Pero hindi ko talaga akalaing ipapakita ni Queenie ang totoong ugali niya.

"Fine. I don't really care if you were his ex-girlfriend. What pisses me off is that this guy nonchalantly talked with you after I asked him about the both of you."

I can't believe that the queen of the campus would say those words in front of her boyfriend but that actually made her real. I think she's the type of girl who gets jealous and sensitive when her guy doesn't understand her feelings. Well, Iñigo can get insensitive sometimes since he doesn't really have a dating experience prior to Queenie.

Speaking of those two, Katrina was also curious about that. Naalala ko naman ang tinanong niya at nakaramdam ako ng pagkainis. Ako? Third party? Excuse me lang. Ni wala nga akong pakialam sa kanila noong una at nalaman ko na lang na ako ang dahilan noong kumalat ang rumors tungkol doon. At ngayong nagkabalikan na sila, sana naman tantanan na rin ako ng tards dahil kung hindi ay papatulan ko na talaga sila, lalo na 'yong mga ang lalakas ng loob na magparinig pero duwag naman 'pag hinarap.

Nagulat naman ako nang biglang may kumatok kaya napabangon ako.

"Ate! Ate! Ate!"

Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang boses ni Czanelle habang sunud-sunod ang pagkatok niya. Narinig ko rin ang paghagikgik ni Clark sa labas kaya alam kong nando'n 'din siya. Dahil ang ingay na nila ay padabog kong binuksan ang pinto at sumalubong sila sa aking dalawa, pati na rin si Jazer.

"What the heck are you all doing here—!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tumakbo ang dalawa papasok sa kwarto ko habang tumatawa.

"Hey!" sigaw ko pero hindi nila ako pinansin. Napatingin ako kay Jazer na nasa labas pa rin at ngumiti naman siya nang nakakaloko. "You! You're not allowed here."

"Okay," he said while shrugging his shoulders. "Ikaw na ang magbabantay sa kanila? Sige, magpapahinga na ako," sabi naman niya at bigla siyang lumakad palayo. Napatingin ako sa dalawang bubwit sa loob ng kwarto ko at bigla akong nagpanic kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

"W-wait! Teka lang!" Huminto naman siya at lumingon sa akin.

"Hmm?"

"Get them," sabay turo ko sa dalawa.

"Pero gusto nila dyan." Aba, at nakuha niya pang mang-asar?!

"Then stay with them! You're their babysitter, aren't you?" I yelled, frustrated.

"Okay," sabi niya naman at saka siya nagmartsa papasok sa kwarto ko.

Napatingin naman ako sa kanilang tatlo at parang biglang sumakit ang ulo ko. Wala pang ibang nakakapasok sa kwarto ko bukod kay Nanay Meling kapag naglilinis siya pero itong tatlong 'to ay talagang sabay-sabay pang sumugod dito. God, this would be a long night.


***

"One, two, three, seven, nine, ten!" Czanelle said aloud and she looked excited when she reached ten. Pinigilan ko ang pagngiti ko dahil mukhang proud pa siya kahit na kulang-kulang ang numbers na sinabi niya. Si Jazer naman ay inulit ang pagrerecite from one to ten pero 'yong anim na numbers lang ang sinasabi ni Czanelle.

"No, Czanelle. Pagkatapos ng three ay four, five, six. Saka mo lang sasabihin ang seven. Did you get that?" mahinahong tanong ni Jazer at tumango naman si Czanelle. "Sige nga."

"One, two, three . . ." Tumingin siya kay Jazer. "Seven, nine, ten!" she said while giggling while Jazer looked frustrated. I knew it. This kid was messing up with him. Hah! Serves him right!

Ilang minuto pa silang gano'n lang ang ginagawa pero dahil gabi na ay pinatigil na siya ni Jazer. Doon din namin napansin na nakatulog na pala si Clark sa kama ko at sakto namang kumatok si Nanay Meling. Kinuha niya si Clark at pinasunod niya rin si Czanelle para matulog na.

"O, kayong dalawa, kumain na rin kayo," sabi niya naman saka tuluyang lumabas.

Agad naman akong tumayo habang si Jazer ay niligpit ang mga kalat na ginawa ng dalawa sa kwarto ko. Maglalakad na sana ako pero napatigil ako nang biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko, international call.

I was hesitant to answer it at first but maybe it's an emergency so I answered it immediately.

"Hello? Chloe?" When I heard my Mom's voice calling my name, it felt weird. Hindi naman ako nagsalita. "I'm glad you answered it. I just want to know if Czanelle and Clark are doing fine. I'm quite worried."

"Yeah," maikli kong sagot at kahit hindi ko nakikita ay alam kong napangiti siya dahil sa pagbuntong-hininga niya.

"That's good."

Hindi ko alam kung bakit pero may iba na naman akong naramdaman. I know I might sound childish but I was waiting for something else. I wanted to hear those words but I didn't. Hindi ko alam kung bakit pero parang may sariling isip ang bibig ko at nasabi ko pa rin 'yon.

"Ako ba? Hindi mo kukumustahin?" I whispered and I cursed myself for saying those words.

In-end ko kaagad ang tawag dahil sa katangahang sinabi ko . . . at dahil natatakot akong marinig ang isasagot niya. I felt a lump in my throat and tears were threatening to come out of my eyes. Suddenly, the light in my room went out and that was when my tears fell. Doon ko rin narealize na nasa kwarto ko pa si Jazer kaya pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.

"Huwag kang mag-alala, wala akong nakita," sabi niya saka niya isinara ang pinto ng kwarto ko at doon ako tuluyang umiyak.


***

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 57.2K 42
Kingdom University Series, Book #4 || Learning from this guy is not as easy as I thought it would be.
7th Unit By Ann Lee

Teen Fiction

6.4M 142K 42
Standalone novel || Lyka thought she'd have a better school life in college, but it was way too different from what she had imagined. She already got...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...